You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO SA EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
Doña Rosario High School Baitang: 8
Guro: G. Rongie A. de los Santos Ika-apat na Markahan
Petsa: January 31, 2020
UNANG ARAW
I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto
tungkol sa sekswalidad ng tao.
B. Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang tamang kilos tungo sa paghahangad sa
susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang
bokasyon na mag-mahal.
C. Batayang Konsepto: Naisasagawa ang tamang kilos bilang paghahanda sa susunod na yugto ng
buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.
D. Mga Layuning Pampagkatuto:
13.1 Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad.
13.2 Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad
E. Mga Layunin
A. Nakakikilala ng lubusan kung ano ang sekwalidad.
B. Nagugunita ng mga mag-aaral kung ano ang mga nakaraan nilang napakinggan at napanuod
sa telibisyon patungkol sa isyung patungkol sekwalidad.
C. Nahihinuha ng mga mag-aaral ang patungkol sa birtud ng pagmaamhal.
D. Nakagagawa ng mga hakbang ang mga mag-aaral kung paano nila matututunan ang
sekswalidad ng may bukas na isipan para hindi magkamali sa mga desisyong hindi
karapatdapat gawin ng isang kabataan at kung paano iwasan ang mga makamundong palabas
at babasahin para makaiwas sa posibleng mangyare pag sila ay nadala ng kanilang emosyon.
II. NILALAMAN
Modyul 13: Ang Sekwalidad ng Tao
Kagamitang Panturo: Chalk, white board marker, biswal, TV at Power Point Presentation
Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng ESP 8, Paghina 114-122
Edukasyon sa Pagpapakatao-Modyul para sa Mag-aaral
Grade 8, Pahina 335-366
III. Pamamaraan:
A. Balik-Aral
 Ilahad ang mga mahahalagang aral na natutunan sa huling markahan (2nd grading).
 Gamit ang ika-apat na bahagi ng papel na may pangalan ng bawat mag-aaral, magtatawag ang
guro ng ilang mag-aaral na magsisilbing “recitation” sa araw ng talakayan.
B. Paghahanda sa Layunin ng Bagong Aralin
 Babasahin ng mga mag-aaral ang mga layunin para sa talakayan ngayong araw.
 Pagpapakita sa mga mag-aaral ng mga larawan ng dalawang kabataan (daalaga at binata).
Tanong: Tukuyin kung ano-ano ang mga iba’t ibang pagbabago na nagaganap sa inyong sarili
bilang magiging binata at dalaga na kayo.

Hal. 1. Pagkakaroon ng adams apple ng mga lalaki.


2. Paglaki ng dibdib ng mga babae.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
 Pagtataong sa mga mag-aaral kung sino na sa mga ito ang may “crush”?
Pagsagot sa tanong na: Ano ang ginagawa niyo kapag nakikita niyo ang crush niyo?
Ano ang ginagawa niyo kapag bilang lumapit ang crush mo at kinausap ka?
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
TALAKAYAN: 1. Teenage Pregnancy 2. Pornograpiya
 Pagpapakita ng mga larawan patungkol sa teenage pregnancy

 Pornograpiya

 Pagpapanuod sa mga mag-aaral ng short video clip

E. Paglinang ng Kabihasaan (tungo sa Formative Assessment)


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. May kakilala ka ba na isang batang ina o ama? Batay sa iyong obserbasyon at namamasid sa
kanila, nanaisin mo ba ang maging isang batang ina o ama? Bakit?
2. Bilang isang kabataan, paano ka makaiiwas sa pagiging batang ina o ama? Magbigay ng ilang
paraan.
3. Paano pinababa ng pornograpiya ang dignidad ng tao? Ipaliwanag.
4. Bilang isang kabatan paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili laban sa mga midyang
nagpapalaganap ng pornograpiya? Magbigay ng ilang mga paraan.
PANGKATANG GAWAIN
 Pangkat I: Tula ko to!
Panuto: Sumulat ng isang maikling tula tungkol sa pagiging batang ina o batang ama.
 Pangkat II: Kantahan Tayo!
Panuto: Mag-isip ng isang awitin na ang mensahearal ng pagiging batang ina o batang
ama.
 Pangkat III: Sine Mo to!
Panuto: Mag-isip ng isang senaryo sa loob ng klase na nagpapakita ng kung paano
iiwasan ng isang kabataang babae o lalaki ang pornograpiya.
 Pangkat IV: Poster ko to!
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng kabataang mas pinili ang mga
mabuting gawi kaysa sa panunuod o pagbabasa ng malalaswa.
 Pangkat V: Share ko lang!
Panuto: Sumulat ng isang slogan patungkol sa aral na natutunan sa teenage pregnancy at
phornograpiya.

PAMANTAYAN
a. Nilalaman at Kaisahan 50%
b. Pagkamalikhain 30%
c. Kahusayan sa pag-uulat 20%
Kabuuan 100%

Panuto sa pagbibigay ng marka: Pangkat I – Pangkat II


Pangkat II – Pangkat III
Pangkat III – Pangkat IV
Pangkat IV – Pangkat V
Pangkat V – Pangkat I
F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na pamumuhay
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na babasahin mula sa Pro-Life Philippines (Pilar et. al., 2005).
Pahina 349 at pumili ng isang talata na maaaring gamitin na caption sa is among larawan na ipopost
sa facebook at sagutin ang tanong na: Batay sa babasahing ito, ano ang kahulugan ng pagiging
responsible, kaugnay ng seksuwalidad?

IKALAWANG ARAW

G. Paglalahad ng Aralin
Pagpapalalim
 Seksuwalidad
 Ang Seksuwalidad Ng Tao
 Ang Sex Drive O Libido
 Ang Pupet Love
 Ang Paggamit Sa Kapwa At Pagmamahal
 Ang Kalinisang Puri At Pagmamahal
 Ang Pagmamahal Ay Mapabuklod
 Ang Pagmamahal Ay Isang Birtud
H. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na pamumuhay
ANG AKING NEW YEAR’S RESOLUTION
Panuto: Magtala ng mga Gawain na maarig isasagawa sa buong taon bilang paghahanda mo sa
pagganap mo sa bikasyon sa pagmamahal kapag ikw ay ganap na binate o dalaga na. pahina 365.
I. Paglalahat ng Aralin
Batayang Konsepto:
1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
J. Pagtataya ng Aralin
Sanaysay
Pannuto: Magsuat ng isang sanaysay patungkol sa aral na iyong natutunan patungkol sa “Ang
Sekwalidad ng Tao”.
K. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin/remediation
Panuto: Maghanap ng isang balita o editorial patungkol sa sekwalidad na tinalakay sa klase maaring
galling sa internet o kaya sa dyaryo at magazine idikitit ito sa short bond paper at sumulat ng
reaksyon patungkol dito.
IV. MGA TALA
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________ .
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng ibang Gawain para sa remediation
C. Nakatulong baa ng remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratihiya ng pagtuturo ang naktulong ng lubis? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punong guro at
supervisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko guro?

Inihanda ni: Ipinasa kay:

RONGIE A. DE LOS SANTOS MILANNE M. MANAOG


Teacher I. Chairman, EsP Dept.

Biigyang pansin ni:

GRACE A TARIMAN, Ph. D.


Principal IV.

You might also like