You are on page 1of 11

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at Larawan
ng mga Guro

CATALINO, Erica M. MENDOZA, Trisha Joy R.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan Heading Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan

Kasanayang 14.3 Naipaliliwanag na:


Pampagkatuto
a. Ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng
DLC (No. & Statement) pagsali sa fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong
pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa
sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Ang pagmamahal na ito sa
kapwa ay may kaakibat na katarungan – ang pagbibigay sa kapwa
ng nararapat sa kanya (ang kanyang dignidad bilang tao.)

Dulog o Approach PNU-ACES | Values Clarification

Panlahat na Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


(Objectives)
C- Pangkabatiran:
DLC
Nakahihinuha ng mga paraan kung paano makaiiwas sa anumang uri ng
karahasan sa paaralan.

A- Pandamdamin:

Naisasabalikat ang pananagutang maigalang at maprotektahan ang sarili,


kapwa, at buhay mula sa anumang karahasan sa paaralan.

B- Saykomotor:
Nakabubuo ng adbokasiyang naghihikayat ng pag-iwas sa anumang uri ng
karahasan sa paaralan.

Paksa o Topic Pag-iwas sa Karahasan tungo sa Makatarungang Pakikipagkapwa


Inaasahang
Pagpapahalaga Respeto sa Karapatang Pantao

(Value to be developed)

Nahuhubog ang respeto sa karapatang pantao kung nakikita at nabibigyang-


Konsepto ng halaga ang dignidad ng sarili at ng ating kapwa. Ang pag-iwas na gumawa
Pagpapahalaga ng karahasan sa kapwa ay pagpapakita ng katarungan para sa buhay ng iba.
Kung kaya't mahalagang maunawaan natin kung paano natin dapat harapin
(1 to 3 Sentences) at labanan ang mga karahasan sa paaralan na lumalabag sa karapatang
pantao ng karamihan.

SANGGUNIAN 1. DepEd Regional Office IX, Zamboanga Peninsula (n.d.)


(APA 7th Edition format) Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikaapat na Markahan - Modyul 7:
(References) Karahasan sa Paaralan. Retrieved from
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2021/06/ESP8-Q4-
Modyul-7.pdf
2. Department of Education (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral. pp. 367-396. Retrieved from
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-
edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module
3. Puka, B. (n.d.) The Golden Rule. Retrieved from
https://iep.utm.edu/goldrule/
4. Just Detention International (2015), Pang-aabusong Sekswal sa
Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao.
Retrieved from https://justdetention.org/wp-
content/uploads/2015/11/International_Summary_tagalog.pdf
5. Estole, G. R. (2009). DAHAS O BATAS? Pagsusuri sa
Pamamaraan ng Pagtugon ng Awtoridad sa Karahasan sa
mga Kababaihan. Retrieved from
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/536

MGA KAGAMITAN ● Laptop


(Materials) ● PowerPoint Presentation

PANLINANG NA Pamamaraan/Strategy: Voting Questions Technology


GAWAIN Integration
(Motivation) Panuto: Paiikutin ng guro ang roletang naglalaman ng
mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon at Image Picker
pakikitungo ng mga tao sa iba. Pindutin ang thumbs up Wheel
kung sa tingin mong tama ang gawain na ipinakikita
sa larawang napili ng roleta at thumbs down naman Website Link:
kung hindi. https://pickerwheel.co
m/tools/random-
image-generator/
Mga Tanong:

1. Base sa iyong mga nakitang larawan, nasaksihan mo


rin ba ang mga sitwasyong ito sa loob ng iyong
paaralan?

2. Sa mga larawang nag-thumbs up ka, bakit mo ito


nasabing tamang pakikitungo sa kapwa?

3. Sa mga larawang nag-thumbs down ka, bakit mo ito


nasabing maling pakikitungo sa kapwa?

PANGUNAHING Dulog o Approach: Values Clarification Technology


GAWAIN Integration
(Activity) Pamamaraan/Strategy: In-depth Self-analysis
Exercise Online Bingo
Card through
Panuto: Gamit ang canva link na ibabahagi ng guro, Shared Canva
markahan ang ‘Online BINGO Card’ batay sa iyong
palagay kung anong paraan, kaugalian at kilos ang Link:
maaaring maging daan para makaiwas sa karahasan. https://www.canva.com/
Kapag nakabuo ka ng markang patayo (vertical), design/DAEvWAQk4w
g/share/preview?token=
pahilis (slant) o pahiga (horizontal) na linya sa iyong 6_2oOspm44_l5FEkHx
card, ikaw ay BINGO na! BmqQ&role=EDITOR
&utm_content=DAEvW
AQk4wg&utm_campaig
Halimbawa: n=designshare&utm_me
dium=link&utm_source
=sharebutton
MGA KATANUNGAN 1. Anong mga uri ng karahasan sa paaralan ang Technology
(Analysis) kadalasan mong nakikita? (Maaaring sa sarili Integration
mong paaralan, o nakita sa social media,
C-A-B balita, atbp.) (C) PowerPoint
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan Presentation
ang mga karahasan sa paaralan? (C)
3. Bakit mahalagang maiwasan ang anumang uri
ng karahasan? (A)
4. Bilang isang kamag-aral, bakit mo kailangang
matulungan ang iyong kaklase na naging
biktima ng karahasan? (A)
5. Ano ang maaari mong gawing hakbang upang
matulungan mo na makaiwas sa paggawa ng
karahasan ang iyong kamag-aral? (B)
6. Paano ka magiging kabahagi sa pagsugpo ng
karahasan sa loob at labas ng iyong paaralan?
(B)

PAGTATALAKAY Balangkas (Outline) Technology


(Abstraction) Integration
Karahasan sa Paaralan - Ito ay ang mga kilos na
lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon, PowerPoint
paggalang sa kapwa, at humahadlang sa layunin ng Presentation
paaralan na maging ligtas na institusyon.

Mga Karaniwang Uri ng Karahasan sa Paaralan:


1. Pambubulas o Bullying
2. Pagsali sa mga Gang at Fraternity
3. Pagnanakaw
4. Pagdadala o paggamit ng ipinagbabawal na
gamot
5. Pang-aabusong Sekswal
6. Vandalism
7. Pagdadala ng mga nakakasakit o
nakamamatay na bagay

Apat na antas kung saan at paano maaaring


malabanan o maiwasan ang karahasan:

1. Lipunan
2. Paaralan
3. Tahanan
4. Indibidwal (Kapwa at Sarili)

Nilalaman (Content)

Ang paaralan ay itinuturing na isang institusyong may


layunin na mabigyan ng konkretong pundasyon at
kaalaman ang mga mag-aaral sa gabay ng kanilang
mga guro, ngunit ito ay isa ring institusyon na
naghihikayat at humahasa sa mga mag-aaral sa aspeto
ng kanilang pakikipag-ugnayan sa iba o
pakikipagkapwa sa kabila ng mga pagkakaiba.

Subalit sa pagdaan ng panahon, ang imahe ng


institusyong ito ay unti-unting nabahiran ng iba’t
ibang karahasan na malinaw na lumalabag sa
karapatan at paggalang sa kapwa. Ilan sa mga uri ng
karahasan na kadalasan ay nangyayari sa loob ng
paaralan ay ang mga sumusunod:

1. Pambubulas o bullying - Ito ay isang


sinasadya at madalas na pagtatangka ng isang
tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan
ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan,
maaari itong gawin ng pasalita, sosyal o
relasyonal, o pisikal na pambubulas. Ang
hindi pantay na lakas o kapangyarihan sa
pagitan ng mga tao ang madalas na dahilan
kung bakit ito nagaganap.
2. Pagsali sa Gang o Fraternity - Ito ay ang
kagustuhan na makilahok sa mga pangkat na
mayroong intensyon na makagawa ng
masamang gawain o krimen at gumagamit ng
karahasan o intimidation sa pagsasagawa nito.
3. Pagnanakaw - Ito ay intensiyonal na pagkuha
ng isang bagay o gamit nang walang
pahintulot mula sa taong nagmamay-ari nito.
4. Pagdadala o paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot - Ito ay kalimitang
ginagawa nang patago sa iba't ibang sulok ng
paaralan. Ang mga gamot na ito ay ilegal at
mapanganib sa kalusugan ng isang tao.
5. Pang-aabusong Sekswal - Ito ay ang
pangmomolestiya at panghahalay sa isang tao
na kadalasa'y walang kakayahan na lumaban
sa pamimilit na ginagawa ng taong
nangmomolestiya.
6. Vandalism - Ito ay isang sinasadyang aksyon
ng pang-aabuso at paninira sa ibang tao sa
pamamagitan ng paggawa ng graffiti o
basurang sining na kadalasa'y sinusulat sa
mga haligi o pintuan ng isang silid-aralan at
palikuran, o maaari ring isulat sa mga bagay
na nasa loob ng silid-aralan gaya ng mga
upuan, pisara, at kung saan pa.
7. Pagdadala ng mga nakasasakit o
nakamamatay na bagay - Ito ay ang
pagpupuslit o sapilitang pagpapasok ng mga
bagay o armas na maaaring maging banta sa
kaligtasan ng mga taong nasa paaralan.
Karaniwan sa mga ito ay patalim at baril.

Tunay ngang patuloy na humaharap sa mabibigat na


suliranin ang marami sa mga paaralan dulot ng iba't
ibang uri ng mga karahasang nangyayari sa loob nito.
Kung kaya't kinakailangan din ang agaran at
malawakang pagkilos upang tuluyan itong masugpo,
at muling gawing ligtas at puno ng respeto ang
institusyong ito para sa bawat isa. Ayon sa mga pag-
aaral, mayroong apat (4) na antas kung saan at
paanong paraan maaaring malabanan at maiwasan ang
karahasan, at ito ay sa mga sumusunod:

1. Lipunan - Sa lahat ng antas, ito ang


pinakamahirap na maipatupad at
kinakailangan ng mahabang panahon
sapagkat ito ay nakatuon sa pagbabagong
maaaring gawin sa aspeto ng sosyal at kultural
upang mabawasan ang mga nagaganap na
karahasan. Halimbawa na nito ay ang
pagsasagawa at mahigpit na pagtupad ng mga
batas na maaaring tumugon sa mga
nakararanas ng karahasan, at sumugpo sa mga
gumagawa ng dahas.

2. Paaralan - Ang antas pampaaralan ay


nakadisenyong baguhin ang kalagayan sa loob
nito sa pamamagitan ng pagsasaayos at
pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase, at
wasto at sapat na pamamatnubay ng guro sa
bawat mag-aaral. Kinakailangang bumuo ng
mga programa o aktibidad na magtuturo sa
bawat mag-aaral ng tama, mabuti at
makatarungang pakikitungo sa kapwa. Ang
mga programa ay maaari ring ukol sa
pagtugon sa pangangailangang atensiyon at
gabay lalo na ng mga mag-aaral na gumagawa
ng dahas sa kanyang kapwa.

3. Tahanan - Malaki ang bahagi ng antas


pantahanan upang masugpo ang karahasan sa
mga paaralan sapagkat kadalasang dahilan ng
mga mag-aaral na gumagawa ng dahas sa
kanilang kamag-aral ay dahil sa kakulangan sa
gabay ng mga magulang o kaya nama'y dulot
ng mga mabibigat na problemang
pinagdaraanan ng kanilang pamilya. Higit na
mabisa ang pagsasagawa ng mga programang
naglalayon na pagtibayin ang ugnayan at
relasyon sa loob ng pamilya upang hindi
magresulta ang mga anak sa paggawa ng
dahas sa kanilang kapwa.

4. Indibidwal (Kapwa at Sarili) - Sa lahat ng


antas ay ito ang itinuturing na pinakamahalaga
at dapat lalong bigyan ng pansin sapagkat ang
pagmamahal sa sarili ay tulay upang
matanggap rin ng buo ang ating kapwa, at
maiwasan ang paggawa ng dahas sa kanila.
Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
paggalang sa sarili ang pinakamatibay na
sandata upang maiwasan na masangkot sa
anumang karahasan sa paaralan. Kapag
natutunan nating pahalagahan ang ating sarili
at ang ating buhay, mas magiging madali rin
para sa atin na makita ang halaga ng pagkatao
at buhay ng ating kapwa – mahalin sila, mag-
alala at maging sensitibo sa kanilang
pinagdaraanan, bigyan ng lakas ng loob,
makinig, suportahan, at magbahagi ng
kasiyahan. Lagi nating tandaan na:

a. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan


upang maging ganap ang pagmamahal na
inilalaan. Hindi ito naghihintay nang
anumang kapalit bagkus ay ginagawa dahil ito
ang tama at nakabubuti para sa lahat.
b. Ang pagmamahal sa kapwa ay
nangangahulugan din ng pag-unawa sa
kanya. Tanggapin mo ang kabuuan ng
kanyang pagkatao anuman ang kanyang
pinagdaraanan sa buhay, at naisin mo lagi ang
mga bagay na ikauunlad niya.
c. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat
na katarungan. Ibigay mo lagi ang nararapat
sa iyong kapwa at paggalang sa dignidad niya
bilang isang tao.

PAGLALAPAT Pamamaraan/Strategy: Unfinished Sentences Technology


(Application) Integration
Panuto: Gamit ang link ng Canva na ibabahagi ng
guro, sa loob ng walong (8) minuto, punan ang mga Digital Slogan
patlang ng anumang nais ninyong maging hakbang through Shared
bilang pakikiisa sa pagsugpo ng karahasan sa paaralan. Canva Template
I-download ang iyong nagawa at i-post ito sa iyong
facebook account. Link:
https://www.canva.com/
design/DAEvV2-
Pahayag sa Digital Slogan: AWBk/share/preview?to
ken=ABvkkRLMioMZb
A6Vf-
WaTA&role=EDITOR
&utm_content=DAEvV
2-
AWBk&utm_campaign
=designshare&utm_med
ium=link&utm_source=
sharebutton

PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: Technology


(Evaluation/ Assessment) Matching Type, Binary-Choice, at Sanaysay Integration

A. Matching Type (Bilang 1-5) Powerpoint


Presentation
Panuto: Piliin sa Hanay B ang binibigyang-
kahulugan sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Ito ay ang pagkuha a. Vandalism


ng isang bagay na b. Pangmamaliit
hindi mo pag-aari c. Sekswal na
nang walang pang-aabuso
pahintulot. d. Pagnanakaw
2. Ito ay pangkat ng e. Gang
mga tao na may f. Pambubulas
intensiyong g. Tambay
makagawa ng mga
bagay na ilegal,
masama, o krimen.
3. Ito ay isang gawain
upang siraan at
saktan ang isang
tao sa pamamagitan
ng paglikha ng
masasamang graffiti
sa mga haligi
ng paaralan o sa
mga bagay na
mayroon sa mga
silid-aralan.
4. Ito ay ang sadyang
pagtatangka na
saktan ang isang tao,
sa pisikal man o
emosyonal dahil
itinuturing siyang
mahina at walang
kakayahang lumaban.
5. Ito ay ang pwersahan
o sapilitang pagpapagawa
ng sekswal na gawain sa
isang tao.

B. Tama o Mali (Bilang 6-10)

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung


ang pahayag ay nagsasaad ng paraan at kilos sa pag-
iwas sa karahasan at MALI naman kung hindi. .

1. Ang pagmamahal at paggalang sa sarili ay


isa sa mga paraang upang makaiwas sa karahasan sa
paaralan.

2. Ang pakikisali sa asaran bilang katuwaan


ay nagpapakita ng magandang halimbawa ng
pagkakaroon ng magandang relasyon sa iyong kapwa.

3. Ang maayos na pamamatnubay ng guro sa


bawat magaaral ay nakatutulong upang makaiwas sa
gulo o karahasan.

4. Ang pagkakaroon ng magandang relasyon


sa loob ng pamilya ay nakakaapekto sa kilos at pag-
uugali ng isang tao, resulta upang siya ay gumawa ng
tama at mabuti sa kapwa.

5. Ang pakikilahok sa gang o fraternity ay


paraan upang ikaw ay makaiwas sa gulo.

C. Sanaysay (5 puntos)

Panuto: Gamit ang mga gabay na tanong, sumulat ng


isang sanaysay na may 3 hanggang 5 na pangungusap
base sa iyong natutunan sa talakayan.

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano nakatutulong ang pagkilala at
paggalang sa sarili upang maiwasan ang
paggawa ng karahasan sa kapwa?
2. Paano nagkakaroon ng katarungan ang
pagmamahal sa kapwa? Ipaliwanag.

Mga Kasagutan:

A. Matching Type (Bilang 1-5)

1. D
2. E
3. A
4. F
5. C

B. Tama o Mali (Bilang 6-10)

6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Mali.

C. Sanaysay (5 puntos)

Nakatutulong ang pagkilala at paggalang sa sarili


upang maiwasan ang paggawa ng karahasan sa kapwa
sa pamamagitan ng pagtingin at pagturing sa iba bilang
ating katulad at kaisa. Kung paano natin nais
pahalagahan at protektahan ang ating sarili ay
gayundin ang nanaisin natin sa ating kapwa kung
kaya’t mapapalayo tayo sa posibilidad na gawan sila
ng anumang dahas. Sa tuwing pinipili nating tanggapin
at mahalin ang ating kapwa ng buo at walang halong
pangmamaliit o pang-aabuso, pinatutunayan na rin
natin na pinahahalagahan natin ang kanyang dignidad
at siya’y karapat-dapat na irespeto o igalang. Ang
ating pakikipagkapwa ay tunay na nagiging
makatarungan sa ganitong mga sitwasyon dahil hindi
natin nakikita ang halaga ng isang tao base sa kanyang
anyo, lakas, o abilidad bagkus ay minamahal natin sila
at tinatanggap dahil ito ang dapat na gawin sa bawat
indibidwal.

TAKDANG-ARALIN Panuto: Mangalap ng iba't ibang batas sa Pilipinas na Technology


(Assignment) ipinatutupad at tumutugon sa mga karahasan sa Integration
paaralan, pamayanan at social media. Basahin at suriin
ang uri ng karahasan at ang mga karampatang parusa Powerpoint
nito. Presentation

Pagtatapos na Gawain Pamamaraan/Strategy: Unfinished Sentence Technology


(Closing Activity) Integration
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba ayon sa
isinasaad ng Golden Rule at ipaliwanag ito ayon sa Scanning of QR
iyong natutunan sa talakayan. Codes containing
motivational
"Huwag mong gawin sa kapwa mo quotes related to
." the topic

Laging isaisip na ang sarili at ang kapwa ay parehong Website Link:


dapat bigyan ng respeto, paggalang, at pagmamahal. https://app.qr-code-
Bawat isa sa atin ay mahalaga at may halaga. generator.com/create/
new/?accountActivate
d=1

Link:https://drive.google.com/file/d/1zmkEr6NApg_4Mp
n-Rry58xOgbF9wl7oV/view?usp=sharing

You might also like