You are on page 1of 11

MALAY XVII (I AT 2)

AGOST0200J

ANG TATLONG BERSYON NG TULANG


"BA YANI" NI AMADO V. HERNANDEZ
Ramon Guillermo

Aka ay Bayaning hisig ang sandata,


Ang pawis kay lakas, huha;; at pag-asa!
-KaAmada

MAY isang tula si Amado V. Hernandez (I903-1970) na ilang beses


sinulat ng bantog na lider-manggagawa at makata. Ito ang tulang "Bayani"
na rila maituturing na nagpapahayag ng pinakabuod ng kanyang kaisipan
hinggil sa manggagawa sa lipunang Pilipino. Ayon sa pananaliksik ni Dr.
Rose Torres-Yu, ang unang bersyon ay nalathala ~ Liwayway noong 9
Mayo 1924. Pagkaraan ay inilathala irong muli sa koteksyong Kayumanggi
at iha pang Tufa (1940). Tatlumpu't pitong taon naman ang lumipas mula
sa pinakaunang bersyon hanggang sa huling rebisyon na inilabas noong
1961 sa koleksyong Isang Dipang Langit. Pinakamahaba ang unang
bersyon na may 16 na saknong na may tig-anim na taludtod. Ang dalawang
sumunod na bersyon naman ay may 12 saknong lamang na tig-aanim din
ang mga taludtod. Magtatanong marahil ang mambabasa kung ana ang
dahilan ng paulit-ulit na pagtatangkang sulating muli ni Ka Amado ang
ANG TATLONG BERSYON NG TULANG "BAYANl" Nl AMADO Vo HERNANDEZ

tulang ito. Inilalarawan ba ng mga pagbabagong ginawa niya sa kanyang


tula ang pag-unlad ng kanyang kaisipan bilang lider-manggagawa?
Makikita ba rito ang pagbabago rin ng kaligirang panlipunan at antas ng
kamulatan ng uring manggagawa mula 1924 hanggang 196I? May
kinalaman ba rito ang kanyang pagkakakulong nang limang taon mula
1951 hanggang 1956 dahil sa kanyang pagiging lider ng Congress of
Labor Organizations (CLO)? Maaari kayang gamitin ang iba't ibang
bersyon na ito bilang mga panandang-talambuhay ni Ka Amado at
panandang-kasaysayan ng kilusang manggagawa sa Filipinas?

Ang Manggagawa sa Lipunan (Saknong I)

(1924)
Ako y Manggagawa: butd ng buhangin
Sa dagat ng buhay na masuliranin
Utang ko sa Dios ang buhay kong angkin
Ngunic ang palad ko y utang din sa akin:
Sa sanling pawis pinapanggagaling
Ang dinadamit ko caking kinakain ...

(1961)
Ako y manggagawa: butJl ng buhangin,
Sa daay panambak, sa temploy gamit din;
Buhay ko y sa Diyos utang nga marahll
NgumOc ang palad ko y utang din sa akin.
Alam ko ang batas: {lTao, manggagaling
Sa sanling pawis ang iyong kakanin."

Kapansin-pansin sa unang saknong ang mga bahagyang pagbabago sa


taludtod 2, 3,5, at 6. "Butil ng buhangm" pa rin ang manggagawa ngunit
ang "butil" na nasa "dagat ng buhay na masuliranin" ay magiging "buril" na
"sa daa' y panambak, sa templo'y gamit din" kapwa sa mga bersyong 1940 at
1961. Maliban sa pagdaragdag ng mapandudang katagang "marahil" sa "utang
ko sa Dios ang buhay kong angkin;' bahagya lamang ang nagbago sa diwa ng
taludtod 3 at 4. Dalawang magkaibang pamamaraan lamang ng pagpapahayag
ng parehong ideya ang makikita sa huling dalawang taludtod hinggil sa "batas"
na dapat "magmula sa sariling pawis ang kinakain ng tao." Ipinapahayag ang

157
R. GUILLERMO

"batas" na ito sa bungad ng tula upang magsilbing pamantayang-sukatan sa


uri ng katarungang umiiral sa lipunan.

Ang Manggagawa at ang Yaman (Saknong 3)

(1924)
Sa tufo ng aking pawis kinukuha
Ang kanin, ang yama t fugod ng bah na . ..

(1940)
Sa tufo ng aking pawis kinukuha
ang kanin ng dukhat rangya ng may-kaya.

(1961)
Kung may kayamanan ngayong naklkita,
Pagga wa ko y siyang pinuhunan muna!

Kapansin-pansin sa saknong 3 kung paano binago ang taludtod 5 at


6 nang tatlong beses sa bawat isang bersyon. Sa unang bersyon, makikita
lamang kung paano nanggagaling sa "tulo ng pawis" ng manggagawa ang
"kanin, ang yama't lugod ng bala na ... " "Bala na" na nangangahulugan ng
"alinmang tao na walang tinatangi." Makikita naman sa ikalawang bersyon
noong 1940 kung paano binago lamang ang huling taludtod at pinalitan
ang "bala na" ng "kanin ng dukha't rangya ng maykaya." Ipinapahiwatig
nito na hindi lamang simpleng nanggaling sa pawis ng manggagawa ang
"kanin, yaman, at lugod" ng "bala na," kundi ang may pag-iiba nang ang
"kanin" ay para sa dukha habang ang "rangya" 0 "yaman" ay para na lamang
sa "maykaya." Binago ito muli sa huling bersyon ng 1961 at naging
paglilinaw na lamang hinggil sa tunay na pinagmulanng alinmang "yaman"
sa "pinuhunan" ng manggagawang "paggawa." Lato pang malinaw ang
ideyang ito sa saknong II ng bersyong 1924 kung saan makikita ang mga
taludtod na, "At ang buong yaman sa silong ng langit / Ay mula sa aking
kasipaga't pawis!" Tila pag-urong ang bersyong 1961 sa bersyong 1940
sapagkat ipinapakita na ng 1940 ang hatian ng mga "dukha" at "maykaya"
sa yamang nilikha ng manggagawang kabilang sa dukha, habang bumabalik
na lamang sa batayang ideya ng pagiging "puhunan" ng manggagawa ang
kanyang "paggawa" upang malikha ang alinmang yaman sa daigdig.

158
ANG TATLONG BERSYON NG TULANG "BA YANI" NI AMADO V. HERNANDEZ

Ang Manggagawa at ang Katarungan (Saknong 4)

(1924)
1sinalangit ko si Ganito t Gayo y
Ako nn ang siyang laglng patay-gutom,
Api at kawawa sa habang panahon!

(1940)
blnigyan ng yaman si Ganito t Gayo y
ako nn ang siyang laglng patay-gutom;
s11a ay sa aklng balikat tumuntong,
y
nagsitaas habang ako nababaon!

(1961)
Damlng plnagpalang blnigyan ng milyon
Ay ako t ako nn itong pataygutom,'
SIia ay sa aklng ballkat tum un tong,
Naglng Mamo t Nabob ang dati kong ampon!

Malinaw sa tatlong bersyon ng saknong 4 na pinapaksa nito ang


pinagmulan ng kayamanan nina "ganito at gayon" habang ang
manggagawa'y nananatiling "pataygutom." Ngunit sa bersyon ng 1924
nagtatapos ang saknong sa madilim na pangitain ng pagiging api at
Ii

kawawa" ng manggagawa sa "habang panahon." Sa bersyon ng 1940 naman


ay ipinapabatid ang panlipunang istruktura at kung paano "nagsisitaas"
ang mga nakikinabang sa lakas ng manggagawa habang siya naman ay
tuloy-tuloy na "nababaon." Ang ipinagdiinan naman sa huling bersyon
ay ang pangyayaring ang manggagawa'y naging alipin ng kanyang dating
mga "ampon" na mga biblikal na panaullin na sina "Mamo't Nabob."
Ibig lamang sabihin dito na ang dating likha ng manggagawa'ynaging
makapangyarihan na sa kanya. Ang manggagawa'y naging "panginoong
laging namamanginoon" (skg. 4). Sa pagpapakita ng ganitong balimunang
realidad ng lipunan ay nais ilahad ni Ka Amado ang kawalan ng
katarungang umiiral sa lipunan alinsunod sa unang saknong ng tula. May
mga taong hindi nabubuhay sa sariling pawis na nagsasamantala sa uring
manggagawa.

159
R. GUILLERMO

Uring Manggagawa, Pangunahing Pwersa (Saknong 6)

(1924)
Ang luha kocdugo'y ihinuhong pawa
Sa lupang sank nguni't nang lumaya
Ako'y wala kahi't sangdakot na lupa,
Kung may tao't hayang nangaging dakda
Ang gina wang hagda 'y akong Manggagawa
Sa tulong ng aking hisig, pawis, luha.

(1940)
nasa lupa ako't sda'y sa damhana!

(1961)
Ang luha ko't dugo'y lbinuhong pawa
Sa lupang sank nguni't nang lumaya,
Ako'y wala kahi't sandakot na lupa!
Kung may tao't hayang nangaging dakl1a,
Karaniwang hagda'y akong Manggaga wa,
Nasa putik ako't s11a'y sa damhana!

Dito sa saknong 6 makikita ang pahiwatig na pagtukoy ni Ka


Amado sa naganap na Rebolusyon ng 1896 na napakasariwa pa sa
alaala ng mga makabayang Pilipino noong 1924. "Ibinubo" ng uring
manggagawa ang kanyang "luha at dugo" sa "lupang sarili" ngunit
"nang lumaya" ay wala siya ni "sandakot na lupa." Ipinagdiinan muli
ni Ka Amado na ang sanhi ng pagkadakila ng alinmang tao at bayan
ay ang manggagawa. Pinalitan niya ang mahinang huling taludtod
ng unang bersyon ng "nasa lupa ako't sila'y sa ~ambana" ng ikalawang
bersyon, na sa ikatlo naman ay kakikitaan n{pagpapalit ng salitang
"lupa" ng mas matinding salitang "putik." Dito na ipinakikita ni
Ka Amado ang papd ng manggagawa, hindi lamang bilang manlilikha
ng mga bagay-bagay na kinakailangan at ikinagiginhawa ng
sangkatauhan kundi bilang isang nangungunang pwersa ng pagbabago
sa lipunan na handang ialay ang lahat upang makamit ang kalayaan
ng bayan.

160
ANG TATLONG BERSYON NG TULANG "BAYANf" Nf AMADO V" HERNANDEZ

Ang Manggagawa at ang Pag-unlad (Saknong 7)

(1924)
At ang kablhasnan ng buong daigdig
Ay bunga ng aking mga pagsasakit

(1940)
At ang kablhasnan ng boong daigdig
ay bunga ng aking mga pagsasakit

(1961)
Kung kaya sumulong ang ating daigdi~
Sa gulong ng aking mga pagsasakit

Mula sa nabanggit sa ikaanim na saknong na "kadakilaan" ng rnga tao


at bayan ay lilipat si Ka Amado sa unibersalistang kaisipan na ang "kabihasnan
ng buong daigdig" ay bunga ng mga "pagsasakit" ng mga manggagawa. Ngunit
papalitan naman sa huling bersyon ng tula ang konsepto ng "kabihasnan" ng
konsepto ng "pag-unlad" 0 "pagsulong:' Magiging tampok ang tema ng "pag-
unlad" ng sangkatauhan sa maraming iba pang nalikhang tula ill Ka Amado.

Ang Manggagawa at Ang Pagpapaunlad (Saknong 8)

(1924)
Ang ginto at pl!ak, ang uling at bakal,
.!if dahl! sa akin kung kaya nabungkal,-
Akoy manggagawa ng maraming bagay
Pangalawang Dios sa lupang ibabaw!

(1940)
Sa Iikha kong langis, sa ulin~ sa bakal,
biglang naghimala ang pangangalakal;
nguni't sumidhi rin ang pagkakalaban
ng buhay ng tao 1: ng an"-arian!

161
R. GUILLERMO

(1961)
Sa tuklas kong 1akas-1angis, uling, bakal
Naghima1a itong industria t ka1akal'
Ngunit 1umawak din naman ang pagitan
Ng buhay at ar!... nasupil ang buhay!

Binabalikan ni Ka Amado sa saknong 8 ang tema ng mapanlikha't


mapanuklas na kapangyarihan ng manggagawa ngunit makikita sa mga
pagbabagong ginawa sa hulihan ng saknong ang ilang radikal na pagbabago
sa diwa ng mga taludtod. Nagtatapos ang unang bersyon sa hindi gaanong
malakas na mga taludtod hinggil sa pagiging "pangalawang Dios sa lupang
ibabaw" ng manggagawa. Ang ikalawang bersyon ay nagtatapos sa
"paghimala ng pangangalakal" na bunga ng yamang nilikha ng manggagawa,
bagay na lalong "nagpasidhi" naman sa "pagkakalaban ng buhay ng tao't
ng ari-arian." Imbes na tumukoy sa "paglalaban," binago naman ang diin sa
huling bersyong 1961 upang tumukoy na lamang sa "paglawak ng pagitan
ng buhay at ari" na humantong sa "pagsupil ng buhay" mismo. Imbes na
panatilihin ang konsepto ng "labanan" sa pagitan ng "buhay ng tao" at ng
"ari-arian" ay nagkaroon na lamang ng "malawak na pagitan" na
naghihiwalay sa dalawa sa huling bersyon. Samakatwid, sa mga bersyong
I940 at I96I ay sinikap ipahayag ni Ka Amado ang kakatwang pangyayari
na ang mismong pagpapaunlad ng mga pwersa sa produksyon, lakas na
dulot ng manggagawa, ay siya mismong nagiging sanhi rin ng "pagkakasupil"
ng kanyang sariling buhay.

Ang Manggagawa at Dangal (Saknong 9)

(1924)
Gayon ma y malimit na dustain aka,
(Ang munti!: talagang matahin sa mundo)
y
Subalit ang bakal hamak ma a1am kong
Nagagawang bani, gu10k pung10, maso ...

(1940)
gayon man ang 1ahat- 1a10 na ang tao,
ga wa ang urian kung ana t kung sino,'

162
ANG TATLONG BERSYON NG TULANG "BAYANI" NI AMADO V, HERNANDEZ

(1961)
Nakamihasnan nang dustain ng mundo;
Gayon pa ma y habang ang tao ay tao,
Gawa ang urian kung anot kung sino,

Pinuna ni Ka Amado sa saknong 9 ang karaniwang "pagdusta" sa


manggagawa dahil sa kanyang pagiging "isang manggagawa lamang,"
Mapaghimagsik ang diwa ng unang bersyon na may pagbabanta na ang
"hamak na bakal" ay nagagawang "bari!, gulok. punglo. maso," Ibang-iba na
ang ipinapahayag ng dalawang sumunod na bersyon na anuman ang
"pagdurustang" kaharapin ng manggagawa. hindi mawawala ang tunay ngunir
rila nakakubli niyang "uring" mataas at dakila. Ayon pa sa saknong 10 ng
bersyong 1961: "Itakwil man ako ng mga nanggaga. /Walang magagawang
hadlang sa istorya!" Sa gayo'y ang kasaysayan mismo ang magpapatunay sa
kadakilaan at kapangyarihan ng manggagawa. Kapansin-pansin nga lang ang
hindi na gaanong mabagsik na himig ng mga bersyong 1940 at 1961 kung
ikukumpara sa orihinal. Hindi ang tuwirang pagwawasak ng umiiral na
kaayusan ang diwa nito kundi ang pagpapakilala lamang sa madla ng
nakakubling "dangal" ng manggagawa.

Ang Manggagawa at ang Bayan (Saknong 12)

(1924)
Kung hincb' sa akiy bangkay ang Puhunan,
Lugaml' ang Han't lupaypay ang Bayan,
lfalang mangyayan~ pag aka ang ayaw;
Mangyayaring lahar" ibigin ka lamang,'

(1940)
Kungdi nga sa akiy lugmak ang puhunan,
lugami ang hari't lupaypay ang bayan:
walang mangyayan~ pag ako ang ayaw;
mangyayaring lahat, ibigin ka lamang;

(1961)
Kung di nga sa akiyalin kayang bagay
Ang magkakasigla at magkakabuhay?

163
R. GUILLERMO

Puhunan? Likha ka lamang ang Puhunan!


Bayan? At hindi ba aka rin ang Bayan?
H-alang mangyayan; pag aka ang ayalf;
Mangyayaring laha0 ibigin ka lamang!

Makikita sa tatlong bersyon ang mga taludtod na "walang


mangyayari, pag ako ang ayaw, / mangyayaring lahat, ibigin ko lamang."
Kapansin-pansin naman ang ebolusyon ng unang bahagi ng saknong 12
ng unang bersyon. Sa una'y nababanggit lamang ang pagiging "bangkay"
ng puhunan kung walang manggagawa. Na pagdidiin lamang sa diskurso
ng ekonomyang pampulitika na ang pinagmulan ng puhunan ay yaon ding
lakas ng manggagawa. Sa pangalawa'y pinalitan ng salitang "lugmok" ang
"bangkay" na papalitan muli sa huling bersyon ng paglilinaw hinggil sa
manggagawa bilang "tagalikha" ng Puhunan at bilang bumubuo ng
"Bayan." Ipinapabatid sa gayon na hindi lamang galing sa manggagawa
ang lahat ng yaman sa lipunan. Ipinababatid din na hindi bahagi ng
"Bayan" ang mga nagsasamantala, silang hindi sa sariling pawis
nabubuhay.

Taang H-alang Saysay ang Di Manggagawa!

(1924)
Ngayan ang araw ka, araw na dakIla,
Pagtatanghal sa aking pagka-manggagawa
Ng aking katwira y baang nababandila
Sa Timag, Sllangan, Kanluran, HIlaga.

(1924)
Larawan ng Bayang maganda t mahinhin
Na wala nang gapas ng pagkaalipin,
Liwayway ng Layang darating, darating,
At mamamanaag paglipas ng dllim!

(1940)
y
aka ma anak din ng isang Bathala
at bayaning higit sa lalang dakl1a . ..
Taang walang saysay ang di Manggagawa!

164
ANG TATLONG BERSYON NG TULANG "BA YANI" NI AMADO V. HERNANDEZ

(1961)
Sa wakas, dapat nang ngaya y mabandda
Ang karapatan kong hong imluha
Ang aking katwiran ay bigyan ng laya
y
At kung ayaw ninya aka ang bahala
Sa aking panata sa pagkadaklla ...
Taang walang saysay ang di Manggagawa!

Magwawakas ang buong tula sa pagtukoy sa okasyon ng Araw ng


Paggawa na siyang orihinal na insipirasyon ng pagkakasulat ng tulang ito
noong 1924. Ito ang araw ng "pagtatanghal" at "pagdadakila" ng pagka-
manggagawa at ng "pagbabandila," ng dangal, katwiran, at karapatan ng
manggagawa. Kapwa magtatapos ang mga bersyong 1940 at 1961 sa taludtod
na "Taong walang saysay ang di Manggagawa!" Kaugnay naman ng
makabayang pakikibaka nina Ka Amado noong 1924 ay may pagtukoy sa
unang bersyon sa "pagkagapos" ng "aliping bayan [ng manggagawaJ" na
nalalapit na sa pagiaya. Mawawala ito sa mga huling bersyon. Sa kabila ng
pagdaragdag ng konsepto ng "karapatan" sa huling bersyon ng 196 I ay parang
nanatili ang bersyong ito sa antas ng pagdarakila ng dangal at katwiran ng
manggagawa at hindi natumbasan ang aktibong panawagan sa unang bersyon
sa uring manggagawa na gumawa ng mga hakbang upang lumaya't baguhin
ang lipunan. Gayumpaman, sa pamamagitan ng ilang pagbabago sa pangwakas
na mga taludtod ay nais ipahiwatig ni Ka Amado ang parehong ideyang
mapanghimagsik sa hindi tuwirang paraan. Nagtapos ang bersyon ng 1924
sa seremonyal na paglalagay ng makata ng putong sa "Diyosa ng Paggawa."
Kapansin-pansin dito sa unang bersyon kung paano kinakausap ng makata
ang "Bayang Manggagawa" sa huling saknong habang sa pagtatapos naman
ng bersyon ng I961 ay parang "nanghahamon" ang "makata/manggagawa"
ng tula sa mga "walang saysay" na di "M:wggagawa" na hindi kumikilala sa
mga kaparatan at katwiran ng mga manggagawa.

Kabatirang Bunga ng Paghahambing

Ano ang panimulang mahihinuha natin mula sa mga paghahambing na


ginawa?

165
R. GUILLERMO

Una, makikita sa nagawang paghahambing na mas tuwirang


mapaghimagsik ang bersyon ng 1924 kaysa sa mga sumunod na mga bersyong
1940 at 1961. Maaaring bunga ang ganitong pangyayari ng tuwirang dinanas
ni Ka Amado na panggigipit at rahasang paggamir ng dahas ng esrado laban
sa kilusang manggagawa. Hindi ito marahil masasabing karuwagan kundi
pag-iingar lamang na mauunawaan sa 100b ng parrikular na pinagdaanan
niyang karanasan ng pagkabilanggo ng maraming taon.
Pangalawa, kapansin-pansin din, na sa kabila ng pagiging mas
mapanghimagsik sa diwa ng unang bersyon, ang ipinapakirang lalong malalim
na pagkaunawa ni Ka Amado sa diskurso ng ekonomyang pampulitika sa
mga bersyong I940 at 196I ng kanyang tula. May higit na malalimang
pagtalakay sa huling dalawang bersyon sa mga mekanismo ng pagsasamantala
at sa ugnayan ng lakas-paggawa at puhunan na nakaaangat sa payak na
pagtatanghal ng unang bersyon sa "dangal" ng manggagawa. Hindi sapar na
kilalanin lamang ang dangal" ng manggagawa at ng mga dating lumalait at
H

nagmamaliit sa kanya. Nalalaman nating mapanganib ang pagkakapako


lamang sa usapin ng "dangal" sapagkat kung ito'y mahihiwalay sa panlipunang
pagsusuri sa istrukturang mapagsamantala, lalabas na hindi kailangan pang
isulong ang malawakang pagbabagong panlipunan. Sinasalungguhiran nito
na kailangan kapwa makamit ng uring manggagawa at ng sangkatauhan ang
kalayaan mula sa pagsasamantala (pagbabago ng kaayusan) at ang kalayaan
sa pambubusabos (pagkilala sa dangal at pagkarao ng manggagawa).

166

You might also like