You are on page 1of 17

1

LESSON PLAN for DEMONSTRATION TEACHING

Banghay Aralin sa Filipino

Baitang 7

Unang Markahan
Complete
header: Jeremiah Angeline Merano
● subject
● grade level
● quarter
● name
● picture

Content Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at


Standard/ kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon ng
Pamantayang Katutubo (Tula) at tekstong impormasyonal (ekspositori) para sa paghubog ng kaakuhan
Pangnilalaman at pagpapahalagang Pilipino, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal)
para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.
Performance Nakabubuo ng sanaysay tungkol sa pinakatampok na mga pangyayari sa buhay ng isang
Standard/ tauhan sa binasang akda at borador ng comic book brochure na isinasaalang-alang ang
Pamantayan sa mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo, at
Pagganap etikal na kasanayan at pananagutan.
Learning Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento:
Competency/ ● Mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
Kasanayang
Pampagkatuto
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Pangkabatiran:
Objectives/ Nakakikilala ng mga teknikal na elemento ng tekstong biswal tulad ng laki, espasyo,
Mga Layunin kulay, linya, anyo, at imahen;
Paste DLC No. __
& Statement b. Pandamdamin:
below naipapamalas ang kakayahang kritikal na pag-iisip; at

c. Saykomotor:
nakapagbubuo ng isang tekstong biswal gamit ang mga teknikal na elemento nito.
2

Topic/Paksa Teknikal na Elemento ng Tekstong Biswal

Nasusuri ang
mga tekstong
biswal batay sa
mga elemento:
● Mga
teknikal
na
biswal
(laki,
espasyo,
kulay,
linya,
anyo at
imahen)
Value/ Kritikal na Pag-iisip
Pagpapahalaga (Intellectual)

b.
maipapamalas
ang kritikal na
pag-iisip sa
pag-intindi ng
mensahe; at

Ang kritikal na pag-iisip ay ang abilidad na mag-isip nang masusi upang suriin ang isang
bagay, isyu, sitwasyon, at iba pa. Sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip, mauunawaan ng
mga mag-aaral ang importansya ng mga teknikal na elemento ng tekstong biswal sa
pag-unawa sa mensahe na nais nitong ipahayag.

Value Concept:
(Explain in 2 to
3 short sentences
to answer the
question: How is
this value related
to the topic?)
3

Pagsusuri ng Larawan
Values
Integration
Strategy

Pagganyak
Phase of the LP
for the actual
values
integration

Artyfactory. (2014). The Visual Elements of Art. Artyfactory.com.

https://www.artyfactory.com/art_appreciation/visual-elements/visual-elements.html

Galvan, M. (2021, May 26). 7 visual elements of design. Medium.

https://uxplanet.org/7-visual-elements-of-design-bbd56eb063e9

Hass, A. (2015, November 12). 3.2 Visual Elements — Basic Things That Can be Seen –
Six (6) Graphic Design and Print Production Fundamentals. Opentextbc.ca.
RELATED
References/
https://opentextbc.ca/graphicdesign/chapter/3-2-visual-elements-basic-things-that-can-b
Sanggunian
(in APA 7th
edition format, e-seen/
INDENT please)

Manabat, A. M. (2021, September 7). VISUAL ELEMENTS. Www.youtube.com.

https://www.youtube.com/watch?v=RLolqBW-5qc

Visual Text Elements. (2021, November 21). Www.youtube.com.

https://youtu.be/a1FPxvZk8ls?si=mU2t3P6UhIxH5UyQ
4

What is visual Text examples? – Heimduo. (2019, November 20). Heimduo.org.

https://heimduo.org/what-is-visual-text-examples/

Digital Materials:

Materials/ ● Canva
Mga Kagamitan ● Quizziz
● Emaze
● Laptop

PHASES OF THE
LESSON PLAN
based on the subject
assigned to you

1. Pagbati:
● Babati at magpapakilala ang guro sa mga mag-aaral.
2. Pagpapaalala ng mga patakaran sa birtwal na silid-aralan:
● Hihikayatin ang mga mag-aaral na panatilihing nakabukas ang mga camera;
● panatilihing nakasara ang mikropono kung hindi kinakailangan; at,
● pindutin ang raise-hand-button kung may nais ipabatid.
3. Pagtatala ng mga dumalo sa klase:
A. Panimula ● Susuriin ng guro ang mga dumalo sa kanyang klase.
4. Pag-banggit ng layunin ng aralin:
● Ipaliliwanag ng guro ang layunin ng aralin.
5. Maikling kumustahan:
● Kukumustahin ng guro ang kalagayan ng mga mag-aaral.
6. Maikling balik-aral:
● Magbabalik-aral ang guro tungkol sa tekstong biswal at ang mga halimbawa nito
upang maiuganay sa bagong aralin

***B. Estratehiya: Pagsusuri ng Larawan


Pagganyak Application: Canva

(Kritikal na Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral ang mensaheng nais ipabatid ng tekstong biswal na
Pag-iisip) ipapakita ng guro.

b.
maipapamalas
ang kritikal na
pagiisip sa
pag-intindi ng
mensahe; at
5

Gawa ni Noel M. Mechado Jr. noong 2020 sa isang National Poster Making Competition.
https://youtu.be/8I6e3-1vCiw?si=wVn4q24AuICYAzqc

C-A-B PAMPROSESONG TANONG INAASAHANG SAGOT

C 1. Anu-ano ang iyong mga nakita ● Frontliners,


sa larawan? Ilahad. ● Mga taong nakasuot ng face
mask,
● Isang pamilya,
● Mga gusali,
● Bandila ng Pilipinas.
● at iba pa.

C 2. Ano ang iyong pagkakaunawa ● Paghihirap ng mga Pilipino


sa larawang iyong sinuri? Bakit? noong panahon ng pandemya/
● Pagsasakripisyo ng bawat
Pilipino sa panahon ng
pandemya/
● Ang paghihirap ng mga
frontliners noong panahon ng
pandemya/
● At iba pa.

kasi talamak ito noong panahon ng


pandemya at tayong lahat ay
nahirapan rito. Marami ang
nagsakripisyo para lang tayo ay
manatiling ligtas sa sakit.
6

A 3. Sa iyong palagay, anong ● Kritikal na pagiisip.


kakayahan ang iyong ipinamalas
upang masuri ang larawan?

A 4. Paano nakatutulong ang ● Maaari itong makatulong sa


kritikal na pag-iisip sa ating mabuting pagpapasya/
araw-araw na buhay? ● Pagsasaayos ng mga
bagay-bagay/
● Pagresolba ng problema/
● Pag-unawa sa mga sitwasyon/
● iba pa.

A. 5. Sa iyong palagay, paano natin ● Mag-basa ng maraming aklat


maaaring mapagyaman ang ating at artikulo para maging mulat
kakayahan na kritikal na sa iba’t-ibang ideya at
mag-isip? Bakit? pananaw/
● Magtanong sa mga bagay na
hindi malinaw sa iyo/
● Regular na mag-ensayo na
sumuri ng mga bagay-bagay
upang mahasa ang kakayahan/
● iba pa.

Application: Canva

Outline:
● Kahulugan ng teknikal na elemento ng tekstong biswal
● Anim na teknikal na elemento ng tekstong biswal.

Kahulugan ng Teknikal na Elemento ng Tekstong Biswal


● Ito ay mahalagang aspeto ng isang tekstong biswal na nag-bibigay diin sa paraan
kung paano naipapakita ang impormasyon o mensahe ng teksto.

C. Pagtatalakay Mga Teknikal na Elemento ng Tekstong Biswal

1. Linya
● Batayan ng lahat ng mga likha.
● Maaaring gamitin ito upang magpahiwatig ng hugis, disenyo, distansya,
kilos, at iba't ibang damdamin.

Kahulugan ng mga linya

Pahalang na Linya (Vertical Nagpapahiwatig ng taas o lakas.


Line)
7

Pahigang Linya (Horizontal Nagpapahiwatig ng distansya.


Line)

Diagonal na Linya Nagpapakita ng paggalaw.


8

Zigzag na Linya Nagpapahiwatig ng sigla, pagkasira, o


kawalang-kasiyahan

Kurba na Linya Nagpapahiwatig ng kaginhawaan.


9

2. Espasyo
● Puwesto ng isang likhang sining.

Uri ng Espasyo

Positibong Espasyo Ito ang puwesto ng isang subject sa likhang-sining.

Sa halimbawang makikita, ang puwesto ng ibon ang


siyang positibong espasyo.

Negatibong Espasyo Ito ang puwestong madalas blanko at hindi kakitaan


ng kahit anong disenyo.

Sa halimbawang makikita, ang kulay itim na paligid


ang siyang negatibong espasyo.
10

3. Kulay
● Ito ang may pinakamalakas na epekto sa ating emosyon at maaaring lumikha
ng iba't ibang emosyon.
● Mahalaga na pumili ng mga kulay na pinakangkop sa tema, layunin, at mga
katangian ng iyong tekstong biswal.

Kahulugan ng mga Kulay

Pula Mainit, galit, apoy, dugo, pagmamahal

Asul Malamig, kalmado, payapa, katalinuhan, katapatan, langit

Berde Kalikasan, paglaki/pagyabong, kaligtasan


11

Bahaghari Masaya, palakaibigan, kabataan

Itim Kalungkutan, kasamaan, kapangyarihan


12

Puti Kababaang loob, kabutihan, kalinisan

Dilaw Kasiyahan, pagiging malikhain


13

4. Imahen
● Ito ay representasyon ng mga bagay, tao, o hayop o anumang diagrama na
nagbibigay ng biswal na impormasyon.

5. Laki/Sukat
● Tumutukoy sa sukat ng elemento ng biswal.
● Mahalagang malaman ang sukat nito upang malaman ang mesaheng nais
ipabatid sa teksto.
14

6. Anyo/Hugis
● Ang anyo tulad ng mga larawan o grapiko, ay maaaring magpahayag ng
emosyon o interpretasyon.
● Ang paggamit ng iba't ibang hugis tulad ng patas, pabilog, o mabukas ay
maaaring magdulot ng iba't ibang kahulugan sa teksto.

Estratehiya: Pag-guhit (Pag-gawa ng Tekstong Biswal)


Application: Canva

Panuto: Guguhit ang mga mag-aaral gamit ang teknikal na elemento ng tekstong biswal.
Pagkatapos, ipaliliwanag nila ang kanilang awtput sa klase.

Mga kailangang kagamitan:


● Bond paper o kahit anong uri ng papel
● Lapis at Pambura
D. Paglalapat ● Coloring Materials (Kahit anong uri)
● Panukat/Ruler (kung kinakailangan)

Pamantayan sa Pagmamarka:

Mga 3 2 1
Pamantayan

Mensahe Ang mensahe ng tekstong Ang mensahe ng tekstong Ang mensahe ng tekstong
biswal ay madaling biswal ay madaling biswal ay hindi madaling
maunawaan. Nailahad lahat maunawaan. Ngunit kinulang sa maunawaan. Mayroong
ng importanteng detalye. paglalahad ng detalye. kakulangan sa detalye.
15

Paggamit ng Ang tekstong biswal ay Ang tekstong biswal ay Ang tekstong biswal ay
elemento ng ginamitan ng lima o anim na ginamitan lamang ng tatlo o ginamitan lamang ng isa o
tekstong biswal. teknikal na elemento. apat na teknikal na elemento. dalawang teknikal na elemento.

Kaugnayan sa Ang lahat ng bahagi ng Ang ilang bahagi ng tekstong Walang ugnayan ang tekstong
target audience. tekstong biswal ay naaayon biswal ay naaayon sa target na biswal sa target na mambabasa.
sa target na mambabasa. mambabasa.

Application: Quizziz

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Isulat kung ito ay tama o mali.

_______1. Ang tekstong biswal ay gumagamit ng mga larawan, grapiko, o iba't ibang anyo ng
biswal na elemento upang ipahayag ang mensahe o konsepto nito.
_______2. Ang elemento ng tekstong biswal ay makatutulong upang maunawaan ang
mensahe ng isang teksto.
_______3. Ang kulay itim ay sumisimbolo sa kasiyahan.
_______4. Ang kinalalagyan ng elemento ng biswal ay tinatawag na positibong espasyo.
_______5. Nagpapakita ng pag-galaw ang mga pahalang na linya.

Panuto: Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglagay ng sagot sa patlang.

6. Makatutulong ang _________ upang makabuo ng hugis at disenyo.


7. Ang _________ ay representasyon ng mga bagay, tao, o hayop o anumang diagrama na
nagbibigay ng biswal na impormasyon.
E. Pagtataya
8. Ang ________ ay puwestong madalas blanko at hindi kakitaan ng kahit anong disenyo.
9. Ang _______ ay isang uri ng linya na nagpapahiwatig ng sigla, pagkasira, o
kawalang-kasiyahan.
10. Ang ________ay isang elemento ng tekstong biswal na pinakamadaling makita sa lahat.

Sagot:

1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
6. Linya
7. Imahen
8. Negatibong Espasyo
9. Zigzag na Linya
10. Kulay

Estratehiya: Pag-bubuod
Application: Emaze
F. Paglalahat
Panuto: Ipapakita ng guro ang mga larawan at ipapaliwanag kung alin dito ang mga
teknikal na elemento ng tekstong biswal.
16

Halimbawa:

Estratehiya: Pagsusuri
G. Takdang
Application: Canva
Aralin
17

Panuto: Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang mensahe ng tekstong biswal na makikita nila
sa kanilang paligid gamit ang sampung pangungusap. Isusulat nila ito sa isang buong
papel.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Mga Pamantayan 3 2 1

Kaalaman sa Naipahaya May kakulangan sa Hindi


Elemento ng g ang anim pagpapahayag ng naipahayag
Tekstong na mga elemento nang maayos
Biswal elemento tekstong biswal. ang mga
ng elemento ng
tekstong tekstong
biswal ng biswal.
may sapat
na
kaalaman.

Kasanayan sa Malinaw at Hindi gaanong Hindi malinaw


pagsulat maayos na malinaw at maayos at maayos na
naipahayag na naipahayag ang naipahayag ang
ang kaisipan ng teksto. kaisipan ng
kaisipan ng teksto.
teksto.

Gramatika Maayos at Mayroong kaunting Maraming


walang mali sa gramatika. pagkakamali sa
mali sa gramatika.
gramatika.

You might also like