You are on page 1of 15

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 7

Heading Ikaunang Markahan

Noel Sebastian R. Caliso


Athena Divine V. Manahan
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang
Pamantayang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata,
Pangnilalaman
talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng
(Content Standard)
pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa
Pagganap paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
(Performance (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.
Standard)
Kasanayang 1.1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa
Pampagkatuto gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
DLC (No. &
Statement)
Mga Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
(Objectives)
C - Pangkabatiran:
DLC No. & Statement: ;nakakikilala ng mga papel o gampanin sa lipunan bilang
1.1. Natutukoy ang nagbibinata’t nagdadalaga
mga pagbabago sa
kanyang sarili mula A - Pandamdamin:
sa gulang na 8 o 9 ;nakapagpapahalaga sa mga papel o gampanin sa lipunan
hanggang sa bilang nagbibinata’t nagdadalaga
kasalukuyan sa
aspetong: B - Saykomotor:
b. Pagtanggap ng ; naipapakita ang mga papel o gampanin sa lipunan ng
papel o gampanin sa isang nagbibinata’t nagdadalaga
lipunan

Paksa
(Topic) Mga Papel at Gampanin sa Lipunan sa Panahon ng Pagdadalaga
at Pagbibinata
DLC No. & Statement:
2

1.1. Natutukoy ang


mga pagbabago sa
kanyang sarili mula
sa gulang na 8 o 9
hanggang sa
kasalukuyan sa
aspetong:
b. Pagtanggap ng
papel o gampanin sa
lipunan
Pagpapahalaga Panlipunang Dimensyon
(Value to be developed Pagiging mapanagutan at responsable sa Lipunan
and its dimension)
Sanggunian
1. DepEd Tambayan (2022, March 9). Edukasyon sa
(Six 6 varied
references) Pagpapakatao 7 Unang Markahan – Modyul 1: Ako
(APA 7th Edition
format)
Ngayon •. DepEd Tambayan.

https://depedtambayan.net/edukasyon-sa-pagpapakatao-7-

unang-markahan-modyul-1-ako-ngayon/

2. Modyul 1. (n.d.). EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAOGrade7 Pinagbuhatan High School.

https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/mod

yul-1.html

3. Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan: Modyul

2: Mga Kakayahan at Kilos. (2020). Department of

Education.

https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/ES

P7_Q1_W2.pdf?

fbclid=IwAR07zCpLBxA1jFGHgy8zSgDNGzyzCuLgsF

X8NBKX-hjycBwwNmB_LG-YztQ
3

4. Batang-Bata Ka Pa. (1980). [Video]. Spotify.

https://open.spotify.com/track/4px24lN1Ddu6Y8qN6gi4

RZ?si=cd47aa3e64834c0e

Mga Kagamitan
(Materials) ● Laptop / Computer
● Internet Access
Complete and ● Online Applications (to be elaborated)
in bullet form

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Formal picture
with collar)

Caliso, Noel Sebastian R.


Panlinang Na Stratehiya: Palaro Technolog
Gawain y
(Motivation) Panuto: Isaayos sa tamang pagkakasunod-sunod Integration
ang mga imahe at pangalan upang mabuo ang
DLC No. & Statement: tamang life cycle ng isang penguin. App/Tool:

Link:

Note:

Picture:

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang iyong napansing


pagbabago sa bawat yugto ng buhay ng
isang penguin base sa mga imahe?

2. Kung ihahambing mo ang iyong edad


ngayon sa yugto ng buhay ng isang
4

penguin, sa anong yugto ka kaya


nabibilang?

3. Ano kaya sa tingin mo ang mga kayang


ng gawin ng isang young penguin o
juvenile?
Pangunahing DULOG: Values Clarification Approach
Gawain Stratehiya: Indicate degree of agreement or Technolog
(ACTIVITY) disagreement y
Integration
DLC No. & Statement: Panuto: Ang mga susunod na slides ay
nagkakalaman ng mga GIFS, katulad ng App/Tool:
halimbawa sa ibaba.
Link:
Sa inyong karanasan bilang nagdadalaga at
nagbibinata, piliin ang numerong nagrerepresenta Note:
kung gaano ka nakaka-relate sa mga susunod na
larawan na inyong makikita. Picture:
ISULAT AT TANDAAN ANG MGA
NUMERONG INYONG PINILI SA BAWAT
LARAWAN.

Mga larawan na makikita sa slides:

(Lumalayo sa magulang, naniniwalang makaluma


ang mga magulang)
5

(Karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o


pagmamahal ang tinedyer na lalaki)

(Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit


ang magulang; nagiging rebelde)

(Dumadalang ang pangangailangang makasama


ang pamilya)
6

(Nagkakaroon ng maraming kaibigan at


nababawasan ang pagiging labis na malapit sa
iisang kaibigan sa katulad na kasarian)

(Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na


kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki)

Mga Katanungan 1. Base sa iyong mga sagot sa bawat larawan, Technolog


(ANALYSIS) y
ilan sa mga ito ang pinaka nararanasan mo
Integration
DLC No. & Statement: ngayon at ano-ano ito? (C)
App/Tool:
(Classify if it is C-A-B 2. Bukod sa iyong sarili, patungkol kanino pa
after each question)
kaya ang mga pagbabagong ito na Link:
nararanasan mo? (C)
Note:
3. Sa aling larawan mo pinaka-napansin na
Picture:
mayroong malaking pagbabago sa
pakikitungo mo sa mga tao sa iyong
buhay? (A)
7

4. Mayroon na bang epekto ang mga


pagbabagong ito sa kung paano ka kumilos
bilang anak at mamayan?
5. Ano-ano kaya ang mga hakbang na maari
mong gawin upang mapaunlad at maiwasto
ang mga pagbabagong ito na nararanasan
mo? (B)
6. Sa paanong paraan mo maipapakita ang
pagtanggap sa mga pagbabagong ito na
nararanasan mo? (B)

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Formal picture
with collar)
Manahan, Athena Divine V.

Pagtatalakay Balangkas Technolog


(ABSTRACTION) y
● Apat na aspeto ng mga tao (DepEd Integration
DLC No. & Statement: Tambayan, 2020):
1.1. Natutukoy ang 1. Pangkaisipan- ito ay may App/Tool:
mga pagbabago sa koneksyon sa kung paano mag-isip,
kanyang sarili mula makaalala, makaunawa, at Link:
sa gulang na 8 o 9 makapagplano sa buhay ang isang
hanggang sa tao. Note:
kasalukuyan sa 2. Panlipunan- ito ay tungkol sa kung
aspetong: paano makisalamuha, o makitungo Picture:
b. Pagtanggap ng sa mga kasama sa bahay, sa
papel o gampanin sa kaibigan, at sa kahit sino pang
lipunan nakakasalamuha sa araw-araw
3. Pandamdamin- ito ay tumutukoy sa
Pangkabatiran nararamdaman ng tao, mabuti man
Cognitive Obj:
o maganda.
;nakakikilala ng mga
4. Moral- ito ay ang pagtitimbang ng
papel o gampanin sa
tama at mali, mabuti at masama, o
lipunan bilang
sa madaling salita, ito ang kilos ng
nagbibinata’t
tao na gumawa ng mabuti o ng
nagdadalaga
masama sa kapwa.
● Mahalagang maunawaan may mga
8

inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) na dapat tugunan at
gampanan ang mga tao sa bawat yugto ng
buhay upang malinang ang mga talento at
kakayahan at matamo ang kaayusan sa
pamayanan. May tatlong mahalagang
layunin ang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng
pagtanda ng tao:
1. Gabay- ito ay nagsisilbing gabay sa
kung ano ang inaasahan sa bawat
yugto ng buhay ng tao sa kanyang
buhay. Marapat na gawin ito nang
may gabay mula sa guro at
magulang.
2. Motibasyon- ito ay sumisilbing
panggising sa mga
nagbibinata/nagdadalaga na gawin
ang mga inaasahan sa kanya ng
lipunan.
3. Kakayahang iakma ang sarili-
natututunang iakma ang sarili sa
mga bagong hamon at sitwasyon.
Bilang resulta, naiiwasan ang stress
o hindi kaaya ayang reaksyon dahil
alam na kung ano ang dapat gawin
sa sitwasyong kinahaharap.
● Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon
ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa
panlipunang aspeto:
1. Lumalayo sa magulang;
naniniwalang makaluma ang mga
magulang
2. Ang tinedyer na lalaki ay
karaniwang ayaw magpakita ng
pagtingin o pagmamahal.
3. Karaniwang nararamdamang labis
na mahigpit ang magulang;
nagiging rebelde
4. Dumadalang ang pangangailangang
makasama ang pamilya
5. Nagkakaroon ng maraming
kaibigan at nababawasan ang
pagiging labis na malapit sa iisang
kaibigan sa katulad na kasarian.
6. Higit na nagpapakita ng interes sa
9

katapat na kasarian ang mga babae


kaysa mga lalaki.
● Pagtanggap ng papel sa lipunan na
angkop sa babae o lalaki
1. Ang mga nagdadalaga/nagbibinata
ay bumubuo ng sariling kahulugan
ng kanilang kasarian na hindi pa rin
naaalis sa kanilang kultura.

Halimbawa:
Ang lalaki ay malakas kung kaya
mabibigat na trabaho ang iniaatang
sa kanila.

Subalit hindi tama na lagyan ng


limitasyon ang kakayahan ng bawat
isa nang dahil sa kasarian. Sa tulong
at gabay ng nakatatanda, marapat
na mahubog at turuan ang mga
nagdadalaga/nagbibinata ng
kanilang papel at gampanin sa
lipunan. Isang halimbawa ay ang
pagtuturo sa mga nagbibinata na
magpakita ng kanilang tunay na
damdamin dahil kailanma’y hindi
ito sumisimbolo ng kahinaan.
● Ang bagong gampanin sa lipunan ay
nangangahulugang panibagong
responsibilidad. Ang mga
nagbibinata/nagdadalaga ay nararapat na
tanggapin ang katotohanang sa kanilang
bawat pagtanda, ang kanilang obligasyon
sa lipunan ay lumalaki. Inaasahan na hindi
lamang dapat sila nakakaalam sa
nangyayari sa lipunan bagkus ay makiisa
rin sa kung anumang proyekto mayroon
ang komunidad.

Paglalapat Technolog
(APPLICATION) Stratehiya: Pagguhit y
- Integration
DLC No. & Statement: Panuto: Magbigay ng isang halimbawa ng iyong
1.1. Natutukoy ang papel o gampanin sa lipunan sa pamamagitan ng App/Tool:
mga pagbabago sa pagguhit. Pagkatapos iguhit ay isave ito sa gdrive
kanyang sarili mula folder. Link:
sa gulang na 8 o 9
10

Halimbawa: Note:
- Isang nagdadalaga na nakikiisa sa mga
proyekto sa komunidad gaya ng Picture:
pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
-

hanggang sa
kasalukuyan sa
aspetong:
b. Pagtanggap ng
papel o gampanin sa
lipunan

Saykomotor/
Psychomotor Obj:
;naipapakita ang
Rubriks para sa paggawa ng sanaysay:
mga papel o
gampanin sa lipunan
ng isang Kaangkupan at koneksyon sa paksa (50%)
nagbibinata’t - Malinaw na naipakita ang hinihingi at
nagdadalaga kakikitaan ng koneksyon tungkol sa papel
at gampanin sa lipunan bilang nagbibinata/
nagdadalaga

Organisasyon at kalinisan (30%)


- Malinis ang at orgnasidaso ang nalikhang
sining

Pagkaorihinal (20%)
- Kakikitaan ng pagkaorihinalidad at hindi
mapapansin na kopya lamang ang ideya sa
iba

Pagsusulit
(ASSESSMENT) A. Multiple Choice (1-5) Technolog
Panuto; Basahin at unawaing mabuti ang y
DLC No. & Statement:
mga tanong at piliin kung alin ang tamang Integration
1.1. Natutukoy ang
mga pagbabago sa sagot.
App/Tool:
kanyang sarili mula 1. Dahil parte ng pagbibinata/pagdadalaga
11

sa gulang na 8 o 9 ang pagbibigay kahulugan sa kanilang kasarian, Link:


hanggang sa nakita mong nagkukulay ng buhok ang iyong
kasalukuyan sa kapwa mag-aaral. Ano ang iyong gagawin? Note:
aspetong:
b. Pagtanggap ng Picture:
papel o gampanin sa a. Isusumbong sa guro dahil ang kanilang
lipunan ginagawa ay mali
b. Hahayaan sila sapagkat parte ito ng
Pangkabatiran pagbibigay kahulugan sa kanilang kasarian.
Cognitive Obj: c. Sasali dahil gusto ko maranasan ang
;nakakikilala ng mga
maging isang ganap na dalaga
papel o gampanin sa
lipunan bilang d. Sasabihan sila sa mahinahon na boses na
nagbibinata’t may iba pang paraan para maihayag ang
nagdadalaga kanilang kasarian.

2. Nakita mong umiiyak ang kaklase mong


lalaki at pinagtatawanan pa ito ng iba mo
pang kaklase dahil para sa kanila, ang pag-
iyak ay hindi bagay sa lalaki. Ano ang
gagawin mo?

a. Pagtutuunan ko na lamang ng pansin ang


aming takdang-aralin na ipapasa mamaya
b. Hahayaan na lamang dahil away bata
lamang ito
c. Lalapitan ang umiiyak na lalaking kaklase
at sasabihin na ayos lang na umiyak sya
dahil hindi ito tanda ng pagiging mahina.
d. Aawayin ko ang mga tumatawa sa kanya at
titingnan nang masama dahil hindi tama
ang kanilang ginagawa.

3. May isang proyekto ang inyong


barangay kung saan ang bawat
mamamayan ay inaasahang makibahagi sa
clean-up drive. Ikaw ay kasalukuyang
naglalaro kasama ang iyong mga kaibigan.
Sabi ng isa mong kaibigan ay huwag na
sumali at maglaro na lamang. Susundin mo
ba ang iyong kaibigan?
a. Hindi, dahil isa ito sa aking gampanin sa
12

lipunan.
b. Oo, dahil minsan lamang ako
makapaglaro sa isang linggo.
c. Hindi, dahil magagalit sa akin si nanay
kung hindi ako sasali.
d. Oo, dahil hindi masaya sa clean-up
drive kapag wala ang aking mga
kaibigan.

4. Nakita mo sa labas ng inyong


eskwelahan na umiinom ng alak ang iyong
kaklase. Nakita ka rin niya at sinabi nya na
tumitikim lamang sya. Inalok ka rin nya ng
alak at naalala mo ang sinabi sayo ng iyong
nanay tungkol sa mga bisyo na dapat mong
iwasan. Tatanggapin mo ba ang alak o
hindi?

a. Hindi, dahil masama ang lasa nito.


b. Oo, dahil makaluma ang pag-iisip ng
aking mga magulang.
c. Hindi, dahil kahit
nagbibinata/nagdadalaga ako, hindi pa
rin tama na sumuway ako sa bilin ng
aking magulang.
d. Oo, dahil gusto ko lamang makatikim at
nakikita ko naman itong ginagawa ng
iba kong kakilala

5. Bago ka tumuntong ng sekondarya,


sinabi sayo ng iyong ama na magkakaroon
ka ng panibagong responsibilidad sa
lipunan at isa na doon ang pakikiisa sa mga
proyekto ng komunidad at paaralan.
Gagawin mo ba ang responsibilidad na ito?
a. Hindi, dahil mapapagod lamang ako
b. Oo, dahil papagalitan ako ng aking ama
c. Hindi, dahil gusto ko lamang ay mag-
aral at maglaro.
d. Oo, dahil isa ito sa paraan upang
13

makatulong sa pag-unlad ng ating


lipunan.

Tamang Sagot:
1. D
2. C
3. A
4. C
5. D

B. Sanaysay/Essay (2)
Panuto: Basahin at sagutan ang bawat
tanong ayon sa iyong natutunan.
1. Bilang nagbibinata/nagdadalaga,
ano ang iyong papel at gampanin sa
lipunan?

2. Bakit mahalagang alamin ng isang


nagbibinata/nagdadalaga ang
kanyang papel at gampanin sa
lipunan?

Inaasahang sagot:

1. Isang mahalagang papel at


gampanin ko sa lipunan ay ang
makiisa o makilahok sa mga
proyekto sa aming komunidad at
hindi limitahan ang aking
kakayahan dahil sa aking kasarian.

2. Upang maging isang aktibo at


kapakipakinabang na mamamayan
sa ating lipunan.

Rubriks para sa paggawa ng sanaysay:

Kaangkupan ng paliwanag sa paksa (50%)


- Malinaw na nasagot ang hinihingi ng mga
14

katanungan at kakikitaan ng koneksyon


tungkol sa papel at gampanin sa lipunan
bilang nagbibinata/ nagdadalaga

Organisasyon ng mga ideya (30%)


- Lohikal at maayos ang pagkakasunod
sunod ng mga ideya at gumamit din ng
transisyunal na pantulong tungo sa
kalinawan ng ideya.

Pagkabuo ng mga pangungusap, baybay,


grammar, gamit ng malaking titik, at bantas
(20%)
- Lahat ng pangungusap ay maayos na
nabuo, walang pagkakamali sa pag gamit
ng bantas, malaking titik, at pagbaybay.

Kabuuan- 100%
Takdang-Aralin Technolog
(ASSIGNMENT) Stratehiya: Timeline y
Integration
DLC No. & Statement: Ako noon, Ako ngayon, at Ako sa hinaharap
1.1. Natutukoy ang App/Tool:
mga pagbabago sa Panuto:
kanyang sarili mula Link:
sa gulang na 8 o 9 Bilang takdang-aralin, punan ng sagot ang mga
hanggang sa tanong sa loob ng timeline. Note:
kasalukuyan sa
aspetong: Pumili ng isang pagbabago patungkol sa papel o Picture:
b. Pagtanggap ng gampanin sa lipunan ng isang nagdadalaga at
papel o gampanin sa nagbibinata. Hinihikayat na iyong piliin ang
lipunan gampanin na natukoy mong mayroong malaking
pagbabago. Maari mong gamitin ang sagot mo sa
ating ‘Relate ako d’yan’ na aktibidad upang
makapili ng isang gampanin na iyong ipapakita sa
timeline.

Napiling papel o gampanin sa lipunan :


15

Ako noon Ako Ako sa


ngayon hinaharap

Ilarawan Ilarawan Ilarawan ang


ang iyong ang iyong mga hakbang na
gampaning gampanin iyong gagawin
panlipunan g upang
noong ikaw panlipuna mapaunlad
ay nasa n sa gampaning ito
taong 8 o 9 kasalukuy
ang edad

Technolog
y
Integration
Panghuling
Gawain App/Tool:
(Closing Activity)
Link:
DLC No. & Statement:
1.1. Natutukoy ang Note:
mga pagbabago sa
kanyang sarili mula Picture:
Bilang pagtatapos, ipaparinig ang parte ng Batang-
sa gulang na 8 o 9
Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society. Pagkatapos
hanggang sa
mapakinggan ang kanta, ipapaliwanag na ang
kasalukuyan sa
pagbabagong nararanasan ng mga nagdadalaga at
aspetong:
nagbibinata ay natural na proseso at kasama sa
b. Pagtanggap ng
pag-unlad ng isang indibidwal. Ngunit hindi ibig
papel o gampanin sa
sabihin na ang mga pagbabagong ito ay kailangan
lipunan
mong harapin at tuklasin nang mag-isa. Ang iyong
mga magulang at mga guro ay gagabayan ka na
mapaunlad mo ang mga pagbabago pati na rin ang
papel o gampanin mo bilang nagdadalaga at
nagbibinata.

You might also like