You are on page 1of 5

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
NOT

Quarter 2 – Module 8
Ang Mapanagutang Pamumuno at
Pagiging Tagasunod

NOT

Mga Angkop Na Kilos Upang Mapaunlad


Ang Kakayahang Maging Mapanagutang
Aralin Lider at Tagasunod

Alamin

Sa aralin na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

• Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang


maging mapanagutang lider at tagasunod EsP8P-IIf-8.4

Subukin
Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang wastong


sagot at bilugan ang titik lamang.
1. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng
sumusunod, maliban sa:
a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang
impluwensiyahan ang kapwa
c. hindi nakikipag-ugnayan sa mga kasapi
d. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba
2. Ayon kay “Ang pagganap ng tao sa kanyang
gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili
tungo mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay
sa lipunan”.
1 1
a. Dr. Eduardo Morato b. Jack Weber c. John C. Maxwell d. Ban Ki-
Moon 3 .Ang mga sumusunod ay tungkulin ng lider at tagasunod maliban sa
isa.
a.p akikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang malinaw at may paggalang
b. pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi.
c. paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi.
d. Hindi pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat
4. Ang mga sumusunod ay kasanayang dapat linangin ng isang tagasunod maliban sa isa.
a. Kakayahan sa trabaho (job skills)
b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
c. Mga pagpapahalaga (values component).
d. Kakayahang hindi makibagay sa sitwasyon

2
5. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng focus,
komitment, pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa
paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa kinabibilangang
pangkat.
a. Kakayahan sa trabaho (job skills)
b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
c. Mga pagpapahalaga (values component)
d. Wala sa nabanggit

Gawain 2
Isagawa

Panuto: Magsagawa ng mga angkop na kilos upang mapaunlad ang


kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod. Gamitin ang graphic
organizer bilang checklist.
Pangalan:

_________________________ ________________________
- ------

Ang mga angkop na kilos ng Ang mga angkop na kilos ng


mapanagutang lider at tagasunod na mapanagutang lider at tagasunod na
tinataglay ko ay: kailangan kong paunlarin ay:

Ang aking mga gagawin upang mapaunlad ko ang aking kakayahan bilang mapanagutang
lider at tagasunod ay:

3
Sumusunod ka man o ikaw ang sinusundan, sa pagiging mapanagutang lider
o pagiging tagasunod, makapaglilingkod ka, at makapagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa. Magkakaroon ng kabuluhan ang iyong buhay kung
ang mga tungkuling iniatang sa iyo ay iyong kinikilala, nililinang, at
isinasabuhay nang mapanagutan tungo sa pagkakamit ng kabutihang
panlahat. Sa huli’y, magiging produktibo at makabuluhan din ang iyong
pamumuhay sa lipunang iyong kinabibilangan.

Gawain 8
Tayahin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga pangungusap na nasa ibaba.
Job Skills kakayahang makibagay sa sitwasyon
Batayang kakayahang makibagay sa
Konsepto personalidad ugnayang may
Organizational kapayapaan at pagkakaisa
Skills mapanagutang lider
Impluwensiya kakayahang makibagay sa tao
Values
Component

1. Nalalaman niya kung anong uri ng pamamahala o estilo ang nararapat sa


bawat sitwasyon na kaniyang kinakaharap dahil siya ay sensitibo, marunong
makibagay, at dagliang tumutugon sa mga pangangailangan ng kaniyang
pinamamahalaan.

2. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng focus, komitment,


pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa paggawa, at pagkakaroon ng
kusang pagtulong sa kinabibilangang pangkat.

3. Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong


sa pagpapaunlad ng sarili tungo mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at
makabuluhang buhay sa lipunan

4. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan


sa mga kasama sa pangkat, iba pang samahan at sa mga namumuno.

5. Malilinang ito ng isang ulirang tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti,
matatag at matapang na konsiyensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng
kaniyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.

(Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang , Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013 / ISBN: 978-971-9990-
80-2Mga Manunulat: Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R.
Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras/ Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.,
Page:208).

4
5

You might also like