You are on page 1of 6

I.

Panimula

May iniidolo ka bang artista o kaya ay kakilala sa paaralan na ipina-follow sa Facebook o


Twitter? Ano ang katangiang mayroon ang mga taong ito upang siya ay sundan mo kahit sa simpleng
pamamaraan? Sa araling ito, matututuhan mo ang iba’t-ibang paraan ng mabuting pamumuno at
pagiging tagasunod.

II. Pamagat

Ang Mapanagutang Pinuno at Katrabaho

III. Layunin

Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod


b. Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o
napanood
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang
lider at tagasunod

IV. Panimulang Pagtataya

Ikaw ba ay isang lider? May kakayahang maging isang lider o tagasunod? Sagutan ang
sumusunod na tanong. Isulat ang titik na iyong sagot sa patlang.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang mabuting tagasunod?
a. Mahilig magreklamo
b. Mapagkumbaba
c. Marunong sumunod sa lider
d. Nagbibigay ng suhestyon kung kinakailangan
_____ 2.Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo kung ikaw ay nakatanggap ng kristisismo bilang
isang lider?
a. Magagalit at ipagtatanggol ang sarili
b. Iisiping naging masaya sila sa pagpintas sa akin
c. Sasabihan ang nagbigay ng kritisismo na diretsahin ako
d. Ipagpatuloy pa rin ang gawaing sa palagay ko ay tama
_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mabuting lider?
a. Marunong makinig
b. May sariling layunin para sa pangkat
c. Iniisip na palagi siyang tama
d. Palaging titignan ang kahinaan ng miyembro
_____ 4. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng mabuting tagasunod?
a. Nakita ni Jayson ang kanyang lider sa paaralan.Kinausap niya ito at
nagboluntaryong tumulong para sa kanilang proyekto.
b. Mabuting miyembro si Lino. Lagi niyang sinusunod ang kanyang lider na si Paul
kahit na ang sabihin nitong ikuha siya ng kodigo para sa pagsusulit kinabukasan.
c. Mabilis ang komunikasyon sa pangkat nina Joan marami ang nagboboluntaryong
gumawa ngunit kapag oras na ng gawaan ay untii-unti na silang nagpupulasan.
_____ 5. May hinaharap kang problemang dapat lutasin. Ano ang gagawin mo?
a. Magbibigay agad ng solusyon at sasabihing ito ay tama
b. Mag-iisip ng maraming posibleng solusyon at tatanungin ang palagay ng iba
c. Makikipag-brainstorm sa ilang kasama
d. Huwag nang hingiin ang opinyon ng miyembro

Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi.

________ 6. Ang tagumpay sa paggawa ng gawain ay nakasalalay lamang sa lider.


________ 7. Ang suporta ng miyembro ay isa sa mga sikreto kung bakit nagtatagumpay ang isang
lider.
________ 8. Ang isang lider ay dapat palaging isipin na siya ang tama sa paggawa ng desisyon sa
nasasakupang pangkat.
________ 9. Maging mabuting tagasunod din dapat ang isang lider.
________ 10. Ang mabuting pakikipagkomunikasyon ay isa sa katangiang dapat taglayin ng isang
lider.

V. Proseso ng Pagkatuto

A. Pagtuklas
Para sa iyo, ano ang katangian ng isang mabuting LIDER? Isulat ito sa loob ng kahon.

LIDER

ISANIB ANG BAGONG PAGKATUTO

 Basahin ang “Kahalagahan ng Pagiging Mapanagutang Lider at Katrabaho sa iyong batayan


at sanayang aklat sa pahina 211 - 212

Tanong:

Ano ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider? Katrabaho?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

Bakit mahalagang nauunawaan ng isang lider ang kaniyang tungkulin?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

 Basahin ang “ Mga Katangian ng Mapanagutang Lider” sa iyong batayan at sanayang aklat
sa pahina 216 - 219
Tanong:

Pumili ng tatlong katangian ng mapanagutang lider at ipaliwanag ito?


1. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
2. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
3. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

 Basahin ang “ Mga Katangian ng Mapanagutang Katrabaho” sa iyong batayan at sanayang


aklat sa pahina 219 - 221

Tanong:

Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangian ng isang mapanagutang katrabaho?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

 Basahin ang “ Mapanagutang Lider at Katrabaho Tungo sa Pag-unlad” sa iyong batayan at


sanayang aklat sa pahina 221 - 222

Tanong:

Paano nakakatulong sa pagpapaunlad ng sarili ang pagiging isang lider?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Paglinang/ Pagpapatibay

Anong paglilingkod ang nais mong ibahagi bilang isang lider o tagasunod sa mga sumusunod?

LIDER TAGASUNOD

Sa Paaralan
LIDER TAGASUNOD

Sa Pamilya

LIDER TAGASUNOD

Sa Barangay

A. Pagpapalalim

Sagutan ang tanong sa iyong batayang aklat sa pahina 212 #1. Ipasa ang iyong sagot sa aking
gmail account(joanniey23@gmail.com) o facebook messenger.

Paglilipat / P.T.

Gamit ang kasabihan ni Helen Keller na, “Sa pag-iisa, kakaunti lang ang magagawa; kapag
magkakasama, marami ang ating magagawa.” Gumawa ng poster na makapagbibigay ng
inspirasyon sa iyong kapwa mag-aaral.

Rubrik sa paggawa ng Poster

Kalinisan at Kaayusan sa paggawa – 5 puntos


Nilalamang mensahe ng poster – 5 puntos
Kabuuan – 5 puntos
Pagpasa sa tamang oras – 5 puntos

Ipasa ito sa aking gmail account (joanniey23@gmail.com) o facebook messenger.

VI. Panghuling Pagtataya

Tama o Mali
A. Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA sa
patlang kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi.

_______ 1. Hindi mahalaga sa isang mapanagutang lider ang integridad.


_______ 2. Ang mapanagutang tagasunod ay pikit matang sumusunod sa kaniyang lider.
_______ 3. Ang pagiging mapanagutang lider ay pinakikilos ang impluwensiya upang makamit ang
layunin ng lahat.
_______ 4. Dapat gamitin ng lider ang pakikipagkomunikasyon ng mabuti lalo na kung mas
magaling ang kabilang pangkat.
_______ 5. Ang isang mabuting lider ay nakahihikayat sa mga tao na mangarap ng mas mataas.
_______ 6. Mahalaga sa isang lider ang makapagbigay ng inspirasyon sa kaniyang mga
tagasunod.
_______ 7. Mas maraming gustong tagasunod lamang dahil mahirap ang gampanin ng isang lider.
_______ 8. Magiging makabuluhan ang pagiging mapanagutang lider at tagasunod sa kanilang
pagiging tapat, maunawain at kakayahang impluwensiyahan ang kapwa.
_______ 9. Ang isang mapanagutang tagasunod ay maaaring umangat bilang isang mapanagutang
lider sa pamamagitan ng kaniyang magaganda at kahanga-hangang katangian.
_______ 10. Dapat iugnay ng isang mapanagutang lidera ang kaniyang layunin sa isang mas
dakilang hangarin upang siya ay magtagumpay.

VII. Paglalahat

 Magtatagumpay ang pangkat kung gagampanan ng bawat isa, lider man o katrabaho
ang kaniya kaniyang tungkulin.
 Higit na epektibo ang sama-samang paggawa at pagsusumikap sa pag-abot ng
adhikain ng samahan kaysa sa indibidwal na paggawa
 Sa likod ng tagumpay ng bawat mahusay na lider ay ang suporta at masigasig na
paggawa ng mga katrabaho o kasapi
 Ang katangian ng isang mapanagutang lider ay pagiging mahusay sa pagpaplano,
pagpapasiya may integridad, huwaran at inspirasyon, naniniwala sa kakayahan ng
kapwa, may positibong pananaw at saloobin, naglilingkod sa kapwa, mahusay sa
paglutas ng suliranin at marunong makipagsapalaran
 Ang katangian ng mapanagutang katrabaho ay ang pagiging ulirang kasapi,
mapanuri, tapat maglingkod, isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat, nakikiisa
at sumusunod sa lider
 Ang isang managutang lider at katrabaho ay maiaambag sa ikakabuti ng lipunan.
 Ang patuloy na paglinang ng mga kakayahan at katangian bilang lider o katrabaho
ay malaking tulong at kapakinabangan sa lipunan kinabibilangan.

VIII. Sanggunian at mga Link na ginamit sa aralin

 Linangin Worktext 8, Ma. Hazel D. Berina – Forastero et.al, IEMI Publishing House, Sta.
Ana Manila
 Paano Magpakatao 8, Twila G. Punsalan et.al., REX Publishing House, Quezon City
 Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Danilo M. Aquino Jr, et. Al., VIBAL Publishing House,
Quezon City
 Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Constantina S. Arogante, et. Al., VIBAL Publishing House,
Quezon City

IX. Puna o Komentaryo

Maaari niyong isulat ang mga bagay o aralin na hindi niyo naintindihan.

Maaari niyong isumete ang mga gawain sa facebook account na ito:

You might also like