You are on page 1of 14

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 7

Unang Markahan
Heading
GAMEZ, JOSHUA VER M.
VILLANUEVA, DARREN EZEKIEL N.

Pamantayang
Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kanyang mga
(Content tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata.
Standard)

Pamantayan sa
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos
Pagganap
na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
(Performance
nagdadalaga/nagbibinata.
Standard)

Kasanayang
Pampagkatuto
4.1 Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin
DLC (No. & bilang nagdadalaga/nagbibinata. (EsP7PS-Ig-4.1)
Statement)

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Mga Layunin a. Pangkabatiran:


(Objectives) Nailalarawan ang mga tungkulin ng isang nagdadalaga o
nagbibinata;
4.1 Natutukoy ang
kanyang mga b. Pandamdamin:
tungkulin sa bawat
Nakababalikat ng pananagutan sa tungkulin sa lipunan
gampanin bilang
nagdadalaga/ bilang isang nagdadalaga o nagbibinata at;
nagbibinata.
(EsP7PS-Ig-4.1): c. Saykomotor:
Nakagagawa ng poster na naglalarawan sa mga tungkulin
na dapat gampanin ng isang nagdadalaga o nagbibinata.

Paksa
2

(Topic) Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga/Nagbibinata

4.1 Natutukoy ang


kanyang mga
tungkulin sa bawat
gampanin bilang
nagdadalaga/
nagbibinata.
(EsP7PS-Ig-4.1):

Pagpapahalaga
(Value to be
Personal Discipline (Moral Dimension)
developed and its
dimension)

1. K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2). (n.d.).
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-
learning-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2
2. [Discussion Post] Ito ang Ating Tungkulin sa Iba't ibang Aspeto
ng Tao at Lipunan. (2014, November 11).
https://brainly.ph/question/86033
Sanggunian 3. Modyul 4: Mga Layunin at Tungkulin ng Isang Nagdadalaga at
nagbibinata. (1970, January 1)
(Six 6 varied http://zeke7766.blogspot.com/2012/07/modyul-4-mga-
references) layunin-at-tungkulin-ng.html
4. Media influence on pre-teens and teenagers: Social media,
(APA 7th Edition movies, YouTube and apps. Raising Children Network. (2022,
format) October 12). https://raisingchildren.net.au/pre-
teens/entertainment-technology/media/media-influence-on-
teens
5. NASA. Climate change evidence: How do we know? NASA.
(2022, November 10).
https://climate.nasa.gov/evidence/#otp_evidence
6. Ang 12 Tungkulin ng Mga Kabataan sa kanilang Buhay. (n.d.).
WARBLETONCOUNCIL.
https://tl.warbletoncouncil.org/deberes-adolescentes-vidas-
3202

● Laptop
Mga ● Phone
Kagamitan ● Internet
(Materials) ● Alarm
● Colored Paper
Complete and
in bullet form
● Pen
● Pencil
3

● Color

DARREN EZEKIEL N. VILLANUEVA


Pangalan at
Larawan ng
Guro

(Formal picture
with collar)
4

Stratehiya: Hot Seat and Draw Technology


Integration
Ang Hot Seat and Draw ay isang laro na App/Tool:
karaniwang ginagawa sa klase. Hindi talaga
kasama ang pagguhit ngunit naisipan ko na isama Link:
ito upang mas maging aktibo ang klase. Ang
gagawin sa larong ito ay huhulaan nang Note:
sinumang naatasan ang iginuguhit ng kaniyang
kasosyo o partner sa laro. Huhulaan niya ito Picture:
gamit ang mga tanda o clue na ibinibigay sa
kaniya ng klase, dahil hindi niya dapat makita
ang iginuguhit na larawan. Maaaring gumamit ng
mga kasing-kahulugan, kasalungat o depinisyon
ng salita bilang mga tanda o clue.

Panuto:

1. Bubunot ang guro ng papel na


Panlinang Na naglalaman ng unang titik sa apelyido ng
Gawain mag-aaral. Kung anong mga letra ang
(Motivation) mabunot ng guro ay siyang magiging
taga-guhit at taga-hula. Kung sakaling
4.1 Natutukoy ang dalawang mag-aaral ang parehong
kanyang mga nagsisimula ang apelyido sa nabunot na
tungkulin sa bawat titik ng guro, silang dalawa ang
gampanin bilang maglalaro. Kung tatlo naman ay pipili
nagdadalaga/
nagbibinata.
lamang ng dalawa ang guro.
(EsP7PS-Ig-4.1):
2. Maaaring gumuhit sa kahit na anong
paraan upang madaling mahulaan ang
mga larawan. Siya ay guguhit sa laptop
na ipinahiram ng guro.

3. Ang manghuhula ay dapat nakatalikod sa


iginuguhit ng kaniyang kasosyo o partner.
Susubukan ng klase na ipahula ang
larawan na iginuguhit gamit ang kasing-
kahulugan, kasalungat, o depinisyon ng
salita bilang tanda o clue.

4. Gagawin ito nang dalawang beses dahil


may dalawang larawan na dapat
mahulaan sa loob lamang ng isang
minuto.
5

5. Ang mga sumusunod ang dapat mahulaan


ng mga mag-aaral:

● Papel
● Spiderman

Mga Tanong:

1. Nadalian ba kayo sa ginawa nating


aktibidad?
2. Ano ang iyong naramdaman habang
ginagawa ang aktibidad?
3. Ano sa iyong palagay ang kinalaman ng
mga bagay na pinahulaan sa ating
magiging aralin?
6

Dulog: Clarification Approach


Technology
Stratehiya: Mind Map Integration

Panuto: App/Tool:

1. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang Link:


Mind Map kung saan ang tema nito ay
ang kanilang inaasahang tungkulin na Note:
dapat gampanan.
Pangunahing Picture:
Gawain 2. Tutukuyin ng mga mag-aaral at
(ACTIVITY) ilalarawan ang kanilang mga tungkulin
base sa mga gampanin na naka-ugnay sa
4.1 Natutukoy ang tema. Narito ang mga sumusunod na
kanyang mga gagampanan:
tungkulin sa bawat
gampanin bilang
nagdadalaga/
a. Tahanan
nagbibinata. b. Anak
(EsP7PS-Ig-4.1): c. Sarili
d. Kaibigan
e. Bansa
f. Daigdig

3. Idudugtong ng mga mag-aaral ang


kanilang tungkulin sa anim na mga
inaasahang gampanin na nakakonekta sa
tema.

4. Ito ay gagawin sa short bond paper.

Mga Technology
Katanungan Integration
(ANALYSIS) 1. C - Alam mo ba ang mga tungkulin na
dapat mo gampanin? Magbigay ng tatlo. App/Tool:
4.1 Natutukoy ang 2. C - Ano sa tingin mo ang
kanyang mga pinakamahalagang tungkulin na dapat Link:
tungkulin sa bawat mong magampanan at bakit?
gampanin bilang 3. C - Sumasang-ayon ka ba na habang ikaw Note:
nagdadalaga/ ay nagdadalaga o nagbibinata ay
nagbibinata.
nadaragdagan din ang mga tungkulin mo? Picture:
(EsP7PS-Ig-4.1):
4. A - Tinatanggap mo ba ang mga
(Classify if it is C- gampanin na inaasahan sayo lalo na
A-B after each ngayon na ikaw ay nagdadalaga o
question) nagbibinata na, bakit?
7

5. A - Kapag nagagawa mo ang mga


tungkulin mo bilang isang nagdadalaga o
nagbibinata, ano ang nararamdaman mo?
6. P - Sa paanong mga paraan mo
mapapanatili ang pagganap sa iyong mga
tungkulin?

Pangalan at JOSHUA VER M. GAMEZ


Larawan ng
Guro

(Formal picture
with collar)

Outline Technology
Integration
1. Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga o
Pagtatalakay Nagbibinata App/Tool:
(ABSTRACTIO a. Sa Sarili
N) b. Bilang anak Link:
c. Bilang kapatid
4.1 Natutukoy ang d. Bilang mag-aaral Note:
kanyang mga e. Bilang mamamayan
tungkulin sa bawat
f. Bilang mananampalataya Picture:
gampanin bilang
nagdadalaga/ g. Bilang konsyumer ng media
nagbibinata. h. Bilang tagapangalaga ng kalikasan
(EsP7PS-Ig-4.1)
Mga Nilalaman
Pangkabatiran
Cognitive Obj: I. Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga o
Nagbibinata
Nailalarawan
ang mga
tungkulin ng Habang nadaragdagan ang edad ng isang
isang indibidwal, nadaragdagan din ang mga kalakip
nagdadalaga o na tungkulin nito sa kanyang paaralan, tahanan,
nagbibinata; sambahan, at pamayanang kinabibilangan.
Nahaharap ang isang indibidwal sa iba’t ibang
tungkulin na dapat nitong tuparin para sa sarili, at
bilang isang anak, kapatid, mag-aaral,
mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng
media, at tagapangalaga ng kalikasan.
8

Ang tungkulin ay laging nagsisimula sa sarili. Ito


ay nagsisilbing daan upang mahubog natin ang
ating kakayahan at talento bilang isang tao at
upang maging ganap na tao at responsableng
mamamayan. Bilang isang tinedyer, mayroong
mga bagay na nararapat mong pahalagahan at
bigyang pansin upang masabi mong tunay mong
natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili. Ito
ay ang mga sumusunod:
- Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga
Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
-Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at
Wastong Paggamit ng mga ito.
-Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
Bagamat ikaw ay hindi na maituturing na isang
bata, hindi ito nangangahulugang maari mo na
ihiwalay ang iyong sarili sa iyong pamilya.
Bilang anak, tungkulin mong pahalagahan ang
iyong pamilya, magkaroon ng ambisyon at
tuparin ito upang makaambag narin sa
pangangailangan ng pamilya. Tungkulin mong
mahalin, igalang, at pagkatiwalaan ang iyong
mga magulang at bumuo ng isang magandang
ugnayan sa kanila.

Gayon din naman sa iyong mga kapatid. Ang


magandang pakikitungo sa iyong mga kapatid ay
makakatulong upang matuto kang makitungo ng
maayos sa iyong kapwa. Tungkulin mong mag
bigay respeto at paggalang sa mas nakakatanda at
maging magandang halimbawa o huwarang
kapatid.

Bilang isang mag-aaral na kasalukuyang nasa


hayskul, nararapat mong malaman kung gaano
mo pinahahalagahan ang pag-aaral.Tungkulin
mong pag-igihan ang iyong pag-aaral at
magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto.
Pataasin ang mga marka at gamitin ang
kakayahan sa pakikipagtalastasan upang
maipagyaman ang iyong kakayahan sa pag-iisip.
9

Bilang isang indibidwal na


nagdadalaga/nagbibinata, may tungkulin ka na
maging aktibong kasapi ng pamayanan at
makilahok sa mga proyekto na makabubuti para
sa kapakanan nito. Kaakibat nito ang
pagkakaroon ng magandang samahan kabilang
ang iyong kapitbahay at mga kasamahan sa
barangay na iyong kinabibilangan.

Para naman sa iyong tungkulin bilang isang


mananampalataya, hindi hinihingi ang lahat ng
iyong oras para isagawa o isabuhay ito. Ang
isang simpleng panalangin ay nagsisilbing
papuri, pasasalamat, at simbolo ng ating pag-
aalay sa Kanya ng lahat ng ating mga gawain.

Sa kasalukuyang panahon kung saan marami ang


uso at bagong kaalaman, bilang isang tinedyer,
marami ka nang oportunidad na makita ang mga
ito gamit ang mga modernong teknolohiya at
makialam sa mga usaping politikal gaya na
lamang ng ‘climate change’. Tungkulin mong
pag-aralan ang iba’t ibang uri ng mga bagay at
gamitin ang mga ito nang may pananagutan.
Dagdag pa rito, tungkulin mo na bumuo ng
kakayahang mag hinuha ng maaaring maging
bunga ng isang bagay bago pumili o magpasya
ng susunod mong mga hakbang.

Bilang isang tinedyer na nalaman ang kanyang


mga tungkulin, makikita mong ikaw ay
mayroong responsibilidad sa iba’t ibang sektor
bilang isang indibidwal. Parte ka ng isang mas
malaking komunidad hindi lamang ng isang
bansa kundi bilang mamamayan ng buong
mundo. Kung kaya’t may responsibilidad ka rin
na pangalagaan ang kalikasan na siyang
tumutulong sa atin upang patuloy na mabuhay.

Ayon sa NASA, patuloy nating nararanasan ang


epekto ng mas mainit na klima na dulot ng
10

‘climate change’. Ang illustrasyon na makikita


natin sa ibaba ay patunay lamang na patuloy na
tumataas ang paglaganap ng mga “atmospheric
gases” dahil sa mga irresponsableng aktibidad ng
mga tao simula pa noong 1800s hanggang sa
kasalukuyan.

Ngayon, tungkulin mo bilang isang tinedyer na


siyang maalam sa teknolohiya at may puso para
sa ikabubuti ng kalikasan na hanapan ito ng
solusyon na maaari nating sundan at ipamahagi
pa sa iba.

Paglalapat Technology
(APPLICATIO Stratehiya: Poster Making Integration
N)
Panuto: App/Tool:
4.1 Natutukoy ang 1. Bumuo ng isang grupo na hindi bababa
kanyang mga sa apat ang miyembro. Link:
tungkulin sa bawat 2. Mag brainstorm sa kung aling tungkulin
gampanin bilang ang maaaring ilarawan gamit ang isang Note:
nagdadalaga/
poster.
nagbibinata.
(EsP7PS-Ig-4.1) 3. Iguhit ito sa isang bond paper at Picture:
ipaliwanag ang nais iparating na mensahe
o kung bakit ito ang napiling tungkulin
Saykomotor/ upang ilarawan.
Psychomotor
Obj:

Nakagagawa ng
poster na
naglalarawan sa
mga tungkulin
na dapat
gampanin ng
isang
11

nagdadalaga o
nagbibinata.

A. Multiple Choice (1-5) Technology


Panuto: Basahin mabuti ang mga Integration
nakalahad na katanungan sa ibaba. Piliin
App/Tool:
lamang ang letra ng pinaka angkop na
sagot at isulat ito katabi ng patlang. Link:

1. Alin sa mga sumusunod na pamantayan Note:


ang HINDI kabilang upang masabing
Pagsusulit
tunay ngang natupad mo ang tungkulin sa Picture:
(ASSESSMEN
T) iyong sarili bilang isang tinedyer?
a. Makabuluhang Paggamit ng Hilig
4.1 Natutukoy ang b. Pagpapalalim ng pansariling koneksyon
kanyang mga Pang Ispiritwal
tungkulin sa bawat
gampanin bilang c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at
nagdadalaga/ Wastong Paggamit nito
nagbibinata. d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga
(EsP7PS-Ig-4.1)
Pagbabago sa Yugto ng
Pangkabatiran Pagdadalaga/Pagbibinata
Cognitive Obj:
2. Alin sa mga sumusunod na tungkulin
Nailalarawan bilang kapatid ang pinaka makakatulong
ang mga
sayo upang makihalubilo sa ibang tao?
tungkulin ng
isang a. Pagbuo ng magandang relasyon sa
nagdadalaga o kapatid
nagbibinata; b. Pagiging magandang halimbawa o
huwarang kapatid
c. Paggalang o pagbibigay respeto sa
nakatatandang kapatid
d. Wala sa nabanggit

3. Saan dapat nagsisimula ang tungkulin?


a. Sarili
b. Tahanan
c. Kalikasan
d. Pamayanan
12

4.
5.
Tamang Sagot:
1. b.
2. a.
3. a.
4.
5.

B. Sanaysay/Essay (2)

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang


mga katanungan. Sagutin ang bawat
tanong ng hindi bababa sa tatlong
pangungusap.

1. Bilang isang nagdadalaga/nagbibinata,


bakit mahalagang mahubog natin ang
ating kakayahan at talento bilang isang
tao?

2. Sa iyong palagay, bakit kailangan


bumuo ng magandang samahan kasama
ang mga miyembro ng barangay na iyong
kinabibilangan?

Inaasahang sagot:

1. Nararapat lamang nating hubugin ang


ating mga kakayahan at talento upang
tayo ay maging ganap na tao at
responsableng mamamayan ng
komunidad na ating kinabibilangan. Ang
mga tungkulin natin habang tayo'y
tumatanda ay mas lumalaki at dumarami
kung kaya’t hindi puwedeng hindi tayo
matuto at umusad at basta na lamang
mapag iwanan ng panahon. Ito rin ay
13

nagsisilbing hakbang upang unti unti


kong makamtan ang aking mga ambisyon
at makapagbalik ng utang na loob sa
aking pamilya.

2. Sa aking personal na opinyon,


mahalagang bumuo ng magandang
samahan kasama ang mga miyembro ng
pamayanang aking kinabibilangan upang
hindi magkaroon ng distansya o hiya na
makipag usap sa isa’t isa. Ito ay dahil
kapag mayroong hiya na nabubuo sa
isang grupo, kadalasan ay hindi
nagkakaroon ng aktibong partisipasyon
ang bawat kasapi nito. Mayroon din
namang mga pagkakataon na dahil sa
hindi magandang samahan ng isang
pamayanan, ang mga proyektong
makabubuti sana para sa lahat ay hindi
naisasatupad o natatamasa dahil ang mga
personal na interes na lamang ang
binibigyang pansin.

Technology
Stratehiya: Brochure Integration

Panuto: App/Tool:
Takdang- 1. Gumawa ng isang brochure, ngunit hindi
Aralin Link:
tungkol sa paggagala o travel kundi sa
(ASSIGNMEN tugkulin na dapat gampanin bilang isang
T) Note:
nagbibinata o nagdadalaga.
4.1 Natutukoy ang Picture:
kanyang mga
2. Ang mga larawan na dapat nakalagay sa
tungkulin sa bawat brochure ay ang sarili mo na nagsasagawa
gampanin bilang ng mga tungkulin.
nagdadalaga/
nagbibinata. 3. Tukuyin at ipaliwanag sa loob ng isang
(EsP7PS-Ig-4.1): pangungusap ang bawat larawan na
nagpapakita ng tungkulin na iyong
ginagampanan.

4. Pwede itong yaring-kamay o printed.


14

5. Mayroong pamantayan o rubrics na


magiging basehan ng marka ng brochure:

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman 10

Pagkamalikhain 5

Orihinalidad 5

Kalinisan 5

KABUUAN 25

Stratehiya: Exit Ticket


Technology
Panghuling Panuto: Integration
Gawain
(Closing 1. Magbibigay ang guro ng maliit na App/Tool:
Activity) papel/slip kung saan isususulat nang mga
mag-aaral ang kanilang mga sagot sa Link:
4.1 Natutukoy ang katanungan.
kanyang mga Note:
tungkulin sa bawat
2. Mayroong tatlong katanungan na dapat
gampanin bilang
nagdadalaga/ lamang sagutan gamit ang isa hanggang Picture:
nagbibinata. dalawang pangugusap.
(EsP7PS-Ig-4.1):
3. Matapos sagutan ay ibabalik ang mga
papel/slip sa guro.

You might also like