You are on page 1of 15

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 7

Ikaapat na Markahan
Heading
Nicole O. Joren
May Ann U. Quinto
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pansariling
Pangnilalaman salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
(Content Standard) sining o isports, negosyo, o hanapbuhay.
Pamantayan sa
Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtatakda ng mithiin gamit ang
(Performance Goal Setting at Action Planning Chart.
Standard)
Kasanayang
Pampagkatuto 15.1. Natutukoy ang mga personal na salik na kailangang
paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o
DLC (No. & teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
Statement)
Dulog PNU-ACES Approach
(Approach)
Mga Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
(Objectives)
a. Pangkabatiran: C
15.1. Natutukoy ang Natutukoy ang mga personal na salik na kailangang
mga personal na salik paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko
na kailangang o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay;
paunlarin kaugnay ng
pagpaplano ng b. Pandamdamin: A
kursong akademiko o Naipapamalas ang pagpapahalaga ng mga katangiang
teknikal-bokasyonal, kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong
negosyo o akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay. hanapbuhay; at

c. Saykomotor: B
Naipapakita ang kaalaman sa pagtatakda ng mga personal
na salik sa pagpili ng kurso o negosyo sa pamamagitan ng
2

paglikha ng SWOT Analysis.


Paksa
(Topic)

15.1. Natutukoy ang


mga personal na salik Mga Personal na Salik sa Pagpaplano ng Kursong Akademiko o
na kailangang Teknikal-Bokasyonal, Negosyo o Hanapbuhay
paunlarin kaugnay ng
pagpaplano ng
kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal,
negosyo o
hanapbuhay.

Pagpapahalaga Future Orientation


(Value to be developed
and its dimension)
(Intellectual Dimension)

1. Chua, N. (2016, November 21). The DREAM [Video


file]. Youtube. https://youtu.be/a2lv_Xl1e4U
Sanggunian 2. Everything about Kokology game. (n.d.).
https://kokologym.blogspot.com/2011/03/when-is-door-
(Six 6 varied not-door.html
references) 3. Kagawaran ng Edukasyon. (2012). Edukasyon sa
Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang
(APA 7th Edition bahagi, Unang edisyon). Slideshare.
format) https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4
4. n
5. n
6. n

● Laptop
Mga Kagamitan
(Materials) ● Projector

● Speaker
Complete and
in bullet form
● Youtube Application

● Powerpoint Presentation
3

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Formal picture
with collar)

Nicole O. Joren
Panlinang Na Stratehiya: Gawaing Pang-kamalayan sa Technology
Gawain Sarili (Kokology Activity) Integration
(Motivation)
Panuto: Ipikit ang mga mata at ituon ang App/Tool:
15.1. Natutukoy ang buong atensyon sa boses ng guro.
mga personal na salik Pakinggang mabuti ang sitwasyon at Link:
na kailangang sagutin ang tanong na babanggitin sa
paunlarin kaugnay ng dulo. Ang unang tugon na pumasok sa Note:
pagpaplano ng isip ang siyang magiging sagot na siyang
kursong akademiko o itatala sa kahit anong uri ng papel. Picture:
teknikal-bokasyonal,
Kailan ang isang Pinto hindi isang
negosyo o
Pinto? (When Is a Door Not a Door?)
hanapbuhay.
Isang araw, naisip mong maglakad-
lakad sa kalye ninyo. Wala lang,
gusto mo lang maglakad. Gusto mo
lang mag-stretching, o gusto mong
tingnan ‘yong binibilhan mo dati ng
fishball sa kanto, o gusto mong
kumustahin ang mga kaibigan mo sa
kabilang barangay.
Kaso, hindi mo napansin na lumagpas
ka na pala sa pupuntahan mo dapat.
Hanggang sa napunta ka sa isang
kalsada na hindi ka pamilyar. Hindi
mo pa napuntahan o nadaanan dati.
Talagang doon mo lamang nakita. At
doon, mayroon kang nakitang
magandang bahay sa dulo ng kalsada.
Tapos syempre, napatitig ka dahil sa
ganda, sa disenyo, at sa anyo ng
bahay.
Bigla mong napansin. Bukas nang
bahagya ang pinto ng bahay. Sa iyong
4

palagay, bakit kaya bahagyang


nakabukas ang pinto?
Una, may nanloob sa bahay.
Pangalawa, nakalimutan ng may-ari
ng bahay na isara ang pinto.
Pangatlo, nagwawalis lang ang may-
ari ng bahay at idadaan niya sa pinto
ang kanyang winalis.

Kahulugan:
1. May nanloob sa bahay.
Mahilig mong asahan ang
pinakamasamang senaryo ng sitwasyon
na maaaring mangyari (worst-case
scenario). Mabilis kang mag-alala at
mataranta sa mga krisis. Kung kaya’t sa
susunod na may mga unos na biglang
dumating, mainam na panatilihang
payapa ang isip. Huminga nang malalim
at magbilang ng isa hanggang sampu.

2. Nakalimutan ng may-ari ng bahay


na isara ang pinto.
Ikaw ang tipo ng tao na hindi madaling
maapektuhan ng mga krisis. Sa
katunayan, masyado kang kalmado na
hindi mo mapapansin na may
nangyayaring masama na pala, kung
kaya’t kadalasan ng iyong pagkakamali
ay dulot ng kapabayaang magmasid sa
paligid.

3. Nagwawalis lang ang may-ari ng


bahay at idadaan niya sa pinto ang
kanyang winalis.
Ikaw iyong mukhang kalmado, ngunit
alerto. Kaya naman ay maituturing kang
isang ganap o mature na tao. Mayroon ka
pa ring mga kahinaan, ngunit sa gitna ng
krisis hindi mo ito ipinapakita sa iba.
5

Mga Tanong:

● Bakit ito (napiling sagot) ang


iyong unang napiling kasagutan?
● Ano ang naramdaman mo nang
marinig ang kahulugan ng bawat
sagot?
● Sang-ayon ka ba sa naging
kahulugan? Ipaliwanag kung bakit
oo o hindi.

Stratehiya: Pagsusuri ng Bidyo (Video


Analysis) Technology
Integration
Panuto: Panoorin at tukuyin ang paksa at
Pangunahing mensahe ng maikling palabas. Sa App/Tool:
Gawain pamamagitan nito, sagutin ang mga
(ACTIVITY) katanungang nakalahad sa ibaba. Isulat Link:
ang sagot sa sagutang papel.
15.1. Natutukoy ang Note:
mga personal na salik 1. Tungkol saan ang bidyo na
pinanood? Picture:
na kailangang
2. Ano ang mithiin ng bata at ang
paunlarin kaugnay ng
kaniyang mga ginawa upang
pagpaplano ng
makamit ito?
kursong akademiko o 3. Magbigay ng isang katangian na
teknikal-bokasyonal, ipinamalas ng bata. Sa iyong
negosyo o palagay, mahalaga ba ang
hanapbuhay. katangiang ito upang makamit ang
iyong layunin?

The Dream.
https://youtu.be/a2lv_Xl1e4U
Mga Katanungan 1. Mula sa bidyo, ano ang ginagawa Technology
(ANALYSIS) ng bata?- C Integration
2. Sa iyong palagay, bakit kaya
15.1. Natutukoy ang App/Tool:
gustong-gusto niyang makuha ang
mga personal na salik
teleskopyo? May kinalaman ba ito Link:
na kailangang
paunlarin kaugnay ng sa kanyang sarili? - A
pagpaplano ng 3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng Note:
kursong akademiko o bata, ano ang iyong gagawin
teknikal-bokasyonal, upang makamit ang iyong Picture:
negosyo o ninanais? - B
hanapbuhay. 4. Sa iyong palagay, magiging
6

madali o mahirap ba ito? Bakit


madali? Bakit mahirap? - A
5. Ano-ano ang mga bagay na
isasaalang-alang mo sa pagpili at
(Classify if it is C-A-B pagkamit ng iyong ninanais? - C
after each question)
6. Maihahalintulad ba ang gawaing
ito sa pagpili ng kurso? Bakit at
paano? - C

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Formal picture
with collar)

May Ann U. Quinto


Pagtatalakay Outline (Bullet form) Technology
(ABSTRACTION) Integration
Balangkas
15.1. Natutukoy ang App/Tool:
mga personal na salik ● Ang mga Pansariling Salik sa
na kailangang Pagpili ng Karera o Negosyo Link:
paunlarin kaugnay ng
1. Talento at kakayahan
pagpaplano ng
kursong akademiko o
2. Interes o hilig Note:
teknikal-bokasyonal, 3. Pagpapahalaga
negosyo o Picture:
hanapbuhay. Mga Nilalaman

Pangkabatiran Ang mga Pansariling Salik sa Pagpili


Cognitive Obj: ng Karera o Negosyo
- Ang pagkakaroon ng sapat na
paghahanda o pagpaplano,
paglalaan ng sapat na oras at
pagsusumikap ay mahalaga upang
maabot ng isang indibidwal ang
kaniyang minimithing karera o
negosyo balang-araw. Kung kaya
naman, nararapat lamang na
nasuri at napag-aralan munang
mabuti ang sariling mga
kakayahan, interes o hilig,
7

pagpapahalaga at ang mga


mithiin.
Personal na salik na kailangang
paunlarin:
1. Talento at kakayahan
- Ang tao ay nagtataglay ng
likas na talento at
kakayahan ngunit
kailangan itong sanayin.
Dalawang mahalagang bagay ang
natuklasan sa pag-aaral nina Profesor
Ericsson:
● Ang likas na kakayahan ay
karaniwang hindi sapat upang
maging bihasa at matagumpay sa
anumang larangan.
● Ang pagiging masusi at
pagsasanay ng tama ay ang sus isa
pagtatagumpay at kahusayan.

2. Interes o hilig
- Sa pagtatakda ng mithiin,
ang indibidwal ay
nararapat na isaalang-
alang ang kaniyang interes
o hilig sa larangan na
kaniyang papasukin.
- Ito rin dapat ay nagdudulot
o nakakapagbigay saya sa
ating ginagawa upang
magsilbing inspirasyon at
motibasyon na lampasan o
hitan pa ang ating natural
na kakayahan.

3. Pagpapahalaga
- Ang pagpapahalaga ay
humuhubog sa kakayahan
ng indibidwal na piliin ang
tama o mali (Abiva, 1993).
- Ang pagpapahalaga ang
8

isa sa mga dahilan kung


bakit ang isang bagay o
ideya ay nagiging mas
kanais-nais, kaiga-igaya,
kahanga-hanga o kapaki-
pakinabang para sa isang
sikolohista.
- Isa itong motibo na
maituturing upang piliin
ang isang hakbangin o
pasya (Hall, 1973).
Iba’t ibang uri ng pagpapahalaga (Sta.
Maria, 2006):
● Mga Pagpapahalagang Kaugnay
ng Paggawa (work values)
● Mga Pagpapahalagang Kaugnay
ng Pagpapaunlad ng Karera
(career values)

Paglalapat Technology
(APPLICATION) Stratehiya: Pagsusuri (SWOT Analysis) Integration

15.1. Natutukoy ang Panuto: Suriin ang iyong kakayahan, App/Tool:


mga personal na salik interes o hilig, at pagpapahalaga sa
na kailangang pagpili ng kurso o negosyo na Link:
paunlarin kaugnay ng makakatulong sa pagkamit ng itinakdang
pagpaplano ng mithiin gamit ang SWOT Analysis. Isulat Note:
kursong akademiko o ito sa isang buong papel at itala sa itaas
teknikal-bokasyonal, na bahagi ang iyong itinakdang mithiin. Picture:
negosyo o
Gawing gabay ang sumusunod na
hanapbuhay.
deskripsyon.

S - Strengths o Kalakasan. Sa iyong


Saykomotor/
palagay, ano ang kalakasan ng iyong
Psychomotor Obj:
pansariling salik? Anong ang natatanging
kakayahan na iyong tinataglay?

W - Weakness o Kahinaan. Ano-ano ang


mga kahinaan na dapat bigyang pansin o
atensyon upang ito ay mapabuti?

O - Opportunity o Oportunidad. Ano-ano


ang mga posibleng oportunidad na
makakatulong na makamit ang itinakdang
9

mithiin?

T – Threats o Banta. Ano-ano ang mga


banta o mga hadlang na posibleng
kaharapin sa pansariling salik?

Halimbawa:

Pagsusulit
(ASSESSMENT) A. Multiple Choice (1-5) Technology
Panuto: Basahin at unawain ang Integration
15.1. Natutukoy ang mga sumusunod na katanungan.
mga personal na salik App/Tool:
na kailangang Bilugan ang titik ng pinaka-
paunlarin kaugnay ng angkop na sagot. Link:
pagpaplano ng
kursong akademiko o 1. Ano-ano ang mga pansariling salik na Note:
teknikal-bokasyonal,
negosyo o kinakailangang paunlarin sa pagpili ng
hanapbuhay. karera o negosyo? Picture:

Pangkabatiran a. Katangian, interes o hilig, at


Cognitive Obj: pagpapahalaga
b. Kakayahan, interes o hilig, at
pagpapahalaga
c. Kakayahan, talento, at
pagpapahalaga
d. Kakayahan, interes o hilig, at
talento

2. Si Senator Manny Pacquiao ay


naunang nakilala sa larangan ng isports.
Noong bata pa lamang ito ay nakitaan na
siya ng potensyal sa pagbo-boksing na
siya namang pinursigi ng binata at naging
10

matagumpay na propesyonal boxer.


Anong pansariling salik ang naglalarawan
sa ating pambansang kamao?

a. Kakayahan o talento
b. Pagpapahalaga
c. Interes o hilig
d. Mithiin

3. Sa hirap ng buhay hindi nakapagtapos


ng pag-aaral si Angelica kaya naman
napilitan itong magtrabaho bilang call
center agent. Masaya naman ito dahil
nakakatulong siya sa kaniyang pamilya,
ngunit pakiramdam niya ay may kulang at
mas sasaya ang kaniyang puso kung ang
trabahong kaniyang napasukan ay ang
kaniyang minimithi. Sa iyong palagay,
anong pansariling salik ang hindi niya
tinataglay na makapaglalarawan sa
kaniyang sitwasyon?

a. Kakayahan o talento
b. Pagpapahalaga
c. Interes o hilig
d. Mithiin

4. Si Maria ay nasa ikadalawang taon na


ng abogasya na pinili ng kaniyang
magulang. Masipag naman itong mag-aral
at nakakasabay sa klase ngunit hindi niya
maitago ang kaniyang lungkot na
nararamdaman dahil mas gusto nito ang
pagtuturo. Kung kaya naman nagpasya
itong magpalit ng kurso at duon ay
nakaramdam ito ng saya at inspirasyon.
Tama ba ang naging pasya ni Maria na
suwayin ang kaniyang magulang at ituloy
11

ang kaniyang nais?

a. Tama, dahil ang pagtuturo ang


kaniyang gusto simula pa lamang
at hindi ang pag-aabogasya.
b. Tama, dahil mas masaya ito sa
pagtuturo at pasok sa kaniyang
interes kaya nagbibigay din ito ng
inspirasyon sa kaniya.
c. Mali, dahil sinuway niya ang
kaniyang magulang na hangad
lamang na mapabuti siya.
d. Mali, dahil bukod sa sinuway niya
ang kaniyang magulang ay
sinayang niya rin ang oportunidad
na makahanap agad ng trabaho
kung itinutloy niya ang pag-
aabogasya.

5. Bakit mahalaga ang pansariling salik sa


pagpili ng kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay?

a. Mahalaga ito para malaman ko


kung ano na nga ba ang gusto
kong kunin na kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay sa hinaharap.
b. Mahalaga ito para makuha ko ang
itinakda kong mithiin.
c. Mahalaga ito dahil dito
nakasalalay ang magiging
propesyon ko sa hinaharap at
makakatulong ito upang makamit
ang pinakaasam-asam kong
tagumpay sa aking buhay.
d. Mahalaga ito para maging akma
ang pagpili ng kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay at nakatutulong ito
12

upang magkaroon ng sapat na


paghahanda o pagpaplano.

Tamang Sagot:
1. B.
2. A.
3. C
4. B.
5. D.

B. Sanaysay/Essay (2)
Panuto: Sa loob ng hindi
lalagpas sa limang pangungusap,
unawain at sagutin ang mga
katanungan sa ibaba. Gawing
gabay ang pamantayan sa
pagsagot.

1. Bakit mahalaga ang


pagpaplano sa kurso o
mithiing tatahakin?
2. Paano makatutulong ang
pagkakaroon ng kamalayan sa
mga personal na salik sa
pagpili at pagpaplano ng kurso
o negosyo?

Pamantayan sa Pagsulat ng Talata

4 Komprehensibo ang
(10 nilalaman ng talata na
puntos) mayroong matibay at
malinaw na katwiran.
Malikhain at madaling
maunawaan ang
pagkakalahad ng mga
impormasyon at opinyon.
Organisado at maayos ang
daloy ng mga kaisipang
13

ibinahagi. Maayos at wasto


ang baybay ng mga salita,
balarila at mga bantas na
ginamit.

3 Ang nilalaman ng talata ay


(8 nagtataglay ng malinaw na
puntos) katwiran. Madaling
maunawaan ang
pagkakalahad ng mga
impormasyon at opinyon.
Maayos ang daloy ng mga
kaisipan at wasto ang baybay
ng mga salita, balarila at
mga bantas na ginamit.

2 May iilang pagkukulang sa


(6 nilalaman ng talata na
puntos) nagtataglay ng hindi
gaanong malinaw na
katwiran. Maayos ang
pagkakalahad ng mga
kaisipan ngunit may iilang
bahagi na hindi maunawaan.
Mayroong iilang
pagkakamali sa balarila at
bantas na ginamit.

1 Walang katwirang inilatag sa


(4 talata. Hindi maayos ang
puntos) pagkakalahad at maraming
bahagi ang hindi
nauunawaan. Hindi wasto
ang balarila at mga bantas na
ginamit.

Inaasahang sagot:
1. Mahalaga ito sapagkat maraming
mga pangyayari ang posibleng
makaapekto sa buhay. Maaaring
ang aking pangarap o nais na
kuhaning kurso ay biglang
magkaroon ng mga pagbabago sa
mga kahingian nito, o mga bagay
14

at katangian na dapat kong


taglayin upang makamit ko ang
kursong ninanais ko. Sa
pamamagitan ng pagpaplano,
nailalatag ko ang mga bagay na
aking posibleng gawin, mga bagay
na dapat kong iwasan, mga
sitwasyong dapat kong
paghandaan, at mga alternatibong
aksyon na dapat kong isaalang-
alang. Sa tulong nito, hindi ako
maaalis sa direksyong aking
tinatahak, ni matutukso sa paligid,
at mananatili ako sa pag-abot ng
aking lubos na ninanais. Ang
planong ito ang magsisilbi kong
gabay ng aking pag-uugali at mga
gawain.
2. Ang pagiging mulat at maalam sa
mga personal na salik na ating
taglay ay may malaki at
mahalagang bahaging
ginagampanan sa pagpili at
pagpaplano ng kurso. Una,
mahalagang malaman ko ang mga
interes ko dahil ang mga bagay na
kinahihiligan ko ang magsisilbing
gabay sa kursong ninanais ko.
Pangalawa, ang pagiging maalam
sa mga taglay kong kakayahan at
talento ay isa ring mahalagang
salik sapagkat maaari kong ibatay
sa trabahong o negosyong aking
nanaisin ang mga talento at
kakayahan ko dahil batid ko na
makakatulong ito upang mas
maging matagumpay. Pangatlo,
ang pagiging mulat sa ating mga
pinapahalagahan, katulad ng
pamilya, tagumpay, at pag-unlad,
15

ay magsisilbing motibasyon
upang makapili ng kurso o isang
negosyo sapagkat mayroon tayong
isinasaalang-alang at mayroon
tayong tila layunin na kaakibat ng
ating mga pagpapahalaga. Bawat
isang salik ay may kanya-kanyang
bigat at tulong na naibibigay
upang maging matibay ang mga
desisyon na ating gagawin.

Technology
Stratehiya: Pagninilay Integration

Panuto: Pagnilayan ang pangungusap. App/Tool:


Takdang-Aralin Isulat ang magiging kasagutan sa iyong
(ASSIGNMENT) kwaderno. Link:
“Alalahanin ang iyong mga interes, Note:
15.1. Natutukoy ang
mga personal na salik talento, at mga pinapahalagahan. Sa
na kailangang pamamagitan nito, suriin ang sarili at Picture:
paunlarin kaugnay ng pumili ng isang kurso, propesyon o
pagpaplano ng negosyo na iyong nais. Tukuyin ang
kursong akademiko o iyong mga naging dahilan at mga
teknikal-bokasyonal, isinaalang-alang sa pagpili nito. Ilahad
negosyo o ang iyong mga ninanais na plano upang
hanapbuhay. maisakatuparan ang ito.”

Panghuling Gawain Sa pamamagitan ng isang emoji, ilahad Technology


(Closing Activity) ang iyong naramdaman, natutunan o Integration
naging pangkalahatang estado mo sa
15.1. Natutukoy ang klaseng ito. App/Tool:
mga personal na salik
na kailangang Link:
paunlarin kaugnay ng
pagpaplano ng
Note:
kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal,
negosyo o Picture:
hanapbuhay.

You might also like