You are on page 1of 10

Ang

Mapanagutang
Pamumuno at
Pagiging
Tagasunod o
Responsible
Leadership
Group 3 (Neysa, Alex, Gabriel)
Ano ang pagkakaiba ng Lider at
Tagasunod?
 Ang lider o pinuno ay tawag sa mga taong namumuno at
nangunguna. Sila ang namumuno sa grupo ng mga tao o
sa isang pangkat. Ang tagasunod naman ay mga tao na
sumusunod kung ano man ang ipagawa o iutos ng lider.
Ang lider at tagasunod ang bumubuo sa isang pangkat

Mga salita na maiuugnay sa lider at tagasunod:


 Grupo/pangkat
 Pagkakaisa/teamwork
 Goal
 Patakaran
 Pantay-pantay
Ano ang kahalagahan
ng Lider?
 Ang pagkakaroon ng isang lider na
sinusunod ng kanyang mga nasasakupan
ay mahalaga sapagkat ang isang lider
ang nagsisilbing taga pamuno at taga
gawa ng desisyon. Isang malaking
responsibilidad at tungkulin ang nakataas
sa kanila upang pangasiwaan at
pamunuan ang isang pangkat o
organisasyon.
Mga Katangian ng
Mapanagutang Lider
 May sapat na kaalaman
 Ang maging patas sa lahat ng
nasasakupan niya.
 Marunong makinig sa mga opinyon
ng kanyang mga miyembro.
 Ang pagiging responsable sa
kanyang mga tungkulin sa kanyang
mga miyembro.
Mga Prinsipyo ng Pamumuno
1. Maging sapat ang kaalaman at kasanayan.
2. Kilalanin at ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng sarili.
3. Maging mabuting halimbawa
4. Tanggapin at gampanan ang tungkulin.
5. Kilalanin ang mga tagasunod at kasapi ng pangkat,
pangalagaan at ipaglaban ang kanilang kapakanan.
6. Ilahad ang layunin at ang direksyong tatahakin sa
pagkakamit ng layunin.
7. Kilalanin at paunlarin ang potensyal ng bawat kasapi na
maging lider.
8. Gumawa ng mga pagpapasiyang makatwiran at
napapanahon.
9. Turuan ang mga tagsunod ng paggawa nang sama-sama
at magbigay ng mga pagkakataon upang subukin ang
kanilang kakayahan.
10. Magbigay ng nararapat na impormasyon sa mga kasapi ng
pangkat.
Ang kahalagahan ng
Pagiging Tagasunod
 Maaaring hindi mapantayan ang kahalagahan
ng lider sa isang samahan pero dapat nating
maunawaan na ang kalakasan o kahinaan ng
isang samahan ay nakasalalay rin sa kaniyang
mga kasapi o tagasunod. “Hindi ka magiging
lider kung wala kang tagasunod” (Kelly, 1992).
Maraming mga pagsasaliksik na ang ginawa sa
pagiging lider at pamumuno. Sa ngayon, unti-
unting nabibigyan ng pansin ang kahalagahan
ng mga tagasunod sa pagkakamit ng layunin at
pagtatagumpay ng isang samahan.
Mga Tungkulin ng
Tagasunod o Follower
1. Ang magsulong at gumawa ng aksyong tugma sa
ipinatutupad ng lider upang makamit ang layunin ng
samahan.
2. Gumagawa ng aktibong pagpapasiya upang
makatulong sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng
pangkat.
3. Nagpapakita ng interes at katalinuhan sa paggawa.
4. Maasahan at may kakayahang gumawa kasama ang iba
upang makamit ang layunin.
5. Kinikilala ang awtoridad ng lider at nagpapatawag siya
ng limitasyon sa kaniyang mga kilos, pagpapahalaga,
mga opinyon, at pananagutan sa maaaring ibunga ng
kaniyang gawa.
Mga Kasanayang Dapat Linangin
ng Isang Ulirang Tagasunod
1. Kakayahan sa trabaho (job skills)- Malilinang ito sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng focus, komitment,
pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa
paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa
kinabibilangang pangkat.
2. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)-
Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkilala at
pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga kasama at
pangkat, iba pang samahan at sa mga namumuno.
3. Mga pagpapahalaga (values component)- Malilinang ito
ng isang ulirang tagasunod kung paiiralin niya ang isang
mabuti, matatag at matapang na konsensya na
gagabay sa kanya sa pagtupad ng kaniyang mga
gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
Mga Paraang Dapat Linangin ng
Mapanagutang Lider at Tagasunod
Upang Magtagumpay ang Pangkat
1. Pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang
malinaw at may paggalang.
2. Pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi.
3. Pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok nang
aktibo sa mga gawain.
4. Pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat.
5. Pagbabahagi ng mga impormasyon, karanasan, at
kaalaman sa ibang kasapi.
6. Kusang pagtulong sa ibang kasapi ng pangkat upang
matapos ang gawain.
7. Pag-unawa at pagtugon sa mga pagbabagong
kinahaharap ng pangkat.
8. Paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi.
9. Pagkakaroon ng komitment.
10. Pagtupad sa iniatang na tungkulin at pagiging maaasahan.
Sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa isang buong
papel
1. Para sayo, ano-ano ang mga katangian ng
pagiging isang mabuting lider?
2. Naging lider ka na ba? Ano ang masasabi mo sa
naging karanasan mong maging isang lider? Kung
hindi pa, Ano ang gagawin mo upang maging
isang mabuting lider?
3. Bakit mahalaga na maunawaan at gampanan
ang iyong tungkulin bilang lider at tagasunod?
4. Ano ang maaari mong maibahagi sa lipunan
bilang mapanagutang lider at tagasunod?

You might also like