You are on page 1of 10

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pagkatuto

Ika-apat na Markahan – MELC 2

Paglabag sa Katapatan

REGION VI – WESTERN
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay

inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang

porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa

Pagpapakatao 8

Manunulat: Gng. Marissa B.San Juan

Editor: Gng. Catherine D. Diaz
Tagasuri: G. Alan Vincent B. Altamia
Gng. Marie Paz A. Almalbis
Tagaguhit:
Tagalapat: Gng. May V. Telesforo
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo Jr
Dr. Segundina F. Dollete
Gng. Shirley A. De Juan
G. Allan Vincent A. Altamia
Regional Management Team: G. Ramir B. Uytico
Peter Escobarte, IV, CESO V, OIC, ARD
Dr. Elena P. Gonzaga
G. Donald T. Genine
Gng. Meriam T. Lima

Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa pakikipagtulungan
ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan
ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-
kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at
ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay

binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo

upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain.

Gawaing Pampagkatuto
Pangalan ng Mag-aaral:________________________ Grado at Seksiyon:__________
Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Paglabag sa Katapatan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan.

(EsP8PBIIIg-12.2)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Minsan ba naranasan mo nang naipit sa isang sitwasyon at wala ka nang

magagawa pa kundi ang magsinungaling upang sa gayon ay hindi na lumala ang
sitwasyon? Pilit pa nating sinasabi sa sarili natin na tayo ay biktima lamang ng
pagkakataon at ito ay paulit ulit na nangyayari hanggat sa huli ay hindi natin
namamalayan na tayo ay nasanay na at naging parte na ng ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Ano sa palagay mo ang iyong mararamdaman kapag ginawa mo ito?
Sa buhay ng tao isang malaking hamon ang maging matapat sa salita at gawa.
Nauunawaan natin na ang pagiging matapat ay isang birtud na dapat nating taglayin,
sapagkat ito ay isang kaugalian ng tao na magdadala sa kaniya sa tunay na kaganapan
ng kaniya pagkatao.Ang bawat tao ay may karapatang panatilihing maayos o maiangat
ang moralidad ng kaniyang pagkatao at isa na rito ay ang katapatan.
Ang katapatan ay nangangahulugang pagiging totoo at tapat sa lahat ng oras at
sa lahat ng bagay maging sa iyong sarili at sa ibang tao.(Brainly. Ph) Ang katapatan ay
itinuturo na sa atin kahit tayo ay mosmos pa lamang ng ating mga magulang dahil sa ito
ay tumutulong sa atin upang makamit natin ang kabuuan, subalit ito ay hindi
madali,nangangailangan ito ng matinding determinasyon sa sarili at malawak na pag
unawa sa ktunay na kahulugan ng katapatan at kung ano ang mabuting maidudulot nito
upang mapabuti natin ang ating sarili ang maging maayos ang ugnayan natin sa kapwa.
Bilang isang mag-aaral, kailangan mong matutunan kung paano panatilihin ang pagiging
matapat. Ano ba talaga ang kailangang gawin upang mapagtagumpayan natin ang
pagsisinungaling?

1
III. Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 314-334
Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen
S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay
T. Paras

MELC p. 108

III. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon na makikita sa unang kolum ng tsart sa

ibaba. Lagyan ng Tsek ( ✔) ang mga sitwasyon na nagpapakita ng katapatan
at ekis (X) naman ang sumasalungat dito.

Nagpapakita ng Paglabag sa
Sitwasyon
katapatan Katapatan
1.Pagsauli sa may ari ng kaniyang gamit na
naiwan sa upuan.
2.Inilihim sa magulang ang pakikipagrelasyon sa
kabilang kasarian .

3.Pagsagot sa mga takdang-aralin sa abot ng

makakaya.
4.Nagpapaalam sa magulang bago umalis ng
bahay.
5.Pagsasabi ng sekreto ng isang kaibigan sa iba.

6. Ibinalik ang sobrang sukli ng tsuper

7.Pagsasabi sa guro ng nakitang pangongopya
ng isang kaklase.

8.Nabakabasag ng pinggan sa bahay subalit

hindi umamin sa Nanay.
9.Palihim na kinuha ang laman ng alkansiya ng
kapatid
10.Pagpapakopya ng mga sagot sa pagsusulit
sa katabi sa upuan.

Mga Gabay na Tanong:

1. Batay sa mga sitwasyon sa itaas, bakit maituturing na paglabag sa katapatan ang

mga aytem na nilagyan mo ng ekis?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Sa mga aytem naman na nilagyan mo ng tsek, paano ipinapakita ang katapatan

sa mga sitwasyon na ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Bilang kabataan na tulad mo, ano-ano ang maari mong gawin upang mapanatili
ang katapatan sa kabila ng mga hamon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagsasanay 2

Panuto: Batay sa sariling karanasan, napanood sa telebisyon, internet at narinig sa radyo

magtala ng mga sitwasyon na nagpapakita ng paglabag sa katapatan ng mga kabataan
sa kasalukuyan at ang mungkahi na maaring gawin upang manaig ang katapatan gabay
ang pormat sa ibaba.

Pagkakataon o sitwasyon na Maaring maging epekto ng Nararapat gawin upang manaig

nangibabaw ang paglabag sa paglabag ang katapatan
katapatan
1.

2.

3.

4.

5.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit may mga pagkakataong mas nangingibabaw ang paglabag sa katapatan ?

___________________________________________________________________

2. Paano manatiling matapat ang isang tao sa lahat ng pagkakataon ?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

IV. Repleksiyon

Malaki ang papel na ginagampanan ng katapatan sa buhay ng tao sapagkat

minsan ito ay naging basehan ng respeto na nakukuha natin sa ating kapwa.
Ang taong matapat ay mapagkakatiwalaan tanda ng dalisay na puso ng isan nilalang
subalit kapag tayo ay tumaliwas sa katapatan kabaligtaran sa mga nabanggit ang ating
mapapala natin mula sa ating kapwa.
Ang katapatan ay maaring maipakita sa pamamagitan ng salita at gawa kaya
naman sa araw-araw nating pamumuhay ay nakikibaka tayo upang sikaping maging totoo
sa ating sarili.
Sa kabataan na tulad mo ay mahalagang maikintal sa iyong puso’t isipan ang
pagsasabuhay ng katapatan na maging gabay upang maging isang makatwirang
indibidwal na nilikha ng Diyos upang isabuhay ang kabutihan .
Bilang isang kabataang tulad mo paano mo isabuhay ang katapatan sa salita at
gawa? Ang batayan ng iyong sagot ay nakasaad sa rubrik sa ibaba.
______________________________________________________________________

Rubrik para sa Gawain sa Repleksiyon

Kraytirya 10 7 5 3 1
Maiksi Masyadong May Hindi
Komprehe Sapat at ngunit sapat mahaba ang kakulang malinaw
nsibo at angkop ang pagpapaliwa- ang ang
maayos ginawang ginawang nag ngunit ginawang pagpapali
ang pagpapali- paliwanag may may pagpapali- wanag.
pagpapali wanag. kaunting wanag.
wanag. punto.

V. Susi sa Pagwawasto

10.X
9. X Sagot ng Mag-aaral
8. X Pagsasanay 2
7. ✔
6. ✔
5. X
4. ✔
3. ✔
2. X
1. ✔

Pagsasanay 1

You might also like