You are on page 1of 3

I.

Orihinal na Teksto

Wika at Kultura: Pagsasaling Nagpapakahulugan

Simplicio R. Bisa
Discipline: Philippine Culture, Filipino Language

Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang


lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa
wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas,
kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na
kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din
ng wikang yaon.
Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng
pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may
naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay
yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa
paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang
katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay
nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino,
at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.

II. Pagsusuri
A. Uri
Abstrak ang uri ng akademikong sulatin ng tekstong aming pinagkunan.

B. Gamit
Ang gamit ng akademikong pagsulat sa nasabi at nabasang teksto ay
depenisyon. Ito ay ang pagbibigay depenisyon o katuturan sa konsepto o
terminong ginamit. Sa teksto, ang salitang ‘’Filipino’’ ay binigyang
pagpapakahulugan at lubos na ipinabatid sa mga mambabasa.

C. Layunin
Layunin ng akademikong sulatin na magpabatid at mang-aliw, sa paraang
ipinapaunawa nila sa mga mambabasa ang tunay na kahulugan ng wikang
Filipino, kung ano ang pinagmulan o kasaysayan nito at kung bakit patuloy
itong umuunlad sa paglipas ng panahon. Ang wikang Filipino ay masasabi
nating isang buhay na kultura ng mga Pilipino. Ito ay wikang nagpasasalin-
salin at wikang nabuo dahil sa impluwensiya ng mga banyagang sumakop sa
bansang Pilipinas.

D. Ang Pinapatungkulan
Ang akademikong sulatin ay tungkol sa ‘‘Wikang Filipino’’. Isinasaad sa teksto
na ang bawat wika ay may bansang sinilangan at ang ating wikang Filipino,
ay nagmula sa bansang Pilipinas. Ang pinagkaiba lang ng ating wika ay sa
kadahilanang ito ay kombinasyon ng iba’t ibang wikang katutubo sa bansa at
naipluwensiyahan din ito ng mga wikang kastila, hapon at iba pa. Ibinahagi rin
sa teksto na wika ang nagiging tulay sa komunikasyon at naipapahayag ng
mga tao ang kanilang kaangkinang panlipunan sa pamamagitan ng wika.
Patuloy na yumayabong ang pambansang wika, ito ay maaring dala ng
pagbabago ng panahon o di kaya’y epekto ng makabagong kapaligiran kung
saan maraming tao ang may malawak na kaisipan. Yumayaman ang bansa
dahil sa mga angkin nitong wika at hindi natin maikakaila na tayo ay bunga ng
pagsasalin-salin at paghiram ng wika. Ang ating kultura ay naipreserba
sapagkat atin itong pinahalagahan. Wika ang ating nagging sandata
kaagapay ng karunungan at pagkakaisa.

III. Balangkas ng Teksto

I. Wikang Filipino
A. Wikang nagbubuklod sa mga tao
1. Ginagamit ng mga tao upang komunekta sa kanilang kapwa
2. Nakakatulong upang maipahayag ng mga tao ang kanilang
kaangkinang panlipunan

II. Pambansang Kamalayan


B. Kultura ng bansang Pilipinas
1. Yumabong dahil sa pakikisalamuha o pakikiisa ng mga katutubo sa
mga dayuhan
2. Patuloy na umuunlad dala ng makabagong panitikan at angking
karunungan ng mga mamamayan

IV. Buod ng Teksto

Filipino ang wika ng sambayanang Pilipino. Ginamit nila ang wikang ito upang
ipaalam ang kanilang kaalaman, mithiin, at iba pang mga pagpapahalaga sa lipunan,
gayundin ang kanilang mga paniniwala, sining, at mga batas. Sa patuloy na pag-
unlad ng wika at sa patuloy na pag-usbong nito bunga ng pakikipag-ugnayan ng
mga katutubo sa mga dayuhang mananakop o mga kaibigang may ibang kultura,
ang wikang ginamit bilang kasangkapan sa pamumuhay ay lalong yumaman sa mga
salita. Sa paggamit ng mga pangngalang ito sa mga pahayag na may katutubong
kayarian o anyo, lumawak ang limitadong bokabularyo ng mga mamamayan. Ang
mga tinatawag o nasaling mga salita ay nakakuha ng katangiang Filipino, inangkin
ng mga Pilipino, at ngayon ay naging kasangkapan sa pagpapahayag ng kultura ng
mga Pilipino.

V. Sanggunian

Bisa, S. R.. (1991). Wika at Kultura: Pagsasaling Nagpapakahulugan. MALAY, 9(1).


Retrieved from http://ejournals.ph/form/cite.php?id=7757

You might also like