You are on page 1of 1

PABAHAY

Sa inilabas na ulat Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2017, pumapatak na humigit-
kumulang sa 11.7 bilyong piso ang nailaan na badyet sa pabahay at Housing Amenities. Kasama rito ang
mga benepisyong pabahay at mga probinsya para sa malinis na pinagkukunan ng inuming tubig para
mapagaan ang pamumuhay ng mga maralitang Filipino.

Ang National Housing Authority (NHA) bilang ahensya ng gobyerno ay nasa tatlumpu’t siyam na taon na
sa serbisyong pabahay ng masang Filipino. Ito’y nagbibigay tulong, serbisyo’t pagkakataon upang
umangat at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga benepisyaryo sa isang bagong komunidad at
kapaligiran. Patuloy itong nagpapatupad ng mga programa’t proyekto na higit na makakatugon sa tukoy
na pangangailangan ng mga awardee ng lote/yunit.

Bagaman napopondohan ito ng pamahalaan, nanatili pa ring usapin sa serbisyong pabahay ang mabagal
na inplementasyon ng mga programa.

Ang suliraning ito ay maaaring nag uugat sa:

1. Mabagal na proseso ng pagtatamo ng lupa (land acquisition)

2. Pagbibigay ng lisensya ng lokal na panahalaan

3. Urban planning at hindi malinaw na patakaranat tuntunin ng lokal na pamahalaan,

4. At hindi malinaw na polisiya ng pamahalaan.

You might also like