You are on page 1of 9

Ang Mapanagutang Pamumuno

at Pagiging Tagasunod

Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 8
Ikalawang Markahan

Ang Mapanagutang Pamumuno


at Pagiging Tagasunod

Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 8
Ikalawang Markahan

Lesson Objective/s:
Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o
napanood.
EsP8Pllg – 8.2

JOSE JADE Y. GONZALES


Siay National High School
Siay District

Table of Contents

1
Mini Lesson …………………………………………………………………………………………4-5

Guided/Practice Activity…………………………………………………………………6-7

Independent Practice Activity ………………………………………………………8-9

Evaluation Activity Sheet………………………………………………………………9-11

Enrichment Activity Sheet……………………………………………………………11

I. Mini-Lesson

Magandang umaga! Sa oras na ito, ating susuriin ang mga


gawain na makatutulong sa iyong pag-unawa.

Tingnan ang mga sumusunod na larawan.

Ano ang iyong napansin sa mga larawan?

Ang unang larawan ay ipinakita ang ating mahal na Pangulo


na nagsasalita.
Tama! Ang unang larawan ay ang ating mahal na Pangulong
Duterte na nagsasalita sa madla. Siya ay nagsasalita tungkol upang
malaman ng taumbayan ang mga nagawa ng kanyang administrasyon.
2
Ngayon, ano ang ginawa ng babae sa ikalawang larawan?
Ang ikalawang larawan ay nagpapakita na ang babae ay
nakatindig at nagsasalita sa harap ng kanyang kasamahan.

Tama! Sa ikalawang larawan ay may naganap na pagpupulong na


pinanpangunahan ng babae.

Ngayon, ano naman ang ginagawa ng lalaki na nasa ikatlong


larawan?

Ang ikatlong larawan ay nagpapakita na ang lalaki ay


nagsasalita sa harap ng kanyang mga kasamahan.

Tama! Ang lalaki ay nagdarasal sa harap ng kanyang kasamahan


bago magsimula ang kanilang pagpupulong.

Ngayon, nakito mo na ang mga larawan. Sa iyong palagay, ano ang


katangiang mayroon sa mga taong nasa larawan?

Ang mga katangian mayroon sa mga taong makikita sa


larawan ay ang pagiging lider dahil sila ang namumuno sa kanilang
mga tagasunod o sa isang pangkat.

3
Tama! Ngayon, ating alamin kung ano nga ba ang kaibahan ng lider
at tagasunod.

Ang lider o pinuno ay tawag sa mga taong namumuno at nangunguna.


Sila ang namumuno sa grupo ng mga tao o sa isang pangkat.

Ang tagasunod naman ay mga tao na sumusunod kung ano man ang
ipagawa o iutos ng lider. Ang lider at tagasunod ang bumubuo sa
isang pangkat.

Malinaw naba sa iyo ang kaibahan ng lider at tagasunod?

Opo teacher, ngunit gusto ko pong itanong kung ano po ba


ang kahalagahan ng isang lider.

Magandang katanungan! Ating alamin kung ano ba ang


kahalagahan ng isang lider.

Ang pagkakaroon ng isang lider na sinusunod ng kanyang


mga nasasakupan ay mahalaga sapagkat ang isang lider ang
nagsisilbing taga pamuno at taga gawa ng desisyon. Isang
malaking responsibilidad at tungkulin ang nakataas sa kanila
upang pangasiwaan at pamunuan ang isang pangkat o
organisasyon.

III. Pinanutbayang Pagsasanay

Masaya ka ba sa iyong natutunan tungkol sa ang


mapanagutang pamumuno at pagiging tagasunod? Ngayon
ating gagamitin ang iyong mga nalaman sa mga sumusunod na
gawain.

Gawain 1. “Gawin Natin”


Isulat sa patlang sa loob ng hugis bilog upang makumpleto ang graphic
organizer.

4
____________
____________
____________ Mga
_ Katangian ng
Isang
Mahusay na
Lider

____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________
_ _

Gawain 2
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon gamit ang mga palatandaan.
Isulat sa patlang ang iyong sagot at gawin ito sa sagutang papel.

P- Palagi M- Minsan W- Wala

______1. Pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang malinaw at


may paggalang.
______2. Pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi.
______3. Pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok nang aktibo sa
mga gawain.
______4. Pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat.
______5. Pagbabahagi ng mga impormasyon, karanasan at kaalaman sa
ibang kasapi.
______6. Kusang pagtulong sa ibang kasapi ng pangkat upang matapos ang
gawain.
______7. Pag-unawa at pagtugon sa mga pagbabagong kinakaharap ng
pangkat.
______8. Paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi.

5
______9. Pagkakaroon ng komitment.
______10. Pagtupad sa iniatang na tungkulin at pagiging maaasahan.

Kilalanin mo ang iyong sarili. Gamitin ang mga akmang


marka at buuin ito.

P-5 M-3 W-0

Ang natapos na mga gawain ay isa lamang itong


pagsusuri sa iyong sarili. Ipagpatuloy ang pagsagot sa
mga sumusunod na gawain upang mas makilala mo pa
ang iyong sarili.

Kung nakakuha ka ng 80 pataas, ibig sabihin, isa


kang uliran na tagasunod at kung ang kuha mo ay 80
pababa, ibig sabihin, sisikapin natin na maging isa kang
ganap na tagasunod.

D. Di-Pinatnubayang Pagsasanay “Gawin Mo”

Ngayon , gawin mong mag-isa ang sumusunod na


gawain. Alam ko na kayang kaya mo ito.

Gawain 1: Pag-usapan Natin


Panuto: Suriin mo ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa lider at
tagasunod. Magbigay ng dahilan o paliwanag kung bakit ka
sang-ayon o hindi sang-ayon sa pahayag.

Sang-ayon o Paliwanag o
Pahayag Hindi sang-ayon Dahilan

1. Kilalanin at paunlarin
ang potensyal ng bawat
kasapi na maging lider.
2. Magbigay ng
nararapat na
impormasyon sa mga
kasapi ng pangkat.
3. Maging sapat ang
kaalaman at kasanayan.
6
4. Magbigay ng
nararapat na
impormasyon sa mga
kasapi ng pangkat.
5. Kilalanin ang mga
tagasunod at kasapi ng
pangkat, pangala-
gaan at ipaglaban
ang kanilang kapaka-
nan.

Gawain 2: Pag-isipan at sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lider sa isang pangkat?
2. Ano ang mga katangian ng mapanagutang lider na dapat sundin?
3. Ano ang mga katangian ng mapanagutang tagasunod?
4. Anong uri ng pagsunod ang iyong isinasabuhay? Ipaliwanag.
5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang pamumuno at pagsunod sa
isang pangkat? Ipaliwanag.
6. Paano malilinang at mapatatag ang pagiging mapanagutang lider at tagasunod?
7. Ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan bilang
isang lider at tagasunod? Ipaliwanag.

IV. Pagtataya

Hello! Alam ko na handa ka na sa susunod mong


gawain.
Dahil tapos ka na sa pagsagot sa mga gawain ngayon
ay sasagutin mo ang mga sumusunod na mga katanungan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
pinakatamang sagot.
1. Ano ang isa sa mga tungkulin ng tagasunod o follower?
a. Magsulong at gumawa ng aksiyong tugma sa ipinatutupad ng lider.
b. Hintayin ang lider sa lahat ng panahon.
c. I-asa sa lider ang lahat ng gagawin.
d. Gumawa ng sariling desisyon kapag hindi nagustuhan ang lider.
2. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, alin ang pangunahing katangian ng lider

7
ang pinipili ng mga tao?
a. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya.
b. Nagpapamalas ang lider ng integridad.
c. Pagkakaroon ng tiwala sa lider ng kaniyang tagasunod.
d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat.
3. Ano ang ipinakikita ng isang tao na masasabing umaayon bilang tagasunod
lamang?
a. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
b. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
c. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
d. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
4. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.
a. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin
ng pangkat
b. impluwensya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit
ng layunin
c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng
pangkat
d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamu-
munuan
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng
pamumuno?
a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
b. Nagkakaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang
proyekto
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan

8
9

You might also like