You are on page 1of 1

Pamamahala ng Emosyon

• ang Katatagan ( FORTITUDE) at Kahinahunan (PRUDENCE) ay makakatulong upang harapin ang matinding pagkamuhi,
matindingkalungkutan, takot at galit.
Modyul 6- Maayos Na emosyon, Maayos Na Relasyon
Pang Katatagan
•Sa pamamahala ng emosyon,mahalaga ang mga birtud na Kahinahunan at katatagan.
Ang katatagan ng loob ang siyang nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, malabanan ang tukso at
mapagtagumpayan ang mga suliranin sa buhay.
•Ang KAHINAHUNAN naman ay ang pagsasabuhay ng pagiging kalmado o mahaba ang pasensiyaat malakas ang control o disiplina sa
sarili.
Pangunahing Elemento ng EMOTIONAL
QUOTIENT ayon kay Daniel Goleman

1. Pagkilala sa sariling Emosyon- Nakagagawa ng pagpapasiya sa sarili at hindi ka lang sunud nang sunod sa iba.
2. Pamamahala sa Sariling Emosyon- Kakayahang mapamahalaan ang sariling emosyon.
3.Motibasyon- Kakayahang magtimpi upang matupad ang isang layuning higit na mahalaga.
4. Pagkilala at Pag-unawa sa damdamin ng iba Kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan ng iba.
5. Pamamahala ng Ugnayan- Pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan sa sarili kapwa

Modyul 7- Mapanagutan akong Pinuno, Mabuti akong Tagasunod

•Mahalagang malaman ang mapanagutang lider at Tagasunod.


Mga Katangian ng Mapanagutang Lider at Tagasunod:

Ayon kay JOHN C. MAXWELL)- ang pamumuno o pagiging lider ay pagkakaroon ng impluwensiya. Kung ang impluwensiya ng isang tao
ay kanyang mapapalawakmas magiging epektibo ang kanyang pagiging lider o pinuno
ayon pa rin kay Maxwell...
•Nakasalalay sa isang pamumuno ang pagtatagumpay at pagkabigo ng isang Samahan o pamayanan. Ang bawat lider o pinuno ay nais
magkaroon ng positibo at pangmatagalang epekto at impluwensiya sa mundo kaya kailangang linangin at pagsumikapan ang maging mas
mabuting lider at ang mabuting pamumuno.
URI NG PAMUMUNO (Ayon kay Dr. Eduardo Morato)
1. PAMUMUNONG INSPIRASYUNAL:
•Nagbibigay ng inspirasyon at direksion
•Nakikita niya ang kahahantungan ng kanilang mga pangarap para sa Samahan.
•Nakikinig at pinamumunuan niya ang mga kasapi ng kanyang pangkattungo sa nagkakaisang layunin para sa kabutihang panlahat.

Modelo at halimbawa siya ng mga mabubuting pagpapahalaga at ipinalalagay ang kanyang sarili ng punong tagapanglingkod sa
pamamagitan ng pagtatalaga ng mga gawaing magbibigay ng pagkakataong makapaglingkod sa kapwa.
•Ang pamumuno ni Martin Luther King, Mothger Teresa, at Mahatma Gandhi ang ilang sa mga halimbawa ng ganitong uri ng pamumuno.
2. Pamumunong TRANSPORMASYONAL
•Ang pagkakaroon ng pagbabago ang
pinakatuon ng ganitong lider
•May kakayahan siyang gawing kalakasan ang mga kahinaan at magamit ang mga karanasan ng nakalipas, kasalukuyan at hinaharap
upang makamit ang mithiin ng pangkat na pinamumunuan.
Madali siyang makatuklas ng magaganda atmabuting pagkakataon upang mas maging matagumpay ang opangkat na kanyang
kinabibilangan.
•Nililinang niya ang kanyang kaalaman at kasanayan upang magkaroon ng kaisipang kritikal na kakailanganin niya upang matukoy ang
pinakamahalaga at pinakaunang dapat gawin sa paglutas ng suliranin.
•Bilang lider, subok ang kanyang kakayahang makipag-ugnayan sa kapwa dahil kaakibat ng ganitong pamumuno, ang pagtulong,
pagtuturoat paggabay sa kanyangmga kasama sa pangkat.
*Umaalalay siya bilang mentor upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang kanyang kasama upang mapaunlad ng mga
ito ang kanilang sariliat maabot ang kanilang pinakamataas na potensyal.
Ang pamumuna nin Sec. Jesse Robredo, Steve Jobs, Bill Gatesat maraming lider ng mga matatagumpay na kumpanya,ang may mga
ganitong uri ng pamumuno.
Pamumunong ADAPTIBO
• Ibinabatay sa situwasyon ang istilo ng ganitong pamumuno,
• May mataas na antay ng pagkilala sa sarili ( SELF- AWARENESS) at kakayahang pamahalaan ang sarili (SELF MASTERY) ang lider na
gumaganap ng pamumuhay adaptibo.
•Mayroon siyang mataas na emotional quotient (EQ) at personalidadna madaling makakuha ng paggalang at tagasunod.
⚫ ang halimbawa ng ganitong pamumuno ay ang kina Ban Ki- Moon, Barack Obama, at Lee Kuan Yew.
Mga Katangian ng Adaptibong Lider:
1. Kakayahangb pamahalaan ang sarili (self-mastery o self Adaptation)
2. Kakayahang makibagay sa
sitwasyon.
3. Kakayahang makibagay sa personalidad

You might also like