You are on page 1of 1

Maraming naidudulot na kabutihan ang pagsali sa mga gawaing pansibiko. Narito ang ilang epekto.

1. Nakikintal sa isip, puso, at katawan ng mga mamamayan ang pagmamalasakit sa pamayanan

Halimbawa, ang pagsali sa mga boluntaryong aktibidades katulad ng pagtuturo sa kabataan ng tamang
ehersisyo, ay maaring magmulat sa mga boluntaryo pati na rin sa mga nakikilahok na alagaan ang sarili.
Kapag may nakilala silang ibang kabataan, maari nilang bigyang payo na huwag magbisyo, bagkus
makilahok sa ehersisyo at iba pang programa.

2. Naitataguyod ang mga positibong interes ng mga mamamayan

Halimbawa, may ilang grupo sa lipunan ang hindi nabibigyang -pansin, maaring maging daan ang
pansibikong gawain para maipahatid ang kanilang hinaing. Maaring may kinalaman sa pangangailangan
ng mga retiradong mamamayan hinggil sa libreng kunsulta ng mata o libreng gamot.

3. Nabubuo ang mga abilidad ng mga nakikilahok

Sa mga nangangasiwa ng mga gawaing pansibiko, nagsisilbi itong paraan para gumaling ang mga
nakikilahok sa iba't ibang kasanayan gaya ng sa pamumuno, pagsasalita, pakikibagay at pakikipagkapwa-
tao.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1333191#readmore

You might also like