You are on page 1of 10

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBAC
K

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Seludo, Deborah Joy A. Vargas, Chedy Ann

Lesson Plan Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Heading Baitang 7
Ikatlong Markahan

Kasanayang EsP7PB-IIIe-11.1 - Nakikilala ang mga panloob na salik na


Pampagkatuto nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga.
DLC (No. &
Statement)
C. Disiplinang Pansarili

Dulog o
Approach Inculcation Approach

Panlahat na
Layunin
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
(Objectives)
DLC
C- Pangkabatiran: Nakapagpapahayag ng malinaw ukol sa
kahalagahan ng disiplinang pansarili bilang panloob na salik na
nakakaimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga.

A- Pandamdamin: Nakikibahagi sa mga gawain na makakatulong


upang mas mahubog ang disiplinang pansarili

B- Saykomotor: Nakagagawa ng plano kung paano maisasabuhay


2

ang panloob na salik na disiplinang pansarili

PAKSA Disiplinang Pansarili


(TOPIC)
Inaasahang
Pagpapahalaga
Disiplinang Pansarili (Moral)
(Value to be
developed)
Ang Disiplinang pansarili bilang panloob na salik ay nakakapag
papaunlad ng pagpapahalaga. Sa paghubog ng pagpapahalagang
Konsepto ng
disiplinang pansarili mabubuo ang pundasyon ng magandang gawi at
Pagpapahalaga
maiiwasan ng mga mag-aaral na makagawa ng mali at malinang
lamang ang paggawa ng tama.
1. May katwiran. Rational na tao. (n.d.). Retrieved November 10,
2021, from https://ik-ptz.ru/tl/testy-ege---2014-po-literature/
racionalnyi-racionalnyi-chelovek.html.
2. Blanco, J. (2006, March 31). Disiplina. PhilStar. Retrieved
November 10, 2021, from: https://www.philstar.com/opinyon/
2006/03/31/329/120/disiplina
3. Paulino, G. (2013, October 16). Kalayaan. SlideShare.
SANGGUNIAN Retrieved November 10, 2021, from
https://www.slideshare.net/gene/
(APA 7th Edition
format) capaulino/kalayaan-27238186.
(References) 4. University of the People. (n.d.) Self-discipline for students.
varied Retrieved from: https://www.uopeople.edu/blog/self-discipline/
-for-students/

5. K to 12 Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa


Pagpapakatao (Q3 - Q4). Slideshare. Retrieved November 10,
2021, from https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4

MGA ● Laptop
KAGAMITAN
● Powerpoint Presentation
(Materials)
● Internet
● Roll jack (rolljack.com)
3

● Youtube (youtube.com)
● Genially (genial.ly)
● Google Docs (docs.google.com)
● Quizizz (quizizz.com)
● GoConqr (goconqr.com)
PANLINANG NA Technology
GAWAIN Pamamaraan/Strategy : Indibidwal na gawain Integration
(Motivation) Pamagat ng gawain : Would You Rather? (Anong
pipiliin mo?) rolljak.com
Panuto: Isulat sa kahon ang napiling sagot sa mga
tanong na makikita sa iyong iskrin.

Ano ang pipiliin mo?

- Aspetong Pang Pamilya

Q1. Sundin ang bilin ng iyong ina na alagaan ang


iyong nakababatang kapatid o ipilit ang nais mo na
lumabas kasama ang barkada?

- Aspetong Pang Paaralan

Q2. Maghanap ng sagot gamit ang google kahit


ipinagbabawal sa pagsusulit o manatiling tapat sa pag
sasagot kahit nahihirapan sa iyong pagsusulit?

- Aspetong Pang simbahan

Q3. Ilaan ang araw ng linggo upang makapag simba


o lumiban sa pagsamba at manood na lamang ng
pelikula?

- Aspetong Pang personal

Q4. Mangatwiran nang mahinahon kahit galit o


mangatwiran nang pabalang dahil galit?

Aspetong Pang komunidad

Q5. Isalansan nang maayos ang pinagkainan sa mesa


o hayaan na lamang na nakakalat ito dahil gawain
naman ng trabahador sa restoran ang iligpit ito?
4

Mga Tanong:

1. Sa iyong palagay ano ang katangian o


pagpapahalaga ang ipinakita sa gawaing ito?

2. Para sayo, bakit mahalaga na magkaroon ng


disiplina ang isang tao?

3. Sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong


disiplinang pansarili? Magbigay ng isang halimbawa

Technology
Dulog: Inculcation Approach Integration

Pamamaraan/Strategy: Story Telling


PANGUNAHING
youtube.com
GAWAIN Panuto: Panooring mabuti ang maikling bidyo na
pinamagatang “The Choice”. Pagtuunan pansin ang
(Activity) kaibahan ng dalawang aksyon at ang naging resulta
nito.

https://bit.ly/3ogKEs5

1. Ano ang iyong naging realisasyon mula sa Technology


pinanood na maikling bidyo? (C) Integration
2. Naipapamalas mo ba ang mabuting katangian/gawi
na ipinakita sa bidyo? Sa paanong paraan? (B)
MGA 3. Ano ang aral na nais iparating ng maikling bidyo genial.ly
KATANUNGAN na iyong napanood? (C)
4. Ano ang mararamdaman mo kung napapansin mo
(Analysis) na ang resulta ng iyong kawalan ng disiplina?
Ipaliwanag (A)
C-A-B 5. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng personal na disiplina? (A)
6. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang gagawin
mo para maging masaya at maayos ang iyong
pamumuhay? (B)
PAGTATALAKA Technology
Y Integration
Balangkas ( Outline)
(Abstraction)
genial.ly
● Depinisyon ng disiplina at disiplinang
pansarili
● Kahalagahan ng disiplinang pansarili bilang
5

panloob na salik na nakaiimpluwensya sa


Paghubog ng mga Pagpapahalaga
● Mga paraan upang mahubog ang disiplinang
pansarili

Nilalaman (Content)

Isa ang Disiplinang pansarili sa mga salik na


nakakaimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga
ng isang indibidwal. Ayon sa Philippine Star, ang
disiplina ay nangangahulugang kasanayan na
nagpapaunlad sa pagkontrol ng sarili, karakter at
kasinupan.” Ang pagsasanay ng disiplina ay
makakatulong upang mapaunlad ang buhay at pag-
uugali. Habang ang disiplinang pansarili naman ay
ang kakayahan ng isang indibidwal na sundin ang
mga personal na tungkulin, hangarin at patakaran na
ipinataw niya sa kanyang sarili, gamit lamang ang
lakas.

Ang bawat isa ay may kakayahang gumawa ng


mabuti hindi lamang para sa sarili kung hindi pati na
rin sa mundong kanyang ginagalawan, sa kanyang
kapwa at sa bansa. Mahalaga ang pagdidisiplina sa
sarili upang tunay na malinang ang mga
pagpapahalaga at pawang kabutihan, kaaya ayang
6

aksyon lamang ang maipamalas. Dumadaan sa


masusi at matagal na proseso ang paghubog ng
pagpapahalaga.

Mga paraan upang mahubog ang Disiplinang


Pansarili

Ang mga sumusunod ay dapat matutunan upang


mahubog ang disiplinang pansarili :

A. Mag-isip at magpasya nang makatuwiran


(rational) - Matutong makapag isip, analisa
nang may katwiran tungkol sa mga bagay o
sitwasyon na kailangan ng pagpapasya.

B. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos -


Tanggapin ang magiging bunga
(consequence) ng kilos na isinagawa mabuti
man o hindi ang kalalabasan nito

C. Gamitin ng wasto ang kalayaan - Isaalang


alang ang kabutihan ng lahat sa kilos o
pagpapasya na gagawin

PAGLALAPAT Technology
Pamamaraan/Strategy: Positive Reinforcement Integration
(Application)
Panuto: Nabubuhay ka ba na mayroong disiplina?
Batay sa aralin, tayo bilang tao ay dapat na Google Docs
nabubuhay nang mayroong disiplinang pansarili.
Upang mapaunlad ito, ikaw ay inaasahang gumawa
ng mga plano sa tatlong konteksto at makapagtala ng
mga hakbang o paraan kung paano mo mapapaunlad
ang iyong disiplinang pansarili. Gawan ng plano ang
mga sumusunod:

a. Synchronous Session
b. Asynchronous Session
7

c. Free time

Halimbawa:

Setting: Synchronous Session

Plano: Makinig nang mabuti sa aralin at tututok


lamang sa klase.

Hakbang o Paraan: Habang nagtuturo ang guro, ako


ay makikinig nang maigi sa kanyang mga tinuturo at
tututok sa aming aralin. Iiwasan kong makipag usap
sa messenger o gumawa ng ibang bagay habang nasa
klase bilang pagrespeto at pagdidisiplina sa sarili.

PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: Technology


Integration
(Evaluation/ Panuto: Isulat sa patlang ang letrang ‘T’ kung ang
Assessment) pahayag ay tama at ‘M’ kung ang pahayag ay mali.
quizizz.com
A.

1. Ang Disiplina ay kasanayan na nagpapaunlad sa


pagkontrol ng sarili, karakter at kasinupan.

2. Ang kakayahan na sundin ang mga personal na


tungkulin, hangarin at patakaran na ipinataw niya sa
kanyang sarili sa kabila ng mga balakid ay tinatawag
na disiplinang pansarili.

3. Maliit ang posibilidad na maging matagumpay


sa buhay kung mas pauunlarin ang disiplinang
pansarili.

4. Wasto ang paggamit ng kalayaan kung ang


kilos at pagpapasya ay magbubunga ng kabutihan
para sa lahat.

5. Matatamasa ang mapayapa at masayang buhay


kahit ang tao ay walang disiplinang pansarili

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa


ibaba. Piliin ang tamang sagot at punan ang patlang,
gamit ang word box sa ibaba.
8

B.

6. Magsikap na mag-isip at maging makatwiran sa


________.

7. Ang taong mayroong disiplinang pansarili ay


mayroong mataas na posibilidad na maging
________.

8. Sa paggawa ng kilos o pagpapasya ay dapat


isaalang-alang ang kabutihang panlahat dahil ito ang
wastong paggamit ng ________.

9. Sa lahat ng kilos na ginagawa, siya ay nagiging


________.

10. Kailangan tanggapin na ang pasya at kilos na


ginagawa ay mayroong ________.

matagum kalayaan
pay
pagpapas mapanagu
kalalabas
ya tan
tungkulin
an o
conseque
nce

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at


sagutan ito.

C. Sanaysay

1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga na magkaroon


ng disiplinang pansarili ang isang indibidwal?
Ipaliwanag.

2. Anu-anong mga kasanayan ang kailangan mong


matutunan upang mapatibay ang iyong disiplinang
pansarili? Magbigay ng dalawa at ipaliwanag.

Mga Kasagutan:
A. T or M
1. T
9

2. T
3. M
4. T
5. M

B. Fill in the blank


6. pagpapasya
7. matagumpay
8.kalayaan
9. mapanagutan
10. kalalabasan o consequence

C. Sanaysay
1. Criteria sa pag-grado ng sanaysay

2. Mga posibleng sagot


- magsikap na mag-isip at magpasya nang
makatuwiran (rational)
- maging mapanagutan sa lahat ng kanyang
kilos
- tanggapin ang kalalabasan (consequence) ng
pasya at kilos
- Gamitin ng wasto ang kanyang kalayaan
TAKDANG- Technology
ARALIN Panuto: Gamit ang storyjumper, bumuo ng senaryo Integration
sa bawat mabuting katangian na iyong tinataglay.
(Assignment) Nararapat na ipakita sa bawat senaryo kung paano
magagamit ang iyong mga katangian sa paghubog ng Storyjumper.c
iyong disiplinang pansarili. Sa huling pahina, ilahad
10

om
ang iyong reyalisasyon sa paggawa ng senaryo at
kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng disiplinang
pansarili.

Technology
Pamamaraan/Strategy: Positive or Negative Integration
Reinforcement
Pagtatapos na
Gawain Panuto: Ang mga piling mag-aaral ay inaasahan na genial.ly
magbahagi ng kanilang natutunan mula sa paksang
(Closing Activity) tinalakay. Pagkatapos magbahagi ng mga mag-aaral,
ang guro ay magbibigay ng konklusyon bilang
pagtatapos na gawain.

You might also like