You are on page 1of 39

5

MAPEH
Quarter 4 - Module 1

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 4-Modyul 1:
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module
Authors: Maritess T. Espiritu Junelie R. Nota
Lenie O. Sumampong Pazmarita G. Reyna
Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas
Renato C. Cagbabanua Ellen K. Arroyo
Justina S. Baul
llustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

ii
5
MAPEH
Ikaapat na Markahan-Modyul 1
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------- ----- vi


Nilalaman ng Modyul --------------------------------------------------------- vi
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------------- vi
Icons na Ginagamit sa Modyul ---------------------------------------------- viii
Subukin --------------------------------------------------------------------- ----- ix-xi

Aralin 1: Ibat ibang Antas ng Dynamics


Alamin -------------------------------------------------------------------- 1
Balikan -------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin ------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ---------------------------------------------------------------------- 2
Pagyamanin --------------------------------------------------------------- 3
Isaisip---------------------------------------------------------------------- 3
Isagawa ------------------------------------------------------------------- 4
Susi sa Pagwawasto ----------------------------------------------------- 5
Sanggunian ---------------------------------------------------------------- 5

Aralin 2: Paglikha ng 3D-Paper Bead


Alamin ----------------------------------------------------------------- 6
Balikan ---------------------------------------------------------------- 6
Tuklasin --------------------------------------------------------------- 7
Suriin ------------------------------------------------------------------- 7
Pagyamanin ----------------------------------------------------------- 9
Isaisip ------------------------------------------------------------------ 9
Isagawa ---------------------------------------------------------------- 9
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------- 10
Sanggunian------------------------------------------------------------ 11

Aralin 3: Mga Katangian /Background ng mga Piling Sayaw


Alamin ----------------------------------------------------------------- 12
Balikan ----------------------------------------------------------------- 12
Tuklasin --------------------------------------------------------------- 13
Suriin ------------------------------------------------------------------- 14
Pagyamanin ----------------------------------------------------------- 17
Isaisip ------------------------------------------------------------------ 18
Isagawa ---------------------------------------------------------------- 18
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------- 19
Sanggunian ------------------------------------------------------------ 20

Aralin 4: Pinagmulan at Layunin ng mga Pangunang Lunas


Alamin ----------------------------------------------------------------- 22
Balikan ---------------------------------------------------------------- 22
Tuklasin --------------------------------------------------------------- 22
Suriin ------------------------------------------------------------------- 23
Pagyamanin ----------------------------------------------------------- 24
Isaisip ------------------------------------------------------------------ 25
iv
Isagawa ---------------------------------------------------------------- 25
Susi sa Pagwawasto--------------------------------------------------- 26
Susi sa Pagwawasto (Subukin) ------------------------------------- 26
Sanggunian ------------------------------------------------------------ 27

v
Modyul 1
MAPEH (Ikaapat na Markahan)

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol
sa sa daynamiks, tempo, tekstura, harmonya, at ritmo, kulay, hugis, espasyo, pag-uulit,
balance, at sculpture at 3D crafts, pagtatasa ng mga gawaing pisikal at physical fitness, folk
(Cariñosa/Polka sa Nayon), indigenous, ethnic, tradisyonal at malikhaing pagsasayaw, likas
na katangian at layunin ng Pangunang Lunas (First Aid) at ang pinagmulanat layunin ng mga
pangunang lunas.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may apat na elemento: Music, Arts, Physical Education, at
Health. Tampok dito ang mga ibat ibang antas ng dynamics, paglikha ng 3D-Paper Bead,
likas na katangian at kaligiran ng sayaw at Mga Pangunang lunas.

Nagsisimula ang modyul na itosa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang bahaging
Balikan kung saan masusuri ang natutunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin.
Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa
kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat na
matutunan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutunan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip ayang magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin at sa


bahaging Isagawa naman ay mailalapat ang mahahalagang natututunan ang mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

vi
1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na
tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin
kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari
Isagawa
o sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

viii
Subukin

Music
A. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong activity notebook.
1. Dynamics na ginamit sa mga awiting malakas ang tono ay_________________.
A. forte B. mezzo forte C. pianissimo
2. Dynamics na ginamit sa awiting malulungkot at malumanay na kanta? _________
A. piano B. forte C. mezzo forte
3. Paano nagkakaiba ang tatlong uri ng texture ng musika?
A. sa taas at baba ng tono
B. sa iksi at haba ng awit
C. sa kakapalan at kanipisan ng tunog
4. Ang _______________ay ang pag-awit nang may dalawa o higit pang grupo ng mga
mang-aawit na aawit nang may parehong tunog.
A. partner song B. round singing C. square dancing
5. Ang _____ay ang pag-awit nang may may isang tunog lamang.
A. partner song B. round singing C. unison
6. Dynamics na ginamit sa mga awiting mahinang mahina ay__________
A. mezzo piano B. mezzo forte C. forte
7. Ano ang tempo na ginamit sa kantang “Kalesa”?
A. Presto B. Andante C. Vivace
8. Ilan ang dynamics ang ginamit sa awiting “Paru parong Bukid”? _________
A. 7 B. 6 C. 8

Arts
9. Saan nagmula sng paggawa ng paper beads?
A. Amerika B. Inglatera C. Pilipinas
10. Ang mga kuwintas, pulseras, hikaw at singsing ay tinatawag na pansariling _______.
A. kasangkapan B. palamuti C. pangluto
11. Ang sining ay maaring makatulong sa pagpapayaman ng kakayahan at ______.
A. karunungan B. katamaran C. kasipagan
12. Ang _____ay isang uri ng 3D art na maaring gumagalaw.
A. mobile art B. window art C. art gallery
13. Ang mobile art ay lubusang mahahangaan kung ito ay nakasabit sa __________ na lugar.
A. mababang lugar B. mataas na lugar C. sa isang tabing sulok
14. Ang pangunahing gamit sa paggawa ng paper bead ay __________________.
A. magazine B. makukulay na papel C. lahat ng nabanggit
15. Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay
isinasabit sa mga tali, kawad, at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot.
A. Tama B. Mali C. Wala sa nabanggit

ix
Physical Education (PE)
16. Ito ay kontemporaryong sayaw ng mga taga Hilagang bahagi ng Pilipinas na may banga
sa ulo ng babae habang sumasayaw.
A. Pandanggo sa Ilaw B. Sayaw ng Banga o Pot C. Tiklos
17. Ito ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng galaw ng tao na ginagamit bilang isang
anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan,
espirituwal, at pangganap.
A. paglalaro B. pagsasayaw C. pagkanta
18. Ito ay isang uri ng sinaunang sayaw na nakilala mula sa probinsya ng Batangas.
A. Baingles B. Pandango sa Ilaw C. Polka sa Nayon
19. Ano-ano ang kasuotan ng mga mananayaw ng Polka sa Nayon?
A. Maria Clara at Barong Tagalog B. palda at pantalon C. malong at puting salawal
20. Ang mga sumusunod na instrumento ay ginagamit sa pagsasayaw ng “Tiklos” maliban sa
____________________.
A. pluta B. gong C. tambol
21. Isang anyo ng sayaw na pinagsasama ang kilusan at pagpapahayag ng artistikong walang
kinakailangang malawak na pagsasanay.
A. Creative Dance B. Ethnic Dance C. Folk Dance
22. Dito gawa ang mga banga na ginagamit sa sayaw na Banga Dance.
A. kahoy B. molden clay C. plywood
Health
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa paunang tulong – panlunas?
A. pangunahing magawang tulong
B. kalinga
C. pagtawa sa taong may pinsala
D. pangangalaga sa taong napinsala
24. Alin sa mga sumusunod na nabanggit ang TAMA?
I. Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari nang
ibigay ang mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng mga manggagamot.
II. Maaaring makatamo ng pagsasanay ang isang pangkaraniwang tao upang
maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi ginagamitan ng mga
natatanging aparatong panggamot.
III. Hindi maaaring ibigay ang paunang tulong-panlunas sa mga hayop.
IV. Di- dapat maging maingat sa sarili upang makapagligtas ng taong napinsala.
a. I & II
b. I & III
c. II & III
d. III & IV
25. Alin ang hindi kabilang sa 3 pangunahing layunin ng paunang tulong-panlunas?
A. Pagpapanatili ng buhay
B. Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala
C. Pagtataguyod sa paggaling
D. Pagpapabaya sa sarili
x
26. Ano ang ibig sabihin ng ABC sa pangunahing kasanayan sa pagbibigay ng pangunahing
tulong-panlunas?
A. Air, Breathing, Circle C. Away, Before, Circulate
B. Airway, Breathing, Circulation D. Aircon, Breath way, Calculate
27. Alin ang hindi kabilang sa tatlong B ng pangunahing kasanayan sa pagbibigay ng
pangunang tulong-panlunas?
A. Breathing B. Blood C. Bleeding D. Bones
28. Dapat suriin muna at lutasin ng manlulunas ang anumang suliranin kaugnay sa buga ng
paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay sa balong ng dugo mula
sa katawan ng pasyente o mga baling buto.
A. Tama B. Mali C. Hindi Sigurado
29. Ito ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga at pangangalaga sa
mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
A. Preserve life B. Breathing C. Circulation D. First Aid
30. Alin sa mga pahayag ang hindi wasto?
A. Lahat tayo ay walang panangutan sa isa’t isa.
B. Tungkulin natin ang maging handa sa pagliligtas sa kapwa tao, mula sa
pakikipaglaban sa buhay at kamatayan
C. Tandaan na kahit ang kaunting kaalaman sa paunang lunas ay makaliligtas ng
buhay.
D. Ang kaalaman sa First Aid ay napakahalaga dahil nagbibigay ito ng pag-iingat sa
buhay sa panahon ng aktwal na aksidente.

xi
Aralin
1 Ibat-ibang Antas ng Dynamics

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Identifies the different dynamic levels used in the song heard.

Balikan Natin
Ano – ano ang ga bagay na makukuha natin sa paligid na pwede natin gawing
instrumenting pangmusikal? Sa mga instrumentong nilikha natin galing sa ating paligid,
paano natin ito ginagamit tulad ng dahon at kawayan?

Tuklasin Natin
Ang dynamics ay tumutukoy sa lakas o hina ng pag-awit o pagtugtog. Ito ay agad
naipadama sa pagbabago ng boses sa pag-awit. Higit na gumaganda ang isang awit o tugtugin
kapag naipapahayag nang maayos ang isinasaadnito sa pamamagitan ng wastong paglakas at
paghina ng pag-awit o pagtugtog sa mga bahagi ng komposisyon na kakikitaan ng antas. Ang
pagsunod sa mga sagisag dynamics ay nagbibigay ng kakaibang sigla at kahulugan sa isang
awit o tugtugin.

Mga Antas ng Dynamics


 Mahinang pag-awit o piano (p) – ginagamit sa malulungkot na himig o sa mga
awit sa pagpapatulog.
 Katamtamang hina sa pag-awit mezzo piano (mp) – pamamaraan ng pag-awit
na mahinang – mahina.
 Katamtamang kakas sa pag-awit o mezzo forte (mf) - pamamaraan ng pag-
awit na hindi gaanong mahina at di-gaanong malakas.
 Malakas na pag-awit o forte (f) - nangangahulugan nang malakas na pag-awit o
pagtugtog. Ang paglakas ay ginagawa sa mga bahaging nais bigyan ng diin.

1
 Papalakas na pag-awit o Crescendo (<) – nangangahulugan ng pag-awit ng
mahina hanggang dahan dahang paglakas.
 Papahina na pag-awit o Decrescendo (>) – nangangahulugan ng pag –awit ng
malakas hanggang dahan dahang paghina.
 Mahinang mahina pianissimo o (pp)- Nangangahulugang pinaka mahina.
Ang bawat komposisyong musikal ay may ipinahihiwatig na damdamin. Ang
bawat awit at tugtugin ay ipinaaabot na mensahe. Ito ay isa sa mga elemento ng musika na
makapagbibigay kahulugan sa nais ipahiwatig ng komposisyong musikal.

Suriin Natin

ANG BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Panoorin ang video ng awit ―”Ang Bayan Ko” at pakinggan ang pyesa nito.
(https://youtu.be/LbqOXCXVh7E)

Ano – ano ang mga Dynamics na ginamit sa awiting “Ang Bayan ko”?

Isulat sa activity notebook ang mga stanza ng awit na makikita sa iskor ng awit na
kung saan narinig ang paglakas ng tinig habang nakikinig ng awit,“Ang Bayan Ko,” gamit
ang inihandang kolum sa ibaba.

2
Pagyamanin Natin

Ano’ng lyrics o parte sa Iskor ng awit ang may papahina o papalakas na boses habang
ito ay inyong pinakikinggan? Ang bawat komposisyong musikal ay may ipinahihiwatig na
damdamin. Ang bawat awit at tugtugin ay ipinaaabot na mensahe. Ito ay isa sa mga elemento
ng musika na makapagbibigay kahulugan sa nais ipahiwatig ng komposisyong musikal.

Isaisip Natin

Ang dynamics ay tumutukoy sa paglakas at paghina ng pag-awit at pagtugtog. May


iba’t-ibang antas o simbolo ang dynamics: p (piano) - awitin nang mahina; f (forte) - awitin
nang malakas; crescendo –awitin ng mahina at papalakas; decrescendo- awitin nang
malakas at papahina; malakas na malakas ay ff (fortissimo);samantalang ang mahinang –
mahina naman ay pp (pianissimo).

3
Isagawa Natin
Tingnan at suriin ang musical score.
Paruparong Bukid
Allegro Traditional Folk song

A. Panuto: Isulat ang mga nakikitang antas ng dynamics sa awiting Paruparong Bukid. Isulat
sa activity notebook ang inyong sagot.
B. Panuto: Isulat ang simbolo ng bawat antas ng dynamics. Isulat sa activity notebook ang
inyong sagot.
1. Mahinang pag-awit __________
2. Katamtamang lakas sa pag-awit__________
3. Malakas na pag-awit_________
4. Mahina hanggang sa papalakas na pag awit________
5. Malakas hanggang sa paghina ng awit__________

4
Susi sa Pagwawasto

Stanza ng awit na may papalakas ng Stanza ng awit na may papahinang tinig sa


tinig mula sa iskor ng awit iskor ng awit

Ibon mang may layang lumipad Ang bayan kong Pilipinas


Kulungin mo at umiiyak Lupain ng ginto't bulaklak
Bayan pa kayang sakdal-dilag Pag-ibig na sa kanyang palad
Ang 'di magnasang makaalpas Nag-alay ng ganda't dilag
Pilipinas kong minumutya At sa kanyang yumi at ganda
Pugad ng luha at dalita Dayuhan ay nahalina
Aking adhika Bayan ko, binihag ka
Makita kang sakdal laya Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang

1. forte
2. mezzo forte
3. piano
4. pianissimo
5. mezzo piano
6. crescendo

1. mezzo piano (mp)


2. mezzo forte (mf)
3. forte (f)
4. crescendo
5. decrescendo

Sanggunian

Halina’t Umawit at Gumuhit


K to 12 Music 5 pahina 5

5
Aralin
Paglikha ng 3D-Paper Bead
2
Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Identifies the materials used in making3-dimensional crafts which express
balance and repeated variation of shapes and colors
*paper beads

Sa pagtatapos ng modyu lna ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakalikha ng


paper beads.
Ang paggawa ng pansariling palamuti ay maaari mong gawing pangkabuhayan.
Subukin mong iguhit ang pansariling disenyong hikaw, pulseras, kuwentas. Ibahagi ang
iyong disenyo sa klase. Sabihin din ang mga bagay na gagamitin sa pagbuo nito. Iguhit at
isulat sa activity notebook ang inyong sagot.

Balikan Natin
Tukuyin kung saan ginagamit ang mgasumusunod na materyales. Isulat sa patlang
kung ito ay ginagamit sa paggawa ng papier-mȃché, o mobile. Isulat sa activity notebook
ang inyong sagot.

6
Tuklasin Natin

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Matutukoy mo ba kung ano-ano ang mga ito?

Suriin Natin
Ang paper beads ay isang gawang sining na nagmula sa Inglatera na ginagawang
libangan ng mga kababaihan kung saan ang mga paper beads ay tinutuhog upang gawing
palamuti o kurtina na inilagay sa bintana.

Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakakalibang na maaaring


pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti. Nangangailangan ng
masusi at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliit na papel upang makalikha ng beads
na nakukulayan ng pintura at disenyuhan base sa nais. Maaaring tuhugin at gawing pulseras,
kwintas, palawit sa hikaw at iba pang palamuti sa katawan at bahayang na gawang tinuhog na
beads.

Mga Materyales sa Paggawa ng Paper Beads:


1. Papel de hapon 7. Yarn
2. Colored paper 8. Sinulid

7
3. Lapis 9. Barnes
4. Pat-pat ngkahoy 10. Dowel
5. Hanger 11. Alambre
6. Pandikit/ glue 12. Brush

Mga Hakbang sa Paggawa ng Paper Beads:


1. Sukatin ang papel na irorolyo, tiyakin na ang may disenyong harapan ng papel ay
nakadapa.

2. Kapag nakapagsukat na ng maraming tatsulok maingat na gupitin ang mga ito gamit ang
gunting.
3. Gumami tng dowel o alambre na may tamangsukat at may pabilog na pihitan sa gawing
kaliwa upang mairolyo ng maayos ang papel at magkaroon ito ng sapat na espasyo sa
gitna kung saan isusulot ang tali. Lagyan ng glue sa taas ng bahaging papel.

Kunin ang alambre, magsimula sa malaking bahaging papel papaliit. Bahagyang lagyan
ng pandikit ang papel at magsimulang bilutin. Masdan ang larawan. Ang kulay puti ay ang
pahid ng pandikit sa gagawing paper beads. Pagdating sa dulo ng papel, siguruhing mayroon
itong pandikit upang kumapit sa bilot ng papel.
4. Pahirin ang labis na pandikit at dahan-dahang tanggalin sa alambre ang paper beads. Ilipat
ang paper beads at hayaang matuyo.
5. Tuhugin ang mga paper beads gamit ang sinulid at karayom upang makagawa ng kwintas.
6. Maaaring barnisan ang paper beads upang tumibay at maging makintab.

Maaaring gumamit ng iba’t-ibang patern ng paper beads. Sumangguni sa larawan.

8
Pagyamanin Natin

Tukuyin ang mga paraan sa paggawa ng paper beads sa pamamagitan ng pagguhit ng


masayang ok sa linya sa tapat ng bilang. Isulat sa activity notebook ang inyong sagot.

____ 1. Ang paper beads ay gawa mula sa binilot o inirorolyo na maliliit na papel na
kinulayan at dinesenyuhan.
____ 2. Ang paggawa ng paper beads ay nagmula pa noong unang panahong sa bansang
Inglatera.
____ 3. Isang teknik sa paggawa ng paper beads ay ang pagsukat ng bibiluting papel upang
makagawa ng pare-parehong laki at hugisng paper beads.
_____4. Kinakailangan na matiyaga at masusiang paggawa ng paper beads.
_____5. Sa paggawa ng paper beads hindi na isinasaalang-alang ang sukat at espasyo para
makagawa ng pare-parehong hugis nito.

Isaisip Natin

Tandaan:

Maipakikita ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng wastong pagpili ng mga


materyales na ginagamit sa paggawang likhang-sining. Ang wastong kaalaman sa pagpili ng
kulay, hugis at disenyo ay makatutulong upang makabuo ng orihinal at kahanga-hangang
sariling likhang-sining.

Sa paggawa ng anumang likhang-sining nararapat na isa-isip at isaalang-alang ang


mga prinsipyong sining.

Isagawa Natin
Ikaw ay gagawa ng isang paper beads gamit ang mga natutunan mong hakbang at
materyales na naipaliwanag sa itaas.

Maaarika ring bumisita sa link na nasa ibaba para sa mas malinaw at aktwal na
paggawa ng paper beads.

https://www.sheknows.com/parenting/articles/840325/how-to-paper-mache/

9
Rubrik para sa Paper Beads

Lagyan ng tsek (√) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.
Kopyahin at sagutan sa activity notebook.

Nakasusunod sa
Nakasusunod sa Hindi
pamantayan
pamantayan nang higit sa nakasusunods
MgaSukatan subalit may ilang
inaasahan apamantayan
pagkukulang
5 3 2
1. Nakagawa ako ng
disenyo ayon sa
pinag-aralan.
2. Naipakita ko ang
pagkamalikhain sa
paggawa ng likhang-
sining.
3. Naisagawa ko nang
buong husay at
malinis ang ginawang
mga paper beads
4. Naibahagi ko ang
sariling likha sa
kapangkat.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Isaisip: Oo
1. mobile
2. papier-mache Isagawa
3. mobile Maaaring magkakaiba ang mga sagot.
4. papier-mache
5. papier-mache
6. mobile

Tuklasin
Mga kagamitan para sa paggawa ng paper beads

Pagyamanin
1. 3.

2. 4.

10
Sanggunian:

HalinangUmawit at Gumuhit 5

https://images.app.goo.gl/bC39xaaCWYpYPSiQ6

https://images.app.goo.gl/tLMS5rrHhJa3A3bY9

https://images.app.goo.gl/aWoMvSztLcRB1o2Q9

https://images.app.goo.gl/Mm9ifnRRB1kTzVmd8

https://images.app.goo.gl/ApqHsGRev8CFKqy1A

https://images.app.goo.gl/MFkvoohfLWFiJitP7

https://images.app.goo.gl/xAGk4KZ4NenwaSsX7

https://www.sheknows.com/parenting/articles/840325/how-to-paper-mache/

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-arts-
q1q4?fbclid=IwAR29nFdFsZF3nlgmIZHYrZSSWsAUiW_EcegoU3JNZ4-iSUkqvRNu-
Px_gvk

11
Aralin Likas na Katangian at
3 Kaligiran ng Sayaw

AlaminNatin

Essential Learning Competency:


 Explains the nature/background of the dance

Handa ka na ba?
Sa araling ito, matututuhan mo ang likas na katangian at kaligiran ng ilang mga
katutubo at malikhaing sayaw gaya ng Tiklos, Polka sa Nayon, Cariñosa, Malikhaing Sayaw,
Banga Dance, Ba-Ingles at Pandango sa Ilaw. Inaasahang maibabahagi mo rin sa iba ang mga
kaalaman at kasanayang matutuhan mo sa mga sayaw na ito.

BalikanNatin

Lagyan ng tsek ang mga katutubong sayaw. Isulat sa activity notebook ang inyong sagot.
____ 1. Tinikling
____ 2. Pandanggo sa Ilaw
____ 3. Tiklos
____ 4. Ballet
____ 5. Maglalatik
____ 6. Tango
____ 7. Polka sa Nayon
____ 8. Boogie
____ 9. Bulaklakan
____ 10. Cha-cha

12
Tuklasin Natin

Gawain 1.
Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat sa activity notebook ang inyong sagot.
A B

A. Pandanggo sa Ilaw
1.

B. Tiklos
2.

3. C. Malikhaing Sayaw

D. Banga Dance
4.

E. Cariñosa
5.

13
Sources: https://folkdance607.wordpress.com/
Batayang Aklat sa Pagpapalakas
https://images.app.goo.gl/z4hH8bo48bkbLLBY6

Gawain 2
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Matutukoy mo ba kung ano-ano ang mga ito? Pagbukud-
bukurin ang mga larawan ayon sa uri.

A C

D
B

Sources : https://images.app.goo.gl/abxsoY1qtSoX6FDQ6
https://images.app.goo.gl/R2Z5hUHXjeu6AVQU9
https://images.app.goo.gl/J7JYYXuuFNojx8w49
https://prezi.com/h2z1c_fx_jf-/sayaw-sa-bangko/

SuriinNatin

Ang sayaw ay tumtukoy sa pangkalahatang galaw ng tao na ginagamit bilang isang


anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan, espirituwal,
at pagganap. Tinatawag na mga mananayaw ang mga taong sumasayaw, maging bata man o

14
may edad. Maaari ring tawagin na sayaw ang isang pangyayari na ginaganap ang pagsayaw.
Tinatawag na koreograpiya ang sining ng paggawa ng sayaw.
Ang kasaysayan ng sayaw ay ang pag-aaral sa ebolusyon ng pagsasayaw sa pagdaan
ng mga kapanahunan. Noong unang panahon bago pa man naitala o naisulat ang kasaysayan
o panahong prehistoriko, nagkaroon na ang tao ng pangangailangan na maipahayag ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga galaw ng kaniyang katawan at mga bahagi ng
katawan, na matatawag bilang sinaunang mga sayaw. Ang mga kilos na ito ay nagpapahayag
o nagpapamalas ng mga damdamin at mga kalagayan ng pagkilos. Ang sinaunang mga kilos
na ito na may ritmo at indayog ay nagsisilbi rin bilang mahahalagang mga kaganapang
pangritwal katulad ng mga pagdiriwang dahil sa kapanganakan o kaarawan, kasal, digmaan, o
dahilang panrelihiyon.
Alam mo ba ang mga katutubong sayaw sa ating bansa? Ilan sa mga ito ang kaya mong
sayawin sa kasalukuyan?
1. Cariñosa – isang sayaw ng lambingan ang karinyosa(cariñosa) na nagmula sa isla ng
Panay sa Kabisayaan. Ang ikinatatangi ng sayaw na ito ay ang paglalangkap ng larong
taguan. Gamit ang panyo o pamaypay, ang magkaparehang lalaki at babae ay nagagawang
magtaguan at magdungawan sa nakaekis na panyo sa kanilang pagitan.Gaya ng
ipinahihiwatig ng salita, ang karinyosa ay isang impluwensiyang Espanyol. Karaniwang
nasa estilong balintawak ang suot ng kababaihan. Maaari ring patadyong at kamisa.
Mayroon ding nakasabit na pamaypay sa kanang baywang nila. Barong tagalog naman ang
suot ng kalalakihan at may nakatagong panyo sa kanilang bulsa.

Source: https://folkdance607.wordpress.com/

2. Polka sa Nayon -ay isang uri ng sinaunang sayaw na nakilala mula sa probinsya ng
Batangas. Sikat ito dahil isa ito sa mga sinasayaw sa mga malalakihang pagdiriwang tulad
ng mga piyesta sa nayon at iba pa.Kaalinsabay ng pagsayaw nito ay ang tamang pagsuot
ng kasuotan sa porma ng barong tagalog para sa mga kalalakihan habang baro’t saya
(balintawak) naman sa mga kababaihan.

3. Tiklos - ay isang katutubong sayaw na nagmula sa Leyte. Tumutukoy ito sa isang linggo
nang pag-aayos ng lupa para sa pagtatanim ng bukid at iba pang gawain sa bukid, kasama
na dito ay pagpapatayo ng bahay. Tuwing tanghaling tapat ay nagtitipon ang mga tao
upang mananghalian at magpahinga. Sa mga oras na iyon ay ipinapatugtog ang musika ng
“Tiklos” gamit ang ibat-ibang instrumento gaya ng pluta na sinasabayan ng gitara at ng
tambol habang isinasayaw ito ng mga magsasaka.

15
Source: Batayang Aklat sa Pagpapalakas ng Katawan 5

4. Ang Sayaw ng Banga o Pot ay isang kontemporaryong sayaw ng mga taga Hilagang
bahagi ng Pilipinas. Ang "Banga" ay isang earthen pot na gawa sa luad o molden clay na
maaaring maging bilog o spherical jar. Ito ay ginagamit para sa pagkuha ng tubig ng mga
kababaihan. Dinadala ito ng mga babaeng mananayaw sa kanilang ulo habang sumasayaw.
Ipinapakita nito ang kasanayan at lakas ngmga kababaihan habang nagdadala sila ng
mabibigat na luad na kaldero (Banga).

Source: https://images.app.goo.gl/JFyvfpkHHiHBEz126

5. Ang Ba-Ingles ay nagmula sa mga salitang "baile" at "Ingles" na nangangahulugang


English Dance. Ito ay nagmula sa Cabugao, Ilocos. Ang sayaw na ito ay pinaniniwalaang
itinuro rito sa ating bansa ng mga mangangalakal na Ingles noong unang panahon.
Maliban sa huling pigura na karaniwang Ilocano ang galaw, ang lahat ng iba pang mga
kasanayan at termino ng sayaw ay magkatulad sa ilan pang mga sayaw ng mga banyagang
Ingles.

6. Pandanggo sa Ilaw – ay katutubo sa Lubang at Mindoro. May tatlong tinggoy o oil lamps
ang nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng isang tinggoy sa ibabaw ng ulo at
dalawang tinggoy sa mga kamay, pero hindi humahawak ang daliri ng mananayaw. Para
sayawin ang Pandanggo sa Ilaw ng mananayaw, kailangan niya ng magagandang bikas at
mahusay na panimbang.

16
7. Malikhaing Sayaw
Sa kasalukuyan, ang mga kabataang tulad mo na mahilig sa sayaw ay nakatuon ang pansin
sa mga makabagong sayaw kumpara sa katutubong sayaw. Nakabase ang mga hakbang na
iyong ginagamit mula sa mga napapanood sa telebisyon. Ngunit kung iyong susuriing
pagmamasdan, ang bawat hakbang na ginagamit sa pag-indak ay hango pa rin sa
katutubong galaw. Nagiging exaggerated lamang ang kilos katulad ng paglalagay ng
bounce sa mga ito at hindi simple katulad ng sa katutubong sayaw.

Source: MAPEH 5 PE Q4 LM

Pagyamanin Natin

Gawain 1. Tama o Mali. Isulat ang inyong sagot sa inyong activity notebook sa MAPEH.
________1. Mananayaw ang tawag sa taong sumasayaw bata man o may edad.
________2. Ang “Pandanggo sa Ilaw” ay sayaw na nagpapakita ng kasanayan at lakas
ngmga kababaihan habang nagdadala sila ng mabibigat na luad na kaldero
(Banga).
________3. Ang “Malikhaing Sayaw” ay ang paggawa ng sariling hakbang sa pagbuo ng
sariling sayaw.
________4. Ang “Cariñosa” ang isang sayaw ng lambingan na gumagamit ng panyo at
pamaypay.
________5. Kailangan ng magagandang bikas at mahusay na panimbang sa pagsasayaw ng
“Tiklos”.

Gawain 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong activity
notebook.
1. Ano ang tawag sa sining ng paggawa ng sayaw?
2. Ano ang tamang pagsuot ng kasuotan sa sayaw na “Polka sa Nayon”?
3. Saan nagmula ang salitang Ba-Ingles?
4. Paano pinatugtog ang musika ng Tiklos habang sumasayaw ang mga
magsasaka?
5. Paano naiiba ang malikhaing sayaw sa katutubong sayaw?

17
Isaisip Natin

Ang katutubong sayaw ay binubuhay sa puso at isip ng mga kabataang Pilipino sa


pamamagitan ng maraming kapistahan o festival sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Ito ay
nagpapakita ng pagkakaisa, paniniwala, at kaugalian ng mga mamamayan sa iba’t ibang
bayan o rehiyon. Ang palagiang pag-indak ay makatutulong sa paglinang ng balanse,
koordinasyon, at mabilisang pagtugon (reaction time) para maging maganda at makabuluhan
ang pagkilos.

Ang likhang sayaw ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng kombinasyon ng


lokomotor at di-lokomotor na galaw. Higit itong kinagigiliwan kapag ito ay sabay-sabay na
ginagawa sa saliw ng tugtugin.

Isagawa Natin

Panuto: Isulat ang K kung Katutubo at M kung Malikhain ang sumusunod na mga sayaw.
Isulat ang sagot sa inyong activity notebook.

____ 1.

____ 2.

____ 3.

18
____ 4.

____ 5.

Sources: https://images.app.goo.gl/SnQZVJr3jr2LDbaB7
https://images.app.goo.gl/bJSUQjKGqVZevCJf7
MAPEH 5 PE Q4 L

Tandaan:

Ang palagiang pagsayaw ay may dulot na maganda sa kalusugan dahil napauunlad nito ang
physical fitness ng isang tao. Maaaring gamitin ang mga napapanood sa telebisyon at sine, o
nababasa sa libro na pagbatayan ng tema sa paglikha ng sayaw.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin Tuklasin Natin

Gawain 2
1. ✔ 1. E A at D
2. ✔ 2. A B at C
3. ✔ 3. B
4. 4. C
5. ✔ 5. D
6.
7. ✔
8.
9. ✔
10.
19
Pagyamanin Natin

Gawain 1
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali

Gawain 2
1. Koreograpiya
2. Barong Tagalog sa mga kalalakihan at Baro’t Saya sa mga kababaihan
3. Mula sa salitang “bale” at “ingles” na nangangahuluganng English Dance
4. Gamit ang iba’t-ibang instrument gaya ng pluta na sinasabayan ng gitara at tambol
5. Sa malikhaing sayaw ang bawat hakbang na ginagamitsa pag-indak ay hango sa
katutubong sayaw. Nagiging exaggerated lamang ang kiloskatulad ng paglalagay ng
bounce sa mgaito at hindi simple katulad ng sa katutubong sayaw.

Isagawa Natin
1. K
2. K
3. K
4. M
5. M

Sanggunian
Banga dance. (2020). Retrieved 29 July 2020, from
https://images.app.goo.gl/z4hH8bo48bkbLLBY6

Ciencia, S. (2010). Image: Tinikling (Cabanatuan City, Nueva Ecija) | December 2010 |
Shubert ... Retrieved 31 July 2020, from https://images.app.goo.gl/abxsoY1qtSoX6FDQ6

College, N. (2010). Image: File: Bend and Snap, contemporary dance performance at
Nazareth ... Retrieved 31 July 2020, from https://images.app.goo.gl/R2Z5hUHXjeu6AVQU9

Daniel Louise S Marasigan 09999706931 Taliba, SanLuis, Batangas John Conrad


Vergara 09357195438 Mahabang Ludlod, Taal Batangas Kenth Vladimir Paris S. Garcia
091695959191 Calumala, Sta, Teresita, Batangas folkdance607.wordpress

Google Image Result for


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/b/bc/Tinikling.jpg. (2007). Retrieved 31
July 2020, from https://images.app.goo.gl/SnQZVJr3jr2LDbaB7

20
https://ranaostar.blogspot.com/2014/06/ebolusyon-ng-sayaw.html

Liebman, A. (2015). Sayaw Sa Bangko. Retrieved 31 July 2020, from


https://prezi.com/h2z1c_fx_jf-/sayaw-sa-bangko/

Philippines folk dances from Mindanao | Cultural dance ... (2020). Retrieved 31 July 2020,
from https://images.app.goo.gl/bJSUQjKGqVZevCJf7

Sail Pose | Colored version of the Sail Pos… | Flickr. (2014). Retrieved 31 July 2020, from
https://images.app.goo.gl/J7JYYXuuFNojx8w49

(2020). Retrieved 31 July 2020, from https://images.app.goo.gl/JFyvfpkHHiHBEz126

Wikimedia Commons. (1995). Retrieved 29 July 2020, from


https://images.app.goo.gl/rqw17xWj4qWP6aBR6

1. ↑ Abad (2004), p. 15.


2. ↑ "Dance". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier
Incorporated. 1977., tomo para sa titik na "D", pahina 22-23

21
Aralin Pinagmulan at Layunin ng mga
4 Pangunang Lunas

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Explains the nature and objectives of first aid.

Magandang araw sa iyo. Kumusta ka na? Ano ang pakiramdam mo ngayon?

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahang malalaman mo nang husto ang mga layunin
ng mga pangunang lunas at mga pangunahing kasanayan nito.

Balikan Natin

Ano-ano ang mga alituntunin sa paaralan? Paano mo maipakikita na ikaw ay


sumusunod sa alituntunin ng inyong paaralan?

Ang pagsunod sa alituntunin sa paaralan ay isang paraan ng pagpapakita ng


kahalagahan ng ating buhay. Ang buhay ay mahalaga kaya dapat nating alagaan ito sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga layunin at kasanayan ng mga
pangunahing lunas.

Tuklasin Natin

Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong na kaakibat nito. Isulat ang sagot
sa inyong activity notebook.

22
Sources:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:CPR_Infant_Mouth_To_Nose.png

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:US_Navy_050301-N-8629M-
357_Chief_Hospital_Corpsman_James_Price,_left,_instructs_an_Indonesian_nurse_on_the_proper_a
pplication_of_cardio_pulmonary_resuscitation.jpg

https://www.needpix.com/photo/1415639/leg-bandage-hands-dressing-lineart-art-clipart-clipart-
illustration

TANONG:
1. Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan?
2. Paano ito makatutulong sa isang tao?

Suriin Natin

Basahin at unawaing mabuti.

Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing


magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o
karamdaman. Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari
nang ibigay ang mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng mga manggagamot.
Kinasasangkapan ang kasanayang ito ng mga payak, ngunit nakapagliligtas, na kasanayang
may kaugnayan sa panggagamot. Maaaring makatamo ng pagsasanay ang isang
pangkaraniwang tao upang maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi
ginagamitan ng mga natatanging aparatong panggagamot. Maaari ring ibigay ang tulong na
ito sa mga hayop, ngunit ang artikulong ito ay tumutukoy lamang para sa magagawang
paunang-tulong na pantao.

Ang tatlong pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala


bilang 3 Ps (tatlong P) ay ang mga sumusunod:
 Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)
 Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng
kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness)
 Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Bilang karagdagan, may ilang mga tagapagsanay na nagtuturo ng ika-apat na “P”


ang Pag-iingat ng Sarili, Protektahan ang sarili, o Pagpapananggalang ng sarili (Protect
yourself), bagaman sinasabi ng iba na kasaklaw at nakasukob na ito sa ilalim ng ikalawang”
P” na Pag-iwas mula sa mga karagdagang pinsala para sa kapakanan ng sarili, ng biktima o
pasyente, at ng iba pang tao. Kapag maingat ang sarili- ang taga sagip o tagapagligtas- ay
may kakayahan itong pangalagaan at magligtas pa ng ibang tao.

Mga Pangunahing Kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunahing Tulong-Panlunas

May mga kasanayan na itinuturing na pinakapusod ng pagbibigay ng paunang tulong-


panlunas, kahit saan pa man o paano man ito naituro ang mga ito. Tinuturuan ang mga

23
tagapagbigay ng pangunahing tulong panlunas na lagging tatandaan ang ABC ng mga
hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong- pansagip ng buhay bago magpatuloy sa
pagbibigay ng iba pang mga kalunasan.

 Airway- ang daanan ng hangin /Ang daanang panghininga/ Ang daanang-hingahan


 Breathing- Buga ng paghinga/ Bantayanang katangian ng paghinga
 Circulation- Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan

Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin
ang mga suliraning may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung
walang balakid sa daanan ng hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking
sugpuin ng tagpaglunas ang anumang suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon
(Pagdaloy at pag-ikot ng dugo sa katawan). May ibang tagapagsanay o tagapagturo na
nagdaragdag ng pang-apat na hakbang ang D para sa Duguan ba ang pasyente? O Dinudugo
ba ng biktima?, o kaya ay ang pagbibigay ng Depibrilasyon. Nakasalalay sa antas ng
kasanayan ng tagapagbigay-lunas ang mga pagkakaiba sa mga pamamaraan ng pasisipat at
pagsusuri at pagpapanatili ng mga mahahalagang ABC ng taong manlulunas. Kapag naiayos
at napainam na ang mga ito, maaari nang magbigay ng mas masulong na mga gawaing-
panlutas ang mga taong tagapanagip, kung kinakailangan.

May ilang mga bansa na nagtuturo ng tatlong B (ang 3B), na katulad ng ABC ang
pagkakasunud-sunod ng kahalagahan:

 Breathing- Buga ng paghinga/ Bantay-hininga


 Bleeding- Balong ng dugo
 Bones- Butu-buto o Buto o Baling Buto

Nangangahulugan ito na dapat na suriin muna at lutusin ng manlulunas ang anumang


suliranin kkaugnay sa buga ng paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay
sa balong ng dugo mula sa katawan ng pasyente o mga baling buto (na hindi naman ibig
sabihin nito na dapat nang kaligtaan ang mga huling mga suliranin sa mga panahong iyon-
katulad ng mga pinsala sa gulugod, kung saan magagamit ang pagbabago at kaibahan sa
pamamaraang panlunas upang makatulong sa pagbubukas ng daanan ng hininga).

Ano ang ibig sabihin ng acronym na ABC na isang pangunahing kasanayan sa


pagbibigay tulong-panlunas? Sa ibang bansa ano ang tawag sa tatlong B?

Pagyamanin Natin

Panuto: Buuin ang iskrambol na mga letra upang makabuo ng mga salita. Isulat ang sagot sa
inyong activity notebook.

1. SRKLISUYANO -
2. KASUNA -
3. YUBAH-
4. ETASPNEY -

24
Isaisip Natin

Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing


magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o
karamdaman.

Ang tatlong pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala


bilang 3 Ps (tatlong P) ang mga sumusunod:
 Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)
 Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng
kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness)
 Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Mga Pangunahing Kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunahing Tulong-Panlunas


 Airway- ang daanan ng hangin /Ang daanang panghininga/ Ang daanang-hingahan
 Breathing- Buga ng paghinga/ Bantayanang katangian ng paghinga
 Circulation- Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan

Isagawa Natin

A. Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung ang isinasaad ay
mali. Isulat ang sagot sa inyong activity notebook.
1. Ang paunang tulong panlunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.
2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.
3. Ang pangunang lunas ay maaari ding ibigay sa mga hayop.
4. Dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliranin may
kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente.
5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng pangunang lunas ay upang maisalba ang buhay.

B. Bumuo ng tig-iisang talata sa bawat larawan na nasa ibaba at talakayin ang bawat layunin
ng pangunang lunas nito.

25
Sources:
https://www.needpix.com/photo/1668342/fire-rescue-burn-flame-fire-fighting-helm-training-fire-
truck-heat
https://www.northcom.mil/Images/igphoto/2001724674/https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Re
scue_to_the_victim,_fireman_and_red_cross_(exercise)_(2).jpg

Susi sa Pagwawasto
Balikan Natin:
1 & 2 - Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng mga bata.
3 & 4 - Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng mga bata.

Tuklasin Natin:
1 & 2 - Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng mga bata.

Pagyamanin Natin:
1. SIRKULASYON
2. SAKUNA
3. BUHAY
4. PASYENTE

Suriin Natin:
Mga Pangunahing Kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunahing Tulong-Panlunas
a. Airway, Breathing, Circulation
b. Breathing, Bleeding, Bones

Subukin
Music Arts PE Health
1. A 9. B 16. B 23. C
2. A 10. B 17. B 24. A
3. A 11. C 18. C 25. D
4. B 12. A 19. A 26. B
5. C 13. B 20. B 27. B
6. A 14. C 21. A 28. A
7. A 15. A 22. B 29. D
8. A 30. A

26
Sanggunian:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:CPR_Infant_Mouth_To_Nose.png
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:US_Navy_050301-N-8629M-
357_Chief_Hospital_Corpsman_James_Price,_left,_instructs_an_Indonesian_nurse_on_the_
proper_application_of_cardio_pulmonary_resuscitation.jpg
https://www.needpix.com/photo/1415639/leg-bandage-hands-dressing-lineart-art-clipart-
clipart-illustration
https://www.needpix.com/photo/1668342/fire-rescue-burn-flame-fire-fighting-helm-training-
fire-truck-heat
https://www.northcom.mil/Images/igphoto/2001724674/https://commons.wikimedia.org/wiki
/File:Rescue_to_the_victim,_fireman_and_red_cross_(exercise)_(2).jpg

27
For inquiries and feedback, please write or call:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
DepEd Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88

E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like