You are on page 1of 12

8

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Gawaing Pagkatuto

Ika-apat na Markahan - MELC 3

Katapatan sa Salita at Gawa:


Komitment sa Katotohanan at
Matatag na Konsensya

REHIYON VI-KANLURANG VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Manunulat: Mr. Carlito A. Alsagon, Jr.
Editor: Mrs. Catherine D. Diaz
Tagasuri: Mr. Alan Vincent B. Altamia
Mrs. Marie Paz A. Almalbis
Tagaguhit:
Tagalapat: Mrs. May V. Telesforo

Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.


Dr. Segundina F. Dollete
Mrs. Shirley A. De Juan
Mr. Alan Vincent B. Altamia
Regional Management Team: Dr. Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte Jr.
Celestino Dalumpines IV
Mr. Donald T. Genine
Mrs. Miriam T. Lima
8

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Ika-apat na Markahan - MELC 3

Katapatan sa Salita at Gawa:


Komitment sa Katotohanan at
Matatag na Konsensya
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo
sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Schools Division Office (SDO) sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng K to 12 Kurikulum.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasiya habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon na
patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pagunlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matulungan ka na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

i
TALAAN NG NILALAMAN

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda ----------------------------------------------- 2


II. Panimula (Susing Konsepto) -------------------------------------------------------- 2
III. Mga Sanggunian ---------------------------------------------------------------------- 3
IV. Mga Gawain --------------------------------------------------------------------------- 3
V. Repleksiyon --------------------------------------------------------------------------- 5
VI. Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------------------ 7

1
Pangalan ng Mag-aaral: _____________________________ Grado at Seksiyon: _________
Petsa: ___________________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Learning Activity Sheet (LAS)

Katapatan sa Salita at Gawa:


Komitment sa Katotohanan at Matatag na Konsensiya

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipaliliwanag na: Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng
pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensiya. May layunin
itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal
(EsP8PBIIIh-12.3).

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa bawat oras na lumilipas ang ating Panginoon ang sandigan ng lahat. Hindi niya
tayo pinababayaan sa mga suliranin na ating tinatahak at hinaharap. Kailangan lamang natin
ang magtiwala at maging tapat sa kanya dahil sa ito ang nagpapatunay ng pagkakaroon ng
komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensiya. Ayon sa kanyang ikawalong
utos na nagsasaad na “Huwag tayong magsisinungaling” ay nagpapa-alala sa atin na dapat
isapuso at kailangan sundin ng bawat tao sapagkat ito ay magdudulot ng kalayaan sa ating
sarili.
Ayon sa Juan 8:32 “Ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo”. Ang katotohanan ang
nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat
ng katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat tao na
naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at
walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin ito. Ang sinumang maging tapat sa
salita at sa gawa na may komitment sa katotohanan at mabuti/matatag na konsensiya ay
makakamit ang kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan,
katiwasayan, at pananampalataya sa ating Dakilang Tagapaglikha.
Ang pagiging tapat sa salita at gawa ang magpapalaya sa atin bilang nilikha ng Diyos.
Ito ay dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Huwag nating
hayaan na ang kasinungalingan ang mangingibabaw. Ang mga salita ay makapangyarihan at
kung ang sinabi ay katotohanan o kasinungalingan, ito ay nakakaapekto sa pananaw mo sa
buhay.
Ito ngayon ang hamon sa bawat tao at mag-aaral na kagaya ninyo, ang maging
instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang
piniling pasya at mga pagpapahalaga. Kumilos tungo sa makatotohang buhay, upang ang
kabutihang panglahat ay ating makakamtan.
Palagi nating isaisip at isapuso na ang katotohanan ay ang kalagayan o kondisyon ng
pagiging totoo sa lahat ng oras. Upang matamo ito, inaasahan na maging mapagpahayag ang
bawat isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan. Maging isang huwarang tao o
2
magandang modelo sa ating kapwa upang ating maipalaganap ang katapatan hindi lamang sa
salita kundi kung paano natin ito isabuhay bilang isang nilikha.

III. Mga Sanggunian


Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 314-334
2 Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.
Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia,
Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras
MELC p. 108

IV. Mga Gawain


Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang mga diagram sa ibaba. Iguhit ito sa inyong sagutang papel. Isulat
sa loob ng bilog ang mga paraan kung paano mo maipapakita ang iyong katapatan sa gawa at
sa salita. Ang unang bilog ay nasagutan na para iyong maging basehan.

Diagram 1

Hal. Ang
pagsasauli ng
isang gamit
na naiwan.

KATAPATAN SA
GAWA

3
Diagram 2

Hal. Pagsabi ng
“Mahal kita” sa
taong totoong
minamahal.

KATAPATAN SA
SALITA

Mga Batayang Tanong:


1. Ano ang ibig sabihin ng katapatan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Kailan tayo dapat maging matapat sa ating mga ginagawa at salita? Paano mo ito
maipapakita na mayroong komitment sa katotohanan at mabuti na konsensiya?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Paano kung ang isang katulad mo ay hindi naging tapat sa salita at sa gawa? Ano-ano ang
magiging epekto nito sa iyo bilang isang anak, mag-aaral, at kasapi ng lipunan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4
V. Repleksiyon
Upang lubos na matutunan ang kahalagahan ng pagiging tapat sa salita at sa gawa,
gumawa ng sariling tula hango sa iyong karanasan tungkol sa katapatang nagawa sa iyong
pamilya na nagpapatunay ng komitment sa katotohanan at mabuti/matatag na konsensiya.
Maging basehan ang mekaniks at rubrik na nasa ibaba sa paggawa ng tula.

Mekaniks:
1. Ang tema ay nakabatay sa karanasan tungkol sa katapatang nagawa sa pamilya.
2. Binubuo ito ng tatlong saknong na may tig-aapat na taludtod.
a. Ang unang talata ay tungkol sa karanasan sa katapatan sa gawa.
b. Ang pangalawang talata ay tungkol sa karanasan sa katapatan sa salita.
c. Ang pangatlong talata ay tungkol sa pagsasabuhay ng natutunang aral tungkol
kahalagahan ng pagiging tapat sa salita at gawa bilang komitment sa katotohanan
at mabuting konsensiya bilang isang mag-aaral at anak.

Halimbawa:
Sabi ni nanay sa akin isang umaga
Nene, kumuha ka ng sampung piso sa pitaka,
Nang buksan, mata namangha sa napakaraming pera
Ngunit aking naalala sampung piso lang ang pinakukuha niya.

Nang sumunod na araw, ako’y ginabi ng uwi sa bahay


Ng ako’y pumasok, biglang kinabahan sa harap ni nanay
Sapagkat ako’y nanggaling sa kaibigan at hindi sa paaralan,
Gayunpaman, sinabi ko ang katotohanan kahit ako’y mapagalitan.

Laging pa-alala ni nanay sa lahat ng oras


Ang pagsabi ng katotohanan ay isang munting yaman
Kaya isabuhay ang pagiging tapat sa salita at gawa
Upang buhay ay maging matiwasay at malaya.

5
Ikaw naman...

Ang Katapatang Nagawa Ko Sa Aking Pamilya


__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

RUBRIKS: PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA PAGGAWA NG TULA

Kraytirya 5 4 3
Kaangkupan Malaman at malalim Maiksi ngunit malalim Maiksi at simple ang
sa Paksa ang ginawang ang ginawang ginawang
pagpapahayag. pagpapahayag. pagpapahayag.

Paggamit ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng Hindi nakapukaw ng


Salita pagkamalikhain sa pagkamalikhain damdamin.
pagsulat at gumamit ng ngunit hindi gaanong
mga salita na nakapukaw ng
nakapukaw sa damdamin.
damdamin.
Orihinalidad Walang katulad ang Iba ang mga salitang Magkakatulad ang mga
kahulugan at mga ginamit subalit may salita at kahulugan ng
salitang ginamit. pagkakahawig ng pahayag
kahulugan ang
pahayag.

6
VI. Susi sa Pagwawasto

7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like