You are on page 1of 17

Government Property

NOT FOR SALE 4


Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1- Modyul 6:
Ika-anim na Linggo (Pagtitimpi,
Pinahahalagahang Ugali)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 4
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 –Modyul 6: (Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali)
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano
mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang
hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan : Edilberto L. Oplinaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Edukasyon sa


FOR VALIDATION

Pagpapakatao 4
Manunulat : Alona L. Saguban
Illustrator and Layout Artist: Alona L. Saguban
Proofreader, In-House Content and Language Editors:
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director

Edilberto L. Oplenaria, CESO V


Schools Division Superintendent
Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Monisa P. Maba, PhD., EPS-Filipino
Joselito C.Epe,Ed.D.,PSDS
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del
Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lanao.norte@deped.gov.ph

4
Edukasyon sa
Pagapapakatao FOR VALIDATION

Kwarter 1 - Modyul 6:
(Pagtitimpi, Pinahahalagahang
Ugali)

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng Edukasyon.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon, mga
magulang na mag - email ng inyong mga puna at sa Kagawaran ng
mungkahi Edukasyon sa ____________________.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahin
a

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS

Aralin 1 – (Pagtitimpi, Pinahahalagahang Pag- uugali)

Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 1
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 2
Balikan - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 3
-
Tuklasin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 4-5
-
Suriin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
FOR VALIDATION
6
Pagyamanin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6-7
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 7
-
Isagawa - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 8
-
Tayahin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 9-
- 10
Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10
-
Answer Key - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 11
-
Mensahi sa Guro - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 11
-

Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 12
--
Aralin
(Pagtitimpi, Pinahahalagahang
1 Pag- uugali)

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 4 nang pag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ika-
anim na Linggo .Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa
iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 na
binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng ilang araw.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipamamalas ang mapanuring pag- iisip gamit ang tamang pamamaraan /
pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang may mapanuring pag- iisip ang tamang pamamaraan /
pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;


 Matutukoy ang tamang pamamaraan o pamanatayan sa pagtuklas ng
katotohanan.
 Maipaliliwanag kung paano mapapanatili ang pagtitimpi bilang isang
pinahahalagahang ugali, at
 Mailalahad ang kahalagahan ng pagtiitimpi.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.
Subukin

Iguhit ang masayang mukha kung ikaw ay kayang magtimpi at malungkot na


mukha kung hindi. Ilagay ang sagot sa patlang.

________ 1. Sunod-sunod ang utos ng aking ina. Kahit madami akong ginagawa ay
nasunod ko ang utos niya.
________ 2. Matapos kong iligpit ang maraming kalat na laruan sa kuwarto ng
nakababata kong kapatid, muli niyang itinapon ang mga ito sa aking
harapan.
________ 3. Naisasaayos ko ang mga gamit na naiwan ni Ate sa loob ng silid
tanggapan kahit may utos pa sa akin si Ama na pakiinin ang aming aso.
________ 4. Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay hind ko siya iniintindi sapagkat
marami akong ginagawang takdang- aralin.
________ 5. Naubusan na kami ng tubig, inutusan ko ang aking nakababatang
kapatid na mag- igib ngunit ako ay ininis at tinakbuhan.
________6. Malakas ang tawanan nina Kuya at ng kanyang kabarkada, hindi ako
makabasa ng aking aklat ng maigi.
________7.Ginugulo ako ng aking dalawang kaklase habang sinasagutan ko ang
aming pasulit.
________8.Pinipintasan ng aking mga kaklase ang gawa kong proyekto sa Arts.
________9.Itinago ng aking bunsong kapatid ang mga pangkulay at lapis ko.
________10. Itinulak ako ng aking pinsan habang kami ay naglalaro ng takbuhan.
Balikan

Panuto: Magtala ng mga gawain na nagpapakita ng pagiging mapagpasensiya sa


iyong pamilya. Magbigay ng limang (5) halimbawa at isulat ito sa loob ng mga
kahon.

Mga Gawain na Nagpapakita ng Pagiging Mapagpasensiya

Sa nakaraang leksyon, napag-alaman mo na napakahalaga ng pagkakaroon


ng pasensiya. Napag- alaman mo rin na isa ito sa mga sangkap upang matupad ang
mga pangarap at mithiin sa buhay. Bilang dagdag, ito ay isa sa magagandang ugali
na tinataglay nating mga Pilipino. Nawa ay mapanatili natin ang kaugaliang ito.
Tuklasin

Basahin at unawin ang kwentong ito.

Sally, Batang Mapagtimpi


Buwan ng Agosto. Ang mga mag- aaral ay naghahanda ng isang
palatuntunan upang ipakita kung paano maipagmamalaki ang sariling wika. Isang
umaga, Ibinalita ni Bb. Susan Cruz sa kaniyang mga mag- aaral na Pangkat Rosas
ang tungkol sa gaganaping dula- dulaan. “Mga bata, magkakaroon tayo ng
palatuntunan tungkol sa pagpapahalaga sa sariling wika. Tayo ay magpapakita ng
isang dula-dulaan. Pipili ako ng mga gaganap,”wika ng guro.
Tuwang- tuwa ang mga bata. Sabay-sabay silang nagsabi ng kanilang interes
para gumanap sa dula-dulaan. “Puwede po ba ako, Ma’am? Maganda po ang boses
ko. Maaari po akong kumanta,” ang sabi ni Romeo. “Ako po ay marunong
sumayaw,” sabi naman ni Haydee. “Ma’am, sanay po akong sumulat ng script,” ang
buong pagmamalaking sabi ni Roy. “Lalo po ako, nakababasa nang may
damdamin,” dagdag ni Rommel. “Bb. Cruz, magaling po ako sa drama,” ang sabi ni
Sally.
Biglang may nagsalita na kaklase na mula sa bandang likuran. “Ma’am,
huwag po ninyong piliin si Sally. Hindi po siya sanay magsalita ng Filipino.” Sabay-
sabay na nagsipagsalita ang mga bata, “Inglisera, inglisera!”
Gustong-gusto nang magalit ni Sally at magbitiw ng masasakit na salita ngunit
naalala niya ang palaging tagubilin ng kaniyang mga magulang, “Huwag kang
maiinis o magagalit kapag ikaw ay tinutukso. Magtimpi ka sa iyong sarili para wala
kang kaaway.” Kaya napag-isip-isip ni Sally na dapat niyang gawin ang tamang bilin
ng kaniyang magulang.
Hindi nakatiis si Bb. Cruz. Pinangaralan niya ang mga mag-aaral. Sinabi nya
na dapat pamarisan si Sally sapagkat siya ay naging mapagtimpi. Hindi siya nagalit
o nainis nang siya ay tuksuhin ng mga kamag-aral.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang kaganapan sa paaralan na naging dahilan at tuwang-tuwa ang mga
bata sa kwento?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

2. Sino ang bata na naging tampulan ng tukso sa kwento? Bakit?


Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

3. Ano ang reaksiyon ng mga kaklase ni Sally ng magpahiwatig ito ng kanyang


kakayahan?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

4. Papaano tinanggap ni Sally ang pangyayari? Bakit?


Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

5. Patunayan ang malaking tulong ng nanay ni Sally sa kaniyang pag-uugali.


Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

6. Ano ang ipinangaral ni Bb. Cruz sa kaniyang mga mag-aral?


Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

7. Kung ikaw si Sally, ano ang iyong gagawin kung tinutukso ka ng iyong
kaklase?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________
Suriin

A. Mula sa kwento na iyong binasa, magbigay ng limang (5) paraan na maaari mong
gawin na nagpapakita ng pagtitimpi.
a. _________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
c.__________________________________________________________________
d.__________________________________________________________________
e.__________________________________________________________________

B. Ipaliwanag: “Ang batang marunong magtimpi ay palaging masaya at


palangiti.” (5 puntos)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagyamanin

Ang pagiging mapagtimpi ay isang pinahahalagahang ugali na dapat


isabuhay. Gaya ng ating mga magulang, sila ay nagpapakita ng pagiging
mapagtimpi sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ang ating mga guro ay ganoon
din. Sa kabila ng kaguluhan, kakulitan, at pagiging pasaway ng mga mga-aaral,
iniiwasan nilang magalit. Nagtitimpi sila dahil gusto nilang ipaalam sa mga mag-aaral
na kailangan ang ugaling ito para sa magandang pakikisalamuha at
pakikipagkapuwa- tao. Naipapakita sa ugaling mapagtimpi ang pagmamahal na
tapat sa isang tao.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap kung ito ay palaging ginagawa, kung
minsan lang ginagawa o kung hindi ginagawa.

Palaging Minsan lang Hindi


ginagawa Ginagawa ginagawa
1. Inagawan ka ng baon ng iyong
kaklase sa loob ng inyong silid-
aralan.
2. Siningitan ka sa pila ng iyong
kaklase sa kantina.
3. Itinulak ka ng is among kalaro dahil
gusto niyang mauna sa pagkuha ng
tubig sa gripo.
4. Kinuhang bigla ang iyong pencil
case ng iyong kaklase.
5. Kinukulit ka sa silid- aralan ng mga
kalaro mo.

Isaisip

Tandaan!

Ang taong mapagtimpi ay nalalayo sa pakikipag-away. Dahil hindi siya


madaling magalit o mainis, kinagigiliwan siya ng marami: sa pamilya, paaralan, o
pamayanan.
Isagawa

Pagnilayan ang larawan. Basahin at sagutin ang nasa ibaba. Isulat ang sagot
sa patlang.

Ako ito bilang isang nilalang na ginawa ng Diyos. Paano ko maipalalabas ang aking
pagiging mapagtimpi sa bawat miyembro ng aking pamilya?
Sagot: _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Tayahin

A. Panuto: Ibigay at ipahayag ang iyong reaksiyon sa sumusunod na sitwasyon.


Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Naglalaro ng holen sina Rudolf at Rey. Natalo si Rey kaya siya ay nagsalita
ng masama. Kung ikaw si Rudolf, ano ang gagawin mo?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________
2. Pinagbilinan ka ng iyong ina na huwag kang makipagkaibigan sa batang
mahilig makipag-away. Ano ang iyong gagawin? Bakit?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________
3. Mayroon kayong ginagawang proyekto sa MAPEH. Ang isa sa iyong kaklase
na kasali sa inyong pangkat ay hindi nakikiisa sa inyong gawain. Kailangang
matapos agad ang inyong pangkatang gawain. Nagkataon na ikaw ang lider
ng pangkat. Paano mo maipakikita ang iyong pagtitimpi?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________
4. Binilhan ng bagong pares na sapatos si Jimmy ng kanyang ninang. Nakita ito
ng kanyang kuya at sinabing sa kanya na ito dahil magkapareho sila ng sukat
ng paa. Kung ikaw si Jimmy, ano ang gagawin mo?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

5. Nakapila ka ng matagal sa kantina, ngunit inuna ng tindera ang ibang mga


bata na huling dumating kaysa sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________
B. Panuto: Magbigay ng limang (5) paraan na nagpapakita ng ugaling
mapagtimpi. Isulat ang sagot sa patlang.
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Kompletuhin ang mga salitang makikita sa kahon sa ibaba.

Nasasaktan ako kasi ...

Nasisiyahan ako kasi ...

Nakapagtitimpi ako kasi ...


Answer Key

Mensahi para sa Guro


Sa pagwawasto ng Tuklasin, Suriin, Isagawa, Tayahin at Karagdagang
Gawain, kailangang ito ay may pamantayang sinusunod o rubrics.
Sanggunian

Abac, Felamer E., et. al., (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao , pahina 62-69. Vibal
Group, Inc.

ESP 4 Detailed Leson Plan- 1st Quarter,pahina 86-96. Department of Education-


Division of Valencia City.

.
(OUTSIDE BACK COVER)

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lanao.norte@deped.gov.ph

You might also like