You are on page 1of 1

1. Ano nga ba ang Kulturang mayroon ang Pilipino?

Ipaliwanag

Ang kulturang Pilipino ay mayroong pinaghalo halong mga kultura mula sa silangan, kanluran, at

mga katutubo nakung saan makikita hanggang sa kasalukuyan. Ito ay sa kadahilanang tayo ay naging

centro ng kalakalan at maraming dayuhan ang sumakop sa ating bansa na naging dahilan upang kanilang

maimpluwensyahan ang ating kultura at wika na naging daan sa pagkakaroon ng panibagong mga salita

o kaugalian an gating mga ninuno at humobog sa kung sino at kung ano tayo sa kasalukuyan bilang

Pilipino.

2. Bago pa dumating ang Kastila dito sa Pilipinas, ano-anong grupo ng mga dayuhan ang pumaparito

sa ating bansa?

Bago paman dumating ang Kastila dito sa Pilipinas, May mga iilang mga dayuhan na ang

pumupunta sa ating bansa upang mkipagkalakalan at makipagpalitan ng produkto kagaya ng mga Intsik

sa Maynila, Batangas, Mindoro, at Sulu. Gayundin ng mga Orang Dampuan, Orang Banjar, India Arabe,

Hapones, Bam siam, Tongkin, Sumatra, at Java.

3. Dahil sa pandarayuhan ng mga banyaga, ano ang naging epekto nito sa ating wika?

Dahil sa pandarayuhan ng mga banyaga ay naimpluwensyahan nito ang ating mga kaugalian at

gayun din ang ating wika. Ito ay naging daan sa paghahalo halo ng wika at pagkabuo ng mga panibagong

mga salita o mga hiram na salita. Karamihan sa mga ito ay naging parte na ng ating wika. Halimbawa nito

ay mula sa mga Intsik na karamihan ay tungkol sa mga pagkain kagaya ng pancit, sa mga Kastila kagaya

ng salitang kamiseta, salitang ingles na mula sa mga Amerikano, salitang bayani na mula sa salitang

Malay, salitang salamat na mula sa salitang Arabe, at salitang maharlika na mula sa salitang sanskrito.

You might also like