You are on page 1of 12

Pagtalakay:

Aralin 1 Tunguhin ng Araling Pilipino

Sa pagtalakay ay hinihikayat na basahin ang “Sariling Atin: Ang


Nagsasariling Komunidad Na Pangkomunikasyon Sa Disiplinang Araling
Pilipino” ni Ramon Guillermo. Tinalakay niya sa kaniyang introduksyon ang mga
kilalang personalidad hindi lang sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, na may
kaugnayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika sa pagkakaroon
ng kasarinlan ng isang bansa.
Tulad na lamang ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel, ayon sa kanya hindi
maituturing ng isang bayan na ganap na sa kaniya ang isang kahanga-hanga o
dakilang bagay hangga’t hindi nito nakikilala ang sariling wika.
Gayundin ang panawagan ni si Dr. Jose Rizal, mula sa kanyang isinulat
na nobelang El Filibusterismo. Nanawagan si Simoun na palaguin at
palaganapin ang sariling wika dahil sa paniniwalang ito ang magbibigay laya sa
bansa.
Ang mga ito ay napakagandang ideya, ngunit sa kasamaang palad
hanggang sa ngayon ay bukas pa rin ang tanong kung ano at alin nga ba ang
tinutukoy na sariling wika na sinasabing daan upang makamit ang tunay na
kasarinlan ng mga Pilipino.
Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ay magbibigay ng kaunting pagtanaw sa
kasaysayan kung paano unti-unting sinisimulan ang Araling Pilipino.

Pagpopook ng “Pilipinolohiya/Pilipinisasyon” sa Araling Pilipino

● Mga ideolohiya ni Rizal bilang panimulang pagpopook sa


Pilipinolohiya/Pilipinisasyon bilang pag-aaral at pagkilala ng/sa sarili.
● 1861 – Panahon ni Rizal – 1863 Nagkaroon ng Educational Reform
Decree.
● Naitatag ang edukasyong Primarya, sekundarya (Ateneo, San Juan De
Letran ) at Kolehiyong antas.
● Practice of teaching (Needle work, Home Economics, Music) – para sa
mga babae.
● Binabanggit ito sa Urbana at Feliza – Manual pattern para sa mga
kababaihan
Lagda – counter part para sa mga Bisaya
Las Doncellas – Sealed/ Virgin (Sikolohiya – Pagtitiis – Birhen)
Illustrado – pero walang Illustrada?
Illustrado – Mga nakapag-aaral sa ibang bansa gaya sa Europe at
mga reserved na tao
● Pilipinolohiya bilang kalipunan ng kaisipan, kilusan at programang
akademikong nagpupunyaging bumalikwas o pumihit ng oryentasyon
mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan at
metodolohiya ng noo’y umiiral ng Philippine Studies (Rodriguez-Tatel
20015, 2).
● Pamamayagpag ng Araling Pilipino bilang kasangkapang “neo-kolonyal”
sa akademya.
● Kinilala/kinikilala ang Araling Pilipino bilang araling panlarangan o area
studies – tinitignan ang bansang Pilipinas bilang isang larang lamang ng
“unibersal”.
● Noong dekada 1970, ipinakita ng mga Pilipinong iskolar ang kakanyahang
sumalungat sa agos ng umiiral na kanluraning oryentasyon sa akademya.

Mula Pagpopook tungong Pagdadalumat: Mga Muhon ng Pilipinisasyon


● Ang “Triumvirate” (lupon ng 3 tao na may kapangyarihan) ng
Pagsasakatutubo at Pilipinisasyon ng Agham Panlipunan
● Virgilio Enriquez (Ama ng Sikolohiyang Pilipino)

Dalawang tunguhin ng pagdadalumat:


1. Indihenisasyon mula sa loob (paggamit ng sariling kultura bilang bukal
ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng
pananaw-sa-daigdig ng mga Pilipino)
2. Indihenisasyon mula sa labas (pag-aangkin ng mga konseptong mula
sa banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at kultural na
asimilasyon ng mga ito sa karanasan ng mga Pilipino)
● Prospero Covar (Ama ng Pilipinolohiya)

Sistematikong pag-aaral ng Kapilipinuhan sa tatlong larangan:


1. Kaisipan
2. Kultura (kasama ang wika, iba’t ibang larang ng sining, pilosopiya at
relihiyon)
3. Lipunang Pilipino
● Zeus Salazar (Ama ng Pantayong Pananaw/Ama ng Bagong
Histograpiyang Pilipino

Pangkayong Pananaw
Kapag nakikipag-usap mula sa labas tungo sa mga tagaloob ng isang
partikular na kalinangan.
Halimbawa:
“Kayo ay mga Indio lamang, at lahat ng nalalaman ninyo ay
utang ninyo sa amin, sapagkat ang kasaysayan ng inyong bayan ay
may dalawang bahagi lamang: una, ang panahon nang hindi pa kayo
Kristiyano at sibilisado kung kailan lugmok pa kayo sa karimlan;
pangalawa, nang dumating ang mga Espanyol, upang idulot sa inyo ang
liwanag ng aming sibilisasyon at relihiyon Kristiyano.” Dilim - Liwanag

Pangkaming Pananaw
Patungo sa labas o banyaga ang pagpapaliwanag. Ang pagpapaliwanag
dito ay tungkol sa sariling kalinangan-at-lipunan.
Halimbawa: Lingua Franca
Ipinatutungkol ng mga Propagandista sa mga nang-aalipustang Espanyol
ang pagpapawalang katuturan ng mga ito tungkol sa kawalan ng “sibilisasyon”
ng Indio, kinailangan nilang sabihin at ikalat na rin ito sa wikang Espanyol .
Hindi ang mga kasapi ng dati nilang mga kalinangang katutubo ang
kanilang kinakausap kundi ang mga nagkolonista sa mga bayan at kalinangan
sa kapuluan.
Samakatuwid, nasa pangkaming pananaw ang kanilang pagtingin sa
sariling lipunan at kultura sapagkat ipinatutungkol ng mga propagandista sa
mga nang-aalipustang Espanyol ang pagpapawalang-katuturan ng mga ito
tungkol sa kawalan ng “sibilisasyon” ng Indio, kinailangan nilang sabihin at ikalat
na rin ito sa wikang Espanyol .
Kaya ang nasimulan nilang tradisyon ng pagbubuo ng kabihasnang
pambansa (at Pilipino) ay naligaw sa wikang banyaga, at sa mga konseptong
banyaga na hindi lamang itinugma sa sariling tradisyon.

Pangkaming Pananaw sa Kasalukuyan


Nang dumating ang mga Amerikano inatupag naman ng mga Ilustrado ay
ang ipakita sa bagong banyaga na ang Pilipino ay pwedeng-pwede maging
doctor, abogado, inhinyero, at sa huli, pati na artista at beauty contest winner
(hindi pala pangit!).

Iskizofrenyang Pangkalinangan
Lagi na lamang dapat ikumpara ang sarili at ang sariling hiram na kultura
sa mga dayuhan: Sumusulat sa wikang banyaga (upang maipakita na puwede
pala, kaya pala!) kailangan munang humiwalay sila sa (at iiwan nila ang)
katutubong kalinangan mamaya-maya ay babalik lamang dito para gamitin ang
ilang elemento nito sa kanilang paglikha.

Kulturang Nasyonal:
Umiinog ito sa konsepto ng “nasyong Pilipino” na sa simula’y binuo sa
wikang Espanyol ng mga Propagandista at Rebolusyonista, pagkatapos ay
isinulong ng mga inapo nito: Quezonà Osmenà Roxasà Laurelà Rectoà
Magsaysayà, Marcosà, Aquino sa pakikipagtulungan sa mga Amerikano kung
kaya’t sa wikang Ingles ang pagkahulma ng estado sa ngayon.

“…para sa elite at upang madagdagan ang mga maninilbihan sa


bagong sistemang kolonyal.” Ang pangkalahatang pananaw ay
“Pangkami”

Ang Kulturang Nasyonal na pinalalaganap ng elite, samakatuwid, ay


instrumento ng dominasasyon sa taumbayan. Ito ay isang halimbawa ng
representasyon ng Imperyalismo.

Pangsilang Pananaw
Patukoy sa iba at hindi sa kapwa
Halimbawa:
“Ganito sila, ganito ang ugali nila, o ganito ang mga tagalabas o
banyaga”

Ang Pantayong Pananaw sa Kasaysayan


● Bago makaugnay ang mga dayuhang Espanyol noong ika-16 na dantaon
wala pang iisang Pantayong Pananaw sa buong arkipelago, wala pa ring
nasyong Pilipino.
● Zeus Salazar bilang isang Marxista
Superstructure / Hegemonya
Ang nasyong Pilipino ay nabuo lamang sa bahagi ng Kapilipinuhan na
nalantad nang husto sa Kanluran (nabahiran, kung hindi man talagang nabago
ito). Nabuo ito sa pagsusumikap ng mga elite ng bahaging Kristiyano ng
kolonyang Espanyol

Elite: Mga akultaradong grupo ng tao nagsimula: ladino (mga natuto ng


Espanyol)
-ginawang tagasalin at tagatulong ng mga prayle sa ebanghelisasyon.

Kanluranin sa proseso ng akulturasyon


● Ika-18 na dantaon:
Unti-unting pumasok nang mas maramihan ang mga akulturado o ladino sa
sistemang kolonyal ng mga Espanyol: eskriba, abu-abugado, at sekular na pari.
Sekular na Pari vs Prayle
“Kayong mga Indio ay walang sibilisasyon, barbaro, pagaya-gaya,
walang utang-na-loob, soberbio, angkop lamang sa pamamastol ng
kalabaw….” -Fray Gaspar de San Agustin.

● Ika-19 na dantaon:
Ladino - Sekular na Pari - Ilustrado
“mga ladinong pormal na nakapag-aral; mga namulat at nagkamit
ng kaliwanagan o niliwanagan”

Sa kabilang banda, wala o napawalay man ang mga Ilustrado sa kanilang


sariling mga kalinangan, subalit hindi naman sila matanggap-tanggap ng mga
Espanyol sa matataas na baitang ng lipunang kolonyal.
Tinanggap nila ang pagtatakwil sa kanila ng Espanyol. Tinawag nila ang
kanilang mga sarili na “Pilipino.” Ang punto-de-bista ng mga Pilipinong ito ay
“Pangkami” kaya ang sinasabi nila ay ganito:

“Hindi totoo na bago dumating ang mga Espanyol ay


walang kabihasnan kaming mga Pilipino. Sa katunayan,
may kultura na kami, nakikipag-ugnayan na kami sa
Tsina, Indotsina, sa India, at iba pa, “bago dumating ang
mga Espanyol.”

Pantayong Pananaw sa Kasalukuyan


  Sa larangang pangkalinangan, ang pagkatatag ng nasyon ng mga elite ay
nagbunga ng pagkakahati ng kapilipinuhan—ang dambuhalang pagkakahating
pangkalinangan:
(1)   Ang kultura at lipunan ng akulturadong elite na ang wika ay Ingles
at Espanyol (ladino=paring secular=ilustrado=pensionado/Fullbrigh
scholars=makabagong intelektuwal, na napapalooban ng lahat ng klase ng
iskolar, kapwa manunulat, at iba pang padala o panauhin sa Estados Unidos,
Hapon, at iba pa.)
Maiiugat ang paggamit ng “edukasyon” para magtagumpay ang
“imperyalismong Amerikano”.
Ang sistema ng edukasyon ang huhubog at huhulma sa diwa at kaisipan
ng mga bagong akulturado na siya na ring aatang sa sarili (nang walang
pahintulot mula kaninuman) na buuin ang “kulturang nasyonal.”
(2) Ang kalinangan at lipunan ng bayan na ang pangkalahatang wika
ng ugnayan ngayon ay Tagalog o Pilipino, at maging mga wikang rehiyonal.
Pantayong Pananaw
“Ang buod ng Pantayong Pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-
ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuoang
pangkalinangan – kabuoang nababalot at ipinapahayag sa pamamagitan ng
isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/ diskursong
pangkalinangan o pangkabihasnan.”
Sa sitwasyong ito ang kalagayan, konsepto, kaisipan, at ugali na maaaring
pagtuunan ng pansin ay madaling maintindihan dahil nakapaloob sa ating
sariling lipunan at kalinangan na kapwa ipinahihiwatig ng (at nakabalot sa) isang
wikang nauunawan ng bawat isa.

Closed Circuit – isang nakapanid na pag-uugnayan/pakikipag-ugnayan. Ito ay


nangyayari lamang kung iisa ang code o pinagtutumbasan ng mga kahulugan.
Bago pa man makaugnay ng Kapilipinuhan ang mga Espanyol, bawat isa
sa mga pangkat etniko ay may sariling Pantayong Pananaw na.
Halimbawa: Bathala—Diyos ng mga Espanyol
Awit—Pasyon

Ang pinakabuod ng Pantayong Pananaw sa agos ng ating kasaysayan ay


ang pangyayaring dahil sa kolonyalismo’y nawala o unti-unting nalilimutan ang
mga kasanayan o kultura ng maraming mga grupong etnolingguwistiko sa ating
bayan. Ang paimbabaw na naipalit ay ang kabuoang kolonyal na siyang
magiging batayan na pagkatapos ay magiging “nasyong Pilipino”.

Kalinangang Bayan:
Kinalabasan ng proseso ng pagkabuo ng mga pamayanang Pilipino sa
isang Bayang Pilipino, ang Inang Bayan ng Himagsikan 1896.
Mula ang lahat ng ito sa pakikiharap, pakikitunggali, at pakikipag-ugnay
ng mga kalinangang Pilipino sa isa’t isa.
Hindi talaga alam ng mga elite ang kaniyang kalikasan, ang kaniyang mga
katangian, kahit ang kaniyang anyo. Malalim ang kanilang kamangmangan
hinggil sa kanilang tunay na pagkatao, hinggil sa pagka-Pilipino at
kapilipinuhan. Napawalay sila rito at nahirati (o nahihirati pa) sa pagpapasa-
Kanluran.
Halimbawa:
Ang kinatawan ng Pilipinas sa “Many People, Many Places” project.

Pagkalito Ng Mga Elite


1. Lagi na lamang suliraning ang identidad:
“Sino ba ako?” “Ano ba tayo?” “Ano/Sino ba ang Pilipino?”
2. Kinakailangan nilang gawing ibayong ideal ang mga Pilipino kapag
inihahambing nila ang mga ito sa mga banyaga sa pamamagitan ng kategoryang
intelektuwal at pangkultura ng mga dayuhan.
3. Ang lagi nilang pamumuna at pamimintas sa inaakalang tunay na
Pilipinong pag-uugali.

Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar sa Larangan ng Araling Pilipino


● Pagsasanay ng Sarili sa Pagbabasa sa Wikang Filipino
● Paghubog sa pagsusulat ng libro at artikulo sa Wikang Filipino
● Paggamit ng Wikang Filipino sa Talakayan
● Wikang Filipino – Hindi mababang uri ng Gawain

Analisis:

Natapos mo na ang ikalawang bahagi ng modyul na ito. Nais namin na


bigyan mo ng sariling interpretasyon ang pananaw ni Dr. Zeus Salazar hinggil sa
kahulugan ng kasaysayan. Suriin at ipaliwanag ang mga salitang naka-italized at
pag-ugnay-ugnayin mo ito.

“Ang kasaysayan ay isang salaysay hinggil sa


nakaraan na may saysay para sa sinasalaysayang
pangkat ng tao o salinlahi”.

Aplikasyon:

Halika at balikan muli natin ang ilan sa mga mahahalagang impormasyon


sa modyul 2. Ipaliwanag mo ang mga sumusunod batay sa iyong pagkaunawa
sa tinalakay na aralin. Tingnan ang talahanayan sa kasunod na pahina.
Pantayo Pangkami Pangsila Pangkayo

Repleksiyon:

Bago ka dumako sa kasunod na modyul hinggil sa kulturang Pilipino ay


nais naming malaman ang mga aral na natutuhan mo sa modyul na ito. Sa
kabuoan ang Pantayong Pananaw ay isang diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan, ang pinakakatangian ng isang kalinangan o kabihasnang may
kabuoan at kakanyahan. Batayan ito ng pagkakaisa ng isang grupo ng taong
may sariling wika at kultura.
Kaya sa praktikal na pananaw, dapat matunaw sa Kalinangang Bayan ang
Kulturang Nasyonal upang mabuo ang Kabihasnang Pambansa. Laging
tandaan na nagiging bintana natin ang Kulturang Nasyonal tungo sa labas; ang
Kalinangang Bayan naman na nakaugat sa mga Kalinagang etnolingguwistiko
at sa karanasang pambansa ay magiging salamin at bukal ng ating loob.

Pagtatása:

A. Tama o Mali. Subukin natin muli ang iyong kaalaman batay sa mga
natutuhan mo na aralin sa modyul na ito. Isulat mo ang titik T kung ang
pahayag ay may katotohanan at M naman kung walang katotohanan. Kung
mali ang sagot. Isulat din ang sagot sa patlang bago ang numero.
1. Pilipinolohiya bilang eskuwela ng kaisipan, kilusan at
programang akademikong nagpupunyaging bumalikwas o pumihit ng
oryentasyon mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma,
kaisipan at metodolohiya ng noo’y umiiral ng Philippine Studies.
2. Ginagamit at nililinang sa rekontekswalisasyon ang mga
sariling karanasan bilang isang lipunan ng ating bansa.
3. Rekontekswalisasyon o Pagdadalumat/Muling Pagdadalumat
sa loob ng Kapilipinuhan sa ganang paneneorya
4. Sinkretismo ay ang pagsasalin-salin o pag-uugnay galing sa
banyaga at mga ekspertong Pilipino.
5. Ang indihenisasyon mula sa labas ay paggamit ng sariling
kultura bilang bukal ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na
naglalarawan ng pananaw sa daigdig ng mga Pilipino.
6. Ang indihenisasyon din mula sa labas ay pag-aangkin ng mga
konseptong mula sa banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at
kultural na asimilasyon ng mga ito sa karanasan ng mga Pilipino
7. Sistematikong pag-aaral ng Kapilipinuhan sa tatlong larangan:
Kaisipan, Kultura at Lipunang Pilipino
8. Ang Pangkayong Pananaw ay pakikipag-usap mula sa labas
tungo sa mga tagaloob ng isang partikular na kalinangan.
9. Sa Pantayong Pananaw ipinaliliwanag dito ang sariling
kalinangan at lipunan.
10. Ang Pangkaming Pananaw ay para sa atin mismo, sa diwang
atin, at sa wikang atin: sa loob.

B. Sa ikalawang bahagi ng pagtatasa sa iyong kaalaman ay piliin at bilugan mo


naman ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang Ama ng Pilipinolohiya?


a. Virgilio Enriquez c. Prospero Covar
b. Zeus Salazar d. Virgilio Almario

2. Siya ang Ama ng Pantayong Pananaw?


a. Virgilio Enriquez c. Prospero Covar
b. Zeus Salazar d. Virgilio Almario

3. Siya ang Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino?


a. Virgilio Enriquez c. Prospero Covar
b. Zeus Salazar d. Virgilio Almario

4. Sa anong taon nagkaroon ng educational Reform Decree? a.


1861 c. 1863
b. 1865 d. 1867

5. Ito ang tawag sa mga nakapag-aaral sa ibang bansa gaya sa Europe at


sila rin ay mga reserved na tao.
a. Illustrado c. Elite
b. Triumvirate d. Indio

6. Ito ang tawag sa mga akultaradong grupo ng tao nagsimula: ladino (mga
natuto ng Espanyol)
a. Illustrado c. Elite
b. Triumvirate d. Indio

7. Tawag sa lupon ng 3 tao na may kapangyarihan ng Pagsasakatutubo at


Pilipinisasyon ng Agham Panlipunan.
a. Illustrado c. Elite
b. Triumvirate d. Indio

8. Ito ang akda sa Bisaya na tinuturing na manwal para sa kababaihan sa


panahon ng Espanyol.
a. Bibliya c. Urbana at Feliza
b. El Filibusterismo d. Noli Me Tangere

9. Ito ay tinatawag na na nangyayari lamang kung iisa


ang code o pinagtutumbasan ng mga kahulugan
a. Closed Circuit c. Code Circuit
b. Rekontekswalisasyon d. Rekonseptwalisasyon

10. Ayon sa kaniya ang kasaysayan ay salaylayan ng mga pangyayaring may


saysay para sa sinasalaysayang pangkat.
a. Zeus Salazar c. Renato Constantino
b. Virgilio Enriquez d. Bienvenido Lumbera

Kahingian:

Bahagi ng paggagrado sa iyo bilang mag-aaral ang mga kahingian na


kinakailangan mong isumite sa iyong guro sa takdang panahon. Bilang bahagi ng iyong
pagkatuto sa modyul 2 ay nais namin na bumuo ka ng isang pagsusuri hinggil sa mga
kaisipan, kultura at kalagayan ng mga Pilipino.
Ito ang ilan sa mga maaari mong igawa ng pagsusuri.
1. Paano mag-isip ang Pilipino sa mga negatibong nangyayari sa kaniyang buhay?
2. Paano nagbago ang kultura noon at ngayon?
3. Ano na ang kalagayan ng Pilipino sa kasalukuyang panahon?
Mga Mungkahing Babasahin:
Sariling Atin: Ang Nagsasariling Komunidad Na Pangkomunikasyon Sa
Disiplinang Araling Pilipino Ni Ramon Guillermo

Philippine Studies/Araling Filipino/ Pilipinolohiya Sa Wikang Filipino:


Pagpopook At Pagdadalumat Sa Loob Ng Kapantasang Pilipino Ni
Mary Jane Rodriguez-Tatel

Mga Sangunian:

(BAKAS): (2015) Ang Paglaganap ng Bagong Pagbabalangkas at


Pagpapanahon ng Kasaysayang Pambansa, Panayam sa Unibersidad
ng
Sto. Tomas, Maynila;

Guillermo, R.. Sariling atin: Ang nagsasariling komunidad na


pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino. Retrieved
from
https://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman/articl
e/vi ewFile/5231/4701.

Guillermo, Ramon. (2009) Pook at Paninidigan: Kritika ng Pantayong


Pananaw. Quezon City: University of the Philippines Press.

Kimuel-Gabriel, Nancy. (2007). Ang Pantayong Pananaw at ang Usapin


mg Agenda sa Harap ng Iba’t Ibang Kilusang Pang-Akademiko at
Sosyo- Pulitikal: Kumperensyang Likas at Bakas UP Diliman.

Ramon Guillermo, (2008) "Toward a Filipino Language Philippine


Studies Project," Philippine Studies. Vol.56, No. 4

Rodriguez-Tatel, Mary Jane. (2012). Philippine Studies / Araling Pilipino


/ Pilipinolohiya Sa Wikang Filipino: Pagpopook At Pagdadalumat
Sa Loob Ng Kapantasang Pilipino. ISSN: 2012-0788

Salazar, Zeus. Kasaysayan ng Pantayong Pananaw (PP) at Bagong


Kasaysayan

You might also like