You are on page 1of 36

NOT

5
MAPEH
Quarter 2 - Module 2

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2- Modyul 2:
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan
ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari
ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module
Authors: Rene L. Bation Lennie V. Rico

Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas


Fernando D. Sumondong Joseph M. Amisola

Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos


Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
ii
5
MAPEH 5
Ikalawang Markahan - Modyul 2
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- v
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- v
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- v
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- vii
Aralin 1: Pagtutukoy sa mga Pitch Names sa Bawat Linya
at Puwang sa F-Clef Staff
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 2
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 3
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 4
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 4
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 5
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 6
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 6

Aralin 2: Pagtatalakay sa mga Katangiang Arkitektura


ng mga Tanyag at Makasaysayang Lugar
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 7
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 7
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 8
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 9
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 12
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 12
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 13
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 14
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 14

Aralin 3: Mga Likas na Katangian ng Larong Patintero


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 15
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 15
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 16
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 18
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 19
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 19
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 20
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 21
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 21
Aralin 4: Mga Pagbabagong Emosyonal at Sosyal na Nagaganap
sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 22
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 22
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 23
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 25
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 25
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 26
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 26
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 27
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 28

iv
Modyul 2
MAPEH (Ikalawang Markahan)

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol sa
melodiya, pisikal na mga gawain at fitness, invasion games, linya, kulay, space at harmony sa
pagpipinta ng iba’t ibang landscapes, pagdadalaga at pagbibinata, sex at gender.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito may apat na elemento: Music, Arts, Physical Education, at Health.
Tampok dito ang mga konsepto ng pitch names sa bawat linya at puwang sa F-Clef staff, mga
katangiang arkitektura ng mga tanyag at makasaysayang lugar, mga likas na katangian ng larong
patintero, at mga pagbabagong emosyonal at sosyal na nagaganap sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga.

Nagsisimula ang modyul na it sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-aaral


ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Balikan kung saan
masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Sinusundan ito ng pag-uugnay
ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga mag-


aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin at sa


bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang mabuti
ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang regular. Sundin
mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga
nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter jung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-aral.
v
3. Maglaan ng kwaderno para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain
at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga
pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning pagkatuto at
mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vi
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

vii
Aralin Pagtutukoy sa mga Pitch Names sa
1 Bawat Linya at Puwang sa F-Clef Staff

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Identifies the pitch names of each line and space on the F-Clef staff.

Balikan Natin
Gawing drill and Kodaly Method

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Punan ang mga nawawalang so-fa syllables sa staff ng F-Clef na nasa ibaba.

Source: https://pt.slideshare.net/nomis2x/music-theory-lesson/11
Anong so-fa syllable ang makikita sa unahang nota na nasa ibaba?
Pang ilang linya ng F-Clef Staff ang so-fa syllable na fa? _

1
Tuklasin Natin

Do Re Mi Fa So La Ti Do
Source: https://happynote.com/music/music-theory-clefs-treble-bass-alto-tenor/

Tingnan ang mga nota sa larawan ng F-Cleff Staff!


Saang puwang nakalagay ang lower Do? Saang linya nakalagay ang higher Do?
Ano-ano ang iyong napapansin sa pagkakalagay sa mga nota nito?

Alam mo ba na may mga pitch name din ang bawat linya at puwang katumbas ng
so-fa syllables nito?

Suriin Natin

Bawat linya at puwang sa staff ay mayroong iba’t-ibang pitch name. Tingnan ang
larawan sa ibaba.

C E G B
do mi so ti
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
Ang iyong nakita sa itaas ay ang mga pitch names na (C-E-G-B) sa staff. Madali
mong matatandaan ang mga ito kung gagamitin ang acronym na Cage Every Good Boy.
Samantalang ang nasa ibaba na (do – mi – so - ti) ay ang pangalang so-fa syllables.
Bawat pitch name ay nagsisimula sa ikalawang puwang sa ibaba, sinundan naman
ng pangatlong puwang, pang-apat at ang puwang sa pagitan ng panlimang linya at ng
ledger line.

Ngayong alam mo na ang mga pitch names sa bawat puwang o space sa staff, pag-
aralan naman natin ang mga pitch names na makikita sa bawat linya ng staff.

2
Tingnan at pag-aralan ang nasa ibaba.

D F A C
re fa la do
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Ang iyong nakikita sa itaas ay ang mga pitch names (D-F-A-C) na makikita sa bawat linya
ng staf fsa F-Clef. Madaling matandaan kung kabisaduhin ang acronym Dog Food At Cage.
Samantalang ang nasa ibaba nito na (re – fa – la – do) ang mga pangalang so-fa syllables.

Ang unang pitch name ay nagsisimula sa pangatlong linya sa ibaba at sinundan ng pang-
apat na linya, panglima at ang pinakamataas na pitch na nasa ledger line

Subukan Natin!
Isulat sa loob ng nota ang mga pitch name sa bawat puwang at linya ng F-Clef Staff.

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Isaisip Natin
Ano-ano ang mga pitch name at so-fa syllable sa bawat puwang ng F-Clef
Staff?
Ano-ano ang mga pitch name at so-fa syllable sa bawat linya ng F-Clef Staff?
Ano ang kahalagahan ng mga pitch name sa isang awitin?

Pagyamanin Natin
A. Iguhit ang F-Clef sa staff at lagyan ng mga pitch name at so-fa syllable ang bawat
puwang nito.

Pitch Name
So-Fa Syllable

B. Iguhit ang F-Clef sa staff at lagyan ng mga pitch name at so-fa syllable ang bawat linya
nito.

Pitch Name
So-Fa Syllable

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Isagawa Natin
Direksiyon: Tukuyin at isulat sa mga nota o bilog ang mga pitch name na makikita
sa bawat linya at puwang ng F-Clef Staff.

Do Re Mi Fa So La Ti Do

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

5
6
https://pt.slideshare.net/nomis2x/music-theory-lesson/11
https://happynote.com/music/music-theory-clefs-treble-bass-alto-tenor/
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
Sanggunian
Balikan Natin:
 Sagot: do, fa, so ti
Tuklasin Natin:
 lower do – 2nd space
 higher do – ledger line (above)
Suriin Natin:
 Subukin Natin!
 C, E, G, B
 D, F, A, C
Isaisip Natin:
 C, E, G, B – do, mi, so, ti
 D, F, A, C – re, fa, la, do
 Maaaring magkakaiba ang sagot
Pagyamanin Natin:
 C, E, G, B
 D, F, A, C
Isagawa Natin:
Susi Sa Pagwawasto
Aralin Pagtatalakay sa mga Katangiang
2 Arkitektura ng mga Tanyag at
Makasaysayang Lugar

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 discusses the architectural features of the places visited or seen on pictures.

Ang aralin na ito ay magtuturo sa inyo tungkol sa mga katangiang arkitektura ng


mga tanyag at makasaysayang lugar.
Handa ka na ba?

Balikan Natin

Noong nakaraang aralin ay tinalakay at napuntahan na natin ang mga iba’tibang


natural at makasaysayang lugar na matatagpuan sa Pilipinas.

Ang mga larawan na nasa ibaba ay iilan sa mga natural at makasaysayang lugar.
Pangalanan ang mga ito.

1 2 3

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/

7
Tuklasin Natin

Kaya mo bang sagutin?

Ano-ano ang mga katangiang arkitekturang ginagamit sa mga larawang nasa ibaba?
Paano ito nakapagpapatibay at nakapagpapaganda sa isang lugar, gusali o simbahan?

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/

Suriin Natin

Ang Simbahan ng Paoay ay isang gusaling


parihaba o tila krus na hugis. May makakapal na
dingding ito na pinatibay ng makakapal na poste
na gawa sa bato sa gilid ng simbahan. Nagsisilbi
rin itong matibay na dingding sa panahon ng
lindol.
Ang simbahan ay malaki at may malawak
na anyo ngunit maliliit at mahirap pasukin. Dito
kadalasan sumisilong ang mga tao sa panahon ng
bagyo, lindol, o pagsasalakay ng mga pirata.

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/

8
Ang Simbahan ng Miag-ao sa Iloilo
Ang simbahan ng Santo Tomas de
Villanueva, kilala bilang Simbahan ngMiag-ao
ay itinayo noong 1786. Katangi-tangi ang
estilong arkitektura nito. Ang estilong Rococo
ay sumikat noong ika-18 siglo sa huling bahagi
ng panahon ng Baroque. Ang sining na ito ay
puno ng kaakit-akit na palamuti, liko-likong
linya, samut-saring anyo at hugis ngunit may
isang diwa.
Sa unang pagtingin, nahahawig ito sa
kanluraning anyong arkitektura sa Europa ngunit
kung susuriin, taglay ng disenyo ang mga anyong
tunay na kaloobang Pilipino.

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/

Ang Simbahang ng Santa Maria sa Ilocos Sur


Ang simbahanng Our Lady of the
Assumption ay kilala bilang simbahan ng Santa
Maria. Ito ay itinayo noong 1765 sa ibabaw ng
burol sa Ilocos Sur. Ang anyo ng simbahan ay
tulad ng kutang tanggulan (fortress) na gawa sa
ladrilyo (bricks) at pinagdikit na mortar o
pinaghalong apog, buhangin, at tubig.
Ang walumpu’t limang hagdanang gawa
sa matigas na batong granite ay nagsisilbing
hagdan para makarating sa simbahan ay nahahati
sa tatlong malalakingbahagi. Ang malawak na
patyo (courtyard) ng simbahan ay napakainam na
lugar upang masilayan mula itaas ang kaakit-akit
na tanawing Santa Maria, Ilocos Sur.

Source: Mercado, B. (2020). Baktin Corporation. Retrieved 31 May 2012, from


http://www.baktincorporation.com/2012/05/sta-maria-asunta-church-santa-maria/

Ang larawang ito ay isa sa mga sikat at


makasaysayang lugar ng matatagpuan sa
Syudad ng Ozamiz, ano ang pangalan sa
lugar na ito?
_____________________________________

Ilarawan ang mga katangiang arkitektura


ng lugar na ito.
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Source: https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-g1392978-d7096798-
i239786714-Cotta_Fort Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html
9
Pagyamanin Natin

1. Pumili ng isang makasaysayang lugar, gusali o simbahan at iguhit o ipinta ito.


Ilarawan ang mga natatanging detalye nito. Basahin at sundan ang mga hakbang.

Mga Kagamitan:
 krayola o poster color/acrylic paint
 mga gamit sa pagguhit o pagpinta
 tela o papel
 lapis
 pambura
 lumang pahayagan para sa pagpipinta

Hakbang sa Paggawa:
1. Magsapin ng lumang pahayagan sa mesa o lugar ng pagpipinta. Ihanda ang lahat ng
kagamitan.
2. Iguhit ang hugis at anyong simbahan ng maninipis na linyang lapis. Siguraduhing wasto
ang scale nito.
3. Iguhit ang mga natatanging bagay at anyong simbahan gaya ng mga ukit sa pintuan,
arkong bintana, at pintuan, kampanilya (bell tower), at iba pa. Isaalang-alang ang
proportion ng laking mga ito sa laki ng mismong simbahan.

Scale – kinukumpara ang subject sa laki n gtao.


Proportion – pinupunan o pinapareho ang laki ng larawan sa laki ng
buong papel o kagamitang ginuguhitan.

Halimbawa:

Source: Halinang Umawit at Gumuhit 5

10
Rubrik
Higit na Nasusunod ang Hindi nasunod ang
nasusunod ang pamantayan sa pamantayan sa
pamantayan sa pagbuo ng likhang- pagbuo ng likhang-
Mga Sukatan pagbuo ng sining sining
likhang-sining
5 3 2
1. Naihanda
ang
kumpletong
kagamitan
bago
magsimulasaga
wain.
2. Gumamit
lamang ng
angkop na
kagamitan at
materyales
para sa gawain.

3. Naguhit ang
hugis at anyo
ng simbahan o
gusali
gayundin ang
mga detalye
nito tulad ng
mga ukit sa
pintuan, arko
sa bintana, at
iba pa.
4. Wasto ang
scale at
proportion ng
iginuhit na
simbahan.
5. Naging
malikhain sa
paggamit ng
mga
kumbinasyon
ng kulay
ngunit
ginawang
makatotohanan
ang kabuuan
ng likhang-
sining.

11
2. Ilarawan ang kaibahan ng mga katangiang arkitektura ng mga lumang simbahan o
lugar sa mga bagong simbahan o lugar. Isulat ito sa loob ng graphic
organizer. Sa loob ng arrow, isulat ang kontribusyong naibigay ng mga lugar na ito sa
ating bansa.

Lumang Katangiang Arkitektura Bagong Katangiang Arkitektura


ng Isang Makasaysayang Lugar ng Isang Makasaysayang Lugar

Isaisip Natin
Direksiyon: Talakayin at isulatsa Graphic Organizer ang mga
katangiang arkitektura ng mga tanyag at makasaysayang
lugar na makikita sa Pilipinas.

Katangiang
Arkitektura ng
mga Tanyag at
Makasaysayang
Lugar saPilipinas

Mahalaga ba atin ang mga tanyag at makasaysayang lugar sa Pilipinas? Ipaliwanag kung
bakit.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
12
Isagawa Natin
Manaliksik ng isang tanyag o makasaysayang gusali o simbahan tungkol sa katangiang
arkitektura nito at sumulat ng isang talata na nagsasalaysay tungkol dito. Talakayin ang
kahalagahan nito sa ating kasaysayan at kultura.

Rubrik
Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Bahagyang Pang
(4) (3) Mahusay Paunlarin
(2) (1)
1. Angkop ang konsepto batay kung
ano ang isinalaysay.
2. Wasto ang gramatika at pagbaybay
ng mga salita.
3. Malinis at maayos ang
pagkakagawa.
4. Orihinalidad

13
14
http://www.baktincorporation.com/2012/05/sta-maria-asunta-church-santa-maria/
Mercado, B. (2020). Baktin Corporation. Retrieved 31 May 2012, from
Halinang Umawit at Gumuhit 5
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
Sanggunian
Balikan Natin:
1. Paoay Church in Ilocos Norte
2. Hagdan-hagdangpalayanngBanaue
3. Puerto Princesa-Subterranean River
Suriin
1. Cotta Shrine – Ozamiz City
2. - Paggamit ng semento at bakal para sa pagpapatayo at pagpapaganda
nito.
- Paglalagay ng mga pintura para sa pagpapaganda nito.
- Pagtatanim at paglalagay ng mga halaman sa gilid at loob ng Cotta
Shrine upang maganda tingnan.
- Paglalagay ng imahe ng Mahal na Berhin.
- Paglalagay ng mga upuan at espasyo para sa mga turista at deboto
na nanampalataya.
Pagyamanin Natin:
1. Maaaring magkakaiba ang sagot.
2. Maaaring magkakaiba ang sagot.
Isaisip Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Isagawa Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Susi sa Pagwawasto
Aralin Mga Likas na Katangian ng
3 Larong Patintero

Alamin Natin

Essential Learning Competencies:

a. explains the nature/background of the game


b. observes safety precautions
c. executes the different skills involved in the game
d. displays joy of effort, respect for others and fair during participation in physical activities

Balikan Natin

Tingnang mabuti ang mga larawan. Kilala mo ba ang mga nasa larawan? Bakit kaya sila
nagtagumpay sa ka- nilang larangan? Ano-anong katangian ang kanilang tinataglay na
siyangdahilan upang magampanan nila nang maayos at mahusay ang kanilang mga gawain?

Ano-ano ang mga kinahihiligan mong laro? Paano ito laruin?

Source: Rappler. (2019). Retrieved from https://www.rappler.com/sports/by-sport/boxing-


mma/pacquiao/222397-possible-fights-for-manny-2019
LRMDS Division of Cabanatuan City

15
Tuklasin Natin

Batay sa mga nakitang larawan, tukuyin kung ano ang tawag sa larong ipinapakita.

1.

2.

3.

4.

Sources:
https://sports.yahoo.com/news/ranking-the-10-best-college-basketball-games-of-2016-175040837.html
https://tiebreakertimes.com.ph/tbt/philippines-romps-malaysia-in-womens-volleyball-opener/93782
https://365greatpinoystuff.wordpress.com/2010/06/23/174-luksong-tinik/
https://kambyero.wordpress.com/2013/04/01/review-patintero/

16
Nasubukan mo na bang maglaro ng patintero? Sa araling ito ay maglalaro tayo ng patintero.

Suriin Natin

Ang paglalaro kasama ng mga kamag-aral o kaibigan ay lubhang kasiya-siya.


Bukod sa kasiyahan, ang mga laro ay nakatutulong sapagsasanay ng physical fitness
components. Halimbawa ng mga larong ito ay patintero, agawan panyo at agawan base.
Ang mga ito ay mga larong Pinoy na nabibilang sa invasion games.

Ang invasion game ay uri ng laro na ang layunin ay ‘lusubin’ o pasukin ng kalaban
ang iyong teritoryo. Nililinang nito ang tatag at lakas ng kalamnan, bilis at liksi ng
katawan.

Source:
wyziewonderland.wordpress.com. Retrieved from
https://wyxiewonderland.wordpress.com/2011/10/22/patintero/

Ang larong Patintero ay isang uri ng larong invasion game kung saan ang layunin
ng laro ay lusubin o pasukin ang teritoryo ng kalaban.

Ito ay nilalaro ng dalawang pangkat na karaniwang binubuo ng lima o higit


pangmiyembro.

17
Mga Alituntunin sa Paglalaro ng Patintero;

1. Bumuo ng dalawang pangkat na magkapareho ang bilang.

2. Gumuhit ng mga linyang pahaba at pahalang na pantay ang mga sukat.

3. Pumili ng lider o patotot sa bawat grupo. Alamin kung sino muna ang tayang grupo. Ang patotot
lamang ang maaaring tumaya sa likod ng kahit sinong ‘kalaban’.

4. Ang tayang pangkat ay tatayo sa mga linya. Susubukang lampasan ng kabilang grupo ang bawat
bantay ng linya nang hindi natatapik ang anumang bahagi ng katawan. Kung maynatapik na
bahagi ng katawan, magpapalit ang tayang pangkat.

5. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang linya, hanggang sa huling linya, at
pabalik upang magkapuntos.

6. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos sa loob ng takdang oras ang panalo.

Pagyamanin Natin

Tingnan ang nasa larawan.

Sa paglalaro ng patintero, hindi natin maiiwasan ang madapa, masusugatan o di kaya’y


magasgasan sapagkat nangangailangan ng bilis at liksi sa paglalaro nito. Maari tayong madapi
ng ating kalaban kaya’t kinakailangan ng sapat na pag-iingat upang hindi masaktan.

Kung makitang nadapa ang kasama sa paglalaro o di kaya ay nasaktan, dapat siyang tulungan sa
halip na pagtawanan o pabayaan.

Source: https://www.pinterest.ph/pin/604537949951797237/

18
Halina’t Maglaro!

Panuto: Laruin ang larong patintero kasama ang mga kasapi ng pamilya. Siguraduhing
nasusunod ang mga alituntunin o pamamaraan ng paglalaro ng patintero. Gawing gabay
ang rubric na nasa ibaba.

RUBRIK

Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Bahagyang Pang
(4) (3) Mahusay Paunlarin
(2) (1)
1. Nasusunod ang mga pamamaraan
sa paglalaro.
2. Naipapakita ang magandang
katangian ng isang mabuting
manlalaro.
3. Nakapaglalarong may kahusayan
at pakikiisa sa grupo.
4.Naisagawa ng buong ingat ang
paglalaro ng patintero.

Isaisip Natin

Pinakamadalas nating laruin noong bata pa tayo ay ang larong Patintero. Kilala
din ito sa tawag na Harangang Taga. Nangangailangan ito ng dalawang koponan. Isang
koponan sa pagtawid at isang koponan naman sa pagharang.Kinakailangang mag-ingat
ang buong koponan sa pagtawid dahil masalat lang ng bantay kahit isa sa kabilang
koponan ay matataya na sila.

Kinakailangan ng bilis at liksi upang manalo sa laro. Kinakailangan din ng sapat na pag-
iingat upang hindi masaktan.

Mahalaga rin ang pagkakaisa o tinatawag nating teamwork dahil isa ito sa mga
susi upang maging maayos at manalo sa laro.

19
Isagawa Natin

A. Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga benepisyong makukuha sa paglalaro ng


patintero.

Mga Benepisyong
Makukuha sa
Paglalaro ng
Patintero

A. Panuto:Isulat sa inyong diary ang mga natutuhan tungkol sa paglalaro ng Patintero.

20
Susi sa Pagwawasto

B.. Maaaring magkakaiba ang sagot

A. Maaaring magkakaiba ang sagot


Isagawa Natin:

Maaaring magkakaiba ang pagganap


Pagyamanin Natin:

4. patintero
3. luksong tinik
2. volleyball
1. basketbol
Tuklasin Natin:

Maaaring magkakaiba ang sagot


Balikan Natin:

Sanggunian
LRMDS Division of Cabanatuan City

MAPEH 5 in Action Worktext in Music, Arts,Physical Education, and Health, Copyright 2016,
REX Bookstore

Rappler. (2019). Retrieved from https://www.rappler.com/sports/by-sport/boxing-


mma/pacquiao/222397-possible-fights-for-manny-2019

https://tiebreakertimes.com.ph/tbt/philippines-romps-malaysia-in-womens-volleyball-
opener/93782

https://365greatpinoystuff.wordpress.com/2010/06/23/174-luksong-tinik/

https://kambyero.wordpress.com/2013/04/01/review-patintero/
wyziewonderland.wordpress.com. Retrieved from
https://wyxiewonderland.wordpress.com/2011/10/22/patintero/
https://www.pinterest.ph/pin/604537949951797237/

21
Aralin Mga Pagbabagong Emosyonal at Sosyal
4 na Nagaganap sa Panahon ng
Pagbibinata at Pagdadalaga

Alamin Natin

Essential Learning Competency


 recognizes the emotional and social changes during puberty as a normal part of growth
and development

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang matutukoy ang mga emosyonal na


pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata at nakatatalakay sa mga
negatibong resulta nito sa kalusugan at maging sa hind inaasahang pagbubuntis.

Balikan Natin

Source: https://www.pinterest.ph/pin/209980401362184135/
Tingnan ang mga mukha. Aling kulay ang nagpapakita ng saya? lungkot? galit at
pagkamangha?
Naranasan mo na ba ang iba’t ibang emosyong ipinapakita? Ano-ano ang mga
dahilan bakit ka nagkaroon ng ganitong mga emosyon?

22
Tuklasin Natin
E-konek ang mga larawan na nasa Hanay A sa mga tamang kahulugan nito na nasa Hanay
B.

Hanay A Hanay B

1. a. umiiyak

Source: https://www.sheknows.com/parenting/articles/962407/when-your-tween-is-moody/

2. 2. nahihiya

Source: https://parenting.firstcry.com/articles/emotional-and-psychological-changes-when-pregnant/

3. 3. Nalulungkot

Source: https://mildtbinorthernhospital.wordpress.com/signs-symptoms/

4. 4. Hindi inaasahang
pagbubuntis

Source: https://blushin.com/8-emotional-changes-that-occur-during-puberty.html

5. 5. Masaya

Source: https://blushin.com/8-emotional-changes-that-occur-during-puberty.html

23
Suriin Natin
Pagbabagong Sosyal at Emosyonal

Malaki rin ang pagbabago sa kaisipan ng bawat isa sa panahong ito na maiuugnay din
sa pagbabago sa lebel ng hormones sa katawan. Dahil dito, maaaring magbago ang kakayanan
ng isang tao sa pagdedesisyon, pagpaplano sa buhay, emosyon sa bawat kaganapan sa buhay,
at mga bagay na ikaliligaya. Sa madaling salita, maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa
personalidad ng isang tao sa panahong ito.

Ang pagbabago sa lebel ng hormones at mentalidad ng isang tao ay maaaring


makaapekto rin sa mga pagbabago sa pakikisalamuha at paraan ng pag-iisip ng isang tao.
Nagbabago ang kakayanan ng isang tao na matuto ng mga bagong kaalaman at kakayanan,
gayundin ang pagbibigay ng rason, lohika, at maging pananaw sa buhay. Ang impluwensya ng
kultura at lipunan ay mahalagang salik din sa pagbabagong ito.

Ang mga pagbabagong ito ay tulad ng mga sumusunod:


1. Nagkakaroon ng “crush” o paghanga.
2. Naglalahad ng problema o opinion sa kaibigan.
3. Nagkakaroon ng mga grupo o kaibigan.
4. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili.
5. Nagiging responsible sa mga bagay-bagay tulad ng sa
pag-aaral, sa pamilya, sa kaibigan at gawaing bahay.
6. Nakakapagpasya.
7. Nagiging matured ang ugali at angkop ang kilos sa
edad.

Sa Pag-uugali:
Ang nagdadalaga ay nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang palaging
nagsasalamin upang pansinin ang sarili o nagiging self-conscious. Nagiging palaayos
din siya sa katawan at pananamit. Nagiging palahanga at nagkakaroon ng iniidolo at
ginagawang modelo.

Ang nagbibinata naman ay nagiging mapusok at nagpapapansin sa mga


hinahangaan. Nagiging mapaghanap din siya ng pagkilala at pagtanggap. Ang ibang
nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling mapaghimagsik lalo na kung naguguluhan sila
at hindi nila naiintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang kilos at ugali
nila ay nagiging palaban at mapusok. Kailangan nila ng sapat na pamamatnubay at pag-
unawa ng mga magulang at nakatatanda upang maintindihan nila ang kanilang sarili.

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5 quarter


2-lms.html

24
Direksiyon: Lagyan ng masayang mukha kung nagpapakita ng wastong
paraan ng pag-iwas sa maaga at di-inaasahang pagbubuntis at malungkot na
mukha kung hindi.

________1. Iwasang magpaabot ng dilim sa daan.


________2. Sumama sa mga barkada o kaibigang lalaki sa gimmick.
________3. Makinig sa payo ng magulang.
________4. Magboyfriend lamang pag nasa wastong gulang na.
________5. Iwasang sumama sa boyfriend kung saan-saan.
________6. Makipag-inuman sa barkada at kaibigang lalaki.
________7. Iwasang maglakad sa madidilim na kalsada at lugar.
________8. Ipaalam sa magulang ang mga pupuntahan.
________9. Iwasan ang pakikipagtalik.
________10. Piliin ang iyong sinasamahang mga kaibigan

Pagyamanin Natin

Gawain 1: Lagyan ng Tsek (/) kung pagbabagong emosyonal at ekis(x) kung


pagbabagong sosyal.

___1. Pagiging mapili ng kagamitan.


___2. Paghahanap ng pansin mula sa kapwa ang magulang.
___3. Pagtanggap ng responsibilidad mula sa iba.
___4. Maigting ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali sa iba.
___5. Pagiging maitin ang ulo sa ilang mga sitwasyon.

Gawain 2: Gumawa ng isang graphic organizer. Isulat ang mga pagbabagong emosyonal
na nagaganap sa nagbibinata at nagdadalaga. Isulat din ang mga negatibong
resulta nito sa isang tao.

Emosyonal

25
Isaisip Natin

Ano-ano ang mga epekto ng pagbabago sa nagdadalaga at nagbibinata sa kanilang


pag-uugali?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Isagawa Natin

Direksiyon: Kilalanin ang mga sumusunod na mga larawan na nasa loob ng kahon
na nagpapakita ng emosyonal na pagbabago sa pagdadalaga at pagbibinata.
Lagyan ng tsek (/) ang larawan kung ito ay nagpapakita ng emosyonal na
pagbabago at ekis (x) kung hindi.

1. 2.

4. 5.

.
Sources: https://blushin.com/8-emotional-changes-that-occur-during-puberty.html
https://parenting.firstcry.com/articles/emotional-and-psychological-changes-
when-pregnant/

26
27
Balikan Natin:
 purple, blue, green, yellow-green
Tuklasin Natin:
 1. nalulungkot
 2. hindi inaasahang pagbubuntis
 3. umiiyak
 4. masaya
 5. nahihiya
Suriin Natin:
 1. 6.
 2. 7.
 3. 8.
 4. 9.
 5. 10.
Pagyamanin Natin:
Gawain 1
 1. /
 2. x
 3. x
 4. x
 5. /
Gawain 2
 Maaaring magkakaiba ang sagot
Isaisip Natin:
 Maaaring magkakaiba ang sagot
Isagawa natin:
1. / 6. x
2. / 7. /
3. / 8. /
4. / 9. x
5. /
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

https://www.pinterest.ph/pin/209980401362184135/

https://www.sheknows.com/parenting/articles/962407/when-your-tween-is-moody/

https://parenting.firstcry.com/articles/emotional-and-psychological-changes-when-pregnant/

https://mildtbinorthernhospital.wordpress.com/signs-symptoms/

https://blushin.com/8-emotional-changes-that-occur-during-puberty.html

28
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like