You are on page 1of 9

2nd Quarter ESP 8

Lesson 14
Aralin: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging
Tagasunod

I. Panimulang Nilalaman

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa
pakikipagkapwa.

B. Pamantayan Sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang isang pangkatang gawaing
tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o
pamayanan.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC):


a. Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang
lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan.
b. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang
kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod.

D. Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa sariling kakayahan ay


nakapagtatala ng mga pananaw tungkol sa Pagiging Tagasunod o Lider.

II. Nilalaman: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod


2nd Quarter ESP 8
Lesson 14
Aralin: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging
Tagasunod

Gawain 2: Virtual Interactive Discussion

Pamumunong Inspirasyunal, Transpormasyonal, at Adaptibo ayon kay


Dr.Eduardo Morato (2007)

Pamumunong Inspirasyunal
Nagbibigay ng inspirasyon at direksyon ang ganitong uri ng lider. Nakikita niya ang
kahahantungan ng kanilang mga pangarap para sa samahan. Nakikinig at pinamumunuan niya
ang mga kasapi ng kaniyang pangkat tungo sa nagkakaisang layunin para sa kabutihang panlahat.

Modelo at halimbawa siya ng mga mabubuting pagpapahalaga at ipinalalagay ang


kaniyang sarili na punongtagapaglingkod (servant leader) sa pamamagitan ng pagtatalaga ng
mga gawaing magbibigay ng pagkakataong makapaglingkod sa kapwa. Ang pamumuno ni
Martin Luther King, Mother Teresa, at Mahatma Gandhi ay ilan sa mga halimbawa ng ganitong
uri ng pamumuno. Kung nais mo na magkaroon ng positibo at pangmatagalang epekto at
impluwensya sa mundo, kailangang linangin at pagsumikapan ang magingmabuting lider.

Pamumunong Transpormasyonal
Ang pagkakaroon ng pagbabago ang pinakatuon ng ganitong lider. May kakayahan
siyang gawing kalakasan ang mga kahinaan at magamit ang mga karanasan ng nakalipas,
kasalukuyan, at hinaharap upang makamit ang mithiin ng pangkat na pinamumunuan. Madali
siyang makatuklas ng magaganda at mabuting pagkakataon upang mas maging matagumpay ang
pangkat na kaniyang kinabibilangan.

Nililinang niya ang kaniyang kaalaman at kasanayan upang magkaroon ng kaisipang


kritikal na kakailanganin niya upang matukoy ang pinakamahalaga at pinakaunang dapat gawin
sa paglutas ng suliranin. Bilang lider, subok ang kaniyang kakayahang makipag-ugnayan sa
kapwa dahil kaakibat ng ganitong pamumuno ang pagtulong, pagtuturo, at paggabaym sa
kaniyang mga kasama sa pangkat.

Umaalalay siya bilang mentor upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang
kaniyang mga kasama upang mapaunlad ng mga ito ang kanilang sarili at maabot ang kanilang
pinakamataas na potensyal. Ang pamumuno ni Sec. Jesse
Robredo, Steve Jobs, Bill Gates, at maraming lider ng mga matatagumpay na kumpanya, ay ilan
sa mga halimbawa ng ganitong uri ng pamumuno.

Pamumunong Adaptibo
Ibinabatay sa sitwasyon ang istilo ng pamumunong adaptibo. May mataas na antas ng
pagkilala sa sarili (self-awareness) at kakayahang pamahalaan ang sarili (self- mastery) ang lider
na gumaganap ng pamumunong adaptibo. Mayroon siyang mataas na emotional quotient (EQ) at
personalidad na madaling makakuha ng paggalang at tagasunod. Ang pamumuno ni Ban Ki-
Moon, Barack Obama, at Lee Kuan Yew ay halimbawa ng ganitong uri ng pamumuno.
2 Quarter ESP
8
Aralin: Ang Mapanagutang Pamumuno at
Pagiging Tagasunod

Gawain 3: Pagpunan sa Tsart!

Panuto: Punan ang start sa ibaba batay sa hinihingi nito.

Sariling Kahulugan Halimbawa


Pamumunong
Inspirasyunal

Pamumunong
Transpormasyonal

Pamumunong Adaptibo
2 Quarter ESP
8
Aralin: Ang Mapanagutang Pamumuno at
Pagiging Tagasunod

Gawain 4: Virtual Interactive Discussion

May apat na katangian ang adaptibong lider:

1. Kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery o self-adaptation). Mataas ang


kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay na layon ng kaniyang
pagkatao, mga pinahahalagahan, layunin sa buhay at kung ano ang nagbibigay ng kahulugan,
kapanatagan at kaligayahan sa kaniyang buhay. Maaari mong makamit ang katangiang ito sa
pamamagitan ng:

a. pagpapaunlad ng iyong panloob na pagkatao (inner self) sa pamamagitan ng pag- unawa sa


iyong buong pagkatao tungo sa kaliwanagan (enlightened self).
b. pagpapaunlad ng iyong ispiritwal na pagkatao at pagkakaroon ng maliwanag na
pananaw sa pagiging mapanagutang bahagi ng lipunan.
c. pagpapaunlad ng pagkataong hindi makasarili sa pamamagitan ng kahandaang
maglingkod at magsakripisyo para sa ikabubuti ng iba.

2. Kakayahang makibagay sa sitwasyon. Maraming paraan ng pamamahala ang kayang


gawin ng isang adaptibong lider. Nalalaman niya kung anong uri ng pamamahala o istilo ang
nararapat sa bawat sitwasyon na kaniyang kinahaharap dahil siya ay sensitibo, marunong
makibagay at dagliang tumutugon sa mga pangangailangan ng kaniyang pinamamahalaan.

3. Kakayahang makibagay sa personalidad. Kinakikitaan ang isang adaptibong lider ng


masidhing pagnanasang magtagumpay at umiwas sa kabiguan; ang makipagsapalaran at
ipaglaban ang kaniyang mga karapatan tungo sa pagtatagumpay. Nalalaman niya kung paano
makitungo sa iba’t ibang tao na mayroong iba’t ibang personalidad.

4. Kakayahang makibagay sa mga tao. Madaling makipag-ugnayan at makitungo sa ibang


tao ang isang adaptibong lider dahil sa kaniyang mataas na antas ng kamalayan at kasanayang
panlipunan. Madali rin para sa kaniya ang makaisip ng mga paraan upang mapagkasundo ang
mga di-nagkakaunawaang panig.
Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod
Kapag napag-uusapan ang pamumuno, hindi maitatanggi na kailangan ding pag- usapan
ang tungkuling ginagampanan ng mga tagasunod o iba pang kasapi ng pangkat. Hindi lahat ng
naging lider ay lider sa lahat ng pagkakataon. Tagasunod din ang marami nating mga lider, lider
sila pero mayroon pa ring nakatataas sa kanila na dapat nilang sundin.

Marami ang natututong maging lider dahil sa kanilang kakayahang sumunod. Kahit ikaw,
may mga pagkakataong naging lider ka at naging tagasunod, di ba? Ang iyong kaalaman at
kakayahang mamuno ay kasing-halaga rin ng iyong kaalaman at kakayahang maging tagasunod.

Hindi magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta mula sa mga
kasapi at tagasunod nito. Maaaring hindi mapantayan ang kahalagahan ng lider sa isang samahan
pero dapat mong maunawaan na ang kalakasan o kahinaan ng isang samahan ay nakasalalay rin
sa kaniyang mga kasapi o tagasunod.

Hindi ka magiging lider kung wala kang tagasunod (Kelly, 1992). Maraming mga
pagsasaliksik na ang ginawa sa pagiging lider at pamumuno. Sa ngayon, unti-unting nabibigyan
ng pansin ang kahalagahan ng tungkulin ng mga tagasunod sa pagkakamit ng layunin at
pagtatagumpay ng isang samahan.
2nd Quarter ESP 8
Lesson 14
Aralin: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging
Tagasunod
Pagpapalalim

Pagsasanay 1: “Ang iyong Pag-unawa”

Pagkatapos mong magkaroon ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa


mga konsepto ng mapanagutang pamumuno at pagiging tagasunod, pag-isipan at sagutin ang
sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lider sa isang pangkat?

2. Ano ang mga katangian ng mapanagutang lider na dapat sundin?


Pagsasanay 2: “Sagutin Mo”

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Anong uri ng pagsunod ang iyong isinasabuhay? Ipaliwanag.

2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang pamumuno at pagsunod sa isang


pangkat? Ipaliwanag.

3. Paano malilinang at mapatatatag ang pagiging mapanagutang lider at tagasunod?


2nd Quarter ESP 8
Lesson 14
Aralin: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging
Tagasunod

Gawain 5: Poster Time!


Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita sa relasyon ng Tagasunod at Lider.

You might also like