You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of

PROTOTYPE LESSON PLAN SA FILIPINO sa PILING LARANG


TECH - VOC
Sabjek: Filipino Baitang 12

Petsa /Sesyon 1 – 4 Sesyon

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Naisaalang-alang ang etika sa binubuong


Kompetensi
teknikal-bokasyunal na sulatin
CS_FTV11/12PU-Om-o-99

I. Layunin

Nakapagbibigay ng kahulugan, katangian


Kaalaman at karaniwang nilalaman ng flyers/
leaflets at promo materials

Nakagagawa ng panimulang
Saykomotor flyers/leaflets at promo materials na
nanghihikayat

Naisaalang-alang at naisasabalikat ang


Apektiv etika sa binubuong flyers/leaflets at
promo materials

II. Paksang-Aralin

A. Paksa Promo Materials: Flyers and Leaflets


B. Sanggunian Modyul 6

C. Kagamitang Pampagtuturo Modyul, flyers, leaflets, handouts

III. Pamamaraan TUGON PARA SA GURO

A. Paghahanda ● SUBUKIN
Sa bahaging ito ay aatasan ang
mga mag – aaral na sagutin ang
Pangmotibasyonal na Tanong
Panimulang Pagtataya na matatagpuan
sa pahina 2 – 3.

⮚ PANIMULANG PAGTATAYA

● TUKLASIN
May nakalaang mga gawain para
sa mga mag – aaral sa bahaging
ito. Sasagutin ng mga mag – aaral
ang Gawain 1.

⮚ GAWAIN 1
PANUTO: Tingnan at suriing mabuti ang
mga larawan sa ibaba. Pagkatapos,
sagutin ang mga gabay na tanong at
Aktiviti/Gawain isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Masasabi mo bang mga halimbawa ng


promo material ang larawan sa itaas?
Bakit?

2. Ano-ano ang impormasyong nakuha


mo mula rito?

3. Kakikitaan mo ba ito ng katangiang


mapanghikayat? Pangatwiranan.

4. Saan mo kalimitang nakakakita ng mga


flyers, leaflets at iba pang promotional
materials?

5. Ano ang karaniwang mababasa sa mga


flyers, leaflets at iba pang promotional
materials?

6. Ano ang nakapupukaw sa inyong


atensiyon sa tuwing makakakita ng mga
flyers, leaflets at iba pang promotional
materials?

● SURIIN

Ang mga mag – aaral sa bahaging


ito ay bibigyan ng mga gabay na
tanong na kailangang sagutin.
⮚ PAGSUSURI

PANUTO: Sagutin ang mga tanong at


isulat ang sagot sa iyong
Pagsusuri kuwaderno/papel.

1. Base sa gawain, naging madali ba ang


pagkilala sa taong nasa larawan? Bakit?

2. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang


gawaing iyon, dito sa aralin na iyong pag-
aaralan?

B. Paglalahad ● PAGYAMANIN

Abstraksyon Sa bahaging ito naman ay


tatalakayin ang kahalagahan sa
paggawa ng flyers at leaflets.
(Pamamaraan ng Pagtatalakay)

⮚ PAGLALAHAD
Bibigyan ng handouts ang mga
mag – aaral upang mabasa ang
kahalagahan sa paggawa ng
flyers at leaflets.
⮚ MGA GAWAIN
Bibigyan ng panibagong Gawain
ang mga mag – aaral na
kaugnay sa tinalakay.

PANUTO: Pag-aralang mabuti ang


halimbawang promo material sa ibaba.
Isulat ang sagot sa papel.

1. Anong uri ng promo material ang


halimbawa sa itaas?
2. Naipamamalas ba nito ang katangiang
dapat taglayin ng nasabing promo
material?
3. Ibigay ang batayang impormasyon ng
nasabing promo material batay sa
sumusunod:
a. Pangalan ng produkto
b. Paglalarawan sa produkto
c. Tagline ng nasabing produkto o
kompanya
d. Larawan o ilustrasyon
e. Impormasyon o akses ng produktong
nakalagay sa flyer o promotional
materials

● ISAISIP

Ang promo materials ay isang uri


ng sulatin na nagbibigay impormasyon na
naglalayong manghikayat ng anumang uri
ng produkto, pangyayari at iba pa.
Ginagamit ito kadalasan sa
negosyo, komersyo, at pagpapakilala ng
produkto.

C. Pagsasanay
Maaring magbigay ng pasulit ang guro

Mga Paglilinang na Gawain

● ISAGAWA
Bibigyan ng gawain ang mga mag
– aaral upang masuri ang kanilang
kakayahan batay sa ginawang
talakayan.
D. Paglalahat ⮚ PAGLALAPAT

PANUTO: Gumawa ng sariling promo


material hinggil sa paksa na iyong
maibigan. Maaaring tungkol sa produkto,
negosyo, pagkain, paglalakbay, mga
tanawin at iba pa. Upang hindi ka
masyadong mahirapan sa pangangalap
ng larawan at impormasyon, maaari kang
gumawa ng promo material buhat sa
mga ginupit-gupit na mga larawan na
maaaring pagtagpi-tapiin at idikit sa isang
bondpaper. Tutulungan ka ng
pamantayan sa ibaba nang makagawa ka
ng malikhaing promo material. May
rubrics na nakalaan para sa gawaing ito
na matatagpuan sa modyul sa pahina 11
– 12.

Tatanungin ang mga mag – aaral ng guro


kung ano ang kanilang natutuhan mula sa
tinalakay at mga gawain na kanilang
ginawa.

Generalisasyon

IV. Pagtataya I. PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang


pahayag ang totoo habang MALI naman
kung hindi. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

________1. Ang sanaysay ay halimbawa


ng promotional material.
________2. Nararapat isaalang-alang
angmga batayang impormasyon sa
paggawa ng promotional material.
________3. Ang leaflet ay nagpapakita ng
katangian ng isang promotional material.
________4. Isa sa mga katangian ng
promotional material ay mapanghusga.
________5. Ang promo material ay
paraan ng patalastas.

II. IDENTIPIKASYON: Punan ang patlang


ng wastong sagot upang mabuo ang mga
pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno
(2 puntos bawat isa)

1. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang


mga halimbawa ng ________________.
2. Isa sa mga pangunahing layunin ng
pagsulat ng flyer ang _______________
ng mga mamimili.
3. Ang _______________ ay kadalasang
binubuo lamang ng isang pahinang
nagtataglay ng impormasyon tungkol sa
isang produkto o serbisyo.
4. Ang _______________ ay kalimitang
mas mahabang uri ng promotional
material at may pagkakahati-hati ng mga
impormasyong nakalagay rito.
5. Naglalaman ang ______________ ng
mas kakaunting teksto at mas nakatuon
sa larawan o ibig iparating na mensahe sa
biswal na paraan.

III. ENUMERASYON: Magbigay ng limang


bagay na kadalasang matatagpuan sa
mga promotional materials. (2 puntos
bawat isa)
1. _________________
2. _________________
3. _________________
4. _________________
5. _________________

PANUTO: Sumulat ng dalawang talata


tungkol sa makabuluhang natututuhan sa
V. Takdang-Aralin araling ito. Maaaring isulat ang iyong
tunay na karanasan sa iyong kuwaderno.

Paalala: Maaaring magbigay ng ibang mga gawain ang mga guro na naaangkop sa kakayahan ng
kanilang mga mag – aaral.

Inihanda ni: Gng. Melanie Elnar Labaya - Davalan

You might also like