You are on page 1of 44

5

Unang Markahan – Modyul 1


Filipino - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 1, Aralin 1-4
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Author/s: Lilian K. Dolloso
Marestelle M. Olandre
Nilda A. Aclao
Jessie G. Peralta
Mary Jess A. Gorre
Richel B. Loking

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino


Elsa B. Buenavidez, PSDS
Ramil C. Cabural, Principal
Marjorie A. Sagario, Principal
Ludivico Barrientos, Principal

Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia, Teacher


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Filipino
Unang Markahan-Modyul 1
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, public schools district supervisors and
education program supervisors of the Department of Education-Ozamiz City
Division. We encourage teachers and other education stakeholders to email
their feedback, comments, and recommendations to deped1miz@gmail.com

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- iii
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- iii
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- iv
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- v
Subukin ---------------------------------------------------------------------------- vi-ix
Modyul 1
Aralin 1:

Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 2
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 3
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 4
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 6
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 7

Aralin 2:

Paggamit ng Pangngalan at Panghalip sa Pagtatalakay Tungkol sa Sarili, sa mga tao, lugar,


bagay at pangyayari sa Paligid
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 8
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 8
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 8
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 9
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 10
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 12
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 13
Aralin 3:

Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 14
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 14
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 14
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 16
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 16
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 18
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 19

Aralin 4:

Paggamit ng Pangngalan at Panghalip sa Pagtatalakay Tungkol sa Sarili, sa, mga tao, lugar,
bagay at pangyayari sa Paligid
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 20
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 20
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 21
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 22
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 23
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 23
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 24
Susi sa Pagwawasto --------------------------------------------------------------- 26

Buod --------------------------------------------------------------------------------- 26
Susi sa Pagwawasto --------------------------------------------------------------- 26
Sanggunian ------------------------------------------------------------------------- 31
ii
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at panonood. Matutuhan din nga mga
mag-aaral na gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang
Wikang Filipino sa pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin at


sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.
iii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter jung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwadreno sa
Filipino.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.
iv
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan


at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.
iv

Subukin

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ate Minda, talaga bang bigay ng Nanay mo ang lapis na _______


(malapit sa kausap)
a. ito b. dito c. iyan

2. Anong elemento ng kuwento o pelikula ang siyang nagbibigay buhay at gumaganap


sa mga pangyayari?
a. tauhan b. tagpuan c. pangyayari d. buod

3. ________ (malayo sa nagsasalita) ang karterong nag-abot niyan sa


akin.
a. hayun b. doon c. ito

4. Anong pangungusap ang gagamitin sa pagtatanong?


a. Ako ay magbabakasyon sa Baguio.
b. Aray! Napakasakit ng tiyan ko.
c. Saan ka pupunta?
d. Tumayo ka.

5. Anong pangungusap ang gagamitin mo sa pag-uutos?


a. Isara ang pinto.
b. Sino ang iyong guro?
c. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan.
d. Pakiabot mo nga ang aklat na nasa mesa.

B. Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang bilang 6-12

ANG MAGKAPATID
Ni Sharon H. Manuel

Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak, sina
Aron at Sharlin.
Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa kanilang
pamilya. Lahat ng pangangailangan ng dalawang magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-
asawa. Pinalaki nila nang puno ng pagmamahal ang magkapatid.
Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Subalit lumaking
parang aso’t pusa ang magkapatid. Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa maraming
bagay laro na sa mga laruan at sa gawaing-bahay.
Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang ang
magalit. Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak.
“Aaron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling Tasiang. Hindi maganda sa magkapatid ang
nag-aaway. Dapat kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano
na lamang kung wala na kami ng tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi kayong
dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni Aling Tasiang.
v
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama
upang maghatid ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling
Tasiang dahil nanghihina siya.
Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na
muna ng itlog upang sila’y makakain habang wala pa ang kanilang ama.
“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aaron kay Sharlin.
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang
gumawa,” patuloy na sumbat ni Sharlin.
“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aaron.
Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa
kanyang higaan upang pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at
walang anu-ano’y natumba.
Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang
makabangon. Nagkatinginan sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.
Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-
magkasundo sila sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang
mga magulang.

6. Sino ang magkapatid sa kuwento?


a. Aaron at Sharlin b. Ana at Maria
c. Ara at Shara d. Ava at Shania

7. Saan naganap ang kuwento?


a. sa bahay ng mag-anak b. sa simbahan
c. sa palengke d. sa paaralan

8. Bakit hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang?


a. dahil malakas siya
b. dahil tinatamad siya
c. dahil nanghihina siya
d. dahil may pupuntahan

9. Paano natuto ng leksiyon ang magkapatid?


a. sa pamamagitan ng pamamalo ng kanilang nanay
b. sa pamamagitan ng pagmamalupit ng kanilang magulang
c. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya ng kanilang magulang
d. sa pamamagitan ng pangyayari sa kanilang nanay nang minsan itong
magkasakit

10. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa ibaba


a. Nagkasakit si Aling Tasiang.
b. Magkasundong-magkasundo na ang magkapatid.
c. Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak.
d. Bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng gulay.

a. b-d-a-c b. c-a-d-b c. c-d-a-b d. b-a-d-c


vi
11. Ano ang maaaring mangyari kung hindi pa rin natuto ng leksiyon ang magkapatid?
a. magiging masaya ang kanilang mga magulang
b. magiging malungkot ang kanilang magulang
c. magiging mabuti silang mga anak
d. magiging maunlad ang buhay nila

12. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang detalye sa binasang kuwento.


a. Si Aron at Sharlin ay magkaibigan.
b. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay magkapatid.
c. Si Aron at Sharlin ay magkapatid na hindi magkasundo.
d. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay mag-asawa na hindi nagmamahalan.

C. Panuto: Basahin ang sumusunod na balita at sagutin ang bilang 13-16

MANILA - Nabuwal ang isang poste ng ilaw sa center island ng Mindanao Avenue
Extension sa Quezon City matapos mabangga ng isang truck, Biyernes.
Ayon sa drayber na si Jerrymie Donayre, nakaidlip siya habang nagmamaneho at
nagising na lamang siya ng bumangga ang kaniyang minamanehong sasakyan sa poste.
“Hindi ko na napigil ang antok at pagod dahil umaga pa ako nagsimulang bumiyahe”;
ani Donayre.
Galing Bulacan ang truck at pauwi na sa upang gumarahe sa Antipolo nang maganap
ang insidente.
Bagamat self-accident ang nangyari, mahaharap pa rin ang drayber sa kasong reckless
imprudence resulting in damage to property dahil sa nasirang poste.

13. Bakit bumangga ang sasakyan?


a. dahil madulas ang daan
b. dahil madilim ang kalsada
c. dahil nakatulog ang drayber
d. dahil may iniwasang tumatawid sa kalsada ang drayber

14. Ano ang angkop na pamagat o ulo ng balita?


a. poste ng ilaw, nabuwal nang banggain ng trak sa Quezon City
b. drayber nakatulog, nahulog ang sasakyan sa bangin
c. sasakyan nabuwal, poste ng ilaw bumangga
d. trak nawalan ng preno, bumangga

15. Sinong tanyag na tao ang tinaguriang ama ng ating Wikang Pambansa?
a. Emilio Aguinaldo
b. Manuel L. Quezon
c. Jose Rizal
d. Fernando Amorsolo

16. Ano ang anekdota?


a. Pangyayaring naganap sa buhay ng bulaklak
b. Pangyayaring naganap sa buhay ng hayop
c. Pangyayaring naganap sa isang lugar
d. Pangyayaring naganap sa buhay ng kilala o tanyag na tao
vii
17. Ano ang paksa o diwa?
a. pangalawang tema ng isang kuwento o talata
b. pangunahing tema ng isang kuwento o talata
c. huling pangungusap ng talata o kuwento
d. unang pangungusap ng talata o kuwento

18. Ano kaya nga paksa ng talatang ito?


Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito.
Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdan patungo sa
langit ang makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan
ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin.

a. Binungkal nila ang gilid nito.


b. Tinaniman nila ito ng palay.
c. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin.
d. Parang hagdan patungo sa langit ang makikitid na taniman.

19. Sina Katkat, Bekbek at Yeye ang tunay kong mga katoto. Kaming apat ay hindi
napaghihiwalay-walay basta-basta. Ang katoto ay nangangahulugang
a. kaibigan b. kaaway c. kaklase c. katrabaho

20. Alin sa sumusunod na mga hiram na salita ang may tamang baybay?
a. Sakxophone b. saxophone c. saxofon d. saxopone
viii

Aralin Pag-uugnay ng Sariling Karanasan


1 sa Napakinggang Teksto

Alamin

Sa aralin na ito, malilinang at maiuugnay mo ang iyong sariling karanasan sa


mababasang teksto at mga kuwento.
Mapapalawak at mapayayaman din ang inyong talasalitaan sa kahulugan at
kaalaman sa iba’t ibang uri ng panitikan. Malilinang din ang inyong kakayahan sa
pagsulat ng sariling akda gaya ng tula, maikling kuwento at iba pang anyong
panitikan.

Balikan

Panuto: Hanapin sa word puzzle ang mga salitang tinutukoy ng pangungusap. Nasa
gilid ang mga hint.

H ________ 1. Ang pag-ihip nito ay


nagbibigay ng ginhawa sa
ating pakiramdam.
D ________ 2. Isang uri ng sasakyan na
maaring gamiting pampasa-
hero.
P ________ 3. Ito ang kapanganakan ni
Hesus na ating ipinagdiri-
wang taon-taon.
S ________ 4. Lugar na sibilisado, mara-
ming malalaking gusali at
mga sasakyan.
B ________ 5. Isang lugar na malayo sa
kabihasnan at simple ang
pamumuhay.
1

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong ukol dito.
Luisiana: “Little Baguio ng Laguna”

Miyerkoles noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin. Nakasakay


kami ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang baryo na
kung tawagin ay “Little Baguio”. Ito ang lugar kung saan nakita ang simpleng
pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito, sila ay
nagtatanim ng mga halamang gulay at ang mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay
malayang nakagagala sa paligid. Sariwa ng isda naman ang naninirahan sa malinis na
ilog.
Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing-edad ko rin. Makaibigan ang aming
mga magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na
makatapos ng elementarya at makapag-aral sa isang paaralang pansekondarya sa
bayan, bagama’t mayroong ding mataas na paaralan sa Little Baguio.
Ito ang baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba
hangin ng Pasko.
Naaalala ko pa nang magkakilala kami ni Carl…
JJ: Kumusta ka? JJ ang pangalan ko, ikaw?
Carl: Mabuti naman. Ako naman si Carl.
JJ: Ang sarap ng hangin sa lugar na ito, sariwa at malamig.
Carl: Little Baguio ang tawag namin sa lugar na ito.
JJ: Sabi ko nga sa Tatay at Nanay ko, gusto kong manatili na lamang kami rito.
Carl: Paano ang pag-aaral mo sa bayan?
JJ: Lilipat na lang ako rito sa Paaralang Elementarya ng San Buenabentura.
Carl: Aba mabuti kung ganoon. Sana maging kamag-aral kita.
JJ: Sana nga, maraming salamat Carl.

Sagutin ang mga katanungan.


1. Ano ang makikita sa Little Baguio?
_______________________________________________________
2. Sino ang nagkukuwento sa akda?
_______________________________________________________
3. Sino ang bagong kaibigan ni JJ?
_______________________________________________________
4. Saan patungo si JJ?
5. _______________________________________________________

5. Bakit kaya nasabi ng awtor ang pahayag na “Ito ang hanging umiihip sa bawat
minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng Pasko”?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2
Suriin

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan.

Ang Batang Mahilig Sa Gadget

Walong taong gulang pa lamang si Bridget ay nakitaan na siya nang pagkahiligsa


gadget. Kabisado niya ang paggamit ng selpon, tablet at kompyuter sa kanyang edad.
Naglalaro siya mula umaga hanggang gabi hanggang hindi na niya namamalayan na nawiwili
na pala siya rito. Lahat ng laro sa App Store ay kabisado niya. Dahil sa pagkahilig niya sa
gadget, siya ay nahinto sa pag-aaral ng dalawang taon.
Mula umaga paggising hanggang sa pagtulog ay hawak-hawak niya ang CP at tablet
ng kanyang ina. Kapag na lobat ang mga ito ay kompyuter naman ang hinahawakan niya.
Umaga, tanghali, gabi ay naglalaro siya. Pindot dito……..pindot doon……. Dotdot
dito………… Dotdot doon……………….. Ganyan umiikot ang buhay ni Bridget sa araw-
araw. pagligo at pagkain ay halos hindi na niya magawa. Madalas, nakakalimutan niyang
kumain dahil sa paglalaro. Kaya sinusubuan siya ng kanyang ina para lang makakain siya at
di siya malipasan ng gutom.
Isang araw, sinabi ng ina kay Bridget, “anak, nawiwili ka na yata sa paglalaro ng
gadget. Tumigil ka na sa paglalaro niyan at wala kang mapapala sa paglalaro.” Hindi
sumunod si Bridget sa sinabi ng kanyang ina. Sa halip ay nagalit pa siya at nagmamaktol
dahil pinigilan siya. Kaya walang nagawa ang ina kundi sundin ang kagustuhan ng anak na
maglaro. Hinahayaan na lang niya na maglaro ang anak kahit alam niya ng nakasasama ito sa
kanya. Hanggang ilang sandali lang ay biglang sumigaw si Bridget. “Inay!!!!! Inay!!!!!
Lumapit ang ina sa kanya. “O bakit anak?” Ang tanong ng ina.
“Inay, tingnan mo po ang kamay ko!!!!!!!! Hindi kona maigalaw……………
Ang kamay ko po inay……..….. Naninigas!!!!!!” gulat na sinabi ni Bridget.
“Ano ang nangyari sa kamay mo anak? “tanong ng ina
“Ewan ko po inay, bigla na lamang naninigas ang mga kamay ko! Hindi ko na po mapindot
ang keypad ng selpon!” ang sagot ni Bridget.
“Hala anak! na-“stroke”na yata ang kamay mo”!!!!!! Ang wika ng ina.
Natakot si Bridget sa nangyari sa kamay niya. Ang sabi niya. “Inay, dalhin mo po ako sa
doktor at patingnan niyo po ang kamay ko!”
Sa araw na iyon, dinala ng ina si Bridget sa klinika ni Dr. Rey. Habang sila ay nasa klinika,
tinanong ng ina ang doktor. “Doktor Rey, ano po ba ang lagay ng kamay ng anak ko?”
Sagot sa kanya,“Misis, ang mga kamay ng anak niyo ay nasobrahan sa paglalaro ng
gadget. Kung ipagpapatuloy pa niya ito ay baka matuluyan nang manigas ang kamay niya,”
wika ng doktor.
Natakot si Bridget sa narinig niya kaya nangako siya sa doktor at sa kanyang ina na
hindi na niya gagamitin nang labis ang mga gadget. Simula noon ay ipinagpapatuloy na niya
ang kanyang pag-aaral. Nagsusumikap na siya mag aral nang mabuti. Naging isang magaling
na estudyante si Bridget sa klase. Kung noon ay gadget ang hawak niya, ngayon ay aklat at
kwaderno na ang kanyang pinagkakaabalahan. Naging aktibo na rin siya sa klase at marunong
na siyang magbalanse ng kanyang oras sa eskwelahan at sa bahay. Simula noon tumigil na
siya sa paglalaro ng gadget at naging isang huwarang mag-aaral siya.
MgaTanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
________________________________________________________________

3
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
________________________________________________________________
3. Ano ang kinawiwilihan ni Bridget?
________________________________________________________________
4. Ano ang nangyri sa kamay niya?
________________________________________________________________
5. Ano ang ipinayo ni doktor Rey kay Bridget?
________________________________________________________________
6. Ano ang aral na mapupulot sa kwento?
________________________________________________________________
7. Sa palagay mo ba, nakakabuti sa isang bata ang paglalaro ng gadget? Bakit?
________________________________________________________________
8. Ano ang maaring epekto ng labis na paglalaro ng kompyuter?
________________________________________________________________
9. Paano nabago ang buhay ni Bridget matapos siya mawili sa gadget?
________________________________________________________________
10. Kung ikaw ay may kaibigan na mahilig sa gadget, ano ang maipapayo mo sa kanya?
________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan.


Si Lolo at ang Kanyang Sumbrero

Si Lolo Selo ay isang magsasaka. Ang magsasaka ay nagtatanim sa bukid. Tuwing


umaalis siya ng bahay, lagi niyang dala ang kanyang sombrero.
“Lolo, bakit po lagi ninyong dala iyang sombrero ninyo?” minsan naitanong ng
apo ni Lolo na si Niko.
“Apo, ang sombrero ko ang pantakip ko sa ulo para hindi ako mainitan ng araw sa
bukid,” paliwanag ni Lolo Selo.
Araw ng Sabado, sumama si Niko sa bukid. Tutulong siya sa pagtatanggal ng mga
damo. “Niko, ikaw na muna ang magsuot nitong sombrero ko,” alok ni Lolo Selo.
“Salamat po Lolo,” masayang sagot ni Niko. Sa bukid, hindi ramdam ni Niko ang
init at pagod kahit ilang oras na siyang nagtratabaho. Talagang malaking tulong ang
sombrero ni Lolo.
“Niko, halika na! Uwi na tayo. Tiyak nakaluto na ng tanghalian ang iyong Lola
Nena,” tawag ni Lolo Selo ni Niko.
Hanggang sa pag-uwi ay suot pa rin ni Niko ang sombrero ni Lolo.
Masayang naglakad ang dalawa pauwi ng kanilang bahay. Habang sila ay
naglalakad sa tabi ng sapa, may nagyaring hindi inaasahan. Woossh… Woossh…
Sumalubong sa kanila ang malakas na bugso ng hangin. Dahil maluwag sa ulo ni Niko ang
sombrero, natangay ito ng hangin.
4

“Naku, Lolo ang sombrero ninyo!” ang sigaw ni Niko na tinangkang habulin ang
sombrero.
“Lolo, habulin po natin ang iyong sombrero!” naiiyak na sabi ni Niko.
“Huwag na Niko mapanganib. Hayaan na lang natin. Wala na tayong magagawa,” wika ni
Lolo Selo. Pinigilan niya si Niko na habulin ang sombrero.
Tuluyan nang nilipad ng hangin ang sombrero patungo sa gitna ng sapa. Malalim
ang sapa at malakas ang agos. Hindi na nila naisalba ang sombrero.
“Lolo, paumanhin po, Kasalanan ko po kung bakit nawala ang inyong mahal na sombrero,
umiiyak na sabi ni Niko.
“Apo, wala kang kasalanan. Alam kong hindi mo gusto ang nangyari,” sabi ni
Lolo sabay akbay kay Niko.
Kahit ganoon ang sabi ni Lolo Selo, alam ni Niko na malaking kawalan ang
sombrero para sa kaniyang Lolo. Kitang-kita ang lungkot sa mukha ni Lolo.
Alam niya na parang kaibigan na ito ng kaniyang Lolo. Lagi niya itong kasama. Ano pa
ang gagamitin niya ngayon? Wala na
Noong gabing iyon, nag-isip ng paraan si Niko. Gusto niyang makabawi sa
kaniyang Lolo.
“Aha! Alam ko na! Bubuksan ko na ang alkansiya ko! Marami na rin akong
naiipon mula sa mga baon ko,” ang sabi ni Niko. “Ibibigay ko ito kay Lola Nena bukas,”
sabi ni Niko habang binibilang ang kanyang pera.
Nang umaga na, “Lolo, Lolo, may sorpresa po kami ni Lola Nena sa inyo!” sabi
ni Niko. Inilabas niya ang isang regalo. “Sombrero? May bago na akong sombrero?
Salamat apo ko!” tuwang-tuwa si Lolo Selo.
“Apo, kami rin may sorpresa sa iyo!” sabi ni Lola Nena. Iniabot sa kanya ang isa
pang supot. “Sombrero? Meron din po ako? Yehey!” napatalon sa tuwa si Niko.
“Tig-iisa na po tayo, Lolo. Hindi ko na po hihiramin ang iyong sombrero.” sabi ni
Niko. “Ituturing ko rin po itong kaibigan. Aalagaan ko po ito nang mabuti,” sabi ni Niko.
Niyakap niya ang kanyang Lolo at Lola. Mula noon, tuwing Sabado, masayang
pumupunta si Niko at Lolo Selo sa bukid suot ang kanilang mga kaibigang sombrero.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
______________________________________________________
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
______________________________________________________
3. Saan nagpunta ang maglolo?
______________________________________________________
4. Bakit labis na nalungkot si Niko?
______________________________________________________
5. Paano niya napasaya ang kanyang Lolo Selo?
______________________________________________________

5
Isaisip

Panuto: Basahin ang kuwento.

Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa

Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay. Mayroon siyang aso at pusa –
sina Bruno at Kiting. Subalit, hindi alam ng bata na may tinatagong galit o inggit pala si
Bruno kay Kiting.
Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na maraming pasa si Kiting. Nagalit siya kay Bruno
at pinarusahan ito. Ang pusa naman ay pawang alam na may kasalanan rin siya. Sinuyo niya
ang aso noong umalis ang bata at ang nanay niya.

A. Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
______________________________________________________
2. Sino ang nag-iisang anak na malapit sa hayop?
______________________________________________________
3. Anu-ano ang mga alagang hayop niya?
______________________________________________________
4. Bakit kaya malapit sa mga hayop si Maymay?
______________________________________________________
5. Bakit kaya maraming pasa si Kiting?
______________________________________________________

6. Ano naman ang ginawa ni Kiting nang pinarusahan ni Maymay si Bruno?


______________________________________________________

Isagawa

Panuto: Bumuo ng 5 tanong ayon sa nabasang kuwento at sagutin.


Takdang-Aralin ng Kinabukasan
Pagdating sa bahay, masayang kinuha ni Mayumi ang kanyang kuwaderno.
“Ano nga ba ang gusto ko paglaki ko?”, tanong niya sa sarili. Nag-isip ng malalim
si Mayumi.
“Gusto kong makatulong sa mga maysakit. Gagamutin ko sila nang walang
kapalit. Pangarap ko ring maging bayani at tagapagpanatili ng katahimikan at kaayusan ng
aming bayan.
” Nais ko ring may magawa din ako tuwing may kalamidad lalong-lalo na kapag
may sunog.”
“Ano kaya ang pakiramdam nang makapagpalipad ng eroplano, O di kaya ang
makapaglayag sa karagatan ng napakalaking ng barko.”
“Maaari din naman akong magtrabaho sa bangko at magbilang ng limpak-limpak
na salapi.”

6
At sa ilang oras na pag-iisip, “Aha! Alam ko na. Alam ko na ang gusto kong maging
paglaki ko.
Kinabukasan, ibinahagi ni Mayumi sa kanyang mga kaklase ang kanyang takdang-
aralin.

1. Tanong: ___________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________

2. Tanong: ___________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________

3. Tanong: ___________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________

4. Tanong: ___________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________

5. Tanong: ___________________________________________________
Sagot: ____________________________________________________

7
Aralin

Alamin

Sa aralin na ito ay matutuhan mong gamitin ang pangngalan at panghalip sa


pagtatalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

Balikan

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.Isulat sa patlang
ang iyong sagot

Hanay A Hanay B

______1. musmos a. leksyon


______2. palamuti b. bata
______3. almusal c. eskwelahan
______4. aralin d. agahan
______5. paaralan e. dekorasyon

Tuklasin

Panuto: Isulat sa hanay kung saan napabilang ang mga pangngalan.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Isda kuya parke sapatos sunog Ozamiz City

8
Suriin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat salitang nakahanay at suriin ang mga ito.
Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari
Nanay Lucing papel Browny paaralan Pasko
Gng. Reyes aklat pusa simbahan Araw ng Kalayaan
bata Mongol kambing Gaisano Mall bagyo
guro Samsung Miming Ozamiz City lindol
Pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagngangalan ng tao, bagay, hayop, pook o
lugar at mga pangyayari.
Mga Uri ng Pangngalan
Dalawang uri ng Pangngalan ayon sa Katangian
1. Pantangi – tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa: Dr. Morales Cotta Shrine Faith Hospital

2. Pambalana – tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o


pangyayari at iba pa. Nagsisimula ito sa maliit na titik.
Halimbawa: saging kalabaw palengke mag-aaral
Ang Pangngalan ay may apat na kasarian. Panlalaki, Pambabae, Di-Tiyak at Walang
kasarian.
 Panlalaki – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng lalaki
 Pambabae – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng babae
 Di-tiyak – tumutukoy sa ngalang panlalaki o pambabae.
 Walang kasarian – tumutukoy sa pangngalang walang buhay
Ang Panghalip ay ginagamit na pamalit o panghalili sa pangngalan. Ito ay
ginagamit kung ang pangngalan ay magkasunod na ginagamit sa isang pangungusap.

Halimbawa: Si Ginang Robaro ang guro sa Filipino.

Siya ay ang guro sa Filipino.

Uri ng Panghalip

Panaklaw
Panao
Pamatlig
Pananong

 Panao ay panghalip na ginagamit para sa tao lamang.


Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kata, kita, mo, siya,
kanila, siya, kanya

 Pananong ay ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaring kumakatawan sa tao,


Pagyamanin

A. Panuto : Tukuyin ang pangngalan na ginamit sa pangungusap at bilugan. Isulat


sa patlang ang uri nito.

_________ 1. Ang pagmamahal sa bayan ay hindi mapapantayan.


_________ 2. Kami ay nag-aaral sa Ozamiz City Central School.
_________ 3. Isang sipi ng saging ang dala ni tatay.
_________ 4. Ang ibon ay umaawit sa sanga ng puno.
_________ 5. Si Gng. Lumpay ay ang aking guro.

B. Panuto: Tukuyin ang kasarian ng Pangngalan.

________ 1. pari ________ 5. mroplano _________9. pulis


________ 2. laruan ________ 6. Manok _________10. tsinelas
________ 3. reyna ________ 7. mesa
________ 4. Kuya ________ 8. nanay

10

C. Panuto: Hanapin ang mga panghalip na panao na nakalista sa ibaba. Ang mga
panghalip nakasulat nang pahiga ( ), pababa ( ),o pahilis ( )
Ako ikawakin ko ka mo nila
Siya iyo niya kanya kita tayo kanila
Natin atin kayo ninyo inyo sila kami

D. Panuto: Punan ang puwang ng angkop na panghalip na pananong.

1. __________ ipagkakaloob ang medalya ng karangalan?


2. __________ naganap ang aksidente?
3. __________ ang bili mo sa gitarang ito?
4. __________ sa dalawa ang pipiliin mo?
5. __________ ang kulay ng kagitingan?

11
E. Panuto: Buuin ang diwa ng bawat pangungusap. Piliin ang angkop na panghalip
panaklaw sa kahon.

Lahat pawang anuman saanman madla marami

1. Dapat na sundin natin ang _________ ng batas lalo na’t makabubuti ito sa atin.
2. _________ ako makarating. Igagalang ko ang batas sa lugar na iyo.
3. _________ manggagawa ang dumalo sa seminar na idinaos ng TESDA kanina.
4. Dapat na makiisa ang buong ________ upang makamit ang layunin para sa
ikauunlad ng bansa natin.
5. Matapat na sinusunod ng magkakapatid na Lina at Lino ang _______ bilin ng
kanilang mga magulang.

Isaisip

A. Panuto: Tingnan ang salitang may salungguhit sa pangungusap. Kung ito ay


pangngalang pantangi, isulat ang salitang pantangi sa patlang. Kung ito ay
pangngalang pambalana, isulat ang salitang pambalana sa patlang.

Halimbawa:
pambalana Nakalimutan ng bata ang kanyang laruan.
pantangi Magbabakasyon kami sa Baguio sa susunod na buwan.

_________1. Humiram ka ba ng aklat mula sa silid-aklatan?


_________2. Si Ginoong Benigno Aquino III ang dating pangulo ng Pilipinas.
_________3. Ang fiesta sa lungsod ng Ozamiz ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 16.
_________4. Nasa Medina Hospital si Mark dahil tumaas ang kanyang lagnat.
_________5. Ang dyaryo na binabasa ni Tatay araw-araw ay ang Philippine Star.

B. Panuto : Isulat sa patlang kung ang mga panghalip na may salungguhit ay panao,
pananong, pamatlig o panaklaw.

__________1. Lahat ng kaklase ko ay pupunta sa aking kaarawan.


__________2. Alin diyan ang gusto mong bilhin?
__________3. Maganda ang bulaklak na ito.
__________4. Sinamahan namin siya sa bahay ng kanyang lola.
__________5. Sino-sino ang mga kasali sa palabas?

12

Isagawa

A. Panuto: Sa bawat kahon bilugan ang pangngalan na may naiibang kasarian.

mangga saging abokado tindera


kusinero ale labandera nanay
B. Panuto: Sipiin o kopyahin sa kwaderno ang pangngalang ginagamit sa tula ayon sa
kasarian at ang mga panghalip na panao. Isulat ang mga tamang sagot sa iyong kwaderno.

Pangarap ko’y sintayog ng saranggola


Sintatag, sintibay ng puno ng narra
Maging tagapagtanggol ng bayan
Sundalong tagatugis ng kalaban
Sundang ko’y pamana sa akin ni Lolo
Tsapa ko’y isang pusong tulad ng bato
Tagapayapa at tagahupa ng gulo
Ang dalubhasa ang doctor na sundalo.

13
Aralin Pagsagot sa mga Tanong sa
3 Binasang Kuwento

Alamin

Mapag-aaralan natin sa aralin na ito ang mga kahulugan ng mga salita at


masasagot ang mga tanong sa binasang kuwento.

Balikan

Panuto: Isulat sa mga hanay kung saan napabilang ang mga pangngalan.

Alice manok mesa kaarawan papel

Robinsons Supermarket tsinelas lolo Pasko ahas

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Ang Engkantada ng Makulot

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at


matakutin sa Diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng Makulot.
Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong
Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitang nanginginain ng damo
sa kaparangan.
Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng mga
mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa mga
taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga
mahihirap na nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom. .

14
Sila ay dapat may mabuting budhi't malinis na asal. Nguni't kung ang mga tao'y
mahilig sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa.
Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa magandang halimbawa at
malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Torong Ginto. Nawala rin ang
prinsesa.
Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng
gutom, salot, sakit at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon,
nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako sa kanilang mga anitos.
Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong Ginto.
Kung makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga halaman o di kaya'y
magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.
Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng pulong.
Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto ay huwag
nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na binata at subok
na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang galit.
Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano'y
ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!
Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng Torong
Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot. Iwinagayway ng
prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.
Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang
iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng Torong
Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon ay hindi na
napakita.
Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago
na rin at nanatiling mabubuting tao.

Sagutin ang mga katanungan tungkol sa binasa

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Paano ninyo mailarawan ang mga taong nakatira sa munting bayan ng
Cuenca?
4. Ano ang kahulugan kapag makita ang Torong Ginto?
5. Bakit ito pinamagatang “Ang Engkantada ng Makulot”?
6. Paano mo mailarawan ang prinsesa?
7. Ano-ano ang mga ibinibigay nya sa mga tao?
8. Sino-sino ang makakatanggap ng salapi mula sa prinsesa?
9. Bakit may mga taong hindi nabibigyan ng salapi ng prinsesa?
10. Ano ang dapat gawin ng mga tao upang hindi na muling makita ang
Torong Ginto?

15
Suriin

 Pagbasa ay ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titikat simbolong


nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag-iisip sa ipinahayag na
mensahe ng sumulat.
Ito ay isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan o interaksyon ng
bumabasa san akalimbag na mga titik.sa bawat pahina ng babasahin.

 Mga kahalagahan ng pagbabasa.

1. Nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay.


2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa pang-
araw-araw.
3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.
4. Nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan.

Pagyamanin

Panding Butanding

Si Panding Butanding ay isang malahiganteng isda na nabubuhay sa tahimik na


karagatan ng Punta Agua, Donsol, Sorsogon. Matapang, mayabang at kinatatakutan siya
ng lahat ng isda. Alamin kung bakit nagbago ang lahat kay Panding Butanding, bakit siya
naging mabait, nagkaroon ng singkit na mga mata,
maliliit na ngipin at batik-batik na marka sa kanyang malinis na katawan. Sa isang
malawak na kaharian sa ilalim ng karagatan na kilala sa pangalang Punta Agua sa bayan
ng Donsol, Sorsogon. Makikita rito ang iba’t ibang uri ng isda…may malalaki, maliliit,
mahahaba, maiikli, mala-hugis pinggan at hugis-bulaklak na may iba’t ibang kulay. Kay
gagandang tingnan ng mga isdang nagsisipaglaro sa mga dahong sumasasabay sa indayog
ng tubig. Ang Punta Agua ay isang napakasaya at tahimik na karagatan.

16
Biglang dumagundong ang karagatan nang dumating ang mala-higanteng isda.
Matatalim, matutulis ang kanyang mga ngipin, matapang, mayabang at kinatatakutan
ng lahat ng nilalang na nabubuhay sa karagatan. Siya ay si Panding Butanding.
“Bwaaa…ha-ha-ha-ha-ha! Ako si Panding Butanding ang hari ng karagatan.
Sino ang matapang sa inyo? Gusto kong makipagtunggali.”
“Lumabas ang matapang at malakas..... Bwaa- ha-ha-ha-ha..”, ang
nanghahamong sigaw niya.
Nanginginig sa takot ang lahat ng isda. Nagsipagtago ang mga ito kung saan-
saan: sa batuhan, buhangin, at sa mga halaman.
Sino sa inyo ang matapang? Subukan ninyo ang lakas ko at kapag ako ay
inyong natalo, ibibigay ko ang lahat ng aking lakas. Mayabang na hamon ni Panding
Butanding.
Dahil sa takot, wala ni isang isda ang gustong lumabas sa kanilang
pinagtataguan.
Sinira ni Panding Butanding ang kanilang mga tirahan. Tinatakot niya ang
maliliit na isda gamit ang kanyang matatalim at matutulis na ngipin.
Sa di kalayuan, Nakita niya si Pusit Kupsit. Nanginginig ito at mahigpit na
nakakapit sa batuhan.
Aha! akala mo hindi kita makikita”, ang panggugulat ni Panding Butanding.
Tiklop-tuhod na nagmamakaawa si Pusit Kupsit kay Butanding. “Huwag mo po akong
sasaktan”, pagmamakaawa ni Pusit Kupsit na nanginginig sa takot.
Bigla siyang sinunggaban ni Panding Butanding, sabay hablot at hampas ng
mala-higante niyang katawan.
Dahil sa sobrang takot, hindi sinasadyang naibuga ni Pusit Kupsit ang kanyang
taglay na tinta at tumama sa mga mata ni Panding Butanding.
“Aaaahhh! Wala akong makita! Pilit na inaaninag ni Panding Butanding ang
kanyang paligid ngunit wala siyang Makita
Umikot siya nang umikot. Hampas dito, hampas doon.
Sa sobrang paghampas ng katawan sa nagsisilakihang bato, nadurog ang
matutulis at matatalim na ngipin ni Panding Butanding.
Nanghina siya at hindi na niya kayang tumayo sa pagkalugmok. Wala na siyang
makita. Pikit ang mata dahil sa mga tintang tumama sa kanyang malinis na mukha.
Nawalan siya ng lakas. Nadurog ang kanyang mga ngipin at nanlalata ang
kanyang katawan.
Tinanggap ni Panding Butanding ang kanyang pagkatalo. Nagsisi siya sa
kanyang pang-aapi sa lahat ng nilalang sa karagatan.
Dahil sa kanyang pagsisi, nagbago si Panding Butanding.
Ang dating isdang mayabang at kinatatakutan ay naging mapagpakumbaba at
palaibigan.
Ngayon, isang napakalaking isda na ubod ng bait na ang makikita sa karagatan
ng Punta Agua. Ngunit ang ginawang kasamaan ay nag-iwan ng bakas sa kanyang
katawan.
Nagkaroon siya ng batik-batik sa napakalaki niyang katawan na sanhi ng
paghampas sa malalaking bato sa ilalim ng karagatan.
Naging singkit din ang kanyang mata na epekto ng natapong tinta ni Pusit
Kupsit sa kanyang mukha.
Naging maliliit ang kanyang ngipin dahil sa pagkadurog nito sa malalaking
bato. Ngayon, maraming dayuhan ang pumupunta sa karagatan ng Donsol, Sorsogon
upang masilayan ang isang napakabait at napakalaking isda, ang Butanding.

17
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
____________________________________________________
2. Ayon sa iyong nabasa, ano-ano ang mga hugis ng mga isdang makikita sa
malawak na karagatan ng Donsol?
____________________________________________________
3. Ilarawan si Panding Butanding.
___________________________________________________
4. Ano ang ginagawa ni Panding Butanding sa mga isdang kanyang
nasasalubong?
___________________________________________________
5. Sino ang isdang nanginginig sa takot na pilit na hinahablot ni Panding
Butanding?
___________________________________________________
6. Bakit biglang naibuga ni Pusit Kupsit ang taglay niyang tinta?
___________________________________________________
7. Ilarawan ang hitsura ni Panding Butanding ng masabuyan ito ng tinta ni Pusit
Kupsit.
___________________________________________________
8. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa anyo ni Panding Butanding ng
humampas ito sa batuhan?
___________________________________________________
9. Tinanggap ba ni Panding Butanding ang kanyang pagkatalo? Bakit?
___________________________________________________
10. Ano-ano ang magagandang aral na inyong natutuhan sa kuwento?
___________________________________________________

Isaisip

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.

“Si Julio At Ang Sapatero Sa Kanto”


Araw-araw, masayang naglalaro sa kalsada sa may Kalye Distrito ang batang si Julio.
Anak siya ni Aling Nena na nagtitinda ng mga kakanin sa palengke. Dalawa silang
magkapatid ng kuya niyang si Dante.
Magkapatid sa ina sina Dante at Julio ngunit buong kapatid ang turing nila sa isa’t
isa. Namatay ang tatay ni Dante noon at ni minsan naman ay hindi nagkuwento si Aling
Nena tungkol sa ama ni Julio. Bata pa raw ito para malaman ang tungkol sa ama niya.
Isang araw, habang naglalaro sina Julio at Dante kasama ng kanilang mga kaibigan,
pumunta sa may kanto yung bolang nilalaro nila. Hinabol ito ni Julio at doon niya napansin
na may matandang sapatero pala sa kanto.
Tinanong ni Julio ang kuya niya tungkol sa sapatero. Noong una, mukhang nagulat
ito ngunit sinabi na lang sa kanya na huwag ng pansinin iyon.
“Sapatero? Ahh… ‘Di ko alam kung sino iyan. Hayaan mo na, pasa mo na yung bola,”
sagot ni Dante sa bunsong kapatid.

18
Nagpatuloy na sila sa paglalaro ngunit hindi maikakaila na talagang may
kakaibang nararamdaman si Julio. Gusto niya talagang malaman kung sino yung sapatero
sa kanto at mukhang hindi siya taga Distrito.
“Ang tanda na niya nagtatrabaho pa rin siya,” sabi ni Julio sa sarili. Napansin ito
ni Julio at lumabas rin siya upang tingnan kung saan pumunta ang nanay niya. Sinundan
niya ito ng patago noong makitang lumapit sa matandang sapatero ang ina niya.
“Bakit ka nandito? Hindi ka niya kilala at wala akong balak na ipakilala ka sa
kanya. Ang kapal rin ng mukha mo para pumunta pa rito,” sabi ni Aling Nena sa sapatero
na dinig-na-dinig ni Julio.
“Nais ko lamang siyang makita. Gusto ko sana siyang makilala pero alam kong
ayaw mo kaya dito lang ako sa malayo. Patawad sa lahat, lubos kong ipinagsisihan ang
mga nagawa ko,” sagot ng sapatero kay Aling Nena.
Pag-uwi ni Aling Nena sa bahay nila, lumapit sa kanya si Julio at niyakap siya.
Napansin ito ni Julio at lumabas rin siya upang tingnan kung saan pumunta ang nanay
niya. Sinundan niya ito ng patago noong makitang lumapit sa matandang sapatero ang ina
niya.
Ipinagtapat ni Julio sa nanay niya na nalaman niya ang pinag-usapan nila ng
sapatero. Nagulat si Aling Nena at kahit nauutal, ipinaliwanag niya sa anak niya ang
katotohanan.
“Papapatawarin mo ako anak. Hindi ko sinasadyang itago sa iyo na iniwan tayo ng
tatay mo habang ipinagbubuntis kita. Hindi ko alam na may ibang pamilya pala siya,”
paglalahad ng umiiyak na ina.
Ipinaliwanag ni Aling Nena sa anak na ayaw niyang malaman nito na isa siyang
anak siya labas sapagkat mahal na mahal niya ito. Ipinagtapat rin niya na galit na galit pa
rin siya sa tatay ni Julio.
“Kaya pala lumaki akong walang ama dahil iniwan niya pala tayo. Pero siya pa rin
po ang tatay ko inay at nais ko siyang makilala,” sabi ng bata sa nanay niya.
Umiyak si Aling Nena at niyakap na lang ang anak. Sinabihan niya si Julio na
bukas ay dadalhin niya ito sa tatay niya.
Kumain na sila at natulog ngunit bago pa man tuluyang nakatulog ang ina ng dalawang
bata, napaiyak siya habang iniisip kung gaano kalaki ang puso ng anak niya. Bakas sa
mga mata ng bata na hindi ito nagalit sa ama niya.
Kinabukasan, dinala ni Aling Nena sa sapatero ang bunso niya at ipinakilala na
niya si Mang Jose kay Julio. Niyakap ng matanda ang anak niya habang umiiyak at
humihingi ng kapatawaran. Patuloy rin siya sa paghingi ng patawad sa ina ng bata.
Simula noon, araw-araw nang nakakadalaw ang sapatero sa bahay nina Julio.
Kahit sa labas lang sila hinahayaang mag-usap noong una, unti-unti ay lumambot rin ang
puso ni Aling Nena.
“Pasok ka rito at kumain ka muna, gutom na rin iyang si Julio sa kakalaro diyan sa
labas,” pagyaya niya sa sapatero isang hapon.
Nagpatuloy ang magandang relasyon sa pagitan nina Julio at ng ama niya. Ni
minsan ay hindi siya sinumbatan ng bata sa pag-iwan niya sa kanila.
Sa nakikita ni Aling Nena sa anak niya, natutunan niya ring patawarin ang ama nito at
sinubukang maging magkaibigan silang muli.

19
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Sino-sino ang mga magulang ni Julio?
4. Sino ang nag-iisang kapatid ni Julio?
5. Paano nakilala ni Julio ang kanyang ama?
6. Ano ang trabaho ng ama ni Julio?
7. Bakit lumaking walang ama si Julio?
8. Ano ang aral na inyong napupulot sa kuwento?

Isagawa

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.


Ang Plaster ni Bong

Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang
kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo Bong?”
tanong ni Annie.“Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto” ang malakas na sigaw
ni Tito mula sa likuran, Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa
madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana
nangyari ito. “mahinang sagot ni Bong. “Hayaan mo na, Bong gagaling din ‘yan
pagkatapos ng ilang buwan.”, sabi ni Emy habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.
Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase.
Pagkatapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.“Salamat sa pag-aalala ninyo sa
inyong
kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang kamay niya ay naka-
plaster.”

Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasa:


1. Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kuwento?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Bakit kaya naisip kaagad ni Lito na nabalian ng buto si Bong?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

20
Aralin
Pagsulat ng Maikling Balita
4
Alamin

Sa pagtatapos ng aralin na ito ikaw ay makasasagot na sa mga tanong tungkol sa


detalye ng ulat / balita at makasasulat nito.

Balikan

Panuto: Balikan ang mga nakaraang leksyon. Isaayos ang mga titik upang makabuo ng
salita. Isulat ang salita sa patlang.

1. LANNGAPANG – tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.


______________________________

2. EBABAAMP – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng babae.

______________________________

3. ALIPGNHAP – humahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.


______________________________

4. NAOGNAPN – ginagamit sa pagtatanong

______________________________

5. ANAOP – panghalip na ginagamit para sa tao lamang

______________________________

21
Tuklasin

Sino-sino ang nanonood ng balita? Ano ang balita? Tukuyin kung paano sumulat
ng maikling balita. Ano-ano ang mga pamantayan sa pagsulat nito. Basahin ang balita at
sagutin ang mga tanong.

Pagmimina sa Bundok Diwalwal, Ipinatigil

Ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) sa


pamumuno ni kalihim Heherso Alvarez at pagmimina at lahat ng operasyon sa
pagpoproseso ng mineral sa Bundok Diwalwal, sa Monkayo, Compostela Valley noong
Linggo, Agosto 11, 2002 upang sugpuin ang patuloy na paglala ng polusyon at
karahasang nagaganap sa naturang lugar.

Magkasabay na ipinahayag nina AFP Chief Hen. Roy Cimatu at PNP Chief
Director Hermogenes Ebdane ang pagpapadala ng puwersang pulis at military upang
kontrolin ang magulong kondisyon sa Bundok Diwalwal sa loob ng dalawa hanggang
tatlong linggo.

Ayon kina Cimatu at Ebdane, ang magkasamang puwersa na itinalaga sa Bundok


Diwalwal ay regular na papalitan upang maiwasan ang pagiging malapit ng mga
awtoridad at ang mga opereytor ng minahan.

Kapag natiyak na ang seguridad ng lugar at matigil na ang pagmimina,magtatayo


ang mga inhinyero ng DENR ng mga dam kung saan patatakbuhin ang mga dumi dulot ng
operasyon ng pagmimina.Kaugnay nito,lilinisin din ang Ilog Naboc at itatayo ang
People’s Small Scale Mining Protection Fund.

a. Saan matatagpuan ang Bundok Diwalwal?

b. Ano-ano ang mga hakbang na gagawin ng PNP at AFP upang


makontrol ang karahasang nagaganap sa Bundok Diwalwal?

c. Paano ikokontrol ng DENR ang patuloy na paglala ng polusyon


sa Monkayo?

d. Paano tutulungan ng DENR ang maliliit na minero na makinabang sa


yaman ng kanilang bayan?

22
Suriin

Ang Balita ay ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari o nagaganap sa paligid at


sa ibang panig ng bansa at maging sa labas ng bansa.

Pamantayan sa pagsulat ng balita.

1. Bawat talata ay nakatuon sa isang ideya.


2. Kalimitan, nasa unang pangungusap ang pangunahing ideya ng balita. Ang iba
pang pangungusap sa talata ay sumusuporta sa isang pangunahing ideya.
3. Sa pagsulat ng balita, isaalang-alang ang mga sumusunod na pananong tulad ng:
a. Ano - tumutukoy sa pinakamahalagang pangyayari
b. Sino - tumutukoy sa kilalang tao o mga tao o kaya’y tao o mga taong sangkot
sa pangyayari.
c. Saan - tumutukoy sa lugar na pinagyarihan.
d. Kailan-tumutukoy sa panahon at petsa, o oras ng pagkakaganap ng pangyayari.
e. Bakit tinatalakay ang sanhi at bunga ng pangyayari
f. Paano- inilalahad ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.
4. Isipin ang unang salita ng bawat talata.
5. Gamitin ang malaking titik kung saan kailangan.
6. Gamitin ang wastong bantas sa mga pangungusap

Mga katangian ng Balita

1. Ganap na kawastuhan at Katotohanan


Ang inilalahad na balita ay batay sa tunay na pangyayari at hindi likhang-isip
lamang. May maayos na detalye, at buo ang diwa.

2. Timbang
Binibigyang-diin ang bawat katotohanan ng pangyayari, walang kinikilingan,
walang pinapanigan

3. Maikli
Hindi maligoy ang balita, direktang pahlalahad lamang.

23
Pagyamanin

Panuto: Gumawa ng balita gamit ang mga sumusunod na datos.

1. Kasama rin sa uunahin ang mga benepisyaryo ng 4Ps pero dapat aniyang iwasan
ang pagkukumpulan sa mga bangko.
2. MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon sa Maynila at Parañaque ang
pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong
Laban sa COVID-19.
3. Pinayuhan ni Nograles ang mga mamamayan na hintayin ang pasabi sa kanila
upang maging maayos ang distribusyon ng tulong.
4. Samantala, tiniyak ni Nograles na tinitipon na ang mga nagastos at nagawa
ngayong buong linggo upang maisama sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte
tungkol sa COVID-19 na ipapadala sa Kongreso sa Lunes.
5. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Department of Social Welfare
and Development (DSWD) ang mangunguna sa pamamahagi ng pinansiyal na
tulong sa mga kuwalipikadong mamamayan na naapektuhan ng enhanced
community quarantine (ECQ).

Isaisip

1. Ano ang balita?


Ito ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring
a. naganap na c. magaganap pa lamang
b. nagaganap d. lahat ng nabanggit

2. Maituturing na katangian ng balita ang mga sumusunod bukod sa isa.


a. Wasto c. timbang
b. Maraming detalye d. walang kinikilingan

3. Mahalaga ang kaayusang baligtad na piramide sapagkat


a. Abala ang mga mambabasa
b. Maganda itong tingnan
c. Ito ang pinakamadaling kaayusan
d. Wala sa nabanggit

4. Ano sa mga sumusunod na pamatnubay ang ginagamit sa tuwirang balita?


a. Pamatnubay na ano
b. pamatnubay na masidhi ang paglalarawan
c. Naglalarawang pamatnubay
d. Lahat ng nabanggit

24
5. Sa pagsulat ng mga talata ng balita, siguraduhin ang
a. Kaayusan nito
b. Paglalagay ng mahahalagang datos sa unahan ng talata
c. Lahat ng mga nabanggit
d. Wala sa mga nabanggit

Isagawa

“ANG PAGBABASA AY KARUNUNGAN”, isa ito sa magandang panuntunan


sa buhay ng isang mag-aaral, bakit di mo subukan? Kung wala kang libro sa bahay,
maaari mong gamitin ang mga lumang dyaryo o kahit anong babasahin, nasasanay ka
pang bumasa nang mabilis, nadadagdagan pa ang iyong kaalaman, nahahasa pa ang iyong
pang-unawa. Tulad nito….

Panuto: Basahin mo ang siniping balita sa pahayagan at sagutin ang mga tanong na
kasunod. Isulat ito sa kuwaderno.

QC gov’t nagbigay ng computer sa city jail


Upang madali at maging maayos ang paghahanap ng mga rekord ng mga preso sa
Quezon City Jail, nagbigay ng dalawang computer set si QC Mayor Feliciano Belmonte,
Jr. sa mga opisyal ng nasabing piitan. Tinanggap nina BJMP-NCR Director Chief Supt.
Armando Llamasares at QC Jailwarden Supt. Ignacio Panti ang mga computers na
magsisilbing „notebook‟ ng mga preso upang malaman ang kani-kanilang mga records.
Ayon kay Belmonte, sa computerized system na ito madaling malalaman kung
anu-ano ang estado ng mga bilanggo at mga kasong nakabinbin laban sa kanila. Layunin
din ni Belmonte na maibsan ang pagsisikip ng kulungan na kadalasang nagiging dahilan
ng riot at pagkakasakit ng mga preso. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Panti kay
Belmonte sa pagbibigay nito ng prayoridad sa pangangailangan ng city jail.
Nabatid na ang bagong rekord management program ay sama-samang proyekto ng
Supreme Court, BJMP, Humanitarian Legal Assistance Foundation at the Asia
Foundation. (Doris Franche)

1. Ano ang ibinigay ng pamahalaan ng Quezon City sa piitan ng kanilang siyudad?


2. Sino ang nagbigay at tumanggap nito?
3. Ano ang layunin ng Quezon City Mayor Belmonte sa computerized system na
ito?
4. Sino ang nagpahayag ng pasasalamat kay Mayor Belmonte?
5. Kaninong proyekto ang management program na ito?

25
Buod

Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa


pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan.

Susi sa Pagwawasto

Subukin Aralin 1
1. a 11. a Balikan: Tuklasin
2. a 12. b 1.Hangin 1. Simpleng pamumuhay ng mga taong
may sipag at may mumunting
pangarap.
3. a 13. c 2. Dyip 2. Si JJ
4. c 14. c 3. Pasko 3. Si Carl
5. a 15. a 4. Siyudad 4. Sa baryo na kung tawagin ay “Little
Baguio”
6. a 16. b 5. Bayan 5. Dahil sa malamig na simoy ng hangin
7. a 17. d
8. c 18. b
9. d 19. c
10. b 20. a
Suriin Pagyamanin
1. Ang Batang Mahilig sa Gadget 1. Si Lolo at ang Kanyang Sumbrero
2. Bridget, Nanay 2. Sina Lolo Selo, Lola Nena at apong si
Niko
3. Mahilig sa paglalaro gamit ang mga 3.Sa bukid
gadget
4. Hindi na niya maigalaw ang 4. Nalungkot so Niko dahil nilipad ng
kanyang kamay hangin ang sombrero ni Lolo Selo.
5. Iwasan ang labis na paglalaro ng 5. Binilhan niya ng bagong sombrero ang
gadyet kanyang lolo.
6. Hindi dapit sumobra ang paggamit Isaisip
ng gadyet
7. Hindi nakakabuti ang sobrang 1. Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
gamit ng gadyet
8. Masisira ang mata 2. Si Maymay
9. Nabago ang kanyang buhay at 3. Aso at Pusa
naging masikap sa pag-aaral.
10. Sabihing iwasan ang sobrang 4. Dahil siya ay nag-iisang anak
paggamit ng gadyet. 5. Dahil galit si Bruno kay Kiting.
6. Sinuyo niya si Bruno dahil alam niyang
may kasalanan rin siya.
26
Isagawa
Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang katanungan at kasagutan.
26
Aralin 2
Balikan
1. b
2. e
3. d
4. a
5. c
Tuklasin

Tao Bagay Hayop Lugar


kuya sapatos isda parke
Ozamiz cITY

Pagyamanin 1
A B
1. bayan – lugar Panlalaki 6. hayop
2. Ozamiz City Central School – Walang kasarian bagay
lugar
3. Saging – bagay Pambabae pambabae
4. Ibon – hayop Panlalaki . di-tiyak
5. Gng. Lumpay – tao Walang kasarian Walang kasarian

Pagyamanin 2

A. Sagot sa Puzzle Isaisip 1

B. c
1. Kanino 1. Lahat 1. Pambalana
2. Kailan 2. Saan man 2. Pantangi
3. Magkano 3. Pawing 3. Pantangi
4. Alin 4. Madla 4. Pantangi
5. Ano 5. Anuman 5. pambalana

Isaisip 2 Isagawa 1 Isagawa 2


1. Panaklaw 1.tindera saranggola Lolo Tsapa
2. Pananong 2.kusinero ko Sundalo Puso
3. Pamatlig 3.ninong puno Kalaban Bato
4. Panao 4.damit Narra sundang doktor
5. Pananong 5.magsasaka bayan akin

28
Aralin 3

Balikan

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


Alice mesa manok Robinson’s kaarawan
Supermarket
lolo papel ahas Pasko
tsinelas

Tuklasin

1. Ang Engkantada ng Makulot


2. Prinsesa Reyna ng Makulot, Torong Ginto, mamamayan
3. Sila ay maligaya, matahimik at matakutin sa Diyos.
4. Ito ay nangangahulugang magkakaroon ng gutom, salot, sakit at kung ano anong
sakuna.
5. Magkakaiba ang mga maging kasagutan
6. Mabait, mahiwaga at mapagkawanggawa sa mga dukha
7. Pera o salapi
8. Mga mahihirap na nangangailangan ng tulong, may mabuting budhi at malinis na
asal
9. Dahilsay mahilig sa pagkakasala
10. Magbago at manatiling mabubuting tao.

Pagyamanin

1. Si Panding Butanding
2. Malalaki, maliliit, mahahaba, maiikli, mala-hugis pinggan at hugis bulaklak na
may iba’t ibang kulay.
3. Si Panding Butanding ay isang malahiganteng isda na matapang at mayabang.
4. Tinatakot niya ang mga isda at hinahamong lumaban sa kanya
5. Si Pusit Kupsit
6. Biglang naibuga ni Pusit Kupsit ang taglay niyang tinta dahil sa takot.
7. Namghina siya at di na niya kayang tumayo.
8. Nadurog ang kanyang matutulis na ngipin, pikit ang mata at nanglalata ang
kaniyang katawan.
9. Oo, tinanggap ni Panding Butanding ang kanyang pagkatalo dahil sa kanyang
pagsisisi.
10. Hindi dapat magmayabang sa kung anong meron ka

29
Isaisip

1. Si Julio at ang Sapatero sa Kanto


2. Si Julio
3. Si Aling Nena at Mang Jose
4. Si Dante
5. Nang sabihin ng kanyang in ana siya ang kanyang tatay
6. Isang sapatero
30

Kasama rin sa uunahin ang mga benepisyaryo ng 4Ps pero dapat aniyang iwasan ang
pagkukumpulan sa mga bangko.
Samantala, tiniyak ni Nograles na tinitipon na ang mga nagastos at nagawa ngayong
buong linggo upang maisama sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa COVID-
19 na ipapadala sa Kongreso sa Lunes.

Isaisip
Sanggunian

LRMDS portal
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16420
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17747
file:///C:/Users/Hp/Downloads/Takdang%20Aralin%20ng%20Kinabukasan%20(1).pdf
Slideshare.net
Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-engkantada-ng-makulot/
Academia.edu
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/04/04/2005408/pamamahagi-ng-bayanihan-fund-
sinimulan-sa-maynila-paraaque
Aklat sa Alab Filipino 5
Filipino Teacher’s Guide & Learner’s Material

31

You might also like