You are on page 1of 32

NOT

5
MAPEH
Quarter 1 - Module 4

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Quarter 1- Modyul 4:
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso

Development Team of the Module


Author: Karen O. Avery Crusito C. Cena
Dorina L. Pabuaya Jocelyn J. Seno
Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas
Elsa B. Buenavidez Ramil G. Cabural
Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos Darlene Sheila J. Pescador
Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE
Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
ii
5
MAPEH
Unang Markahan - Modyul 4
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- vi
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- vi
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- vi
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- viii
Aralin 1: Duration ng mga Nota at mga Pahinga in 3/4 Time Signature
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 2
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 3
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 3
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 3
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 4
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 4

Aralin 2: Pagguhit ng mga Sinaunang Bagay mula sa Impluwensya


ng mga Mananakop na Dayuhan na Dumating sa ating Bansa
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 5
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 5
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 7
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 8
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 9
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 9
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 9
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 10
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 11

Aralin 3: Paglinang ng Cardiovascular Endurance sa pamamagitan


ng Larong Tumbang Preso
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 12
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 12
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 12
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 13
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 14
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 14
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 15
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 15
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 16

Aralin 4: Kahalagahan ng Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Pagpapanatili


ng Kalusugan
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 17
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 17
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 18
iv
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 18
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 18
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 19
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 19
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 21
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 22

v
Modyul 4
MAPEH (Unang Markahan)

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol
sa ritmo, melodiya, pisikal na mga gawain, fitness, linya, kulay, space at harmony sa
pagpipinta.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito may apat na elemento: Music, Arts, Physical Education, at Health.
Tampok dito ang mga konsepto ng mga rhythmic patterns gamit ang iba’t-ibang nota sa
simple time signatures, masisining na disenyong arkitektural ng mga Pilipino, paglinang sa
mga iba’t ibang kasanayan sa mga piling laro at mga katangian ng taong may kalusugang
mental, emosyonal, at sosyal.

Nagsisimula ang modyul na it sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-


aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Balikan kung
saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


ibang gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
mararapat na matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

vi
2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung
kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari
Isagawa
o sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

viii
Aralin Duration ng mga Nota at mga
Pahinga in 3/4 Time Signature
1
Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Identifies accurately the duration of notes and rests in 2/4, 3/4, 4/4 time signatures.

Kamusta Ka?
Sa araling ito, ating makikilala nang tama ang beat ng bawat nota at pahinga
sa time signature na 3/4.

Balikan Natin

Napag-aralan natin na ang 2/4 time signature ay karaniwang ginagamit sa musikang


pangmartsa at sa time signature na ito, ang bawat measure ay may dalawang beats lamang.
Ang quarter note ang tumatanggap ng isang bilang. Ang accent sa time signature na ito ay
matatagpuan at mararamdaman sa unang beat. Ang ikalawang beat ay walang diin.

Tuklasin Natin

Ngayon naman ay pag-aralan natin ang ibang uri ng simpleng time signature. Punahin
ang mga musical score na nasa ibaba. Ano ang kaibahan nito sa time signature na ating
napag-aralan noong nakaraang linggo?

1
Ang uring ito ng time signature ay pangkaraniwang ginagamit sa mga balse o waltz.
Ang accent ay nasa unang beat samantalang ang ikalawa at ikatlong beat ay walang diin.

Narito ang mga hakbang kung paano isagawa ang 3/4 time signature. Gawing gamit
ang mga awiting “Ang Bayan Ko” at “Paruparong Bukid”.

Suriin Natin

Gawain 1: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa activity notebook.
1. Anong uri ng awitin ang “Bahay Kubo?
2. Anong mga nota/pahinga ang nasa pangsiyam na sukat?
3. Ilang beat mayroon ang bawat sukat?
4. Ano ang tawag sa uri ng time signature kung ito ay may tatlong beats?
5. Saan pangkaraniwang ginagamit ang 3/4 time signature?

2
Pagyamanin Natin

Gawain 2. Lagyan ng tamang accent ang bawat measure.

1 2 3 1 2 3 1 2 3

Isaisip Natin

Ang 3/4 time signature ay may tatlong beats sa bawat measure at ang quarter note
ang tumatanggap ng isang bilang.

Isagawa Natin

Gawain 3: Lagyan ng dalawang nota ang mga staff gamit ang 3/4 time signature. Gawin
ito sa iyong activity notebook.

3
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Sagutin ang mga tanong.


1. traditional

2.
3. 3

4.
5. Sa balse at waltz

Gawain 2
> > >

1 2 3 1 2 3 1 2 3

Gawain 3. Ang mga sagot ay maaaring:


 3 quarter notes
 1 half note at 3 quarter notes
 1 dotted half note, 1 quarter note
 6 eighth notes
 12 sixteenth notes
 (kahit anong kombinasyon na bubuo ng 3 beats)

Sanggunian

Halinang Umawit at Gumuhit, Batayang Aklat 5

Halinang Umawit at Gumuhit, Patnubay ng Guro 5

4
Aralin Pagguhit ng mga Sinaunang Bagay
2 mula sa Impluwensya ng mga
Mananakop na Dayuhan na
Dumating sa ating Bansa

Alamin Natin

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na aralin…

Essential Learning Competency:


 Explains the importance of artifacts, houses, clothes, language, lifestyle, utensils,
food, pottery, furniture – influenced by colonizers who have come to our country
(Manunggul jar, balanghai, bahay na bato, kundiman, Gabaldon schools,
vaudeville, Spanish-inspired churches).

Sa modyul na ito, inaasahang mapahalagahan mo ang ang mga sinaunang bagay,


bahay, kasuotan, lenggwahe at pamumuhay na impluwensya ng mga mananakop na dayuhan
na dumating sa ating bansa.

Iguhit mo nang maayos ang mga sinaunang bagay tulad ng manunggul jar at balangay bilang
pagpapahalaga nito.

Balikan Natin

Tingnan ang mga larawan. Isulat ang SB kung ito ay sinaunang bagay. SP kung
sinaunang produkto. SG kung sinaunang gusali. Gawin ito sa iyong activity notebook.

_________1. _________6.

5
________2. ________7.

________3. ________8.

_________4. ________9.

________5. ________10.

6
Tuklasin Natin

Ikonek ang mga tuldok.

A.

B.

Ano ang iyong nabubuo? Tama! Iyan ang Manunggul jar at ang balangay.

7
Ang Manunggul jar ay isang banga na ginamit sa paglilibing sa mga sinaunang tao sa
Palawan noong 1960. Ito ay matatagpuan sa Tabon Cave.

Ang balangay ay ang pinakamatanda at pinakaunng sasakyang dagat na nahukay sa


Timog Silangang Asya. Kilala rin ito bilang “Bangka ng Butuan”. Ang sinaunang sining na
ito ay isang matinding ebidensya ng kahusayan ng sinaunang Pilipino, gayundin ang kanilang
layong makapaglakbay sa ibayong dagat.

Suriin Natin

Kunin mo ang iyong mga kagamitan tulad ng bondpaper, lapis, at krayon.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Gumamit ng bangkang papel mula sa bondppaper.
2. Gumuhit sa bangkang papel ng mga sinaunang dienyong inyong natutunan.
3. Kulayan upang higit na gumanda.
4. Kapag natapos na, isumite ito sa titser kalakip ng modyul na ito.

8
Pagyamanin Natin

Isaayos ang mga titik upang makabuo ng bagong salita. Isulat ang sagot sa iyong activity
notebook.
1. ANGYAALB = _______________________
2. JANURMAGLANG = _______________________
3. EVACBONAT = _______________________
4. NAUBUT = _______________________
5. APNALAW = _______________________

Isaisip Natin

Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa activity notebook.

Rakuh Torogan Bahay Kubo Fayu o Fale

_______1. Tirahan ng mga katutubo ng Cordillera.


_______2. May arkitektura ng Islam
_______3. Gawa sa dahon ng nipa o kugon ang bubong.
_______4. May disenyong okir o geometric at mabulaklak.
_______5. Katutubong tirahan ng mga Pilipino.

Isagawa Natin

I. Basahin at unawain. Hanapin sa kolum B ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa
iyong activity notebook.
A B
___1. Ang mga sinauna o antigong ___________ay a. palayok
maaaring pagkukunan ng kaalaman tungkol
sa pamamaraan ng buhay sa nakaraang panahon.
___2. Ang _____ ay anyo ng kagamitan sa pagluluto na b. Tabon Cave
hinulma mula sa pulang putik o luwad.
___3. Sa _____ natuklasan ang mga bahagi ng balangay. c. Butuan
___4. Karaniwang makikita sa _____ ang Manunggul jar. d. banga
___5. Ang _____ ang pinakaunang sasakyang dagat na f. balangay
nahukay sa Timog Silangang Asya. g. Mindoro
9
II. Iguhit mo ang Manunggul jar nang maayos sa isang short bondpaper. Kulayan ito.
Lagyan ng (✔) tsek ang angkop na kahon. Kopyahin at gawin ito sa sagutang papel.

Nakasunod sa Nakasunod sa pa-


pamantayan nang mantayan subalit Hindi nakasunod
PAMANTAYAN higit sa inaasahan. may pagkukulang. sa pamantayan.
(3) (2) (1)
1. Nakakagawa ako
ng isang likhang
sining na ginamitan
ng disenyo ng
sinaunang panahon.
2. Napahalagahan ko
at naipagmalaki ang
sinaunang bagay
mula sa
impluwensiya ng
mga dayuhaan
noong unang
panahon.
3. Naipamalas ko ng
may kawilihan ang
aking ginawang
likhang sining.

Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN: A. B.

10
BALIKAN: ISAISIP:
1. SG 1. Manunggul Jar
2. SP 2. paglilibing
3. SB 3. 1960
4. SG 4. Balangay
5. SB 5. Timog Silangang Asya
6. SP
7. SB
8. SG ISAGAWA:
9. SB I 1. D
10. SG 2. A
3. C
SURIIN 4. E
Pagguhit 5. F
II Maaaring magkakaiba ang mga sagot.
PAGYAMANIN:
1. BALANGAY
2. MANUNGGAL JAR
3. TABON CAVE
4. BUTUAN
5. PALAWAN

Sanggunian:

Halinang Umawit At Gumuhit 5, Manwal Ng Guro


Mga May-Akda : Hazel P. Copiaco
Emilio S. Jacinto Jr.
Malinang Umawit At Gumuhit 5, Batayang Aklat
Mga May-Akda : Hazel P. Copiaco
Emilio S. Jacinto Jr.

11
Aralin Paglinang ng Cardiovascular Endurance
3 sa pamamagitan ng Larong Tumbang
Preso

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Executes the different skills involved in the game.

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahang natatasa mo ang kaangkupang pisikal.

Balikan Natin

Ano-ano ang mga ginagawa mo sa araw-araw na napapansin mo na nagpapabilis ng


tibok ng iyong puso kapag ginagawa ang mga ito? Magbigay ng 5 halimbawa. Isulat ang
sagot sa activity notebook.

Tuklasin Natin

Dahil ngayon ay wala kang ginagawang anumang nakpapagod at nakaupo lang,


subukin mong kunin ang iyong resting heart rate. Sundin ang sumusunod na mga hakbang:
Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.
1. Ilagay ang iyong hintuturo at gitnang daliri sa iyong pulsohan (wrist) o sa may
leeg sa gilid ng lalamunan at damhin ang iyong pulso.
2. Umpisahang bilangin ang iyong resting heart rate sa loob ng isang minuto.
3. Ikumpara ang nakuha mong resting heart rate noong nakaraang aralin.
4. Tumaas ba, bumaba o pareho lang?
5. Ano kaya ang dahilan?
12
Suriin Natin

Tumbang Preso

Source:
https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBF_enPH856PH856&source=univ&tbm=isch&q=tu
mbang+preso+clipart&sa=X&ved=2ahUKEwjk87SK06vqAhUOFogKHYi9DF4QsAR6BAgKEA
E&biw=1366&bih=657

Ang tumbang preso ay isang larong Pinoy kung saan ang isang taya ay may
binabantayang lata na nasa loob ng isang bilog. Ito ang “preo” na tinatawag. Ang ibang
manlalaro naman ay mga tagahagisng tsinelas na ang layunin ay mapatumba at maalis ang
“preso” (lata) sa loob ng bilog. Ang layunin ng taya ay makataga (makataya) ng isang
tagahagis habang ang mga ito ay kumukuha ng mga tsinelas sa palaruan. Ang natagang
(natayang) tagahagis ang magiging susunod na taya.

Mga Kagamitan:
 tsinelas (1 kada manlalaro)
 lata
 yeso o chalk pangmarka

Paraan ng Paglalaro:
1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang talampakan.
2. Ang manuhan o pamulaang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa lata.
3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa- isang tumayo sa tabi ng lata at ihagis sa
manuhang – guhit ang tsinelas. Ang mga tsinelas na pinakamalayo sa guhit ang
magiging taya.
4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata. Ang mga tagahagis ay nasa manuhang- guhit.
5. Isa- isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o tumilapon ito palayo
sa bilog.
6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
Patuloy itong babantayan ng taya.
7. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng mga tagahagis
ang kanilang mga tsinelas at bumalik sa manuhang- guhit.
8. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya) ang
magiging bagong taya.
9. Hindi maaaring tagain ang manlalarong nasa manuhang- guhit. Hindi rin maaaring
managa ang taya kung natmba ang lata.
10. Kapag nanghahabol ang taya, maaaring sipain ng bagong manlalaro ang lata upang
matumba ito.

13
Pagyamanin Natin

May mga gawaing nakapagpapabilis sa pintig o tibok ng iyong puso. Lagyan ng tsek
(/) ang mga Gawain ayon sa epekto nito sa bilis ng pintig o tibok ng puso. Kopyahin at
sagutan sa iyong activity notebook.

Gawain Mabagal na Mabilis na Higit na Mabilis Pinakamabilis


Tibok ng Puso Tibok ng Puso na Tibok ng na Tibok ng
Puso Puso
Pagmanuhan
upang piliin ang
taya
Pagpukol ng
lata gamit ang
tsinelas
Pagtakbo nang
mabilis upang
hindi mahuli ng
taya
Pagtaga sa
manlalarong
nasa manuhang-
guhit
Pagsipa ng
manlalaro sa
lata
Pagpulot ng
taya sa latang
tumilapon
Pagtaga sa
manlalaro

Isaisip Natin

Sa larong tumbang preso, ang paghabol ng taya sa mga tagahagis ng tsinelas at pag-
iwas ng mga tagahagis sa taya ay mga kasanayang nangangailangan ng cardiovascular
endurance. Dahil maraming pagkakataon sa larong ito na ikaw ay tumatakbo, makabubuti
ang larong ito para sa paglinang ng iyong cardiovascular endurance.

Ang paglinang sa cardiovascular endurance ay mahalaga para maging mas malusog


ang pangangatawan. Mas mainam kung ito ay madalas na gagawin.

14
Isagawa Natin
A. Kasama ang iyong mga kasambahay, subukan ninyong laruin ang tumbang preso.
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod:
1. Anong mga bahagi ng iyong katawan ang higit na nagagamit sa paglalaro ng tumbang
preso?
2. Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos maglaro?
3. Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso?
4. Kung madalas mo ba itong laruin, mapapaunlad ba nito ang iyong cardiovascular
endurance? Bakit?

Mahalagang Paalala: Gawin muna ang pampasiglang gawaing (iyong natutunan


mula sa naunang aralin) bago simulan ang laro.
B. Ipagpatuloy ang paglahok sa mga gawaing piskal na tumutulong sa cardiovascular
endurance tulad ng jumping rope, pagsasayaw at paglalaro. Itala kung gaano mo ito kadalas
ginawa sa isang linggo. Kopyahin ang nasa ibaba sa iyong activity notebook.

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado


Halimbawa:
Jumping
Rope

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN: Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

PAGYAMANIN:
Gawain Mabagal na Mabilis na Higit na Pinakamabilis
Tibok ng Tibok ng Mabilis na na Tibok ng
Puso Puso Tibok ng Puso Puso
Pagmanuhan upang piliin ang 
taya
Pagpukol ng lata gamit ang 
tsinelas
Pagtakbo nang mabilis upang 
hindi mahuli ng taya
Pagtaga sa manlalarong nasa 
manuhang- guhit
Pagsipa ng manlalaro sa lata 
Pagpulot ng taya sa latang 
tumilapon
Pagtaga sa manlalaro 
15
ISAGAWA (A): Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

Sanggunian

https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBF_enPH856PH856&source=univ&tbm=is
=tumbang+preso+clipart&sa=X&ved=2ahUKEwjk87SK06vqAhUOFogKHYi9DF4Q
sAR6BAgKEAE&biw=1366&bih=657

Kagamitan ng Mag-aaral sa Edukasyong Pangkatawan Yunit 1 Aralin 5

K to 12 Physical Education Curriculum Guide May 2016, page 30 of 67

Teacher’s Guide in Physical Education 5

16
Aralin Kahalagahan ng Mabuting
4 Pakikipag-ugnayan sa
Pagpapanatili ng Kalusugan
Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Recognizes signs of healthy and unhealthy relationships.

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalusugan


dahil nalilinang nito ang kakayahan mo na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Balikan Natin
Kopyahin ito sa isang sagutang papel at hanapin ang mga salita sa ibaba at bilugan ito.

P A K I K I S A L A M U H A D
A K O O M G S B O U K T M B M

G D M P N G R G M A D B G T E
G L U H G B C N E T B H W R T

A M N B T I W A L A D B K D E

L D I P B O G D N P D N I I O

A K K H O M E T Y A M D W K M

N O A A P P B T Y T M V E T M
G N S R C D G H U M D R C B U

M B Y D D O G B I N J R T B D

B D O T N P B U D Y N M W I O

S P N N D H R Y I O P N Y R N

17
PAKIKISALAMUHA PAGGALANG KOMUNIKASYON
TIWALA TAPAT

Tuklasin Natin

Source: https://gonaturalph.com/2019/02/11/ang-tamang-kaugalian-sa-pag-ubo/

Sagutin ang mga tanong: Gawin ito sa iyong activity notebook.

Tingnan ang larawan, ano ang isinuot sa mukha ng bata? Paano ito makatutulong sa
iyong pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa?

Suriin Natin

Kapag ang isang bata ay masaya sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay,


nangangahulugan ito na siya ay may mabuting pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.

Mahalaga ito sa pagpapanatili ng kalusugan dahil nalilinang ito ang kakayahan ng


isang bata na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Pagyamanin Natin

Lagyan ng (/) kung ang nakasaad na pakikipag-ugnayan ay makapagpapanatili ng iyong


kalusugan. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.
_____1. Nagbibisekleta ka tuwing umaga kasama ang mga kaibigan mo.
_____2. Binubully ka ng iyong mga kaklase dahil sa katabaan mo.
_____3. Ikaw ay tumutulong sa inyong barangay sa paglilinis ng paligid.
18
_____4. Inaaway ka ng iyong mga kaibigan dahil hindi ka sumasama sa kanilang jamming.
_____5. Tuwing Linggo, ang buong pamilya ay sabay na nagsisimba.

Isaisip Natin

Ipahayag Mo. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

1. Nakita mo ang anak ng iyong kapitbahay na nag-iisa sa oras ng tanghalian. Hindi siya
kumakain at nang kinausap mo siya, sinabi niyang wala siyang ulam. Ano ang gagawin mo?

2. Pinaglalaruan ng iyong kapatid ang isang bola habang siya ay kumakain. Nakita mong
pagulong-gulong ang bola sa putikan. Ano ang gagawin mo?

Isagawa Natin

A. Alin sa mga gawain ang nagpapabuti sa kalusugan at nagpapakita ng mabuting pakikipag-


ugnayan? Isulat ang sagot sa activity notebook sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa
kaukulang aytem.

1. _______ 2. _______ 3. ________

4. _______ 5. ________

19
B. Punan ng angkop na salita upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa iyong activity
notebook.
Kapag ang isang bata ay____(1)_____ sa kanyang pang-araw-araw na
______(2)_____,nangangahulugan ito na siya ay may mabuting __(3)_____ sa
kanyang__(4)_______.

Mahalaga ito sa pagpapanatili ng __(5)_________ng isang bata dahil nalilinang nito


ang _______(6)_____niya na magkaroon ng positibong pananaw sa ___(7)______

kapwa pamumuhay Pakikipag-ugnayan

kalusugan kakayahan
buhay

masaya

20
Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin

P A K I K I S A L A M U H A D
A K O O M G S B O U K T M B M
G D M P N G R G M A D B G T E
G L U H G B C N E T B H W R T
A M N B T I W A L A D B K D E
L D I P B O G D N P D N I I O
A K K H O M E T Y A M D W K M
N O A A P P B T Y T M V E T M
G N S R C D G H U M D R C B U
M B Y D D O G B I N J R T B D
B D O T N P B U D Y N M W I O

S P N N D H R Y I O P N Y R N

Tuklasin Natin
1. face mask
2. Posibleng sagot: Maaaring magkakaiba ang mga sagot.
Nakatutulong ang pagsuot ng face mask sa pakikipagsalamuha sa kapwa dahil hindi
lamang ang sarili mo ang iyong pinoprotektahan kung di ang ibang tao rin na hindi
mahahawaan ng sakit tulad ng COVID.

Pagyamanin Natin

1.

3.

5.

Isaisip Natin

1. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.


2. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

21
Isagawa Natin

Kapag ang isang bata ay (1). masaya sa kanyang pang-araw-araw na (2) pamumuhay,
nangangahulugan ito na siya ay may mabuting (3) pakikipag-ugnayan sa kanyang (4)
kapwa.

Mahalaga ito sa pagpapanatili ng (5) kalusugan dahil nalilinang ito ang (6) kakayahan
ng isang bata na magkaroon ng positibong pananaw sa (7) buhay.

Sanggunian

 Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan –Ikalimang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral


(2015). Pasig City: Department of Education.

 Google images and clipart


https://www.google.com/search?q=larawan+ng+umiinom+ng+softdrinks+clip+clipart+na
+may+kasama&safe=active&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjZs4aoz7Dq
AhXFfXAKHWvQD78Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=l1SYcnbQ
qGzQmM

 https://www.google.com/search?q=larawan+ng+naghuhugas+ng+kamay&safe=active&tb
m=isch&source=iu&ictx=1&fir=uX6OaajdS7rVcM%252CJ9R5CthHplIhyM%252C_&ve
t=1&usg=AI4_-
kQFwSlUSd3z4r2dC92B1rS0FqVTIg&sa=X&ved=2ahUKEwjp9e2Y0LDqAhXQPXAK
HZQMCqgQ9QEwB3oECAcQEg&biw=1366&bih=657#imgrc=uX6OaajdS7rVcM

 https://www.google.com/search?q=batang+nag+exercise&tbm=isch&safe=active&safe=ac
tive&hl=en&ved=2ahUKEwiEo7Lv0LDqAhXCI6YKHYKJAmoQrNwCKAF6BQgBEJk
B&biw=1349&bih=657#imgrc=Ye6JVl0GMreGCM

22
 https://www.google.com/search?q=larawan+ng+mga+batang+nag+ehersisyo+clipart&safe
=active&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwicne3j_7DqAhXXBIgKHetzBG
QQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=yx4OIUZ51vVUsM&imgdii=1r
y9yb1EB7XQhM

 https://www.google.com/search?q=larawan+ng+mga+batang+nagtapon+ng+basura+clip+
art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjAq4DXgrHqAhVCNaYKHYi3DDIQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+mga+batang+nagtapon+ng+basura+clip+art&gs_lcp=Cg
NpbWcQAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHjoCCABQrY0FWN3aBmCX5gZoAHAAe
ACAAb8IiAGs4AGSARAyLTMuMTQuMTEuMTkuOC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdp
ei1pbWc&sclient=img&ei=Hxz_XoCgIMLqmAWI77KQAw#imgrc=r7M4U5uN0aTcyM
&imgdii=4fzkB4CKTl3KLM

23
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like