You are on page 1of 20

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 8

Ikalawang Markahan
Heading
Jenny Rose Goco
Hazel Rosswin Hsieh

Pamantayang Nahihinuha ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng birtud ng


Pangnilalaman katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) sa pamamahala ng
(Content Standard) matinding emosyon.

Pamantayan sa Naipapamalas ng mga mag-aaral ang birtud ng katatagan


Pagganap (fortitude) at kahinahunan (prudence) sa mga sitwasyon na
(Performance Standard) nararanasan ang matinding emosyon.

Kasanayang 7.3 Napangangatwiranan na: b. Ang katatagan (fortitude) at


Pampagkatuto kahinahunan (prudence) ay nakatutulong upang harapin ang
matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit. 
DLC (No. & Statement)

Mga Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


(Objectives)

DLC No. & Statement: a. Pangkabatiran:

7.3 Nakikilala ang katatagan (fortitude) at kahinahunan


Napangangatwiranan (prudence) bilang mga birtud na nakatutulong sa
na: b. Ang katatagan pamamahala ng matitinding emosyon.
(fortitude) at
kahinahunan (prudence) b. Pandamdamin:
ay nakatutulong upang Nakapagsisikap na pamahalaanan ang matinding emosyon
harapin ang matinding sa tulong ng birtud ng katatagan (fortitude) at kahinahunan
pagkamuhi, matinding (prudence).
kalungkutan, takot at
galit.  c. Saykomotor:
2

Nailalapat ang birtud ng katatagan (fortitude) at


EsP8PIIf- 7.3 kahinahunan (prudence) sa oras na maranasan ang
matitinding emosyon.
Paksa
(Topic) Katatagan at Kahinahunan sa Oras ng Matitinding Emosyon

DLC No. & Statement:

7.3
Napangangatwiranan
na: b. Ang katatagan
(fortitude) at
kahinahunan (prudence)
ay nakatutulong upang
harapin ang matinding
pagkamuhi, matinding
kalungkutan, takot at
galit. 

EsP8PIIf- 7.3

Pagpapahalaga Kapayapaan ng Loob (Ispiritwal na Dimensyon)


(Value to be developed and
its dimension)
Sanggunian
1. Brand, M. M., Liebherr, M., Müller, S., & Wegmann, E.
(2022). Decision making – A Neuropsychological
(APA 7th Edition format) perspective. Encyclopedia of Behavioral Neuroscience, 2nd
edition, 396-403. https://doi.org/10.1016/b978-0-12-
819641-0.00132-8

2. ESP 8 QUARTER 2 LM-A learning module for EsP 10.


(n.d.). Scribd.
https://www.scribd.com/document/516551801/EsP8-Q2-
W5-8-Module-7

3. Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8. (2015, June 20).


pdfslide.net. https://pdfslide.net/education/edukasyon-sa-
pagpapakatao-grade-8.html?page=7

4. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan-Modyul


6. (n.d.). Fatima National High School – North Fatima
District | Division of General Santos | Region XII.
https://fnhs.edu.ph/wp-content/uploads/2021/10/EsP8_Q2_
Mod6of8_Emosyon.pdf
3

5. Esteban, E. J. (1990). Education in values: What, why, and


for whom.

6. Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul: Emosyon:


Katatagan at Kahinahunan (2021, November 28). •. DepEd
Tambayan. https://depedtambayan.net/emosyon-katatagan-
at-kahinahunan/

7. Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul: Emosyon:


Epekto ng Emosyon (2021, November 28). •. DepEd
Tambayan.
https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2021/11/esp
8_q2_mod25_Epekto-ng-Emosyon_v2.pdf

8. Serena, K. (2022, February 15). Aron Ralston And The


Harrowing True Story Of “127 Hours.” All That’s
Interesting. https://allthatsinteresting.com/aron-ralston-127-
hours-true-story

● Laptop
● Projector
Mga Kagamitan
(Materials) ● Internet
● Speaker
● Cellphone

Pangalan at Larawan
ng Guro

(Formal picture
with collar)

Panlinang Na Gawain Dulog: Values Clarification Technology


(Motivation) Stratehiya: Malalim na Pagsusuri sa Integration
Sarili - 5 minuto
DLC No. & Statement: App/Tool:
Panuto: Picker Wheel
Napangangatwiranan Hango sa isang sikat na larong “Never
na: b. Ang katatagan Have I Ever”, ang layunin ng laro na ito ay Link:
(fortitude) at maibaba ng mga manlalaro ang lahat ng https://
4

kahinahunan (prudence) kanilang daliri bilang hudyat ng kanilang pickerwheel.com/


ay nakatutulong upang pagkatalo. pw?id=EZHVK
harapin ang matinding
pagkamuhi, matinding 1. Ang mga mag-aaral ay magtataas Note:
kalungkutan, takot at ng isang kamay na kita at nakataas The picker wheel is
galit.  ang limang daliri. an online tool that
2. Magbabanggit ang guro ng mga allows the user to
EsP8PIIf- 7.3 pangyayari na kung saan maaaring input a list of choices
naranasan na ng mag-aaral. and provide random
3. Kapag ang nabanggit na pangyayari results from the list.
ay naranasan na, kinakailangan na
magbaba ng isang daliri. Logo:
4. Patuloy na magbibigay ang guro ng
mga halimbawang pangyayari
hanggang sa may makapagbaba ng
lahat ng limang daliri.

Mga Halimbawang Pangyayari:

Kailanman ay hindi ko pa nararanasan na…


Picture:
1. makakuha ng mababang grado at
nawalan ng gana mag-aral.
2. maghamon ng away sa kapwa mag-
aaral.
3. maholdap sa dyip.
4. makalimutan ng aking matalik na
kaibigan ang aking kaarawan.
5. maligaw sa isang lugar na hindi
pamilyar.
6. madiin sa isang sitwasyon na hindi
ko ginawa.
7. siniraan ng isang kaibigan.
8. namatayan ng kamag-anak o
minamahal sa buhay.
9. mawalan ng isang gamit na may
sentimental na halaga.
10. mag panic buying noong
kasagsagan ng pandemya.

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong napansin sa mga


halimbawang sitwasyon?
2. Ano ang iyong naramdaman
habang ginagawa ang gawain?
5

3. Ang mga nabanggit ba na


halimbawang pangyayari ay
madalas mong maranasan?

Dulog: Inculcation Technology


Stratehiya: Modeling - 10 minuto Integration

Panuto: App/Tool:
Youtube
Ang mga mag-aaral ay manonood ng
maiksing bidyo na ginawa ng guro kung Link:
saan ipinakilala si Arol Ralston, bilang https://youtu.be/
isang ehemplo na nagpakita ng birtud ng 2USWJuhSAhQ
katatagan at kahinahunan.
Note:
Kilalanin si Arol Ralston: Youtube is an online
Pangunahing Gawain
Isang mabuting ehemplo na nagpapakita ng video sharing
(ACTIVITY) kahinahunan at katatagan sa gitna ng platform that allows
matinding emosyon ay si Arol Ralston na the user to create
DLC No. & Statement:
isinapelikula ang karanasan. Si Arol their original videos
Ralston ay isang American mountaineer, na and share it with
Napangangatwiranan
naipit ang braso sa isang malaking bato others to watch.
na: b. Ang katatagan
dahilan upang siya ay hindi nakaalis at
(fortitude) at
namalagi sa kanyang pagkakaipit ng higit
kahinahunan (prudence)
127 hours. Dahil sa tagal at hirap ng Logo:
ay nakatutulong upang
kanyang sitwasyon, ay na nakaramdam siya
harapin ang matinding
ng samu’t saring emosyon. Siya ay nagalit,
pagkamuhi, matinding
natakot, nagsisi, at kung ano ano pa. Ngunit
kalungkutan, takot at
sa huli, ay kanyang napagtanto na walang Picture:
galit. 
maidudulot na maganda ang magpadala sa
emosyon. Ika nga niya, nasayang lang ang
EsP8PIIf- 7.3
kanyang enerhiya sa sobrang galit. Sa
kanyang realisasyon ay kanyang pinairal
ang kahinahunan, at nag isip nang mabuti.
Kinalkula ang kanyang maaaring gawin
noong mga panahon na iyon. Kinalkal ang
kanyang mga gamit, tubig at pagkain na
dala. Sa kanyang katatagan at motibasyon
na mabuhay ay nagawa niyang putulin ang
kanyang kanang braso sa kabila ng pagod,
gutom, at sakit na nararamdaman. Ngayon,
ay nagsisilbing inspirasyon ang kwento ni
Arol Ralston sa nakararami.

Mga Katanungan Technology


(ANALYSIS) 1. Anong mga katangian ang Integration
6

ipinamalas ni Arol Ralston upang App/Tool:


makamamit ang paglaya sa Socrative
pagkakaipit sa bato? – C
2. Ano ang nahinuha ng tauhan sa Link:
kanyang sitwasyon matapos https://
maramdaman ang samu’t saring api.socrative.com/
emosyon, tulad ng matinding galit? rc/Bfaqzs
–C
3. Kung ikaw ang tauhan sa napanood, Note:
ano sa iyong tingin ang iyong Socrative is an
DLC No. & Statement: mararamdaman at gagawin? - A online educational
4. Sa tuwing nakakaranas ng platform with
(Classify if it is C-A-B matinding emosyon, paano mo ito features that allow
after each question) pinapamahalaanan? - P enrichment of
5. Sa iyong napanood, sa paanong understanding of the
Napangangatwiranan paraan nabago nito ang iyong
na: b. Ang katatagan lecture by answering
saloobin tungo sa kahalagahan ng questions in various
(fortitude) at katatagan at kahinahunan? - A
kahinahunan (prudence) forms, such as:
6. Paano mo mailalapat sa iyong quizzes, short
ay nakatutulong upang buhay ang aral na natutunan? - P
harapin ang matinding answers, and polls.
pagkamuhi, matinding
kalungkutan, takot at Logo:
galit. 

EsP8PIIf- 7.3

Picture:

Pangalan at Larawan
ng Guro

(Formal picture
with collar)
7

Pagtatalakay Outline: ( Bullet form )- 15 minuto Technology


(ABSTRACTION) Integration
● Mga Matitinding Emosyon
DLC No. & Statement: ● Mga birtud na nakatutulong sa App/Tool:
pamamahala ng sariling emosyon Nearpod
Pangkabatiran
a. Paghuhusga o Kahinahunan
Cognitive Obj:
(Prudence) Link:
b. Katatagan ng Loob (Fortitude) https://app.nearpod.c
Pagtatalakay 
● Mga paraan na nakatutulong ang om/?pin=VPHWF
(Abstraction) 
mga ito sa pagharap sa matitinding
emosyon. Note:
Napangangatwiranan
Nearpod can help
na: b. Ang katatagan
Mga Nilalaman teachers design
(fortitude) at
interactive
kahinahunan (prudence)
Mga Matitinding Emosyon presentations that
ay nakatutulong upang
include quizzes,
harapin ang matinding
    Ang emosyon o damdamin ng isang polls, videos,
pagkamuhi, matinding
indibidwal ay itinuturing na collaborative
kalungkutan, takot at
pinakamahalagang larangan ng pag-iral nito whiteboards, and
galit. 
ayon sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007). more to make the
Naipapakita ng isang tao ang kaniyang learning interactive.
EsP8PIIf- 7.3
pagpapahalaga sa mga bagay sa kaniyang
paligid sa pamamagitan ng emosyon kung 1. Ilagay ang
Pangkabatiran:
kaya't nararapat na mapamahalaan ito nang buong
(Cognitive)
maayos. Kabilang sa mga emosyong ito pangalan o
Natutukoy ang
ang pagkamuhi (hatred), matinding palayaw sa
kahalagahan ng birtud
kalungkutan (sorrow), pagkatakot (fear), at blankong
ng katatagan (fortitude)
pagkagalit (anger) ayon sa aklat ni Esther makikita sa
at kahinahunan
Esteban na Education in Values: What, screen bago
(prudence) sa pagharap
Why, and For Whom (1990, ph. 51).  dumako sa
sa matinding emosyon.
aralin.
Mga Matitinding Emosyon
Logo:
Pagkamuhi (hatred)
Pagdadalamhati (sorrow)
Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
Picture:

   Ang pagkamuhi (hatred) ay emosyong


nagpapakita ng poot at pagkasuklam bunga
ng hindi magandang pangyayari habang
ang galit (anger) naman ay ang matinding
bersyon ng poot dulot ng hindi kanais-nais
na karanasan. Ang masidhing kalungkutan
(sorrow) ay tumutukoy sa pagkalumbay o
8

pakiramdam ng pangungulila at pighati


karaniwang bunga ng pagkawala ng mahal
sa buhay. Ang takot (fear) ay ang pag-
aalinlangan ng isang tao na gumawa ng
hakbang dahil sa nararamdaman nitong
pangamba. Ang mga negatibong emosyon
na nabanggit ay mayroong epekto sa
paggawa ng desisyon at pagkilos ng isang
indibidwal (Bechara and Damasio, 2005;
Damasio et al., 1991). Ito ay
nakapagdudulot ng hirap sa kalooban ng
tao dahil sa matinding emosyong dala-dala
nito. Sa ganitong sitwasyon ay nararapat
ilapat ang mga birtud at paraan na
makatutulong upang maayos na
mapamahalaan ang emosyon.

Mga birtud na nakatutulong sa


pamamahala ng sariling emosyon

    Ayon kina Sto. Tomas de Aquino at


Feldman (2005), ang birtud ng katatagan
(fortitude) at kahinahunan (prudence) ay
nakatutulong sa pamamahala ng sariling
emosyon. Ang mga sumusunod ay ang
kanilang pagpapakahulugan sa mga ito:

a. Paghuhusga o Kahinahunan (Prudence)

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino,


tumutukoy ang matalinong
paghusga sa kakayahan ng isang
indibidwal na makagawa ng pasiya
sa napapanahong paraan. Ang
birtud ng kahinahunan ay
nakatutulong sa mga sumusunod na
paraan:

1. Nagsisilbing gabay sa pamamahala ng


emosyon upang maging makatwiran ang
pagpili sa lahat ng pagkakataon.
2. Humihikayat sa isang indibidwal na
maging mahinahon, pagnilayan ang
sitwasyong kinakaharap.
3. Nakatutulong na mapag-isipang mabuti
ang pinakamainam na kilos upang
9

maiwasan ang mga bagay na maaaring


pagsisihan sa huli.

b. Katatagan ng Loob (Fortitude)

Ang birtud na katatagan ng loob ay


ang paninindigan at paniniwala ng
isang indibidwal na malalampasan
ang anumang hamon ng buhay dahil
mayroon siyang kamalayan sa
sariling kalakasan at kahinaan. Ito
ay nakatutulong sa mga sumusunod
na paraan:

1. Nagbibigay ng kakayahan sa indibidwal


na harapin at pagtagumpayan ang
matinding pagsubok.

2. Nakatutulong upang mapamahalaan ang


emosyon sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng lakas ng loob na harapin ang anumang
pagsubok sa kabila ng hirap na
nararanasan.

3. Nakatutulong upang mapagtagumpayan


ang mga layunin sa buhay.

Mga paraan na nakatutulong sa


pagharap sa matitinding emosyon.

Upang ito ay mapagtagumpayan ang


wastong pamamahala ng emosyon,
nararapat lamang na makapagbalangkas ng
pamamaraan upang maisagawa ito. Ayon sa
mungkahi ng Morató, Jr. (2007), ang mga
sumusunod ay maaaring gawing hakbang
sa oras na makaranas ng matinding
emosyon.

a. Maging responsable sa sariling emosyon


at kilos.

b. Mahalaga ang pagkilala at pagtanggap sa


sariling emosyon. Gayunpaman, nararapat
na maging positibo sa pagharap nito.
10

c. Pagtanggap sa katotohanan na mayroong


katapusan ang lahat ng bagay sa mundo.

d. Pag-alala na hindi masama ang paghingi


ng tulong sa mga taong maaari mong
pagkatiwalaan.

Ang birtud ng katatagan (fortitude) at


kanihahunan (prudence) kalakip ng mga
iminungkahing paraaan ay may malaking
kontribusyon sa matagumpay na
pamamahala ng matinding emosyon sa oras
na harapin ito. Mahalaga na maging
matalino sa pagpili ng mga bagay na
bibigyan ng pansin. Makatutulong ang
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, sa ibang
tao at sa Diyos upang maisakatuparan ang
wastong pagpapasya tungo sa pag-unlad.

Paglalapat Dulog: Values Clarification Technology


(APPLICATION) Stratehiya: Value-laden situation- 5 Integration
minuto
DLC No. & Statement: App/Tool:
Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa Twiducate
unang hanay. Gawin itong batayan upang
Saykomotor/ makapag-isip ng kilos na maaaring gawin Link:
Psychomotor Obj: ng mag-aaral upang maipakita ang birtud https://www.liveling
ng katatagan at kahinahunan. Isulat ang ua.com/twiducate/log
Napangangatwiranan sagot sa ikalawang hanay. in.php
na: b. Ang katatagan
(fortitude) at Note:
kahinahunan (prudence) The ideal application
Pangyayari Angkop na kilos for primary and
ay nakatutulong upang
harapin ang matinding secondary students to
1. Nalaman mong respond to queries,
pagkamuhi, matinding
11

kalungkutan, takot at work together to solve


sinisiraan ka iyong issues, and even embed
galit.  pinaka matalik na images and videos
kaibigan sa ibang along with their
EsP8PIIf- 7.3 tao. (pagkagalit) answers.
1. Mag log-in
Saykomotor: 2. Pumanaw ang gamit ang
(Psychomotor)  alaga mong aso student ID na:
Nailalapat ang birtud ng dahil sa 211524
katatagan (fortitude) at malubhang sakit 2. Ilagay ang
kahinahunan (prudence) nito. password:
sa oras na maranasan (pagkalungkot) SKKQXA
ang matinding emosyon. 3. Pindutin ang
3. Nagkaroon ng “Let’s get
malaking gulo sa started”
inyong lugar na 4. Pindutin ang
“Open Class”
umabot sa
karahasan. Logo:
(pagkatakot)

4. Sinama ka ng
iyong
nakatatandang Picture:
pinsan sa isang
malayong lugar at
sadya ka nitong
iniligaw at
iniwang mag-isa.
(pagkamuhi)

5. Sinaktan ng
ibang tao ang
iyong kapatid sa
hindi malamang
dahilan kung
kaya’t nagtamo ito
ng mga sugat.
(pagkagalit)

Rubriks:

Pamantayan Puntos

Kaangkupan ng 10
kilos

Organisasyon ng 10
12

ideya

Kabuuan 20 puntos
Pagsusulit Uri ng Pagsusulit: Multiple Choice- 5 Technology
(ASSESSMENT) minuto Integration

DLC No. & Statement: A. Multiple Choice App/Tool: Google


Forms
Pangkabatiran Panuto: Basahin at intindihin ang bawat
Cognitive Obj: katanungan. Piliin ang pinaka angkop na Link:
Napangangatwiranan sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa https://forms.gle/pnih
na: b. Ang katatagan sulatang papel. cH4BaBRVJAuR8
(fortitude) at
kahinahunan (prudence) 1. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang Note:
ay nakatutulong upang matalinong paghusga (prudence) ay hindi Google Forms is a free
harapin ang matinding lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat online application that
pagkamuhi, matinding gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa enables users to make
kalungkutan, takot at forms, surveys, and
buhay, kung hindi kakayahang makagawa
galit.  quizzes. Users can also
ng pasiya sa napapanahong paraan. Alin sa update the forms
mga sumusunod na sitwasyon ang together and share
EsP8PIIf- 7.3 nagpapakita ng birtud ng kahinahunan them with others.
(prudence)?
Logo:
A. Pinili mo na manahimik sa
natunghayan mong krimen upang
hindi mapinsala sa iyong pagtestigo
ang iyong pamilya.
B. Nanatiling kang mahinahon at
malumanay sa pagsasalita sa iyong
mga mag-aaral kahit ayaw tumigil
sa pag-iingay ang mga ito.
C. Ipinagkibit-balikat mo na lamang Picture:
ang hindi magandang pakikitungo
ng iyong mga katrabaho kahit pa
nagkakalat ng maling balita ng mga
ito.
D. Hinayaan mo na lamang ang mga
pambu-bully sa iyo ng mga kaklase
at nagpokus na lamang sa pag-aaral
upang makakuha ng magandang
grado.

2. Nagkaroon ng matinding trahedya sa


pamilya ni Ivan at Carlo kung saan nasawi
sa aksidente ang kanilang mga magulang
13

dahilan para maulila ang dalawa. Kung


ikaw ang nasa situwasyon ni Carlo, bilang
nakatatandang kapatid, ano ang maaari
mong gawin upang maipakita ang birtud ng
katatagan ng loob (fortitude)?

A. Magdasal at magtiwalang magiging


ayos din kayong magkapatid balang
araw.
B. Mag-isip ng paraan upang
makalakap ng tulong upang
makapagsimula uli kayo ng iyong
nakababatang kapatid.
C. Maghanap ng pagkakakitaan upang
matustusan ang mga
pangangailangan at masuportahan
ang pag-aaral ng nakababatang
kapatid.
D. Manghingi ng suporta sa malapit na
kamag-anak upang matustusan ang
pag-aaral at makapagtapos upang
makatulong sa pagpapaaral sa
nakababatang kapatid.

3. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba.


Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng katatagan ng loob (fortitude) sa kabila
ng matinding emosyon na kinakaharap?

I. Nagpatuloy sa pag-aaral ang magkapatid


kahit napakahirap ng kanilang pamumuhay.

II. Pinilit ni Popoy na bumawi sa kaniyang


grado matapos nitong bumagsak noong
nakaraang termino.

III. Buo na ang loob ni Ana na sumali sa


patimpalak sa pag- awit kahit pa matagal
niya na itong kinatatakutan.

IV. Naghanap ng trabaho si Paulo upang


matustusan ang pangangailangan nilang
magkakapatid matapos maulila sa mga
magulang.

A. I, IV
B. I, III
14

C. III, II
D. II, IV

4. Habang matiyagang nakapila si Lorenzo


sa canteen ay bigla na lamang sumingit si
Carlo. Sinubukan ito ni Lorenzo kausapin
upang pumila nang maayos, ngunit
ipinagsawalang bahala lamang ito ni Carlo.
Dahil dito ay sinuntok ni Lorenzo si Carlo
na nagdulot ng kaguluhan. Ang ipinakita na
pag-uugali ni Lorenzo ay nagpapakita ng
kahinahunan, tama o mali? Pangatwiranan
ito.

A. Mali, ang pag uugali na ipinakita ni


Lorenzo ay hindi nagpapakita ng
kahinahunan. Ang nagtataglay ng
kahinahunan ay mayroong
matalinong pagpapasiya, at may
kakayahan na pumili ng
pinakamainam na kilos sa kanyang
sitwasyon upang maiwasan na
magsisi sa huli.
B. Mali, ang pag-uugali na ipinakita ni
Lorenzo ay hindi nagpapakita ng
kahinahunan. Ang nagtataglay ng
kahinahunan ay mayroong malalim
na pag unawa sa kapwa. Marahil ay
pinagbigyan na lang sana ni
Lorenzo si Carlo upang hindi na
magkaroon ng kaguluhan sa pagitan
nilang dalawa.
C. Mali, ang pag-uugali na ipinakita ni
Lorenzo ay hindi nagpapakita ng
kahinahunan. Ang nagtataglay ng
kahinahunan ay mayroong
mahabang pasensya at pag unawa sa
iba. Ano man ang naging rason ay
hindi dapat siya nagpadala sa
matinding galit at sinuntok si Carlo
na nagdulot ng kaguluhan.
D. Mali, ang pag-uugali na ipinakita ni
Lorenzo ay hindi nagpapakita ng
kahinahunan. Ang nagtataglay ng
kahinahunan ay mayroong
kakayahan upang maging
15

mahinahon sa gitna ng hindi


pagkakaintindihan. Ang pag suntok
ni Lorenzo kay Carlo ay
nagpapakita na siya ay bayolente at
mainitin ang ulo.

5. “Mahalaga ang gampanin ng birtud ng


katatagan at kahinahunan sa pamamahala
ng mga matitinding emosyon na ating
nararanasan sa pagharap ng mga suliranin
ng buhay.” Sang ayon ka ba sa pahayag na
nabanggit?

A. Oo, mahalaga ang gampanin ng


birtud ng katatagan at kahinahunan
sa pamamahala ng mga matitinding
emosyon upang makapag nilay
nilay ng mabuti at malalim upang
mahinuha ang pinakaangkop at
nararapat na gawin sa napapanahon
na suliranin.
B. Oo, mahalaga ang gampanin ng
birtud ng katatagan at kahinahunan
sa pamamahala ng mga matitinding
emosyon upang magkaroon ng
kakayahan sa matalinong
pagpapasiya, at wastong kaalaman
sa sariling kakayahan at kalakasan
na makakatulong sa napapanahon
na suliranin.
C. Oo, mahalaga ang gampanin ng
birtud ng katatagan at kahinahunan
sa pamamahala ng mga matitinding
emosyon upang magkaroon ng
kakayahan na mag isip ng mga
posibleng solusyon na
makakatulong, at maging matibay at
malakas ang loob na harapin ang
napapanahon na suliranin.
D. Oo, mahalaga ang gampanin ng
birtud ng katatagan at kahinahunan
sa pamamahala ng mga matitinding
emosyon upang magkaroon ng
kamalayan sa sarili at kung paano
ito nakakaapekto sa pagpili ng mga
desisyon at kilos na mahalaga
16

upang malutas ang napapanahon na


suliranin.

      B.  Sanaysay 

Panuto: 

Basahin at intindihin ang bawat


katanungan. Sagutin ang bawat tanong sa
loob lamang ng 3-5 na pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa isang buong papel. 

1. Ano ang kahalagahan ng birtud ng


katatagan (fortitude) at kahinahunan
(prudence) sa pamamahala ng
emosyon tuwing may kinakaharap
na pagsubok?
2. Bakit dapat taglayin ng isang
indibidwal ang birtud ng katatagan
(fortitude) at kahinahunan
(prudence)?

Mga inaasahang sagot:

A. Multiple Choice
1. C.
2. C.
3. A.
4. C.
5. B.

B. Sanaysay

1. Mahalaga ang gampanin ng birtud


ng katatagan (fortitude) at
kahinahunan (prudence) sa
pamamahala ng emosyon sapagkat
madalas ay nakakaramdam tayo ng
matinding emosyon tulad ng
pagkagalit, pagkatakot, at
pagkalungkot na dulot ng ating
pinagdaraanang pagsubok. Ang
ating emosyon kapag hindi maayos
na napamahalaanan ay maaaring
magdulot ng hindi magandang
epekto sa ating kilos. Kung kaya’t
upang maiwasan ay dapat nating
17

unawain at intindihin ang ating


sariling emosyon at bigyang halaga
na matutunan ang birtud ng
katatagan (fortitude) at kahinahunan
(prudence).

2. Bilang isang indibidwal, ay hindi


maiiwasan ang pagkakaroon ng
mga suliranin na dapat kaharapin.
Sa pag taglay ng birtud ng
kahinahunan (prudence) ay
maiiwasan natin ang pagiging
padalos dalos sa ating kilos, dahil
tayo ay may kakayahan sa
matalinong paghuhusga at
pagpapasiya. Gayundin sa
pagtaglay ng birtud ng katatagan
(fortitude) na nagpapatibay at
nagpapatatag sa atin upang harapin
ang mga suliranin ng may lakas ng
loob. 

Takdang-Aralin Dulog: Inculcation Technology


(ASSIGNMENT) Stratehiya: Storytelling - 3 minuto Integration

DLC No. & Statement: Panuto: App/Tool:


Basahin at unawain nang mabuti ang Book Creator
Napangangatwiranan kwento. Pagkatapos ay sagutan ang mga
na: b. Ang katatagan gabay na tanong. Link:
(fortitude) at https://read.bookcreat
kahinahunan (prudence) Rivero, ang Mabuting Modelo or.com/odCm4XOX
ay nakatutulong upang wuYeL8hknZjQf7cE
harapin ang matinding Isinulat ni: Hazel Rosswin Hsieh zfs1/34SJJOY-
pagkamuhi, matinding ROGzRq12p6q2VA
kalungkutan, takot at Mabait, masayahin, at mapagmahal na anak
galit.  si Rivero. Walang araw na hindi ito Note:
makikitaan ng bakas ng kasiyahan sa Book Creator is a
EsP8PIIf- 7.3 kanyang mukha, palaging nakangiti kahit digital tool that allow
sino ang kaharap at kausap. Dahil dito, ay educators and learners
madalas siyang lapitan ng kaibigan at to create and to publish
hingian ng payo kapag may problema. their own ebooks.
"Rivero, wala ka bang problema? Lagi ka
na lang masaya, sana lahat katulad mo.” Logo:
sambit ng kanyang kaibigan, isang araw.
“Imposible naman na wala akong
18

problema, aba syempre mayroon din.


Ngunit buti na lang at nandyan ang aking
mga magulang, lalo na aking nanay para
umalalay sa akin at ipaalala na walang
maidudulot na maganda ang magpadala sa
emosyon.” sambit nito pabalik.

Para kay Rivero, ang kanyang ina ang Picture:


pinakamamahal at pinakaimportanteng tao
sa kanyang buhay. Malapit ang kanilang
pagsasama at ang kanyang ina ang kanyang
takbuhan sa oras na ito ay may problema.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay
nagkaroon ng pandemya. Ang mga
naipundar na negosyo ng kanyang
magulang ay unti-unting nalugi at nagsara.
Sa kabila nito ay hindi napaghinaan ng loob
si Rivero dahil buo at ligtas ang kanyang
pamilya.

Upang makatulong ay sinubukan ni Rivero


mag live selling, isang paraan ng
pagbebenta ng produkto gamit ang
facebook. Naging usap-usapan sa kanilang
komunidad ang biglaang paghihirap ng
kanyang pamilya, ngunit hindi niya ito
binigyan ng pansin at nagpatuloy na
makahanap ng paraan upang makatulong.

Isang umaga ay nagising si Rivero sa isang


hindi magandang balita. Ang kanyang mga
magulang ay mayroon ng mga sintomas ng
COVID-19. Dahil dito ay nagpasiya ang
kanyang mga magulang na magpakonsulta,
at nag positibo ang kanilang resulta. Nang
malaman ito ni Rivero ay matinding
kalungkutan ang kanyang naramdaman.
Dahil sa mga komplikasyon sa kalusugan
ay ilang linggo lamang at namatay na rin
ang kanyang mga magulang.

Dulot ng mga nangyari ay nalugmok si


Rivero, at napabayaan ang sarili. Hindi na
ito lumalabas ng kwarto at ayaw makipag
usap kahit kanino. “Rivero, hindi ito
gugustuhing makita ng iyong ina. Paano na
19

lang ang mga tinuro niya sa iyo, walang


maidudulot na maganda ang magpadala sa
emosyon, hindi ba?” sambit ng kanyang
kaibigan.

Sa kanyang narinig ay tila nagising ito sa


katotohanan. Agad agad itong bumangon,
lumabas ng kwarto at naglinis ng bahay.
Pagkatapos ay naligo at kumain. “Tama,
hindi ito ang itinuro sa akin ni Inay.
Pangako, babangon ako. Hindi man
magiging madali ngunit kakayanin ko.”
sambit ni Rivero sa kanyang sarili habang
nakaharap sa salamin, na may ngiti na ulit
sa kanyang mukha.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang pinaalala ng kaibigan ni


Rivero sakanya na naging dahilan
ng kanyang agad agad na
pagkakabangon at paglabas sa
kwarto?
2. Ano iyong naramdaman sa naging
muling pagbangon ni Rivero at
pagpapasiya na ayusin ang kanyang
buhay? -
3. Kung ikaw si Rivero, ano sa tingin
mo ang iyong mararamdaman at
gagawin sa nangyari?
4. Ano ang iyong nakuhang aral sa
nabasa?
5. Paano mo mailalapat sa iyong
buhay ang aral na natutunan?

Panghuling Gawain Dulog: Inculcation Technology


(Closing Activity) Stratehiya: Sentence Completion - 2 Integration
minuto
DLC No. & Statement: App/Tool:
Panuto: PiktoChart
Napangangatwiranan
na: b. Ang katatagan Ang mga mag-aaral ay bibigkas ng isang Link:
(fortitude) at panata at pupunan ang mga patlang ng https://
kahinahunan (prudence) angkop na sagot. create.piktochart.com
ay nakatutulong upang /output/
20

Ako ay si __________ at nangangakong a0a96d1bc00a-


mula sa aking natutunan ngayong araw ay closing-activity
patuloy kong lilinangin at tataglayin ang
birtud ng katatagan at kahinahunan. Dahil Note:
ito ay mahalaga at makatutulong upang PiktoChart is an
aking mapamahalaanan ng wasto ang aking easy to use, online
mga __________. Magagawa ko ito sa web tool that allows
pamamagitan ng ______________. users to create
visually appealing
presentations.
harapin ang matinding
pagkamuhi, matinding Logo:
kalungkutan, takot at
galit. 

EsP8PIIf- 7.3

Picture:

You might also like