You are on page 1of 11

1

Isang Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Nilikha nina
(Buendicho, Maria Eloisa; Coner, Mergien; Migano, Thea Adriene )
(BVE 3-12)
(Pebrero, 17 2022)

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan Baitang 10
Heading
IKATLONG MARKAHAN

Kasanayang EsP10PB-IIIc-10.1
Pampagkatuto
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng paggalang sa buhay
DLC (No. &
Statement)
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C- Pangkabatiran: nakapagbibigay-diin na ang paggalang sa


Panlahat na buhay ay mahalaga;
Layunin
(Objectives) A- Pandamdamin: nakapagpapahalaga sa buhay ng iba sa
DLC pamamagitan ng paggalang sa kapwa; at

B- Saykomotor: nakagagawa ng mga aksyon na nagpapamalas ng


paggalang sa buhay.

PAKSA
Paggalang sa Buhay
(TOPIC)

1. Andrew, C. (2021, August 08). ESP Grade 10 Module 10. Ang paggalang sa
buhay. Pinakabagong balita sa kung paano makakamit ang kabutihang panlahat.
SANGGUNIAN
(APA 7 th Edition Retrieved
format) https://ph.kienthuccuatoi.com/esp-grade-10-module-10-ang-paggalang-sa-buha
(References) y-melc-pinakabagong-balita-tungkol-sa-paano-makakamit-ang-kabutihang-panl
ahat/
2. Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Gabay sa pagtuturo Yunit 4. Retrieved from
https://www.academia.edu/38276195/EsP10_TG_U4_pdf
2

3. K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao. Baitang 1-10.


(2016). p. 143. Retrieved from
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf
4. Pastrano, S.J. Modyul 13: Mga isyung moral tungkol sa buhay. Retrieved from
https://pdfslide.net/education/module-13-esp-10.html
5. Ressus, C. (2017, March 06). Modyul 13: Mga isyong moral tungkol sa buhay.
Retrieved from
https://prezi.com/1yceijuziwxx/modyul-13mga-isyung-moral-tungkol-sa-buhay
/
Technology
Laptop Integration
Youtube (https://www.youtube.com/watch?v=YP_oHoZ992M)
Storyjumper (https://www.youtube.com/watch?v=YP_oHoZ992M)
Prezi (https://prezi.com/view/gKGPv44vWKADVxevvdV2/)
Canva
(https://www.canva.com/design/DAE4my2oYko/share/preview?tok
en=ee-uPMiNGVnJsuu4T5fvDQ&role=EDITOR&utm_content=D
AE4my2oYko&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&
utm_source=sharebutton)
MGA
Jamboard
KAGAMITAN
(https://jamboard.google.com/d/1YyzYY_HR3m7k7W4MoyihfEu
(Materials)
nSkEoST159d2w-TmO8eE/edit?usp=sharing)
Google Forms
(https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScbIz0X0pUlqzLUEo
DGAOnmLTz1rY96YxPpcRhAQdxzkal9Qw/viewform?usp=sf_lin
k)
Google Slide
(https://docs.google.com/presentation/d/1ykJt-xKzg4orX8n0d7xTG
JWXCDeuhoBFBGwnyMGIuAU/edit?usp=sharing)
PicMaker
(https://app.picmaker.com/design/5kXK1Vbb1G7zCzCm/)

Pamamaraan/Strategy: Video Analysis App used:


Youtube
Panuto: Manunuod ang mga mag-aaral ng balita patungkol sa
PANLINANG
pagtaas ng mga kaso ng nagpapakamatay sa panahon ng pandemya Link:
NA GAWAIN
sa Pilipinas. Pagkatapos ay susuriin ng mga mag-aaral ang bidyo sa https://www.yout
(Elicit
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: ube.com/watch?
Pre-Assessment)
v=YP_oHoZ992
Mga Tanong: M
3

1. Bakit tumaas ng 25.7% ang kaso ng mga nagpapatiwakal sa


bansa nitong nakaraang taon?

2. Ano ang iyong opinyon sa akto ng pagpapakamatay?

3. Sa paanong paraan mo mapapahalagahan ang iyong buhay?

Dulog o Approach: Moral Development App used:


Storyjumper
Pamamaraan/Strategy: Moral Dilemma
Link:
Panuto: Ang guro ay magbibigay ng tekstong nagpapakita ng isa sa https://www.stor
mga pangunahing isyung may kinalaman sa paggalang sa buhay. yjumper.com/bo
Susuriin ng mga mag-aaral ang isyung ibinigay ng guro. ok/read/1257058
Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang itanong ang 42/620e46947bb
kanilang saloobin sa nasabing isyu. f5
Sitwasyon:

Talamak ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa lugar nila


Manuelito. Nang mamatay ang kanyang ama ay at nalubog silang
mag-ina sa utang, kung kaya naisipang magbenta ng
ipinagbabawal na gamot ng kanyang ina. Ito ang nagsilbing
PANGUNAHIN
pangtutustos nila sa mga utang at araw-araw na pangangailangan.
G GAWAIN
(Engage Bagama’t lubhang hindi sang-ayon si Manuelito sa gawain ng
Motivate) kanyang ina, pinangakuan siya nito na titigil sa pagbenta kapag
nabayaran na ang kanilang mga utang. Hanggang sa nalulong ang
kanyang ina sa ipinagbabawal na gamot. Nanghina ang
kalusugan ng ina ni Manuelito at lalo silang nalubog sa kanilang
mga pinagkaka-utangan. Hindi na mawari ni Manuelito kung
saan siya kukuha ng pambayad sa kanilang mga utang at
pampagamot sa kanyang ina. Sa edad na trese anyos, ay wala rin
siyang mapasukang trabaho. Isang araw, isa sa mga
pinagkaka-utangan at supplier ng droga ng kanyang ina ang
dumating at nagtangkang saktan ang kanyang ina. Nagmakaawa
ang binata kung kaya inalok siya ng trabaho ng naturingang
supplier. Magbebenta siya ng droga kapalit ng pagkakalaya nila
ng kanyang ina sa kanilang utang.
4

1. Mula sa nabasang teksto, ano ang isyu na kinakaharap ni App used:


Prezi
Manuelito? (C)
2. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Manuelito, ano ang naiisip Link:
mong gawin? (A) https://prezi.com
3. Pipiliin mo ba ang pagbenta ng droga upang mailigtas ang iyong /view/gKGPv44v
MGA
KATANUNGAN ina? (A) WKADVxevvdV
(Explore) 4. Pipiliin mo ba ang magbenta ng ipinagbabawal na gamot kahit 2/
C-A-B
alam mong maari rin itong makasama sa buhay ng iba? (A)
5. Anong bagay ang iyong pinapahalagahan sa iyong napiling
gawin? (A)
6. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa iyong buhay at sa
buhay ng iyong kapwa? (B)

App used:
Balangkas ( Outline) Canva
1. Kahalagahan ng buhay
2. Mga Isyu Tungkol sa Paglabag sa Buhay Link:
a. Ang paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot - Droga https://www.can
b. Alkoholismo at Paninigarilyo va.com/design/D
c. Aborsiyon AE4my2oYko/sh
○ Kusa (Miscarriage) are/preview?toke
○ Sapilitan (Induced) n=ee-uPMiNGV
d. Pagpapatiwakal (suicide) nJsuu4T5fvDQ&
e. Euthanasia (Mercy Killing) role=EDITOR&
PAGTATALAKA
utm_content=D
Y Nilalaman (Content)
1. Kahalagahan ng buhay.
AE4my2oYko&
(Explain)
utm_campaign=
Ang buhay ng tao ay kaloob ng Diyos. Tayo ay may taglay na
designshare&ut
talino at kakayahang mag-isip. Itinuturing ang mga tao bilang
m_medium=link
may pinakamataas na antas ng buhay sa mga nilikha ng Diyos.
&utm_source=sh
Huwag nating sayangin ang biyayang ito. Gumawa tayo ng arebutton
mabuti sa kapwa at pahalagahan ang buhay ng iba kagaya ng
pagpapahalaga natin sa buhay natin. Diyos lamang ang may
karapatang bawiin ito. Sa kabila nito, may mga umiiral na maling
pamamaraan na nagdudulot ng pagkasira ng buhay. Narito ang
mga isyu tungkol sa paglabag sa buhay.
2. Mga Isyu Tungkol sa Paglabag sa Buhay
a. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot - droga
5

Ito ay isang paglabag sa buhay dahil ang paggamit nito


ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng
isang tao. Isa sa mga epekto nito ay hindi makapag isip
ng tama at ang pagdepende sa gamot na maaaring
magtulak sa isang tao upang makagawa ng krimen. Hindi
lamang ito nakakaapekto sa tamang pag-iisip kundi pati
sa kalusugan.
b. Alkoholismo at Paninigarilyo
Sumunod ang alkoholismo at paninigarilyo. Ang
paulit-ulit na pagkonsumo ng isang tao ay magiging
depende na nito. Ilan sa mga epekto ng alkoholismo ay
ang pagkawala ng kontrol sa sarili, pagiging magagalitin
at dahas na pananalita na maaaring mag-umpisa ng away.
Huwag kakalimutan na ang alak at sigarilyo ay may
masamang epekto sa katawan natin tulad ng pagkakaroon
ng malubhang sakit na maaaring ikamatay natin.
c. Aborsiyon
Sumunod ay ang aborsiyon. Isa ito sa mga isyu sa
paglabag na mahalag dahil may kinalaman ito sa moral at
integridad ng tao. Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay ang
pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
● Kusa (miscarriage) - Aborsiyon na natural at
walang prosesong naganap. Nangyayari ito sa
mga magulang kapag hindi kaya ng katawan o
may sakit ang dinadala.
● Sapilitan (induced) - Aborsiyon na may
prosesong naganap. Sa madaling salita,
kagustuhan ng ina.
d. Pagpapatiwakal (suicide)
Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa kaniyang
sariling buhay. Ito ay itinuturing na paglabag sa buhay
dahil Diyos lamang ang may karapatang bawiin ang
ipinagkaloob Niya. May iba’t ibang pinagdadaanan man
ang bawat isa, kahit kailan hindi magiging solusyon ang
pagpapatiwakal.
e. Euthanaisa (mercy killing)
Panghuli ay ang euthanasia. Ito ay isang proseso nang
paggamit ng gamot o medisina na nagpapadali sa
kamatayan ng isang pasyente na may malubhang
karamdaman nang sa gayon ay hindi na sila magdusa pa.

Tandaan
6

Ang mga maling gawain na ito na maaaring makasira sa buhay niya at ng


iba ay malinaw na paglabag sa sa paggalang sa buhay. Pahalagahan natin
ang buhay natin at igalang ang buhay ng iba.
Pamamaraan/Strategy: Moral Dilemma App Used:

Panuto: Ipapangkat ang buong klase sa lima. Bawat grupo ay Jamboard


magkakaroon ng diskusyon patungkol sa nakaatas na isyu tungkol sa
paglabag sa buhay gamit ang website na Jamboard. Pipili sila ng Link:
papanigang posisyon kung sang-ayon o hindi sa isyung natapat para sa
kanila. Iprepresenta ang magiging sagot sa harapan ng buong klase sa https://jamboard.
loob ng tatlo hanggang limang minuto. google.com/d/1Y
yzYY_HR3m7k
7W4MoyihfEun
SkEoST159d2w-
PUNTOS TmO8eE/edit?us
PAMANT PUNTOS p=sharing
AYAN 5 3 1 NA
NAKUHA

Pagkaka-or Mahusay Katamtama Kulang sa


ganisa ng ang n ang husay husay ang
Presentasy pagkakaayo ng pagkakaayo
on s ng mga pagkakaayo s ng mga
pangungusa s ng mga pangungusa
PAGLALAPAT p at pangungusa p at hindi
(Elaborate) nasasaklaw p at nasasaklaw
an ng buong nasasaklaw an ng buong
presentasyo an ng buong presentasyo
n ang presentasyo n ang
argumento. n ang argumento.
argumento.

Argumento Nakapagbig Nakapagbig Nakapagbig


ay ng higit ay ng ay ng isang
sa tatlong dalawang makatotoha
makatotoha makatotoha nang
nang nang ebidensya
ebidensya ebidensya na
na na sumusuport
sumusuport sumusuport a sa
a sa a sa argumenton
argumenton argumenton g ipinrisenta
g ipinrisenta g ipinrisenta ng bawat
ng bawat ng bawat patungkol
patungkol patungkol patungkol
patungkol patungkol sa isyung:
sa isyung: sa isyung:
7

a. paggamit
a. paggamit a. paggamit ng
ng ng pinagbabaw
pinagbabaw pinagbabaw al na droga
al na droga al na droga
b.
b. b. alkoholismo
alkoholismo alkoholismo at
at at paninigarily
paninigarily paninigarily o
o o
c. aborsiyon
c. aborsiyon c. aborsiyon
d.
d. d. pagpapatiw
pagpapatiw pagpapatiw akal
akal akal
3.
e. e. euthanasia
euthanasia euthanasia

Mapanghik Mahusay Katamtama Kulang sa


ayat magsalita at n ang husay husay
nakukumbi magsalita at magsalita at
nsi ang nakukumbi nakukumbi
buong nsi ang nsi ang iilan
klase. kalahati sa sa klase.
klase.

TOTAL NA PUNTOS /15

Mga Uri ng Pagsusulit: Multiple-choice, Matching type, Maikling App used:


sanaysay (essay) Google form

A. Multiple-choice Link:
https://docs.goog
PAGSUSULIT Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng le.com/forms/d/e
(Evaluation/ pinakatamang sagot. /1FAIpQLScbIz0
Assessment)
1. Bakit dapat pahalagahan ang buhay ng tao?
X0pUlqzLUEoD
GAOnmLTz1rY
a. Ito ay kaloob ng Diyos at Siya lamang ang may
96YxPpcRhAQd
karapatang bawiin ito.
xzkal9Qw/viewf
b. Ito ang magdadala sa atin upang makamit ang ating mga
orm?usp=sf_link
pangarap at mithiin sa buhay.
8

c. Dapat pahalagahan ang buhay bilang paggalang sa bawat


nilalang ng Diyos.
d. Dapat pahalagahan ang buhay dahil ito ang magliligtas sa
atin sa mga kasalanang nagawa natin sa buhay.
2. Nagkakasiyahan ang magkakaibigang sila Anna at Flora kasama
ang tropa nila sa kanilang outing nang maglabas ng alak ang
kanyang kaibigan. Inaya nitong uminom si Flora. Pagkalipas ng
ilang oras, naramdaman niyang nahihilo na siya at naiihi kaya
nagpasama ito sa banyo kay Anna. Pagkarating nila sa loob,
biglang nasuka si Flora kaya naman pagkatapos ay dumiretso na
sila sa kwarto upang matulog. Kinabukasan, sobrang sakit ng ulo
niya at sumama rin ang pakiramdam niya. Sa tingin mo ba, tama
ang ginawa ni Flora?
a. Tama, dahil bahagi lamang ito ng kanilang
pagsasamahan.
b. Mali, ipinagsawalang bahala niya ang kanyang
pagkahilo.
c. Tama, hindi naman malala ang kanyang naramdaman ng
oras na iyon.
d. Mali, napa sobra ang kanyang pag-inom na naging
dahilan ng pagsama ng kanyang pakiramdam.
3. Nalaman ng pamilya ni Anthony na umakyat na sa stage 4 lung
cancer ang malubhang sakit nito. Sinabihan ng doktor ang
kanyang mga magulang na anim na buwan na lamang kanyang
itatagal sa mundo. Ang buong pag-asa ni Anthony ay gagaling
siya dahil ito ang parating sinasabi ng kanyang mga magulang.
Noong kausapin ang mga magulang ng doktor, pinayuhan sila na
kailangan nilang magpasya kung ano ang mangyayari kay
Anthony. Kung ikaw ang mga magulang ni Anthony, ano ang
iyong magiging pasya?
a. Kakausapin namin siya at magiging totoo sa kanyang
kalagayan nang sa gayon ay may alam siya sa kanyang
sitwasyon bago magpasya.
b. Ipagpapatuloy namin ang pag-aalaga sa kanya at
mananatili sa kanyang tabi tanda ng pagmamahal ng
isang magulang dahil habang buhay siya ay may pag-asa.
c. Papayag kami na gamitan siya ng euthanasia dahil ayaw
na naming mahirapan pa siya sa kanyang iniindang
malubhang sakit.
d. Malaki na ang aming nagagastos at naipagbenta na namin
ang aming ilang ari-arian kaya gagamitan na namin siya
ng euthanasia.
9

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


paglabag sa buhay ng tao?
a. Isang-araw inalok si Myra ng kanyang matalik na
kaibigan na sumubok gumamit ng ipinagbabawal na
gamot upang makalimutan ang mga patong-patong
niyang problema ngunit tinanggihan niya ito.
b. Unang beses dumalo ni Elena sa isang pagdiriwang ng
kaarawan na hindi niya kasama ang kanyang mga
magulang. Sa kanilang grupo, siya lang hindi umiinom
dahil naniniwala siyang masama ito sa kalusugan kahit
pa minsan lang.
c. Gabi-gabi lumalabas ang magkakaibigang sina Mark
upang mag kasiyahan at uminom hanggang madaling
araw.
d. Inaya si Kai ng kanyang kaibigan na si Lui upang
tumambay sa likod ng paaralan nila. Hindi niya alam na
pumunta pala ito para lamang manigarilyo. Inabutan siya
ni Lui ng isang stick ngunit hindi niya tinanggap.
5. Nagpunta sa doktor si Luna dahil ilang araw na siyang nagsusuka
at masama ang pakiramdam. Nalaman niyang isang 3 buwan na
pala siyang buntis. Pagkatapos pumunta sa doktor nakipagkita
siya sa kanyang katipan na si Mikee upang sabihin ang kanyang
sitwasyon. Labing-anim na taong gulang pa lamang sila at bago
pa lamang na magkarelasyon. Nang sabihin niya ito kay Mikee
ay sinabihan siyang ipalaglag ang bata kundi ay hihiwalayan siya
nito. Isa pa nag-aaral pa sila at walang kakayahang buhayin ito.
Humingi ng payo si Luna sa kanyang kaibigan na si Atria dahil
balak niyang sundin ang sinabi ni Mikee. Kung ikaw si Atria,
anong payo ang ibibigay mo kay Luna?
a. Susuportahan ko siya at sasabihin na ano man ang
maging desisyon niya, nasa tabi niya lang ako.
b. Tatanungin ko siya kung ano ang tunay niyang
nararamdaman at papayuhan na kahit ano man ang
maging desisyon niya ay tama ito.
c. Sasabihan ko siya na ipalaglag ang bata at hiwalayan si
Mikee dahil sa walang kwentang sinabi nito.
d. Sasabihin ko sa kanya na huwag niyang ipalaglag ang
bata, kausapin ang kanyang mga magulang at panindigan
ang nagawa nila na Mikee.

B. Matching type
10

Panuto: Tukuyin kung anong depinisyon sa paglabag sa buhay ang


nakatala sa Hanay A. Piliin ang sagot mula sa Hanay B at isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

________6.Ito ay paglabag sa buhay na a. Abor


ginagamitan ng gamot o medisina sa isang siyon
proseso na nagpapadali sa kamatayan ng
pasyenteng malubhang karamdaman.

________7. Ilan sa mga epekto nito ay ang b. Alko


pagkawala ng kontrol sa sarili, pagiging holis
magagalitin at dahas na pananalita na mo
maaaring mag-umpisa ng away

________8.Ang paglabag na ito sa buhay ay c. Eutha


ang sadyang pagkitil ng isang tao sa kaniyang nasia
sariling buhay.

________9. Ito ay ang pag-alis ng fetus o d. Pagga


sanggol sa sinapupunan ng ina. mit ng
ipinag
baba
wal
na
gamot

________10. Isa sa mga epekto nito ay ang e. Pagp


pagdepende sa gamot na maaaring magtulak apati
sa isang tao upang makagawa ng krimen. waka
l

f. Panin
igaril
yo

C. Sanaysay

Panuto: Basahin at unawain ang katanugan. Sagutin ito sa loob ng lima


hanggang sampung pangungusap.

1. Ano ang iyong ginagawa upang mapahalagahan ang iyong buhay


at mga buhay ng tao sa iyong paligid?.
11

Susi sa Pagwawasto:
A.
1. A
2. D
3. B
4. C
5. D
B.
6. C
7. B
8. E
9. A
10. D
Panuto: Reflective Journal App used:
Google Slides
Panuto: Isusulat ng mga mag-aaral sa kanilang journal ang mga
naging repleksyon nila patungkol sa paggalang sa buhay. Gawing Link:
gabay ang mga sumusunod na tanong: Paggalang…
TAKDANG-AR
ALIN 1. Ano ang inyong natutunan sa aralin patungkol sa
(Extend/Assignme paggalang sa buhay?
nt)
2. Ano ang iyong naramdaman o nagging damdamin habang
tinatalakay ang aralin?

3. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa iyong buhay


at ng iyong kapwa?

Pamamaraan/Strategy: Modeling App used:


Picmaker
Panuto: Sabay sabay bibigkasin ng mga estudyante ang panata ng
pagpapahalaga sa buhay.
Link:
Ako si (sabihin ang pangalan at edad). Mula sa baitang sampu (sabihin
Pagtatapos na ang pangkat), nangangako na papahalagahan ang aking buhay sapagkat https://app.picma
Gawain ito ay ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Mamahalin ko ito ng buo at ker.com/design/5
(Closing Activity) igagalang dahil ako ay nilikha ng Diyos sa kaniyang imahe. Gagawa ako kXK1Vbb1G7zC
ng mabuti sa kapwa at pahalagahan ang buhay ng iba kagaya ng zCm/
pagpapahalaga sa aking buhay. Ang Diyos lamang ang may karapatang
bawiin ito.

You might also like