You are on page 1of 29

6

Araling Panlipunan
Kwarter 1: Modyul 4
Ang mga Kababaihan sa
Panahon ng Rebolusyong
Pilipino

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 - Modyul 4: Ang mga Kababaihan sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Unang Edisyon 2020


Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa
man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ito ginawa
kung may hangarin na ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng naturang karapatang-ari.
nagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi
inaangkin ng tagapaglathala (publisher) at ng mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala ng


mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6

Mga Manunulat: Aida R. Fernandez, Gereline E. Fernandez, Oliver G. Buňol,


Fe P. Jabajab, Sheilah F. Caspe
Illustrator and Layout Artist: Genevieve T. Llerin
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Aida R. Fernandez
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr –ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D. Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D. Principal II
Aida M. Alquilita, - Principal I
Ashlima L. Racmat – MT- II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Araling Panlipunan
Kwarter 1: Modyul 4
Ang mga Kababaihan sa Panahon
ng Rebolusyong Pilipino

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang
pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del
Norte. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag - email ng inyong mga puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lanao del Norte sa
lrmdsldn@gmail.com.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina
COVERPAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS
Aralin 1: Si Andres Bonifacio at ang Katipunan

Alamin ---------------------------------------------- 1
Subukin ---------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------- 2
Tuklasin ---------------------------------------------- 3
Suriin ---------------------------------------------- 4
Pagyamanin ---------------------------------------------- 4
Isaisip ---------------------------------------------- 4
Isagawa ---------------------------------------------- 5
Tayahin ---------------------------------------------- 5
Karagdagang Gawain ---------------------------------------------- 6
Susi sa Pagwawasto ---------------------------------------------- 7

Aralin 2: Ang mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino: Gregoria de Jesus

Alamin ---------------------------------------------- 8
Subukin ---------------------------------------------- 9
Balikan ---------------------------------------------- 10
Tuklasin ---------------------------------------------- 10
Suriin ---------------------------------------------- 11
Pagyamanin ---------------------------------------------- 12
Isaisip ---------------------------------------------- 13
Isagawa ---------------------------------------------- 13
Tayahin ---------------------------------------------- 14
Karagdagang Gawain ---------------------------------------------- 15
Susi sa Pagwawasto ---------------------------------------------- 16

Aralin 4: Mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino: Melchora Aquino at Teresa


Magbanua

Alamin ---------------------------------------------- 17
Subukin ---------------------------------------------- 17
Balikan ---------------------------------------------- 18
Tuklasin ---------------------------------------------- 18
Suriin ---------------------------------------------- 19
Pagyamanin ---------------------------------------------- 20
Isaisip ---------------------------------------------- 21
Isagawa ---------------------------------------------- 21
Tayahin ---------------------------------------------- 22
Karagdagang Gawain ---------------------------------------------- 22
Susi sa Pagwawasto ---------------------------------------------- 23
Sanggunian ---------------------------------------------- 24
Aralin Si Andres Bonifacio at
ang Katipunan
1
Alamin

Panimula
Isang masayang pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaanim na Baitang!
Alam mo ba na may mga Pilipinong lumaban sa mga Espanyol upang mabuo ang
bansa?
Sa modyul na ito ay matutunan mo ang ambag ni Andres Bonifacio, ang
Katipunan at Himagsikan ng 1896. Halina at sabay tayong tumuklas!

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at


kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa
mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang
kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng


Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na


 Natutukoy ang ambag ni Andres Bonifacio at mga kababaihan sa Katipunan
 at Himagsikan ng 1896
 Naisusulat ang mga ambag ni Andres Bonifacio at mga kababaihan sa
 Katipunan at Himagsikan ng 1896
 Napahalagahan ang ambag ni Andres Bonifacio at mga kababaihan sa
Katipunan at Himagsikan ng 1896

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kwaderno ang titik ng tamang
sagot.

_____1. Sino ang ama ng Himagsikang Pilipino?


A. Andres Bonifacio
B. Emilio Jacinto
C. Jose Rizal
D. Pedro Paterno

____ 2. Ano ang tawag sa pahayagan ng Katipunan?


A. Liga Filipina
B. Kalayaan
C. Kartilla
D. La Politica de Espaňa
1
_____3. Kailan itinatag ang KATIPUNAN o KKK?
A. Hulyo 7, 1892
B. Hulyo 17,1896
C. Hunyo 7,1898
D. Agosto 25,1896

_____4. Ano ang alyas na ginamit ni Andres Bonfacio bilang isang manunulat?
A. Madlang Awa
B. Vebura
C. Agapito Bagumbayan
D. Magdalo

_____5. Sino ang sumulat ng isang dekalogo pinamagatang na “Katungkulang


Gagawin ng mga Anak ng Bayan”?
A. Andres Bonifacio
B. Jose Rizal
C. Enrique Pacheco
D. Brecio Pantas

Balikan

Panuto: Basahin at Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno. Pilin ang sagot
sa loob ng kahon.

_____1. Lugar kung saan ipinatapon si Emilio Aguinaldo.


_____2. Kahulugan ng KKK.
____ 3. Petsa ng pagpatay ng magkapatid na Bonifacio.
_____ 4. Lugar kung saan itinatag ang Katipunan.
_____ 5. Nagsiwalat tungkol sa lihim ng samahan ng Katipunan

A. Teodoro Patiňo E. Hongkong


B. Tondo, Maynila F. Kataas-taasan,
C. Mayo 10, 1897 Kagalang-galangang
D. Honoria Katipunan ng mga Anak ng Bayan

2
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti.

Ambag ni Andres Bonifacio sa Rebolusyong Pilipino


Si Andres Bonifacio ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng
Himagsikang Pilipino”. Tinatawag siyáng “Supremo ng
Katipunan” dahil naging pangulo ng kapisanang
mapanghimagsik. Itinatag niya ang mapanghimagsik na
Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o KKK noong ika-7 ng Hulyo 1892. Dahil sa pagkabigo
ng Kilusang Propaganda at La Liga Filipina sa kanilang mga
layunin ay naisip ng mga Pilipino na hindi nila makamit ang
kalayaan, kaya itinatag ang KATIPUNAN o KKK. Ang
KATIPUNAN ay pinamamahalaan ng tatlong konseho Ang
Konseho ng Barangay ang pinakamababa. Ang Konseho ng
lalawigan ang namamahala sa lahat ng probinsiya samantala
ang Konseho Supremo (Supreme Council) ang tagapag-ugnay
ng lahat ng konseho sa buong kapuluan .Ito ay binubuo nina
Andres Bonifacio-Pangulo ; Emilio Jacinto-Kalihim ng Digmaan;
Bricio Pantas –Kalihim ng Hustisya ; Enrique Pacheco-Kalihim
ng Pananalapi Aguido del Rosario-Kalihim Panloob. Si Andres
Bonifacio ay sumulat ng isang dekalogo ang “Katungkulang
Gagawin ng mga Anak ng Bayan”. Binubuo ito ng sampung
alituntuning mahigpit na ipinasusunod sa mga kasapi. Isa rin si
Bonifacio sa mga manunulat ng pahayagan ng katipunan, ang
KALAYAAN, at gumamit ng alyas na Agapito Bagumbayan.
Pinamunuan ni Bonifacio ang kumperensya upang itatag ang
Republika ng Pilipinas.

3
Suriin

Panuto: Suriing mabuti ang ating seleksyon. Napag-alaman natin na si Andres


Bonifacio, tagapagtatag ng KATIPUNAN at tinatawag siyang “Ama ng Himagsikang
Pilipino” ay may malaking ambag para sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng KKK? ______________________________

2. Ano ang paraan na ginamit ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan? ________

3. Bakit itinatag ni Andres Bonifacio at mga kasamahan ng Kataas-taasang Kagalang-


galangang Katipunan ng mga Anak ng bayan o KKK? _________________________

Pagyamanin

Panuto: Mula sa nabasang seleksiyon, itala sa iyong kwaderno ang mga naging ambag
ni Andres Bonifacio sa Katipunan.

Ambag ni Andres Bonifacio sa Katipunan at Himagsikan ng 1896.

1.
2.
3.
4.
5.

Isaisip

Tandaan:

  (1)_____________ “Supremo ng KKK (Kataastaasang Kagalanggalang na


 Katipunan ng mga Anak ng bayan)
 Pangulo ng Ikatlong Konseho, ang konseho _ (2)__________ (Supreme
 Council) ng Pamahalaan ng Katipunan.
  Nagsulat din si Andres Bonifacio ng isang _(3)_________, ang
 “Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan.
 Manunulat sa pahayagan ng Katipunan, ang “Kalayaan,” at gumamit ng
 alyas na __(4)_________________.
Pinamumunuan ni Andres Bonifacio ang komperensiya upang itatag ang
 _(5)___________________.

4
Isagawa

Panuto: Mula sa seleksyon, ang katipunan ay may pamahalaan na bumubuo ng tatlong


konseho. Sa iyong kwaderno itala ang tatlong konseho at ang namumuno ng konseho
Supremo.

Konseho Namumuno ng Konseho Supremo


1.
2.
3.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa iyong kwaderno ang titik ng
tamang sagot.

_____1. Anong konseho ang pinamunuan ni Andres Bonifacio?


A. Konseho Barangay C. Konseho Supremo
B. Konseho ng Lalawigan D. Konseho ng Kapuluan

_____2. Ilang konseho ang nabuo sa pamahalaang Katipunan?


A. Isa B. tatlo C. apat D. dalawa

_____3. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagtatag ng Katipunan o KKK?


A. Kamangmangan
B. Walang pagkakaisa
C. dahil tinawag ang mga Pilipino na Indio
D. dahil sa pagkabigo sa layunin ng La Liga Filipina

_____4. Anong kasulatan ang binubuo ng sampung alituntuning ipinasunod ng mga


kasapi?
A. Liga
B. Kartilla
C. Kalayaan
D. Katungkulan na gagawin ng mga Anak ng Bayan

_____5. Bakit tinawag na “Supremo ng Katipunan” si Andres Bonifacio?


A. dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.
B. dahil sumulat siya ng lathalain sa “Kalayaan”
C. dahil namatay siya sa Bundok Buntis
Cavite D. dahil tumulong sa mga Katipunero.

5
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa talambuhay ni Andres Bonifacio.

6
Susi ng Pagwawasto

Isagawa

Konseho Namumuno ng Konseho


Subukin Balikan Tayahi 1.Konseho Supremo -Andres Bonifacio
1.E n
2. Konseho ng Lalawigan
1.A 2.C 1.C
3. Konseho ng Barangay
2.B 3.D 2.B
3.A 4.B 3.D
4.C 5.A 4.D
5.A 5.A Isaisip
1. Andres Bonifacio
2. Supremo
3. Dekalogo
4. Agapito Bagumbayan
5. Republika ng Pilipinas

Pagyamanin

Ambag ni Andres Bonifacio sa KATIPUNAN


1. Andres Bonifacio “Supremo ng KKK (Kataas-taasang Kagalang- galangang
Katipunan ng mga Anak ng bayan)
Pangulo ng Ikatlong Konseho ang konseho Supremo (Supreme Council)
ng Pamahalaan ng Katipunan.
Nagsulat din si Andres Bonifacio ng isang dekalogo,ang “Katungkulang
Gagawin ng mga Anak ng Bayan.
Manunulat sa pahayagan ng Katipunan ang “Kalayaan” at gumamit ng
alyas na Agapito Bagumbayan.
Pinamumunuan ni Andres Bonifacio ang komperensiya upang itatag ang
Republika ng Pilipinas.

Suriin

1. tinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang


na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK ,dahil sa pagkabigo ng
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina sa kanilang mga layunin .

2.Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

3.Paraang Paghihimagsik.

7
Mga Kababaihan sa
Aralin Rebolusyong Pilipino: Gregoria
2 de Jesus

Alamin

Panimula
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Araling
Panlipunan! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikalimang
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang
gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman: Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa


rebolusyon Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap: Naipamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng


Pilipino na isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Tatas: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang o nabasang talata.


Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng aralingito, inaasahanna;
  Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyon Pilipino.
 Nasusuri ang mga paraang ginawa ng mga kababaihan sa pagkamit ng
 kalayaan.
 Naipaliliwanag kung paano nakatulong ang kanilang mga ginagawa para sa
kalayaan ng bansa.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda
ng modyul na ito.

8
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

_____1. Anong unang watawat ang itinahi nina Gregoria de Jesus at Benita Javier?
A. watawat ng katipunan C. watawat ng himagsikan B.
watawat ng kalayaan D. watawat ng magdalo

_____2. Kailan isinilang si Gregoria de Jesus?


A. Mayo 19, 1875 C. Hunyo 06, 1876
B. Mayo 09, 1875 D. Hulyo 07, 1875

_____3. Ano ang taglay ni Gregoria de Jesus sa pakikipaglaban?


A. Katapangan C. Katalinuhan
B. Pagkamagalang D. Kasipagan

_____4. Sino ang kabiyak ni Gregoria de Jesus?


A. Emelio Aguinaldo C. Andres Bonifacio
B. Jose Rizal D. Apolinario Mabini

_____ 5. Sa kasagsagan ng pananakop ng Hapon, kalian namatay si Gregoria de


Jesus?
A. Marso 15, 1943 C. Marso 15, 1944
B. Marso 17, 1944 D. Marso 18, 1945

9
Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat sa iyong kwaderno
ang iyong sagot.

1. Sino ang tinaguriang “Ama ng Katipunan”?


2. Ano ang kanyang nagawa para sa kalayaan ng ating bansa?
3. Sa anong paraang pakikipaglaban ang ginawa ni Andres Bonifacio para sa
bayan?

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo na ang mga ambag ni Gat Andres


Bonifacio at ang kanyang mga nagawa para sa bayan. Siya ang namumuno sa kilusang
Himagsikan. Siya rin ang tinaguriang Ama ng Katipunan na nagtatag ng KKK laban sa
mga mapang-aping dayuhan. Gayunpaman hindi lang si Gat Andres Bonifacio ang may
tapang na humarap sa mga dayuhang mang-aapi sa ating bayan.
Mayroon pang ibang mga kababayan natin na buong puso’t tapang na nilabanan ang
mga mapang-aping mga dayunan.
Sa araling ito ang mga kababaihan naman ang walang takot at buong puso’t
tapang na lumalaban para sa bayan.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang talata tungkol sa buhay ni Gregoria de Jesus. Siya ay isa mga
babaing may mahalagang kontribusyon sa panahon ng Rebolusyong Pilipino.
Unawaing mabuti ang bawat katanungan para masagot mo ang mga ito.

Ang mga Babaing may mahalagang kontribusyon sa Panahon ng Rebolusyong


Pilipino

Gregoria de Jesus

Sa panahon ng rebolusyon, likas na matapang ang ating mga kababaihan sa


pakikipaglaban sa mga dayuhan. Isa na rito si Gregoria de Jesus na may buong tapang
na nakipaglaban sa mga dayuhan.

10
“Princess” o lakambini ng katipunanyan ang bansag sa kanya.
Si Gregoria de Jesus ay isinilang noong ika-09 ng Mayo, 1875 sa Caloocan,
Maynila nina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez Francisco. Sa kanyang murang edad
siya ay may taglay na tapang sa pakikipaglaban. Siya ay napangasawa ni Andres
Bonifacio sa edad na labingwalong taong gulang at ikinasal sa simbahang Katoliko sa
Binondo. At kinagabihan ng kanilang pag-iisang dibdib muling ikinasal sa serimonya ng
Katipunan. Isa rin siya sa mga tumahi sa unang Watawat ng Katipunan at naging unang
babaeng kasapi ng Katipunan.
Nang matuklasan ang katipunan ay kasamang nag-alsa ang kanyang asawang si
Andres Bonifacio. Kasama siya ni Bonifacio sa Tejeros, Cavite at nakasama rin siya sa
ilan pang mga labanan. Samantala, ang kanyang asawa na si Andres Bonifacio kasama
ang kanyang kapatid ay pinaslang sa utos ni Emilio Aguinaldo. Patuloy si Gregoria de
Jesus sa pagtulong at pagpapakain ng mga kasamahang Katipunerong napadpad sa
kanyang tahanan.
Siya ay hinuli ng mga dayuhan noong Mayo 1897 at kalaunan ay pinalaya rin. Si
Gregoria de Jesus ay namatay noong ika-15 ng Marso 1943 sa kasagsagan ng
pananakop ng mga Hapon sa Manila.

Suriin

Panuto: Isulat ang naging kontribusyon ni Gregoria de Jesus sa panahon ng


Rebolusyon sa iyong kwaderno

GREGORIA DE JESUS

11
Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan. Sagutin ng OO


kapag ang pahayag ay nagbibigay ng partisipasyon sa panahon ng Rebulosyon at HINDI
kapag walang partisipasyon sa panahon ng Rebolusyon. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

_________1. Tinutulungan ng mga kababaihan ang mga Rebulosyunaryong Pilipino sa


pagpupuslit ng mga armas para sa labanan.

_________2. Ginagamot ng mga kababaihan ang mga sugatang kasama sa Katipunan


para ipagtanggol ang Inang Bayan.

_________3. Kumakampi ang mga kababaihan sa mga kalaban para matalo ang
samahan.

_________4. Nagbibigay gabay at mga pamamaraan ang mga kababaihan sa


pakikipaglaban sa mga mapang-aping mga dayuhan na nagpapahirap sa ating bayan.

_________5. Si Gregoria de Jesus ay kilala bilang Lakambini ng Katipunan.

12
Isaisip

Tandaan!

Panuto. Punan ang mga sumusunod na patlang at isulat sa kwaderno ang sagot.

Si _(1)______________________ ay tinawag na “Princess” o Lakambini ng


Katipunan. Ipinanganak siya noong____(2)________________ sa isang katutubo ng
Kalookan, isang bayan sa Hilagang Manila.

Noong siya ay _______(3)___________ siya ay ipinagkaisang-dibdib


ni____________(4)____________sa Simbahang Katoliko sa Binondo, Manila.

Siya ang unang babae na naging kasapi ng ___________(5)_________.

Isagawa

Sina Gregoria de Jesus ay isa sa mga kababaihang may malaking kontribusyon


at partisipasyon sa Rebolusyong Pilipino.

Panuto: Paano mo pahalagahan ang kontribusyon ni Gregoria de Jesus sa Katipunan.


Isulat sa kwarderno ang iyong sagot.

13
Puna para sa Guro

Sa pagwawasto ng pagsulat ng isang seleksyon sa Isagawa, kailangang


ito ay may pamantayang sinusunod o rubrics.

Mga Krayterya 1 2 3 4
Mahirap May Malinis ngunit Malinis at
Presentasyon basahin dahil kahirapang hindi lahat ay maayos ang
sa hindi unawain ang maayos ang pagkakasulat
maayos at pagkakasulat pagkakasulat ng talata.
malinis na ng ng mga
pagkakasulat pangungusap pangungusap

Tayahin

Panuto: Basahin mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

______1. Kailan isinilang si Gregoria de Jesus?


C. Mayo 19, 1875 C. Hunyo 06, 1876
D. Mayo 09, 1875 D. Hulyo 07, 1875

_____ 2. Sino ang kabiyak ni Gregoria de Jesus?


C. Emelio Aguinaldo C. Andres Bonifacio
D. Jose Rizal D. Apolinario Mabini

_____ 3. Ano ang taglay ni Gregoria de Jesus sa pakikipaglaban?


C. Katapangan C. Katalinuhan D.
Pagkamagalang D. Kasipagan

_____ 4. Anong unang watawat ang itinahi nina Gregoria de Jesus at Benita Javier?
A. watawat ng katipunan C. watawat ng himagsikan B.
watawat ng kalayaan D. watawat ng magdalo

_____ 5. Sa kasagsagan ng pananakop ng Hapon, kalian namatay si Gregoria de


Jesus?
A. Marso 15, 1943 C. Marso 15, 1944
B. Marso 17, 1944 C. Marso 18, 1945

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isa sa mga kababaihang may partisipasyon sa Rebulosyon. Isulat sa


inyong kwaderno ang kanyang naging ambag sa Rebulosyong Pilipino.

15
SUSI NG PAGWAWASTO

PAGYAMANIN
1. OO ISAISIP
2. OO 1. Gregoria de Jesus
3. HINDI 2. Mayo 09, 1875
4. OO 3. 18
5. OO 4. Andres Bonifacio
5. Josefa LlanesEscoda

BALIKAN
1.Andres Bonifacio
2. Pinamumunuan niya
ang himagsikan
3. Sa paraang himagsikan
TAYAHAN
1.B
2.D
3C
4.D
5.B

SUBUKIN
1. A
2. C
3. A
4. A
5. A

16
Ang mga Kababaihan sa
Aralin Rebolusyong Pilipino: Melchora
3 Aquino at Teresa Magbanua

Alamin

Panimula

Isang masayang pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaanim na Baitang!


Alam mo ba na maliban kina Gregoria de Jesus at Josefa L. Escoda may iba
pang mga kababaihan na lumalaban para sa bayan? Hindi lang sila ang may tapang na
humarap sa mga dayuhang mang-aapi sa ating bayan. Mayroon pang ibang mga
kababaihan na parehong nagbuwis ng buhay at panahon upang natin malabanan ang
mga mapang-aping mga dayunan Sila ang kaakibat at tumulong sa kilusang himagsikan.
Halina at sabay tayong tumuklas!

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa
iyong kwaderno ang tamang sagot.

Melchora Aquino Martin Delgado Kalayaan Teresa Magbanua

Marianas makatulong pakikipagkapwa-tao Hilagang Ilo-ilo

_____1. Sino ang kilala sa bansag na Tandang Sora?

_____2. Saang pulo hinuli at itinapon si Melchora Aquino?

_____3. Sino ang unang babaeng mandirigma sa Panay na kilala bilang “Joan of Arc ng
Visayas”?
_____4. Ano ang katangiang taglay ni Melchora Aquino na maaaring ituro ng isang guro
sa paaralan?

17
.

Panuto: Balikan ang natutunan sa nakaraang aralin, basahin nang maayos ang mga
sumusunod na pangungusap. Isulat kung Tama o Mali sa iyong kwaderno.

______1. Si Josefa Llanes Escoda ay kilala bilang lider ng sibiko, tagapagturo at


tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines (GSP)

______2. Si Gregoria de Jesus ay isa sa mga pangunahing bayani ng


Rebolusyong Pilipino noong 1896.

______3. Pinasimulan ni Gregoria de Jesus ang Katipunan Woman Charter na


pinamunuan ni Josefa Rizal.

______4. Tinawag si Gregoria de Jesus na “Lakambini ng Katipunan”.

______5. Si Gregoria de Jesus ay tinagurian bilang Tandang Sora, sapagkat matanda


na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres
Bonifacio noong taong 1896.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang talata tungkol kina Melchora Aquino at Teresa Magbanua at
unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot mo ang mga tanong na nasa
ibaba.
Melchora Aquino
Ina ng Katipunan
(Source: Ang Bayan Kong Mahal 6, pp. 202 – 215)

Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng


Enero1812 at namatay noong ika-2 ng Marso 1919. Si
Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-
aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay
nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng
isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na
tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora,
sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang
himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong
taong 1896.
Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila
ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na
paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio.
Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa
mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila
nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng
kaunting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Ito ang
dahilan kung bakit siya ipinatapon sa Marianas Island ng mga Espanyol
18
Teresa Magbanua
(Ang Bayan Kong Mahal, pp. 212 – 215)

Si Teresa Magbanua ay unang babaeng


mandirigma sa Panay na kilala bilang “Joan of Arc ng
Visayas “. Isang guro at lider ng military. Siya ay
isinilang sa Pototan, Iloilo noong ika-13 ng Oktubre
1868. Siya ang pangalawa sa anim na anak ni Don
Juan Magbanua at Donya Alejandra Ferraris.Taga
Capiz, Iloilo siy. Dahil sa kanyang tapang, siya ay
namuno at nakisangkot sa mga labanan. Asawa siya ni
Alejandro Balderas, isang mayaman na may-ari ng lupa
mula sa Sara, Iloilo. Itinalaga siya bilang komandante
sa hilagang Iloilo.
Nakuha niya ang mga armas laban sa mga
Espanyol, pinangunahan ang mga tropa at nanalo ng ilang mga labanan sa ilalim ng
pamumuno ni Heneral Martin Delgado. Ipinamalas niya ang kanyang katapangan at
kahusayan sa taktika ng pakikipagdigma nang hilingin niya sa kanyang tiyuhin na
pahintulutan siyang lumaban sa mga sundalong Espanyol

Ang digmaan ay nagdala sa kanya ng labis na paghihirap pagkatapos mawala


ang kanyang dalawang kapatid na sina Pascual at Elias na parehong namatay sa di-
maipaliwanag na pangyayari.

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Melchora Aquino Teresa Magbanua


1. ibigay ang bansag ng bawat
isa.
2. Ibigay ang kanilang nagging ambag sa rebolusyon

Suriin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat talata. Tukuyin kung si Melchora Aquino ba o si
Teresa Magbanua ang nakasaad sa nasabing talata.

1. Hindi matawaran ang kanyang ginawang kabayanihan o mas kilalang Tandang Sora
na sa kabila ng kanyang katandaan ay kinupkop at pinakain ang maraming mga
Katipunero sa kanilang tahanan. Ito ang dahilan kung bakit siya ipinatapon sa
Marianas Island ng mga Espanyol. __________________

2. Isang taga Capiz, Iloilo siya at buong tapang na namuno at nakisangkot sa mga
labanan. _________________________

19
Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung ambag nina Melchora Aquino o Teresa Magbanua ang nakasaad
sa bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inihandang kwaderno.

______1. Binansagang “Joan of Arc” ng kabisayaan na sumisimbolo sa kanyang


katapangan at kahusayan.

______2. Ipinamalas ang kanyang katapangan at kahusayan sa taktika


ng pakikipagdigma nang hilingin niya sa tiyuhin na pahintulutan
siyang lumaban sa mga sundalong Espanyol

______3. Sa panahon ng pakikipaglaban ng mga katipunero, binuksan niya ang


kanyang tahanan, pinakain, nagbigay ng gamot at inalagaan niya ang
mga sugatang katipunero.

______4. Itinalaga bilang komandante sa hilagang Iloilo.

______5. Tinaguriang siyang “Ina ng Katipunan”

20

T
Isaisip

Panuto: Buuin ang sumusunod at isulat sa kwaderno.


Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may sariling
Teritoryo. Hindi matawaran ang ginawang kabayanihan ni Melchora Aquino o mas kilalang
________ (1) ________ na sa kabila ng kanyang katandaan ay kinupkop at
pinakain ang maraming mga ________ (2) _______sa kanilang tahanan. Ito ang dahilan
kung bakit siya ipinatapon sa Isla ng mga (3) ________. Taga ________ (4) ________ si
Teresa Magbanua. Dahil sa kanyang (5) ________ , siya ay namuno at nakisangkot sa
mga labanan.

Isagawa

Panuto: Isaisip muli ang ambag o partisipasyon ng bawat isa. Sa loob ng bawat
kahon may nakasulat na pangalan ng mga kababaihan na may malaking partisipasyon
sa rebolusyong Pilipino. Isulat ang kanilang kontribusyon sa panahon ng digmaan.

Mechora Aquino Teresa Magbanua

_______________________________
__________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Puna para sa Guro


Sa pagwawasto ng pagsulat ng isang seleksyon sa
Isagawa, kailangang ito ay may pamantayang sinusunod o rubrics.

21
Mga Krayterya 1 2 3 4
Mahirap May Malinis ngunit Malinis at
Presentasyon basahin dahil kahirapang hindi lahat ay maayos ang
sa hindi unawain ang maayos ang pagkakasulat
maayos at pagkakasulat pagkakasulat ng talata.
malinis na ng ng mga
pagkakasulat pangungusap pangungusap

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang sagot sa loob ng kahon .Isulat sa
iyong kwaderno ang tamang sagot.

matapang Pascual at Elias Kalayaan Teresa Magbanua

Marianas makatulong pakikipagkapwa-tao Martin Delgado

Hilagang Iloilo Joan of Arc Melchora Aquino

.____1. Sino ang unang babaeng mandirigma sa Panay na kilala bilang “Joan of Arc ng
Visayas”?

_____2. Saang pulo hinuli at itinapon si Melchora Aquino?

_____3. Sino ang kilala sa bansag na Tandang Sora?

_____4. Saan nanirahan si Teresa Magbanua na matapang na namuno at nakisangkot


sa mga labanan?

_____5. Nakuha ni Teresa Magbanua ang mga armas laban sa mga Espanyol, na
pinangunahan ang mga tropa at nanalo ng ilang mga labanan. Sinong
heneral ang namuno nito?

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang tanong at isulat sa kwaderno ang sagot.


Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang mabigyang halaga ang
mga ambag o partisipasyon ng mga kababaihan sa panahon ng rebolusyong Pilipino?

22
Susi ng Pagwawasto

SUBUKIN BALIKAN Suriin


1.Melchora Aquino
5.mali 1. Melchora Aquino
2. Marianas
4.tama 2. Teresa Magbanua
3. Teresa Magbanua
3.tama
4. Pakikipagkapwa-tao
2.tama
1.tama

TUKLASIN

Melchora Aquino Teresa Magbanua

1. Tandang Sora/Ina ng Katipunan 1. Joan of Arc ng Visayas,

2. Sa pagkupkop sa mga Katipunero o 2. bilang mandirigma


pakikipagkapwa

PAGYAMANIN TAYAHIN
1. Teresa Magbanua
1. Teresa Magbanua 2. Marianas
2. Teresa Magbanua 3. Melchora Aquino
3. Melchora Aquino 4 Capiz, Iloilo
4. Teresa Magbanua 5. Martin Delgado
5. Melchora Aquino

ISAISIP
1.Tandang Sora/Ina ng
Katipunan
2. Katipunero
3. Marianas
4. Capiz, Iloilo
5. tapang

23
Sanggunian
Biñas, Ersylin S. & Cabrera, Michael J., Araling Panlipunan 3, ”Pinagpalang
Bayang Sinilangan” Don Bosco Press Antonio Arnaiz , Cor Chino Roces
Ave.,Makati City

DLP-Division of Valencia City ”Partisipasyon ng mga Kababaihan”

Vivar, Teofista L. Ph D, Villoria, Evelina M., Quiray, Remedios E., & Cruz dela Nelia
Pilipinas : Kasaysayan at Pamahalaan, SD Publication,Inc., 1997, Gregoria
Araneta Ave,Cor. Maria ClaraStreet , Quezon CityTel.Blg.735-

Learning Resources: PDF Week 5 ” Ambag ni Andres Bonifacio , ang Katipunan at


Himagsikan”

Learning Resources: PDF Week 5 ” Partisipasyon ng mga Kababaihan”

Mañebog, Jensen DG “Talambuhay ni Marina Dizon at Josefa


Rizal” Jensenismo@gmail.com

Tan, Marti SlideShare Entitled “ Andres Bonifacio”


https://www.slideshare.net/MartiTan/andres-bonifacio-presentation

V.Almario, “Talambuhay ni Marina Dizon”, Manila National Commission for Culture and
the Arts

24
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

You might also like