You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

LEYTE COLLEGES
Paterno Street, Tacloban City

Masusing- Banghay Aralin sa ESP 7


March 08, 2024

Arnold E. Alvero Roniel R. Pada-On


Gurong Nagsasanay Gurong Tagasanay

 Layunin

1. Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa


makabuluhan at maligayang buhay sa mga aspetong:
a. Personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong
iyong kukuhain.
b. Pagkilala sa mga (a) kahalagahan ng pag-aaral bilang paghahanda sa kursong
iyong kukuhain at ang (b) hakbang sa paggawa ng Career Plan. EsP7PB-IVa-13.1

 Nilalaman
PAKSA: Mga Pansariling Salik sa Pag pili ng Kurso

SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao IkatlongMarkahan –Modyul 5: Mga


Pansariling Salik sa Pagpili ng Kurso MELC,
https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-learning-module-in-
edukasyon-sa-pagpapakatao-q3-q4.html

KAGAMITAN: Laptop,larawan,power point,

 Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
- Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
Panalangin ninyong panibagong pagkakataon upang kami
ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas
-pakisuyo sa panalangin na isip upang maipasok namin ang mga
Pagtala ng liban sa klase itinuturo sa amin at maunawaan ang mga
- Walang bang lumiban sa klase aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Okey very good. -Wala po sir


Balik-aral sa nakaraang aralin.

Isaayos ang mga letra upang makuha ang wastong


sagot.

1. Ito ay itinuturing pinakamababang


antas sa kadahilanang. DANPAMMAD
AN GAPAAPPLAGAHA
- PANDAMDAM NA PAGPAPAHALAGA
- TAMA

2. Ito ay ang pagpapahalagang may


kinalaman sa kung paano mapapbuti
ang kalagayan ng buhay ng isang tao.
AMPHAYBU AN GAPAAPPLAGAHA
- PAMBUHAY NA PAGPAPAHALAGA
- GOOD MAGALING

3. Ang pagpapahalagang ito ay


tumutukoy sa pagpapahalagang pang
kabutihan, hindi lamang sa sarili kundi
pati na rin sa nakararami. SIIRIPALTW
AN GAPAAPPLAGAHA
- SPIRITWAL NA PAGPAPAHALAGA
-VERY GOOD.

4. Ito ang pinakamataas sa lahat ng


antas. NALBA AN GAPAAPPLAGAHA

- Very good - BANAL NA PAGPAPAHALAGA

B. Pagsusuri

Who Am I?

Panuto: Punan ng mga hinihinging


impormasyon ang loob ng mga hugis.

- Music/Awit
- Laro/ or computer game
- Art/sining
- Mag aawit
- Pulis
- Sundalo

- Mabait
- Magalang
- Masipag

C. Paghahalaw

Naipapaliwag sa mga mag aaral at


mapagtutuunan ng pansin ang mga pansariling
salik sa pagpili ng tamang kurso na nababagay sa
mag aaral.

1.

Hilig o Interes – ito ang mga paborito o palagi


mong ginagawa na nagpapasaya sa iyo. At dahil
sa gustong-gusto mo itong gawin ibinibigay mo
rito ang iyong buong puso at hindi ka
nakakaramdam ng pagkabagot. Kaya kung
magagawa mong ituon ang iyong pansin sa iyong
mga kinahihiligan, makaaasa ka na mas magiging
mas madali ang pagpili ng iyong kukuhaning
kurso sa hinaharap.
2. Pagpapahalaga – ito ay hindi lamang
tumutukoy sa mga mahahalagang bagay o tao.
Ang pagpapahalaga ay tumutukoy din sa
mabuting pag-uugali ng isang tao na dapat niyang
taglayin at pahalagahan kagaya ng tinalakay sa
Module 3 ngayong Ikatlong Markahan. Idagdag
natin ang “absolute moral values” na tumutukoy
sa Panlabas na Pagpapahalaga. Nasasakop nito
ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon. Isa pa
ay ang nagmumula sa sarili , ang “Behavioral
Values” ito ay maaaring dahil sa karanasan o
pananaw ng tao na nakabatay sa kultura na
kaniyang kinagisnan. Mayroon ding tinatawag na
“Work Values” tumutukoy naman ito sa
kahusayan sa paggawa, pagtanggap sa
pagbabago at pagkakaiba-iba. Pinakahuli ay ang
“Career Values” ito naman ay ang sariling pag-
unlad, pag-angat o pagiging kilala sa napiling
karera.

3. Mithiin – hindi lamang ito pagtukoy sa mga


materyal na bagay at maginhawang pamumuhay.
Kailangan na isaisip ang pakikiisa upang makamit
ang kabutihang panlahat.

Upang madaling makamit ang iyong mithiin


kailangan na isaalang-alang ang pamantayan sa
pagbuo ng mahusay na mithiin.

S – pecific (Tiyak) – kailangan na ang lahat ay


maging espesipiko at hindi pabago- bago ang
iyong nais.
M – easurable (Nasusukat) – dapat ito ay pag-
isipang mabuti kung ito ba tumutugma sa
kakayahan ng tao na gagawa dahil kung hindi ay
baka mahirapan ang isa na ito ay isakatuparan.
A – ttainable (Makatotohanan/ Naabot) – pag-
isipan ang mga katanungan na ito, kaya ko ba
talaga itong abutin? Ito ba ay kakikitaan ng
pagiging mapanghamon?
R – elevant (Makabuluhan/ Angkop) –
nakatutugon ito sa pangangailangan ng iyong
sarili at ng iyong kapwa at suriin kung ito ay higit
na makabubuti.
T – ime Bound (May itinakdang panahon) –
kinakailangan na magtakda ng tiyak na panahon
kung kalian isasakatuparan ang iyong tunguhin.
A – ction Oriented (May kasamang Pagkilos) –
hindi sapat na nakaplano lamang ang mga bagay,
pinakamahalaga pa rin ang kumilos nang ayon sa
iyong mga plano.
D.Paglalapat

Ang pagkilala sa iyong sarili ay hindi lamang


nagtatapos sa pagkaalam ng mga pansariling
salik, kundi kinakailangan din na alam natin ang
ating mga kalakasan at mga kahinaan. Ang ating
kalakasan ay lalo pang pagyamanin at ang ating
mga kahinaan naman ay dapat nating paunlarin.
Kapag nagawa natin ito ay mas madali para sa
atin na makamit ang ating pinapangarap.

Mag bigay ng mga kahinaan:


Mag bigay ng mga kahinaan: 1.Mahiyain
1. 2.madaling panghinaan ng loob
2. Anong mga paraan ang ginawa mo para
Anong mga paraan ang ginawa mo para mabago mabago ang iyong kahinaan?
ang iyong kahinaan? 1. makikipag salamuha sa kapwa.
1. 2. sinasanay ang sarili upang malampasan ang
2. mahihirap na sitwasyon.
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay Tama o Mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Mahalaga ang Career Planning upang mas maging madali ang pagtupad mo
sa iyong mithiin.
2. Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang kahinaan at kalakasan.
3. Ang Pagpapahalaga ay tumutukoy lamang sa mga materyal na bagay na
ating tinataglay.
4. Kailangan na hintayin mo munang umabot ka sa wastong gulang bago ka
gumawa ng iyong mga plano sa buhay.
5. Ang pansariling salik sa pagpili ng kurso ay nagmumula sa ibang tao.

V. Kasunduan
Panuto:. Pumili lamang ng ISA sa Dalawang Pamamaraan:
A. Magsuot ng damit ng kung anong kurso o trabaho ang iyong nais na makamit sa
hinaharap. Pagkatapos ay i-post ito sa Facebook. Gamitin ang #pangarapkoaabutinko bilang
opisyal na hashtag ng aktibidad na ito.
B. Kung hindi kayang i-post sa Facebook, gumupit ng larawan ng kurso o trabaho na iyong
pangarap, pagkatapos ay idikit ito sa bond paper. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong naging
pangarap.

You might also like