You are on page 1of 12

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

BARDAJE, Angelica F. CUETO, Shayne

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan Baitang 8
Heading
Ikalawang Markahan

8.3. Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang


Kasanayang
lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa
Pampagkatuto
DLC (No. & mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa
Statement) lipunan.

Dulog o
Values Clarification
Approach

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C - Pangkabatiran: Naisasaisip ang mga kahalagahan, tungkulin, at


kasanayan bilang isang mabuting taga-sunod.
Panlahat na Layunin A - Pandamdamin: Naisababalikat ang pagiging isang mabuting
(Objectives) taga-sunod tungo sa produktibong papel sa lipunan.

B - Saykomotor: Nakagagawa ng mga paraan upang mapaunlad ang


sarili bilang isang mabuting taga-sunod na makatutulong sa
pagpapaunlad ng lipunan.

PAKSA
(TOPIC) Ang Pagiging Isang Mabuting Tagasunod
2

Inaasahang
Pagpapahalaga
Personal Discipline
(Value to be
developed)

Ang pagiging isang mabuting tagasunod ay magiging posible lamang


Konsepto ng kung ang isang indibidwal ay mayroong disiplina at responsable sa lahat
Pagpapahalaga ng kanyang mga gawain at tapat sa mga sinumpaang tungkulin.
(1-3 sentences) Kinakailangan ng disiplina upang maisabuhay ang personal commitment
tungo sa pagkamit ng mga adhikain ng isang samahan.

1. Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia,


Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R.
Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at
Rheamay T. Paras, et. al. 2013. Edukasyon sa
Pagpapakatao Ikawalong Baitang (Kagamitan ng
mag-aaral) Unang Edisyon. Pasig City, Philippines:
Department of Education Instructional Materials Council
SANGGUNIAN Secretariat (DepEd IMCS).
(APA 7th Edition 2. Ogale, G., & Maramot-Ogale, M. (2017). ESP batay sa
format) K-12 Curriculum. Student Digest Publishing House.
(References) 3. Department of Education. 2016. "K to 12 Edukasyon sa
Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum."
4. Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao
8 Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-BLR, Unang
Edisyon 2013, pp 103
5. First Follower: Leadership Lessons from Dancing Guy.
(2010, February 11). [Video]. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=fW8amMCVAJQ

MGA KAGAMITAN - Powerpoint Presentation


(Materials) - Laptop / Desktop

Pamamaraan/Strategy: Word Cloud Wooclap


PANLINANG NA
GAWAIN Panuto: Magtala ng isang salita o katangian na https://app.woocla
(Motivation) maiuugnay at maglalarawan ng isang mabuting p.com/NHABKI
tagasunod.
3

Mga Tanong:

1. Ano ang salitang naitala mo?

2. Bakit ito ang itinala mong salita? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, naisasabuhay mo ba bilang


mag-aaral ang pagiging isang mabuting
tagasunod?

Dulog: Values Clarification Approach Jamboard

Pamamaraan/Strategy: Unfinished Sentences

Panuto: Batay sa iyong karanasan, punan ang mga


patlang sa mga pangungusap na nasa ibaba.

1. Sa loob ng tahanan, ako ay nagiging


madalas na tagasunod ng mga nakatatanda
PANGUNAHING gaya ng aking mga magulang sa iba't ibang
GAWAIN pamamaraan gaya ng
_______________________________.
(Activity) 2. Sa aming barangay kung saan ang kapitan
ang lider, ang tungkulin ng mga tagasunod
gaya ko ay _____________________.
3. Bilang isang tagasunod ng bansa, ako ay
may adhikain na _________________.
4. Tuwing may pangkatang gawain na
nangangailangan ng teamwork at
collaboration, ako ay nakakaramdam ng
_______________________________.
5. Naniniwala ako na “a good leader is a
good follower” dahil _______________.

1. Ano ang mga tungkulin na dapat maisagawa ng Kahoot


MGA isang mabuting tagasunod? (C)
KATANUNGAN
2. Ano-ano ang mga kasanayang kailangang
(Analysis)
malinang upang maging isang mabuting
C-A-B
tagasunod? (C)
4

3. Anong mga karanasan mo ang nagpapatunay na


nagampanan mo ang iyong tungkulin na maging
mabuting tagasunod sa inyong lipunan?
Ipaliwanag. (A)
4. Bakit mahalagang maunawaan ang papel ng
isang mabuting tagasunod sa kaayusan ng
lipunan? (A)
5. Anong mga pansariling hakbang o kilos ang
iyong naiisip upang iyong maisabuhay ang
pagiging isang mabuting tagasunod? (B)
6. Sa paaanong paraan mo maisasakatuparan ang
pagpapaunlad mo sa iyong sarili bilang isang
mabuting tagasunod na makatutulong sa
pag-unlad ng lipunan? (B)

Balangkas (Outline) Powerpoint


Presentation
A. Introduksyon (Canva)
B. Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod
C. Mga Tungkulin ng Pagiging Tagsunod/Follower
D. Mga Kasanayang Dapat Linangin ng Isang
Tagasunod
1. Kakayahan sa Trabaho
2. Kakayahan Mag-oganisa
3. Mga Pagpapahalaga
PAGTATALAKAY
(Abstraction) Nilalaman (Content)

Naranasan mo na bang maging lider ng


isang pangkatang gawain? Eh ang maging
tagasunod? Ano ang gampanin na madalas mong
gampanan sa dalawa? Kung walang tagasunod,
walang saysay ang pagiging isang lider. Paano mo
ginampanan ang iyong mga tungkulin, kung ikaw
ay isang tagasunod? Palagi nating naririnig ang
mga kataga mula sa kilalang Pilosopo na si
5

Aristotle, ayon sa kaniya, “He who cannot be a


good follower, cannot be a good leader”. Ano nga
ba ang ibig sabihin nito? Ano ano ang mga
katangian na dapat mong isabuhay upang maging
isang responsable at mabuting tagasunod?

Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod

Hindi maitatanggi na ang pagiging isang lider


at tagasunod ay parehas na magkasing-halaga.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, ikaw ay magiging
isang lider dahil may mga pagkakataon na ikaw ay
magiging isang tagasunod. Gayundin, ang isang
mabuting lider ay nagmula sa pagiging mabuting
tagasunod. Sa isang samahan o gawain, hindi
maisasakatuparan ang isang adhikain kung walang
suporta at tulong ng mga kasapi at tagasunod
nito.

Ayon kay Barbara Kellerman ng Harvard


University nakagagawa at naisakatutuparan ng
epektibong pangkat ng tagasunod ang layunin ng
samahan. Ang kalakasan at kahinaan ng isang
samahan ay tunay na nakasalalay sa mga
tagasunod. Isang magandang halimbawa nito ang
mga digmaan na napagtagumpayan dahil sa
malalakas at magagaling na mga tagasunod
(sundalo) na pinamunuan ni Alexander the Great
na hari ng Macedonia. Gayundin, ang mga
kumpaniyang may mga magagaling at mahuhusay
na empleyado ay karaniwang nangunguna laban sa
kanilang mga kakumpitensya. Kaya’t, para sa
isang lider maraming mabubuting bagay ang
naidudulot ang pagkakaroon ng mga kasama at
tagasunod na lubhang mahuhusay.

Suriin ang iyong mga ginagampanan at


tungkuling pinagkakaabalahan sa loob ng isang
6

araw. Hindi ba’t mas madalas na ikaw ay nagiging


tagasunod kaysa isang lider? Nakasalalay ang
pag-unlad ng iyong pagkatao sa pagtupad mo sa
mga pangunahing tungkulin na ito. Kaya naman,
marapat lamang na linangin mo ang iyong
kaalaman at mga pagpapahalaga upang maging
isang mapanagutang tagasunod.

Mga Tungkulin ng Tagasunod o Follower

Tungkulin ng isang tagasunod ang magsulong


ng aksyon at gumawa ng aksyong tutugma sa
ipatutupad ng lider upang makamit ang layunin ng
samahan. Marapat lamang na magpakita ang
isang tagasunod ng interes at katalinuhan sa
paggawa. Ang mga tagasunod ay palaging kasali
sa diskusyon, paggawa, at pagpapasiya ng isang
gawain kung saan ang mga kontribusyon at
pagsusumikap ng mga tagasunod ay ginagalang,
kinikilala, at pinararangalan.

Mga Kasanayang Dapat Linangin ng Isang


Tagasunod (Kelly, 1992)

1. Kakayahan sa Trabaho (Job Skills) - Malilinang


ito sa pagkakaroon ng focus, commitment,
pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa
paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa
kinabibilangang pangkat.

2. Kakayahang Mag-organisa (Organizational


Skills) - Malilinang ito sa pamamagitan ng
pagkilala at pagpapalago ng pakikipagugnayan sa
mga kasama sa pangkat, iba pang samahan, at
mga namumuno.

3. Mga Pagpapahalaga (Values Component) -


Malilinang ito ng isang ulirang tagasunod kung
7

paiiralin niya ang isang mabuti, matatag, at


matapang na konsensya na gagabay sa kaniya sa
pagtupad ng kaniyang mga gawain at
pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa kapwa.

Kung ikaw ay magiging isang ulirang


tagasunod, inaasahan na ikaw ay magiging
matalino sa pagpili ng lider na napapanahon
ngayong paparating ang eleksyon. Marapat
lamang na ikaw ay maging tapat at palagiang
magsasaalang-alang ng iyong kasamahan at
kapwa upang makamit ng kabutihang panlahat.
Tunay na magiging makabuluhan ang iyong buhay
kung ang mga tungkuling iniaatang sa iyo ay iyong
kinikilala at ginagampanan tungo sa pag-unlad ng
lipunan iyong kinabibilangan.

Pamamaraan/Strategy: Value Observation Powerpoint


Presentation
Panuto: Sa pamamagitan ng iyong mga karanasan (Canva)
at pag-oobserba sa iyong paligid sa araw-araw.
Isulat ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
mabuting tagasunod sa tahanan, pamayanan, at
bansa. Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral
upang ibahagi ang kanilang sagot.

PAGLALAPAT Magtatawag ang guro ng ilan sa mga mag-aaral


(Application) upang ibahagi ang kanilang sagot.

Mga Institusyon: Kahalagahan ng


Pagkakaroon ng
Mabuting Tagasunod
sa mga Institusyong
ito:

1. Tahanan

2. Pamayanan

3. Bansa
8

Mga Uri ng Pagsusulit: Multiple Choice at Essay Google Forms

A.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o


sitwasyon at piliin ang tamang sagot.

1. Sinong kilalang Pilosopo ang nagsabi ng


katagang “He who cannot be a good
follower, cannot be a good leader”?
a. Aristotle
b. Hume
c. Plato
d. Socrates

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI


kasanayan o skills na dapat linangin ng
isang tagasunod ayon kay Kelly?
PAGSUSULIT a. Communication skills
(Evaluation/ b. Job Skills
Assessment) c. Organizational skills
d. Values Component

3. Sila ang itinuturing na kalakasan at


kahinaan ng isang samahan?
a. Kasipagan
b. Komunikasyon
c. Lider
d. Tagasunod

4. Ang inyong Barangay ay magsasagawa ng


hard lockdown ngunit walang mga pulis na
magbabantay sapagkat marami ang
naitalang kaso ng COVID. Alam mong
hindi kayo makakalabas ng bahay kahit pa
bumili ng pagkain.Ano ang gagawin mo?
a. Lalabas pa rin ng bahay dahil wala
mamang bantay.
b. Iaasa na lamang sa Barangay ang
lahat ng pangangailangan.
9

c. Makikiusap na makalabas ng bahay


at sasabihin na hindi nakabili ng
kailangan.
d. Bibili nang mga sapat na
pangangailangan bago pa
maglockdown para hindi na lalabas
pag naka hard lockdown.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang


HINDI nagpapakita ng tungkulin ng isang
tagasunod?

a. Palaging kasali sa disksusyon,


paggawa, at pagpapasiya
b. Magpakita ng interes at
katalinuhan sa paggawa.
c. Sumang-ayon na lamang palagi sa
ideya o kagustuhan ng lider.
d. Magsulong ng aksyon at gumawa
ng aksyong tugma sa ipatutupad ng
lider

B.

Panuto: Piliin mula sa kahon ang tamang


kasagutan sa mga pahayag sa ibaba.

Barbara Kellerman Socrates

Tagasunod Organizational

Component Job Skills

6. Sa isang samahan o gawain, hindi


maisasakatuparan ang isang adhikain kung
wala ang _________________ .
7. Ayon kay ____________, ang kalakasan
at kahinaan ng isang samahan ay tunay na
nakasalalay sa mga tagasunod.
8. Ang Values _______ ay malilinang sa
10

pagakakarokn ng isang mabuti, matatag,


at matapang na konsensya.
9. Malilinang ang ____________ sa
pagsusumikap na maragdagan ang
kagalingan sa paggawa.
10. Upang malinang ang ____________
skills ay nararapat lamang na mapalago
nya ang kanyang pakikipag-ugnayan sa
mga kasama nya sa pangkat at sa
namumuno.

C.

Panuto: Bumuo ng isang maikling sanaysay na


naglalaman ng 1-3 na pangungusap sa bawat
katanungan.

1. Bilang isang mag-aaral, anong mga paraan


o hakbang ang maaari mong magawa na
magpapatunay na ikaw ay isang mabuting
tagasunod?
2. Bilang isang miyembro ng lipunan, sa
paanong paraan mo maipapakita ang iyong
pagsunod at paano nito hinuhubog ang
iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa?

Mga Kasagutan:

A.
1. A
2. A
3. D
4. D
5. C

B.
6. Tagasunod
7. Barbara Kellerman
8. Component
9. Job Skills
10. Organizational

C.
11

1. Bilang isang mag-aaral, maipapakita ko


ang pagiging isang mabuting tagasunod sa
paraan ng pakikiisa sa mga pangkatang
gawain at pagbibigay suhestiyon sa lider.
Maaari ko ring maipakita ang pagiging
isang mabuting tagasunod kapag ako ay
nakakasama sa mga diskusyon at
nakakapagbahagi ng mga ideya.

2. Maipapakita ko ang pagiging isang


mabuting tagasunod sa lipunan sa
pamamagitan ng pakiisa sa mga
programang ipinapatupad para sa aming
kaayusan at pagsunod sa mga batas.
Nakakatulong din ito upang magkaroon ng
malalim na ugnayan sa kapwa na siyang
susi sa isang masaganang pamumuhay.

Panuto: Sa pamamagitan ng Story Jumper, Story Jumper and


magbahagi ng mga naging karanasan tungkol sa Google Sheets
mga samahan o naging gawain na kinabilangan
mo. Ibahagi kung ikaw ay naging mabuting
TAKDANG-ARALI taga-sunod, kung hindi, maglagay ng mga
N pamamaraan na iyong natutunan kung paano ito
(Assignment) maisakakatuparan sa susunod na pagkakataon.

Gawin itong malikhain at kaaya-aya.

Ipaste ang link ng nagawang story jumper sa


Google Sheets na ibibigay ng guro.

Pamamaraan/Strategy: Video Viewing and YouTube


Teacher’s Input

Pagtatapos na Bilang pagwawakas sa aralin, ang guro ay


Gawain magpapanood ng isang video mula sa YouTube na
(Closing Activity) pinamagatang First Follower: The Leadership
Lesson From the Dancing Guy

https://www.youtube.com/watch?v=fW8amMCVA
JQ
12

Ang pagiging mabuting tagasunod bagamat sa


ilang pagkakataon ay hindi nabibigyan ng
pagkilala gaya ng ibinibigay sa lider. Makikita sa
video na ang isang tagasunod na naglakas loob
ang siyang pangunahing dahilan ng pagsunod ng
ibang mga tao. Walang magiging paggalaw at
hindi mangyayari ang kasiyahan kung hindi dahil
sa kaniya. Ang pinakamabisang paraan upang
maisakatuparan ang anumang adhikain o layunin
ng isang samahan ay ang pagpapakita ng tapang
at mabuting halimbawa na ikaw ay handang
maging responsableng kasapi at mabuting
tagasunod ng samahan.

You might also like