You are on page 1of 8

5

EDUKASYON sa
PAGPAPAKATAO
Learning Activity Sheet
Quarter 4 – Week 2
PAKIKIISA SA MGA GAWAING NAKATUTULONG SA
BANSA AT DAIGDIG
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag
upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumubuo sa pagsusulat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet

Manunulat: Maria Nelma V. Escabas


Editor: Alma C. Sinining
Tagasuri: Josephine M. Pastor
Tagaguhit: Eldiardo de la Pena
Tagalapat: Antonio O. Rebutada
Management Team:
Ramir B. Uytico Clarissa G. Zamora
Pedro T. Escobarte Fevi S. Fanco
Elena P. Gonzaga Ivy Joy A. Torres
Donald T. Genine Alma C. Sinining
Miriam T. Lima Jason R. Alpay
MABUHAY!

Ang Edukasyon SA Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng Escalante
sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas sa
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan
at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na
may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalangalang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag-unlad ng mga mag-aaral (learner‟s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang
matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain.
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Kwarter 4, Linggo 2

Pangalan ng Mag-aaral: ______________________________________________


Baitang at Seksyon: ____________________ Petsa: __________________

PAKIKIISA SA MGA GAWAING NAKATUTULONG SA BANSA AT DAIGDIG


Gawaing Pampagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatulong sa bansa at
daigdig. (EsP5PPP –IIIh –32)

II. Panimula

Ang pandaigdigang pagkakaisa ay isang matatag at determinasyon upang


ialay ang sarili sa pangkalahatang kabutihan; sa kabutihan ng lahat at bawat tao,
sapagkat lahat tayo ay may pananagutan sa isa’t isa. Sapagkat bawat isa sa atin ay
bahagi ng buong mundo,mahalagang makiisa tayo sa anumang mabuting hangarin ng
bansa.

Ang pagkakaisa (solidarity) na nakatutulong upang makita natin ang ibang tao
at mga bansa bilang kapitbahay…ito’y nagsisilbing hamon sa atin upang balikan natin
ang konsepto ng ‘kapitbahay’ na inaalaala ang bawat tao, kahit na sila ay naiiba sa atin,
na sila din ay anak ng Diyos.

Tayo ay isang pamilya at dapat malampasan natin ang anumang hindi


pagkakaunawaan. Napapatunayan natin yan ngayong panahon ng pandemya. Hindi man
natin kilala at nakikita pero gusto pa rin nating tumulong sa mga nangangailangan at
nakikiisa pa rin tayo sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa at sa mundo. Sinubok
man ang ating tatag at paniniwala pero pinili parin nating pausbungin ang ating
pananampalataya at pagkakaisa.

Mga halimbawa ng mga gawaing nakakatulong sa bansa natin ay ang


pakikiisa sa clean- up drive ng barangay,pagdalo sa general assembly ng barangay at
pagsunod sa mga alituntunin na ipinatupad ng barangay (hal.taong
nakafacemask,faceshield at may social distancing).
III. Mga Sanggunian:
DepEd MELCS 2020
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon p. 158-165

IV. MGA GAWAIN:

Gawain 1:
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI
kung hindi wasto.

1. Ang pakikiisa nang buong tapat sa mga programa at gawain ng pamahalaan ay


nakakatulong sa pag-unlad ng bayan.

2. Hindi dapat nakikiisa sa mga gawain ng pamahalaan ang mga mag-aaral


sapagkat hindi nila ito responsibilidad.

3. Tungkulin natin ang tumulong at makiisa sa mga gawain sapagkat ito ay may
malaking maitutulong sa bansa natin.

4. Hindi magiging maganda ang resulta ng ating pagtulong sa mga gawain sa


pamayanan.

5. Maging responsable tayo sa mga gawain na may malaking epekto sa ating


kinabibilangang pamayanan.

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang isang maikling kuwento na may kaugnayan sa pakikiisa nang
buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa.

HINDI PA ORAS!

Si Mang Nestor ay isang kawani ng pamahalaan. Siya ay nagkamit na ng mga


parangal dahil sa kanyang matapat na paglilingkod. Siya ay ipinagmamalaki ng kanyang
pamilya na bagaman sila ay hindi mayaman ngunit mayroon naman silang dangal na
maipagmamalaki.
Isang araw, habang abala si Mang Nestor sa kanyang ginagawa, niyaya siya ng
kanyang kasamahan sa trabaho na si Mang Lino upang pumunta sa isang okasyon na
malapit sa kanilang opisina. Napansin ni Mang Nestor na hindi pa niya oras para lumabas
ng opisina. “Pare, hindi pa oras para lumabas tayo at saka may ginagawa pa ako,” wika
ni Mang Nestor. “Pare, wala naman si boss at isa pa,minsan lang naman. Hindi naman
siguro magagalit si boss,”wika ni Mang Lino.”Naku pare, pasensiya ka na talaga hindi pa
oras para lumabas at kailangan ko din itong tapusin. Kahit walang nakakakita sa ‘ting
ginagawa dapat natin itong gawin nang tapat upang makapag ambag tayo sa pag-unlad
ng ating bayan. Sige pare, aalis na ako”,saad ni Mang Lino. Kinabukasan, ipinatawag ng
kanilang boss si Mang Lino sa kanyang opisina. Mang Lino,hinahanap ko po kayo
kahapon upang kunin ang ipinapagawa ko sa inyong ulat. Saan po ba kayo
nagpunta?,”tanong ng boss nila.”Boss, pasensiya na po kayo.Nagpunta po ako sa bahay
ng kumpare ko na nag-imbita sa akin”,sagot ni Mang Lino.

“Alam ninyo po ba na hindi pa oras ng paglabas sa opisina nang lumabas


kayo?”,muling tanong nito.”Opo,boss. Pasensiya na po kayo. Alam ko pong hindi iyon
tama at hindi na po mauulit”,nakatungong wika ni Mang Lino. “Sige po. Sana po hindi na
talaga maulit ang ginawa ninyo sapagkat mapipilitan po akong suspindehin kayo dahil isa
po yan sa mga patakaran ng ating tanggapan”, wika nito.”Salamat, boss”,wika ni Mang
Lino. Mula noon, tinandaan na ni Mang Lino na tama si Mang Nestor na dapat ay
ginagawa ang tungkulin ng tapat upang makatulong hindi lamang sa pamahalaan maging
sa bayan. Dapat ding sundin ang patakaran may nakatingain man o wala sapagkat sa
maliit at simpleng bagay na ating ginagawa Malaki ang nagiging epekto nito hindi lamang
sa atin maging sa ating baya.

1. Tungkol saan ang kuwento?

2. Bakit ito pinamagatang “Hindi Pa Oras”?

3. Ano ang pagkakaiba ni Mang Nestor at Mang Lino?

4. Saan pupunta si Mang Lino kaya niyaya niya si Mang Nestor?

5. Ano ang naging kasagutan ni Mang Nestor kay Mang Lino tungkol sa paglabas
nang wala sa oras?

6. Bakit mahalaga ang pagiging tapat natin sa paggawa ng ating gawain?


Gawain 3:
Panuto: Pagdugtungin ang larawan sa Hanay A na nagpapakita ng angkop
na gawain na makikita sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.

Hanay A Hanay B

1.
a. Pagsali sa programa ng paaralan

b. Pagsunod sa health protocols


2. tulad ng pagsuot ng facemask,
faceshield at social distancing

c. Pakikiisa sa clean-up drive na


3. isinasagawa ng pamahalaan

d. Pagdalo sa general assembly


meeting ng barangay

4.

e. Pagtapon ng basura sa tamang


lalagyan.

V. REPLEKSIYON:
1. Ano ang mga mahahalagang bagay na iyong natutunan sa leksyong ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Pagkatapos ng araling ito, paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunan


upang maipapakita ang iyong pakikiisa sa mga gawaing nakatulong sa bansa at
daigdig?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 1
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
Gawain 2
1. Tungkol sa pagiging matapat at responsable sa kanyang trabaho.
2. Magkakaroon ng iba’t ibang sagot ang mga bata.
3. Magkakaroon ng iba’t ibang sagot ang mga bata.
4. Sa isang okasyon malapit sa kanilang opisina.
5. Kahit walang nakakakita sa ating ginagawa dapat gawin natin kung ano
ang tama.
6.Para makapag-ambag o makatulong tayo sap ag-unlad ng ating bayan.
Gawain 3
1.c
2.d
3.b
4.a
5.e
VI. Susi Sa Pagwawasto:

You might also like