You are on page 1of 38

NOT

5
MAPEH
Quarter 1 - Module 1

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Quarter 1- Modyul 1:
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module
Author: Dorina L. Pabuaya

Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas


Elsa B. Buenavidez Ramil G. Cabural

Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos Darlene Sheila J. Pescador
Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
ii
5
MAPEH
Unang Markahan - Modyul 1
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- vi
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- vi
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- vi
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- viii
Subukin ---------------------------------------------------------------------------- ix-x
Aralin 1: Mga Iba’t Ibang Uri ng Nota at Pahinga
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 2
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 4
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 5
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 6
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 7
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 8
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 10

Aralin 2: Pagguhit ng mga Sinaunang Bagay


Alamin ----------------------------------------------------------------------- 11
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 11
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 12
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 12
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 13
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 13
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 14
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 15
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 15

Aralin 3: Likas na Katangian at Background ng mga Piling Laro


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 16
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 16
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 17
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 17
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 18
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 19
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 19
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 20
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 20

Aralin 4: Mga Katangian ng Taong may Kalusugang Mental, Emosyonal


at Sosyal (Part 1)
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 22
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 22
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 23
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 23
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 24

iv
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 24
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 25
Susi sa Pagwawasto -------------------------------------------------------- 26
Susi sa Pagwawasto (Subukin) ------------------------------------------- 26
Sanggunian ------------------------------------------------------------------ 27

v
Modyul 1
MAPEH (Unang Markahan)

Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol
sa ritmo, melodiya, pisikal na mga gawain at fitness, linya, kulay, space at harmony sa
pagpipinta.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito may apat na elemento: Music, Arts, Physical Education, at Health.
Tampok dito ang mga konsepto ng mga iba’t ibang uri ng nota at pahinga, pagguhit ng mga
sinaunang bagay, paglinang ng cardiovascular endurance at mga katangian ng taong may
kalusugang mental, emosyonal at sosyal.

Nagsisimula ang modyul na it sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-


aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Balikan kung
saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

vi
2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung
kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin
kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari
Isagawa
o sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain


Pagwawasto at pagtatasa.

viii
Subukin Natin

Panuto: Isulat ang lahat ng sagot sa isang sagutang papel.


Music
Isulat ang durasyon sa nakakahong nota at pahinga sa espasyong inilaan.

1. ______ 2. ______ 3. ______ 4. ______ 5. _____

Isulat sa kahon ang tamang time signature sa bawat rhythmic pattern.

6.

7.

8.

Arts
Iguhit ang kung ang lawaran ay sinaunang bagay at iguhit ang kung hindi.

9._____________ 10.______________ 11. ___________ 12. ____________

13.____________ 14. _____________ 15. ______________ 16. _____________

ix
Physical Education (PE)
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

Syato batuhang bola kickball 3-Minute Step Test


Juggling Hexagon Agility Test Sit and Reach Running
Ruler Drop Test Stork Stand Test Push-up

___________________17. Sinusubok ang tatag ng puso sa tuloy-tuloy na paghakbang.


___________________18. Sinusubok ang lakas ng kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy
na pag angat.
___________________19. Sinusubok ang pagbalanse gamit ang isang paa lamang.
___________________20. Nasusukat ang abilidad ng katawan na makagalaw ng mabilis sa
iba’t ibang direksyon.
___________________21. Nasusukat ang koordinasyon ng mga mata at mga kamay.
___________________22. Ito ay isang larong Pinoy na hango sa larong baseball at softball.
___________________23. Ito ay isang larong Pinoy na hango sa Amerikanong laro na
Dodgeball.

Health
Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
sagot sa activity notebook.
_________24. Ang taong malusog ay may positibong pananaw sa buhay.
_________25. Ang taong may malusog na kaisipan ay nakikipagbiruan at nakikipagtawanan
sa kapwa niya.
_________26. Ang taong maganda ang buhay emosyonal at sosyal ay hindi
nakikipagkaibigan.
_________27. Ang taong mahusay makipagkapwa-tao ay may bukas na kaisipan.
_________28. Upang mapanatili ang maayos na relasyon sa kapwa ay kinakailangang sundin
mo ang lahat na gusto nila.
_________29. Ang harassment ay ang paggawa nang mabuti sa iyong kapwa.
_________30. Kapag nakararanas ng hindi magandang pakiramdam sa sarili, ako ay pupunta
at magpapagamot sa albularyo.

x
Aralin Mga Iba’t Ibang Uri ng Nota at
1 Pahinga

Alamin Natin

Essential Learning Competencies:


 Identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song.
 Recognizes rhythmic patterns using quarter note, half note, dotted half
note, dotted quarter note, and eighth note in simple time signatures.

Handa ka na ba?
Ang aralin na ito ay tutuon sa dalawang mahalagang simbolo ng
musika ng makatutulong sa ating bumasa ng piyesa ng musika. Ipapakita
at tatalakayin din ang relasyon ng mga simbolo ng sound at rest sa
pagbuo ng magandang awitin.

Ang bawat tunog na maririnig natin sa musika ay kinakatawan


ng simbolo na tinatawag na nota. Samantalang may mga pagkakataong
nakaririnig tayo ng saglit o mahabang katahimikan sa awitin o tugtugin.
Ito ay kinakatawan ng simbolo na tinatawag na rest o pahinga.

Ang bawat nota pahinga (rest) ay may katumbas na bilang ng


beat.

Balikan Natin

A. Piliin sa loob ng kahon ang pangalan ng mga sumusunod na simbolo ng musika. Isulat ito
sa iyong activity notebook.

half rest whole rest eighth rest dotted half note half note

quarter note quarter rest whole rest whole note sixteenth rest eighth note

1
1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Tuklasin Natin
Ang mga kompositor ay may iba’t ibang paraan at ideya sa pagsasama-sama ng mga
simbolo ng nota at pahinga. Kung minsan ay nais nilang pahabain ang tunog ng mga nota na
kanilang ginagamit sa mga awitin. Ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng paglalagay ng tie
o tuldok sa mga nota.

Ang tie ay ginagamit upang pagsamahin o pagkabitin ang dalawa o higit pang mga
nota na may parehas na tono. Kapag ang dalawa o higit pang mga nota ay magkakakabit, ang
bilang ng beat nila ay pinagsasama-sama. Kung kaya’t humahaba ang tunog ng mga nota na
ito. Pagmasdan ang halimbawa ng mga nota na may tie sa ibaba. Ilan ang kabuuang bilang ng
beat?

4 + 4 = 8 beats 1 + 1 = 2 beats

2 + 2 = 4 beats 1 + 2 = 3 beats

A. Bilangin ang beat ng bawat hanay ng nota at pahinga (rest).

1. = ____________ beats

2. = ____________ beats

3. = ____________ beats
2
4. = ___________ beats

5. = ____________ beats

B. Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung ito ay
mali. Isulat sa activity notebook.
______1. Ang mga nota ay simbolo ng tunog sa musika.
______2. Ang nota na may pinakamahabang tunog ay ang quarter note.
______3. Ang anim na beat ay binubuo ng dalawang whole note.
______4. Higit na mas mahaba ang beat ng isang dotted whole note kaysa sa whole note.
______5. Pareho ang bilang ng beat ng isang half note at dalawang quarter notes.

May isa pang paraan ng pagpapahaba ng tunog ng mga nota at pahinga. Ito ay sa
pamamagitan ng paglagay ng tuldok. Kapag ang isang nota ay may tuldok sa kanang bahagi
nito, ang bilang ng beat ng nota ay nadaragdagan. Ang kumpas o beat ng bawat tuldok ay
katumbas ng kalahati ng bilang ng nota na tinuldukan.

Halimbawa nito ay ang sumusunod:

1. dotted eighth note

1/2 + 1/4 = 3/4 beat

2. dotted half note

2 + 1 = 3 beats

3. dotted quarter note

1 + 1/2 = 1 1/2 beats

Subukan mo naming ipalakpak ang bawat nota sa wastong paraang pagpalakpak


upang maipakita mo ang wastong beat ng bawat isa.

1. =
1 2 3 4

3
2. =

1 2

3. =
1

4. =

1 2 3

5. =

1 2 3 4 5 6

Suriin Natin

Narito ang piyesa ng awiting “Atin Cu Pung Singsing.” Tukuyin ang mga nota at mga
pahinga na nakikita sa piyesa. Pag-aralan ang tono ng awit at kantahin ito nang sabay-sabay.

Ang bawat nota at pahinga ay may katumbas na bilang ng beat. Pag-aralan ang tsart
sa ibaba at tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga nota at mga pahinga.

Mga Note Bilang ng Beat Mga Rest


Whole Note Whole Rest
4

4
Half Rest Half Rest
2

Quarter Note Quarter Rest


1

Eighth Note Eighth Rest


½

Sixteenth Note Sixteenth Rest


¼

Bagama’t magkakaiba ang anyo at bilang ng


beat ng mga nota, ang mga ito ay magkakaugnay. Ang
whole note ay katumbas ng dalawang half notes. Ang
isang half note ay katumbas ng dalawang quarter notes.
Pag-aralan ang note tsart at sabihin kung ano-ano ang
napansin.

Katulad ng mga nota, ang mga rests o pahinga


ay magkakaugnay din. Pagmasdan ang rest tsart. Ilang
quarter rest mayroon ang isang whole rest?

Pagyamanin Natin

Natandaan mo pa ba ang iba’t ibang simbolo ng musika at ang beat nito?

Pag-aralan at ensayuhin ang awit na Paruparong Bukid. Banggitin ang iba’t ibang
nota at pahinga na makikita sa piyesa, awitin at ipalakpak ang beat ng bawat nota. May
rubric bilang pamantayan sa pagtatanghal.

5
Rubrik

Napakahusay Mahusay Bahagyang Kailangan


Mahusay Pang
Pamantayan
Paunlarin
(4) (3) (2) (1)
1. Naawit nang wasto ang awitin
ayon sa tamang pitch.
2. Angkop ang paggamit ng kilos
sa pagtatanghal.
3. Masining ang pagkatatanghal.

Isaisip Natin

A. Isulat ang wastong beat ng mga sumusunod na simbolo. Gawin ito sa iyong activity
notebook.

1. = _______ beat/s

2. = _______ beat/s

3. = _______ beat/s

6
4. = = _______ beat/s

5. = _______ beat/s

B. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa activity notebook.


1. Ang ay katumbas ng ______.
a. c.

b. d.

2. Ang ay katumbas ng _____.


a. c.

b. d.

3. Ang ay katumbas ng ______.

a. c.

b. d.

4. Ang ay katumbas ng ______.

a. c.

b. d.

5. Ang ay katumbas ng ______.

a. c.
b. d.

Isagawa Natin

A. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay wasto at MALI kung ito ay hindi wasto. Gawin ito sa iyong activity
notebook.
____________1. Ang musika ay naisusulat sa pamamagitan ng mga simbolo.
____________2. Ang isang whole note ay may dalawang beats.
____________3. Magkatumbas ang beat ng isang half note at dalawang quarter notes.

7
____________4. Kapag pinagdugtong ng isang tie ang dalawang quarter notes, ito ay
magkakaroon ng beat na katumbas sa isang half note.
____________5. Ang dalawang eighth notes ay may beat tulad ng isang quarter note.

B. Gumuhit ng nota /pahinga o mga nota at mga pahinga na bubuo sa mga beats na nasa
kaliwa. Gawin ito sa iyong activity notebook.

1 beat = ____________________ 2 beats = ____________________


4 beats = ____________________ 6 beats = ____________________
8 beats = ____________________

C. Isulat ang pangalan ng sumusunod ng mga nota at pahinga. Gawin ito sa iyong activity
notebook.

a. _____________________ d. _____________________

b. _____________________ e. _____________________

c. _____________________ f. _____________________

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN

A.
1. Half note TUKLASIN
2. Quarter rest
3. Whole rest A. B.
4. Whole note 1) 6 beats 1. T
5. Quarter note 2) 6 beats 2. M
6. Dotted half note 3) 7 beats 3. M
7. Dotted quarter note 4) 5 beats 4. T
8. Eighth note 5) 10 beats 5. T
9. Eighth rest
10. Half rest

8
SURIIN

Mga nota at rests na nakikita sa piyesang “Atin Cu Pung Singsing.”

1. or quarter rest

2.

3.

4. or

5.

PAGYAMANIN
Mga notes at rests na nakikita sa piyesang “Paruparong Bukid.”

1. ISAISIP

2. A. 1. Four beats
2. One beat
3. 3. Four beats
4. Four beats
5. Three beats
ISAGAWA

A. 1. Tama B. 1. a
2. Mali 2. b
3. Tama 3. c
4. Tama 4. b
5. Tama 5. a
B. Narito ang mga posibleng sagot.

1 beat =

2 beats =

4 beats =

6 beats =

8 beats =

9
C. a. quarter rest
b. whole note
c. quarter note
d. dotted half note
e. whole rest
f. half note

Sanggunian
ClipartMax.com. 2019. Music Notation Review Flipquiz Rh Flipquiz Me Quarter - Sixteenth
Note Rest Symbol - Free Transparent PNG Clipart Images Download. Clipartmax.Com.
[online] Available at:
<https://www.clipartmax.com/middle/m2i8N4A0b1b1H7K9_music-notation-review-
flipquiz-rh-flipquiz-me-quarter-sixteenth-note-rest-symbol/> [Accessed 18 June 2020].
festivalclaca.cat. 2019. HD Fileeighth Rest - Eighth Rest Music Symbol , Free Unlimited
Download. [online] Available at: <https://www.festivalclaca.cat/maxvi/oRwhR/>
[Accessed 18 June 2020].
Flaticon. 2010. Whole Rest Free Vector Icons Designed By Freepik. [online] Available at:
<https://www.flaticon.com/free-icon/whole-rest_125053> [Accessed 18 June 2020].
Free PNG and Icons Downloads. 2018. Female Instructor #3 PNG Icons. [online] Available
at: <https://www.iconspng.com/image/100734/female-instructor-3> [Accessed 18 June
2020].
Frohling, D., n.d. Note & Rest Values - Mtschools. [online] Mtschools.net. Available at:
<http://www.mtschools.net/noteandrestvalues> [Accessed 18 June 2020].
Frohling, D., n.d. Note & Rest Values - Mtschools. [online] Mtschools.net. Available at:
<http://www.mtschools.net/noteandrestvalues#rests> [Accessed 18 June 2020].
Halinang Umawit at Gumuhit, Batayang Aklat 5
Halinang Umawit at Gumuhit, Patnubay ng Guro 5
IMGBIN.com. 2019. Musical Instruments Children's Music PNG - Free Download. [online]
Available at: <https://imgbin.com/png/de7b28tn/musical-instruments-childrens-music-
png> [Accessed 18 June 2020].
PinClipart.com. 2018. School Teacher Female Teacher Clipart - Png Download (#2170365)
- Pinclipart. [online] Available at:
<https://www.pinclipart.com/pindetail/xmToix_school-teacher-female-teacher-clipart-
png-download/> [Accessed 18 June 2020].

10
Aralin
Pagguhit ng mga Sinaunang Bagay
2
Alamin Natin

Essential Learning Competencies:


 Discusses events, practices, and culture influenced by colonizers who have come to
our country by way of trading.
 Designs an illusion of depth/distance to simulate a 3-dimensional effect by using
crosshatching. and shading techniques in drawings (old pottery, boats, jars, musical
instruments).
Ang modyul na ito ay gagamitin mo upang makaguhit ng mga sinaunang bagay,
bahay, gusali, mula sa sariling bayan/bansang Pilipinas sa pamamagitan ng crosshatching
technique, geometrikong hugis, espasyo na may ritmo at balanse bilang disenyo.

Handa ka na ba?

Balikan Natin

Pagmasdan ang mga larawan ng kalakalan ng mga produkto noong unang panahon.

Sources: https://pixabay.com/photos/trade-exchange-business-barter-1311576/
https://en.m.wikipedia.org/wiki/File:Preziosi__Pia%C5%A3%C4%83_la_R%C3%A2mnic
u_V%C3%A2lcea.jpg

Ano-ano ang mga nakikita mo? Paano ba nakikipag-ugnayan at nakikipagkalakalan


ang ating mga ninuo noong unang panahon?
Alam mo ba ang kahulugan ng barter? Ang barter o pakikipagpalitan ng kalakalan
ng mga kalakal ang lumaganap sa Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol.

11
Ang pag-unlad ng kalakalan noong unang panahon ay may kinalaman sa uri ng
kapaligiran ng bansa at sa mga katutubong ugali nila tulad ng pagiging masipag, malikhain,
mapamaraan, masinop at mapagkakatiwalaan.

Tuklasin Natin

Kaya mo bang sagutin?


Ano-ano ang mga linya, hugis, at disenyo ang makikita mo mula sa mga produktong
pangkalakalan noong unang panahon?

Sources: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Manunggul_Jar.jpg
https://pixabay.com/photos/carpet-orient-hand-knotted-2668757/
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/95/Shell_and_pearls.JPG

Suriin Natin

Ang ugnayang pangkalakalan na namamagitan sa mga Pilipino at mga dayuhan ay


nag-iwan ng malaking impluwensya sa ating kultura. Nakaugnayan ng mga unang Pilipino
ang mga dayuhang mangangalakal dahil sa mainam na lokasyon ng Pilipinas.

Ang mga unang Pilipino ay nakikipagpalitan ng perlas, sigay, banga, pulot pukyutan
sa mga telang seda, tingga, seramika at porselana ng mga Tsino. Tapete, karpet, at
kasangkapang tanso sa mga Arabe. Kristal at aboloryo at pulseras at kasangkapang metal ang
produkto ng mga Indiano kapalit ng mga produkto ng ating mga ninuno.

12
Pagyamanin Natin

May maraming mga produkto ang ating mga ninuno pati na rin ang mga dayuhan na
nakikipagkalakalan sa atin. Kung ating susuriin, halos lahat ay may produktong gawa sa mga
seramika at porselana.

Sources:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Saint_Cloud_soft_porcelain_vase_with_blue_desig
ns_under_glaze_1695-1700.jpg
https://www.needpix.com/photo/122507/ceramic-sound-vessel-vessels-krug
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Song_Dynasty_Porcelain.jpg

Sagutin ang mga sumusunod sa iyong activity notebook.


1. Ano-anong mga bagay ang iyong nakikita sa larawan?
2. May nakikita ka kayang disenyo sa bawat produkto? Ano-ano ang mga ito?
3. May nakikita ka bang pagkakaiba sa kanilang paggamit ng linya, hugis at espasyo sa
bawat produkto? (Makikita rito ang paulit- ulit at balanseng disenyo sa kanilang mga
gawa.)

Isaisip Natin

Pangwakas na Gawain: (Paglalahat)

Ang pag-unlad ng kalakalan noong unang panahon ay may kinalaman sa uri ng


kapaligiran ng bansa at sa mga katutubong ugali nila tulad ng pagiging masipag, malikhain,
mapamaraan, masinop at mapagkakatiwalaan

13
Isagawa Natin

Gawaing Pansining:
Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit katulad ng kartolina, krayon, lapis, at marking
pen.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Kumuha ng kartolina at gumuhit ng mga produkto noong unang panahon na nais mo kung
sakali ikaw ay makikipagkalakalan. Pwede kang pumili sa mga larawan sa itaas na
magsilbing gabay mo.
2. Iguhit ang mga produkto gamit ang lapis at marking pen. Maaaring gumamit o umisip ng
sariling disenyo gamit ang hugis, linya at prinsipyong paulit-ulit.
3. Kulayan at punuin ang espasyo ng mga disenyo sa mga produktong inyong iginuhit para
lalong maging kaakit-akit ang iyong likhang sining.
4. Kung wala nang idadagdag, pwede nang ipapakita ang ginawang likhang sining sa buong
klase at humanda sa pagpapahalaga.

Ikaw ba ay may kilalang mangangalakal?


1. Magbanggit ng isang produkto nito. Maaaring isang dayuhan ang iyong kilalang
mangangalakal.
2. Paano mo ginamit ang iba’t ibang linya, hugis at espasyo sa pagguhit ng mga produkto?

Lagyan ng ( ✔ ) tsek ang angkop na kahon batay sa sariling pagsusuri tungkol sa


gawaing pansining. Gawin ito sa sagutang papel.

Nakasunod sa paman- Nakasunod sa Hindi nakasunod


tayan nang higit sa pamantayan subalit sa pamantayan.
PAMANTAYAN inaasahan. may pagkukulang.
(3) (2) (1)
1. Nakagawa ako
ng sining mula
sa sinaunang
bagay.

2. Napahalagahan
ko at naipagma-
laki ang mga si-
naunang bagay.

3. Naipamalas ko
ng may kawili-
han ang aking
sining.

14
Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN: Maaaring magkakaiba ang sagot.

PAGYAMANIN: 1. Mga antigong seramika at porselan


2. Oo. Disenyong paulit-ulit at balanse.

ISAGAWA: Maaaring magkakaiba ang sagot.

TAYAHIN: Maaaring magkakaiba ang sagot.

Sanggunian
Amazon.com. 2020. Paint Brush 2. [online] Available at:
<https://www.amazon.com/collateral-beauty-Paint-Brush-2/dp/B06X9X1RD3>
[Accessed 18 June 2020].

Cateb, M., 2011. Shell And Pearls.JPG. [online] commons.wikimedia.org. Available at:
<https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/95/Shell_and_pearls.JPG>
[Accessed 23 June 2020].

commons.wikimedia.org/. 2011. Song Dynasty Porcelain.Jpg. [online] Available at:


<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Song_Dynasty_Porcelain.jpg> [Accessed 23
June 2020].

https://commons.wikimedia.org/. 2018. Manunggul Jar.Jpg. [online] Available at:


<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Manunggul_Jar.jpg> [Accessed 23 June
2020].

Needpix.com. n.d. Pottery Vase Stripes. [online] Available at:


<https://www.needpix.com/photo/122507/ceramic-sound-vessel-vessels-krug>
[Accessed 23 June 2020].

pixabay.com. n.d. [online] Available at: <https://pixabay.com/photos/trade-exchange-


business-barter-1311576/> [Accessed 23 June 2020].

pixabay.com. 2017. [online] Available at: <https://pixabay.com/photos/carpet-orient-


hand-knotted-2668757/> [Accessed 23 June 2020].

Preziosi, A., 2011. File:Preziosi - Piaţă La Râmnicu Vâlcea.Jpg. [online]


en.m.wikipedia.org/. Available at: <https://en.m.wikipedia.org/wiki/File:Preziosi_-
_Pia%C5%A3%C4%83_la_R%C3%A2mnicu_V%C3%A2lcea.jpg> [Accessed 23 June
2020].

TG Grade 5, SINING WIKI QI pp. 1-3 LM pp. 1-2 pictures credited

15
Aralin Likas na Katangian at Background
3 ng mga Piling Laro

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Explains the nature/background of the games.

Tungkol saan ang aralin na ito?

Sa aralin na ito ay pagtutuunan natin ng pansin ang mga larong nangangailangan ng


mga kasanayang pagtakbo, paghagis, pagsipa, pagpalo, pag-iwas, pagbato at pagsalo na
nakalilinang o nakapagpaunlad ng lakas ng kalamnan (cardiovascular endurance) at power.

Balikan Natin

Mahilig ka bang maglaro? Ano-anong mga laro ang kinahiligan mo? Anong
benepisyo ang nakukuha ng katawan sa paglalaro ng tumbang preso at kickball?

Gawin mo ito!

Alin sa mga gawain ang madalas mong ginawa? Bilugan ang titik. Alin sa mga
gawain ang minsan mo lang ginawa? Ekisan ang .titik. Gawin ito sa iyong activity notebook.

A. B. C.

D. E. F.

16
Sources: https://www.clipart.email/make-a-clipart/?image=14764503
https://clipartlook.com/img-127208.html
https://classroomclipart.com/clipart-view/Clipart/Sports/Swimming_Clipart/girl-learning-
swimming-holing-inner-tube-clipart-6224_jpg.htm
https://www.123rf.com/photo_138525927_stock-vector-happy-cute-kid-boy-riding-bike-
smile.html
https://ya-webdesign.com/image/sleeping-clipart-afternoon-nap/225626.html
https://webstockreview.net/image/clipart-lunch-woman/983113.html

Ikaw ba ay may lubos na lakas sa paggawa ng mga physical activities na ito? Ano ang
iyong dapat gawin upang maging masigla at malakas?

Tuklasin Natin
Paglinang sa Cardiovascular Endurance
Makikipagpanayam ka ngayon sa iyong kapatid o kaibigan. Lagyan ng tsek ang Oo o
Hindi. Kopyahin ito sa iyong activity notebook.
Pangalan: __________________________________ Oo Hindi
1. Ikaw ba ay nag-eehersisyo araw-araw? __________ __________
2. Naglalaro ka ba sa labas ng bahay? __________ __________
3. Mahalaga ba sa iyo ang pag-eehersisyo? __________ __________
4. Ikaw ba ay sumali sa sports competition? __________ __________
5. Ikaw ba ay isang atleta? __________ __________

Tandaan: Gawin itong gabay sa pagtulong na malinang nang husto ang cardiovascular
endurance ng mga bata.

Suriin Natin
Ang pakikilahok sa mga larong Pinoy ay mainam na paraan upang mapaunlad ang
cardiovascular endurance. Maraming mga larong Pinoy ang makatutulong para mapaunlad
ang tatag ng puso. Kabilang na rito ay ang mga tipo ng larong may target na tatamaan (target
games), papaluin at sisipain o sasaluhin (striking/field games). Kabilang dito ang mga
sumusunod:

1. Tumbang preso
Isang larong Pinoy kung saan ang isang taya ay may binabantayang lata na nasa loob
ng isang bilog. Ito ang “preso” na tinatawag. Ang ibang manlalaro naman ay mga tagahagis
ng tsinelas na ang layunin ay mapatumba at maaalis ang “preso” (lata) sa loob ng bilog. Ang
layunin ng taya ay makataga ng isang tagahagis habang ang mga ito ay kumukuha ng mga
tsinelas sa palaruan. Ang natagang tagahagis ang magiging sunod na taya.

17
2. Kickball
Isang larong Pinoy na hango sa larong baseball at softball. Ang kaibahan nito ay
walang hawak na batang manlalarong nasa home base at ang bolang gamit ay mas malaki
kaysa sa baseball at softball. Hindi ito ihahagis kundi igugulong papunta sa manlalarong
nasa home base na ang layunin ay sipain ito nang malakas at malayo. Ang layunin ng
tagasipa ay makapunta sa mga base nang hindi natataya at maka-home run tulad din ng sa
baseball at softball.

3. Batuhang- bola
Isang larong nangangailangan ng kasanayang pagtakbo, pag-iwas, pagbato, at pagsalo
na nakalilinang o nakapagpapaunlad ng lakas ng kalamnan ng puso (cardiovascular
endurance) at power.

4. Syato
Isang larong nangangailangan ng mga kasanayang pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at
pagsalo na nakalilinang o nakapagpapaunlad ng tatag ng kalamnan (muscular endurance) at
power. Ito ay nangangailangan ng kasanayan sa pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo.

Pagyamanin Natin

Gawain. Kilalanin ang mga sumusunod na larong lahi. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa iyong activity notebook.
syato batuhang bola tumbang preso
patintero kadang-kadang sack race

1. 2.

3. 4. 5.

18
Isaisip Natin
Ang Larong Pinoy ay tinatawag ding Laro ng Lahi. Ito ay mahalagang simbolo ng
ating pagiging Pilipino. Ito ang pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Dito
unang nalinang ang ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na
alam nating makakabuti para sa atin. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng
isang lahi, kung kaya’t dapat na balikan, paunlarin, at pangalagaan natin ito.

Isagawa Natin

Gawain 1. Lagyan ng malaking tsek (✔) kung ang larawan ay laro ng lahi. Gawin ito sa
iyong activity notebook.

1. _____ 2. _____ 3. _______

4. _____ 5. _____

Sources: georgia-japan-favored-to-cause-upsets
https://steemit.com/game/@diosarich/shatong-a-filipino-kids-past-time-one-of-the-
traditional-games
https://scroll.in/field/892756/asian-games-hockey-on-the-day-that-mattered-most-
indian-women-were-found-wanting
https://www.palomponleyte.gov.ph/2nd-linggo-ng-kabataan-celebration-amazing-race-
laro-ng-lahi/
https://www.expatmedia.net/8-reasons-not-miss-palarong-pinoy-dubai/

19
Gawain 2. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang. Gawin ito sa iyong activity
notebook.
1. Ang pakikilahok sa mga larong Pinoy ay mainam na paraan upang mapaunlad ang
cardiovascular endurance.
A. Oo B. Hindi C. Hindi sigurado D. Lahat ng ito
2. Ilang grupo ang kinakailangan sa paglalaro ng batuhang bola?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
3. Ano-anong mga kasanayan sa paglalaro ang dapat matutuhan sa paglalaro ng
syato?
A. pagtakbo, pag-iwas, pagsalo C. pagtakbo, pagsalo, pagpalo
B. pagtakbo, pagpilantik, pagsalo D. pag-iwas, pagpalo, pagpilantik
4. Alin sa mga larong Pinoy ang hango sa larong baseball at softball?
A. batuhang bola B. banderitas challenge C. kickball D. tumbang preso
5. Nakabubuti para sa kalusugan kung madalas ang pakikilahok sa ganitong uri ng mga
gawain ng batang tulad mo.
A. Oo B. Hindi C. Hindi sigurado D. Lahat ng ito

Tandaan:

Palagiin ang pag-eehersisyo kahit nasa bahay upang laging masigla at malusog.
 head twist
 shoulder rotation
 arm circles
 body stretch
 shoulder rotation arm circles body stretch

Susi sa Pagwawasto

Balikan: Maaaring magkakaiba ang mga sagot.


Isaisip: A. 1. batuhang bola 3. sack race
2. syato 4. patintero 5. tumbang preso
Isagawa:
Gawain 1: Mga items na may tsek (✔) dapat: 2, 4, and 5
Gawain 2: 1. A 2. B 3. C 4. C 5. A

Sanggunian
<. and -->, <., 2018. Shatong - A Filipino Kids Past Time: One Of The Traditional Games —
Steemit. [online] Steemit.com. Available at:
<https://steemit.com/game/@diosarich/shatong-a-filipino-kids-past-time-one-of-the-
traditional-games> [Accessed 1 July 2020].

20
123RF. 2020. Happy Cute Kid Boy Riding Bike Smile. [online] Available at:
<https://www.123rf.com/photo_138525927_stock-vector-happy-cute-kid-boy-riding-
bike-smile.html> [Accessed 1 July 2020].
amott, j., 2019. Bettors Back Japan, Georgia To Cause Upsets At Rugby World Cup. [online]
Bloomberg.com. Available at: <https://www.bloomberg.com/news/articles/2019-09-
20/rugby-world-cup-longshots-georgia-japan-favored-to-cause-upsets> [Accessed 1
July 2020].
Classroomclipart.com. 2020. Swimming Clipart - Girl-Learning-Swimming-Holing-Inner-
Tube-Clipart-6224 - Classroom Clipart. [online] Available at:
<https://classroomclipart.com/clipart-view/Clipart/Sports/Swimming_Clipart/girl-
learning-swimming-holing-inner-tube-clipart-6224_jpg.htm> [Accessed 1 July 2020].
Clipart.email. 2020. Make Your Own Clipart With Clipartor. [online] Available at:
<https://www.clipart.email/make-a-clipart/?image=14764503> [Accessed 1 July 2020].
Clipartlook.com. 2017. 13+ Boy Running Fast Cl... Boy Running Clipart | Clipartlook.
[online] Available at: <https://clipartlook.com/img-127208.html> [Accessed 1 July
2020].
Expat Media. 2018. 8 Reasons Not To Miss Palarong Pinoy In Dubai. [online] Available at:
<https://www.expatmedia.net/8-reasons-not-miss-palarong-pinoy-dubai/> [Accessed 1
July 2020].
Learner Materials PE 5
Palomponleyte.gov.ph. 2019. 2Nd Linggo Ng Kabataan Celebration (Amazing Race Laro Ng
Lahi) – Official Website Of Palompon Municipality, Province Of Leyte. [online]
Available at: <https://www.palomponleyte.gov.ph/2nd-linggo-ng-kabataan-celebration-
amazing-race-laro-ng-lahi/> [Accessed 1 July 2020].
Sudevan, P. and Sudevan, P., 2018. Asian Games: On The Day That Mattered Most, Indian
Women’S Hockey Team Were Found Wanting. [online] Scroll.in. Available at:
<https://scroll.in/field/892756/asian-games-hockey-on-the-day-that-mattered-most-
indian-women-were-found-wanting> [Accessed 1 July 2020].
Teacher’s Guide PE 5
Webstockreview.net. n.d. Eating Clipart Girl Eating, Picture #983113 Eating Clipart Girl
Eating. [online] Available at: <https://webstockreview.net/image/clipart-lunch-
woman/983113.html> [Accessed 1 July 2020].
YAWD. n.d. Sleeping Clipart Afternoon Nap. [online] Available at: <https://ya-
webdesign.com/image/sleeping-clipart-afternoon-nap/225626.html> [Accessed 1 July
2020].

21
Mga Katangian ng Taong may
Aralin
Kalusugang Mental, Emosyonal at
4 Sosyal (Part 1)
Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Describes a mentally, emotionally, and socially healthy person.

1 2

Sources: https://thumbs.dreamstime.com/z/schoolgirl-14864162.jpg
https://www.kidsworldfun.com/story-contest/2017-2/good-luck.php

Ano ang iyong masasabi sa unang larawan? Ikalawang larawan?

Sa iyong palagay, bakit kaya masaya ang bata sa unang larawan? Bakit malungkot
ang bata sa ikalawang larawan?

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahang mailalarawan mo ang mga katangian ng taong


may kalusugang mental, emosyonal, at sosyal.

Balikan Natin

Nakikinig ka ba ng balita? Anong pandemic ang nararanasan ngayon sa buong


mundo? Ano ang iyong nararamdaman ukol sa health isyu na ito na agresulta sa tinatawag
nating new normal? Ano-anong mga paghahanda ang iyong ginagawa?

Magtala ng mga precautionary measures laban sa pandemic na nararanasan natin


ngayon. Isulat ito sa iyong activity notebook.

22
Tuklasin Natin

Pangkatin ang mga sumusunod na gawaing pangkalusugan na nasa loob ng kahon.


Para sa Hanay A ay mga gawaing nakapagpasigla sa ating katawan. Hanay B ay sa mga
gawaing nakapagpahina sa ating katawan. Isulat ang mga sagot sa iyong activity notebook.

panonood ng TV pag-eehersisyo pagkain ng maraming beses

pagsisimba surfing online pagmumukmok paghahardin

pagsasayaw paglalakwatsa pakikipag-usap sa mga kaibigan


Rakuh
Hanay A Hanay B

Suriin Natin

Ang kalusugan ng isang tao ay hindi lamang sa pisikal na anyo makikita.


Maraming aspeto ang isinasaalang-alang upang masabi na ang isang tao ay malusog. Ito
ay ang kalusugan sa pag-iisip o mental, kalusugang emosyonal, at kalusugang sosyal.

A. Kalusugang pangkaisipan (Mental health)


 kakayahang masiyahan sa buhay at harapin ang mga hamon na inyong hinaharap
araw-araw kabilang na rito ang pagpili o ang paggawa ng desisyon, pag-angkop
at pagkaya sa mabibigat na suliranin, o ang pagpapahayag ng mga
pangangailangan at mga pagnanais.
 nagpapahintulot sa iyo na maging kapaki-pakinabang; ang magkaroon ng
katuparan sa mga relasyon sa ibang tao,
B. Emosyonal na kalusugan (Emotional health)
 maaaring humantong sa tagumpay sa trabaho, relasyon, at kalusugan.
C. Kalusugang sosyal (Social health)
 tumutukoy sa isang tao na may mabuting pakikisama sa kapwa.

23
Mga Katangian ng Isang Indibidwal na may Kalusugang Mental, Emosyonal, at
Sosyal
 May positibong pananaw sa buhay
 Masayahin
 May pananalig sa Diyos
 Marunong manimbang sa paggawa ng desisyon
 May tiwala sa sarili
 Nakapaglilimbag
 May pagpapahalaga sa trabaho
 Nakikisalamuha sa kapwa
 May positibong pagtanggap sa puna ng kapwa
 Pagpapahalaga sa sarili at pagkamaalam sa sarili
 Diyeta at ehersisyo
 May magandang relasyon sa pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho
 Maayos na pananalapi
 Pakikisangkot sa komunidad
 Paano mo pinamamahalaan ang stress
 Paano mo ipinahihiwatig ang iyong nararamdaman

Pagyamanin Natin

Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagsasaad ng kalusugang: mental,


emosyonal, at sosyal. Isulat ang sagot sa activity notebook.
1. Si Myra ay hindi sumusuko sa mga pagsubok na dumadating sa kanyang buhay. Matapang
niyang hinarap ito.
2. Si Darwin ay mahilig umawit. Ipinapakita niya ito sa pamamagitan ng pagsali sa mga
patimpalak.
3. Isang masayahing bata si Red kaya naman marami siyang kaibigan.
4. Maraming proyektong ipinapatupad sa aming barangay. Nais kong makiisa upang
madagdagan ang aking kaalaman at ang aking kakayahan.
5. Tinanggap ni Rowel nang maluwag sa kalooban ang mga payong ibinigay ng kanyang
guro.

Isaisip Natin

Tingnan ang mga larawan. Isulat ang KM kung nagpapakita ng kalusugang mental,
KE kung kalusugang emosyonal, at KS kung kalusugang sosyal. Gawin ito sa iyong activity
notebook.
1. _____ 2. _______ 3. _______

24
4. _____ 5. ______

Sources: https://www.freepik.com/premium-vector/psychology-concept-illustration_2237765.htm
https://www.freepik.com/premium-vector/woman-hugging-herself-with-hearts-love-yourself-
love-your-body-concept-vector-illustration_6222826.htm
https://www.dreamstime.com/stock-illustration-hugging-children-friends-vector-cartoon-
style-illustration-two-girls-smiling-image69652998
https://www.istockphoto.com/vector/woman-meditating-in-nature-and-leaves-concept-
illustration-for-yoga-meditation-gm1139912908-304847636
https://yawebdesign.com/imgdownload.html?fbclid=IwAR1IZvgTtlc_xOzsizvrJ5YVOMZf1
ZUo29VDIk7U1d1COuk6mXnx4iFksb8

Isagawa Natin

A. Ayusin ang mga pinagugulong letra sa loob ng kahon upang makabuo ng bagong salita.
Isulat ang sagot sa activity notebook.

1. Tumutukoy sa isang taong may mabuting pakikisama sa kapwa.


2. Abilidad na makapagsaya sa ating buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang-
araw-araw na pamumuhay.
3. Kalusugan na maaaring humantong sa tagumpay sa trabaho, relasyon, at kalusugan.

Sagot: 1. ___________________ L M E S
2. ___________________ A L L M
3. ___________________ N O E O
O S Y N
A A S T

B. Sagutin nang buong husay ang mga tanong sa ibaba sa iyong activity notebook.

1. Bukod sa pisikal na aspeto, ano-ano pa ang mga katangian ng isang tao na may malusog na
pamumuhay?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Bilang mag-aaral, paano mo malinang ang iyong kalusugang mental, emosyonal at


sosyal? Magbigay ng tatlong (3) paraan. Isulat ang mga sagot sa kaukulang kolum.

Mental Emosyonal Sosyal

25
Susi sa Pagwawasto

Tuklasin:

Hanay A Hanay B
pag-eehersisyo panonood ng TV
pagsisimba pagkain ng maraming beses
pagsasayaw surfing online
pakikipag-usap sa mga kaibigan pagmumukmok
paghahardin paglalakwatsa

Pagyamanin: Isaisip :
1. mental 1. KM
2. sosyal 2. KE
3. sosyal 3. KS
4. mental/sosyal 4. KM
5. emosyonal 5. KE

Isagawa
A. Maaaring iba’t iba ang sagot.
B. Maaaring iba;t iba ang sagot.

SUBUKIN
Music Arts Physical Education Health

1. 1/2 9. 17. 3-Minute Step Test 24. TAMA

2. 1 ½ 10. 18. Push-up 25. TAMA

3. 1/2 11. 19. Stork Stand Test 26. MALI

4. 4 12. 20. Hexagon Agility Test 27. TAMA

5. 3 13. 21. Juggling 28. MALI

6. 4/4 14. 22. Kick Ball 29. MALI

7. 3/4 15. 23. Batuhang Bola 30. MALI

8. 2/4 16.

26
Sanggunian
Dreamstime. 2020. Hugging Children Friends Stock Vector. Illustration Of Girls - 69652998.
[online] Available at: <https://www.dreamstime.com/stock-illustration-hugging-
children-friends-vector-cartoon-style-illustration-two-girls-smiling-image69652998>
[Accessed 2 July 2020].
Dulandee, N., 2017. Moral Short Story For Children - Good Luck By Nuthara Dulandee
Karunarathna. [online] Kidsworldfun.com. Available at:
<https://www.kidsworldfun.com/story-contest/2017-2/good-luck.php> [Accessed 2
July 2020].
Freepik. 2020. Psychology Concept Illustration. [online] Available at:
<https://www.freepik.com/premium-vector/psychology-concept-
illustration_2237765.htm> [Accessed 2 July 2020].
Freepik. n.d. Woman Hugging Herself With Hearts. Love Yourself. Love Your Body Concept.
Vector Illustration.. [online] Available at: <https://www.freepik.com/premium-
vector/woman-hugging-herself-with-hearts-love-yourself-love-your-body-concept-
vector-illustration_6222826.htm> [Accessed 2 July 2020].
google.com. 2003. Tungkol Sa Kalusugan Ng Kaisipan At Mga Problema Ukol Sa Kalusugan
Ng Kaisipan. [online] Available at: <https://www.camh.ca/-/media/files/mi-index-
other-languages/tagalog-about-mental-
health.pdf?la=en&hash=471B98D227170BD526B7A7B1CB01DFE8B8DA194B>
[Accessed 2 July 2020].
Halinang Umawit At Gumuhit 5, Manwal Ng Guro
Mga May-Akda : Hazel P. Copiaco
Emilio S. Jacinto Jr.
https://drive.google.com/file/d/0B0d4eXfN5MXRZldmT0RuLUxTY3c/view
drivegoogle.com. n.d. PT_MAPEH5_Q1.Docx. [online] Available at:
<https://drive.google.com/file/d/0B0d4eXfN5MXRQnp2Y2p2R25Ydzg/view>
[Accessed 3 July 2020].

iStock. 2019. Vector Illustration In Flat Style. [online] Available at:


<https://www.istockphoto.com/vector/woman-meditating-in-nature-and-leaves-
concept-illustration-for-yoga-meditation-gm1139912908-304847636> [Accessed 2
July 2020].
Malinang Umawit At Gumuhit 5, Batayang Aklat
Mga May-Akda : Hazel P. Copiaco
Emilio S. Jacinto Jr.
Weiss, Y., 2020. [online] Thumbs.dreamstime.com. Available at:
<https://thumbs.dreamstime.com/z/schoolgirl-14864162.jpg> [Accessed 2 July 2020].
Ya-webdesign.com. 2020. Download Clipart - Thank You For Using YAWD. [online] Available at:
<https://yawebdesign.com/imgdownload.html?fbclid=IwAR1IZvgTtlc_xOzsizvrJ5YVOMZf1
ZUo29VDIk7U1d1COuk6mXnx4iFksb8> [Accessed 2 July 2020].

27
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like