You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X-Northern Mindanao
Division of Lanao Del Norte
Munai District
PENDULONAN INTEGRATED SCHOOL
ESP
Quarter III EXAMINATION 8
Name: _____________________________________________ DATE: __________________
Grade Level & section: ________________________________ Score: __________________

Panimula (Susing Konsepto)

Napag-aralan at naipamalas mo sa mga naunang aralin ang mga katangian at kahalagahan ng pagiging
mapanagutang lider at tagasunod. Inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-unawang natutunan mo upang
maipamalas ang mga layuning pampagkatuto na inaasahan sa modyul na ito.
Maraming naghahangad na maging lider ng isang samahan o pangkat. Pero, mas marami ang kuntento at
kusang pinipili na tumulong sa lider at maging tagasunod. Bakit kaya? Ikaw, bakit kaya may pagkakataon na mas
gusto mong maging tagasunod at pamunuan ka ng isang lider?
Lagi kang may pangangailangan na makipag-ugnayan sa iyong kapwa. Maaaring ang tungkuling iyong
ginagampanan ay lider o tagasunod. Anuman ito, alalahanin mo ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan
at pagkakaisa ay kailangan upang malinang ang iyong pagiging ganap o kabuuan bilang tao.
Kung isinasabuhay mo ang pagiging mapanagutang lider, inaasahan na ikaw ay magalang sa lahat,
mapaglingkod sa kapwa, makatarungan ang iyong pakikipag-ugnayan, tapat at maunawain at mayroon kang
kakayahang impluwensiyahan ang kapwa upang makamit ang layunin ng pangkat at tumugon sa pangangailangan ng
lipunan.
Kung ang pagiging tagasunod naman ang nakaatang na tungkulin sa iyo, inaasahan na magiging uliran kang
tagasunod at magiging matalino sa pagpili ng lider na susundin. Maglilingkod ka nang tapat at isinasaalang-alang lagi
ang kabutihang panlahat. Naiimpluwensiyahan mo rin ang ibang kasapi ng pangkat sa pakikiisa at pagsunod sa
pamumuno ng lider upang makamit ang layunin ng pangkat.
Sumusunod ka man o ikaw ang sinusundan, sa pagiging mapanagutang lider o pagiging tagasunod,
makapaglilingkod ka, at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Magkakaroon ng kabuluhan ang iyong buhay
kung ang mga tungkuling iniatang sa iyo ay iyong kinikilala, nililinang, at isinasabuhay nang mapanagutan tungo sa
pagkakamit ng kabutihang panlahat at magiging produktibo at makabuluhan din ang iyong pamumuhay sa lipunang
iyong kinabibilangan.

I. Panuto: Tama o Mali: Sagutin ang mga sumusunod batay sa iyong pang-unawa. Isulat ang salitang LIDER kung ito
ay TAMA, at TAGASUNOD naman kung ito ay MALI. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat aytem.

__________1. Magtatagumpay ang pangkat kung mapanagutang gagampanan ng lider at tagasunod ang magandang
pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinion nang malinaw at may paggalang.
__________2. Tungkulin lamang ng lider ang pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok ng aktibo sa mga
gawain ng pangkat.
__________3. Ang pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi ay mahalaga para sa ikagaganda ng gawain ng
pangkat.
__________4. Napakahalaga sa isang pangkat ang pagtutulungan, paggalang at pagkakaroon ng komitment.

__________5. Sa bawat suliranin ng pangkat, ang paglutas nito ay dapat iaasa lamang sa tagasunod.
__________6. Bilang isang lider, tungkulin niya ang pagbabahagi ng impormasyon, karanasan, at kaalaman sa ibang
kasapi.
__________7. Kailangan ang pagkakaroon ng isang ugnayang may pagkakaisa sa bawat kasapi ng pangkat
upang malinang ang kakayahan ng bawat isa sa mga gawaing naitalaga.
__________8. Bilang isang tagasunod, ang paglingkod nang tapat at isinasaalang-alang lagi ang kabutihang
panlahat ay hindi magandang impluwensiya sa ibang kasapi ng pangkat sa pakikiisa at pagsunod.
__________9. Mahalaga sa isang pangkat ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan at pagkakaisa.
__________10. Prinsipyo ng isang lider na turuan ang mga tagasunod ng paggawa ng samasama at magbigay ng mga
pagkakataon upang subukin ang kanilang kakayahan.

II. Panuto: Magtala ng mga gampanin o tungkulin ng isang mapanagutang lider at tagasunod batay sa iyong karanasan
at natutunan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa espasyong nakalaan.

LIDER TAGASUNOD
1. Gumawa at magpatupad ng mga 1. Gumawa ng aksiyong tugma sa
patakaran at kautusan. ipinapatupad ng lider.

2. __________________________ 2. ____________________________

3. __________________________ 3. ____________________________

4. __________________________ 4. ____________________________

5. __________________________ 5. ____________________________

6. __________________________ 6. ____________________________

7. __________________________ 7. ____________________________

8. __________________________ 8. ____________________________

9. __________________________ 9. ____________________________

10. __________________________ 10. ____________________________

III. Sumulat hanngang samopo na ginawa mong Mabuti sa RAMADAN na naangkop sa ating pananampalataya.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

You might also like