You are on page 1of 31

5

Government Property

NOT FOR SALE

MAPEH
Quarter 4 - Module 3

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 4- Modyul 3:
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng
Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module
Author: Maritess T. Espiritu Rhodora J. Camense
Cherrylyn R. Fernandez Dino C. Gomez
Crescencia R. Pagal
Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas
Renato C. Cagbabanua Ellen K. Arroyo
Justina S. Baul
Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serojihos Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

ii
5
MAPEH
Ikaapat na Markahan - Modyul 3
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- vi
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- vi
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- vi
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- viii
Aralin 1: Nakikilala ang ibat ibang Uri ng Tempo na Ginamit sa Kanta
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 2
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 3
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 3
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 3
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 3
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 4

Aralin 2: Mga Posibilidad sa Paggamit ng Gawang 3D-Crafts


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 5
Balikan --------------------------------------------------------------------- 5
Tuklasin -------------------------------------------------------------------- 6
Suriin ----------------------------------------------------------------------- 6
Pagyamanin ---------------------------------------------------------------- 6
Isaisip ----------------------------------------------------------------------- 7
Isagawa --------------------------------------------------------------------- 7
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------ 7
Sanggunian ---------------------------------------------------------------- 8

Aralin 2.1: Paggamit ng Kulay, Hugis at Balanse sa Paggawa


ng Mobiles, Papier-Mache Jars at Paper Beads
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 9
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 9
Tuklasin -------------------------------------------------------------------- 10
Suriin ----------------------------------------------------------------------- 10
Pagyamanin ---------------------------------------------------------------- 11
Isaisip ----------------------------------------------------------------------- 11
Isagawa --------------------------------------------------------------------- 12
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------ 12

Aralin 3: Pagsayaw ng Tiklos


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 13
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 13
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 13
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 14
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 15
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 15
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 15
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 16

Aralin 4: Tamang Pagbibigay ng Pangunang Lunas Para sa Pagdurugo ng Ilong


Alamin ----------------------------------------------------------------------- 17
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 17
iv
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 18
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 18
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 19
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 19
Isagawa Natin --------------------------------------------------------------- 19
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 20
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 21

v
Modyul 3
MAPEH (Ikaapat na Markahan)

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol sa
daynamiks, tempo, tekstura, harmonya, ritmo, kulay, hugis, espasyo, pag-uulit, balanse,
sculpture at 3D crafts, pagtatasa ng mga gawaing pisikal at physical fitness, folk
(Cariñosa/Polka sa Nayon), indigenous, ethnic, tradisyonal at malikhaing pagsasayaw, likas na
katangian at layunin ng Pangunang Lunas (First Aid), mga panuntunan sa pagbibigay ng
Pangunang Lunas (First Aid) sa mga pangkaraniwang sugat at kondisyon.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay may apat na elmento: Music, Arts, Physical Education, at Health.
Tampok dito ang mga konsepto ng iba’t ibang tempo, mga posibilidad sa paggamit ng mga
gawang 3-D crafts, paggamit ng kulay, hugis at balanse sa paggawa ng mobiles, papier-mache
jars at paper beads, pagsasayaw ng Tiklos, at tamang pagbibigay ng pangunang lunas para sa
pagdurugo ng ilong.

Nagsisimula ang modyul na ito sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-


aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang bahaging Balikan
kung saan masusuri ang natutunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat na
matutunan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutunan ng mga mag-


aaral at magbibigay ng pagkakataong mahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip ay ang magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin at sa


bahaging Isagawa naman ay mailalapat ang mahahalagang natututunan ang mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang iyong
pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone,tablet, laptop, kompyuter kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral. vi
3. Maglaan ng kwaderno para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain
at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga
pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning pagkatuto at
mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari
Isagawa
o sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

viii
Aralin
Nakikilala ang Iba't ibang mga
1 Tempo na Ginamit sa
Isang Kanta

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Identifies the various tempo used in a song heard.

Balikan Natin

Kantahin nating muli ang awiting “Ako ay Pilipino” at sundin ang mga antas ng
dynamics nito. Ano-ano ulit ang mga antas ng dynamics ang makikita natin sa kantang ito? Ano–
ano ang ibig sabihin ng mga antas na nakikita ninyo?

Tuklasin Natin

Ang bawat awit o tugtugin ay nagpapahiwatig ng damdamin ayon sa isang may likhang
komposisyon. Ang mga awit ay nagagawang masigla at mabilis, mabagal at malumanay,
malungkot at may lumbay sa pamamagitan ng pag-aangkop ng nararapat na tempo.

1
Suriin Natin
Gawain 1: Ang ating lunsarang awit ay tungkol sa awiting “Kalesa”. Pakinggang mabuti ang
awiting “Kalesa”. Visit Youtube:https://youtu.be/tZxMuFFnEd0

Mga Gabay na Tanong: Isulat ang mga sagot sa activity notebook.


 Anong uri ng transportasyon ang kalesa?
 Sa anong uri ng pamayanan makikita ang kalesa?
 Ano ang mabuting naidudulot sa kapaligiran ang paggamit ng kalesa?
 Kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataong makagamit pa ng kalesa, nanaisin ba ninyo?
Bakit? Paano ninyo maipakikita ang pagpapahalaga sa kapaligiran?
 Sa awiting “Kalesa”, ano ang inyong napansin sa tempo nito?
 Aling bahagi ng awitin ang may mabagal na tempo? May mabilis na tempo?

2
Pagyamanin Natin

Gawain 2: Pakinggan ang mga sumusunod na awitin at tukuyin ang tempo ng awiting
napakinggan.

1. “Rikiting-kiting” C so - https://youtu.be/_S3UYKHYmuc
2. “Rock-a-Bye Baby” F, la - https://youtu.be/03VAIrkmrD0
3. “Dandansoy” C, mi - https://youtu.be/F3G5CKxen5U
4. “Daniw” C, so - https://youtu.be/DjHCPv5WvOc
5. “Pandangguhan” F, fa - https://youtu.be/de0ok_nq538

Isaisip Natin

Ang tempong largo ay mabagal na matatag samantalang ang presto ay mabilis na


nagmamadali. Ang allegro ay mabilis habang ang moderato ay may katamtamang bilis. Ang
andante ay mabagal at ang vivace ay mas mabilis sa allegro samantalang ang ritardando ay
papabagal at ang accelerando ay papabilis.

Isagawa Natin

Gawain 3: Tukuyin ang tempo ng mga awiting ito. Maaaring pakinggan ito sa link na nakalagay
sa ibaba.

1. Ili-iliTulogAnay - https://youtu.be/reffH9YQzXk
2. Chua-Ay - https://youtu.be/0b1qVl2xSjo
3. Paru-parongBukid - https://youtu.be/aJK0ve_0xdI
4. Leron-Leron Sinta - https://youtu.be/rEpBKZJcyYI
5. Santa Clara - https://youtu.be/HVXBSYhSTus

Susi sa Pagwawasto

Gawain 2: Gawain 3.
1. andante 1. largo
2. largo 2. vivace/accelerando
3. moderato 3. moderato
4. largo 4. andante
5. vivace 5. presto

3
Sanggunian

Halina’t Umawit at Gumuhit 5

https://youtu.be/tZxMuFFnEd0

https://www.flutenotes.ph/2016/08/kalesa-levi-celerio-philippine-folk-song.html

https://youtu.be/reffH9YQzXk

https://youtu.be/0b1qVl2xSjo

https://youtu.be/aJK0ve_0xdI

https://youtu.be/rEpBKZJcyYI

https://youtu.be/HVXBSYhSTus

4
Aralin
Mga Posibilidad sa Paggamit ng Gawang
2 3D-Crafts

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Discusses the possibilities on the use of created 3-D Crafts.

Balikan Natin

Ano-ano ang mga likhang sining na ating napag-aralan na?

Magbigay ng tatlo.

1.____________________

2. ___________________

3. ___________________

Bakit mahalagang alam natin ang paggawa ng 3D crafts? May naitulong ba ito sa atin?

5
Tuklasin Natin

Tingnan ang mga larawan sa ibaba.

Mga Tanong:
1. Paano ba natin mapapakinabangan at mapagkikitaan ang mga likhang sining na mobile,
paper mache at paper beads?

2. Pwede ba nating magamit ang mga gawang 3D crafts?

Suriin Natin

Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t ibang gawang sining na


likha na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa bansa. Halimbawa na lamang sa bayan ng Paete sa
lalawigan ng Laguna kung saan ang isa sa pangunahing hanapbuhay nila ay ang paggawa ng
papier mache o taka. Marami sa mga Paetenos ay umunlad dahil sa pagtataka at marami rin ang
nakapagtaguyod ng pamilya dahil sa hanapbuhay na ito.

Ang mga kasanayan at kaalaman sa paggawang mga likhang sining tulad ng mobile,
papier mache at paper beads at ang pagiging mapamaraan sa paglikha ng mga obra na maaaring
mapakinabangan bilang palamuti sa katawanat kapaligiran at mapagkikitaan sa pamamagitan ng
pagbenta dito ay lubos na makakatulong sa sarili at pamilya.,

Pagyamanin Natin

Suriin ang mga iba’t ibang bagay na maaaring magamit at mapagkikitaan mula sa
likhang sining 3 Dimensional Craft?

6
Isaisip Natin
Gumawa ng isang disenyo. Aling uri ng 3D crafts ang posibleng gagamitin dito?

Rubric
Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Bahagyang Pang
(4) (3) Mahusay Paunlarin
(2) (1)
1. Nakabubuo ng isang orihinal
na disenyo.
2. Naipahayag ang kaisipan at
damdamin sa paglikha ng
disenyong gagamitin sa paggawa
ng proyekto.
3. Nagamit nang maayos ang mga
posibilidad sa paggamit ng
gawang 3D crafts.
4. Malinis na naisagawa ang
disenyo at naibalik sa lalagyan ng
lahat ng kagamitang ginamit.

Isagawa Natin

Palawakin angkaalaman sa mga gamit ng likhang sining sa pamamagitan ng pagpupuno


ng salita sa tamang kolum.

MOBILE PAPIER MACHE PAPER BEADS

Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin Natin:

Maaaring magkaiba ang mga sagot.

7
Isaisip Natin:

Maaaring magkaiba ang pagganap.

Isagawa Natin:

Maaaring magkaiba ang paggawa.

Sanggunian:
Sining 4pp. 23-24

8
Aralin
Paggamit ng Kulay, Hugis at
2.1 Balanse sa Paggawa ng Mobiles,
Papier-Mache Jars at Paper Beads

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Applies knowledge of colors, shapes, and balance in creating mobiles,
papier mache jars, and paper beads.

Balikan Natin

Maglista ng limang (5) techniques na pwede mong magamit sa paggawa ng mobile,


paper beds at paper mache.

1.___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

9
Tuklasin Natin

Tingnan ang mga larawan ng mga bagay na mula sa likhang sining na mobile, paper
mache at paper beads.

Paano pa natin mas mapapaganda ang mga likhang sining na ito sa pamamagitan ng
kulay, hugis at balanse sa paggawa ng disenyo?

Suriin Natin
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t ibang gawang sining na
likha na matatagpuansa iba’t ibang ligar sa bansa. Ang mga Pilipino ay likas na mahusay sa
sining tulad ng paggamit ng kulay, hugis, at espasyo. Ang mg disenyog nilikha ay nagpapakita
ng iba’t ibang katangian ng mga Pilipino gayundin sumasalamin ito sa kultura ng lipunang
ginagalawan.

Suriin ang mga iba’t ibang 3 dimensional craft at tukuyin kung paano ginamit ang iba’t
ibang element ng sining tulad ng kulay, hugis at balanse upang makalikha ng disenyong
makapagpapaganda sa proyekto,
Source: LM Aralin 3

10
Pagyamanin Natin

Gawin Natin!
Mayroong iba’t ibang hugis na pwede mong gawin sa paper beads. Mayroong geometric
na hugis tulad ng bilog, oval, tatsulok at rectangle.

Ano’ng hugis ang gusto mong gamitin sa iyong paper beads?

Isaisip Natin

Direksiyon: Lagyan ng iyong gustong kulay ang nagawang paper mache. Gumamit nga
repetition of color sa pagkulay nito.

11
Isagawa Natin

Gumawa ng iyong sariling paper beads at paper mache. Gumawa ng disenyo na


nagpapakita ng repetition ng kulay o hugis.
Rubrik

Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Bahagyang Pang
(4) (3) Mahusay Paunlarin
(2) (1)
1. Nakabubuo ng isang orihinal na
disenyo
2. Naipahayag ang kaisipan at
damdamin sa paglikha ng
disenyong gagamitinb sa paggawa
ng proyekto
3. Nagamit ng maayos ang kulay,
hugis at balanse sa paggawa ng
disenyo.
4. Malinis na naisagawa ang
disenyo at naibalik sa lalagyan ng
lahat ng kagamitang ginamit.

Susi saPagwawasto
PagyamaninNatin:
Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

Isaisip Natin:

Maaaring magkakaiba ang pagganap

Isagawa Natin:
Maaaring magkakaiba ang paggaawa.

12
Aralin

3 Pagsasayaw ng Tiklos

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Executes the different skills involved in the dance. (PE5-Q4-W3)

Balikan Natin

Lumukso-lukso, kumandirit (hop) at gallop na isinusunod ang galaw ng iyong


katawan sa ritmo ng isang tugtog.

Tuklasin Natin

Basahin at Tuklasin.
KASANAYAN SA TIKLOS
Ang Tiklos ay isang katutubong sayaw na nagmula sa Leyte. Tumutukoy ito sa isang
linggo nang pag-aayos ng lupa para sa pagtatanim sa bukid at iba pang gawain tulad ng
pagpapatayo ng bahay. Tuwing tanghaling tapat ay nagtitipon ang mga tao upang
mananghalian at magpahinga. Sa mga oras na iyon ay ipinapatugtog ang musika ng “Tiklos”
gamit ang ibat-ibang instrumento gaya ng, pluta na sinasabayan ng gitara at ng tambol
habang isinasayaw ito ng mga magsasaka.

13
Suriin Natin

Unang bahagi- tugtog A


1. Kumuha ka ng kapareha. Ang babae ay tatayo sa gawing kanan ng lalaki.
2. Ilalagay ng lalaki ang kamay sa kanyang baywang at ang babae naman ay hahawak sa
kanyang palda.
3. Magsimula sa kanang paa. Gumawa ng dalawang hakbang na heel and toe polka at
dalawang hakbang na change step pasulong.
4. Gumawa ng dalawang change step, isang pakanan at isang pakaliwa.
5. Magsimula sa kanang paa at gumawa naman ng apat na hakbang paurong.
6. Ulitin ang bilang 3 hanggang 5.

Ikalawang bahagi- tugtog B


1. Humarap kayong magkapareha sa manonood. Gumawa ng isang cut step pasulong sa
kanan. Ulitin pang minsan ang dalawang hakbang na ito.
2. Gumawa ng tatlong gallop step patagilid sa gawing kanan, at ilagay ang kanang paa
sa tabi.
3. Ulitin ang ginawa sa bilang 1 at 2 ngunit simulan sa kaliwang paa ang cut step at
pakaliwa rin ang gawing gallop step.
4. Ulitin ang bilang 2 at 3.

Ikatlong bahagi- tugtog A


1. Magharap kayong magkapareha. Sa buong bahaging ito, pumalakpak ng tatlong beses
(bilang 1 at 2) at pumalakpak din ang dalawang beses (bilang 1 at 2) hanggang sa
huling bilang ng bahaging ito.
2. Gumawa ng isang change step pakanan. Kumandirit (hop) sa kanan, itaas ang
kaliwang tuhod sa unahan, at ilagay ang kaliwang paa sa may likod ng kanang tuhod.
3. Ulitin ang bilang 2 ngunit pakaliwa ang galaw at pagkandirit ng paa.
4. Umikot ng tatlong hakbang pakanan at ituro ang kaliwang paa sa unahan ng kanang
paa. Ilipat ang kaliwang paa sa tabi ng kanan.
5. Ulitin ang bilang 4 ngunit ang pag-ikot ay pakaliwa at ang kanang paa naman ang
ipantuon.
6. Ulitin ang bilang1 hanggang 4.

Ikaapat na bahagi- tugtog B


1. Magharap kayong magkapareha. Gumawa ng dalawang touch step sa harap (kanan,
kaliwa) sa loob ng dalawang sukat.
2. Lumukso at bumagsak nang nakakrus ang kanang binti sa kaliwang binti. Lumukso
uli at ikrus ang kaliwang binti sa kanan. Lumukso at bumaba na magkatabi ang mga
paa mo
3. Ulitin ang bilang 1 at 2 ngunit sa kaliwa naman magsimula.
4. Ulitin lahat ang bilang 1 hanggang 3.
14
Pagyamanin Natin

I-video ang sarili na kung saanisinasagawa ang buong sayaw.

Isaisip Natin

Ang kilos at ayos ng katawan sa pagsasayaw ay dapat na maging malambot at naaayon sa


ritmo ng tugtog. Upang ito ay iyong magawa at makasayaw ka nang kasabay ang kapareha,
dapat mong alamin muna ang mga hakbang na ginagamit dito.

Isagawa Natin

A. Isayaw ang Tiklos gamit ang tamang hakbangat irekord mo sa pamamagitan ng iyong
cellphone. E-email sa guro o kaya’y ipadala sa messenger.

Kumusta ang iyong ginagawa? Suriin at lagyan ng tsek (/) ang kahon ng iyong sagot at
kopyahin ito sa papel o activity notebook.

(3) (4) (5)

Maaari kong tukuyin ang iba’t ibang mga kasanayan sa sayaw.


Kaya kong ilarawan ang iba’t ibang skills na kasama sa sayawan
Kaya kong isagawa ang iba‘t ibang skills na kasama sa sayawan
Makikilala ko ang kahalagahan ng partisipasyon sa mga pisikal na
aktibidad.
Maaari akong magpakita ng galak at pagsisikap sa aking pagganap.

B. Lagyan ng punto ang bawat hakbang na inyong naisagawa batay sa rubric na nasa ibaba.

Rate
Iba't ibang mga hakbang sa Pagsasayaw ng Pagkakasunod-
Tiklos Tiyempo at Indayog at
sunod ng mga
Ritmo Tikas
hakbang
Unang bahagi- tugtog A
Ikalawang bahagi- tugtog B
Ikatlong bahagi- tugtog A
Ikaapat na bahagi- tugtog B

15
z

Rubric

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Paparating na Pagbuo sa Nagsimula pa


(5) (4) sa kasanayan Kasanayan lamang
(3) (2) (1)
Organisado at
Organisado Hindi
napakahusay
at mahusay May konting naisagawa
na naisagawa
Pagkakasunod na naisagawa Naisagawa ang kamalian sa ang tamang
ang tamang
-sunod ng mga ang tamang mga hakbang pagkakasunod pagkakasuno
hakbang pagkakasunod-
pagkakasuno sa sayaw. -sunod ng mga d-sunod ng
sunod ng mga
d-sunod ng hakbang. mga hakbang
hakbang sa
mga hakbang sa pagsayaw.
sayaw.
Nakagawa at Nakagawa at Nasa tiyempo
Nakagawa at
Nakagawa at nasa tiyempo nasa tiyempo ang isa (1)
nasa tiyempo
Tiyempo at nasa tiyempo ang lima (5) ang tatlo (3) hanggang
ang pitong
Ritmo ang walong (8) hanggang anim hanggang apat dalawang (2)
(7) dance
dance figures. (6) na dance (4) na dance dance
figures.
figures. figures. figures.
Katanggap-
Napakahusay Mahusay na Bahagyang Bihirang
tanggap na
na naisagawa naisagawa naisagawa ang naisagawa
Indayog at naisagawa ang
ang sayaw na ang sayaw na sayaw ng may ang sayaw na
Tikas sayaw na may
may indayog at may indayog indayog at may indayog
indayog at
tikas. at tikas. tikas at tikas
tikas

Sanggunian:

Magpalakas at Umunlad 5Karapatang-sipi 1986ng J.C. Palabay Interprises, Inc.

16
Aralin Tamang Pagbibigay ng Pangunang
4 Lunas Para sa Pagdurugo ng Ilong

Alamin Natin
Essential Learning Competency:
 Demonstrates appropriate first aid for common injuries or
conditions.
*Nose Bleeding

Kumusta kaibigan?
Sa araling ito maipapakita mo ang tamang pagbibigay ng pangunang lunas para sa mga
karaniwang pinsala at kondisyon ng katawan tulad ng pagdurugo ng ilong.

Balikan Natin

Ano-ano ang mga dapat tandaan at dapat isagawa sa oras ng biglaang


pangangailangan?

Dapat bang kapanayamin ang may malay na biktima? Oo o hindi? Ipaliwanag.


Tingnan mo ang larawan, natutukoy mo ba ang karaniwang pinsala at kondisyon ng
katawan?

Source: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Anime_Nose_bleed.png

17
Tuklasin Natin

A. Pag- aralan at suriin ang larawan kung ano ang maaari mong gawin kung ikaw ang kasama
ng nasa larawan. Isulat ang sagot.

Source: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Anime_Nose_bleed.png

Suriin Natin
Basahin at unawain ang mga sumusunod na impormasyon.

Ang paghahanda sa mga karaniwang pinsala at kondisyon sa katawan ay


kinakailangan ng sinuman. Nararapat na matutunan ang mga pangunang lunas upang
maisakatuparan nang epektibo, masasagip ang pagkapinsala at kung minsan ay ang
pagkawala ng buhay.
1. Pagdurugo ng Ilong Ang balinguyngoy o pagdurugo ng ilong ay isang
karaniwang kondisyon ng nangangailangan din ng
karampatang lunas.
a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa
sandalan ng upuan. Kinakailangan ito upang
mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng ilong at
maiwasan ang pagdaloy ng dugo pabalik sa iyong
katawan.
b. I masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig
habang ito ay isinasagawa. Ito ay isinasagawa upang
maiwasan ang patuloy na pagdurugo ng ilong.
c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang
pagsinga at huwag yumuko nangangailangan ang
ganitong kondisyon na mapanatili na mas mataas
ang ang iyong ulo kaysa sa iyong puso.
d. Sa patuloy na pagdurugo, gumamit na ng nasal
sprayer at sumangguni sa doktor.

Gabay naTanong:
 Paano maiwasan ang patuloy na pagdurugo ng ilong?
 Bakit kailangang lunasan kaagad ang pagdurugo ng ilong?
18
Pagyamanin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong activity notebook.
1. Paano magagamot ang karaniwang pinsala o kondisyon tulad ng pagdurugo ng ilong?
2. Bakit kailangang lunasan ang balinguyngoy o pagdurugo ng ilong?

Isaisip Natin

Ang balinguyngoy o pagdurugo ng ilong ay isang karaniwang kondisyon ng


nangangailangan din ng karampatang lunas.

a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa sandalan ng upuan. Kinakailangan ito upang
mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng ilong at maiwasan ang pagdaloy ng dugo
pabalik sa iyong katawan.
b. I-masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig habang ito ay isinasagawa. Ito ay
isinasagawa upang maiwasan ang patuloy na pagdurugo ng ilong.
c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang pagsinga at huwag yumuko
nangangailangan ang ganitong kondisyon na mapanatili na mas mataas ang ang iyong ulo
kaysa sa iyong puso.
d. Sa patuloy na pagdurugo gumamit na ng nasal sprayer at sumangguni sa doktor.

Isagawa Natin

A. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng wastong paraan, MALI kung ito ay
nagpapakita ng hindi wastong paraan ng pangunang lunas.
_______1. Umupo ng nakabaluktot at ilayo ang likod sa sandalan ng upuan.
_______2. I-masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig habang ito ay isinasagawa.
_______3. Iwasan ang pagsinga.
_______4. Panatilihing nakayuko lagi.
_______5. Panatilihing mas mataas ang ulo kaysa sa puso.
_______6. Sa pagpapatuloy ng pagdurugo gumamit ng nasal sprayer.
_______7. Huwag sumangguni sa doktor.
B. Ano ang iyong gagawin kapag nakakita ka ng isang bata na tulad mo na nagdurugo ang
kanyang ilong? Isulat ang sagot sa activity notebook.

19
Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin:
A. 1. Humingi agad ng tulong sa iba
2. Siyasatin ang pinangyarihan ng aksidente
3. Ihanda ang mga kagamitan pang- medical
4. Isagawa ang pagsisiyasat sa biktima

B. Oo, dapat kapanayamin ang taong may malay upang malaman ang mga mahahlagang detalye
tungkol sa biktima sa pangyayari.

C. Nagdurugo ang ilong ng bata.

Tuklasin Natin:
Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

Suriin Natin:
1.
a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa sandalan ng upuan. Kinakailangan ito
upang mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng ilong at maiwasan ang pagdaloy ng
dugo pabalik sa iyong katawan.
b. I- masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig habang ito ay isinasagawa. Ito ay
isinasagawa upang maiwasan ang patuloy na pagdurugo ng ilong.
c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang pagsinga at huwag yumuko
nangangailangan ang ganitong kondisyonna mapanatili na mas mataas ang ang iyong ulo
kaysa sa iyong puso.

2. Dapat lunasan agad ang pagdurugo sa ilong upang hindi ito lumala. Sa patuloy na
pagdurugo gumamit na ng nasal sprayer at sumangguni sa doktor.

Pagyamanin Natin:
1.
a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa sandalan ng upuan. Kinakailangan ito
upang mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng ilong at maiwasan ang pagdaloy ng
dugo pabalik sa iyong katawan.
b. I-masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig habang ito ay isinasagawa. Ito ay
isinasagawa upang maiwasan ang patuloy na pagdurugo ng ilong.
c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang pagsinga at huwag yumuko
nangangailangan ang ganitong kondisyon na mapanatili na mas mataas ang ang iyong ulo
kaysa sa iyong puso.
d. Sa patuloy na pagdurugo gumamit na ng nasal sprayer at sumangguni sa doktor.

2. Upang hindi na ito lumala at maagapan agad.

Isagawa Natin:
A. 1. Mali 3. Tama 5. Tama 7. Mali
2. Tama 4. Mali 6. Tama

20
B.
1. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa sandalan ng upuan. Kinakailangan ito
upang mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng ilong at maiwasan ang pagdaloy ng
dugo pabalik sa iyong katawan.
2. I-masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig habang ito ay isinasagawa.
3. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang pagsinga at huwag yumuko
nangangailangan ang ganitong kondisyonna mapanatili na mas mataas ang ang iyong
ulo kaysa sa iyong puso.
4. Sa patuloy na pagdurugo gumamit na ng nasal sprayer at sumangguni sa doktor.

Sanggunian
Commons.wikimedia.org. 2017. File:Anime Nose Bleed.Png - Wikimedia Commons. [online]
Available at: <https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Anime_Nose_bleed.png>
[Accessed 29 July 2020]

21
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like