You are on page 1of 25

Ikatlong Markahan – Modyul 9

Aralin 32 - 35
Filipino- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan: Modyul 9
Unang Edisyon, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293. Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit larawan, ngalang ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula atbp) na gina mit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang- ari ng mga kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit ditto. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module

Author/s: Rading D. Araya

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino

Selina O. Macas, PSDS
Marites B. Barrientos, Principal

Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia, Teacher

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Audie S. Borres CESE
Assistant Schools Division superintendent
Members Anacleta A. Gacasan-CID Chief ES
Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
Elsa B. Buenavidez, PSDS
May P. Edullantes, EPS-LRMS Manager
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 9 5

This instructional material was collaboratively developed and reviewed

by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya----------------------------------------------------------- iii

Nilalaman ng Modyul----------------------------------------------------------- iii
Pangkalahatang Panuto---------------------------------------------------------- iv
Icons na Ginagamit sa Modyul------------------------------------------------- v
Subukin---------------------------------------------------------------------------- vi-ix

Aralin 32:

Paggamit ng magagalang na pananalita sa pagtatanong ng direksiyon

Alamin---------------------------------------------------------------------
Balikan---------------------------------------------------------------------
Tuklasin--------------------------------------------------------------------
Suriin-----------------------------------------------------------------------
Panyamanin---------------------------------------------------------------
Isaisip----------------------------------------------------------------------
Isagawa--------------------------------------------------------------------
Susi sa Pagwawasto-----------------------------------------------------
Sanggunian---------------------------------------------------------------

Aralin 33:

Pagbibigay ng kahulugan sa salitang pamilyar at di-pamilyar sa

pamamagitan ng paglalarawan
Alamin---------------------------------------------------------------------
Balikan---------------------------------------------------------------------
Tuklasin--------------------------------------------------------------------
Suriin-----------------------------------------------------------------------
Panyamanin---------------------------------------------------------------
Isaisip----------------------------------------------------------------------
Isagawa--------------------------------------------------------------------
Susi sa Pagwawasto-----------------------------------------------------
Sanggunian---------------------------------------------------------------

Aralin 34:

Pagsusunod-sunod sa mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng

dugtungan
Alamin---------------------------------------------------------------------
Balikan---------------------------------------------------------------------
Tuklasin--------------------------------------------------------------------
Suriin-----------------------------------------------------------------------
Panyamanin---------------------------------------------------------------
Isaisip----------------------------------------------------------------------
Isagawa--------------------------------------------------------------------
Susi sa Pagwawasto-----------------------------------------------------
Sanggunian---------------------------------------------------------------
Aralin 35:

Pagsasabi kung ano ang simuno at panaguri sa pangungusap

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at panonood. Matutuhan din nga mga
mag-aaral na gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang
Wikang Filipino sa pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang

gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga

mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin

at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

iii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na

tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter jung

kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwadreno sa
Filipino.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o

sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.
iv

Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing

Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying

Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng

pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t

Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat

Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan

at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang

natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang

iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.
Nagagamit ang Magagalang na
Pananalita sa Pagtatanong ng
Aralin Direksyon
32

Alamin
Pagkatapos matalakay ang modyul na ito inaasahang malilinang ang inyong
kakayahan sa:
Nagagamit ang Magagalang na Pananalita sa Pagtatanong ng
Direksyon.
Naibibigay ang Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di-pamilyar sa
Pamamagitan ng Paglalarawan
Napagsunod-sunod ang mga Pangyayari sa Kuwento sa Pamamagitan
ng Dugtungan
Nasasabi kung ano ang Simuno at Panag-uri sa Pangungusap

Tuklasin

Ang pagiging magalang ay likas na sa ating mga Pilipino.

Gumagamit tayo ng “po” at “opo”
kung kausap natin ay mas matanda pa sa atin o mas mataas pa sa
ating posisyon. Ginagamit din natin ito sa pagtatanong ng direksyon.
Ginagamit ang katagang saan po at dito po

May dalawang klaseng direksyon

Unang direksyon
Hilga. Timog, Kanluran, Silangan
Pangalawang direksyon
Hilagang Kanluran, Hilagang Silangan, Timog Kanluran, Timog
Silangan
Pagbasa sa Usapan

“Ang Bakasyon sa Probinsya”

Bakasyon na naman. Uuwi sa probinsya ang mag- anak nina Mang Rey at Aling
Melba. Sabik na sabik na makarating sa probinsya ang mga anak nilang sina Jess at Luther,
kaya habang naglalakbay ay panay ang kwentuhan.

Jess: Inay, sabik na sabik na po akong Makita ang nayon nina Lolo Ding at
Lola Maring.

Luther: Si kuya talaga, makakarating din tayo doon. Inay, saang bahagi po ba
ng Laguna matatagpuan ang Luisiana?

Aling Melba: Ang Luisiana ay matatagpuan sa Timog- silangan ng Laguna. At sina

Lolo at lola ay sa bukid nakatira.

Jess: Kaya nga po, gusto kong magbakasyon doon.

Mang Rey: Oh, malapit na tayo, tiyak na naghihintay na ang Lolo at Lola n’yo.

Nang makarating sila sa tahanan nina lolo Ding at Lola Maring, agad silang
sinalubong, nagyakap- yakap at nagmano sa dalawang matanda. Pagkatapos masaya
silang nagsalu-salo sa tanghalian na inihanda ni Lola Maring.

Lola Maring: Mga anak, magpahinga muna kayo. Alam kong napagod kayo sa
biyahe.

Luther: Hindi po kami napagod. Gusto na po naming mamasyal at maglibot sa

bakuran.

Jess: Oo nga po Lola.

Lolo Ding: O sige, sasamahan ko na kayo.

Jess: Kami na lang po Lolo. Paki turo n’yo na lang po ang direksyon
pagpunta doon.

Lolo Ding: O sige, saan n’yo ba gustong pumunta?

Luther: Doon po sa halamanan, kasi tiyak n maraming gulay at prutas doon.

Saan po ba kami pwedeng dumaan patungo roon?

Lolo Ding: Mula dito sa harapan na ating tahanan, lumakad kayo pakanan.
Matatanaw n’yo ang kubo, sa gawing Silangan nito, matatagpuan ang halamanan.

Mang Rey: Naku, tiyak na marami doong gulay at prutas na katakam- takam.
Lola Maring: At sa dakong Timog naman, may malalaking puno na nabibigay ng
lilim.

Aling Melba: Ay, doon masarap magpahinga lalo na’t nakahiga sa duyan.

Luther: Gusto din naming doon Inay.

Jess: Saan naman po kami pupunta upang makita ang malawak na bukirin
at magagandang tanawin?

Lolo Ding: Sa dakong Hilaga ng kubo, matatanaw n’yo ang malawak na bukirin at
ang magagandang tanawin, tulad ng Bundok Banahaw.

Mang Rey: Mga anak, huwag kayong magmadali, malilibot natin lahat iyon bago
tayo umuwi.

Luther/ Jess: Yehey! Talagang masarap magbakasyon dito sa probinsya.

Panuto: Sagutin ang mga tanong

1. Saang bahagi ng Laguna matatagpuan ang bayan ng Luisiana?

2. Anu-ano ang matatagpuan sa bakuran nina Lola Maring at Lolo Ding?

3. Paano nalaman nina Jess at Luther ang lugar na nais nilang marating
at makita sa lugar nina Lolo Ding at Lola Maring?
Suriin
Panuto: Magbigay ng limang (5) magagalang na pananalita na ginagamit sa
pagtatanong ng direksyon mula nabasang usapan.
Pagyamanin

Panuto: Gamitin sa pangugusap ang mga salitang ito

A. Sa kanan po ba
B. Saan po
C. Dito po ba
D. Sa gitna po ba
E. Sa paaanan po ba
Isaisip

Panuto: Isulat ang direksiyong katatagpuan sa mga sumusunod na lugar na nasa mapa

1. Mataas na Paaralan ng San Pedro

2. Mababang Paaralan ng San Pedro
3. Shara Theater
4. Lasang Pinoy
5. Paradahan ng Dyip
6. Botika
7. Mabini St.
8. Bangko
9. Plaza
10. Filgas
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang usapan na ginagamit ang magagalang na pananalita sa

pagtatanong ng direksyon.

___________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Tuklasin
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Suriin
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Pagyamanin
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Isaisip
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Isagawa
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Sanggunian
Batayang Aklat sa Grade 5, Alab Filipino p.158
Manwal ng Guros sa Grade 5, Alab Filipino p.102
Batayang Aklat sa Grade 5, Hiyas sa Wika 156
Nasasabi kung ano ang Simuno at
Aralin Panag-uri sa Pangungusap
35

Alamin
Pagkatapos ng aralin na ito inaasahang malilinang ang inyong kakayahan sa:

Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri sa pangungusap

Balikan
.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung ang gamit ng mga
salitang may salungguhit ay pang-uri o pang-abay.

__________1. Mainit ang kapeng ininom ni Nanay.

__________2. Talagang matalinong bata si Elsa.
__________3. Naglagay ako ng sariwang bulaklak sa plorera.
__________4. Masayang ikinuwento ni Liza ang kanyang karanasan.
__________5. Totoong mabilis lumundag ang kuneho.

1.

Tuklasin

May dalawang bahagi ang pangungusap ito ay ang simuno at panag-uri

Simuno - ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.

Panag – uri – ang nagsasabi tungkol sa simuno.
Ang pangngalan at panghalip ang mga bahagi ng pananalita na ginagamit na simuno
at ang pandiwa at ang pang-uri ang ginagamit na panag-uri
Halimbawa:

1. Ang bakasyon ay masaya

Simuno: – ang bakasyon

Pang-uri: – ay masaya

2. Kami ay nagpiknik sa bukid

Simuno: Kami
Panag-uri: ay nagpiknik sa bukid
Panuto: Basahin ang kuwento na nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasa.

“Ang Bakasyon sa Probinsya”

Bakasyon na naman. Uuwi sa probinsya ang mag- anak nina Mang Rey at Aling
Melba. Sabik na sabik na makarating sa probinsya ang mga anak nilang sina Jess at Luther,
kaya habang naglalakbay ay panay ang kwentuhan.

Jess: Inay, sabik na sabik na po akong Makita ang nayon nina Lolo Ding at
Lola Maring.

Luther: Si kuya talaga, makakarating din tayo doon. Inay, saang bahagi po ba
ng Laguna matatagpuan ang Luisiana?

Aling Melba: Ang Luisiana ay matatagpuan sa Timog- silangan ng Laguna. At sina

Lolo at lola ay sa bukid nakatira.

Jess: Kaya nga po, gusto kong magbakasyon doon.

Mang Rey: Oh, malapit na tayo, tiyak na naghihintay na ang Lolo at Lola n’yo.

Nang makarating sila sa tahanan nina lolo Ding at Lola Maring, agad silang
sinalubong, nagyakap- yakap at nagmano sa dalawang matanda. Pagkatapos masaya
silang nagsalu-salo sa tanghalian na inihanda ni Lola Maring.

Lola Maring: Mga anak, magpahinga muna kayo. Alam kong napagod kayo sa
biyahe.

Luther: Hindi po kami napagod. Gusto na po naming mamasyal at maglibot sa

bakuran.

Jess: Oo nga po Lola.

Lolo Ding: O sige, sasamahan ko na kayo.

Jess: Kami na lang po Lolo. Paki turo n’yo na lang po ang direksyon
pagpunta doon.

Lolo Ding: O sige, saan n’yo ba gustong pumunta?

Luther: Doon po sa halamanan, kasi tiyak n maraming gulay at prutas doon.

Saan po ba kami pwedeng dumaan patungo roon?

Lolo Ding: Mula dito sa harapan na ating tahanan, lumakad kayo pakanan.
Matatanaw n’yo ang kubo, sa gawing Silangan nito, matatagpuan ang halamanan.

Mang Rey: Naku, tiyak na marami doong gulay at prutas na katakam- takam.

Lola Maring: At sa dakong Timog naman, may malalaking puno na nabibigay ng

lilim.
Aling Melba: Ay, doon masarap magpahinga lalo na’t nakahiga sa duyan.

Luther: Gusto din naming doon Inay.

Jess: Saan naman po kami pupunta upang makita ang malawak na bukirin
at magagandang tanawin?

Lolo Ding: Sa dakong Hilaga ng kubo, matatanaw n’yo ang malawak na bukirin at
ang magagandang tanawin, tulad ng Bundok Banahaw.

Mang Rey: Mga anak, huwag kayong magmadali, malilibot natin lahat iyon bago
tayo umuwi.

Luther/ Jess: Yehey! Talagang masarap magbakasyon dito sa probinsya.

Panuto: Sagutin ang mga tanong

1. Saang bahagi ng Laguna matatagpuan ang bayan ng Luisiana?

2. Anu-ano ang matatagpuan sa bakuran nina Lola Maring at Lolo Ding?

3. Paano nalaman nina Jess at Luther ang lugar na nais nilang marating
at makita sa lugar nina Lolo Ding at Lola Maring?

Suriin
Pagbasa sa pangungusap hango sa usapan

a. Ang Luisiana ay matatagpuan sa timog silangan ng Laguna

b. Sina Lolo Ding at Lola Maring ay nakatira sa nayon

Basahin ang mga pangungusap.

a.. Ang Luisiana ay matatagpuan sa timog silangan ng Laguna
Simuno:
Ang Luisiana
Panag-uri:
Ay mataagpuan sa timog silangan ng Laguna
b. Sina Lolo Ding at Lola Maring ay nakatira sa nayon
Simuno:
Sina Lolo Ding at Lola Maring
Panag-uri:
Ay nakatira sa nayon
Pagyamanin

A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap Salungguhitan ng minsan ang buong simuno at
nang makalawa ang panag-uri .

1.Si Ashid ay nasiyahan sa pamamasyal.

2. Ang magandang pook sa ating lugar ay dapat panatilihing malinis at maayos.
3. Ang kinikita ng bansa sa turismo ay malaki.
4. Ang buwis ay mahalaga sa pagpapaunlad ng bayan
5. Ang taong bayan ay naglilinis sa pasyalan.
B. Panuto: Buuin ang pangungusap gamit ang simuno o panag-uri .

1. ____________ ay kumuha ng bulaklak sa harden.

2. Ang mga hayop __________________________.
3. Sina Nilo at Rey _________________________.
4. Malakas ang ulan kagabi _______________________.
5. Mapapalad ang mga batang _____________________.

Isaisip

Ang simuno ay ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. .

Ang panag-uri ay ang nagsasabi tungkol sa simuno.

Gumupit ng larawan ng lugar na nais mong marating. Sumulat ng 3 pangungusap tungkol

dito. Salungguhitan ang simuno at panag-uri
Isagawa
Panuto: Tukuyin kung ang salita naksalungguhit ay isang simuno o panag-uri.
Isulat ang S kung ito ay simuno at P
naman kung ito ay panag-uri. Isulat ang mga tamang sagot.

1. Ang mga mag-aaral ay masayang tumulong sa paglilinis..

2. Si Ica ang pinakamatalino sa klase.
3. Si Lito ay nanunuod ng magandang palabas.
4. Mayaman sa kabutihan ang mga mag-aaral.
5. Pumasok sa paaralan ng maaga si Ester.
6. Sumasayaw sa intablado sina Peter at Alma.
7. Ang mga sasakyan sa daan ay nag-uumpungan.
8. Si Pia ay mabusisi sa mga aplikante sa kanilang tanggapan.
8. Naglalaro sa plasa ang magkaibigan.
9. Mabagal magsulat si Alan.
10. Si nanay ay bumili ng magagandang damit.
Susi sa Pagwawasto

Balikan
1. Pang-uri
2. Pang-abay
3. Pang-uri
4. Pang-abay
5. Pang-abay

Pagyamanin
A.
1.Si Ashid ay nasiyahan sa pamamasyal.
2. Ang magandang pook sa ating lugar ay dapat panatilihing malinis at maayos.
3. Ang kinikita ng bansa sa turismo ay malaki.
4. Ang buwis ay mahalaga sa pagpapaunlad ng bayan
5. Ang taong bayan ay naglilinis sa pasyalan

B
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Isagawa
1. S
2. S
3. P
4. P
5. S
6. S
7. P
8. P
9. P
10.S

Sanggunian:
Batayang Aklat sa Grade 5, Alab Filipino p.158-161
Manwal ng Guros sa Grade 5, Alab Filipino p.102-106

You might also like