You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 8:
Makatarungang Paglilingkod: Lider at Tagasunod

Pangalan ng mag-aaral: ___________________________


Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
ALAMIN
Kung walang tagasunod, walang halaga ang pagiging lider. Sa isang pangkat
kailangan ang lider na magbibigay ng direksyon. Makapaglilingkod ka at
makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa kung malilinang mo ang kakayahan na
gampanan ang iyong tungkulin batay sa hinihingi ng sitwasyon, maaaring bilang lider o
tagasaunod.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:

8.3 Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at


tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang
pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan EsP8PIIh-8.3

8.3 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging
mapanagutang lider at tagasunod EsP8PIIh-8.4

BALIKAN
Gawain 1- ACRONYM
Sa nagdaang alamin naipamalas mo ang kakayahan na matukoy ang katangian
ng isang mapanagutang lider. Ngayon bibigyan mo ng katumbas na salita na
maglalarawan sa LIDER at TAGASUNOD

L-________________ T-________________
A-________________
I-________________ G-
________________
D-
A-________________
________________
S-________________
E- U-
________________ ________________
N-
R- ________________
________________
O-
TUKLASIN
Gawain 2- Pagsusuri ng Sitwasyon
Panuto: Suriin at pagnilayan ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang
mga tanong at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Itinalagang lider si Timoty ng kanyang guro nang minsan ay nagpatawag ito


ng pagpupulong upang mapag-usapan ang magiging plano sa pagsakatuparan
ng kanilang proyekto. Subalit sa ginanap na pagpupulong karamihan sa mga
kasama nito ay hindi nakinig at mas pinili pang makipagkwentuhan sa mga
katabi nito. Hindi naman pinansin ni Timoty ang mga pangyayari. Sapat na
para sa kanya ang maipaabot at maibahagi ang kanyang naging plano ukol sa
kanilang proyekto.

2. Sa maliit na paaralan ng Barrio Makisig ay hinalal na pangulo si Manuel ng


kanyang mga kamag-aral. Matalino at aktibo ito sa kanyang sinumpaang
tungkulin. Tuwing may gagawin silang proyekto para sa ikakabuti ng
kanilang paaralan ay hindi nakakaligtaang kausapin niya ang kanyang mga
miyembro. Malayang makapaglalahad ng kani-kanilang mungkahi ang mga ito
kung kaya naman laging matagumpay ang lahat ng proyektong kanilang
ginagawa.

3. Maaasahan at punong puno ng ideya si Celia pagdating sa pamumuno, kilala


siya sa pangalang ―Celiadiskarte‖ . Isa din siya sa mahigpit na kalaban ni
Susan sa larangan ng akademiya. Nang nagkaroon ng pangkatang Gawain si
Susan ang naging lider. Hindi tinatanggap nito ang anumang mungkahi o
opinyon ni Celia kahit alam nitong mas higit na maganda ang mga ideya nito
kaysa sa kanya.

4. May isang grupo ng mga kabataan na nag organisa ng isang samahan na may
layuning makatulong sa mga kapus-palad. Ngayong taon ay napagpasiyahan
nilang mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral sa liblib na pook kung
saan hindi ito inaabot ng tulong. Ang naging balakid na lamang sa kanilang
misyon ay ang kasalatan sa pera. Para sa samahan ang pinakaimportante sa
kanila ay ang mga mag-aaral na ito at ang mapagpatuloy ang kanilang
adhikain. Kung kaya naman ay napagpasyahan ng lahat na maglaan ng pera
galing sa kanilang bulsa upang maisakatuparan ang kanilang misyon, ang
makapagbahagi ng school supplies sa mga kapus-palad na mag-aaral.

Gabay na Tanong:
1. Bakit mahalaga ang magkaroon ng lider sa isang pangkat?
2. Anu-anong mga katangian ng lider at tagasunod ang ipinakita sa mga sitwasyon?
3. Anong uri ng pagsunod ang isinabuhay ng mga miyembro ni Timoty? Ipaliwanag
4. Kung ikaw si Celia, paano mo haharapin ang ganoong sitwasyon?
SURIIN
Ang Mapanagutang Lider
Ang mabuting lider ay nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon upang
maisakatuparan ang minimithing layunin ng isang pangkat. Ang isang lider ay
kayang mapag-isa ang mga di-nagkakasundong mamamayan ng hindi
gumagamit ng dahas. Ang pagtatagumpay at pagkabigo sa lahat ng bagay ay
dahil sa pamumuno kaya kinakailangang linangin at pagsumikapan ang
maging mas mabuting lider at ang mabuting pamumuno.

Ang mabuting lider, ayon kay Lewis (1998) ay naglilingkod, nagtitiwala sa


kakayahan ng iba (upang maging lider din) nakikinig at nakikipag-ugnayan
nang maayos sa iba, magaling magplano at nagpasiya, nagbibigay inspirasyon
sa iba patuloy na nalilinang ng kaalaman at kasanayan upang patuloy na
umunlad, may positibong pananaw, may integridad, mapanagutan, handang
makipagsapalaran, inaalagaan at iniingatan ang sarili at mabuting tagasunod.

Ang kakayahang mamuno ay kasing-halaga rin ng iyong kaalaman at


kakayahang maging tagasunod. Hindi magiging matagumpay ang isang
samahan kung walang suporta mula sa mga kasapi at tagasunod.

Ayon kay John C. Maxwell, dalubhasa sa mga paksa tungkol sa


pamumuno, ang pamumuno o pagiging lider ay pagkakaroon ng
impluwensiya. Kung mapapalawak ng isang tao ang kanyang impluwensiya,
mas magiging epektibo siyang lider. Ang pagtatagumpay at pagkabigo sa lahat
ng mga bagay ay dahil sa pamumuno. Kung nais mo ang magkaroon ng
positibo at pangmatagalang epekto at impluwensiya sa mundo, kailangang
linangin at pagsumikapan ang maging mas mabuting lider at ang mabuting
pamumuno.

Sinabi ni Dr. Jack Weber ng University of Virginia (nabanggit ni Oakley &


Krug, 1991). Makikilala ang kahusayan ng pagiging lider sa kilos ng mga
taong kanyang pinamumunuan. Mahusay ang lider kung ang mga taong
nakapaligid sa kaniya ay punong-puno ng inspirasyon dahil sa mga ipinakita
niya bilang lider, at ang inspirasyong ito ang nagtutulak sa mga tagasunod na
gumawa upang makamit ang layunin ng pangkat.

The Leadership Trilogy ni Dr. Eduardo Morato (2007)


Pamumunong Inspirasyunal
Lider na nagbibigay ng inspirasyon at direksyon sa mga kasapi. Nakikinig at
pinamumunuan niya ang mga kasapi ng kanyang pangkat tungo sa
nagkakaisang layunin para sa kabutihang panlahat. Modelo at halimbawa ng
mabubuting pagpapahalaga at ipinalalagay ang sarili na punong
tagapaglingkod (servant leader) sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga
gawaing magbibigay ng pagkakataong makapaglingkod sa kapwa.
Pamumunong Transpormasyonal
Pagkakaroon ng pagbabago ang pinakatuon ng ganitong lider. Nagagawang
kalakasan ang kahinaan at nagagamit ang karanasan ng nakalipas,
kasalukuyan at hinaharap upang makamit ang mithiin ng pangkat na
pinamumunuan.Nalilinang niya ang kanyang kaalaman at kasanayan upang
magkaroon ng kaisipang kritikal na kakailanganin niya upang matukoy ang
pinakamahalaga at pinakaunang dapat gawin sa paglutas ng suliranin.
Umaalalay siya bilang mentor upang magkaroon ng sapat na kaalaman at
kasanayan ang kanyang kasama upang mapaunlad ang mga ito ang kanilang
sarili at maabot ang kanilang pinakamataas na potensiyal.

Pamumunong Adaptibo
Sa sitwasyon ibinabatay ang estilo ng pamumuno. May mataas na antas ng
pagkilala sa sarili (self-awareness) at kakayahang pamahalaan ang sarili (self-
mastery). Mayroon din siyang mataas na emotional Quotient (EQ) at
personalidad na madaling makakuha ng paggalang sa tagasunod.

Mga Prinsipyo ng Pamumuno


(The Royal Australian Navy: Leadership Ethic (2010)
1. Maging sapat ang kaalaman at kasanayan
2. Kilalanin at ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng sarili
3. Maging mabuting halimbawa
4. Tanggapain at gampanan ang tungkulin
5. Kilalanin ang mga tagasunod at kasapi ng pangkat, pangalagaan at
ipaglaban ang kanilang kapakanan
6. Ilahad ang layunin at ang direksiyong tatahakin sa pagkamit ng layunin
7. Kilalanin at paunlarin ang potensiyal ng bawat kasapi na maging lider
8. Gumawa ng mga pagpapasiyang makatwiran at napapanahon
9. Turuan ang mga tagasunod ng paggawa nang sama-sama at magbigay ng
mga pagkakataon upang subukin ang kanilang kakayahan
10. Magbigay ng nararapat na impormasyon sa mga kasapi ng pangkat.

Kung isasabuhay mo ang pagiging mapanagutang lider, inaasahan na


ikaw ay magalang sa lahat, mapaglingkod sa kapwa, makatarungan ang iyong
pakikipag-ugnayan, tapat at maunawain at mayroong kakayahang
impluwensiyahan ang kapwa upang makamit ang layunin ng pangkat at
tumugon sa pangangailangan ng lipunan.

Ang Mabuting Tagasunod


Marami ang natutong maging lider dahil sa kanilang kakayahang
sumunod. Ang kaalaman at kakayahang mamuno ay kasing-halaga rin ng
kaalaman at kakayahan na maging tagasunod. Ang anomang samahan ay
hindi magiging matagumpay kung walang suporta mula sa mga kasapi at
tagasunod. Ang kalakasan o kahinaan ng isang samahan ay nakasalalay sa
kanyang mga kasapi o tagasunod. Mahalaga ang tungkulin ng mga
tagasunod sa pagkamit ng layunin at pagtatagumpay ng isang samahan.
Ika nga ni Alexander Haslam, ― Ang nagiging pinakamahusay na lider ay
ang mga taong naging pinakamahusay na tagasunod.‖Sumusunod ang mga
tagasunod sa kanilang lider dahil sa pagkakaroon nila ng tiwala dito.
Mga Kasanayang Dapat Linangin ng isang Ulirang Tagasunod (Kelly, 1992)
1. Kakayahan sa trabaho (job skills)- malilinang sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng focus, komitment, pagsusumikap na maragdagan ang
kagalingan sa paggawa at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa
kinabibilangang pangkat.
2. Kakayahang mag-organisa(organizational skills)- Malilinang sa
pamamagitan ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga
kasama sa pangkat, iba pang samahan at sa mga namumuno.
3. Mga pagpapahalaga (values component)- Malilinang ng isang ulirang
tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti, matatag at matapang na
konsiyensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga Gawain
at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Kung ang pagiging tagasunod ang nakaatang tungkulin sa iyo, inaasahan


na magiging uliran kang tagasunod at magiging matalino sa pagpili ng lider na
susundin. Naglilingkod nang tapat at isinasaalang-alang lagi ang kabutihang
panlahat. Naiimpluwensiyahan ang ibang kasapi ng pangkat sa pakikiisa at
pagsunod sa pamumuno ng lider upang makamit ang layunin ng pangkat.

PAGYAMANIN
Gawain 1: AKO BILANG LIDER AT TAGASUNOD
Panuto: Itala ang iyong magiging mga hakbangin sa pagharap sa pandemyang Covid 19
kung ikaw ang Lider o Tagasunod:

Mga Sitwasyon Bilang Lider Bilang Tagasunod


May handaan sa kapitbahay
kung saan marami ang
nagsipagdalo. Tuluyan ng nawala
sa isipan ng mga tao ang
pagpapanatili ng social distancing
kaya hindi malayong
magkakaroon ng hawaan at
tataas ang bilang ng
nagkakasakit.
Dahil sa banta ng COVID 19,
maraming mga manggagawang
Overseas ang nagsipag-uwian. Sa
kabila ng paghihigpit ng
pamahalaan sa mga taong
nagpositibo sa sakit, may isa kang
kabaranggay na nakapuslit sa
Quarantine Facilities at
kasalukuyang nagtatago sa kanilang
tahanan. Malalagay sa alanganin
ang pangkalusugang seguridad ng
iyong kabaranggay
Gawain 2: “LIDER KO, INSPIRASYON KO”
Panuto: Maghanda ng Art materials: Short Folder, pandikit, pangkulay. Idikit sa Folder
ang larawan ng tatlong hinahangaan mong Lider:

LARAWAN LARAWAN LARAWAN

______________________ ______________________ _______________________


Pangalan Pangalan Pangalan

Isulat ang mga katangian ng mga bawat isa


________________________ _____________________ _______________________
________________________ _____________________ _______________________
________________________ _____________________ _______________________
________________________ _____________________ _______________________
Mga katangi-tanging kontribusyon na nagawa para sa kanilang
nasasakupan/ pinaglilingkuran

LIDER#1
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
LIDER#2
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
LIDER#3
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Gawain 3- Mapanuring Pag-iisip
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag at punan ang mga kahon ng iyong
saloobin o paliwanag ng kung TAMA ba, HINDI TAMA o DI-TIYAK ang mga
kasalukuyang kakayahan sa pamumuno at pagsunod.

Sitwasyon Tama Hindi tama Di-Tiyak


1. Ang lider ang Halimbawang sagot:
nagsisilbing modelo at Tama dapat modelo
inspirasyon ng siya ng mga
kanyang pangkat mabubuting
pagpapahalaga at
inspirasyon sa
paglilingkod sa
kapawa
2. Ang mabuting lider ay
tumatanggap ng ideya
o opinion ng kanyang
kasapi
3. Bawat lider ay dapat
iasa ang kanyang mga
tungkulin sa kanyang
nasasakupan
4. Isang magandang
ugali ng tagasunod
ang pagsunod sa utos
ng kanyang lider kahit
mali ito.
5. Ang pagbibigay ng
regalo ay isang
magandang kaugalian
kaya walang masama
kung magbibigay ng
regalo ang tagasunod
sa kanyang lider
6. Ang tagasunod ay
handang makilahok
sa mga pagtitipon at
maging aktibo sa
pagtupad ng iniatang
na tungkulin.
ISAISIP
GAWAIN 2- SERBISYONG MAPANAGUTAN TUNGO SA MAPAYAPANG LIPUNAN
Paano ka magiging mapanagutang lider at tagasunod? Isulat ang iyong ideya sa Graphic
Organizer. Gawing gabay ang mahahalagang tanong: Bakit mahalagang maunawaan at
gampanan ang tungkulin bilang lider at tagasunod? Ano ang maaari mong ibahagi sa
lipunan bilang mapanagutang lider at tagasunod?

Ang pagganap ng tao sa kanyang


gampanin bilang

_______________________________ ________________________________

ay nakaktulong sa:

_________________________________________

At tungo sa:

___________________________________ sa kapwa at __________________________________


sa lipunan.
ISAGAWA

Panuto: Gamit ang traffic light, isulat ang mga pangyayaring sa iyong buhay na naging
Lider at Tagasunod ka at ang naging epekto nito sa iyong buhay.

Sitwasyon/ pangyayari na naging lider ka at ano


ang naging impluwensiya mo sa iyong kagrupo

Sitwasyon/ pangyayari na naging tagasunod ka


at ano ang naging kontribusyon mo sa iyong
pangkat

Isulat ang pansariling komitment sa paglinang


ng kaalaman at kasanayan upang maging
mapanagutang lider at tagasunod.
PAGTATAYA
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat sa iyong
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ______________________.


A. Awtoridad na maipatupad ang mga Gawain upang makamit ang layunin ng
pangkat.
B. Impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng
layunin
C. Karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng
pangkat
D. Posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang
pinamumunuan.

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?


A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
B. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
C. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto
D. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan

3. Matalino ang iyong kaklaseng si Minda. Madalas siyang nahahalal na lider ng


pangkat dahil inaako niyang mag-isa ang lahat ng gawaing mas madali niyang
natatapos ang gawaing iniatang sa pangkat nila kung mag – isa siyang gagawa
nito. Hindi ka sang-ayon sa ganito. Sa paanong paraan mo maipaliliwanag at
makumbinsi ang mga kasama mo na tumulong sa paggawa ng proyekto?
A. Mararapatin na lamang lumipat ng ibang grupo.
B. Isumbong sa guro ang mga ginagawa ng kaniyang mga kagrupo.
C. Pasalamatan si Minda sa pag-aako ng paggawa ng proyekto.
D.Kausapin si Minda at ang ibang kagrupo na dapat ay magtulong tulong sila sa
pag gawa ng proyekto ng sa gayon ay mas maganda ang kalabasan nito.

4. Nagkaroon ng pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao at nahuling


nangongopya ang pangulo ng iyong silid-aralan. Kung ikaw ang nakasaksi sa
kanyang ginawang pangongopya, ano ang magiging reaksyon mo dito?
A. Kokopya din dahil ika-nga follow the leader
B. Hayaang ipagpatuloy niya ang kanyang ginagawa
C. Kakausapin siya pagkatapos ng pagsusulit at kumbinsihing aminin niya sa
guro ang kanyang kasalanan.
D. Isusumbong sa guro upang mabigyan ng kaukulang parusa.

5. Palaging sinasabi ng pinuno sa kanyang nasasakupan na ugaliing pumasok nang


maaga sa trabaho. Pero siya mismo ang laging huli sa pagpasok sa
pinagtatrabahuhan. Anong prinsipyo ng pamumuno ang kanyang nilabag?
A. Pagtuturo nang tama sa mga tagasunod C. Pagganap sa tungkulin
B. Kung anong turo siyang gawa D. Maging mabuting halimbawa
6. Ang pagiging modelo at halimbawa ng mga mabubuting pagpapahalaga at
pagpapalagay sa kaniyang sarili na punong tagapaglingkod (servant leader) ay
isang katangian ng anong uri ng pamumuno?
A. pamumunong adaptibo C. pamumunong inspirasyunal
B. pamumunong demokratiko D. pamumunong transpormasyonal

7. Inatasan ng napakahirap na trabaho ang isang organisasyon. Malugod naman


itong tinanggap ng kanilang lider kahit alam niyang walang kapasidad at sapat na
kagamitan ang kanyang nasasakupan upang matapos ang nasabing trabaho.
Anong prinsipyo ng pamumuno ang nalabag?
A. Kilalanin ang mga tagasunod at kasapi ng pangkat, pangalagaan at ipaglaban
ang kanilang kapakanan
B. Kilalanin at paunlarin ang potensyal ng bawat kasapi na maging lider
C. Gumawa ng mga pagpapasiyang makatwiran at napapanahon
D. Maging sapat ang kaalaman at kasanayan

8. Ano ang dapat gawin ng tagasunod upang matagumpay na maisakatuparan ang


iniatas na tungkulin sa kanya?
A. Kusang pagtulong sa ibang kasapi ng pangkat upang matapos ang Gawain
B. Paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi
C. Pagkakaroon ng komitment sa ginagawa
D. Lahat ng nabanggit

9. Analohiya: Maxwell: lider na maimpluwensiya. Lewis:______________________.


A. lider na may integridad C. Lider na mapagmalasakit
B. lider na may kakayahang maglingkod D. lider na mapagmahal

10. Alin sa mga pahayag ang totoo tungkol sa pamumuno at tagasunod?


A. Tagasunod din ang marami nating lider
B. Ang kakayahang mamuno ay kasing halaga din ng kakayahang maging
tagasunod
C. Ang pinakamagaling na lider ay may kakayahang maglingkod
D. Ang pagiging lider ay pagkakaroon ng impluwensiya

11. Pagkakaroon ng pagbabago ang pinakatuon ng ganitong lider. Nagagawang


kalakasan ang kahinaan at umaalalay siya bilang mentor upang mapaunlad at
maabot ang pinakamataas na potential ng kanyang nasasakupan.
A. Pamumunong Transpormasyonal
B. Pamumunong Adaptibo
C. Pamumunong Inspirasyunal
D. Pamumunong motibasyonal

12. Ang pagiging mapanagutang lider ay mayroong kakayahang impluwensiyahan


ang kapwa upang____________________________
A. Makamit ang pansariling adhikain ang umangat sa lipunan
B. Makamit ang simpatya ng nakakarami upang marami ang tumulong sa oras ng
kagipitan
C. Makamit ang rurok ng tagumpay at maging tanyag sa lipunan
D. Makamit ang layunin ng pangkat at tumugon sa pangangailangan ng lipunan
13. Ang mga kasanayang dapat linangin ng isang ulirang tagasunod ayon kay Kelly
ay ang mga sumusunod:
A. Job skills, organizational skills, values component
B. Job skills, Relational skills, social skills
C. Job skills, social skills, values component
D. Job skills, organizational skills, social skills

14. Si Angel ay isang napakahusay na manager sa isang kompanya. Napakalumanay


magsalita at marunong magpahalaga sa mga katrabaho niya. Nagsilbi siyang
inspirasyon sa marami at palagi niyang ginagawa kung ano ang kanyang sinasabi.
Hindi rin siya pumapalya sa kanyang mga pangako kaya naman mahal na mahal
siya ng kanyang nasasakupan. Anong uri ng pamumuno ang ipinamamalas ni
Angel?
A. Pamumunong Transpormasyonal
B. Pamumunong Adaptibo
C. Pamumunong Inspirasyunal
D. Pamumunong motibasyonal

15. Sa panahon ng pandemya, maraming mga Pilipino ang nagpakita ng kanilang


malasakit sa kapwa at nagpaabot ng kanilang tulong lalong-lalo na sa mga
mamamayang higit na naapektuhan ang kabuhayan. Maraming mga relief goods
ang nagsidatingan at konting tulong financial. Ikaw ang pinagkatiwalaang
ipamahagi ang mga nasabing donasyon/ayuda. Ano ang magiging pasya mo sa
nasabing pera ngayong alam mong hindi lahat ay pwedeng mabigyan nito?
A. Manawagan sa Social media at humingi ng donasyon
B. Itatabi na lang ang pera para may magamit sa panahon ng kagipitan
C. Ipagbigay alam sa taong mas nakakataas sa iyo upang mabigyan ng
karampatang aksyon ang isyu.
D. Ipamigay ang pera sa mas higit na nangangailangan.
Susi sa Pagwawasto
15.C
14.B
13.A
12.D
11.A
10.B
9. B
8. D
7. A
6. C
5. D
4. C
3. D
2. B
1. B
Tayahin

Sanggunian
 Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral,
DepEd-BLR, Unang Edisyon 2013, pp 195
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Aimee A. Torrevillas
SST-III, Basilan NHS, Isabela City Division
Editor : Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II
Tagasuri :
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS
Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief
Henry R. Tura, CID Chief
Elsa A. Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And whe n the d ark nig ht wr ap s the gr ave y ar d ar ound
Through the gloom of night, to herald the day; With only the d e ad in the ir v ig il to s e e
And if color is lacking my blood thou shalt take, B re ak not m y re p os e or the m ys tery p r of ound
Pour'd out at need for thy dear sake And pe rc hanc e thou m ays t he ar a s ad hym n re s ound
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my c ountry, r aising a s ong unto the e .

My dreams, when life first opened to me, And ev e n my g rav e is r em em be re d no m ore


My dreams, when the hopes of youth beat high, Unm ark 'd by ne ve r a c r os s nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Le t the plow s we ep thr oug h it, the sp ade tur n it o' er
From gloom and grief, from care and sorrow free; That m y as hes m ay c arp e t e ar t hly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. B ef ore into nothing nes s at las t the y are b lown.

Dream of my life, my living and burning desire, The n will ob liv ion br ing to me no c ar e
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As ove r thy v ale s and p lains I s we e p;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Thr ob b ing and c le anse d in thy s p ace and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With c olor and lig ht, with s ong and lame nt I f are ,
And sleep in thy bosom eternity's long night. Ev e r re p e ating the f aith that I k ee p .

If over my grave some day thou seest grow, M y F athe rland ad or' d, that s ad ne ss to my sor r ow le nd s
In the grassy sod, a humble flower, B e lov ed F ilip inas, he ar now m y las t g ood -b y!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I g ive the e all: p are nts and k indr ed and f r iend s
While I may feel on my brow in the cold tomb below F or I g o wher e no s lav e be f or e the op pr es s or b e nds ,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Whe r e f aith c an ne ve r kill, and God r e ig ns e ' er on hig h!

Let the moon beam over me soft and serene, F are well to y ou all, f r om m y s oul tor n away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, F rie nds of m y c hild hood in the home disp oss e ss ed !
Let the wind with sad lament over me keen ; Giv e thanks that I re s t fr om the we ar is om e d ay !
And if on my cross a bird should be seen, F are well to the e, too, s we e t f rie nd that lig hte ne d m y way;
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. B e lov ed cre ature s all, f are well! I n d e ath ther e is re s t!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness. 15

You might also like