You are on page 1of 20

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 8

Ikaapat na Markahan
Heading
Mollena, Arabella
Pol, Irish Dianne
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa
Pangnilalaman sekswalidad ng Tao.
(Content Standard)
Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang tamang kilos tungo sa
Pagganap paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at
(Performance nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na
Standard) magmahal
Kasanayang
Pampagkatuto 13.2. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang
DLC (No. & pananaw sa sekswalidad (EsP8-III-13.2).
Statement)
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Pangkabatiran:
Mga Layunin Nakapagsisiyasat ng mga napapanahong isyu ayon sa
(Objectives) tamang pananaw sa sekswalidad;

DLC No. & Statement: b. Pandamdamin:


13.2. Nasusuri ang Nakabubuo ng tumpak na pasya gamit ang kritikal na
ilang napapanahong
isyu ayon sa tamang
pag-iisip tungkol sa mga napapanahong isyu pang-
pananaw sa sekswalidad;
sekswalidad
c. Saykomotor:
Nakagagawa ng plano na makatutulong sa pag-iwas sa
mga napapanahong isyu pang-sekswalidad.
Paksa (Topic)
Napapanahong Isyu sa Sekswalidad
DLC No. & Statement:
13.2. Nasusuri ang
ilang napapanahong
isyu ayon sa tamang
pananaw sa
sekswalidad
2

Pagpapahalaga Critical Thinking/Kritikal na Pag-iisip (Intellectual Dimension)


(Value to be developed
and its dimension)

1. ABS-CBN News. (2019, December 8). Dr. Ongoco-


Perez talks about teenage pregnancies | Salamat Dok
[Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=ozxp3PzZDiw
2. Moleiro, C. (2015). Sexual orientation and gender
identity: review of concepts, controversies and their
relation to psychopathology classification systems.
Frontiers.
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2015.0
1511/full
3. Oaks, P. D., Holland, E. J., Faust, P. J., Clayton, E. L., &
Sanggunian Reeves, L. (n.d.). Pornograpiya.
https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel
(Six 6 varied -topics/pornography?lang=tgl
references) 4. PH sees dramatic decline in teen childbearing | UP
Population Institute. (2022, October 13). UP Population
(APA 7th Edition Institute. https://www.uppi.upd.edu.ph/news/2022/PH-
format) sees-dramatic-decline-in-teen-childbearing
5. Shrestha, R. B. (2019, September 6). Premarital Sexual
Behaviour and its Impact on Health among Adolescents |
Journal of Health Promotion. Premarital Sexual
Behaviour and Its Impact on Health Among Adolescents |
Journal of Health
Promotion.https://www.nepjol.info/index.php/jhp/article/
view/25496#:~:text=Unwanted%20pregnancy%2C
%20teenage%20pregnancy%2C%20abortion,premarital
%20sexual%20behaviour%20among%20adolescents.
6. The Weight of Words: Effects of Body Shaming on
Mental Health. (2022, March 11). Mind Shift.
https://www.mindshiftwellnesscenter.com/the-weight-of-
words-effects-of-body-shaming-on-mental-health/

Mga Kagamitan ● Projector


(Materials) ● Laptop
● Speaker
Complete and
in bullet form

Pangalan at
Larawan ng Guro Pol, Irish Dianne

(Formal picture
with collar)
3

Panlinang Na Stratehiya: Familiarize the Image Technology


Gawain Integration
(Motivation) Panuto: Subukang kilalanin ang mga
ipakikitang larawan. App/Tool:
DLC No. & Statement:
13.2. Nasusuri ang - Susubukang kilalanin ng mga Link:
ilang napapanahong mag-aaral ang mga sumusunod na
isyu ayon sa tamang imaheng ipakikita ng guro.
pananaw sa
Note:
Inaasahang masasagot ang bawat
sekswalidad
imahe sa loob ng sampu (10) Picture:
hanggang labing limang (15)
segundo ang bawat isa.
- Itataas ng estudyante ang kamay
kung nais nitong sumagot.
- Ang mga larawan na ipakikita ay
ang mga sumusunod:

Mga Tanong:

1. Pamilyar ka ba sa mga imahe


na ipinakita?
2. Ano ang iyong ideya sa ibig
sabihin o sinisimbolo ng mga
larawang ipinakita?
3. Sa iyong palagay, bakit ginawa
ang mga ito? (MTRCB & R18
4

symbols)
Dulog: Value Clarification & Value
Inculcation Technology
Integration
Stratehiya: Video Analysis
App/Tool:
Panuto:
Link:
- Ang mga mag-aaral ay manonood
at susuri ng isang video na Note:
Pangunahing ipanonood ng guro tungkol sa
Gawain interview ng isang Gynecologist Picture:
(ACTIVITY) ukol sa tumataas na bilang ng
teenage pregnancy. Kung sa
DLC No. & Statement: anong edad ang angkop na
13.2. Nasusuri ang magbuntis ang isang babae at mga
ilang napapanahong kahihinatnan kung maagang
isyu ayon sa tamang magbubuntis.
pananaw sa - Pagkatapos mapanood ang video,
sekswalidad magbibigay ng mga katanungan
ang guro na ipo-proseso at
sasagutin ng mga mag-aaral.
- Ang video na ipanonood ng guro
ay matatagpuan sa link na ito:

https://www.youtube.com/watch?
v=ozxp3PzZDiw

Mga Katanungan Technology


(ANALYSIS) Integration
1. Sa anong edad puwede nang
DLC No. & Statement: mabuntis ang isang babae? - C App/Tool:
13.2. Nasusuri ang
ilang napapanahong 2. Sa anong edad ang Link:
isyu ayon sa tamang
pananaw sa inirerekomenda ng doktor na
sekswalidad Note:
mabuntis ang isang babae? - C
(Classify if it is C-A-B 3. Ano ang mga epekto ng Picture:
after each question)
pagbubuntis nang maaga? - C
4. Nang malaman mo ang maaring
maging epekto ng pagbubuntis
nang maaga, ano ang iyong
5

naramdaman para sa mga


kabataan na nakaranas o
nakararanas nito? - A
5. Sa iyong palagay, sa paanong
paraan maiiwasan ang
pagbubuntis nang maaga? - A
6. Bilang isang mag-aaral, anong
hakbang ang maari mong gawin
upang mahikayat ang iyong
kapwa o mga kaibigan na hindi
mabuntis nang maaga? - B

Pangalan at
Larawan ng Guro
Mollena, Arabella B.
(Formal picture
with collar)

Pagtatalakay Outline Technology


(ABSTRACTION) 1. Tamang Pananaw sa Integration
Napapanahong Isyu sa
DLC No. & Statement: Sekswalidad App/Tool:
13.2. Nasusuri ang ● Mga Isyung
ilang napapanahong
Pangsekswalidad Link:
isyu ayon sa tamang
pananaw sa ● Epekto ng mga Isyu sa
sekswalidad Sekswalidad Note:

Pangkabatiran Mga Nilalaman Picture:


Cognitive Obj: 1. Mga Napapanahong Isyu ukol
Nakapagsisiyasat ng sa Sekswalidad
mga napapanahong
isyu ayon sa tamang Sa patuloy na paglipas ng panahon ay
pananaw sa patuloy ding nagbabago ang pananaw ng
sekswalidad. mga tao ukol sa sekswalidad. Kalakip ng
pagbabagong ito ang paglitaw ng iba’t
ibang napapanahong isyung may
kaugnayan sa sekswalidad. Ang mga
isyung ito ay kailangang maibahagi sa
mga kabataan upang mamulat sila at
magkaroon ng tamang pananaw sa
6

usaping may kinalaman sa sekswalidad.

Narito ang ilang halimbawa ng mga


napapanahong pansekswalidad na isyu:
● Pornograpiya o malalaswang
babasahin at palabas
- Ito ay tumutukoy sa mga
bagay na naglalayong
pukawin ang sekswal na
pandamdamin ng isang
indibidwal. Maaari itong
makita sa iba’t ibang klase
ng materyal tulad ng
litrato, pelikula,
elektronikong imahe,
video game, post sa social
media, app sa telepono,
website, and iba pang
bagay na naglalaman ng
maseselang paksa na may
kinalaman sa sekswalidad.
● Pre-marital sex
- Ito ay may kinalaman sa
dalawang indibidwal na
hindi pa handa sa
maaaring resulta ng mga
gawaing sekswal at hindi
pa kasal ngunit patuloy na
nakikibahagi sa isang
gawaing sekswal o
pakikipagtalik.
- Ito ay nakaaapekto sa
kalusugan ng isip at iba
pang hindi kaaya-ayang
epekto sa kalusugan tulad
na lamang ng pagkakaroon
ng sexually transmitted
disease o STD at teenage
pregnancy.
● Teenage Pregnancy
- Ang teenage pregnancy ay
tumutukoy sa hindi
inaasahang pagbubuntis ng
isang babae na nasa
murang edad. Ito ay bunga
ng maling pagpapasiya.
7

- Ilan sa mga epekto nito ay


komplikasyon sa
kalusugan ng batang ina at
anak, pangsikolohiyang
epekto katulad ng labis na
kahihiyan at takot sa
pagharap sa responsibilad
na hatid ng teenage
pregnancy, at epekto sa
isipan na maaaring
magtulak sa kanila sa
biglaang pagdedesisyon na
magdudulot ng
kapahamakan tulad na
lamang ng aborsyon.

● Aborsyon
- Ito ay proseso ng
pagpapalaglag o
pagtatanggal ng fetus mula
sa uterus ng isang babae,
at ang resulta nito ay ang
pagtatapos ng kanyang
pagbubuntis.
- Ang aborsyon ay
itinuturing na isang krimen
sa Pilipinas dahil
natatapakan nito ang
karapatang pantao ng
sanggol sa sinapupunan
upang makibahagi sa
mundo at mamuhay nang
malaya.
- Ito rin ay maaring
makaapekto sa kalusugan
ng isang babae.
● Sexually Transmitted Diseases
(STDs)
- Ito ay tumutukoy sa mga
sakit na nakukuha sa
pakikipagtalik at maaring
maipasa sa pamamagitan
ng dugo, semen o
anumang likido na
inilalabas ng isang
indibidwal.
8

- May mga kaso na


nakukuha ang STD mula
sa panghahalay.
- Ito ay maaaring
makaapekto sa pagtingin
ng isang tao sa kanyang
sarili bunga ng perspektibo
ng ibang tao sa isyung
panlipunang ito.
● Oryentasyong Sekswal
-Ito ay may kinalaman sa
nararamdaman ng isang
indibidwal na nakabatay sa
malalim na pagtinging
apeksyonal, emosyonal, at
sekswal at malalim na
pakikipagrelasyon sa taong
katulad o iba ng kanyang kasarian,
at taong may higit pang isang
kasarian.

Ang sekswal na oryentasyon ay


mauuri sa dalawa:
- Heterosexual
- kinabibilangan ng mga
taong nakararamdam ng
pagkagusto sa isang taong
miyembro ng kabilang
kasarian.
- halimbawa, sekswal na
pagnanasa ng isang likas
na babae sa isang likas na
lalaki at sekswal na
pagnanasa ng isang likas
na babae sa isang likas na
lalaki.
- Homosexual
- kinabibilangan ng mga
taong nagkakagusto sa
isang taong kapareho nila
ng kasarian.
- Halimbawa, pagnanasang
sekswal ng isang babae sa
babae o pagnanasang
sekswal ng isang lalaki sa
lalaki.
9

Ngunit bukod sa lalaki at babae na


nakikilala sa kanilang pagkakaroon ng
bahagi ng katawan na kanilang natamo
nang sila ay ipinanganak (sex), mayroon
ding mga indibidwal na kabilang sa iba
pang uri ng oryentasyong sekswal. Sila ay
nakikilala bilang LGBTQIA:
- Lesbian (tomboy)
- mga taong
ipinanganak na
babae ngunit may
kilos at
pandamdaming
panlalaki; mga
babaeng
nagkakagusto sa
kapwa babae
- Gay (bakla)
- mga likas na
lalaki ngunit
kumikilos at
nagdadamit na tila
babae; mga
lalaking may gusto
sa kapwa lalaki
- Bisexual
- mga babae at
lalaking
nagkakagusto sa
dalawang kasarian
- Transgender
- mga taong
naniniwala na ang
kanyang katawan
at pag-iisip ay
hindi tugma
- Queer
- mga taong hindi
pa sigurado sa
kanilang sekswal
na pagkakakilanlan
- Intersex
- mga taong
ipinanganak na
may reproductive o
10

sekswal na
anatomy ng hindi
tugma sa
katangiang
pambabae o
panlalaki.
- halimbawa, kita
sa kanyang tindig
ang pagiging babae
ngunit siya ay
ipinanganak na
lalaki
- Asexual
- mga taong hindi
nagkakagusto sa
mga taong kabilang
sa anumang uri ng
kasarian
● Gender Identity
- Ang gender ay may
kinalaman sa gawi, kilos,
at pag-uugali ng isang
indibidwal na
naglalarawan kung ano
ang kanyang kasarian,
babae o lalaki, Sa kabilang
banda, ito ay nagdudulot
role confusion o kalituhan
ng isang indibidwal ukol
sa kanyang tunay na
pagkakakilanlan.
- Ang gender identity naman
tumutukoy sa isang
malalim na damdamin at
personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao
na pwedeng tugma o hindi
sa kanyang sex nang siya
ay ipinanganak.
- Kabilang sa gender
identity ang personal na
pagtingin sa sariling
katawan at iba pang
ekspresyon na may
kinalaman sa kasarian, pati
na rin ang pananamit,
11

pagsasalita, at pagkilos.
-Kaakibat nito ang pag-
unawa sa gender equality
na tumutukoy sa
pagkakaroon ng pantay-
pantay na karapatan at
tungkuling panlipunan.
Halibawa, noon ay
pinaniniwalaan na ang
pag-aaral ay para lamang
sa mga lalaki at ang mga
babae ay para lamang sa
mga gawaing bahay.
Ngunit ang kasalukuyang
perspektibo ay naniniwala
sa gender equality kung
saan ang babae at lalaki ay
parehong may oportunidad
upang gawin ang mga
bagay-bagay na angkop sa
kanilang interes.
● Body Shaming
- Ito ay may kinalaman sa
panlalait at pagpapahiya sa
isang tao dahil sa hubog ng
kanyang katawan.
- Madalas itong mangyari sa
social media. Halimbawa,
pagtawa sa isang litrato ng
tao dahil sa hubog ng
kanyang katawan.
- Ang pagiging mataba at
payat ay parehong
kinukutya ng tao, ngunit
hindi naman ito ang
basehan ng kagandahan ng
isang tao. Nasa kabutihang
loob pa rin ang tunay na
kagandahan, kung kaya’y
hindi dapat pagtawanan at
ikahiya ang anumang
hubog ng katawan.

2. Epekto ng mga Isyu sa Sekswalidad

Narito ang mga maaaring maging bunga


12

ng mga isyu sa sekswalidad:

Pornograpiya:
Panghahalay
● Sa patuloy na paglaganap
ng mga ganitong bagay sa
internet at iba pang uri ng
komunikasyon ay unti-unti
ring nabubuksan ang
isipan ng mga kabataan
ukol dito at ito ay
maaaring magtulak sa
kanila para makibahagi sa
mga hindi normal
aktibidad pansekswal
katulad na lamang ng
panghahalay.
Pang-aabuso sa Sarili
● Ang pornograpiya ay isang
isyu na dapat pakatutukan
sapagkat naghahatid ito ng
problema sa lipunan na
nauuwi sa pang-aabuso sa
nakararami pati na rin sa
sarili.
● Ayon sa mga pag-aaral,
nakararamdam ng labis na
kasiyahan o pansekswal na
nararamdaman (sex drive)
na nagdudulot ng pang-
aabuso sa sarili (self-
masturbation), hindi
normal na pakikipagtalik,
at teenage pregnancy ang
mga taong patuloy at
matagal nang tumangkilik
sa pornograpiya. Ang mga
ganitong epekto ng
pornograpiya ay talamak
sa mga kabataan na hindi
pa handa ang isipan at
katawan sa mga gawaing
pansekswal.
Pre-marital Sex:
● Ito ay nakaaapekto sa
kalusugan ng isip at iba
13

pang hindi kaaya-ayang


epekto sa kalusugan tulad
na lamang ng pagkakaroon
ng sexually transmitted
disease o STD at teenage
pregnancy.

Maliban sa STD at teenage pregnancy,


ang pre-marital sex ay may epekto rin sa
sikolohikal na aspeto ng isang tao.
Maaring makadama ng pagsisisi,
pagkawala ng respeto sa sarili, kawalan
ng pag-asa at suporta mula sa pamilya,
adiksyon at pwede ring pagpapakamatay
(Shrestha, 2019).

Teenage Pregnancy:
● Ilan sa mga epekto nito ay
komplikasyon sa
kalusugan ng batang ina at
anak, pangsikolohiyang
epekto katulad ng labis na
kahihiyan at takot sa
pagharap sa
responsibilidad na hatid ng
teenage pregnancy, at
epekto sa isipan na
maaaring magtulak sa
kanila sa biglaang
pagdedesisyon na
magdudulot ng
kapahamakan tulad na
lamang ng aborsyon.

Mahigit kumulang 386,000 o 6.8% na


pilipinong babae, edad 15 at 19 ang may
anak na (UPPI, 2022).

Aborsyon:
● Ito ay maaaring
makaapekto sa kalusugan
ng isang babae pati na rin
sa kalusugan ng kanyang
pag-iisip.
Sexually Transmitted Disease (STD):
● Ito ay maaaring
14

makaapekto sa pagtingin
ng isang tao sa kanyang
sarili bunga ng perspektibo
ng ibang tao sa isyung
panlipunang ito.

Sexual Orientation at Gender Identity:


● Diskriminasyon at Gender
Inequality
● Pang-aabusong Pisikal at
Mental. Halimbawa na ang
pangungutya sa pisikal na
anyo at iba’t ibang
panlalait na maaring
makaapekto sa kalusugan
ng isip.
Body Shaming:
● Pagbaba ng kumpyansa sa
sarili
● Ito rin ay nagdudulot ng
pag-iwas sa mga tao dahil
sa kahihiyan (

Ang mga nabanggit ay ilang halimbawa


ng mga napapanahong isyu ukol sa
sekswalidad at ang mga maaaring epekto
nito sa isang indibidwal. Sa pamamagitan
nito ay mabubuksan ang isipan ng mga
tao lalo na ang mga kabataan ukol dito.
Ito ay magtutulak sa kanila upang mag-
isip nang kritikal at kumilos nang
naaayon sa tamang pananaw.
Paglalapat Technology
(APPLICATION) Stratehiya: Action Plan Proposal Integration

DLC No. & Statement: Panuto: App/Tool:


13.2. Nasusuri ang 1. Magbigay ng isa o higit pang
ilang napapanahong halimbawa ng isyung pang- Link:
isyu ayon sa tamang sekswalidad na iyong napapansin
pananaw sa
sa inyong komunidad o barangay. Note:
sekswalidad
2. Magbigay ng tig-dalawang
simpleng aksyon sa bawat isyu na Picture:
Saykomotor/ maaari mong gawin upang
Psychomotor Obj: maiwasan ang (mga) isyung ito.
Nakagagawa ng 3. Isulat sa isang kalahating papel at
plano na ipasa sa guro.
15

makatutulong sa 4. Mayroon lamang tatlo hanggang


pag-iwas sa mga limang minuto upang matapos ang
napapanahong isyu gawaing ito.
pang-sekswalidad.
Pagsusulit
(ASSESSMENT) A. Multiple Choice (1-5) Technology
Panuto: Basahin at unawaing Integration
DLC No. & Statement:
mabuti ang mga sitwasyon at mga
13.2. Nasusuri ang App/Tool:
ilang napapanahong katanungang kalakip nito.
isyu ayon sa tamang Tukuyin ang pinaka-angkop na Link:
pananaw sa sagot at isulat ang titik nito sa
sekswalidad
sagutang papel. Note:
Pangkabatiran
Cognitive Obj: 1. Sa patuloy na pag-usbong ng iba’t Picture:
Nakapagsisiyasat ng ibang uri ng komunikasyon,
mga napapanahong patuloy din na napadadali ang
isyu ayon sa tamang
pag-access sa iba’t ibang materyal
pananaw sa
sekswalidad. o website na naglalaman ng mga
maseselang paksa. Alin sa mga
sumusunod na isyung pansekswal
ang tumutukoy sa bagay na may
maseselang paksa?
a. Body Shaming
b. Pornograpiya
c. Pre-marital sex
d. Teenage Pregnancy
2. Si Aya ay nabuntis sa murang
edad at alam niya sa kanyang
sarili na hindi siya handa para rito.
Nang sabihin niya sa kanyang
kasintahan na siya ay buntis, bigla
itong nagalit at sinabing hindi siya
ang ama nito. Pagkalipas ng ilang
araw ay hindi na nagpakita pa ang
lalaki. Anong isyung
pangsekswalidad ang maaaring
kahantungan ni Aya?
a. Aborsyon
b. Pre-marital Sex
c. Sexually Transmitted
Disease o STD
16

d. Teenage Pregnancy
3. Sina Bella, Ella, Era, at Samantha
ay bahagi ng LGBTQIA+
community. Base sa mga
sitwasyon sa ibaba, sino sa kanila
ang nabibilang sa sekswal na
oryentasyong bisexual?
a. Si Bella na nakakaramdam
ng atraksyon sa lalaki.
b. Si Era na na
nakakaramdam ng
atraksyon sa babae at
lalaki.
c. Si Ella na hindi
nakakaramdam ng
atraksyon sa anumang uri
ng kasarian.
d. Si Samantha na may
lalaking puso at
nakakaramdam ng
atraksyon sa kapwa babae.
4. Isang grupo ng mga kalalakihan
ang nakatambay sa tapat ng
tindahan ni Aling Nena.
Pinagtatawanan at kinukutya nila
ang anak nitong si Nene sapagkat
iba ang hubog ng kanyang
katawan. Kung ikaw ang nasa
sitwasyon ni Aling Nena, ano ang
iyong gagawin upang
maprotektahan ang iyong anak
laban sa body shaming?
a. Makikipagtawanan sa mga
ito at aasarin si Nene dahil
sa hubog ng katawan nito.
b. Paaalisin ang grupo ng
kalalakihan at sasabihang
huwag nang bumili sa
iyong tindahan.
c. Pagsasabihan ang grupo ng
17

kalalakihan na huwag
tumambay sa kanyang
tindahan kung
pagtatawanan at lalaitin
lamang ang kanyang ana
dahil sa naiibang hubog ng
katawan nito.
d. Pagsasabihan si Nene na
ayusin ang pagkain at
mag-ehersisyo para
maging maganda ang
hubog ng katawan upang
hindi na muling
makatanggap ng panlalait
at makaranas na
pagtawanan. .
5. Si Maya at Ryan ay
magkasintahang parehong labing-
anim na taong gulang. Niyaya ni
Ryan si Maya na makipagtalik sa
kanya sapagkat dito raw
mapatutunanyang mahal siya ng
dalaga. Alin sa mga sumusunod
na aksyon ang dapat gawin ni
Maya?
a. Pumayag para maipakita
ang kanyang pagmamahal
sa binata.
b. Pumayag at sabihin na
gumamit na lamang sila ng
proteksyon bago magtalik.
c. Huwag pumayag at
sabihing sa ibang araw na
lamang nila ito gawin.
d. Huwag pumayag at sabihin
na hindi pa sila handa at
ipaliwanag ang maaring
maging epekto nito.

Tamang Sagot:
18

1. b
2. c
3. b
4. d
5. a

B. Sanaysay/Essay (2)
Panuto: Basahin at unawaing
mabuti ang mga katanungan sa
ibaba. Sagutin ang mga bawat
tanong sa tatlo hanggang limang
pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Bilang isang kabataang mulat sa


social media, ano ang isyung
pangsekswalidad na madalas
makita o ma-access sa
pamamagitan nito? Ano ang
maaring epekto nito sa iyo?
2. Isa sa mga natalakay na isyung
pangsekswalidad ay ang teenage
pregnancy. Sa ngayon, bilang
isang kabataan, paano mo ito
maiiwasan?

Inaasahang sagot:

1. Ang isyung pangsekswalidad na


madalas makita o ma-access sa
iba’t ibang social media ay ang
pornograpiya. Ito ay maaaring
makita sa mga nakasulat, litrato,
bidyo, at iba’t ibang uri ng
websites na naglamaman ng mga
maseselang paksa. Kung
makikibahagi ako sa ganitong
bagay, may posibilidad na
maabuso ko ang aking katawan at
maaari rin akong makibahagi sa
19

mga hindi magandang bagay tulad


ng panghahalay.
2. Ang teenage pregnancy ay
maiiwasan ko sa pamamagitan ng
hindi pakikibahagi sa mga bagay
na maaaring magbunga ng
responsibilidad na alam kong
hindi ko pa kayang pasanin. Kung
ako naman ay nasa isang
relaasyon, hindi rin ako papayag
na makipagtalik o makibahagi sa
tinatawag na premarital sex
sapagkat alam ko sa aking sarili
na hindi pa handa ang aking
katawan at isipan para sa bagay na
ito.

Technology
Stratehiya: Creative Action Plan Integration

Panuto: App/Tool:
1. Mula sa nabuong Action Plan Link:
Proposal, ipagpapatuloy ito sa
Takdang-Aralin kani-kaniyang mga bahay. Note:
(ASSIGNMENT) 2. Pipili ang mag-aaral ng isang isyu
mula sa kaniyang itinala at Picture:
DLC No. & Statement: gagawan ito ng Creative Action
13.2. Nasusuri ang Plan.
ilang napapanahong 3. Sa pamamagitan ng isang drawing
isyu ayon sa tamang
ng hagdan, bumuo ng plano upang
pananaw sa
sekswalidad maisagawa ang aksyon na naisip
mo na makatutulong upang
maiwasan ang isyung iyong napili.
4. Malaya ka upang gawing mas
makulay o mas malikhain ang
disenyo ng hagdan at pag-presenta
ng iyong planong aksyon.
Halimbawa:
20

5. Ipapasa ang asignatura sa darating


na biyernes.

Panuto: Bilang pagtatapos na gawain, Technology


pagnilayan at sagutin ang katanungan sa Integration
ibaba:
App/Tool:
Panghuling Gawain 1. Matapos malaman ang aralin
(Closing Activity) tungkol sa mga napapanahong Link:
isyu sa sekswalidad, ano sa iyong
DLC No. & Statement: palagay ang iyong maibabahagi sa Note:
13.2. Nasusuri ang iyong kaklase o iyong kaibigan na
ilang napapanahong
sa tingin mo ay kailangan nilang Picture:
isyu ayon sa tamang
pananaw sa malaman upang hindi sila
sekswalidad masangkot sa napapanahong isyu
sa sekswalidad?
2. Magtatawag ang guro ng tatlo (3)
hanggang limang (5) estudyante
na sasagot sa tanong.

You might also like