You are on page 1of 40

MAPEH

1 (Physical Education)
Unang Markahan

LEARNER’S MATERIAL
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang


maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing


impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential
Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng
mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay
maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at
iba pang karagdagang kagamitan tulad ng worksheets/
activity sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga
Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba
pang mga paraan ng paghahatid kaalaman tulad ng
Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
Physical Education
Unang Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape Jr., Romyr L. Lazo,
Fe M. ong-ongowan, Lhovie A. Cauilan, at Ephraim Giibas

Schools Division Office Development Team: Sacoro R. Comia, Generiego O. Javier, Jay
Ann Panaligan, Juliet Villano, Mhelca-win M. Aparato , Lenylyn C. Alcantara, Genny Lyn A.
Peradilla, Roger V. Caballero, Gemma C. De Torres, Nicolas A. Asi, Cyrus T. Festijo, Roy C.
Escalon, April Claire P. Manlangit, Ella Mei A. Casunuran, Annalyn M. Flores, Ricky P.
Torrenueva, Benelyn C. Delos Reyes, Ma. Christina R. Herrera, at Hiyasmin D. Capelo

Physical Education Unang Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Markahan , Modyul 1
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang Modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga


mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa
mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa ng
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusunod na aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
3. Maging tapat at may integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
Mga Bahagi ng PIVOT Modyul

Bahagi ng LM Nilalaman
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng
Panimula

Alamin aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaal-
aman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan pa-
Suriin ra sa aralin.
Ang bahaging ito ay naghahanap ng mga aktibidad,
gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Subukin
Pagpapaunlad

mag-aaral, karamihan sa mga gawain ay umiinog


Tuklasin lamang sa mga konseptong magpapaunlad at
magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na ang
bahaging ito ay nagbibigay ng oras para makita ng
Pagyamanin mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa
ang gusto niyang malaman at matutuhan.
Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kailangang Knowledge
Skills and Attitude (KSA). Pinahihintulutan ng guro ang mga
Isagawa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
Pakikipagpalihan

oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga KSA upang


makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kanilang mga
natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa D. Inilalantad
ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/
Linangin gawain ng buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes
upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya
Iangkop ang kanilang pagganap o lumikha ng isang produkto o
gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga
kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng proseso
na maipakikita nila ang mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga at makalikha ng mga
Paglalapat

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kanilang


kaalaman sa pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o
paggamit nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o
konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mga
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong pagsamahin
ang mga bago at lumang natutuhan.

PIVOT 4A CALABARZON
WEEK
1 Kamalayan sa Ating Katawan
Aralin

I Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
mailalarawan ang bahagi ng katawan, mga kilos at
galaw sa pamamagitan ng kasiya-siyang aktibidad.

D
Ang ating katawan ay may iba’t ibang bahagi. Ang bawat
bahagi ng nito ay may kani-kaniyang galaw o kilos na
ginagampanan.
Mayroon tayong dalawang mata na ginagamit upang
makita natin ang ganda ng mundo at ang iba pang bagay
sa ating paligid.
Mayroon tayong dalawang tainga na ginagamit natin
upang makarinig ng iba’t ibang tunog sa ating kapaligiran.

PIVOT 4A CALABARZON

6
Ang ating ilong ang tumutulong sa atin upang
malaman ang amoy ng mga bagay.
Ang ating dila naman ang tumutulong upang
tayo ay makalasa ng pagkain at makapagsalita ng
maayos.
Nahahawakan natin ang maraming bagay sa
tulong ng ating mga braso at kamay.
Mayroon din tayong dalawang mga paa upang
makalad, makatayo, tumalon at tumakbo.
Lahat ng bahagi ng ating katawan ay mahalaga
para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Dapat itong ipagpasalamat sa ating Dakilang
Panginoon.

PIVOT 4A CALABARZON

7
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang
bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa kuwaderno.

1. Nais buhatin ni Nanay ang bunso niyang anak. Aling


bahagi ng katawan ang kanyang gagamitin?
A. paa B. braso at kamay C. tuhod

2. Tumalbog malapit kay Hermie ang bola na nilalaro ng


mga bata subalit may hawak siya. Aling bahagi ng
kanyang katawan ang gagamitin upang masipa ang
bola pabalik sa mga naglalaro?
A. tuhod B. ulo C. paa

3. Sabi ng guro isulat mo sa pisara ang pangalan mo.


Aling bahagi ng katawan ang iyong gagamitin sa
pagsulat?
A. leeg B. balikat C. kamay

4. Si Elise ay sumama sa kanyang ate na magsimba.


Sinabi ng taga pagsalita na “magsiluhod ang lahat”.
Aling bahagi ng katawan ang gagamitin niya sa pag-
luhod?
A. siko B. tuhod C. balikat

5. Pinakukuha ka ni tatay ng damit na kulay pula. Aling


bahagi ng katawan ang iyong gagamitin upang
malaman ang kulay ng damit na ipinakukuha sa iyo?
A. mata B. ilong C. paa

PIVOT 4A CALABARZON

8
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang mga
tanong at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito
sa sagutang papel.

1. Aling bahagi ng katawan ang ginagamit sa


paghawak at paghagis ng mga bagay?
A. balikat C. paa
B. kamay D. tuhod

2. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa


paglakad, pagtakbo at pagtalon?
A. baywang C. paa
B. hita D. tuhod

3. Aling bahagi ng katawan kabilang ang leeg?


A. sa ibabang bahagi C. sa paa
B. sa gitnang bahagi D. sa itaas na bahagi

4. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit kung


ikaw ay luluhod?
A. balikat C. paa
B. kamay D. tuhod

5. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa


pagdadala, pagbuhat, pagtulak at paghila ng
bagay?
A. braso C. dibdib
B. baywang D. likod

PIVOT 4A CALABARZON

9
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tingnan ang mga la-
rawan. Hawakan ang mga bahagi ng iyong katawan
na katulad ng nasa larawan. Sagutin ang mga tanong.
Gawin ito sa kuwaderno.

1. Ilan ang iyong ilong?

2. Ilan ang iyong mga tainga?

3. Ilan ang siko mo?

4. Ilan ang balikat mo?

5. Ilan ang mga mata mo?

PIVOT 4A CALABARZON

10
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang
mga pangungusap. Isulat sa ang letra ng tamang sa-
got. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Ito ay ginagamit natin upang makita ang mga


magagandang biyaya ng Panginoon.
A. ilong B. mata C. tainga
2. Ito ay ginagamit natin upang matikman ang mga
masasarap na ulam na luto ni inay.
A. dila B. mata C. kamay
3. Ito ay ginagamit natin upang makarating sa
paaralan.
A. paa B. kamay C. ilong
4. Ito ay ginagamit natin upang marinig ang mga huni
ng ibon.
A. bibig B. tainga C. dila
5. Ito ay ginagamit natin upang maamoy ang mga
mababangong bulaklak.
A. ilong B. kamay C. mata

PIVOT 4A CALABARZON

11
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang
mga pangungusap. Isagawa ito.

Panimulang Ayos: Tumayo nang tuwid na magkalayo


ang mga paa.

Ilagay ang kamay sa magkabilang tagiliran.


Ihilig ang leeg sa kanan.
Ihilig ang leeg sa kaliwa.
Ibalik sa panimulang ayos.

Naisagawa mo ba ito ng maayos?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin ang mga


pangungusap. Isagawa ito.

Panimulang Ayos: Tumayo nang tuwid na nakababa


ang mga bisig.

Ipalakpak ang mga kamay sa unahan na pantay


sa balikat.
Ipalakpak ang mga kamay sa gawing likuran.

Ang ating leeg at mga kamay ay naikikilos sa iba’t


ibang paraan. Ang pagpalakpak ng mga kamay ay
nagpapalakas ng mga kamay.

PIVOT 4A CALABARZON

12
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumupit ng isang la-
rawan na nagpapakita ng bahagi ng katawan at idikit
ito sa loob ng kahon. Isulat ang pangalan ng bawat
bahagi. Gawin ito sa kuwaderno.

PIVOT 4A CALABARZON

13
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Piliin ang letra ng
tamang sagot. Gawin ito sa kuwaderno.

Ano ang kilos ng bahagi ng iyong katawan?

1. ulo a. naikikiling
b. naihahawak

2. leeg a. naiuunat
b. naihahawak

3. kamay a. nailalakad
b. naititikom

4. tuhod a. naibabaluktot
b. naituturo

5. paa a. naiilakad
b. naiihawak

PIVOT 4A CALABARZON

14
Nalikhang Hugis Gamit ang Iba’t Ibang WEEK
Bahagi ng Katawan 2
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
makalilikha ka ng hugis gamit ang iba’t ibang bahagi
ng katawan at maisagawa ang mga kilos di-lokomotor
upang maipakita ang nalikhang hugis.

Gayahin ang mga sumusunod na kasanayan sa


paglikha ng hugis ng katawan.

1. 2.

3. 4.

5.

PIVOT 4A CALABARZON

15
D Pagyamanin

Hugis ng Katawan Gamit ang mga Bahagi Nito

Ang mga bahagi ng ating katawan ay nakalilikha


ng mga hugis. Ito ay sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga kilos di lokomotor tulad ng mga
sumusunod:

Stretching Extending

Pushing

Bending Lifting

PIVOT 4A CALABARZON

16
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang ngalan ng
bahagi ng katawan. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Gawin ito sa kuwaderno.

A. braso

1.
B. kamay

2. C. balikat

3. D. hita

4. E. baywang

F. ulo
5.

G. paa
6.

7.

PIVOT 4A CALABARZON

17
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamitin ang mga bahagi
ng katawan upang makabuo ng hugis. Ipakita ito sa
iyong pamilya.

1. Siko

2. Baywang

3. Ulo

4. Paa

5. Daliri

PIVOT 4A CALABARZON

18
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga
tanong. Isulat ang T kung tama at M kung mali. Gawin
ito sa kuwaderno.

______ 1. Nakalilikha ng hugis ng katawan ang


pagkembot ng baywang.

______ 2. Ang kilos na di lokomotor ay mga kilos na


hindi umaalis sa tayo.

______ 3. Nakapagpapalakas ng katawan ang


ginagawang pagpapakilos ng ating katawan.

______ 4. Sa paggamit ng hollahoop ay nagpapakita


ng kilos na hugis bilog.

______ 5. Ang paglalampaso ay nakakalikha ng kilos


ang nagpapakita ng iba ibang hugis .

PIVOT 4A CALABARZON

19
A Tayahin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang bahagi ng


katawan na nasa larawan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa kuwaderno.

1
4

2
5

A. tuhod C. mata E. paa


B. kamay D. siko

PIVOT 4A CALABARZON

20
Pagbalanse ng Katawan WEEK
Aralin 3-4

I Alamin

Sa araling ito matututuhan mo ang wastong


pagbalanse ng katawan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan mong mabuti


ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito
sa kuwaderno.

Sa palagay mo, kaya mo bang gayahin ang mga


posisyon sa larawan? Ano kaya ang kailangan upang
magawa ang mga posisyon sa larawan na hindi ka ma-
tutumba?

PIVOT 4A CALABARZON

21
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gayahin ang mga
posisyon sa mga larawan upang malaman kung taglay
mo ang wastong pagbalanse ng bahagi ng katawan.

Pagbalanse ng dalawang braso at isang hita.


Pagbalanse ng isang braso at dalawang hita.

Pagtayo sa isang paa na nakataas ang


dalawang braso at pantay ang balikat.

PIVOT 4A CALABARZON

22
Mula sa patayong posisyon, itaas nang bahagya ang
isang paa sa unahan, tagiliran at likuran.

Pagdikitin ang mga paa at igalaw ang katawan pakanan,


pakaliwa, papunta sa unahan at likuran.

PIVOT 4A CALABARZON

23
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagtin ang mga tanong.
Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang iyong sagot
sa kuwaderno.

1. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa


pagbuhat?
A. paa B. kamay C. tainga D. ilong

2. Aling bahagi ng katawan ang gamit sa pagpalakpak?


A. ulo B. mata C. bibig D. kamay

3. Alin ang nagpapakita ng pagbalanse ng isa


hanggang limang bahagi ng katawan?
A. Pagpalakpak ng mga kamay.
B. Pagtango at pag-iling ng ulo.
C. Pagpapaikot ng mga balikat.
D. Pagtayo sa isang paa na nakataas ang dalawang
braso at pantay ang balikat.

4. Bakit kailangan ang pagbabalanse ng katawan?


A. Dahil mahalaga ito
B. Para magandang tingnan
C. Para maging malusog at masigla
D. Upang hindi madaling mabuwal o matumba

PIVOT 4A CALABARZON

24
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lagyan ng tsek (/) ang
wastong kolum ayon sa iyong sagot sa bawat tanong.
Tanong Oo Hindi
Naisagawa mo ba ang iba’t ibang
posisyon sa pagbalanse ng katawan?

Nahirapan ka ba sa pagsasagawa ng
iba’t ibang posisyon?

May pagkakataon bang natumba o


nabuwal ka sa alin mang posisyon na
iyong ginawa?

Madali lang ba ang pagbabalanse ng


iba’t ibang bahagi ng katawan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pumili ng awiting maaring


lapatan ng mga isinagawang kilos sa gawain.
Mag-umpisa sa mabagal hanggang sa pinakamabilis na
kaya mong gawin na hindi ka matutumba o mabubuwal.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gumawa ng isang simpleng


sayaw na magpapakita ng pagbalanse ng isa hanggang
limang bahagi ng katawan.

PIVOT 4A CALABARZON

25
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Isulat sa sagutang papel
ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pahayag
at MALI naman kung hindi.

_______1. Mahalaga ang pagbabalanse ng mga bahagi


ng katawan.

_______2. Maaring matumba kaagad ang batang


marunong magbalanse ng isa hanggang limang bahagi
ng katawan.

_______3. Hindi mo maisasagawa kahit ang mga


simpleng gawain kung walang balanse ang
iyongkatawan.

_______4. Mahirap para sa isang batang tulad mo ang


gumawa ng simpleng pagbabalanse gaya ng paglakad
at pagtayo.

_______5. Bawat bahagi ng katawan ay may kanya-


kanyang kilos na kayang gawin at balansehin.

PIVOT 4A CALABARZON

26
WEEK
Paglilipat ng Bigat o Timbang ng Katawan Patungo 5-6
sa iba pang Bahagi
Aralin
I
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang
maipamalas mo ang mga sumusunod:
a. mapananatili ang kontrol ng katawan sa
panahon ng paglipat ng bigat o timbang;
b. mailipat mo nang ligtas ang bigat ng katawan
sa iba pang bahagi sa pamamagitan ng pagluhod ng
tuhod upang makuha ang timbang katawan sa
paglapag pagkatapos ng isang pagtalon; at

c. makagagawa ng mga simpleng galaw o


kasanayan sa palilipat ng bigat o timbang, at
malaman ang kahalagahan ng mga pagkilos.

D
Ang paglipat ng bigat o timbang ay
nakatutulong na makontrol ang katawan habang
naglilipat ng bigat sa iba’t iba pang bahagi, kaya
dapat ay nasa isang balanseng posisyon ka bago
magsimula.
Ang paglalakad, pagtakbo, paglukso, pag-ikot,
paglundag, pagtapak, pagbagsak, pagsalo, pa-
ghagis, pagdulas (pag-slide), pagsasayaw at pag-
sipa ay mga galaw na nagpapakita ng paglilipat ng
bigat o timbang ng iba’t ibang bahagi ng katawan
patungo sa iba pang bahagi.

PIVOT 4A CALABARZON

27
1. Pagsasayaw/Dancing
Ang isang mananayaw ay naglilipat ng bigat mula
sa paa niya patungo sa tuhod .

2. Paglukso /Jumping
Gamitin ang isang paa o dalawang paa sa
paglapag sa isang lugar. Iyuko muna ang tuhod at
bukung-bukong at iugoy ang mga braso. Pagkatapos
ay tumalon ng pasulong at lumapag sa parehong
paa.

3. Pagtakbo/Running
Mabilis na gumalaw gamit ang parehong mga
paa ng halili.

PIVOT 4A CALABARZON

28
4. Pagsalo/Catching

5. Paglalakad/Walking
Sa paglalakad, naililipat ang bigat mula sa isang
paa patungo sa isa mo pang paa.

6. Pag sipa/ Kicking

7. Paglundag/Leaping
Gumamit ng isang paa upang itulak . Ang mga
tuhod ay dapat baluktot para sa madali at ligtas na
makalapag gamit ang isa pang paa.
8. Pagdulas/Sliding

9. Paghahagis/Throwing

PIVOT 4A CALABARZON

29
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Subukan mong gayahin
ang mga sumusunod na kasanayan sa paglilipat ng
bigat o timbang ng bahagi ng katawan.

1.

2.

3.

4.

PIVOT 4A CALABARZON

30
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bilugan ang angkop
na pangalan ng bahagi ng katawan na nakalahad sa
bawat bilang.

6.
1.

7.
2.

3.
8.

4. 9.

10.
5.

PIVOT 4A CALABARZON

31
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pag ugnayin ang
bahagi ng katawan sa kilos na kayang gawin nito.
Isulat ang letra ng iyong sagot. Maaaring mag ulit ng
sagot.

a
b

d
e

PIVOT 4A CALABARZON

32
A Tayahin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat ang salitang TAMA


kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI
naman kung di wasto. Gawin ito sa kuwaderno.
________1. Ang mga kilos lokomotor ay mga halimbawa
ng paglipat ng bigat o timbang ng isang
bahagi ng katawan patungo sa iba pang
bahagi.

________2. Ang paglipat ng bigat o timbang ay


mahalaga sa pagpapanatili ng katatagan ng
katawan.

________3. Ang katawan ng tao ay walang kakayahang


maglipat ng bigat o timbang.

________4. Mahalagang ipakita sa mga mag aaral kung


paano naililipat ng ligtas ang timbang o bigat
ng katawan patungo sa iba pang bahagi.

________5. Ang karaniwang halimbawa ng paglilipat ng


bigat o timbang ay paa sa paa.

PIVOT 4A CALABARZON

33
________6. Kailangang nasa balanseng posisyon, bago
magsimula ng paglukso o paglundag.

________7. Ang paglipat ng timbang o bigat ay


maaaring mangyari sa simpleng pagkilos ng
paulit ulit gaya ng pagtakbo.

________8. Ang paglipat ng bigat o timbang ay isang


mahalagang kasanayan para sa lahat ng mga
atleta o manlalaro.

________9. Ang mga galaw o kilos ay nagpapalakas ng


ating kalamnan at mga buto.

________10. Ang paglilipat ng timbang ay magandang


kasanayan at ehersisyo para maging malusog
at malakas ang ating katawan.

PIVOT 4A CALABARZON

34
WEEK
Kahalagahan ng Pakikilahok sa Masaya at 7-8
Kasiya-siyang Pisikal na Aktibidad
Aralin

I
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makilala
mo ang kahalagahan ng pakikilahok sa masaya at
kasiya-siyang pisikal na aktibidad at maipamamalas ang
kasiyahan sa pagsasagawa ng mga gawain.

D
Lhovie, alam mo ba na Oo naman May, sa
ang pakikilahok sa mga paglalaro, nagkakaroon
gawaing pisikal ay tayo ng maraming
mabuti sa kalusugan. kaibigan.
Lagi mo din tandaan Masayang maglaro
na maging isport sa kung kasama mo ang
pakikipaglaro. iyong mga kaibigan.

PIVOT 4A CALABARZON

35
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang
mga sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
kuwaderno.
1. Naglalaro ng jumping rope ang magkakaibigang
Desiree, Dina at Donna araw-araw sa kanilang bakuran.
Bakit kaya laging naglalaro ng jumping rope ang magk
kaibigan?
A. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagpakita ng kanilang galing.
B. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagparumi sa kanilang katawan.
C. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagpapawis sa kanilang katawan.
D. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagpalakas ng kanilang resistensya.

2. Sumali sa paglalaro ng badminton si Cora sa kanilang


paaralan. Bakit kaya siya sumali sa larong ito?
A. Dahil ang paglalaro ng badminton ay nakalilibang
B. Dahil ang paglalaro ng badminton ay
nakakapagod na laro.
C. Dahil ang paglalaro ng badminton ay na
kakabawas ng timbang.
D. Dahil ang paglalaro ng badminton ay na
kakapagpalakas ng iyong mga braso sa paggamit
ng raketa.

3. Tuwing umaga ay sumasayaw ng Zumba ang klase


nina Gng. Magpantay. Bakit kaya nila ito ginagawa
araw-araw?
A. Dahil wala na silang magawa.
B. Dahil kailangan ito sa paaralan.
C. Dahil ito ay dapat nilang ginagawa sa umaga.
D. Dahil ito ay nagsisilbi nilang ehersisyo araw-araw.

PIVOT 4A CALABARZON

36
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Kopyahin ang kahon sa
kuwaderno. Iguhit sa loob ng kahon ang iyong
nadarama kapag iaw ay nakikipaglaro sa iyong mga
kaibigan.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin ang letra ng tamang
sagot. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Si Ben at ang kaniyang mga kaibigan ay naglalaro ng


patintero. Nakita niyang pinanonood sila ng kaniyang
kaklase na si Roman. Ano ang kaniyang gagawin?
A. Tatawanan niya ito.
B. Hindi niya ito papansinin.
C. Tatawagin si Roman upang isali sa laro nilang
magkakaibigan.

PIVOT 4A CALABARZON

37
2. Nadapa ang kaibigan mo habang kayo ay naglalaro
ng habulan. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawanan mo siya.
B. Tutulungan mo siyang tumayo.
C. Ipagpapatuloy pa rin ang paglalaro.

3. Natalo kayo sa larong basketbol. Ano ang iyong


mararamdaman?
A. Malulungkot.
B. Magagalit ako.
C. Magiging masaya pa rin kahit natalo kami.

4. May gaganaping paligsahan sa pagsayaw sa inyong


paaralan. Marunong kang sumayaw ngunit hindi ito
alam ng iyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako sasali.
B. Hindi ko papansinin ang paligsahan.
C. Sasali ako sa paligsahan sa pagsayaw.

5. Nakita mong umiiyak ang iyong kaklase dahil hindi


siya pasasalihin sa laro. Ano ang iyong gagawin?
A. Tutuksuhin mo siya.
B. Isasali mo siya sa inyong laro.
C. Magkukunwaring di mo nakita.

PIVOT 4A CALABARZON

38
Sanggunian

Physical Education: Unang Baitang Kagamitan ng


Mag-aaral.

K to 12 Curriculum Guide.

PIVOT 4A CALABARZON

39
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

40

You might also like