You are on page 1of 28

5

Unang Markahan – Modyul 3


Aralin 9 - 12
Filipino - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 1-10
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module
Author/s: Lilian K. Dolloso
Marestelle M. Olandre
Nilda A. Aclao
Jessie P. Gravino
Mary Jess A. Gorre
Richel B. Loking

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino


Elsa B. Buenavidez, PSDS
Ramil C. Cabural, Principal
Marjorie A. Sagario, Principal
Ludivico Barrientos, Principal
Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia, Teacher
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Filipino
Unang Markahan-Modyul 1-10

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- iii
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- iii
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- iv
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- v
Modyul 3
Aralin 9:
Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggan/ Nabasang Kuwento/Usapan
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 2-3
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 3-4
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 4-5
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 4-5

Aralin 10:
Pagbibigay Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di- pamilyar sa Pamamagitan ng Tono o
Damdamin
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 6
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 6
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 6-7
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 7-8
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 8
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 8
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 9

Aralin 11:
Pagsagot ng mga Tanong sa Binasang Tekstong Pang-impormasyon
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 10
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 10
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 10
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 11
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 12
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 12
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 12-13

Aralin 12:
Pagbabaybay nang Wasto sa Salitang Natutuhan sa Aralin/ Hiram
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 14
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 14-15
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 15
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 15
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 16
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 16
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 17
Susi sa Pagwawasto --------------------------------------------------------------- 18-19
Sanggunian ------------------------------------------------------------------------- 20
ii
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at panonood. Matutuhan din nga mga
mag-aaral na gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang
Wikang Filipino sa pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

iii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter jung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwadreno sa
Filipino.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

iv
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan


at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

v
Aralin Pagbibigay ng Paksa sa
Napakinggan/ Nabasang
9 Kuwento/Usapan

Alamin

Tungkol saan ang modyul na ito?


Sa modyul na ito ay matutuhan mong magbigay ng paksa o diwa sa
napakinggan/ nabasang kuwento o usapan, magbigay kahulugan ng salitang pamilyar
at di-pamilyar sa pamamagitan ng tono o damdamin, magsagot sa mga tanong sa
binasang tekstong pang-impormasyon at maibaybay nang wasto ang salitang
natutuhan/ hiram.
Sa unang aralin sa modyul na ito, dapat alamin na ang paksa o diwa ay ang
pangunahing tema ng isang kwento o talata o kung anu mang panitikan ito. Ito ay
madalas na tinatalakay o inilalarawan sa isang kasulatan. Tinatawag itong
pinakakaluluwa ng maikling kwento sapagkat dito nakapaloob ang kabuuang tema at
kahulugan ng isang kwento.
Magagabayan ka sa pagbibigay ng paksa sa pamamagitan nang pagbasa at
pag-unawang mabuti sa mga kuwento o talata.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata at tuklasin ang paksa nito.
Salungguhitan ito.
1. Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Pedro. Ang bawat isa
ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng
magandang putting damit si Elena. Ito ang araw ng kanyang kasal.
2. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa
atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay
nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matututunan natin sa aklat. Ito ang mga
kahalagahan ng aklat.
3. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula
ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang
dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay
ang may kahulugan.

1
Suriin

Panuto: Suriin ang salitang tinutukoy ng mga katuturan sa loob ng banner. Isulat ang titik
sa loob ng bituin.

a. umayon d.isang kutsa g. sangkap


b. katakam-takam e.labog
c. nalanghap f.malabnaw

1. 2.

payag Paggisang
Mabuti sa
ulam

3. 4.

Hindi Halos
malapot durog sa
sobrang
lambot

5. 6.

Pag-amoy
Sahog, nang hindi
rekado inilalapit sa
ilong

2
A. Panuto :Basahing mabuti ang maikling kuwento. Unawain ito upang masagot ang
mga tanong sa bawat talata at maibigay ang paksang diwa.
Si Annie, Ang Kusinera
Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng Dansalan dahil
napakasarap niyang magluto. Bihira ang handaan lalo na kung pista na ay hindi siya
nagluluto. Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga pagkaing Pilipino, Intsek, Espanyol at
Italyanao.

1. Sino ang kusinera? ___________________________


2. Saang bayan siya kilalang-kilala? __________
Bakit? _______________________
3. Ano ang mga alam niyang lutuin? ____________________________
4. Ano kaya ang diwa ng talatang ito?___________________________
(Ipagpapatuloy ang pagbabasa)

Bukod sa mahusay mangusina si Annie, napakamalikhain pa niya sa mga inihahandang


pagkain. Masarap at kasiya-siya ang mga pagkaing inihahanda niya. Napananatili niya ang
likas na kulay at lutong ng gulay. Iba-ibang hugis ang ginagawa niya sa mga sangkap na sili,l
uya at sibuyas. Napabubuka niya ang repolyo na akala mo ay isang malaking rosas.

5. Ano pa ang mga kayang gawin ni Annie? ____________________________


6. Ano kaya ang diwa ng talatang ito? _____________________________

Katakam-takam! Masarap at maganda na ang mga ulam na luto ni Annie, mabango pa


ito. Nakalilikha siya ng amoy ng ulam na kapag nalanghap mo ay gugutumin ka. Marami ang
nagtatanong kung ano ang kanyang sikreto kung bakit kahit kaunti ang sahog ay nakatatakam
ang luto niya.

7. Paano inilalarawan ang ulam na luto ni Annie? ________________________


8. Ano kaya ang diwa ng talatang ito? _________________________________

Iisa lang ang sagot niya sa mga nagtatanong. Ang kanyang mga iniluluto ay pawang
sariwa, masustansiya at mura. Ang lasa at sarap ng pagkain ay umaayon sa tamang sangkap
na ginagamit niya sa pagluluto. Maayos niyang iniluluto ang mga sangkap. Pinalalambot
muna ang karne bago isama ang gulay. Dapat hindi hilaw o hindi labog ang pagkakaluto.
Tama ang lapot o labnaw ng sabaw. Katakam-takam ang anyo at kulay. Tama ang lasa at
pagkakatimpla,yun ang sikreto niya.

9. Ano-ano ang mga sikreto sa pagluluto ni Annie? _______________________


10. Ano kaya ang diwa ng talatang ito? _________________________________

Pagyamanin

Panuto:Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na katanungan


Paboritong luto ng Lola ang pinakbet. Ito ang karaniwan niyang niluluto tuwing
dadalaw kami sa kanila. Pumipitas siya ng mga sariwang talong, sitaw, kamatis at kalabasa sa
kanilang likod-bahay. Iginigisa niya ito sa hipon at baboy. Lalong sumasarap ang pinakbet
kapag hinahaluan ng kaunting bagoong. Palaging nagluluto nito si Lola sapagkat alam niyang
gustong-gusto namin ang ulam na ito.
3
Sagutin:
1. Ano ang paksa sa talata?__________________________________________
Bakit? _________________________________________________________
2. Paano mo natutukoy ang paksa sa binasa? ____________________________

Isaisip

Ano ang natutuhan mo? Ano ang ibig sabihin ng paksa o diwa? Paano mo ito
matutukoy?
Sa araling ito, natutuhan mong magbigay ng paksa o diwa sa talata o kuwento. Ang
paksa o diwa ay tumutukoy sa _______________________________________________. Ito
ay matutukoy mo sa pagbasa nang maigi at pag-unawang mabuti sa kuwento o talata.

Panuto: Basahin ang talata at ibigay ang paksa o diwa.


May mga taong nagpupuyat lagi at kulang sa pagtulog. Mayroon din mga
taong kung ano ang ipinagbabawal na pagkain ay siya pa ring gustong kainin. May iba pang
nagugumon sa pag-inom ng alak at mapanganib na gamot. Tunay na marami ang di
pinangangalagaan ang kanilang kalusugan. Hindi nila nadarama ang kahalagahan ng
kalusugan hangga’t di ito nawawala sa kanilang buhay.

Paksa_________________________________________
Pagpapahalagang Pangkatauhan

Mahalaga ba ng pagkakaroon ng mabuting kalusugan?


_____________________________________________________

Paano ninyo mapapangalagaan ang inyong kalusugan?


______________________________________________________

Isagawa

Panuto: Ibigay ang paksa mula sa nabasang kwento at isulat ito sa patlang.

Ang mga Tsonggo


1. Nakakita na ako ng mga tsonggong nagduruyan sa kanilang buntot. Nakita ko na rin
silang patalun-talon sa mga punongkahoy. Tumatawa at animo nagbibiruan sila.
Nagagawa nilang magmukhang katawa-tawa ang kanilang sarili. Para sa akin, ang
tsonggo ay nakatatawa sa lahat ng hayop.
Paksa:______________________________________

2. Kinakain ng tsonggo ang lahat ng uri ng pagkain. Karamihan sa kanila ay maibigin sa


prutas, mani, pili at buto ng kasoy. Ang ilan ay mahilig sa karne at manok. Kumakain din
sila ng mga kulisap. May mga tsonggong nabubuhay sa damo at dahon.
Paksa:_______________________________________

4
3. Ang mga tsonggo ay ngumingiti kung sila ay naliligayahan at umiiyak kung nalulungkot.
Namumukol sila ng bato o patpat kung sila ay nagagalit. Paminsan-minsan,sila ay
naglalaro. Nakakagalit din sila sa ilang pagkakataon. Tunay na ang tsonggo ay may iba’t
ibang damdamin na tulad ng tao.

Paksa:_______________________________________________

5
Aralin Pagbibigay Kahulugan ng Salitang

10 Pamilyar at Di- pamilyar sa Pamamagitan


ng Tono o Damdamin

Alamin

Sa aralin na ito ay matututuhan mong magbigay kahulugan sa mga salitang


pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng tono o damdamin.

Ano ang tono at damdamin ng teksto? Sa simpleng pananalita, ang tono ay ang
atityud ng manunulat sa paksa. Ang damdamin naman ay emosyon o pakiramdam ng isang
tao. Iba- iba ang emosyon o damdamin na mararamdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot,
pagsisisi, pag-galit at iba pa.

Balikan

Panuto:Basahin ang talata at isulat ang paksa nito.


Anong kulay ang madaling makita? Maraming tao ang nag-aakalang pula.
Ngunit dilaw ang kulay na pinakamadaling makita maging sa malayo. Madaling
kayong makikita ng sinuman kapag kayo ay nakadilaw. Magsuot ng dilaw kapag
naglalakbay. Isuot ang kulay na ito bilang pag-iingat.
Paksa: ___________________________________

Tuklasin
Panuto: Basahin ang kuwentong pinamagatang ―Ang Kuwento ni Felipe‖. Habang
nagbabasa, pansinin ang mga salitang pamilyar at di- pamilyar.

Ang Kuwento ni Felipe


Ito ang kuwento ng buhay ng isang batang nagngangalang Felipe. Bata pa lamang si
Felipe nang naulila sa magulang. Panganay siya sa tatlong magkakapatid at sa pagkamatay ng
magulang sa kanya napataw ang responsibilidad ng pagtataguyod sa kanilang pamilya.
Labindalawang taon pa lamang siya,tatlong trabaho na ang kaniyang ginagampanan
upang makaraos sa buhay. Sa umaga ay naglalako siya ng pandesal sa kanilang lugar. Sa
tanghali naman ay naglilinis siya ng kotse sa parke sa may likod ng simbahan,at sa gabi ay
nagtitinda siya ng balot at tsitsaron.
Mahirap ang kaniyang trabaho dahil madaling araw pa lamang ay kailangan na niyang
gumising upang magtinda ng tinapay. Sa pagtitinda naman ng balot at tsitsaron ay ginagabi
na siyang umuwi ng bahay. Ang lahat na ito ay nakakaya niya dahil sa pagmamahal sa
kapatid.

6
Suki niyang nagpapalinis ng kotse ang pari sa parokya nila. Madalas sila nag-uusap
ng pari lalo na kapag nililinis ni Felipe ang kotse.
Sa pag-uusap nila ay napag-alaman ng pari na siya lamang ang bumubuhay sa pamilya at
ulila na silang magkakapatid. Naawa ang mabait na pari at inalok niya si Felipe na papag-
aralin niya ng libre. Hindi naman nagdalawang isip si Felipe,pumayag ito at nagpasalamat sa
pari.
Nag-aral nga si Felipe habang nagtatrabaho na lamang ng umaga at gabi.Mas lalo
siyang maagang gumising at mas malayo ang nilalakad upang makapagtinda ng mas
maraming pandesal.Ganito rin ang ginagawa niya sa gabi. Pinag-igihan din niya ang pag-
aaral. Hindi rin niya pinabayaan ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid.
Ilang buwan pa ay nakahanap na siya ng mas magandang trabaho na hindi kakain ng
mahabang oras. Napag-aral niya sa elementarya ang dalawang kapatid habang nag-aaral siya.
Lumipas ang taon ay nakapagtapos ng pag-aaral si Felipe. Nakahanap siya ng
permanenteng trabaho at nakapagtabi ng naipong pera upang makapagtayo ng maliit na
negosyo. Napagtapos niya ang dalawang kapatid. Bilang ganti sa kabaitan ng paring unang
nagtiwala at nagbigay ng oportunidad sa kanya, siya rin ay kumuha ng mga papag-araling
bata.Tumulong din siya sa simbahan at sa mga kapuspalad.
Lumago ang maliit na negosyo,nakapagpatayo siya ng magarang bahay at ng iba pang
kagamitan.Nagtagumpay si Felipe sa kanyang mga mithiin sa buhay,at napagtagumpayan
niya ito dahil siya ay masipag,masikap,mapagmahal at mabuting tao

Suriin

A. Panuto: Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang tumulong kay Felipe? _______________________________
2. Ano ang trabaho niya sa umaga,tanghali at gabi?
______________________________________________________
3. Ilang taon siya unang naghanapbuhay? _________________________
4. Ano ang ginawa niya upang maibahagi ang kayamanan sa iba?
______________________________________________________
5.Ano ang naging inspirasyon ni Felipe upang magsikap sa buhay?
____________________________________________________________
6. Paano nagtagumpay si Felipe?
_______________________________________________________
7. Kung ikaw si Felipe kakayanin mo ba ang mga sakripisyong ginawa niya para sa
pamilya? Sa anong paraan?
_____________________________________________________________

B. Panuto: Magbigay ng limang pamilyar na salita mula sa kuwentong binasa. Suriin ang
bawat salita at ibigay ang kahulugan sa pamamagitan ng pagtukoy ng tono at damdamin.
Salita - Tono/ Damdamin Kahulugan
1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________

7
C. Panuto: Magbigay ng limang di-pamilyar na salita at suriin ang kahulugan, tono at
damdamin nito ayon sa nabasang kuwento.
Salita Tono/ Damdamin Kahulugan
1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________

Pagyamanin

Panuto: Basahin nang may wastong tono at damdamin ang mga pamilyar at di-pamilyar na
salita mula sa kuwento upang mabigyan ng kahulugan.

Salita Tono Damdamin Kahulugan


1. nagtitinda - nagsisikap - pag-asa - nagbebenta
2. naglilinis
3. nagtagumpay
4. masipag
5. mapagmahal
6. pinag-igihan
7. naglalako
8. nagpataw
9. makaraos
10.kapuspalad

Isaisip

Ano ang natutuhan mo? Ilagay ang mga sagot sa patlang upang mabuo ang konsepto ng
bawat pangungusap.
1. Ano ang ibig sabihin ng tono?
Ang tono ay _______________________________.
2. Ano naman ang damdamin?
Ang damdamin ay __________________________.
3. Paano nakatutulong ang mga ito sa mga salita?
Nakakatulong ang mga ito sa pamamagitan ng ________________________.

8
Isagawa

Panuto: Ibigay ang tono at damdamin ng mga sumusunod na di-pamilyar na salita


Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/349858#readmore

1.Ang salitang alibugha ay nangangahulugang iresponsable at waldas. Sa Bibliya, ito ay ginamit


bilang bahagi ng isang parabula na nagnanais na magturo ng pagmamahal sa magulang at pagiging
isang mabuting anak sa magulang.

Ang asawa ni Mang Tino ay alibugha sapagkat agad itong nag – asawa nang siya ay
namayapa at iniwan ang kanilang mga supling sa pangangalaga ng kanilang lola Bening.
Tono:_______________________
Damdamin:_____________________

2.Ang katagang alimpuyok ay tumutukoy sa amoy ng sinaing na nasusunog.


Kung hindi pa naamoy ni Aling Marta ang alimpuyok ng niluluto ay hindi nito malalaman na
sunog na ang kanyang isinalang.
Tono:_______________________
Damdamin:_____________________

3. Ang salitang badhi ay tumutukoy sa mga guhit ng palad ng isang tao.


Binasa ng Impong Selo ang aking badhî at sinabing magiging maganda ang aking
kinabukasan.
Tono:_______________________
Damdamin:_____________________

4.Ang salitang katoto ay tumutukoy sa matalik na kaibigan o kumpadre.


Handa kong samahan ang aking mga katoto sa anumang mga suliranin na kanilang
kinakaharap sapagkat kami ay tila magkakapatid na kung magturingan.
Tono:_______________________
Damdamin:_____________________

5.Ang salitang piging ay tumutukoy sa isang espesyal at magarang handaan.


Si Kapitan Tiyago ay nagpahanda ng isang piging para sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra at
pasasalamat sa birheng Maria.
Tono:_______________________
Damdamin:____________________

9
Aralin Pagsagot ng mga Tanong sa

11 Binasang Tekstong
Pang-impormasyon

Alamin

Sa aralin na ito ay matutuhan mong sumagot sa mga tanong sa binasang tekstong


pang-impormasyon. Upang madaling maunawan ang mga tekstong binabasa, kailangan mong
kilalanin ang mga nakasulat o nakaimprentang simbolo para magkaroon ang isip mo ng
imahe o persepsyon. Kung may nabuo ka ng persepsyon sa iyong isipan, madali mong
maproseso ang pagkuha at pag-intindi sa ipinakakahulugan ng mga nakalimbag na simbolo.

Balikan

Panuto:Magsulat ng tig-dadalawang pamilyar at di-pamilyar na mga salita. Ibigay


ang tono, damdamin at kahulugan nito.
Mga Salita Tono/ Damdamin Kahulugan
1.
2.
3.
4.

Tuklasin

Panuto: Hanapin sa grid ang tumutukoy sa mga larawan.

P A G G O I L O A
A M I L I O G A S
G P L A G O S O K
H A G U Y A I G L
U S A T U R P I G
H A R S I P I L U
U Y O I H U L I Y
G U L A Y D Y L A
A U A T S A O A L
S S L S A T R P R

10
Suriin

Panuto: Basahing maigi ang balita at sagutin ang mga tanong.

National Dengue Alert Idineklara ng DOH


Nagdeklara ngayong Lunes ang Department of Health (DOH) ng national dengue
alert dahil sa umano ay mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nasabing sakit sa bansa.
Ayon sa DOH, nakapagtala sila ng 106,630 kaso ng dengue sa buong bansa mula
Enero 1 hanggang Hunyo 29. Mas mataas daw ito ng 85 porsiyento kumpara sa dami ng
kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa Western Visayas naitala ang pinakamaraming kaso sa 13,164. Sinundan ito ng
(11,474), Central Visayas (9,199), Soccsksargen (9,107), at Northern Mindanao (8,739).
Kabilang sa mga rehiyon na lumampas sa "epidemic threshold" ang Mimaropa,
Western Visayas, Central Visayas, at Northern Mindanao.
Ang mga sumusunod na rehiyon naman ang binabantayan ng DOH matapos lumagpas
sa "alert threshold": Ilocos region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol region, Eastern
Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim
Mindanao, at Cordillera Administrative Region.
Kasama sa mga sintomas ng dengue ang matinding pananakit ng ulo, pananakit ng
mga kalamnan at kasukasuan, pagkahilo, pagsusuka, at pamamantal, ayon sa DOH.
Itinigil ng gobyerno noong 2017 ang pamamahagi ng bakuna kontra dengue na
Dengvaxia matapos ibunyag ng manufacturer nitong Sanofi Pasteur na maaaring magdulot ng
malubhang sintomas ang bakuna kapag naibigay sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.
(May ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Posted at Jul 15 2019 03:38 PM | Updated as of Jul 15 2019 09:54 PM)

Sagutin ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang balita?
______________________________________________________________
2. Ilan ang naitalang kaso ng dengue sa buong Pilipinas mula Enero1 hanggang Hunyo
29,2019?______________________
3. Anong lugar ng Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng dengue ang naitala?
_____________________________________
4. Ayon sa DOH,anu-ano ang mga sintomas ng may sakit na dengue?
______________________________________________________
5..Bakit itinigil ng pamahalaan ang pamamahagi ng bakuna kontra dengue na dengvaxia?
_______________________________________________________
6.Ano ang kabuuang impormasyon na inyong nakukuha mula sa balita?
________________________________________________________

11
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang balitang pangkalusugan sa ibaba at sagutin ang mga tanong.
COVID-19 recoveries 1,618 na habang kaso ng virus 10,343 na sa Pilipinas

Kulayan ng pula ang puso kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at itim kung hindi.
1. Ang 11 taong gulang ay maaaring pumasok sa mall at mamili ng gamit kahit may
community quarantine.
2.Ang wastong nutrisyon ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang
makakuha ng sustansya ang ating katawan mula sa mga ito.
3, Ang palaging paghuhugas ng kamay ay isang paraan upang hindi mahawaan ng
virus.
4.Ang paggamit ng face mask ay nakatutulong din para hindi mahawaan ng Covid 19.
5. Gumaling ang mga positibo ng corona dahil sa pag-inom ng alak.

Isaisip

Ano ang natutuhan mo?

Anu-ano ang mga dapat mong maunawaan sa tekstong nababasa?


______________________________________________________

Bakit kailangan mong pahalagahan ang iyong kalusugan?


______________________________________________________

Dapat bang paniwalaan ang lahat ng mga bagay na ating nababasa? Bakit?
____________________________________________________

Isagawa

Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga tanong.


Pagsisimula ng klase itinakda ng DepEd sa Agosto 24
Inanunsiyo ngayong Martes ng Department of Education (DepEd) na inurong nila ang
pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto bunsod ng patuloy na krisis sa
coronavirus disease (COVID-19).
Nakatakdang magsimula ang school year sa Agosto 24 at matatapos sa Abril 30,
2021, sabi ni Education Secretary Leonor Briones.
Ipinaalam na umano ng kagawaran sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious
Disease ang bagong petsa ng pagbubukas ng klase, na napagkasunduang iurong mula Hunyo
base na rin sa mga malawakang konsultasyon ng DepEd.
Ayon kay Briones, alinsunod din ang bagong petsa sa Republic Act No. 7977 na
nagsasabing ang pagbubukas ng klase ay maaaring itakda mula unang Lunes ng Hunyo
hanggang sa huling araw ng Agosto.

12
Nilinaw rin ni Briones na hindi lahat ng guro at estudyante ay pupunta sa mga
paaralan, lalo at naka-lockdown pa ang ilang lugar sa bansa.
Gagamitin ng DepEd ang iba't ibang paraan para maihatid sa mga estudyante ang
kanilang mga lesson. Kasama umano rito ang paggamit ng computer, cellphone, telebisyon,
at radyo.
"Puwedeng virtual [learning], puwede ring physical sa mga lugar na ina-allow ang
physical na pagbukas ng eskuwelahan," ani Briones.
Ang field unit’s ng DepEd ang magpapasya kung aling paraan ng paghahatid ng lesson ang
angkop sa estudyante o sa mga paaralan, ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno
Malaluan.
Magkakaroon ng survey sa enrollment kung saan tatanungin ang mga estudyante kung
aling paraan ng pagkatuto ang nais nilang kuhanin, ani Malaluan.
Simula naman Hunyo ay magsisimula na ang paghahanda ng mga guro para sa darating na
school year, ayon kay Briones.
MGA DINADAGSANG EVENT KANSELADO MUNA
Ayon pa kay Briones, sinuspinde ng DepEd ang mga event nitong dinadaluhan ng
maraming tao, na maaaring maging mitsa ng pagkalat ng COVID-19.
"'Yong ating usual activities na napaka-exciting, nakakatuwa, na lahat, buong bansa
nakikisali talaga, national events ay pansamantalang kina-cancel natin," sabi niya.
Kabilang umano rito ang Palarong Pambansa, talent contests, science and job fairs, at
campus journalism events.
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang balita? ___________________________________________
2. Ayon sa DepEd,kailan magbubukas ang klase sa taong panuruan 2020-2021 at kailan
matatapos? _______________________________________________
3. Sino ang kalihim ng Kagawarang Pang-edukasyon? ______________________
4. Anong Republic Act ang pinagbabatayan sa pagbubukas ng klase? ___________
5. Kailangan bang pumasok lahat ang mga guro at mga mag-aaral sa darating na Agosto 24?
Bakit? ____________________________________________________
6. Sa virtual learning,anu-anong mga teknolohiya ang maaaring gamitin upang maihatid sa
mga mag-aaral ang kanilang mga lesson? _______________________
___________________________________________________________________
7. Anu-anong mga gawaing pangnasyonal ang kina-cancel ng DepEd?
__________________________________________________________________
8. Bakit kailangang kanselahin ang mga pangnasyonal na gawain ng mga mag-aaral?
______________________________________________________________
9. Anong buwan magsimulang pumasok ang mga guro sa school year na ito?
____________________________________________________
10. Totoo ba ang balitang ito? _________________
Patunayan ang sagot. ______________________________________________

13
Aralin Pagbabaybay nang Wasto sa
Salitang Natutuhan sa Aralin/
12 Hiram

Alamin
Sa aralin na ito ay matututuhan mong magbaybay nang wasto sa salitang
mababasa o hiram at magagamit sa pangungusap.

Balikan

Panuto: Basahin ang impormasyon sa ibaba at sagutin ang mga tanong.


Pinas proyoridad ng China sa bakuna

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Ro-


drigo Duterte na magiging prayoridad ng China ang Pilipinas sa sandaling magkaroon ng
bakuna kontra COVID-19.
Nagkausap sa telepono sina Pangulong Duterte at Pres. Xi noong Huwebes (June 11) na
tumagal ng 38 minuto.
Sa pahayag ng Palasyo, nangako ang dalawang lider na magtutulungan upang mas
palakasin ang bilateral, regional at global efforts para matalo ang COVID-19.
Ipinunto ni Duterte kay Xi ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagsasagawa ng
research trials para sa pagtuklas ng COVID-19 vaccine.
Binanggit din ni Duterte na mahalaga na maging ―accessible‖ at abot-kaya para sa lahat ng
bansa ang bakuna kabilang ang Pilipinas.
Muling binanggit naman ni Xi ang pangako ng China sa international community na
hindi ipagdadamot ang madidiskubreng vaccine at bilang ―friendly neighbor‖ magiging
prayoridad ang Pilipinas.
Napag-usapan din ang mga kasalukuyang nangyayari sa dalawang bansa kaugnay sa
paglaban sa COVID-19 at kung ano ang mga mahahalagang istratehiya na dapat gawin para
mapaandar ang ekonomiya sa ―new normal.‖
Tiniyak ni Xi kay Duterte na hindi mapuputol ang pagpapadala ng mga kinakaila-
ngang medical supplies at kagamitan sa paglaban sa virus.
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon ) - June 13, 2020 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/06/13/2020515/pinas-prayoridad-
ng-china-sa-bakuna
Sagutin:
Sino-sino ang dalawang lider na nabanggit sa impormasyon?
__________________________________________
Ano ang pangako ng dalawang lider para matalo ang COVID- 19?
__________________________________________
Ano- ano pa ang nagpag-usapan ng dalawang lider?
___________________________________________

14
Paano nakatutulong sa ating bansa ang pag-uusap ng dalawang lider?
______________________________________________________
Bakit kaya mahalaga ang pag-uusap ng dalawang lider?
______________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga salitang hiram na may katumbas sa Ingles:

1. Haynayan – biology
2. Binuran – arithmetic
3. Miktinig – microphone
4. pang-ulong-hatinig – headset
5. sulatroniko – e-mail
6. pook-sapot – website
7. pantablay – charger

Suriin

Panuto: Suriin at bilugan ang mga salitang hiram at mga mahahalagang salita na inyong
makikita mula sa isang sanaysay na inyong babasahin. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan. Sa ibaba.

Pagbabago
Matagal nang minimithi ng bawat Pilipino ang makitang maunlad at maayos angating
bansang Pilipinas. Kung kaya’t pinag-iibayo ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng iba’t-ibang
aspekto ng pamumuhay.
Matatagpuan na sa Pilipinas ang mga teatro, museo paaralang pangmusika at
pansining,aklatan, at mga tindahang namamahagi ng mga likhang-sining ng mga Pilipino.
Makikita na rin sa ating bansa ang maunlad na sistema ng transportasyon at komunikasyon.
Matatagpuan dito ang mga makabagong sasakyan tulad ng LRT at mga kalsadang
nauugnay sa mga pamayanan tulad ng mga flyover,underpass na dinaraanan ng mga
sasakyan at overpass naman para sa mga tao. Ang layunin nito ay upang mabigyan ng
solusyon ang malubhang suliranin ng trapiko. Halos lahat na tahanan ay may serbisyo ng
kuryente at tubig.
Ang mga kasangkapang kailangan sa araw-araw ay mga makabago na rin tulad ng
computer, floor polisher, betamax o VHS,washing machine at ang teleponong ginagamit ay
mayroon ng caller ID. Dito malalaman ang numero ng tumatawag sa iyo. Kung ikaw ay nasa
labas naman ng bahay o kaya’y nasa loob ng sasakyan,maaari kang gumamit ng telepono sa
pamamagitan ng cellphone. Maaari ka ring gumamit ng telepono sa pamamagitan ng Fonkard
Plus. Tunay na malaganap na ang paggamit ng telepono sa bansa.
Sa paaralan ay marami na ring makikitang pagbabago na lalong makatutulong sa mga
mag-aaral tulad ng calculator na nagagamit sa matematika,pag-aaral sa computer na
nagagamit sa paggawa ng mga proyekto at term paper,Xerox machine na nagagamit sa
pagkopya ng mga nasaliksik na aralin.
Ganyan kabilis ang mga pagbabagong nagaganap sa bansang Pilipinas.

15
Mga tanong:
1. Paano inilarawan ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa bansang Pilipinas?
___________________________________________________________
2. Isa-isahin ang ang mga pagbabagong nagaganap sa paaralan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3.Ang pagkakaroon ba ng makabagong kagamitan ay nagpapakita ng maunlad na bayan?
___________________________________________________________
4.Ano ang makabagong kagamitan ang gusto mo na maaaring makatulong sa kaunlaran
ng bansa?
____________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Gamitin sa mga pangungusap ang salitang hiram sa loob ng mga kahon na
baybay na sa Filipino.
Salitang Hiram Baybay-Filipino
1. computer kompyuter
2.theater teatro
3. Xerox machine makinang panseroks
4. cellphone selpon
5. Fonkard Plus Ponkard plas
1._________________________________________________
2._________________________________________________
3._________________________________________________
4._________________________________________________
5. ________________________________________________

Isaisip

Ano ang natutuhan mo?


Sa tekstong binasa ay may mga salitang dati’y hiram ngunit ngayo’y Filipino na.
Ang iba’y hiram na binaybay sa ating alpabeto at ang iba nama’y hindi binago ang baybay.

Iba pang halimbawa:

Hiniram na Buo / Hiniram na Binago ang Baybay


Betamax o VHS ispeling
Floor polisher mikropono
Washing machine emosyonal
Underpass losyon
Caller ID telebisyon

16
Batay sa binasa ninyong balita, nakakatulong ba sa bansa ang pagbabago naganap?
Sa anong paraan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Bakit kailangang baybayin ang mga salita nang wasto?


_______________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Isulat ang wastong baybay ng mga tinutukoy na salita sa pamamagitan ng


pagkompleto sa maliliit na mga kahon (context clues).
1. k - ikaapat na araw sa isang Linggo
i s

2. s p e – instrumentong tumutunog sa paraang gaya


ng klarinete

3. o g y - masusi at maingat na pag-aaral


patungkol sa pagbabaybay ng mga salita

4. s s w - isang anyo ng pagtatanghal na may


pag-awit at pagsayaw

5. m p o - kasangkapang elektroniko na may


kakayahang magpalakas ng tunog

6. m u r - isang elektronikang gamit na nilagyan ng


silidan ng kaisipan na maihahalintulad sa bahagi ng
kaisipan ng tao
7. - isang sistemang telekomunikasyon para sa
e e n
pagpapahayag at pagtanggap ng mga

gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan

8. e m n - pakiramdam ng tao na hindi nagagawa


ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain
na makikita sa kilos

17
18
Aralin 9
Tuklasin
1. Ito ang araw ng kanyang kasal.
2. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon.
3. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay.
Suriin
A.
1. a 3. f 5. g
2. b 4. e 6. c
B.
1. Annie
2. Dansalan… Napakasarap niyang magluto
3. Alam niyang lutuin ang mga pagkaing Pilipino, Intsek, Espanyol at Italyano.
4. Si Annie ay isang kusinera…(Tatanggap ng iba’t ibang sagot)
5. Napanatili niya ang likas na kulay at luto ng gulay
6. Malikhain si Annie sa inihandang pagkain… (Tatanggap ng iba’t ibang sagot)
7. Katakam-takam ang kanyang mga lutong ulam.
8. Nakakalikha siya ng amoy ng ulam… (Tatanggap ng iba’t ibang sagot)
9. Inaayon niya sa tamang sangkap ang mga ginagamit sa pagluluto.
10. Ang sikreto sa pagluluto ni Annie
Pagyamanin
1. Pinakbet ang paboritong luto ni Lola. Ito ang pangunahing tema ng talata.
2. Ito ang tinatalakay sa buong talata.
Isaisip
Paksa: May mga taong nagpupuyat lagi at kulang sa pagtulog.
- Mahalaga ito upang magampanan natin ang mga gawain nang tama at may lakas.
- (Tatanggap ng iba’t ibang sagot)
Isagawa
1. Ang tsonggo ay nakatatawa sa lahat ng hayop.
2. May mga tsonggong nabubuhay sa damo at dahon.
3. Tunay na ang tsonggo ay may iba’t ibang damdamin na tulad ng tao.
Aralin 10
Balikan
Paksa: Ang kulay na madaling Makita
Suriin
A.
1. Pari
2. Sa umaga ay naglalako siya ng pandesal. Sa tanghali ay naglilinis ng kotse. Sa gabi ay
nagtitinda ng ballot at tsitsaron.
3. Labindalawang taong gulang
4. Tumulong siya sa simbahan at sa mga kapuspalad. Kumuha ng mga papag-araling bata.
5. Ang kanyang mga kapatid
6. Nagsusumikap siya sa buhay (Tatanggap ng iba pang sagot)
B at C
(Tatanggap ng iba’t ibang sagot)
Isagawa
1. Hindi tapat, galit
2. Pang-amoy, nabahala
3. Kapalaran, masaya
4. Nagdamayan, masaya
5. Maykaya, namangha
Susi sa Pagwawasto
19
Aralin 11
Suriin
1. Pagdeklara ng National Dengue Alert ng DOH
2. 106,630 kaso
3. Western Visayas
4. Matinding pananakit ng ulo, pannakit ng mga kalamnan, pagkahilo, …
5. Dahil ibinunyag ng manufacturer nitong Sanofi Pasteur na maaaring magdulot ng
malubhang sintomas ang bakuna kapag naibigay sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue
6. – may maraming sagot-
Pagyamanin
1. (itim na puso)
2. (pulang puso)
3. (pulang puso)
4. (pulang puso)
5. (itim na puso)
Isagawa
1. Pagtatakda ng DepEd sa simula ng klase sa taong ito
2. Agosto 24, 2020
3. Education Secretary Leonor Briones
4. RepublicAct No. 7977
5. Nilinaw ni Sec. Briones na hindi lahat ng guro at estudyante ay pupunta sa mga paaralan,
lalo na at naka-lockdown pa ang ilang lugar.
6. Paggamit ng computer, cellphone, telebisyon at radio
7. Palarong Pambansa, talent contests, science, job fairs at campus journalism events
8. Dahil maaaring mitsa ng pagkalat ng COVID- 19
9. Hunyo
10. Totoo, nababasa sa opisyal na pahayagan ng DepEd
Aralin 12
Balikan
1. Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte
2. Magtulungan upang mas palakasin ang bilateral, regional at global efforts para matalo
ang COVID -19
3. Napag-usapan nila ang mga kasalukuyang nagyayari sa dalawang bansa kaugnay sa
paglaban sa COVID- 19 at kung ano ang mga mahahalagang istratehiya na dapat gawin
para mapaandar ang ekonomiya sa ―new normal‖
4. (tatanggap ng iba’t ibang sagot)
Suriin
1. Maraming mga pagbabago ang nakakapabilis ng buhay ng tao. (tatanggap ng iba pang
mga sagot)
- Makabagong sasakyan gaya ng LRT
- Kalsada (flyover, underpass)
- Teatro at museo
2. Pagbabago
Paggamit ng calculator, Xerox machine
3. Opo, ito ay nagpapakita ng pag-unlad
4. Kagamitan sa komunikasyon at pagpapagaan ng trabaho
Isagawa
1. Miyerkules 6. kompyuter
2. Saxophone 7. telebisyon
3. ortograpiya 8. emosyonal
4. sarsuwela
5. mikropono
Sanggunian

 Sanayang Aklat sa Sining at Komunikasyon sa Filipino 5

 Alab Filipino 5, Batayang Aklat

 Landas sa Wika 5

 Yaman ng Lahing Kayumanggi 5

 https://www.google.com/search?q=mga+damdamin+nagagalit++clip+arts&tb
m=isch&ved=2ahUKEwizpduSj57pAhUvHKYKHSjTA1MQ2-cCe

 Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon ) - June 13, 2020 - 12:00am


https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/06/13/2020515/pinas-prayoridad-ng-china-sa-bakuna

 (May ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News)


Posted at Jul 15 2019 03:38 PM | Updated as of Jul 15 2019 09:54 PM)

20
Para sa mga katanungan, maaaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like