You are on page 1of 33

NOT

5
MAPEH
Quarter 2 - Module 1

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Quarter 2-Modyul 1
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Authors: Lennie V. Rico Rene L. Bation

Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas


Fernando D. Sumondong Joseph M. Amisola

Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos


Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
ii
5

MAPEH
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- vi
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- vi
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- vi
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- viii
Subukin ---------------------------------------------------------------------------- ix-xi
Aralin 1: Kahulugan at mga Kagamitan ng F-Clef sa Staff
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 2
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 3
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 3
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 3
Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 4
Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 4

Aralin 2: Mga Natural at Makasaysayang Lugar na Matatagpuan sa Pilipinas


Alamin ----------------------------------------------------------------------- 6
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 6
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 6
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 7
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 9
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 9
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 9
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 10
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 10

Aralin 3: Ang Physical Activity Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 12
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 12
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 12
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 13
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 14
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 14
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 15
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 15
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 15

Aralin 4: Mga Pagbabagong Pisikal na Nagaganap sa Panahon ng


Pagbibinata at Pagdadalaga
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 17
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 17
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 17
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 18
iv
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 19
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 19
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 20
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 20
Susi sa Pagwawasto (Subukin) ------------------------------------------- 21
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 21

v
Modyul 1
MAPEH (Ikalawang Markahan)

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol
sa melodiya, pisikal na mga gawain at fitness, invasion games, linya, kulay, space at harmony
sa pagpipinta ng iba’t ibang landscapes, pagdadalaga at pagbibinata, sex at gender.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito may apat na elemento: Music, Arts, Physical Education, at Health.
Tampok dito ang mga konsepto ng kahulugan at mga kagamitan ng F-Clef sa staff, mga
natural at makasaysayang lugar na matatagpuan sa Pilipinas, Physical Activity Pyramid Guide
at mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

Nagsisimula ang modyul na ito sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Balikan
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Sinusundan ito
ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


ibang gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
mararapat na matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang

vi
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno o activity notebook para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga
tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim.
Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kwaderno sa
MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin
kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari
Isagawa
o sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

viii
Music
Subukin Natin
Tandaan: Isulat sa buong papel ang lahat ng sagot sa seksyon na ito (Subukin Natin).

Music
Direksyon: 1-8. Isulat sa patlang ang mga pitch names na makikita sa guhit at puwang ng F-
clef.

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.

Art
Direksyon: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.
9. Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang
talon. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay
kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na
tunog ng lagaslas ng tubig-batis. Ano ang talon na ito?
A. Maria Cristina Falls C. Laguna De Bay
B. Nagcarlan Falls D. Pagsanjan Falls

10. Ang _________ ay isang burol na napakagandang pagmasdan na matatagpuan sa Bohol.


A. Chocolate Hills C. Mt. Ulap
B. Mt. Malindang D. Bundok Kanlaon

11. Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinaguriang “8th
Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao.
Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at
pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.
A. Bundok Makiling C. Mt. Mayon
B. Banaue Rice Terraces D. Mt. Apo

12. Si ___________ ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga
pang-araw-araw na gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliwanag at sari-saring
mga kulay. Karamihan sa kanyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, mga
luntiang bukirin, maliwanag na sikat ng araw, at mabagal na galaw ng buhay sa bukid.
A. Jose Rizal C. Carlos “Botong” Francisco
B. Vicente Mansala D. Fernando C. Amorsolo

13. Siya ay tinaguriang, “The Poet of Angono”.


A. Fernando C. Amorsolo C. Vicente Mansala
B. Carlos “Botong” Francisco D. Victorino Edades
ix
14. Tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-
sabay na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura
sa iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng
transparent at translucent technique na makikita sa kanyang mga obra.
A. Victorino Edades C. Fernando C. Amorsolo
B. Vicente Mansala D. Carlos “Botong” Francisco

15. Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”. Ang kanyang istilo sa
pagpinta ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim
na kulay sa kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang
mabigyang pansin ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.
A. Carlos “Botong” Francisco C. Fernando Amorsolo
B. Vicente Mansala D. Victorino Edades

16. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanya dahil sa isang kasalanang
ibinintang sa kanya.
A. Cavite B. Dapitan, Zamboanga C. Fort Santiago D. Fort Bonifacio

Physical Education
17. Ang ______________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat
na bagay o power. Halimbawa nito ay ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan
sa bahay tulad ng malaking timba ng tubig.
A. lakas ng kalamnan C. tatag ng kalamnan
B. coordination D. katatagan ng kamay at paa

18. Ang ____________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas


magaang bagay o power ng paulit-ulit sa mas matagal na panahon
A. lakas ng kalamnan C. tatag ng kalamnan
B. coordination D. katatagan ng kamay at paa

19. Ano ang sinusubok ng 40-meter sprint test?


A. balance C. cardiovascular
B. speed D. muscular strength

20. Ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang mailipat ito sa ibang
lalagyan ay halimbawa naman ng ___________.
A. lakas ng kalamnan C. power
B. tatag ng kalamnan D. coordination

21. Isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing kakayahan


na magpalit-palit o mag iba-iba ng direksyon.
A. agility B. power C. speed D. coordination

x
22. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay ______________.
A. nagpapalakas ng katawan
B. nakatutulong sa magandang pakikipagkapwa
C. nagpapatatag ng katawan
D. lahat ng nabanggit

23. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain katulad ng
laro?
A. Nakikipaglaro nang patas sa kalaban.
B. Walang pakialam sa kalaban.
C. Hinahayaang masaktan ang kalaro.
D. Wala sa mga nabanggit.

Health
Direksyon: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap.
24. Ang puberty ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang
batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami nang sekswal.
25. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o
pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan.
26. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay hindi naapektuhan ang damdamin ng isang
nagdadalaga at nagbibinata.
27. Ang gender ay tumutukoy sa bayolohikal na pagkakaiba ng lalaki at babae tulad ng
pagkakaiba ng chromosomes, hormonal profiles, panloob at panlabas na ari.
28. Sa loob ng pamamahay una-unang natutunan ng isang bata ang lahat ng bagay na may
kinalaman sa kanyang sarili at mga tungkulin sa pamilya.
29. Ang gender identity ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip ng isang lalaki,
babae o transgender batay sa kanyang sariling paniniwala at kasiyahan.
30. Ang paaralan ang nagsisilbing unang tahanan ng mga bata.

xi
Aralin Kahulugan at mga Kagamitan
1 ng F-Clef sa Staff

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Recognizes the meaning and uses of F-clef on the staff.

Balikan Natin

Makikita mo sa ibaba ang mga nawawalang so-fa syllables sa bawat staff ng G-Clef at
F-Clef, kopyahin ang mga ito sa iyong activity notebook at isulat ang iyong sagot sa kahon na
makikita sa itaas ng bawat pitch name nito.

So-fa syllable

re la do
C D E F G A B C

So-fa syllable

do mi fa ti do

C D E F G A B C

Source: https://pt.slideshare.net/nomis2x/music-theory-lesson/11

Tuklasin Natin

Tingnan ang note na may kulay sa ibaba. Ano ang so-fa syllable nito? Bakit
magkapareho ang kulay nito sa clef na nasa kaliwa. May kaugnayan ba ang dalawa?

1
C D E F G A B C

DO RE MI FA SO LA TI DO
Source: https://happynote.com/music/music-theory-clefs-treble-bass-alto-tenor/

Suriin Natin
Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng staff. Ang staff ay isa sa pinakapangunahing
simbolo ng musika na kailangan muna nating matutunan. Ito ay binubuo ng limang guhit na
pahalang. Sa pagitan ng mga guhit ay may puwang o space.
__________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

Ang staff ay maaaring hatiin sa maliliit na bahagi na tinatawag na measures. Ito ay


nagagawa sa pamamagitan ng paglagay ng mga bar lines.

1 measure 1 measure 1 measure 1 measure

Ang Clef ay isang simbolo sa musika na matatagpuan o makikita sa pinakakaliwang


bahagi ng staff. Ito ay tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng bawat tono o pitch sa staff.

Mayroong iba’t-ibang uri ng clef pero ang pinakamadalas na gamitin ay ang G-Clef at
F-Clef. Ang F-Clef ay isang simbolo ng musika na tinatawag ding bass clef. Ang pagguhit
nito sa staff ay nagsimula sa ika-apat na linya at mayroong dalawang dots sa tabi nito. Ang
gamit nito ay para maipakita na ang note ay F. Ibig sabihin na ang pitch name sa pang-apat na
linya ng staff ay F o Fa. Kung kantahin ito, dapat ang pang-apat na linya ay mapangalanang
Fa.

2
Ang nasa ibaba ay halimbawa ng F-Clef.

Source: https://www.yourdictionary.com/bass-clef

Pagyamanin Natin

Source: https://offtonic.com/theory/book/2-1.html
4
Tingnan ang F-Clef Staff sa itaas na may 4 time signature at sagutin ang mga
tanong na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa activity notebook.
1. Ilang notes ang makikita sa unang measure ng F-Clef Staff?
2. Ilang beat/s mayroon ang pangalawang measure?
3. Pangalanan ang mga pitch names ng bawat note na nasa pangalawang measure ng F-Clef
Staff.

Isaisip Natin

Tandaan!

Ang Clef ay nagbibigay pananda sa range ng mga notes na gagamitin. Karaniwang


ginagamit ang F-Clef sa range ng boses ng mga lalaki tulad ng Bass at Tenor.

Isagawa Natin

Direksiyon: Kilalanin at tukuyin ang mga pangalan, kahulugan, at gamit ng F-Clef sa staff.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba at isulat ito sa activity
notebook.
3
F-Clef Staff Clef

Measures Puwang 5

1. Ito ay simbolong musika na nakalagay sa kaliwang bahagi ng staff.


2. Ilan ang mga linya na makikita sa staff?
3. Ito ay pangunahing simbolo ng musika na binubuo ng limang pahigang linya.
4. Ito ay tinatawag ding bass clef na iginuhit sa pang-apat na linya ng staff na mayroong
dalawang dots sa tabi nito.
5. Ito ay ang proseso sa pagpapaikli at paghahati ng staff gamit ang mga patayong linya o
bar.

Susi sa Pagwawasto

 Measures
 F-Clef
 Staff
 5
 Clef
Isagawa Natin:

 D, E, F, D
 4
 4
Pagyamanin Natin:

 re, so, la
 do, mi, fa, so, ti
Balikan Natin:

Sanggunian
Cereño, 2020. Music Theory Lesson. [online] Pt.slideshare.net. Available at:
<https://pt.slideshare.net/nomis2x/music-theory-lesson/11> [Accessed 5 November
2020].

Halina’t Umawit at Gumuhit Batayang Aklat 5

4
Happy Music Note!. 2020. Clefs - Treble, Bass, Alto, Tenor - Mini Interactive Tutorial.
[online] Available at: <https://happynote.com/music/music-theory-clefs-treble-
bass-alto-tenor/> [Accessed 5 November 2020].

Jacques, F. (2020). Offtonic Theory. Retrieved 2 August 2020, from


https://offtonic.com/theory/book/2-1.html

MAPEH – 5 LM Phoenix Publishing House

Offtonic.com. 2020. Section 2.1: Meter And Time Signatures - Offtonic Theory. [online]
Available at: <https://offtonic.com/theory/book/2-1.html> [Accessed 5
November 2020].

VectorStock. (2020). Retrieved 29 June 2020, from https://www.vectorstock.com/royalty-


free- vector/f-clef-symbol-vector-26772296

Yourdictionary.com. 2020. BASS-CLEF | 4 Definitions Of Bass-Clef - Yourdictionary.


[online] Available at: <https://www.yourdictionary.com/bass-clef> [Accessed 5
November 2020].

5
Aralin Mga Natural at Makasaysayang
2 Lugar na Matatagpuan
sa Pilipinas

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Explains the importance of natural and historical places in the community that have
been designated as World Heritage Site (e.g. rice terraces in Banawe, Batad; Paoay
Church; Miag-ao Church; landscape of Batanes, Callao Caves in Cagayan; old
house in Vigan, Ilocos Norte; and the torogan in Marawi).

Nakapunta ka na ba sa mga magaganda at makasaysayang lugar sa Pilipinas? Ano


ang nag-udyok sa iyo na pumunta roon? Ano-ano ang mga magaganda at makasaysayang
lugar na iyong napuntahan? Ano ang masasabi mo sa mga lugar na ‘yon?

Ang araling ito ay magdadala sa iyo sa mga magaganda at makasaysayang lugar sa


Pilipinas na hindi mo pa napuntahan.

Balikan Natin

Maglista o magpangalan ng limang (5) mga tanyag at makasaysayang lugar na


matatapuan sa Pilipinas kabilang na ang makikita sa ating lugar. Isulat ito ang sagot sa iyong
activity notebook.

Tuklasin Natin
Tukuyin at pangalanan ang mga larawan na nasa ibaba. Piliin ang wastong kasagutan
na nasa kahon at isulat ito sa iyong activity notebook.

Tulay ng San Juanico


Chocolate Hills
Luneta Park
Hagdan-hagdang Palayan ng
Banaue
Underground River

1. ________________________ 2.___________________________
6
3._________________________ 4. _________________________
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Suriin Natin

Ang Pilipinas ay may mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na


hanggang ngayon ay ginagamit pa ring inspirasyon sa paggawa ng sining at mga disenyo.
Chocolate Hills, Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue and Puerto Princesa Underground
River ay iilan sa mga magagandang tanawin at pasyalan ng mga turista rito sa ating bansa.
Ang mga ito ay ating pahalagahan, pangalagaan at ipagmalaki dahil ito ay bahagi ng ating
likas na yaman.

Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

Palasapas Falls, Minalungao National Park Rice Terraces of the


San Jose City, Nueva Ecija General Tinio, Nueva Ecija Cordilleras
Ifugao

Luneta Park in Manila San Juanico Bridge Paoay Church in


in Samar, Leyte Ilocos Norte

Miagao Church, Iloilo Puerto Princesa Historic Town in Vigan


Subterranean River Ilocos Sur

7
Chocolate Hills Balete (DALTON) Pass Pantabangan Lake
in Bohol Pantabangan, NuevaEcija

Camp Pangatian Gabaldon Falls and Eco Park


Cabanatuan City, Nueva Ecija Gabaldon, Nueva Ecija

Sources: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/

Cotta Shrine – Ozamiz City Dolphin Island – Aquamarin Park


Sinacaban, Misamis Occidental

Dakak Beach Resort- Dapitan City

Sources: https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-g1392978-d7096798-
i239786714-Cotta_Fort-Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html
https://www.flickr.com/photos/iloilocity/4993546366
https://www.facebook.com/photo?fbid=2755914897780999&set=a.2755851524454003

8
Pagyamanin Natin

Panuto: Pangalanan ang sumusunod na mga natural at makasaysayang lugar sa ating bansa.
Isulat ang tamang sagot sa activity notebook.

1._________________________ 2.______________________ 3._____________________

4.______________________ 5._____________________ 6.___________________

Sources: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-g1392978-d7096798-i239786714
Cotta_Fort-Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html
https://www.flickr.com/photos/iloilocity/4993546366

Isaisip Natin

Ang Pilipinas ay sadyang likas na mayaman sa mga natural at magagandang tanawin


bukod pa sa mga makasaysayang lugar na nagpapaalala sa atin kung sino at ano tayo bilang
mga mamamayang Filipino. Kaya dapat lang natin itong pangalagaan, ipagmamalaki, at
isusulong dahil lahat ng ito ay biyaya ng Maykapal na nagbibigay ng positibong epekto sa
ating turismo, ekonomiya, at pagka-Filipino.

Isagawa Natin
Direksiyon: Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga natural at makasaysayang lugar o tanawin
na makikita sa ating bansa. Kopyahin ang Cloud Graphic Organizer sa
activity notebook at isulat ang iyong sagot sa loob ng mga clouds.

9
Ang Kahalagahan
ng mga Natural at
Makasaysayang
Lugar sa Ating
Bansa

Susi sa Pagwawasto
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Isagawa Natin:

6. Dolphin Island-Aquamarine Park, Sinacaban Misamis Occidental


5. Gabaldon Falls at Eco Park - Gabaldon, Nueva
4. Cotta Shrine sa Ozamiz City
3. Paoay Church sa Ilocos Norte
2. Puerto Princesa - Subterranean River
1. Miagao Church - Iloilo
Pagyamanin Natin:

4. Tulay ng San Juanico


3. Luneta Park
2. Hagdan-hagdang palayan ng Banaue
1. Chocolate Hills
Tuklasin Natin:

Maaaring magkakaiba ang sagot.


Balikan Natin:

Sanggunian:
Facebook.com. 2020. Log In Or Sign Up To View. [online] Available at:
<https://www.facebook.com/photo?fbid=2755914897780999&set=a.2755851524454
00 3> [Accessed 5 November 2020].

Flickr. 2020. Dolphin Island - Misamis Occidental Aquamarine Park - Sinacaban - (185).
[online] Available at: <https://www.flickr.com/photos/iloilocity/4993546366>
[Accessed 5 November 2020].
10
LRMDS - DepEd Division of Cabanatuan. 2020. GRADE 5 QUARTER 2 Lms. [online]
Available at: <http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-
lms.html> [Accessed 31 October 2020].

Pinterest. 2020. Account Suspended | Tourist Spots, Philippines Culture, Tacloban City.
[online] Available at: <https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/>
[Accessed 5 November 2020].

Tripadvisor.co.uk. 2020. Birhen Sa Cotta - Picture Of Cotta Fort, Ozamiz City - Tripadvisor.
[online] Available at: <https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-
g1392978- d7096798-i239786714-Cotta_Fort-
Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html> [Accessed 5 November
2020].

11
Aralin Ang Physical Activity Pyramid Guide
3 Para sa Batang Pilipino

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Assesses regularly participation in physical fitness based on the
Philippine physical activity pyramid.

Balikan Natin

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang health-related components na


mahalagang sangkap ng physical fitness na kadalasang ginagamit sa araw-araw na
gawain maging sa labas ng tahanan, sa paaralan at pamayanan. Ano-ano ang mga
gawaing ito?

Tuklasin Natin

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Isulat sa activity notebook kung ano ang ginagawa ng
mga bata sa larawan.

1. 3.

2. 4.

12
Sources:
https://lilnaomi03.files.wordpress.com/2011/10/payatas-house-cleaning-26-10-114.jpg
https://article.wn.com/view/2011/03/10/Filipinos_still_glued_to_the_tube_Nielsen_survey_says/
https://www.icebike.org/disabled-children/
https://www.worldremit.com/en/stories/story/2018/08/29/philippines-australia-basketball

Suriin Natin

Source: https://www.pinterest.ph/pin/486599934709525573/

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa batang Pilipino ay makatutulong upang
mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan. Nararapat na isinasagawa ito ng
madalas o palagian upang mas mauunawaan ang kahalagahan nito.
Apat (4) na Antas ng Physical Activity Pyramid Guide:
1. Ang pinakamababang antas ay ang mga gawaing nirerekomenda na mas madalas gawin o
araw araw na gawain sapagkat itoy makatutulong sa ating katawan.

2. Sa pangalawang antas naman ay makikita ang mga gawaing makapagpapabilis ng tibok ng


puso gaya ng pagbibisikleta, pagbabasketbol, pagtakbo, at iba pa.

3. Sa ikatlong antas naman ay makikita ang mga gawaing nararapat gawin ng 2-3 beses na
rekomendadong gawin. Ito ay ang mga gawain tulad ng pag-eehersisyo, pag push-up, pag-
akyat ng puno, pagsasayaw, at iba pa.

4. Ang mga gawaing nasa tuktok naman ng pyramid ay mga gawaing nararapat lamang
gawin ng isang (1) beses sa isang linggo dahil ang mga ito ay hindi nangangailangan ng

13
matinding paggalaw. Ang mga halimbawa ay ang panonood ng telebisyon, paglalaro ng
computer, pag-upo at paghiga nang matagal.

Kung ikaw ay hindi gaanong aktibo sa mga gawaing nasa Physical Activity Pyramid,
dapat ay magsimula sa mga gawaing nasa ilalim ng pyramid at unti-unting damihan ang mga
gawaing rekomendado nito.

Pagyamanin Natin

Panuto: Gumawa ng iyong sariling Physical Activity Pyramid. Tiyakin na nasa tamang antas
ang iyong mga pisikal na mga gawain. Kopyahin ang template sa ibaba sa isang
buong papel at isumite kalakip nitong modyul.

Isaisip Natin

 Mahalaga sa isang batang tulad mo ang maging aktibo sa mga gawaing nasa Physical
Activity Pyramid Guide upang mapanatiling malusog at malakas ang iyong
pangangatawan.

 Dapat na isaalang- alang kung gaano mo kadalas gagawin ang bawat gawain.

 Maaaring magdagdag ng mga gawaing lagi mong ginagawa sa araw- araw tulad ng
paglalaro ng ibat ibang isports at mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalakas ng
physical, at mental na kalusugan.

14
Isagawa Natin

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga gawain sa ibaba ay nakatutulong upang maging aktibo,
alerto at malusog ang isang tao. Lagyan ng (√) kung OO at (x) kung HINDI.
Isulat ang sagot sa activity notebook.

___________1. panonood ng telebisyon


___________2. pagbibisikleta
___________3. paggamit ng elevator sa halip na hagdanan
___________4. pagkain ng junk foods
___________5. paglalakad
___________6. pagkain ng gulay at prutas
___________7. paglalaro ng video games
___________8. pakikilahok sa mga gawaing pang-isports
___________9. pagsasayaw
___________10. pag-eehersisyo

Susi sa Pagwawasto

10. √ √ 5.
9. √ √ 4.
8. √ x 3.
7. √ √ 2.
6. x x 1.

Isagawa Natin:

Pagyamanin Natin: Maaaring magkakaiba ang sagot.


naglalaro ng basketbol
3. nagbibisikleta 4. nagbabasketbol o 2. nanonood ng tv 1. naglilinis
Tuklasin Natin:

Sanggunian:
Article.wn.com. 2020. Filipinos Still Glued To The Tube_ Nielsen Survey Says. [online]
Available at:
<https://article.wn.com/view/2011/03/10/Filipinos_still_glued_to_the_tube_Nielsen_s
urvey_sa ys/> [Accessed 5 November 2020].

15
Lilnaomi03.files.wordpress.com. 2020. [online] Available at:
<https://lilnaomi03.files.wordpress.com/2011/10/payatas-house-cleaning-26-10-
114.jpg> [Accessed 5 November 2020].

LRMDS - DepEd Division of Cabanatuan. 2020. GRADE 5 QUARTER 2 Lms. [online]


Available at: <http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-
lms.html> [Accessed 31 October 2020].

MAPEH 5 in Action Worktext in Music, Arts, Physical Education, and Health, Copyright
2016, REX Bookstore

Pinterest. 2020. Pin On Todler Activity. [online] Available at:


<https://www.pinterest.ph/pin/486599934709525573/> [Accessed 5 November 2020].

2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/illustrations/argue-angry-husband-and-


wife-wife- 3767380/> [Accessed 5 November 2020].

2020. [online] Available at: <https://www.icebike.org/disabled-children/> [Accessed 5


November 2020].

WorldRemit. 2020. The Power Of Basketball - Connecting The Philippines And Australia In
The Love Of The Game. [online] Available at:
<https://www.worldremit.com/en/stories/story/2018/08/29/philippines-australia-
basketball> [Accessed 5 November 2020].

16
Aralin Mga Pagbabagong Pisikal na
4 Nagaganap sa Panahon ng
Pagbibinata at Pagdadalaga
Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Recognizes the physical, emotional, and social changes during puberty as a normal
part of growth and development.
 Physical change

Balikan Natin

Noong nakaraang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa epekto ng mga isyu sa
kalusugang mental, emosyonal, at sosyal sa pangkalahatang kalusugan at pagkatao.

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa activity notebook.


 Mahalaga ba ang pagkakaroon ng kalusugang mental, emosyonal, at sosyal?
Bakit?

Tuklasin Natin

Tingnang mabuti ang larawan.

Source: https://www.slideshare.net/Humazille/puberty-advanced-developmental-psychology

17
Ano-ano ang mga pagbabagong pisikal ang nagaganap sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga? Magbigay ng limang (5) halimbawa. Isulat ang sagot sa activity notebook

Suriin Natin

Ang pagbibinata at pagdadalaga o puberty ay ang pisikal na pagbabago ng katawan


ng isang batang babae at lalaki patungo sa pagiging isang matandang lalaki.

Pagbabagong Pisikal
Ang adolescence period ay ang pagbabago sa hubog ng pangangatawan ng isang
indibidwal mula sa pagiging bata patungo sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga.

Pagbabagong Pisikal sa Isang Nagdadalaga


1. Pagsulong ng taas at bigat
2. Pagbabago sa sukat ng katawan
3. Pag-unlad ng mga pangunahing bahagi ng katawan
4. Lumulusog at nagkakahugos ang dibdib
5. Nagkakaroon ng buwanang daloy o menstruation
6. Paglapad ng balakang
7. Pagtubo ng taghiyawat at
pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan
8. Pag-iiba ng kilos tulad ng pagiging
palaayos at pakakaroon ng interes sa
paglalagay ng pampaganda at palamuti sa
katawan

Pagbabagong Pisikal sa Isang Nagbibinata


1. Pagsulong ng taas at bigat
2. Mabilis na pag-unlad ng kalamnan na
nagbibigay ng kakayahan sa paggawa
ng mabigat na gawain.
3. Unti-unting lumalaki ang kasariang panlalaki
4. Nagkakaroon ng taghiyawat
5. Tinutubuan ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng kilikili, at sa
binti
6. Pagtubo ng bigote at balbas
7. Pagbabago ng boses

Ang mga pagbabagong ito ay dulot ng pagtaas ng lebel ng testosterone (hormone sa


lalaki) at estrogen (hormone sa mga babae).
Mga terminolohiya kaugnay sa pagbibinata at pagdadalaga:
1. Precocious Puberty – maagang pagsisimula ng pagbibinata o pagdadalaga
2. Delayed Puberty – nahuhuling pagbabago na nagaganap sa pagbibinata at
pagdadalaga
3. Menarche – ang panimulang regla na hudyat ng pagdadalaga
4. Menstrual Cycle – buwanang dalaw na dumarating sa kababaihan

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
18
Pagyamanin Natin
Panuto: Iayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng katangian
o paglalarawan. Isulat ang nabuong salita sa activity notebook.

Ginulong Titik Nabuong Salita Katangian/Paglalarawan

Pisikal na pagbabago ng
1. YUTBEPR katawan ng isang batang
lalaki at babae
Isang mahalagang hudyat
2. RAMENEHC ng pagdadalaga, ang
panimulang regla,
Hormones ng mga lalaki
3. SETESORENOT
Hormones ng mga babae
4. NEGORTSE
Buwanang dalaw na
5. LATRUNEMS CELYC dumarating sa mga
kababaihan
Naantalang pagdadalaga at
6. -LEDADEY TUPYERB
pagbibinata

Isaisip Natin

Mayroong pagbabagong pisikal na nagaganap sa panahon ng pagbibinata at


pagdadalaga. Ang ilan sa mga pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga ay pagkakaroon ng
dalaw, paglaki ng dibdib, pagbabago ng hugis ng katawan, pagtubo ng buhok sa ibang bahagi
ng katawan, at pagtubo ng taghiyawat sa mukha. Sa kabilang banda naman, ilan sa mga
pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata ay ang pagbabago ng boses, pagbabago
sa hugis ng katawan, pagtangkad, at pagtubo ng taghiyawat at buhok sa ibang bahagi ng
katawan.

Ang pagbabago sa katawan ay normal sa isang bata at ito ay nagaganap sa panahon


ng pagbibinata at pagdadalaga o puberty kaya ito’y hindi dapat pandirihan. Ito ay isang yugto
sa buhay ng isang tao kung saan ang kanyang pangangatawan, emosyon, at pag-iisip ay
lumalawak at umuunlad upang maging ganap na lalaki o babae.

19
Isagawa Natin

A. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at
ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa activity notebook.
_____ 1. Ang puberty ay ang pisikal na pagbabago ng katawan ng isang batang lalaki o
babae.
______2. Ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay tinatawag na precocious puberty.
______3. Ang pagbabago sa sukat ng katawan ay kabilang sa pagbabagong pisikal sa isang
nagdadalaga.
______4. Kabilang sa pagbabago sa pagbibinata ay ang pagtubo ng bigote at balbas.
______5. Ang menarche ay ang panimulang regla.

B. Panuto: Gumawa ng isang scrapbook ng iyong sarili mula sa pagiging sanggol hanggang
sa paglaki. Lagyan ng makabuluhang salita ang bawat pagbabagong naganap sa iyo.

Rubrik
Pamantayan Indikador Puntos Natatamong
Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipapaliwanag ang 15
pagbabagong naganap.
Pagkamalikhain Orihinal ang ideya sa paggawa ng 5
(originality) scrapbook.
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang 5
Presentasyon presentasyon.
Pagkamalikhain Gumamit ng nakakaakit na kulay at 5
disenyo.

Susi sa Pagwawasto

B. Ang guro ay magbibigay ng marka ayon sa nakalakip na rubric

5. √ 4. √ 3. √ 1. √ 2. X
A.
Isagawa Natin:

4. Estrogen 5. Menstrual Cycle 6. Delayed Puberty


1. Puberty 2. Menarche 3. Testosterone
Pagyamanin Natin:
Tuklasin Natin: Maaaring magkakaiba ang sagot.
Balikan Natin: Maaaring magkakaiba ang sagot.

20
SUBUKIN

B 16. A 8.
M 30. A 23. D 15. G 7.
T 29. D 22. B 14. F 6.
T 28. A 21. B 13. E 5.
M 27. B 20. D 12. D 4.
M 26. A 19. B 11. C 3.
T 25. C 18. A 10. B 2.
T 24. A 17. D 9. A 1.
HEALTH P.E ARTS MUSIC

Sanggunian

 Cipriano, Eduardo. The 21st Century MAPEH in Action: Worktext in Music, Arts,
P.E, Health. Caloocan City: Rex Bookstore.

 LRMDS Division of Cabanatuan City.


https://www.google.com/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=&cad=rja&u
act=8&ved=2ahUKEwj3k4Wd4sPxAhWDbSsKHQtNCicQFjAAegQIAxAD&url=htt
p%3A%2F%2Flrmdsdepedcabanatuan.weebly.com%2Flearning-resource-
materials.html&usg=AOvVaw0nz-rpwU2y2JBeWuqx7smi

 Slideshare.net. 2020. Puberty (Advanced Developmental Psychology). [online]


Available at: <https://www.slideshare.net/Humazille/puberty-advanced-
developmental-psychology> [Accessed 5 November 2020].

21
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like