You are on page 1of 25

Kolonyalismong Espanyol

Araling Panlipunan 5
Ikalawang Markahan/Unang Linggo

MARGIE A. PILPILING
Debeloper

Kagawaran ng Edukasyon●Sangay ng mga Paaralan ng Benguet


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Ekukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:

Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

KARAPATANG SIPI
2020

Isinasaad ng Seksiyon ng 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293; Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa
man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaaring
gampanin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung
para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
PAUNANG-SALITA

Ang edukasyon ay hindi dapat matigil bagkus ay dapat magpatuloy ang pag-abot
ng mga mag-aaral sa kanilang pangarap. Hindi ang pandemiang ito ang dadaig sa matibay
na pundasyon ng edukasyon para sa lahat kung kaya ang modyul na ito ay inihanda
bilang bahagi ng proyekto ng Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum, Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Benguet bilang tugon sa implementasyon ng K
to 12 Curriculum.

Layunin nitong matulungang maipagpatuloy ang pangangailangang pang-


akademya ng mga mag-aaral sa tahanan, may gabay man o walang patnubay ng magulang
o sinumang nakatatanda na maaaring magturo sa mag-aaral. Nawa ay makatulong ang
modyul na ito sa pag-unlad ng kaalaman ng mag-aaral sa pagkakaisa ng paaralan at
tahanan.

Petsa ng Paggawa : Hulyo 2020


Lokasyon ng Mapagkukunan : Celo Haight Elementary School, Atok, Benguet
Asignatura : Araling Panlipunan
Antas ng Baitang : 5
Uri ng Mapagkukunan ng Pagkatuto : Modyul
Daluyan ng Pagtuturo : Filipino
Bahagi/Linggo/Oras : Ikalawang Markahan/Una
Kakayahang Pampagkatuto/Kowd : Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at
konteksto nito kaugnay sa pananakop ng Espanya
sa Pilipinas (AP5PKE-IIa-1)

iii
PASASALAMAT

Ang may-akda ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng kontribusyon,


suporta,at gabay mula sa mga tagapayo, kaibigan, at kasamahang guro upang maging
matagumpay ang pagkakabuo ng modyul na ito.

Buong-pusong pasasalamat at pagkilala din ang ibig iparating ng may-akda sa mga


sumusunod na personalidad.

DIVISION LRMDS STAFF:

MELVIN L. ALFREDO ANTIONETTE D. SACYANG


Librarian II Project Development Officer II

SONIA D. DUPAGAN, EdD


EPS-LRMDS

MGA KONSULTANT:

ROSE A. ANAPEN
Coordinator, Araling Panlipunan
EPS II-ALS

RIZALYN A. GUZNIAN, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

NESTOR L. BOLAYO
Office of the Assistant Schools Division Superintendent

BENILDA M. DAYTACA, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Karapatang Sipi………………………………………………………………… ii
Paunang-Salita…………………………………………………………………. iii
Pasasalamat……………………………………………………………………. iv
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………… v
Alamin…………………………………………………………………………… vi
Subukin…………………………………………………………………………. 1-2
Balikan………………………………………………………………………….. 2
Tuklasin…………………………………………………………………………. 3-4
Suriin……………………………………………………………………………. 5
Pagyamanin…………………………………………………………………….
Pinatnubayang Gawain 1…………………………………………… 6
Pagtatasa 1…………………………………………………………….. 7
Pinatnubayang Gawain 2…………………………………………… 7-8
Pagtatasa 2……………………………………………………………. 8
Malayang Gawain 3……………………………………………………. 9-10
Pagtatasa 3............................................................................ 10
Isaisip…………………………………………………………………………… 11
Isagawa………………………………………………………………………… 11-13
Panapos na Tayahin……………………………………….…………………. 13-14
Karagdagang Gawain………………………………………………………… 14
Susing Sagot…………………………………………………………………... 15-17
Sanggunian.......…………………………………………………………….…. 18

v
ALAMIN

Walang hindi nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang payak na


kultura o pamumuhay ng sinaunang Pilipino ay nagkaroon ng bahagyang
pagbabago dulot ng pakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Dumating sa
Pilipinas ang bagong uri ng mga dayuhan na ang layunin ay sakupin ang
bansa.

Sa modyul na ito ay matatalakay kung paano nagsimula ang


kolonyalismo. Inaasahan ang iyong kooperasyon at konsentrasyon sa araling
iyong pag-aaralan sa tulong at gabay ng iyong guro at magulang upang
maabot mo ang layuning maunawaan ang konseptong ibig ipaalam sa araling
ito.

Ang patnubay at tiyaga ng facilitator ay inaasahan upang maipaunawa


at maipaalam ng mabuti ang kaalaman na ibig iparating ng aralin. Ang oras
at panahon ninyo ay kailangan ng mag-aaral bilang parte nitong “bagong
normal” ngayong pandemia dulot ng COVID-19.

Ang mga sumusunod ay kasanayang pag-aaralan at ikakabesa mo para


sa iyong pagkatuto.
1. Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at konteksto nito kaugnay
sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas

1
SUBUKIN

Piliin sa loob ng mga kahon ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang

Kasunduan ng
Caravel Espanya
Tordesillas

Kasunduan ng
Kolonyalismo Kristiyanismo
Saragosa

Merkantilismo Papa Alexander VI Portugal

Silangan

Ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at


pinakamakapangyarihan sa buong mundo dahil sa sistemang
(1)_________________________ na kung saan ang batayan ng kapangyarihan
ay sa dami ng ginto at pilak mayroon ang isang bansa. Kaya, ng mabalitaan
nila ang kasaganaan sa gawing (2)_________________________, naghangad
silang sakupin ito.
Gamit ang kanilang mahahalagang kaalaman at kagamitang
pangheograpiya tulad ng mapa, kompas, barko na tinatawag na
(3)_________________________ at iba pa, sila ay naglakbay. Ngunit sa
kasamaang palad, ang alam nilang daanan ay nakontrol ng mga Turkong
Muslim. Kaya, ninais nilang humanap ng ibang ruta patungong Silangan.
Sa panahon ding iyon, ang mga bansa sa Europa ay nauubusan ng
yaman kaya lalong nais nilang magkaroon ng kolonya. Ang
(4)_________________________ ay ang pagsakop sa isang bansa upang makiha
ang hilaw na materyales para sa kanilang industriya.

2
Nanguna sa pagbabalak ng kolonisasyon ang mga bansang
(5)_________________________ at (6)_________________________. Humingi sila
ng pahintulot sa Papa ng Roma na si (7)_________________________. Pumayag
naman ang huli ngunit sa kondisyong ipalaganap ang
(8)_________________________ sa mga lugar na di-Kristiyano. Ang unang
naging kasunduan ng dalawang bansa ay tinatawag na
(9)________________________________________.
Noong 1529, nagkaroon ng bagong kasunduan na tinatawag na
(10)________________________________________.

Tandaan: Kapag nakakuha ng 100% (10) puntos ay maaari mong lagpasan ang modyul na ito o
mas mainam na ipagpatuloy para lalong maragdagan o malinang ang kaalaman; kung (0 – 9)
naman ay mangyaring ipagpatuloy ang pagbasa at pagsagot sa mga naihandang gawain.

BALIKAN

Isulat ang TAMA sa patlang bago ang bilang kung ito ay nangyari sa
kasaysayan ng Cordillera Administrative Region noong panahon ng
Espanyol at MALI kung hindi nangyari sa kasaysayan

__________1. Sinubukang sakupin ng mga Espanyol ang Cordillera.


__________2. Nais ng mga taga-Cordillera na masakop ng mga Espanyol .
__________3. Ang dahilan ng pagtangkang pagsakop ng mga Espanyol sa
Cordillera ay dahil sa ginto.
__________4. Walang nang ipinadalang ekspedisyon ang mga Espanyol sa
Cordillera ng mabigong sakupin ito noong una.
__________5. Hindi nahirapang sakupin ng mga Espanyol ang Cordillera.

3
TUKLASIN

Basahin ang sumusunod na teksto

PANAHON NG PANUNUKLAS AT KOLONISASYON


Noong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa Europa (isa sa mga pitong
kontinente ng mundo) na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Ibig nilang madagdagan ang
kanilang kayamanan at kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop sa
ibang lugar.
Ang mga bagong tuklas at mahahalagang kaalaman at kagamitang
pangheograpiya, tulad ng mapa,kompas, caravel (barkong pampaglayag na
napakadaling pakilusin o maneobrahin) at iba’t ibang mga kagamitan sa
paglalakbay,ay nakatulong sa mga taga-Europa na dayuhin ang iba’t ibang
bahagi ng mundo.
Kanilang nabalitaan ang kasaganaan sa gawing Silangan. Kung kaya’t
ang hangaring masakop ang mga lupain sa Silangan ay tumindi para sa
mga taga –Europa.
Ang mga taga-Venicia ang nanguna noon sa larangan ng kalakalan,
kung kaya’t nakontrol nila ang sistema ng kalakalan. Dahil dito napilitan
ang ibang Europeong humanap ng ibang ruta patungong silangan noong
bumagsak ang Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim noong
1453. Sa panahong iyon, tanging ang taga-Venicia lamang ang hindi
sinisingil ng mahal na taripa ng mga Turkong Muslim sa kanilang pagdaan
sa ruta ng kalakalan. Ang mga kadahilanang ito ang nagningas sa
pagnanasa ng mga taga-Europa na humanap ng ibang ruta patungo sa
Silangan.
Ang kagustuhan ng Europa na pangalagaan ang kapakanan ng lupain
lalo na ang mabigyan ng solusyon ang nauubos na yaman ng kani-kanilang
bansa ay nagbigay hudyat upang gumawa ng hakbang ang Europeong
bansa na magkaroon ng kolonya. Sa sinakop nilang bansa kukuhanin ang
mga hilaw na materyales para sa kanilang industriya. Dito nagsimula ang
kolonyalismo.
Nanguna sa gawaing kolonisasyon ang dalawang bansa - ang Portugal
at ang Espanya o Spain dahil sa sistemang merkantilismo. Ito ang
sistemang pang-ekonomiya na ang kapangyarihan ng isang bansa ay
nakabatay sa kanilang kayamanan at kaban ng gintong pananalapi.Dala ng
ganitong kadahilanan ay kinailangan na madagdagan ang yaman ng bansa
sa pamamagitan ng paghakot ng kayamanan buhat sa mga bansa na
kanilang kolonya.

4
Ang dalawang nangungunang bansa na Portugal at Espanya o Spain
sa ekspanisasyon ay nagbalak na maisakatuparan ito sa pamamagitan
nang panunuklas ng mga lupain at makolonisa ang mga ito. Ang Portugal
at Espanya o Spain ay parehong bansang Kristiyano kung kayat humingi
sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI.
Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and dalawang bansa sa
kagustuhang maipahayag ang Kristiyanismo sa maraming lugar sa
mundo.Magkatunggali noon ang Portugal at Espanya o Spain sa gagawing
ekspanisasyon kung kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na
hakbang upang magsilbing gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa
kolonisasyon nito. Bunga nito ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas
at kalaunan ay ang Kasunduan ng Saragosa.

ANG EKSPANISASYON AT KAAKIBAT NA KASUNDUAN


Sa kagustuhan ni Papa Alexander VI na maipalaganap nang lubusan
ang Kristiyanismo sa malalayong lugar na di –Kristiyano at upang malutas
ang problema at di pagkakaunawaan ng Portugal at Espanya hinggil sa
panunuklas ng ibang lupain,ay sinikap na bumuo ng gabay na kasunduan.
Kinikilala ang kapangyarihan ng Papa kayat sinunod siya ng mga
bansa na sakop niya. Nagpalabas ang Papa ng dekrito na naghahati sa
mundo para sa Portugal at Espanya sa pamamagitan ng pagguhit ng
hangganan simula sa Hilagang Polo (North Pole) patungong Timog Polo
(South Pole) at ito ay dumaraan sa Karagatang Atlantiko (Atlantic
Ocean)doon sa sa kanlurang bahagi ng mga pulo ng Azores at Cape
Verde.Sa paghahati ay ipinaliwanag na ang matutuklasan sa silangan ng
hangganan ay para sa Portugal at lahat ng matutuklasang lupain na
pakanluran ay para sa Espanya o Spain.
Noong 1529, nagkaroon ng panibagong kasunduan ang Espanya o
Spain at Portugal. Upang maging patas ang hatian ng teritoryo at upang
matapos ang di-pagkakaunawan sa mga inaangking lugar, itinatag ang
Kasunduan ng Saragosa. Itinakda ang markang guhit malapit sa Moluccas
(bahagi ng Indonesia). Inilipat sa silangan ng Moluccas. Napunta sa
Espanya o Spain ang silanganag bahagi at sa Portugal ang kanluran.

5
SURIIN

Sagutin ang sumusunod na katanungan kaugnay sa binasang teksto

1.Ano ang kolonyalismo?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2.Ano ang nais mangyari ng mga taga-Europa noong ika-15 dantaon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Ano ang mga ginamit upang makarating sa iba`t ibang bansa ang mga
taga-Europa?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Ano ang mga bansang nanguna sa kolonisasyon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5.Bakit nagbalak ang mga Europeo na maghanda ng mga gawain ng
panunuklas noong ika-15 dantaon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
6. Ano ang merkantilismo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
7.Anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral noong ika-15 siglo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
8. Ano ang nais na mangyari ni Papa Alexander VI kaya pinayagan niyang
manakop ang bansang Portugal at Espanya?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
9. Anong kasunduan ang unang pinagtibay na may kaugnayan sa
pangongolonisa?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
10. Anong panibagong kasunduan ang namagitan sa pagitan ng Portugal at
Espanyol o Spain?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

6
PAGYAMANIN

PINATNUBAYANG GAWAIN
Ayusin ang mga letrang nasa Hanay A upang makabuo ng mga salita na
ang mga kahulugan ay nasa Hanay C. Isulat sa Hanay B ang sagot.

Hanay A Hanay B Hanay C


1. ARECLAV Barkong pampaglayag
2. ERAUPO Isa sa pitong
kontinente ng mundo
3. KOPNANAMA Mga taong sumakop ng
mga bansa
4. CSOMPAS Kagamitang nagtuturo
ng direksiyon
5. KYOLONA Lugar na nasakop ng
mga mananakop
6. MAAP Ipinapakita nito ang
mga lugar sa mundo
7. EYSPANA TA Mga bansang nanguna
GPORTLAU sa kolonisasyon sa
Europa

8. OOSKIAOLINYM Ito ang pagsakop sa


isang bansa upang
makakuha ng hilaw na
materyales
9. EKSMITORLANIM Sistemang pang-
ekonomiya na ang
batayan ng
kapangyarihan ay ang
yaman ng isang bansa
10. KAUSANDNU GN Ito ang unang
TAOSSILREDL kasunduan na naging
gabay ng Portugal at
Espanaya sa pagtuklas
ng mga bansa at sa
kolonisasyon nito.

7
PAGTATASA 1
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at
MALI kung hindi. Isulat sa patlang bago ang bilang ang tamang sagot.

__________1. Ang kolonyalismo ay hangaring masakop ang bansa at


maangkin ang likas na yaman nito.
__________2. Ang kolonyalismo ay dominasyon ng isang makapangyarihang
bansa sa isang mahinang bansa upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.
__________3. Ang sistemang merkantilismo ay ang paglilikom ng kayamanan
bilang batayan ng kapangyarihan ng isang bansa.
__________4. Ang merkantilismo ang dahilan ng kolonisasyon.
__________5. Ang mga bansang Espanya o Spain at Portugal ay
matatagpuan sa Pilipinas.
__________6. Caravel ang ginagamit upang matukoy ang direksiyon.
__________7. Makikita sa mapa ang iba`t ibang bansa sa mundo
__________8. Ang Kasunduan ng Tordesillas ay namagitan sa pagitan ng
Espanya at Pilipinas.
__________9. Ang compass ay isang kagamitang ginagamit ng mga
manlalakbay.
__________10. Nais ng mga taga-Espanya na mangolonya ng mga bansa

PINATNUBAYANG GAWAIN 2
Sundin ang sumusunod na panuto

1. Tukuyin sa mapa ang kontinente ng Europa at pangalanan ito


2. Tukuyin ang kinaroroonan ng Spain at Portugal at pangalanan ang mga
ito.
3. Tukuyin ang kinaroroonan ng Moluccas at pangalanan ito.
4. Gumuhit ng linyang patayo upang maipakita ang Kasunduan ng
Saragosa.

8
PAGTATASA 2
Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa nakalaang patlang

A. Portugal B. Espanya
C. Silangan D. Kanluran
E. Indonesia F. Kristiyanismo
G. Turkong Muslim H. Papa Alexander VI
I. Kasunduan ng Saragosa J. Kasunduan ng Tordesillas

1-2. Matatagpuan sa Europa ang mga bansang _________________________ at


_________________________.
3-4. Ang mga kasunduang namagitan sa Espanya at Portugal ay
__________________________ at _________________________.
5. Ang Moluccas ay matatagpuan sa _________________________.
6. Ang ________________________ ang huling kasunduan sa pagitan ng
Espanya o Spain at Portugal na may kaugnayan sa kolonisasyon.
7. Ayon sa Kasunduan ng Saragosa ang Silangang bahagi ng mundo ay
tutuklasin ng _________________________.
8. Nakasaad rin sa Kasunduan ng Saragosa na ang tutuklasing bahagi ng
mundo ng Portugal ay _________________________.
9-10. Sa pahintulot ni _________________________ ang bansang Espanya at
Porugal ay mangongolonisa upang maipahayag ang ______________________
sa ibang lugar.

9
MALAYANG GAWAIN 1
Buuin ang “Story Ladder”. Piliin sa ibaba ang sagot at isulat sa nakalaag
kahon

A. Dahil dito, nabuo ang ideyang kolonisasyon


B. Nanguna sa pagbabalak ng kolonisasyon ang bansang Portugal at
Espanya.
C. Dito pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas sa pagitan ng Portugal at
Espanya
D. Kung kayat humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa
Alexander VI.
E. Dahil dito ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo.

10. Ngunit noong 1529, nagkaroon ng panibagong


kasunduan ang Espanya at Portugal na tinatawag
na Kasunduang Saragosa

8. Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and


dalawang bansa sa kanilang nais kapalit na
maipahayag nila ang Kristiyanismo sa maraming
lugar sa mundo.

5. Samantala, nabalitaan rin ng mga taga-Europa


ang kasaganaan sa gawing Silangan kung kaya’t
tumindi ang hangaring masakop ito.

10
3. Nais rin nilang pangalagaan ang kapakanan ng
kanilang lupain lalo na ang mabigyan ng solusyon
ang nauubos na yaman ng kani-kanilang bansa

1. Noong ika-15 siglo, nabuo ang sistemang pang-


ekonomiya na tinatawag na Merkantilismo na ang
basehan ng kapangyarihan ay kayamanan

PAGTATASA 3
Ayusin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang
bilang 1-10 sa patlang bago ang bilang

_____1. Ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at


pinakamakapangyarihan sa buong mundo.
_____2. Nais mabigyan ng mga taga-Europa ng solusyon ang nauubos na
yaman ng kani-kanilang bansa
_____3. Pinayagan ni Papa Alexander VI ang Espanya at Portugal para
manakop
_____4. Nabalitaan ng mga taga-Europa ang kasaganaan sa gawing Silangan
_____5. Humingi ng pahintulot ang Espanaya at Portugal upang manakop
_____6. Nagbabalak ng kolonisasyon ang bansang Portugal at Espanya.
_____7. Nabuo ang sistemang Merkantilismo noong ika-15 siglo
_____8. Pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas
_____9. Nabuo ang Kasunduang Saragosa
_____10. Nabuo ang ideyang kolonisasyon

11
ISAISIP

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa loob ng kahon ang sagot

Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Kolonyalismo

Ano ang dahilan ng kolonyalismo?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

ISAGAWA

Ayusin ang mga sumusunod na parirala upang mabuo ang diwa nito. Isulat
ang sagot sa naklaang patlang

ang Espanya matatagpuan sa Europa

1.________________________________________________________________________

ang Benguet nakita ni Joel ng Pilipinas sa mapa

2.________________________________________________________________________
12
ang Kristiyanismo ipinakilala ng mga Espanyol sa Pilipinas

3.________________________________________________________________________

ang Pilipinas ng Espanya ng mahigit tatlong daang taon

naging kolonya

4.________________________________________________________________________

ang Cordillera ng mga Espanyol ngunit

sila ay nabigo sinubukang sakupin

5.________________________________________________________________________

ang caravel ang mga manlalakbay ginamit

sa karagatan upang makapaglayag

6.________________________________________________________________________

ang mga kasunduan ang naging gabay ng Espanya at Portugal

sa kanilang pananakop

7.________________________________________________________________________
ang isa sa mga dahilan ang sistemang merkantilismo

ng Espanya sa Pilipinas ng pagsakop

8.________________________________________________________________________

13
ang compass ang naging gabay ng mga manlalakbay

sa kanilang pupuntahan upang makarating sila

9.________________________________________________________________________

ang bansang Espanya at Portugal ay magkatunggali

magkapit-bahay ng mga bansa ngunit

sila sa pananakop noon

10._______________________________________________________________________

PANAPOS NA
TAYAHIN

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang

_____1. Ano ang kolonyalismo?


A. Ito ay ang pagsakop sa isang bansa upang makuha ang likas na yaman.
B. Ito ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ibang bansa.
C. Ito ay ang pagtuklas sa ibang bansa ng maunlad na bansa
D. Ito ay paglalayag sa malalayong lugar
_____2. Ano ang merkantilismo?
A. Sistemang pang-ekonomiya na ang batayan ng kapangyarihan ay
kayamanan
B. Ang mayaman na mga bansa ay matatagpuan sa Europa
C. Sumikat na ideya noong ika-15 siglo
D. Natuklasan ng mga taga-Europa
_____3. Aling mga bansa sa Europa ang nanguna sa pagtuklas ng ibang
lugar o bansa sa mundo?
A. North Korea at Saudi Arabia B. Amerika at Russia
C. Portugal at Espanya D. Tsina at Japan
14
_____4. Ito ang naunang kasunduan sa pagitan ng Portugal at Espanya na
may kaugnayan sa kolonisasyon.
A. Kasulatan ng Papa B. Kasunduan ng Saragosa
C. Kasunduan ng Tordesillas D. Kasunduan ng Portugal at Espanya
_____5. Anong huling kasunduan ang pinagtibay upang matukoy ang
hangganan ng lugar na pwedeng tuklasin ng Portugal at Espanya?
A. Kasulatan ng Papa B. Kasunduan ng Saragosa
C. Kasunduan ng Tordesillas D. Kasunduan ng Portugal at Espanya
_____6. Sino ang nagbigay ng pahintulot sa bansang Portugal at Espanya
na tumuklas ng ibang lugar o bansa upang mapalaganap ang
Kristiyanismo?
A. Christopher Columbus B. Papa Alexander VI
C. Haring Ferdinand D. Reyna Isabella
_____7. Katunggali ng Espanya sa panunuklas ng malalayong lupain para
sa kolonisasyon
A. Amerika B. Japan C. Portugal D. Tsina
_____8. Ito ang pananakop ng isang bansa sa ibang lupain
A. Dayuhan B. Kolonisasyon
C. Mananakop D. Merkantilismo
_____9. Alin sa mga pahayag ang katotohanan?
A. Nais lamang ng Espanya at Portugal na malibot ang daigdig at hindi
gawing kolonisasyon ang mga bansang di – katoliko.
B. Ang Asyanong mga bansa ay nagnais gumawa ng ekspedisyon sa buong
daigdig.
C. Magkatunggali ang bansang Portugal at Espanya sa panunuklas ng mga
lupain
D. Si Haring Carlos I ng Espanya ang nagtibay ng Kasunduan ng
Tordesillas.
_____10. Ito ang barkong ginamit ng mga manlalakbay noon upang
makarating sa iba`t ibang lugar sa mundo
A. Mapa B. Caravel C. Compass D. Lahat ng mga nabanggit

KARAGDAGANG
GAWAIN
Ipaliwanag ang kolonyalismo sa sariling pangungusap

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
15
SUSING SAGOT

Malayang Gawain 1
2. Dahil dito ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa buong
mundo.
4. Dahil dito, nabuo ang ideyang kolonisasyon
6. Nanguna sa pagbabalak ng kolonisasyon ang bansang Portugal at Espanya.
7. Kung kayat humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI.
9. Dito pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas sa pagitan ng Portugal at Espanya

Pagtatasa 3
1. 2
2. 3
3. 8
4. 5
5. 7
6. 6
7. 1
8. 9
9. 10
10. 4

Isaisip
Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?
Ang kolonyalismo ay ang pagsakop sa isang bansa upang makuha ang hilaw na materyales nito na
pakikinabangan ng sumakop na bansa
Ano ang dahilan ng kolonyalismo?
Nais ng mga taga- Europa na maging pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa buong mundo dahil sa
sistemang merkantilismo

Isagawa
1. Matatagpuan sa Europa ang Espanya
2. Nakita ni Joel ang Benguet sa mapa ng Pilipinas.
3. Ipinakilala ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa Pilipinas
4. Naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas ng mahigit tatlong daang taon
5. Sinubukang sakupin ng mga Espanyol ang Cordillera ngunit sila ay nabigo
6. Ginamit ang caravel upang makapaglayag ang mga manlalakbay sa karagatan
7. Ang mga kasunduan ang naging gabay ng Espanya at Portugal sa kanilang pananakop.
8. Ang sistemang merkantilismo ang isa sa mga dahilan ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas
9. Ang compass ang naging gabay ng mga manlalakbay upang makarating sila sa kanilang pupuntahan
10.Magkapit-bahay ang bansang Espanya at Portugal ngunit sila ay magkatunggali sa pananakop ng mga
bansa noon

Panapos na Tayahin
1. A
2. A
3. C
4. C
5. B
6. B
7. C
8. B
9. C
10. B

Karagdagang Gawain
Ang kolonyalismo ay pagsakop ng mga bansang Europa sa ibang mga bansa para mapagkuhanan ng
likas na yaman. Ang mga likas na yaman na kanilang nakuha ay gagamitin nila sa industriya ng sariling bansa
upang mas mapaunlad ito o mas mapayaman ito.

16
Pinatnubayang Gawain 2

Pagtatasa 2
1. A- Portugal
2. B- Espanya
3. I- Sarsagosa
4. J- Tordesillas
5. E- Indonesia
6. I- Sarsagosa
7. B- Espanya
8. D- Kanluran
9. H- Papa Alexander
10. F- Kristiyanismo

Pagtatasa 1
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali
6. Mali
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama

17
Subukin
1. Merkantilismo
2. Silangan
3. Caravel
4. Kolonyalismo
5. Espanya
6. Portugal
7. Papa Alexander VI
8. Kristiyanismo
9. Kasunduan ng Tordesillas
10. Kasunduan ng Saragosa

Balikan
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Mali

Suriin
1. Ito ay ang pagsakop sa isang bansa upang kunin ang mga hilaw na materyales para mapakinabangan ng
sumakop na bansa
2. Nais ng mga taga- Europa na maging pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa buong mundo
3. Ginamit ng mga taga-Europa ang mapa, kompas, at caravel sa paglalakbay
4. Ang Portugal at Espanya ang nanguna sa kolonisasyon
5. Nais ng mga taga- Europeo na pangalagaan ang kapakanan ng lupain lalo at mabigyan ng solusyon ang nauubos
na yaman ng kani-kanilang bansa)
6. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabatay sa kanilang kayamanan
at kaban ng gintong pananalapi.
7. Merkantilismo ang sistemang umiiral noong ika-15 siglo
8. Siya ay pumayag upang maipalagananap ang Kristiyanismo sa mga di-Kristiyanong mga bansa
9. Ang unang kasunduan na pinagtibay na may kaugnayan sa pangongolonisa ay ang Kasunduan ng Tordesillas
10. Ang Kasunduan ng Saragosa ang panibagong kasunduan na namagitan sa pagitan ng Espanyol at Portugal.

Pinatnubayang Gawain 1
1. CARAVEL
2. EUROPA
3. MANANAKOP
4. COMPASS
5. KOLONYA
6. MAPA
7. ESPANYA at PORTUGAL
8. KOLONYALISMO
9. MERKANTILISMO
10. KASUNDUAN ng TORDESILLAS

18
SANGGUNIAN

Kagawaran ng Edukasyon, Araling Panlipunan 5 Kagamitan ng Mag-aaral:


Vibal Group, Inc., Pasig City, 2016.

DepEdCARLR#:864-13-21MELCS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet

Wangal, La Trinidad, Benguet

Telepono: 074 – 422 – 6570


Email Address: benguet@deped.gov.ph

19
18

20

You might also like