You are on page 1of 38

NOT

5
MAPEH
Quarter 2 - Module 1

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2-Modyul 1:
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan
ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari
ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module
Authors: Lennie V. Rico Arman B. Siso
Rene L. Bation
Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas
Fernando D. Sumondong Joseph M. Amisola

Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos


Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

ii
5

MAPEH
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- vi
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- vi
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- vi
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- viii
Subukin ---------------------------------------------------------------------------- ix-xi
Aralin 1: Kahulugan at mga Kagamitan ng F-Clef sa Staff
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 2
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 2
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 3
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 3
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 3
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 4
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 4

Aralin 2: Mga Natural at Makasaysayang Lugar na Matatagpuan sa Pilipinas


Alamin ----------------------------------------------------------------------- 6
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 6
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 6
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 7
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 9
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 10
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 10
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 11
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 11

Aralin 3: Ang Physical Activity Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 12
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 12
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 12
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 14
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 15
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 17
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 17
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 18
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 19

Aralin 4: Mga Pagbabagong Pisikal na Nagaganap sa Panahon ng


Pagbibinata at Pagdadalaga
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 20
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 20
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 21
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 22
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 23
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 24
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 24
iv
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 25
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 26

v
Modyul 1
MAPEH (Ikalawang Markahan)

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol
sa melodiya, pisikal na mga gawain at fitness, invasion games, linya, kulay, space at harmony
sa pagpipinta ng iba’t ibang landscapes, pagdadalaga at pagbibinata, sex at gender.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito may apat na elemento: Music, Arts, Physical Education, at Health.
Tampok dito ang mga konsepto ng kahulugan at mga kagamitan ng F Clef sa staff, mga natural
at makasaysayang lugar na matatagpuan sa Pilipinas, Physical Activity Pyramid Guide at mga
pagbabagong pisikal na nagaganap sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

Nagsisimula ang modyul na ito sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-


aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Balikan kung
saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Sinusundan ito ng pag-
uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin at


sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang iyong
pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter jung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

vi
3. Maglaan ng kwaderno para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain
at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga
pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning pagkatuto
at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin
kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

viii
Music
Subukin Natin
Direksiyon: 1-8 Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa guhit at puwang ng F-
cleff.

Art

Direksiyon: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.


9. Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon.
Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang
tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-
batis. Ano ang talon na ito?
A. Maria Cristina Falls C. Laguna De Bay
B. Nagcarlan Falls D. Pagsanjan Falls
10. Ang _________ ay isang burol na napakagandang pagmasdan na matatagpuan sa Bohol.
A. Chocolate Hills C. Mt. Ulap
B. Mt. Malindang D. Bundok Kanlaon
11. Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinaguriang “8th
Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito
ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at
pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.
A. Bundok Makiling B. Banaue Rice Terraces C. Mayon D. Mt. Apo
12. Si ___________ ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga
pang-araw-araw na gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga
kulay. Karamihan sa kaniyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang
bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa bukid.
A. Jose Rizal C. Carlos “Botong” Francisco
B. Vicente Mansala D. Fernando C. Amorsolo
13. Tinaguriang “The Poet of Angono”
A. Fernando C. Amorsolo C. Vicente Mansala
B. Carlos “Botong” Francisco D. Victorino Edades
14. Tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-sabay
na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t
ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at
translucent technique na makikita sa kanyang mga obra.
A. Victorino Edades C. Fernando C. Amorsolo
B. Vicente Mansala D. Carlos “Botong” Francisco

ix
15. Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kayang istilo sa pagpinta
ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na kulay sa
kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang mabigyang pansin
ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.
A. Carlos “Botong” Francisco B. Fernando Amorsolo
C. Vicente Mansala D. Victorino Edades
16. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanya dahil sa isang kasalanang
ibinintang sa kanya.
A. Cavite B. Dapitan, Zamboanga C. Fort Santiago D. Fort Bonifacio

Physical Education
17. Ang ______________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat
na bagay o power. Halimbawa nito ay ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa
bahay tulad ng malaking timba ng tubig.
A. lakas ng kalamnan C. tatag ng kalamnan
B. coordination D. katatagan ng kamay at paa
18. Ang ____________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang
na bagay o power ng paulit-ulit, o mas matagal na panahon
A. lakas ng kalamnan C. tatag ng kalamnan
B. coordination D. katatagan ng kamay at paa
19. Ano ang sinusubok ng 40 meter Sprint test ____________.
A. balance C. cardiovascular
B. speed D. muscular strength
20. Ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang mailipat ito sa ibang
lalagyan ay halimbawa naman ng ___________
A. lakas ng kalamnan C. Power
B. tatag ng kalamnan D. Coordination
21. Isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing kakayahan
na magpalit-palit o mag iba-iba ng diresyon.
A. Agility B. Power C. Speed D. Coordination
22. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay _________.
A. nagpapalakas ng katawan
B. nakatutulong sa magandang pakikipag-kapwa
C. nagpapatatag ng katawan
D. lahat ng nabanggit
23. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain katulad ng laro?
A. nakikipaglaro nang patas sa kalaban
B. walang pakialam sa kalaban
C. hinahayaang masaktan ang kalaro
D. wala sa mga nabanggit

x
Health
Direksiyon: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap.

24. Ang puberty ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang
batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami nang sekswal.
25. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o
pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan.
26. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay hindi naapektuhan ang damdamin ng isang
nagdadalaga at nagbibinata.
27.Ang gender ay tumutukoy sa byolohikal na pagkakaiba ng lalaki at babae tulad ng
pagkakaiba ng chromosomes, hormonal profiles, panloob at panlabas na ari.
28. Sa loob ng pamamahay una-unang natutunan ng isang bata ang lahat ng bagay na may
kinalaman sa kanyang sarili at mga tungkulin sa pamilya.
29. Ang gender identity ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip ng isang lalaki,
babae o transgender batay sa kanyang sariling paniniwala at kasiyahan.
30. Ang paaralan ang nagsisilbing unang tahanan ng mga bata.

xi
Aralin Kahulugan at mga Kagamitan
1 ng F-Clef sa Staff

Alamin Natin

Essential Learning Competency (Quarter 2):


 recognizes the meaning and uses of F-clef on the staff.

Balikan Natin

Makikita mo sa ibaba ang mga nawawalang so-fa syllables sa bawat staff ng G-Clef at
F-Clef, punan ang mga ito at isulat ang iyong sagot sa kahon na makikita sa itaas ng bawat
pitch name nito.

So-fa syllable

re la do
C D E F G A B C

So-fa syllable

do mi fa ti do

C D E F G A B C

Source: https://pt.slideshare.net/nomis2x/music-theory-lesson/11

1
Tuklasin Natin

Tingnan ang note na may kulay. Ano ang so-fa syllable nito? Bakit magkapareho ang
kulay nito sa clef na nasa kaliwa, may kaugnayan ba ang dalawa?

C D E F G A B C

DO RE MI FA SO LA TI DO

Source: https://happynote.com/music/music-theory-clefs-treble-bass-alto-tenor/

Suriin Natin
Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng staff. Ang staff ay isa sa pinakapangunahing
simbolo ng musika na kailangan muna nating matutunan. Ito ay binubuo ng limang guhit na
pahalang. Sa pagitan ng mga guhit ay may puwang o space.
__________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

Ang mababang staff ay maaaring hatiin sa maliliit na bahagi na tinatawag na measures.


Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglagay ng mga bar line.

1 measure 1 measure 1 measure 1 measure

Ang Clef ay isang simbolo sa musika na matatagpuan o makikita sa pinakakaliwang


bahagi ng staff. Ito ay tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng bawat tono o pitch sa staff.

Mayroong iba’t-ibang uri ng clef pero ang pinakamadalas na gamitin ay ang G-Clef at
F-Clef. Ang F-Clef ay isang simbolo ng musika na tinatawag ring bass clef. Ang pagguhit
nito sa staff ay nagsimula sa ika-apat na linya at mayroong dalawang dot sa tabi nito. Ang
gamit nito ay para maipakita na ang nota ay F. Ibig sabihin na ang pitch name sa pang-apat na
linya ng staff ay F o Fa. Kung kantahin ito, dapat ang pang-apat na linya ay mapangalanang
Fa.
2
Ang nasa ibaba ay halimbawa ng F-Clef.

Source: https://www.yourdictionary.com/bass-clef

Kilalanin at iguhit ang F-Clef sa staff na nasa ibaba.


__________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

Pagyamanin Natin

Source: https://offtonic.com/theory/book/2-1.html

Tingnan ang F-Clef Staff sa itaas na may 4/4 time signature at sagutin ang mga tanong na
nasa ibaba:
1. Ilan ang mga notang makikita sa unang measure ng F-Clef Staff? ____________
2. Ilang beat mayroon ang pangalawang measure? ___________________
3. Pangalanan ang mga pitch name ng bawat nota na nasa pangalawang measure ng F-
Clef Staff. _______________________

Isaisip Natin

Tandaan!

Ang Clef ay nagbibigay pananda sa range ng mga note na gagamitin. Karaniwang ginaga
mit ang F-Clef sa range ng boses ng mga lalaki tulad ng Bass at Tenor.

Isagawa Natin
Direksiyon: Kilalanin at tukuyin ang mga pangalan, kahulugan, at gamit ng F-Clef sa staff.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba at isulat ito sa bawat linya
na nasa kanang bahagi.

1. Ito ay simbolong musika na nakalagay sa kaliwang bahagi ng staff. ___________


3
2. Ilan ang mga linya na makikita sa staff? ___________
3. Ito ay pangunahing simbolo ng musika na binubuo ng mga limang pahigang linya.
____________
4. Ito ay tinatawag ding bass clef na iginuhit sa pang-apat na linyang staff na mayroong dalawang
dot sa tabi nito. ____________
5. Ito ay ang proseso sa pagpapaikli at paghahati ng staff gamit ang mga patayong linya o bar.
____________

F-Clef Staff Clef

Measures Puwang 5 linya

Susi sa Pagwawasto

 Measures
 F-Clef
 Staff
 5 linya
 Clef
Isagawa Natin:
 D, E, F, D
 4
 4
Pagyamanin Natin:
 Maaaring magkakaiba ang paggananp
Suriin Natin:
 re, so, la
 do, mi, fa, so, ti
Balikan Natin:

Sanggunian
Halina’t Umawit at Gumuhit Batayang Aklat 5

https://www.yourdictionary.com/bass-clef

http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

MAPEH – 5 LM Phoenix Publishing House

4
VectorStock. (2020). Retrieved 29 June 2020, from https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/f-clef-symbol-vector-26772296

Jacques, F. (2020). Offtonic Theory. Retrieved 2 August 2020, from


https://offtonic.com/theory/book/2-1.html

Happy Music Note. (2019). Retrieved 2 August 2020, from https://happynote.com/music/music-


theory-clefs-treble-bass-alto-tenor/

5
Aralin Mga Natural at Makasaysayang
2 Lugar na Matatagpuan
sa Pilipinas
Alamin Natin

Essential Learning Competency (Week 1, Quarter 2):


 explains the importance of natural and historical places in the community that have
been designated as World Heritage Site (e.g. rice terraces in Banawe, Batad; Paoay
Church; Miag-ao Church; landscape of Batanes, Callao Caves in Cagayan; old house
in Vigan, Ilocos Norte; and the torogan in Marawi)

Nakapunta ka na ba sa mga magaganda at makasaysayang lugar? Ano ang nag-udyok sa iyo


na pumunta doon? Ano-ano ang mga magaganda at makasaysayang lugar na iyong napuntahan? Ano
ang masasabi mo sa mga lugar na ito?

Ang araling ito ay magdadala sa iyo na makapunta sa iba pang mga magaganda at
makasaysayang lugar na hindi mo pa napuntahan.

Balikan Natin

Maglista o magpangalan ng sampung (10) mga tanyag at makasaysayang lugar na


matatapuan sa Pilipinas kabilang ang ating lugar. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Tuklasin Natin
Tukuyin at pangalanan ang mga larawan na nasa ibaba. Piliin ang wastong kasagutan na nasa
kahon at isulat ito sa bawat linya na nakalagay sa ibaba ng bawat larawan.

Tulay ng San Juanico


Chocolate Hills
Luneta Park
Hagdan-hagdang Palayan ng
Banaue
Underground River

1. ________________________ 2.___________________________

6
3._________________________ 4. _________________________
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Suriin Natin

Ang Pilipinas ay may mga magagandang tanawin at mga makasaysayang lugar na makikita
na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa paggawa ng sining at mga desinyo. Chocolate Hills,
Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue and Puerto Princesa Underground River ay iilan sa mga
magagandang tanawin at pasyalan ng mga turista dito sa ating bansa. Ang mga ito ay ating
pahalagahan, pangalagaan at ipagmalaki na ang ating bansa ay mayroong mga kayamanan na ito.

Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

Palasapas Falls, Minalungao Rice Terraces of the


San Jose City, Nueva Ecija National Cordilleras
Park General Ifugao

Luneta Park in Manila San Juanico Bridge in Samar, Paoay Church


Leyte in Ilocos
Norte

MiagaoChurch Puerto Princesa Subterranean Historic Town in Vigan


Ifugao River
Ilocos Sur

7
Chocolate Hills in Balete (DALTON) Pantabangan Lake
Bohol PASS Pantabangan, NuevaEcija

Camp Pangatian Gabaldon Falls and Eco Park


Cabanatuan City, Nueva Ecija Gabaldon, Nueva Ecija

Sources: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/

Cotta Shrine – Ozamiz City Dolphin Island – Aquamarin Park


Sinacaban, Misamis Occidental

Dakak Beach Resort-Dapitan City


Sources: https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-g1392978-d7096798-i239786714-
Cotta_Fort-Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html
https://www.flickr.com/photos/iloilocity/4993546366
https://www.facebook.com/photo?fbid=2755914897780999&set=a.2755851524454003

8
Direksiyon: Tukuyin ang isinasaad ng bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Saang probinsiya ng Pilipinas matatagpuan angChocolate Hills?


A. Probinsiya ng Pangasinan C. Probinsya ng Bohol
B. Probinsiya ng Misamis D. Probinsiya ng Zamboanga

2. Ito ay isa sa mga makasayasayang lugar na gawa ng tao na tinaniman ng mga palay na pahagdan-
hagdan ang anyong bundok.
A. Ozamiz Rice Terraces C. Negros Rice Terraces
B. Banaue Rice Terraces D. Bohol Rice Terraces

3. Saang lugar matatagpuan ang pinakamataas na tulay sa Pilipinas na tinatawag na Tulay ng San
Juanico?
A. Samar at Leyte C. Sorsogon
B. Palawan Island D. Baguio City
4. Saan matatagpuan ang Luneta Park?
A. Cebu City C. Pagadian City
B. Davao City D. Metro Manila

5. Ano ang makasaysayang simbahan na matatagpuan sa Ifugao?


A. Miagao Church C. Quiapo Church
B. Basilica Church D. Cathedral Church

Pagyamanin Natin

A. Direksiyon: Pangalanan ang sumusunod na mga natural at makasaysayang mga larawan sa ating
bansa. Isulat ang iyong sagot sa mga linyang nakalagay sa ibaba ng bawat larawan.

1._________________________ 2.______________________ 3._____________________

4.______________________ 5._____________________ 6.___________________

9
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-g1392978-d7096798-i239786714-
Cotta_Fort-Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html
https://www.flickr.com/photos/iloilocity/4993546366

B. Direksiyon: Ipaliwanag ang kontibusyong naibigay ng mga pasyalang lugar na ito sa


turismo at ekonomiya ng Pilipinas. Isulat ang iyong sagot sa mga linyang
nakalagay sa ibaba.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip Natin
Ano-ano ang mga natural at tanyag na mga makasaysayang lugar sa Pilipinas?
Paano ito na nakakaapekto sa turismo at ekonomiya ng Pilipinas?

Isagawa Natin
Direksiyon: Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga natural at makasaysayang lugar tanawin
na makikita sa ating bansa. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga Cloud
Graphic Organizer.

Ang Kahalagahan
ng mga Natural at
Makasaysayang
Lugar sa Ating
Bansa

10
11
https://www.facebook.com/photo?fbid=2755914897780999&set=a.2755851524454003
https://www.flickr.com/photos/iloilocity/4993546366
Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html
https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-g1392978-d7096798-i239786714-Cotta_Fort-
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
Sanggunian:
Balikan Natin:
 Maaaring magkakaiba ang sagot.
Tuklasin Natin:
1. Chocolate Hills
2. Hagdan-hagdang palayan ng Banaue
3. Luneta Park
4. Tulay ng San Juanico
Suriin Natin:
1. C 4. D
2. B 5. A
3. A
Pagyamanin Natin:
A.
1. Miagao Church Ifugao
2. Puerto Princesa-Subterranean River
3. Paoay Church in Ilocos Norte
4. Cotta Shrine in Ozamiz City
5. Gabaldon Falls and Eco Park-Gabaldon, Nueva
6. Dolphin Island-Acquamarin Park, Sinacaban Misamis Occidental
B. Maaaring magkakaiba ang sagot
Isaisip Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot
Isagawa Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot
Susi Sa Pagwawasto
Aralin Ang Physical Activity Pyramid Guide
3 Para sa Batang Pilipino

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 assesses regularly participation in physical fitness based on the Philippine
physical activity pyramid

Balikan Natin

Sa nakaraang yunit, tinalakay natin ang health-related components na mahalagang


sangkap ng physical fitness na kadalasang ginagamit sa araw-araw na gawain sa labas ng
tahanan, sa paaralan at pamayanan. Ano-ano ang mga gawaing ito?

Ngayon naman ay sasayaw tayo ng ZUMBA.Siguraduhing igagalaw ninyo ang lahat


ng bahagi ng iyong katawan.

Tuklasin Natin

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Isulat kung ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan.

1.

12
2.

3.

4.

Sources:
https://lilnaomi03.files.wordpress.com/2011/10/payatas-house-cleaning-26-10-114.jpg
https://article.wn.com/view/2011/03/10/Filipinos_still_glued_to_the_tube_Nielsen_survey_says/
https://www.icebike.org/disabled-children/
https://www.worldremit.com/en/stories/story/2018/08/29/philippines-australia-basketball

13
Alin sa mga sumusunod na larawan ang palagi mong ginagawa? minsan mo
ginagawa? o hindi mo ginagawa? Isulat ito sa loob ng tatsulok.

Hindi ginagawa

Minsan lang ginagawa

Palaging ginagawa

Suriin Natin

Source: https://www.pinterest.ph/pin/486599934709525573/

14
Ginagawa mo rin ba ang mga gawain sa Physical Activity Pyramid? Gaano kadalas
mo itong gawin?
Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa batang Pilipino ay makatutulong upang
mapanatiling malakas at malusog ang iyong pangangatawan. Nararapat na isinasagawa ito ng
madalas o palagian upang mas mauunawaan ang kahalagahan nito.
Apat (4) na Antas ng Physical Activity Pyramid Guide:

1. Ang pinakamababang antas ay ang mga gawaing nirerekomenda na mas madalas gawin o
araw araw na gawain sapagkat itoy makatutulong sa iyong katawan.

2. Sa pangalawang antas naman ay makikita ang mga gawaing makapagpapabilis ng tibok ng


puso gaya ng pagbibisikleta, pagbabasketbol, pagtakbo at iba pa.

3. Sa ikatlong level naman ay makikita ang mga gawaing nararapat gawin ng 2-3 beses na
rekumendadong gawin. Ito ay ang mga gawain tulad ng pag-eehersisyo, pagpush up, pag-akyat
ng puno pagsasayaw at iba pa.

4. Ang mga gawaing nasa tuktok naman ng pyramid ay mga gawaing nararapat lamang gawin
ng 1 beses sa isang lingo. Ito ay dahil ang mga gawaing ito ay hindi nangangailangan ng
matinding paggalaw. Ang mga ito ay kinabibilangan ng panonood ng tv, paglalaro ng
computer, pag-upo at paghiga nang matagal.

Kung ikaw ay hindi gaanong aktibo sa mga gawaing nasa Physical Activity Pyramid,
dapat ay magsimula sa mga gawain na nasa ilalim ng pyramid at unti-unting damihan ang mga
gawaing rekumendado ng Physical Activity Pyramid Guide.

15
Pagyamanin Natin

A. Panuto: Gumawa ng iyong sariling Physical Activity Pyramid. Tiyakin na nasa tamang
antas ang iyong mga pisikal na mga gawain.

16
B. Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-ano pang mga gawain ang pwede mong idagdag sa mga gawaing dapat na nasa activity
pyramid guide? _______________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Naaayon ba sa physical activity pyramid guide ng batang Pilipino ang mga ginagawa mo sa
araw-araw? Bakit?
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isaisip Natin

 Mahalaga sa isang batang tulad mo ang maging aktibo sa mga gawain sa Physical
Activity Pyramid upang mapanatiling malusog at malakas ang iyong pangangatawan.

 Dapat na isaalang- alang kung gaano mo kadalas gagawin ang bawat gawain.

 Maaaring magdagdag ng mga gawaing lagi mong ginagawa sa araw- araw mong
gawain tulad ng paglalaro ng ibat ibang isports at mga gawaing kaugnay ng mga
aktibidad na

Isagawa Natin

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga gawain sa ibaba ay nakatutulong upang maging aktibo, alerto at
malusog ang isang tao. Lagyan ng (/) ang patlang kung OO at (x) kung HINDI.

___________1. panonood ng telebisyon


___________2. pagbibisikleta
___________3. paggamit ng elevator sa halip na hagdanan
___________4. pagkain ng junk foods
___________5. paglalakad
___________6. pagkain ng gulay at prutas
___________7. paglalaro ng video games
___________8. pakikilahok sa mga gawaing pang-isports
___________9. pagsasayaw
___________10. pag-eehersisyo

17
B. Panuto: Suriin ang iyong sarili. Lagyan ng tsek (/) ang kolum na kumakatawan sa iyong sagot.

 
1. Nailalarawan ko ang physical activity pyramid
guide.

2. Napahahalagahan ko ang mga gawain na


makakatulong sa pagpapaunlad ng aking
kakayahang pisikal.

3. Nauunawaan ko ang kahalagahan ng mga gawain


sa physical activity pyramid guide.

4. Nagagawa ko ang mga gawain na rekomendado


ng physical activity pyramid guide.

Susi Sa Pagwawasto

B. Maaaring magkakaiba ang sagot.


10. √
9. √
8. √
7. √
6. X
5. √
4. √
3. X
2. √
1. X
A.
Isagawa Natin:
B. Maaaring magkakaiba ang sagot.
A. Maaaring magkakaiba ang sagot.
Pagyamanin Natin:

 Maaaring magkakaiba ang sagot.


Tuklasin Natin:

18
Sanggunian

http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

MAPEH 5 in Action Worktext in Music, Arts,Physical Education, and Health, Copyright 2016, REX
Bookstor
https://lilnaomi03.files.wordpress.com/2011/10/payatas-house-cleaning-26-10-114.jpg

https://article.wn.com/view/2011/03/10/Filipinos_still_glued_to_the_tube_Nielsen_survey_says/

https://www.icebike.org/disabled-children/

https://www.worldremit.com/en/stories/story/2018/08/29/philippines-australia-basketball

https://www.pinterest.ph/pin/486599934709525573/

19
Aralin Mga Pagbabagong Pisikal na
4 Nagaganap sa Panahon ng
Pagbibinata at Pagdadalaga

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 recognizes the physical, emotional, and social changes during puberty as a normal part
of growth and development
 Physical Change

Balikan Natin

Noong nakaraang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa Epekto ng mga Isyu sa
Kalusugang Mental, Emosyonal, at Sosyal sa Pangkalahatang Kalusugan at Pagkatao.

Sagutin ang mga tanong:

1. Paano nakakaapekto ang Kalusugang Pangkaisipan sa pagkatao ng isang indibidwal?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano nakakaapekto ang Kalusugang Emosyonal sa pagkatao ng isang indibidwal?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Paano nakakaapekto ang Kalusugang Sosyal sa pagkatao ng isang indibidwal?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng kalusugang mental. Emosyonal, at sosyal sa isang tao?


Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

20
Tuklasin Natin
Panuto: Tingnan nang mabuti ang larawan.

Source: https://www.slideshare.net/Humazille/puberty-advanced-developmental-psychology

Sagutin ang tanong:


Ano-ano ang mga pagbabagong pisikal, sosyal, at emosyonal ang nagaganap sa panahon ng pagdadalaga
at pagbibinata?

Batay sa larawan, ano-ano ang mga pagbabagong pisikal ang nagaganap sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga?

NAGBIBINATA NAGDADALAGA

21
Suriin Natin

Ang pagbibinata at pagdadalaga o puberty ay ang pisikal na pagbabago ng katawan ng


isang batang babae at lalaki patungo sa pagiging isang matandang lalaki.

Pagbabagong Pisikal
Ang adolescence period ay ang pagbabago sa hubog ng pangangatawan ng isang
indibidwal mula sa pagiging bata patungo sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga.

Pagbabagong Pisikal sa Isang Nagdadalaga


1. Pagsulong ng taas at bigat.
2. Pagbabago sa sukat ng katawan.
3. Pag-unlad ng mga pangunahing bahagi ng katawan.
4.Lumulusog at nagkakahugos ang dibdib.
5. Nagkakaroon ng buwanang daloy o menstruation.
6. Paglapad ng balakang.
7. Pagtubo ng taghiyawat at
pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
5. Pag-iiba ng kilos tulad ng pagiging palaayos at
pakakaroon ng interes sa paglalagay ng pampaganda at
palamuti sa katawan

Pagbabagong Pisikal sa Isang Nagbibinata


1. Pagsulong ng taas at bigat.
2. Mabilis na pag-unlad na kalamnan na nagbibigay ng
kakayahan sa paggawa ng mabigat na gawain.
3. Unti-unting lumalaki ang kasariang panlalaki.
4. Nagkakaroon ng taghiyawat
5. Tiinutubuan ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng kilikili, at sa binti.
6. Pagtubo ng bigote at balbas.
5. Pagbabago ng boses

Ang mga pagbabagong ito ay dulot ng pagtaas ng lebel ng testosterone ( hormone sa


lalaki) at estrogen (hormone sa mga babae.

Mga terminolohiya kaugnay sa pagbibinta at pagdadalaga.

1. Precocious Puberty – maagang pagsisimula ng pagbibinata o pagdadalaga


2. Delayed Puberty – nahuhuling pagbabago na nagaganap sa pagbibinata at
pagdadalaga,
3. Menarche – ang panimulang regal na hudyat ng pagdadalaga
4. Menstrual Cycle – buwanang dalaw na dumarating sa kababaihan

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

22
Pagyamanin Natin

A. Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer. Isulat ang mga pagbabagong pisikal na
nagaganap sa nagbibinata at nagdadalaga.

PISIKAL

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, itala ang mga magkapareho at magkaibang paagbabago
na nagaganap sa panahon ng pagbibinata at pagdadala.

23
B. Panuto: Iayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng katangian
o paglalarawan.

Ginulong Titik Nabuong Salita Katangian/Paglalarawan

Pisikal na pagbabago ng
1. YUTBEPR katawan ng isang batang
lalaki at babae
Isang mahalagang hudyat
2. RAMENEHC ng pagdadalaga, ang
panimulang regla,
Hormones ng mga lalaki
3. SETESORENOT
Hormones ng mga babae
4. NEGORTSE
Buwanang dalaw na
5. LATRUNEMS CELYC dumarating sa mga
kababaihan
Naantalang pagdadalaga at
6. -LEDADEY TUPYERB
pagbibinata

Isaisip Natin

Mayroong pagbabagong pisikal ang nagaganap sa panahon ng pagbibinta at


pagdadalaga. Ang ilan sa mga pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga ay pagkakaroon ng dalaw,
paglaki ng dibdib, pagbabago ng hugis ng katawan, pagtubo ng buhok sa ibang bahagi ng katawan
at pagtubo ng tigyawat sa mukha. Sa kabilang banda naman, ilan sa mga pagbabagong nagaganap
sa panahon ng pagbibinta ay ang pagbabago ng boses, pagbabago sa hugis ng katawan,
pagtangkad, at pagtubo ng tigyawat at buhok sa ibang bahagi ng katawan.

Ang pagbabago sa katawan ay normal sa isang bata at ito ay nagaganap sa panahon ng


pagbibinata at pagdadalaga o puberty kaya ito’y hindi dapat pandirihan. Ito ay isang yugto sa
buhay ng isang tao kung saan ang kaniyang pangangatawan, emosyon, at pag-iisip ay lumalawak
at umuunlad upang maging ganap na lalaki o babae.

Isagawa Natin

A. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang ipinapahayag ng pangunguap at ekis
(X) naman kung hindi.

_____ 1. Ang puberty ay ang pisikal na pagbabago ng katawan ng isang batang lalaki at babae.
______2. Ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay tinatawag na precocious puberty.
______3. Ang pagbabago sa sukat ng katawan ay kabilang sa pagbabagong pisikal sa isang
nagdadalaga.
______4. Kabilang sa pagbabago sa pagbibinata ay ang pagtubo ng bigote at balbas.
______5. Ang menarche ay ang panimulang regla.
24
B. Gumawa ng isang scrapbook ng iyong sarili mula sa pagiging sanggol sa hanggang sa
paglaki. Lagyan ng makabuluhang salita ang bawat pagbabagong naganap sa iyo.

Pamantayan Indikador Puntos Natatamong


Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipapaliwanag ang 15
pagbabagong naganap.
Pagkamalikhain Orihinal ang ideya sa paggawa ng 5
(originality) scrapbook.
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang 5
Presentasyon presentasyon.
Pagkamalikhain Gumamit ng nakakaakit na kulay at 5
disenyo.

Susi Sa Pagwawasto

B. Maaaring magkakaiba ang pagganap.


5

4

3
X
2
1.√
A.

Isagawa Natin:

Delayed Puberty
Menstrual Cycle
Estrogen
Testosterone
Menarche
1. Puberty

Maaaring magkakaiba ang sagot.


Maaaring magkakaiba ang sagot.
Pagyamanin Natin:

 Maaaring magkakaiba ang sagot.


Tuklasin Natin:

25
SUBUKIN

B 16. A 8.
M 30. A 23. D 15. G 7.
T 29. D 22. B 14. F 6.
T 28. A 21. B 13. E 5.
M 27. B 20. D 12. D 4.
M 26. A 19. B 11. C 3.
T 25. C 18. A 10. B 2.
T 24. A 17. D 9. A 1.
HEALTH P.E ARTS MUSIC

Sanggunian
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

https://www.slideshare.net/Humazille/puberty-advanced-developmental-psychology

MAPEH 5 in Action Worktext in Music, Arts, Physical Education, and Health, Copyright 2016, REX
Bookstore

26
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like