You are on page 1of 41

5

Unang Markahan – Modyul 10


Aralin 34 – 39
Filipino - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 10, Aralin 34-39
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Ozamiz
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module


Authors: Lilian K. Dolloso
Marestelle M. Olandre
Nilda A. Aclao
Jessie P. Gravino
Mary Jess A. Gorre
Richel B. Loking

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino


Ian Francis E. Veloso, PSDS
Ludivico B. Barrientos, Principal

Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia, Teacher


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 10
Aralin 34-39

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, public schools district supervisors, and education program
supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.
We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipina


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- iii

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------------------ iii


Pangkalahatang Panuto --------------------------------------------------------- iv
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- v
Subukin---------------------------------------------------------------------------- vi
Modyul 10: Aralin 34-39
Aralin 34: Nakasusunod sa 2-3 hakbang na panuto
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 2
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 2
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 2
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 2
Aralin 35: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad tungkol sa
sariling karanasan
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 3
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 3
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 3
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 4
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 5
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 5
Aralin 36: Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
paglalarawan
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 6
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 6
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 7
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 8
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 8
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 8
Aralin 37: Naibibigay ang paksa ng isang talata
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 9
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 9
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 9
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 10
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 10
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 11
Aralin 38: Nakasusulat ng liham pangkaibigan
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 12
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 12
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 13
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 14
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 14
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 15
Aralin 39: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napanood na maikling pelikula.
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 16
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 16
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 17
Pagyamanin ---------------------------------------------------------------- 18
Isaisip ----------------------------------------------------------------------- 21
Isagawa --------------------------------------------------------------------- 21
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------ 23
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 28
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at panonood. Matutuhan din ng mga mag-
aaral na gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang Wikang
Filipino sa pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-
uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa bahaging
Balikan.
Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang
gawain. Sa bahaging Suriin naman, ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.
Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga
mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.
Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin
at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

iii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.
1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na
tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.
2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter jung
kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa
pag-aral.
3. Maglaan ng kwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.
4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.
5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.
6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.
7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwadreno sa
Filipino.
8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.
9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o
sa mga awtoridad sa pamayanan.
10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

Iv
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung
Subukin ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


ibang gawain
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


Pagyamanin natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
kasanayang nililinang.

Isaisip
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang
natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.

v
Subukin

A. Panuto: Basahin at sundin ang mga hakbang na naayon sa hinihingi sa bawat bilang.
1. Gumuhit ng malaking bilog. Sa loob ng bilog, isulat sa malaki ang unang titik ng
iyong pangalan.
2. Gumawa ng isang kahon. Gumuhit ng bituin sa loob ng kahon na ito. Kulayan ng
dilaw ang bituin.
3. Isulat sa malaking titik ang pangalan ng iyong paaralan. Salungguhitan ng huling
titik na katinig.
4. Gumuhit ng tatlong dalandan o suha.
5. Gumawa ng malaking parisukat. Sa loob nito, gumuhit ng bilog. Isulat ang
pinakahuling titik ng alpabeto sa loob ng bilog.
B. Panuto: Tukuyin ang panghalip na panaklaw na ginagamit sa bawat pangungusap.
6. Lahat ay may karapatang mangarap.
7. Anuman ang pagsubok na dumating ay makakayanang lampasan.
8. Marami ang nagsipagtaas ng kilay nang magwagi siya sa kaniyang payak.
C. Panuto: Piliin ang ang angkop na panghalip pananong ssa sumusunod na pangungusap.
9. (Sino, Saan, Ano) ang paborito mong pagkain?
10. (Alin, Kailan, Ilan) ang pangkat na nagtanghal kanina?
11. (Gaano, Gaa-gaano) karami ang kinuha mo?
D. Panuto: Palitan ang tamang panghalip na panao ang salitang may salungguhit.
12. Naibahagi ni Lito sa mga kamag –aral ang kaalaman tungkol sa balita.
13. Ang mga isda ay namatay dahil sa pagbabago ng panahon.
E. Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan sa salitang nakasulat nang pahilig sa hanay A.
Hanay A Hanay B
14. pagkagaling sa paaralan sinasabi
15. dalawang taon ang aming pagitan isang ambisyon na nais makamit
16. salitang lagi kong sinasambit pagdating

vi
F. Panuto: Piliin sa ibaba ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di - pamilyar na may
salungguhit.
tanghalan mahalaga inaalala
mainam hinahangad
17. Ginugunita ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal ngayon. ________________
18. Muntik nang hindi mapuno ang upuan sa harap ng entablado. ________________
19. Importante sa tao ang makatapos sa pag - aaral. ________________
20. Ang maging presidente ay lagi niyang ninanais. ________________

G. Panuto: Ibigay ang paksa ng bawat talata.


21-22
Ang paglalaro ng basketbol ay isang magandang libangan. Bukod sa nakatutulong na
mapalakas ang katawan, nagbibigay pa ito ng kasiyahan. Nakabubuo rin ito ng magandang
pagkakaibigan.
Paksa:_________________________________________________________________

23-24
Ano ang pangarap mo? Gusto mo bang maging doktor, guro o inhenyero? Maganda ang
may pangarap. Sa pamamagitan nito, mahihikayat tayong magsumikap sa buhay upang maabot
ang tagumpay.
Paksa:_________________________________________________________________
25-26
Ang Baguio ay ang paboritong pasyalan o puntahan ng mga tao tuwing tag - init. Kaya
marahil tinawag itong summer capital ng bansa. Hindi lamang ang malamig na klima ang
dinarayo sa Baguio. Marami ring magagandang lugar na makikita rito gaya ng Burnham Park,
Mines View, at Mansion.
Paksa:_________________________________________________________________
27-28
Si Vec ang pinakamatalik kong kaibigan. Lagi ko siyang karamay kapag nalulungkot
ako. Dinadamayan niya ako sa aking mga problema. Ikinagagalak din niya ang aking mga
tagumpay. At kapag may mga mali akong nagawa, iwinawasto niya ako.
Paksa:_________________________________________________________________
29-30
Maraming naitutulong ang panonood ng telebisyon. Sa pamamagitan ng mga balita sa
telebisyon, nalalaman mo ang mga pangyayaring nagaganap sa paligid. Magandang libangan
din ang panonood ng telebisyon. Subalit hindi rin mabuti ang malabis na panonood nito
sapagkat maaaring mapabayaan mo ang iyong pag - aaral at mga gawain sa bahay.
Paksa:_________________________________________________________________
Source: Ang Wikang Filipino 5, pahina 180
31-35
H. Panuto: Sumulat ng liham pangkaibigan na nag - aanyaya sa isang kaarawan.

______________
______________
___________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

___________________

___________________

35-40
I. Panuto: Pagsunudsunurin ang mga pangayayari sa pelikulang “Moana”.
___________Simula pagkabata pa lang, mahilig na si Moana na maglaro sa dagat na
mahigpit na tinututulan ng kaniyang ama na pinuno ng kanilang tribo.
___________ Dala ang tapang at talino muling bumalik si Moana sa isla at napagtagumpayan
niyang makalusot sa dambuhalang apoy sa tulong nadin ng nagbabalik na si Maui. Naibalik
ang puso sa dibdib ng dambuhala at muling bumalik ang malusog na isla ng Te Fiti.
___________ Kailangan maibalik ang puso sa tamang kalagyan nito upang bumalik ang sigla
ng kanilang lugar. Nagpasya si Moana na iwan ang kanilang tribo upang maglakbay, dala ang
puso ng TeFiti na mula sa karagatan kailangan niyang hanapin si Maui upangmatulungan
siyang ibalik ito.
___________ Nahanap niya si Maui na nasa isang isla, pumayag si Maui na tulungan si Moana
kung kapalit nito ay tutulungan naman siyang hanapin ang kaniyang hook. Nakuha nila ang
hook ni Maui mula sa isang malaking crab, tinuruan din siya ni Maui na maglayag.
___________ Makalipas ang ilang taon nagdalaga siMoana at napansin niyang namamatay ang
mga halaman at ang mga prutas ay nangingitim sa kanilang lugar. Maging ang mga isda ay
wala ding mahuli.

viii
Aralin
Pagsunod sa 2-3 Hakbang na
34 Panuto

Alamin

Sa aralin na ito ay malilinang ang inyong kakayahan sa:


pagsunod sa 2-3 hakbang na panuto.

Balikan

A. Panuto: Lagyan ng tsek ang puwang kung ito ay panuto


______1. Gumuhit ka ng bilog.
________2. Nagbabasa ang mga bata sa aklatan.
________3. Umawit ka ng “Sampung mga Daliri.”
________4. Nanonood ng pelikula ang buong pamilya.
________5. Kumuha ka ng isang basong tubig

B. Panuto: Gawin ang sumusunod na payak na panuto.


1. Isulat sa malaking titik ang iyong kompletong pangalan.
2. Gumuhit ng isang dahon at kulayan ng berde.
3. Sumulat ng isang salitang naglalarawan sa iyong sarili.
4. Gumuhit ka ng isang malaking hugis puso.
5. Gumuhit ka ng paborito mong hugis.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba.


Si Marga ay inutusan ng kanyang ina na magsaing para sa kanilang hapunan.
Siya ay tumalima kaagad. Kumuha siya ng isang basong bigas at inilagay sa kaldero.
Hinugasan niya ito ng dalawang beses at nilagyan ng dalawang basong tubig.
Pagkatapos, isinalang niya ang kaldero sa apoy o lutuan. Hinintay niya hanggang sa
maluto.

1
Suriin

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang inutusang magsaing?
2. Sinunod ba niya ang utos ng kanyang ina?
3. Ibigay ang tatlong hakbang na ginawa ni Marga para magsaing.

Pagyamanin

Panuto: Sundin ang mga hakbang..


1. Gumawa ka ng hugis puso.
2. Isulat ang pangalan ng iyong kaibigan.
3. Gumuhit ka ng limang bilog sa ibaba.
4. Pagdugtung-dugtungin mo sila sa pamamagitan ng guhit pahiga.
5. Isulat mo ang iyong pangalan. Bilugan mo ang mga patinig at ikahon mo ang mga
katinig.

Isaisip

Tandaan
 Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga. Kailangang unawaing mabuti ang kahulugan
ng bawat salitang ginagamit upang lubusang makasunod sa mga panuto.

Isagawa

Panuto: Basahin at sundin ang 2-3 hakbang na panuto

1. Gumuhit ng malaking bilog. Sa loob ng bilog, isulat sa malaki ang unang titik ng iyong
pangalan.
2. Gumawa ng isang kahon. Gumuhit ng bituin sa loob ng nito. Kulayan ng dilaw ang
bituin.
3. Isulat sa malaking titik ang pangalan ng iyong paaralan. Salungguhitan ang mga katinig.
4. Gumuhit ng tatlong dalawahan o suha.
5. Gumawa ng malaking parisukat. Sa loob nito, gumuhit ng bilog. Isulat ang pinakahuling
titik ng alpabeto sa loob ng bilog.

2
Aralin Paggamit ng Iba’t-Ibang Uri ng
Panghalip sa Usapan at Paglalahad
35 Tungkol sa Sariling Karanasan

Alamin

Sa aralin na ito, inaasahang malilinang ang iyong kasanayan sa:


paggamit ng iba`t ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad tungkol sa
sariling karanasan.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang isang talata sa ibaba tungkol sa isang karansan ng mag-aaral sa ikalimang
baitang at kopyahin ang mga salitang may salungguhit.
Ang Pagbabalik Eskwela
Pasukan na naman. Sa unang araw ng eskwela, ako ay gumising ng maaga.
Napaisip ako kung sino-sino ang aking magiging guro ngayong ako ay nasa ikalimang
baitang na. Marami akong bitbit na gamit pang eskwela. Ang bawat gamit na aking
dala ay bago at bili pa ng aking mga mahal na mga magulang. Doon sa eskwelahan
siguradong ako ay matuto ng mga bagong kaalaman mula sa aking mga matatalinong
mga guro.

Suriin

Panghalip- ay ang salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan. Ito ay ginagamit kung


ang pangngalan ay magkasunod na ginagamit sa isang pangungusap.
Halimbawa: Si Dr. Jose ang manggagamot sa bayan.
Siya ang manggagamot sa bayan.

3
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao ay panghalip na ginagamit para sa tao lamang.
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya,
kanya.
2. Panghalip na panaklaw na may karugtong na katagang man sa hulihan ng mga pananong
ay nagpapahiwatig ng di katiyakan.
Halimbawa: pawang, lahat, madla, sinuman, alinman, at anuman.
3. Panghalip na Pamatlig ay ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay,
pook, gawa o pangyayari.
Halimbawa: Anyong ang (tinatawag na paturo): ito, iyan, iyon
4. Panghalip na Pananong ay ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaaring kumakatawan sa
tao, bagay, hayop o gawaing itinatanong.
Halimbawa: ano, ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin, alin-alin.
Panuto: Suriin ang mga salitang nailista ninyo mula sa talata sa itaas at sabihin ang uri nito:
1. Ako -
2. Sino-sino -
3. Marami -
4. Bawat -
5. Doon -

Pagyamanin

Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang mga puwang upang mabuo ang talata. Nasa kahon
ang pagpipilian ng mga sagot.

Aako dito lahat pawang anuman bawat kami akin

Diwata
Sa murang edad, pinangarap kong makapag-aral sa siyudad gaya ng ibang mga bata na
(1) _______ kalaro ko noon sa aming nayon. Lagi kong sambit noon na makatapos lamang
ako, patuloy kong paglilingkuran ang mga nangangailangan sa akin.
Mula (2) ______ sa isang mahirap na pamilya sa malayong nayon ng Labuin.
(3)_____ako nagkamalay at lumaki, sa lugar na ito nabuo ang aking pangarap. Nagbubukid si
Nanay at nagmamaneho naman si tatay sa Maynila. Lingguhan kung kami ay kaniyang
dalawin. Kahit (4) _____ ang hirap na dinaranas namin, (5) _____ para sa akin ay (6)._____

4
paraan upang ako ay maging matatag na tao. (7) _____ ng aking dinanas ay itinuring kong
inspirasyon upang magsikap akong makatapos sa akong pag-aaral.
Ngayon, ang kababaang-loob o pagiging mapagkumbaba ang aking naging gabay. Sa
kabila ng aking narating sa buhay, hindi ko pa rin tinatalikdan o kinakalimutan ang aking mahal
na baryo upang paglingkuran.
Isa na akong guro ngayon. Sa bawat araw, naglalaan ako ng isang oras upang turuan
ang kabataan sa aming baryo. Nais kong maibahagi sa kanila ang aking mga natutunan nang
walang anumang kapalit. Nais kong maging isang diwata na mag iilaw sa kanilang mga landas

Isaisip

Tandaan

Ang panghalip ay ang salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan.


Mga uri ng panghalip. Panao, Panaklaw, Pananong, at Pamatlig.
Panao ay panghalip na ginagamit para sa tao lamang.
Panaklaw ay sumasaklaw sa kaisahan o dami, tiyak o di-tiyak.
Pananong ay ginagamit sa pagtatanong.
Pamatlig ay ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay , pook,
gawa o pangyayari.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa inyong karanasang hindi malilimutan gamit ang
iba’t ibang uri ng panghalip.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5
Pagbigay ng Kahulugan sa Pamilyar at
Aralin Di-Pamilyar na mga salita sa Pamamagitan
36 ng Paglalarawan

Alamin

Sa aralin na ito ay malilinang ang inyong kasanayan sa:


pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng paglalarawan.
.

Tuklasin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang inilarawan sa pangungusap at


isulat sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

Pista larong lahi utang na loob


kapaligiran pagmamano pakikisama
Spaghetti cellphone anak-pawis
sawimpalad bunong-braso hikbi

___________1. Isang pagkaing pangmeryenda na paborito ng mga batang katulad mo.


___________2. Ginagamit ito upang makakonekta sa mga mahal sa buhay lalong-lalo na sa
mga nasa malayong lugar.
___________3. Pinagbubutihan pa rin niya ang kanyang pag-aaral dahil siya ay isang anak
mahirap.
___________4. Ito ay isang pagdiriwang taon-taon sa maraming lugar.
___________5. Dapat natin itong linisin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.

6
Suriin
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento.
“Ang Kapistahan ng Hulong Duhat”

Hindi magkamayaw ang mga anak nina Aling Rosa at Mang Jose sa nalalapit na
kapistahan ng kanilang lugar. Paano’y nagkatipon na naman ang mga batang makukulit na apo
nila. Bawat isa naman nilang anak ay may nais na sagutin sa kapistahang magaganap. Tunay
ngang matanda na sina Aling Rosa at Mang Jose. Marami na silang apo.
“Inay, kami na ang mag magluluto ng kare-kare at hamonado,”sangguni ni Cleta.
“Ang mga minatamis naman po ang sagot ko, kayang-kaya ko pong maghanda ng fruit
salad at jelatin, dugtong ni Glenda.
Nang lumapit si Cynthia sa kanilang lola Rosa ….“Lola, bakit po ba tayo
magkakakaroon ng pista ng bayan?” tanong ni Cynthia. “Alam mo apo ko, mahabang kwento
iyon. Gusto mo bang malaman ang kuwento?”
“Opo Lola, “ sagot ni Cynthia.“Sige, tawagin mo pa ang iba mong pinsan para isang
kuwento na lang ako,” tugon ni Lola Rosa.
Ang bayan ng Malabon sa Metro Manila ay maraming ipinagdidiwang na kapistahan.
Bukod sa pangunahing kapistahan, bawat baryo ay may ipinagdidiwang na kapistahan, tulad
ng pistang Hulong Duhat. Maraming taon na ang lumipas ng maganap ang kasaysayan ng
kapistahang ito. Isang araw, may lalaking nagpapahinga sa lilim ng puno ng duhat. Napatingala
siya at napansin niya ang sangang di pangkaraniwan ang hugis. “Aba, hugis krus,” sambit ng
lalaki, sabay tindig sa pagkakaupo. Pinagmasdan niyang mabuti ang sanga at nakita niyang
hugis krus talaga. Nagpunta siya kay Doris, ang may ari ng puno ng duhat. Gusto niyang
maging kaniya ang sangang hugis krus. Inalok niya ng malaking halaga si Doris upang bilhin
ito. “Ikinalulungkot ko,” sabi ni Doris sa lalaki.“Hindi ko maaaring ipagbili ang sangang iyan
sapagkat parang paglapastangan iyon sa Panginoong Diyos. Marahil, nais Niyang ako ang
umangkin ng hugis krus na sangang iyan kaya sa puno ng duhat ko pinatubo.” Walang nagawa
ang lalaki sa pagtanggi ni Doris. Kumalat ang balita tungkol sa sangang hugis krus. Pinagdayo
ito ng mga taong nagmula kung saan-saan kaya’t
napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus at pinabendisyunan ito sa pari.
https://www.coursehero.com/file/p5a7oi7/1-Inalok-niyang-bilhin-ang-sangang-hugis-krus-
inangkin-isinama-ipinakiusap/
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang kwentong iyong binasa?
2. Saan matagpuan ng lalaki ng Hulong Duhat?
3. Anong hugis ang sanga na nakita ng lalaki?
4. Bakit ayaw ipagbili ni Doris ang sangang hugis krus?
5. Sa kuwentong iyong binasa, alin sa mahahalagang salita ang pamilyar sa inyo? Alin naman
ang di- pamilyar sa iyo? Magbigay ng tig-limang halimbawa ng pamilyar at di-pamilyar na
mga salita mula sa binasa.

7
Pagyamanin

Panuto: Piliiin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang pamilyar o di-pamilyar
sa salitang sinalungguhitan.
1. Inalok niyang bilhin ang sangang hugis puso. (inangkin, isinama, ipinakiusap, inalis)
2. Parang paglapastangan iyon sa Poon. (pagmamahal, paglabag, paggalang, pag-alipusta)
3. Nais ng lalaki na maangkin ang hugis krus na sanga ng punungkahoy.
(makuha, mawala, malipol, maipagmalaki)
4. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus.
(nagsitutol, nag-away-away, napagkasunduan)
5. Benindisyunan ng pari ang punungkahoy.
(binasbasan, pahintulutan, bininyagan, biniyayan)

Isaisip

Tandaan
Pamilyar na salita ay iyong lagi mong naririnig halos araw-araw.
Di- Pamilyar na salita ay iyong madalang mong maririnig na ginagamit nga
mga tao.

Isagawa

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at ibigay ang sinalungguhitan na mga pamilyar at
di pamilyar na salita.
1. Ilang araw nang hindi umuulan, kaya wala nang sigla ang mga pananim.
2. Sinunog mga mga kaingero ang isang bahagi ng gubat upang magkaroon ng mga
panindang uling .
3. Ang mga mamayan ay nagsama-sama at nag-alsa upang mahinto na ang maling Gawain
sa kapaligiran.
4. Mabilis na pumagaspas ang hangin kung kaya madaling kumalat ang apoy.
5. Mabilis na nagpaabot ng tulong ang pamahalaan sa mga biktima ng sunog.

8
Aralin Pagbibigay sa Paksa ng
37 Isang Talata

Alamin

Sa aralin na ito ay malilinang ang inyong kasanayan sa:


pagbibigay sa paksa ng isang talata.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang talata.

Isang bakasyon, sa likuran ng hardin sa lumang bahay nina tatay sa Lungsod


ng Vigan, isang lumang barya ang aking nakita. Agad ko itong pinulot at
pagkatapos ay tumakbo ako kay lola. Tinanong ko siya kung tama nga ang aking
hinagap, kung ito nga ay piso ng nakaraang lipunan. Mabilis ang tugin ni lola, at
sinabing iyon nga ay piso noong kanilang panahon. May kalakihan at may
kabigatan, hindi gaya ng hitsura ng piso ngayon.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa talatang nabasa.


1. Saan nangyari ang pinag - usapan sa talata?
2. Ano ang napulot sa likuran ng hardin sa lumang bahay?
3. Ano ang kaibahan sa piso noon at piso ngayon?
4. Ano kaya ang paksa sa talatang binasa?

9
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang mga talata sa ibaba at ibigay an paksa nito.

1. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya ang nakaimbento ng


Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas na gamit para sa mga de-
gasolinang sasakyan. Hindi siya nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang
Amerika para lamang ibenta ang kanyang imbensyon. Ito ang nagpapatunay ng
kanyang hangaring makatulong sa ating bayan.

Ang paksa ng talata ay______________________________________

2. Ipinagmamalaki ng Region IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental


Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila.
Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga beaches nito. Gayundin,
napakaganda ng mga corals at iba pang lamang-dagat na makikita sa kailaliman ng
mga katubigan.

Ang paksa ng talata ay______________________________________

Isaisip

Tandaan
Bawat talata ay mayroong pangunahing diwa o pangkalahatang kaisipan o
tinatawag nating “paksa”.
Ang paksa ay sentro o pangunahing tema/ pokus sa pagpapalawak ng ideya.
Kailangang unawain kung tungkol saan ang binasang talata upang maibigay ang
tamang paksa nito.

10
Isagawa

Panuto: Basahin ang mga talata at ibigay ang paksang diwa.


1. Maraming tao sa mga pasyalan gaya ng Children’s Park at Rizal Park sa Maynila, EcoPark,
UP Sunken Garden, Quezon Circle sa Lungsod Quezon, at sa iba pang pasyalan. Makikita rito
ang ama’t ina na masayang sinusubaybayan ng mga tingin ang mga naglalarong mga anak: ang
magkakaibigan na masayang nagkukuwentuhan habang kumakain ng popcorn, mais, at
anumang kutkutin; ang mga mag - aaral na nag-eensayo ng sayaw. Iba-ibang tao na may iba’t
ibang dahilan ng pagtungo sa park o mga pasyalan lalo na sa araw ng Linggo.

Paksang diwa:_______________________________________________________________

2. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing
ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng
Mayo para sa mga hindi nakadalo sa Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may
siyam na araw ng novena sa Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen
at dinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga bangka.

Paksang diwa: _______________________________________________________________

11
Aralin Pagsulat ng Liham
38 Pangkaibigan

Alamin

Sa aralin na ito ay malilinang ang inyong kasanayan sa:


pagsulat ng liham pangkaibigan.

Tuklasin

Panuto: Narito ang isang liham pangkaibigan. Basahin at pansinin ang pagkasulat nito.

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong uri ng liham ang binasa mo?
2. Buo ba ang mga bahagi ng liham?
3. Anong bantas ang ginamit sa bating panimula?
4. Anong napapansin mo sa pagkasulat ng unang salita ng pangungusap sa katawan ng
liham?
5. Anong napapansin mo sa mga palugit?
6. Paano isinulat ang liham?

12
Suriin

Panuto:
A. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na bahagi ng liham.

Maningcol , Ozamis City


Hunyo 19, 2020 (1)
Mahal na G. Gomez (2)
Sa darating na Byernes, magkakaroon po ng palatuntunan sa aming barangay.
Ipagdiriwang ang Araw ng Maningcol. Magkakaroon ng patimplak ng mga kabataang (3)
magaling sa sayawan.
Kaugnay nito inaanyayahan po naming kayo na maging panauhing pandangal. Maging
lubos ang aming kagalakan kung paunlakan ninyo ang aming paanyaya.

Sumasainyo, (4)
Gng. Flores (5)
1. ____________________
2. ________________________

3. ________________________

4. ________________________

5. ________________________

B. Panuto: Iayos sa tamang pagkakaayos ang sumusunod na liham pangkaibigan.


Isulat ito sa sagutang kuwaderno.
1. Kaarawan ko sa Sabado, June 27, 2020. Magkakaroon ng handaan sa
bahay. Magluluto ng pansit si Nanay. Bibili siya ng ice cream at cake. Darating ang
aking mga pinsan. Dumalo ka at nang magkasama-sama muli tayo. Hihintayin ka
namin.
2. Mahal kong Rita,
3. 15 Mabini Extension, Ozamis City,June 27, 2020
4. Ang iyong kaibigan,
5. Lorna

13
Pagyamanin

A. Panuto: Panuto: Sabihin kung wasto o tama ang sumusunod na tuntunin.


_______1. Gumamit ng simpleng pananalita.
______2. Isalaysay ang isa o dalawang mahahalagang bagay sa halip na lahat.
_______3. Ipadama ang tunay na niloloob.
_______4. Iangkop ang liham sa katauhan ng pinapadalhan ng liham.
_______5. Tiklupin ang liham sa kahit paanong paraan.
_______6. Iwasan ang pangungusap na nagtatanong.
_______7. Kailangang nasa karaniwang ayos ang pangungusap.
_______8. Maaaring gumamit ng naiibang porma ng liham.
_______9. Tiyaking wasto ang bantas na ginagamit.
_______10. Mag ingat sa gamit ng mga salita.
B. Sumulat ng isang liham pangkaibigan na nag-aanyaya. Sundin ang limang (5) bahagi
ng liham.

Isaisip

Tandaan
Ang liham pangkaibigan ay karaniwang komunikasyon sa pagitan ng magkapatid,
magkaibigan, mag ina o mag ama o sinuman sa kamag anak. Nangungumusta,
nagbabalita, nag-aanyaya, bumabati sa karangalan o tagumpay na natamo o
kaarawan, o nakikiramay o nakikidalamhati sa isang namatayan ng mahal sa
buhay.
Mga Uri ng Liham Pangkaibigan
1. Liham na Nagbabalita
2. Liham na Nag-anyaya
3. Liham ng Pagtanggap
4. Liham ng Pagtanggi
5. Liham na Nakikiramay
6. Liham na Nagpapasalamat
7. Liham na humihingi ng Paumanhin

14
Isagawa

A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng liham pangkaibigan ang mga sumusunod na
pangungusap.
________________________ 1. Kaarawan ko sa darating na Linggo. Sana ay makarating ka.
________________________ 2. May bagyo na tumama sa ating baryo at marami ang nawalan
ng tahanan, kaya sana ay matulungan mo kami.
________________________ 3. Hindi kami makadadalo sa iyong kaarawan dahi sa lockdown.
________________________ 4. Natanggap na namin ang pinadala mo na pera. Maraming
salamat.
________________________ 5. Taos puso kaming nakikiramay sa mga pamilyang namatayan
dahil sa COVID.

B. Sumulat ng isang liham pangkaibigan na nagpapasalamat. Sundin ang limang (5) bahagi
ng liham.

15
Pagsusunod-sunod sa mga
Aralin Pangyayaring Napanood sa
39 Maikling Pelikula

Alamin

Sa aralin na ito ay malilinang ang inyong kasanayan sa:


pagsusunod-sunod sa mga pangyayaring napanood sa maikling
pelikula.

Tuklasin

Panuto: Ipabasa ang buod ng napanood na pelikula sa sinuman sa mga kasambahay na


marunong magbasa habang nakikinig ang mag-aaral.

Snow White at ang Pitong Duwende


May isang magandang prinsesa na ang pangalan ay Snow White. Siya ay mabait sa lahat
ng uri ng hayop. Naiinggit sa kanya ang reyna na kanyang madrasta. Araw-araw ay tinatanong
nito ang salamin kung sino ang pinakamaganda sa lahat ng babae. Isang araw ay sinabi ng
salamin na si Snow White ang pinakamaganda sa lahat. Nagalit ang reyna at nagbalak patayin
si Snow White. Nalaman ni Snow White ang balak ng reyna. Natakot siya kaya tumakas
patungong kagubatan.
Nang gabing iyon ay natulog siya sa ilalim ng isang malaking puno. Binantayan siya
ng mga kaibigan niyang hayop. May dumating na pitong duwende. Inimbita siya ng mga ito sa
kanilang tirahan sa pusod ng kagubatan. Sa bahay ng mga duwende siya tumira. Araw-araw
niyang nililinis ang bahay at ipinagluluto niya ang mga duwendeng nagtatrabaho sa minahan.
Lagi siyang pinaaalalahanan ng mga duwende na mag-ingat. "Baka matagpuan ka ng iyong
madrasta at saktan ka!" lagi nilang sinasabi. Natuklasan ng reyna kung nasaan si Snow White.
Nagpasya itong puntahan siya dala ang isang basket ng mga mansanas na may lason. Hindi
nakilala ni Snow White ang naka-balatkayong reyna. Tinanggap niya ang inaalok nitong
mansanas pero siya'y nahilo nang kagatin iyon. Inakala ng mga duwende na patay na si Snow
White. Inilagay siya ng mga ito sa isang salaming kabaong at hinandugan ng mga bulaklak.
Isang araw, isang prinsipe ang humalik kay Snow White at nagising siya. Nagsayawan sa tuwa
ang duwende. Ikinasal siya at ang prinsipe makaraan.
(https://mommystoryland.blogspot.com/2012/04/snow-white-and-seven-dwarfs.htm)

16
Sagutin ang mga katanungan base sa nabasa.
1. Sino ang pinakamaganda sa lahat ayon sa salamin?
2. Bakit tumakas sa kagubatan si Snow White?
3. Saan napadpad ang prinsesa?
4. Paano nakatulog o nahilo ang prinsesa?
5. Kung kayo ang prinsipe, hahalikan mo ba ang prinsesa? Bakit mo siya hahalikan?
6. Bakit hindi nakilala ng prinsesa ang reyna?
7. Ano ang laman ng basket na bitbit ng reyna?
8. Nakamamatay ba ang mansanas? Paano nahilo ang prinsesa?
9. Naging masaya ba ang wakas ng pelikula?
10. Ano pa kaya ang maaaring pamagat ng pelikula?

Suriin

Panuto: Pakinggang mabuti ang isa pang buod ng pelikula na babasahin ng sinuman sa
pamilya na pinamagatang “Cinderella”.
Cinderella
Nang pumanaw ang ina ni Cinderella, nagpakasal muli ang kanyang ama sa isang babae
na may dalawang anak na babae. Sa tuwing umaalis ng bahay ang ama ni Cinderella, palaging
pinagmamalupitan siya ng kanyang madrasta at mga kapatid na babae. Hindi niya magawang
makapagsumbong sapagkat ayaw niyang sirain ang kaligayahan ng kanyang ama. Isang araw,
nabalitaan na lamang nila na namatay na ang kaniyang ama na siyang naging dahilan ng
pagiging alilang lubos ni Cinderella at ang pagsisimula ng kanyang kalbaryo.
Simula noon, katulong na lamang ang turing sa kanya ng kanyang pamilya. Wala siyang
magawa dito sapagkat wala siyang matitirahan at wala ring salapi. Ang pera kasing dapat ay
sa kanya ay kinuha ng mag-iina.
Isang tanghali, mayroong bumisita sa kanilang tahanan na galing sa palasyo na nag-
aanyaya sa lahat ng kadalagahan na pumunta sa nasabing palasyo upang makapamili ang
prinsipe ng kanyang mapapangasawa. Nang marinig ito ng mag- iina, nagalak sila at nagsimula
ng mag-ayos ng kanilang mga susuotin para sa nasabing aktibidad, ganoon rin si Cinderella.
Ngunit ng aalis na sila, nakita nila si Cinderella na nakabihis na rin at nagnanais na sumama sa
kanila kaya ang ginawa ng mag-iina ay sinira ang damit na pinaghirapang tahiin at ayusin ng
dalaga.
Umiyak siya nang umiyak dahil sa sobrang lungkot. Nang marinig ng isang engkantada
ang mga luha niya ay tinulungan siya nitong makapagbihis sa pamamagitan ng mahika. Ang
sasakyan at kasuotan na ibinigay sa kanya ng engkantada ay panandalian lamang kaya naman
kailangan niyang magmadaling umuwi kapag nag alas dose na ng umaga. Nakapunta si
Cinderella sa nasabing palasyo, kung saan nakilala niya ang prinsipe. Nagsayaw sila hanggang
sa maalala niya ang babala ng engkantada sa kanya. Kaagad siyang umalis ng palasyo na
dahilan upang maiwan niya ang sapatos niyang gawa sa babasaging salamin.
Nahulog na ang loob ng prinsipe sa kanya kaya naman inutusan niya ang kanyang mga
alagad na hanapin ang misteryosong dalaga. Ipinasukat nila ang sapatos sa lahat ng dalaga
hanggang sa makapunta sila sa bahay ni Cinderella. Hindi pinayagang makaalis ng kwarto ang
dalaga dahilan upang hindi niya masukat ang sapatos. Ngunit sa di-inaasahang pagkakataon ay
17
may nakadiskubre sa kanyang kalagayan at binigyan ng pagkakataong maisukat ang sapatos.
Eksatong-eksakto ang sapatos sa kanyang paa kaya naman dinala siya ng mga alagad ng
prinsipe sa palasyo upang magpakasal. Dito po nagwawakas.
(https://brainly.ph/question/1222165)
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pelikulang “Cinderella” sa pamamagitan ng
pagsusukat sa patlang ng tamang bilang o numero.
_________ Nagpahayag ng imbitasyon ang palasyo sa lahat ng kadalagahan na pumunta sa
nasabing palasyo upang makapili ang prinsipe ng kanyang mapapangasawa.
_________Dinala si Cinderella sa palasyo at naging isang prinsesa.
_________Sa tulong ng kanyang kaibigang mga hayop nasukat niya ang sapatos at eksatong-
eksakto ito sa kanya.
_________Pumanaw ang ina ni Cinderella at nag-pakasal muli ang kanyang ama sa isang babae
na may dalawang anak.
__ __Namatay ang ana ni Cinderella. Pinagmalupitan ng madrasta at ng kaniyang mga anak
si Cinderella at ginawang katulong sa bahay.
__ __ Nang nag-alas dose na tumakbo paalis si Cinderella sa prinsipe dahilan upang
maiwan niya ang sapatos niyang gawa sa babasaging salamin.
_____ ____Sa tulong ng kanyang kaibigang daga nakagawa ng suot si Cinderella. Sasama na
sana siya nang sinira ng mag-iina ang kanyang suot.
__ Tinulungan siya ng isang engkantada gamit ang kanyang mahika, ginawan siya ng
sasakyan at kasuotan at binalaan na lahat ito ay hanggang alas-dose ng hating-gabi lamang.
_ Nakapunta at nakasayaw pa ni Cinderella ang prinsipe at nakalimutan ang babala ng
engkantada.
_ Pinasukat ng palasyo ang sapatos sa lahat ng dalaga pero kinulong ng madrasta si
Cinderella dahilan upang ‘di niya masukat ang sapatos.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang buod ng pelikulang Pinocchio.


Pinocchio
Mayroong isang mabait na matanda. Ang pangalan niya ay Geppetto. Isa siyang
manlililok. Umuukit siya ng iba't ibang bagay mula sa kahoy.
Walang anak si Geppetto. Dahil sa kahiligan niya sa mga bata naganyak siyang umukit
ng isang batang lalaki. Masaya siya habang ginagawa ito. Sa wakas ay nayari niya ang isang
batang lalaki. Pinangalanan niya itong Pinocchio.
Bukod kay Pinocchio, ang matanda ay may iba pang alaga. Ang pusang si Pigaro at ang
isdang si Cleo.
Tinalian niya ng pisi ang mga kamay at paa at ulo ni Pinocchio. Dahil dito ay
napapasayaw niya ang taong maliit na gawa sa kahoy.

18
"Sana ikaw ay isang tunay na batang lalaki," ang sabi ng matanda, "marahil ang saya
natin palagi."
"At ako naman, hindi ba ninyo ako isasali?" ang tanong ng pusang si Pigaro.
"Ho-ho-ho, ikaw ay lagi naming kasali't isasama kahit saan." Tawagin mo siyang
Pinnocchio ang sabi ng matanda sa pusa.
Si Pinnocchio ay may sadyang tulugan. Isang maliit na kama na ginawa ng matanda.
Alas nuwebe kung matulog si Pinocchio. Lagi nitong binubuksan ang bintana na kung saan ay
tanaw na tanaw ng bituing panggabi.
"Oh, magandang bituin, sana nga ay maging tunay na bata si Pinocchio," ang sabi ng
matandang Geppetto.
Nakatulog na ang matanda nguni't ang pusa ay hindi. Iniisip pa rin niya ang kahilingan
ng matanda. Maya-maya'y nakarinig ng magandang awitin ang pusa at ang bituing panggabi
ay bumaba mula sa langit at nagtuloy sa kanilang kuwarto. Ang bituin ay naging anghel.
Lumapit ang anghel kay Pinocchio.
"Gising, gising Pinocchio. Mula ngayon ay magkakaroon ka ng buhay. Maging mabait
ka sana. Bigyan mo ng kaligayahan si Geppetto. Naririto ang kakambal mo, si Jimmy Cricket.
Siya ang kaibigan at katulong mo." At biglang nawala ang anghel.
Kinaumagahan ay laking gulat ni Geppetto nang makita si Pinocchio na buhay na
buhay. Laro nang laro ang bata.
"Ako ngayon ay isa nang tunay na bata at mabait," ang sabi ni Pinocchio sa matanda.
Nagsimula nang mag-aral si Pinocchio. Kasama niyang lagi ang kanyang kaibigan, si
Jimmy Cricket. Ito ang tanungan niya ng anumang kanyang gagawin.
Nguni't isang araw ay nakalimutan ni Pinocchio ang kanyang kaibigang si Jimmy
Cricket. Naiwan niya ito. Dahil dito ay naglakad siyang mag-isa. Bigla na lamang siyang
bumagsak sa daan. Nang itaas niya ang mukha ay nakita niya si Matandang Fox at si salbaheng
Pusa. Pinatid ni Matandang Fox ang paa ni Pinocchio kaya ito ay nadapa.
Hinikayat ng dalawa si Pinocchio na sumama sa kanila. Nang dumating si Jimmy
Cricket ay wala na si Pinocchio at ang dalawang salbahe. Gayunpaman ay sinundan niya ang
mga ito. Naabutan niya ang tatalo.
Nang may dumaang karuwahe ay pinahinto ni ito ng dalawang salbahe. Inabot nila sa
kutsero si Pinocchio kapalit nang isang supot na may laman, Ipinagbili nila sa kutsero si
Pinocchio. Natakot si Jimmy Cricket, nguni't sumakay na rin siya upang mabantayan si
Pinocchio.
Sa loob ng karuwahe ay marami pa ring ibang bata. Nagkakagulo ang mga bata. Ang
pinaka pinuno ng mga bata ay naging kaibigan ni Pinocchio. Subalit ang mga batang ito ay
mga salbahe. Pinagbawalan ni Jimmy si Pinocchio na makisama sa mga salbaheng bata.
Araw-araw ang mga bata ay naglalaro. Kumain ng kendi at sorbetes. Nagbabasag ng
mga bintana at naghahagis ng mga putik sa bahay. Sinisira rin nila ang mga kasangkapan.
"Pinocchio, tama na iyan," ang wika ni Jimmy Cricket. Hindi nakinig si Pinocchio.

19
"Sige, umalis ka na Jimmy. Nasusuya na ako sa iyo," ang sagot ni Pinocchio.
Nang walang ano-ano'y nakita ni Pinocchio ang isang kasama niyang bata. Nagkaroon
ito ng mahabang tenga at nilabasan ng mahabang buntot. Ito ay naging isang kabayo. Sinilo ito
ng kutsero at hinila.
"Ngayon ay mayroon na akong ipagbibiling kabayo." ang natuwang sabi ng kutsero.
Naramdaman ni Pinocchio na siya rin ay tinutubuan ng mahabang tenga at buntot. Nang
makita ito ng kutsero ay hinabol na rin si Pinocchio upang siluhin. Ngayon ay may isa na naman
siyang kabayo na maipagbibili.
Tumakbo si Pinocchio kasama si Jimmy Cricket hanggang sa tabi ng dagat. Lumundag
silang dalawa upang makalayo sa masamang tao. Bumalik sila sa bahay ni Geppetto subalit
wala doon ang matanda. Naghahanap ang matandang Geppetto at ng kanyang pusang si Pigaro.
Hinahanap nila si Pinocchio.
Umiiyak si Pinocchio at nagsisisi sa nagawang kasalanan. Naghanap sila nang
naghanap. Maraming lugar ang kanilang narating makita lamang si Geppetto. Maraming gulo
at hirap silang dinanas. Nguni't hindi rin nila nakita si Geppetto.
Ang anghel na bituin ay laging nakasubaybay kay Pinocchio. Isang araw ay nakita rin nila
si Geppetto. Pinagdudahan ng matanda ang kaanyuan ni Pinocchio dahil sa mahabang tainga
at buntot ni Pinocchio.
"Nagsisisi na ako, aking ama. Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan," ang
sabi ni Pinocchio. "Ngayon ay magiging mabait na bata na ako."
Biglang nagliwanag ang kanilang kuwarto. Lumabas ang anghel na bituin. Nilapitan
niya si Pinocchio at hinipo ito."Dahil sa iyong pagsisisi mula ngayon ay magiging tunay na
bata ka na," ang sabi ng anghel. "At ikaw naman, Jimmy, ay bibigyan ko ng isang gintong
bituin."Magmula nga noon ay naging isang tunay na bata na si Pinocchio. Isang mabait na bata.
(https://www.gintongaral.com/mga-sari-saring-kuwento/si-pinocchio/ )

Panuto: Pagsunud - sunurin ang mga pangyayari ayon sa binasang pelikula.


_______Humiling si Gepetto sa mga bituin na sana maging isang tunay na bata si Pinocchio.
_______Sumama si Pinoccio sa matandang Fox at sa salbaheng Pusa pero nasundan ito ni
Jimmy Cricket.
_______ Umukit si Gepetto ng isang batang lalaki at pinangalanan niya itong Pinocchio.
_______Ginawang tunay na bata si Pinocchio ng Anghel ng bituin at binigyan ng gintong
bituin si Jimmy Cricket.
________ Mula noon si Pinocchio ay namuhay na isang tunay na bata, isang mabait na bata.
________Bumaba sa langit ang bituin at naging isang Anghel at binigyan ng buhay si
Pinocchio.
________ Nagsimula nang mag-aral si Pinocchio kasama ang kanyang kaibigan na si Jimmy
Cricket.

20
________ Nagkaroon ng mahabang tenga si Pinocchio at tinubuan ng mahabang buntot at
naging kabayo.
_________ Natagpuan din nila si Gepetto at nagsisi si Pinocchio sa ginawa niya.
_________ Hinanap ni Pinocchio at Jimmy Cricket si Geppetto ngunit naghahanap din pala
ang matanda kay Pinocchio.

Isaisip

Tandaan
Ang pelikula, kilala bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan.
Isaisip na ang mga pangyayari o hakbang ay inaayos nang may pagkakasunod
sunod ayon sa paraan. Sumunod ang kahalagahan ng isang ideya, gawain o
pangyayari sa isang kuwento, pelikulang pinanonood, isang resipe sa paggawa ng
lutuin o sa isang hulwaran ng pagsasaayos. Maging maayos at tuloy-tuloy ang
pagbabahagi ng pangyayari kung may hakbang na sinusunod.

Isagawa

Panuto: Batay sa pelikulang napanood na “Frozen 1.” Pagsunud sunurin ang mga pangyayari.
Lagyan ng numero 1-10 ang mga patlang batay sa sunod nito.
________Hindi napagaling ng troll si Anna at sinabing gawa ng "TUNAY NA PAG-IBIG"
lamang ang makapagpapagaling sa kanya. Kaya dinala nila si Anna kay Hans upang
mahalikan ito.
_______Sinugod ni Hans at ang mga kawal ng masamang duke ang palasyo ni Elsa.
Aksidenteng nahulugan si Elsa ng Araña at nawalan ng malay. Iniuwi si Elsa sa Arendelle
ngunit nakawala ito.
_______Lumaking hindi nagkikita ang magkakapatid hanggang namatay ang kanilang mga
magulang at kinoronahan si Elsa na bagong Reyna ng Arendelle.

_______ Bumalik lahat sa dati at nangakong hindi na ulit magtatago si Elsa.


_______ Hinanap ni Anna si Elsa at dito nakilala niya sina Kristoff, Sven, at Olaf. Nakarating
sila sa palasyo ni Elsa at dahil sa takot, hindi sinadyang natamaan ng ice powers si
Anna sa kanyang puso.

21
_______Tinangkang patayin ni Hans si Elsa pero pinigilan ito ni Anna at siya’y naging isang
solidong yelo.
_______Pinagsisihan ni Elsa ang nangyari kay Anna at bumuo ito ng gawa ng "TUNAY NA
PAG-IBIG.”
_______Nawala ang sumpa ni Anna, natigil ang taglamig at kinulong si Hans at ang masamang
Duke.
_______Nagulat si Elsa na magpapakasal si Anna kay Hans at hindi sinadyang naipakita ang
kanyang ice powers sa maraming tao. Lumayo siya sa Arendelle at nagtayo ng
kanyang sariling palasyong gawa sa yelo.
_______Si Elsa na may mahikang ice powers ay naglalaro kasama ang kanyang kapatid na si
Anna. Aksidenteng natamaan sa ulo si Anna ng ice powers at dinala sa kolonya ng
mga trolls upang pagalingin.
Nakauwi si Anna at imbis na halikan ito ni Hans ay hinayaan itong mamatay upang
siya ang maging hari ng Arendelle, pero tinulungan siya ni Olaf at hinanap si
Kristoff.

Source: Frozen. Burbank, Calif: Walt Disney Pictures, 2013.

22
Susi sa pagwawasto

Subukin
1. A (Halimbawa: Ang pangalan ay Alma)

2.

3. SANGAY ELEMENTARY SCHOOL

4.

z
5.
6. lahat
7. anuman
8. marami
9. ano
10. Ilan
11. Sino
12. Niya
13. sila
14. mula sa isang lugar
15. agwat
16. isang ambisyon na nais makamit.
17. inaalala
18. tanghalan
19. mahalaga
20. Hinahangad
21-22. Ang paksa sa talata ay ang paglalaro ng basketbol.
23-24. Ang paksa sa talata ay tungkol sa mga pangarap.

23
25-26. Ang paksa sa talata ay tungkol sa Lungsod ng Baguio.
27-28. Ang paksa sa talata ay tungkol sa matalik na kaibigan.
29-30. Ang paksa sa talata ay tungkol sa ang panonood ng telebisyon.
31-35. Iba iba ang sagot ng mga mag - aaral.
36-40.
1
5
3
4
2

Aralin 34
Balikan:

a.
1. /
2. ___
3. /
4. ___
5. /
b.
1. JUAN DELA CRUZ
2.
3. Maganda
4.
5.

Suriin:
1. Marga
2. Oo, sumunod siya sa utos ng kanyang ina.
3. a. Kumuha ng dalawang basong bigas at ilagay sa kaldero.
b. Hugasan ng dalawang beses at lagyan ng dalawang basong tubig.
c. Isalang ang kaldero sa apoy o lutuan at hintaying maluto ito.

Pagyamanin:
1. Manelyn

2.

24
3.
4. A N A
Aralin 35
Suriin:
1. Panao
2. Pananong
3. Panaklaw
4. Panaklaw
5. Pamatlig
Pagyamanin:
1. Pawang
2. Ako
3. Dito
4. Anumang
5. Lahat
6. Pawang
7. Lahat
Isagawa:
Iba - iba ang kasagutan ng bawat bata.

Aralin 36
Tuklasin
1.Pista
2. larong lahi
3. utang na loob
4. pagmamano
5. pakikisama
Suriin
1. Ang kwento ay tungkol sa Kapistahan ng Hulong Duhat.
2. Ang Hulong Duhat ay matatagpuan sa Malabon, Metro Manila.
3. Hugis krus ang nakitang sanga ng lalaki.
4. Ayaw ipagbili ng lalaki ni Doris ang sangang hugis krus sapagkat ito ay isang
kalapastanganan ng Panginoong Diyos.
Pagyamanin

25
1. Ipinakiusap
2. pag-alipusta
3. makuha
4. napagkasunduan
5. binasbasan
Isagawa
1. matamlay
2. nagsusunog sa kagubatan
3. paglaban/naghimagsik
4. kamakaluskos
5. isang taong nasaktan
Pagtatasa
1. F 9. d
2. h 10. g
3. i
4. j
5. k
6. c
7. e
8. a

Aralin 37
Suriin
1. Ang pinag - usapan ay tungkol sa piso noon at piso ngayon.
2. Ang napulot na bata ay isang lumang barya.
3. Ang kaibihan sa piso noon ay may kalakihan at kabigatan.
4. Ang lumang barya
Pagyamanin
1. Ang paksa ng talata ay ang pag - imbento ng Khaos Super Turbo Charger
(KSTC)
2. Ang paksa ng talata ay tungkol sa rehiyon IV ang Puerto Galera ng Oriental
Mindoro

Isagawa
1. Ang paksang diwa ay tungkol sa pasyalan tulad ng Children’s park, Rizal Eco
Park sa Manila, UP Sunken Garden at Quezon Circle ng Quezon.

26
2. Ang paksang diwa ay tungkol sa Our Lady of Penafrancia na magaganap tuwing
ikatatlo ng Sabado sa buwan ng Setyembre at buwan ng Mayo.

Aralin 38
Suriin

15 Mabini Extension, Ozamis City


June 25, 2020
Mahal kong Rita,
Kaarawan ko sa Sabado, June 27, 2020. Magkakaroon ng
handaan sa bahay. Magluluto ng pansit si Nanay. Bibili siya ng ice
cream at cake. Darating ang aking mga pinsan. Dumalo ka at nang
magkasama-sama muli tayo. Hihintayin ka namin.

Ang iyong kaibigan,


Lorna
Isagawa
1. Liham Paanyaya
2. Liham Pagbabalita
3. Liham Pagtanggi
4. Liham Pasasalamat
5. Liham Pakikiramay

Aralin 39
Tuklasin
1. Si Snow White
2. Balak si Snow White na patayin ng kanyang madrasta.
3. Sa Kagubatan
4. Nahilo ang prinsesa dahil nakain niya ang mansanas na may lason.
5. Oo, dahil mahal ko ang prinsensa
6. Nagbalat kayo ang reyna,
7. Kumain siya ng mansanas na may lason.
8. Nakamamatay dahil may lason ang mansanas na kinain ng prinsesa.
9. Oo, masaya dahil nagkatuluyan ang prinsipe at prinsesa.
10. Iba - iba ang kasagutan ng mga bata.

27
Suriin
CINDERELLA
3
10
9
1
2
7
4
5
6
8
Pagyamanin
PINOCCHIO
2
5
1
9
10
3
4
6
8
7
Pagtatasa/FROZEN 1
1. 5
2. 6
3. 2
4. 10
5. 4
6. 8
7. 9
8. 3
9. 1
10. 7
SANGGUNIAN

 Daluyan 6
 Wikang Sarili 5
 Wikang Sarili 6
 ALAB FILIPINO 5
 https://mommystoryland.blogspot.com/2012/04/snow-white-and-seven-dwarfs.htm
 https://brainly.ph/question/1222165#readmore
 https://www.gintongaral.com/mga-sari-saring-kuwento/si-pinocchio/
 https://brainly.ph/question/1222165

28
For inquiries and feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

29

You might also like