You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

LEYTE COLLEGES
Paterno Street, Tacloban City

Masusing- Banghay Aralin sa ESP 7


March 01, 2024

Arnold E. Alvero Roniel R. Pada-On


Gurong Nagsasanay Gurong Tagasanay

 Layunin
Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga
pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay sa mga
aspetong:
a. Personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng
pagpaplano ng kursong iyong kukuhain.
b. Nakabubuo ng isang konkretong plano na nakabatay sa
S.M.A.R.T.A

Nilalaman
PAKSA: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kurso
SANGGUNIAN: https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-learning-module-
in-edukasyon-sapagpapakatao-q3-q4.htm
KAGAMITAN: Laptop, power point

Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain - Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
Panalangin pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na isip
-pakisuyo sa panalangin upang maipasok namin ang mga itinuturo
sa amin at maunawaan ang mga aralin na
makatutulong sa amin sa pagtatagumpay
sa buhay na ito. Amen.

Pagtala ng liban sa klase


- Walang bang lumiban sa klase Wala po sir

Okey, magaling!
Balik-aral sa nakaraang aralin
Punan ng angkop na impormasyon ang Resume:

B.

Pagsusuri

C. Paghahalaw

Paghawan ng sagabal

Pabigyan ng kahulugan sa mag-aaral ang mga salitang:

1. Hilig o Interes – ito ang mga paborito o palagi mong


ginagawa na nagpapasaya sa iyo. At dahil sa gustong-
gusto mo itong gawin ibinibigay mo rito ang iyong
buong puso at hindi ka nakakaramdam ng
pagkabagot. Kaya kung magagawa mong ituon ang
iyong pansin sa iyong mga kinahihiligan, makaaasa ka
na mas magiging mas madali ang pagpili ng iyong
kukuhaning kurso sa hinaharap.
2. Pagpapahalaga – ito ay hindi lamang tumutukoy sa
mga mahahalagang bagay o tao. Ang pagpapahalaga
ay tumutukoy din sa mabuting pag-uugali ng isang tao
na dapat niyang taglayin at pahalagahan kagaya ng
tinalakay sa Module 3 ngayong Ikatlong Markahan.
Idagdag natin ang “absolute moral values” na
tumutukoy sa Panlabas na Pagpapahalaga. Nasasakop
nito ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon. Isa pa
ay ang nagmumula sa sarili , ang “Behavioral Values”
ito ay maaaring dahil sa karanasan o pananaw ng tao
na nakabatay sa kultura na kaniyang kinagisnan.
Mayroon ding tinatawag na “Work Values” tumutukoy
naman ito sa kahusayan sa paggawa, pagtanggap sa
pagbabago at pagkakaiba-iba. Pinakahuli ay ang
“Career Values” ito naman ay ang sariling pag-unlad,
pag-angat o pagiging kilala sa napiling karera.
3. Mithiin – hindi lamang ito pagtukoy sa mga
materyal na bagay at maginhawang pamumuhay.
Kailangan na isaisip ang pakikiisa upang makamit ang
kabutihang panlahat. Upang madaling makamit ang
iyong mithiin kailangan na isaalang-alang ang
pamantayan sa pagbuo ng mahusay na mithiin.
S – pecific (Tiyak) – kailangan na ang lahat ay maging
espesipiko at hindi pabago- bago ang iyong nais.
M – easurable (Nasusukat) – dapat ito ay pag-isipang
mabuti kung ito ba tumutugma sa kakayahan ng tao
na gagawa dahil kung hindi ay baka mahirapan ang isa
na ito ay isakatuparan.
A – ttainable (Makatotohanan/ Naabot) – pag-isipan
ang mga katanungan na ito, kaya ko ba talaga itong
abutin? Ito ba ay kakikitaan ng pagiging
mapanghamon?
R – elevant (Makabuluhan/ Angkop) – nakatutugon ito
sa pangangailangan ng iyong sarili at ng iyong kapwa
at suriin kung ito ay higit na makabubuti.
T – ime Bound (May itinakdang panahon) –
kinakailangan na magtakda ng tiyak na panahon kung
kalian isasakatuparan ang iyong tunguhin.
A – ction Oriented (May kasamang Pagkilos) – hindi
sapat na nakaplano lamang ang mga bagay,
pinakamahalaga pa rin ang kumilos nang ayon sa
iyong mga plano.

D. Paglalapat
Panuto: Bumuo ng isang konkretong plano na
nakabatay sa S.M.A.R.T.A. gamit ang pormat na nasa
ibaba.
IV. Pagtataya
A. Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay Tama o
Mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Mahalaga ang Career Planning upang mas maging
madali ang pagtupad mo sa iyong mithiin.
2. Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang kahinaan at
kalakasan.
3. Ang Pagpapahalaga ay tumutukoy lamang sa mga
materyal na bagay na ating tinataglay.
4. Kailangan na hintayin mo munang umabot ka sa
wastong gulang bago ka gumawa ng iyong mga plano
sa buhay.
5. Ang pansariling salik sa pagpili ng kurso ay
nagmumula sa ibang tao.

B. Piliin ang titik ng tamang sagot.


6. Ang pag-alam natin sa ating sariling kahinaan ay
nagpapakita lamang na:
a. Minamaliit natin ang ating sarili.
b. Tanggap natin ito at handa natin itong baguhin.
c. Para kaawaan tayo ng ibang tao.
d. May maidahilan tayo para hindi gawin ang isang
bagay.
7. Ang “work values” at “career values” ay tumutukoy
sa:
a. Mithiin c. Pagpapahalaga b. Hilig d. Kasanayan
8. Tumutukoy ito sa bagay na madalas mong gawin?
a. Mithiin c. Pagpapahalaga b. Hilig d. Kasanayan
9. Mahalaga na malaman ang ating mga kalakasan
(strength) upang:
a. Hindi mapagsamantalahan ng ibang tao.
b. Gamitin upang ipakitang mas mahusay tayo kaysa
sa iba.
c. Upang lalo pa itong pagyamanin.
d. Makapagbuhat ng mabibigat na bagay.
10. Upang mas madaling makamit ang ating mga
mithiin ay kailangan na gamiting batayan ang:
a. S.M.A.R.T. b. S.T.E.M.
c. S.M.A.R.T.A d. G.L.O.B.E.

You might also like