You are on page 1of 9

5

Learning Activity Sheets


sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Quarter 2 – MELC 26
Pansariling Kapakanan Ipagpapaubaya Ko,
Para sa Kabutihan Mo

REGION VI – WESTERN VISAYAS

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet


Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Writer: Charito C. Dajao


Editor: Josephine S. Tero
Quality Assurance: Gualberto A. Dajao

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Ellen G. De La Cruz
Gualberto A. Dajao

Regional Management Team:


Ma. Gemma M.
Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. Lima
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito
ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod
City sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larangan ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Kuwarter 2, Linggo 5

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 5

Pangalan ng Mag-aaral:________________________ Grado at


Seksiyon:________ Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 5

Pansariling Kapakanan Ipagpapaubaya Ko,


Para sa Kabutihan Mo

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.
(EsP5P – IIf – 26)

II. Panimula

Isang katangian na hinihingi sa atin bilang isang Kristiano ay ang pag-alay ng


sarili para sa iba. Napakahirap gawin ngunit ito ang nagbibigay kahulugan sa
ating buhay bilang mga tagasunod ni Kristo.
May mga pagkakataon sa ating buhay na kailangan nating isuko ang ating
pansariling kapakanan para sa kapwa. Kung mahal mo ang isang tao, handa
kayong magsakripisyo ng sarili para sa kanilang ikabubuti.

Sa lipunang namamayani ang kasakiman, marami ang may kasalatan sa


buhay habang kakaunti lang ang may napakaraming bagay at oportunidad sa
buhay. Napag-kaitan ang maraming tao na mabuhay ng maligaya. May mga
walang makakain, may sakit, walang bahay, walang trabaho, hindi nakapag-
aral. Ang kalagayang ito ay ang hinihingi mula sa atin na minsan ipagpa-ubaya
muna ang ating mga sariling kapakanan at iisipin ang kabutihan ng mas
nangangailangan.

Nadadagdagan pa ang hirap ng karamihan bunga ng mga kalamidad. May


lindol, pagputok ng bulkan, malakas na bagyo, baha, sunog at iba pa. Ang
lahat ng mga sakunang ito ay maaring isipin na lang na isang pagkakataon
para maipakita mo ang kung paano mo ipaubaya ang sarili mong kapakanan
para sa kabutihan ng iyong kapwa.

Kahit minsan sa mga paaralan, may maraming maliliit na mga bagay na


nangangailangan ng ating pagmamalasakit para sa kapakanan ng iba. May
mga batang binubully, kinukutya at inaapi dahil mahina o may kapansanan na
dapat mong ipagtanggol. Minsan sarili mong kapakanan mismo ang nakataya
para sa kanila.
III. Mga Sanggunian

DepEd MELCs 2020

IV. Mga Gawain

1. Panuto: Basahing mabuti ang mga pinapagawa sa bawat pagsasanay sa


ibaba.

2. Pagsasanay

Unang Araw:

Ang Tunay na Paglilingkod: Basahin ng maigi ang kwento at sagutin ang mga
tanong pagkatapos mong maunawaan ang kwento.

Ang Paglilingkod ng Isang Frontliner sa Panahon ng Pandemya

Isang nurse si Ana sa isang pampublikong hospital. Noong kasagsagan ng


pandemya, halos buong panahon na niya ay nailalaan sa pag-aalaga ng mga
may sakit ng COVID-19. Halos araw-araw ay nailantad niya ang sarili sa
panganib na mahawa sa virus. Minsan kinakabahan din si Ana sa maaring
mangyari sa kanya.
Marami ang naipasok sa ospital na mga pasyente at isa na dito ang
matandang babae na nilalagnat at inuubo. Walang kasamang kamag-anak
ang matanda na mag-aalaga sa kanya. Hirap na hirap ang matanda sa
kanyang kalagayan. Dahil sa awa, si Ana na ang nagboluntaryong mag-
aalaga sa kanya habang siya ay nasa hospital.

Isang umaga, nang pagpasok ni Ana sa ward na kinaroroonan ng matanda,


tiningnan niya siya. Humihina na ang matanda. Tinanong niya kung nakainom
na siya ng gamot. “Hindi pa... hindi pa nga ako nakapag-almusal”. Ang sagot
ng matanda. Dali-daling kinuha ni Ana ang baon at ipinakain niya sa matanda
at pagkatapos ay pinainom ng gamot.

Maliban sa matandang lola, marami pa ang pinaglingkuran ni Ana.


Nagpapainom o nag-iinjection ng gamot, nagpapakain, naglilinis ng katawan
at nagpapalit ng damit ng mga pasyente at marami pa. May mga
pagkakataong inaaliw niya ang mga pasyente sa paraan ng pag-awit upang
kahit paano ay mababawasan ang kanilang karamdaman. Hindi iniisip ang
peligro na mahawa din siya ng virus.

Halos walang pahinga si Ana at minsan nakalimutan na niya ang kumain, gabi
na kung umuwi, nahihirapan pa siya na maghanap ng masasakyan papunta
at pauwi. Ngunit sa kabila ng mga sakripisyong ito maligaya naman si Ana na
may napaglingkuran. Halos gabi-gabi, ipinagdasal ni Ana ang kapakanan ng
mga pasyente.

Isang umaga nagulat na lamang siya nang dumating sa hospital dahil hindi na
ang babaeng matanda ang nakahiga sa higaaan. Namatay na pala ang
inaalagaan niya dahil sa sakit na COVID-19. Grabe ang lungkot ni Ana sa
nangyari sa matandang babae. Siyempre, may halong pangangamba rin sa
puso ni Ana. Ano na lang ang mangyari sa maliliit pa niyang anak kung sakali
mahawa rin siya sa sakit. Nagawa niyang magkuwarantin na lang sa kanilang
bahay.

Bawat gabi, taimtim siyang nanalangin sa Maykapal na bigyan siya ng


kaligtasan mula sa sakit. Iniisip niya na hindi lang ang kanyang pamilya ang
maaapektuhan kundi pati na rin ang maraming pasyenteng kanyang
inaalagaan.

Ilang araw nang dumating din ang kanyang swab test at sa awa ng Diyos,
negatibo ang resulta. Malaking nagiging pasasalamat ni Ana sa Panginoon na
binigyan din siya ng proteksyon at pagkakataon na makapagpapatuloy sa
paglingkod sa kapwa kahit na ipagpapaubaya pa niya ang sariling kapakanan
para sa kapwa.

Mga tanong:

1. Ano ang mga nagawa ni Ana para sa kabutihan ng kanyang kapwa?


2. Kung kayo ay si Ana, ano sa palagay mo ang mga mabuting dahilan para
maglingkod sa kapwa na kahit sarili mong kapakanan ay kaya mong
ipagpaubaya?

Ang pagtulong sa kapwa ay ating obligasyon bilang mga anak ng


Diyos at kapatid natin ang kapwa.

Ang pagtulong sa kapwa ay makapagbigay sa kanila at sa atin ng


kaligayahan.

Ang pagtulong sa kapwa ay ating obligasyon sa bayan.

Ang pagtulong sa kapwa ay paraan upang mabigyan tayo ng


gantimpala.

Ikalawang araw:

Ang aking Mga Nagawa Para sa Kapwa: Gumawa ng ebalwasyon ng


iyong sarili tungkol sa mga nagawa mong pagtulong sa kapwa. Isulat sa
loob ng box ang iyong nagawang pagtulong sa iyong kapwa.

1.

2.

3.

4.

5.
Mga Batayang Tanong:

1. Bilang bata, paano mo paunlarin ang iyong pagmamalasakit at


paglingkod sa kapwa? Ipaliwanag.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Sa totoong buhay, ano ang pakiramdam mo matapos mong nagawang


pagsakripisyo para sa kapwa.? Ipaliwanag.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang iba pang paraan upang maipakita mo ang


pagpapaubaya ng sarili mong kapakanan para sa ikabubuti ng kapwa?
Ipaliwanag.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

V. Repleksiyon

a. Ano ang mga leksyon sa buhay ang natutunan mo mula sa ating araling
“Pansariling Kapakanan Ipagpapaubayan Ko, Para sa Kabutihan Mo”?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

b. Ano ang gagawin mo para maisasabuhay mo ang iyong mga natutunang


aral ngayong paksa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

c. Ano ang iyong mga iminumungkahi na gawin upang mapaunlad mo ang


iyong pag-aaral sa susunod na paksa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

Unang Araw:

Mga ginawa ni Ana para sa kapwa:

Nag-aalaga sa may sakit


Nagpapakain sa mga nagugutom
Nagpapainom ng gamot
Nagpapalit ng damit ng pasyente
Nag-iinjection
Naglilinis ng katawan ng pasyente
Ipinagdasal ang pasyente

A, B, C

You might also like