You are on page 1of 9

INTRODUKSYON

Bawat bansa, bawat kultura, bawat lugar, may kani-kanyang pagkakakilanlan.

May sariling pamamaraan ng pamumuhay, may sariling mga paniniwala, may sariling

paraan ng pagkatuto at may sariling paraan ng pagbabasa at pagsusulat. Ang baybayin

o mas kilala sa tawag na alibata ay ang pinaniniwalaang pinakalumang sistema ng

panulat ng mga Pilipino. Bago pa man tayo sinakop ng mga Kastila ay sinasabing

mayroon ng baybayin.

Kasabay ng mabilis na pagbabago ng panahon ang pagyabong ng bagong

kaisipang kailangang makipagsabayan sa pandaigdigang paliksahan. Kaugnay nito,

ang tuon ng pamahalaan ay doon na lamang umiikot kung hindi man sa lipunang

inaapuhap ang karalitaan. Subalit isa sa nakalimutang bigyang-pansin ng pamahalaan

ang ating lumang sistema ng pagsulat, Ang Baybayin na—bahagi ng pagkakakilanlan

at kalinangang katutubong atin na dapat ipagkapuri ng mamamayang Pilipino bilang

isang Silanganin (Mendoza, 1978).

Ayon sa ibang mananaliksik, ang panulat na ito ay nagmula lamang sa sistema

ng panulat ng Saudi Arabia na nagmula sa pamilyang Abugida. Ngunit ayon naman sa

ilang mga artifacts na natagpuan mismo sa bansa tulad ng mga Manunggul Jars,

Angono Petroglyphs at Laguna Copperplate Inscription ay nais nitong suportahan ang

ideya na ang Baybayin ay likas sa bansa. Ang baybayin ay isang sistema ng panulat

na sinusulat ayon sa kung paano binibigkas ang isang salita. Sa madaling salita, ito ay

silabiko kung baybayin. Ngunit ang kakanyahan nito ay ang pagiging likas nito sa

bansa. Ang mga bansang Hapon, Korea, Tsina at Indonesia, ay ilan lamang sa mga

bansang ginagamit ang kanilang sariling sistema ng pagsulat bilang panulat.


Ayon sa mga pag-aaral sa Laguna Copperplate Inscriptions. Ang

pagkapanganak ng baybayin ay sanhi ng impluwensya ng Sanskrito na lumaganap sa

kalakhang Asya partikular na sa Timog Silangang Asya na ayon sa mga tala ay

nangyari noong 1000-1200 AD. Ito ang mga panahon kung kailan nagsimula ang

pagkalat ng mga sistema ng pagsulat at siyang pagtanggap naman ng mga katutubong

Pilipino sa isang paraang pasulat. Ang pag-usbong ng paraang pasulat na tinanggap ay

dahilan sa madalas na pakikisalamuha ng mga magkakaratig na isla ng

Timog-Silangang Asya. Ang impluwensya ng pagsulat na nakarating sa Pilipinas ay

paniniwalaang pangunahing nagmula sa Champa, Sumatra, Java, at Sulawesi dahil sa

sistemang pasulat ng mga ito na malaki ang lapit sa baybayin.


TALAKAYAN

Baybayin bilang Panulat

Isa sa mga pag-aaral na nakalap na siyang isinagawa ng Silent Gardens, ang

wikang panulat daw ay isa sa mahahalagang bagay upang mapalapit sa kultura. Ang

Rosetta Stone na nagbigay daan upang maintindihan ang hieroglyphics ay isa sa mga

patunay sa teoryang ito. Kaya naman kung ang baybayin ang gagamitin ay kadikit din

nito ang pag-unlad. Sa pahayag ni Palmer (2009), sa pamamagitan ng panulat, ang

mahahalagang pangyayari sa buong daigdig ay naitala ng kanilang kultura. Ang

pagpapaunlad ng panulat sa kasaysayan ng isang lipunan ay nagpapakita ng

pagyabong sa pamamagitan ng pagbabago hindi lamang para sa lipunan kundi para sa

sangkatauhan.

Ayon sa “Sa Pagbabanyuhay ng Sariling Pambansang Baybayin: Ang Wikang

Filipino sa Ika-21 Siglo” ang Baybayin ay maaaring modernisahin at iangkop sa

kasalukuyang sistema ng pagsulat (Cardenas, 2000). Tunay ngang hindi hadlang ang

mga pagbabago upang ipagpatuloy ang baybayin. Bagkus ay nakikita pa nating,

bagama’t mayroong mga kailangan isaalang-alanag sa pagbuhay muli ng baybayin ay

paniguradong may makakamit tayong kagandahan dito.

Kahalagan ng baybayin sa Kultura

Ayon sa kaniyang pag-aaral ni Virgilio Almario sa kaso ng baybayin at ang

sinaunang katutubo sa kulturang Filipino ang baybayin ay napaka halaga sa

etnograpiyang Filipino at sa pagkahubog ng kultura. Bago pa man dumating ang mga

mananakop, malinaw na ebidensiya ito ng sinaunang katutubo sa Pilipinas.


Lumabas sa pag-aaral ni Christopher Miller sa kanyang “A survey of

indigenous scripts of Indonesia and the Philippines,” ang Baybayin script ng ating

bansa na siyang sumasalamin sa ating kultura ay unti-unti nang nawawala o

nawawalan na ng pagpapahalaga mula sa mga tao sa Pilipinas, nawawalan umano

tayo ng identidad tungkol sa ating sarili. Ang Baybayin ay pamana sa ating lahi ng

ating mga ninuno na dapat ay pinagmamalaki at pinahahalagahan. Kaugnay nito,

maraming paraan ang maaring gawin sa pagbanyuhay ng ating lumang panulat lalo

na’t ito ang isa sa mga natatanging yaman at ambag natin sa mundo. Ilan sa mga

paraan na ilalahad sa ibaba ay pawang kailangan ng kooperasyon ng mamamayan lalo

pa’t sila ang pangunahing dahilan kung bakit may wika.

Isa pang mahalagang salik ay ang mungkahing batas ni 2nd District Congrassman
ni Bataoil o mas kilala natin bilang House Bill No. 5100 o “An Act declaring
Baybayin as the National Writing System of the Philippines and providing for its
promotion, protection, preservation, and conservation”; at No. 4882 “an Act
institutionalizing the use of Baybayin in all official logos of all government agencies,
departments, and offices.” Na sinuportahan naman ni Senadora Loren Legarda. Ang
mga mungkhing batas na ito ay naglalayong muling pagbanyuhay ng ating lumang
panulat at pagsasama nito sa kurikulum lalo na sa Elementarya at Sekondarya upang
maayos na matutuhan ng bagong lipunan, kaangkop nito ang ilang mga pagbabago
upang makaagapay sa bagong lipunan. Nais rin ni Senador Legarda na gamiting
simbolo ng mga ahensya ang Baybayin bilang pagpapakita ng marubdob na
pagmamahal sa ating pagkakakilanlan na nilimot na ng mga taong nasakop na ang
utak ng neo-kolonyalismong pilosopiya.

Pinagmulan ng Baybayin

Ayon naman sa pag-aaral ni Gandhi Cardenas (2001), pinatunayan niyang ang

Baybayin ay hindi mula sa ibang bansa, kundi likha mismo ng ating mga ninuno na
namuhay libong taon na ang nakalilipas. Ayon sa kanya, ang basehan ng ating

alpabeto ay hindi mula sa Romano kundi mula sa lumang uri ng panulat ng mga

Pilipino. Tinuran pa niya na ang pagkakalikha ng Baybayin ay isa sa

pinakamagandang kontribusyon ng bansa hindi lang sa Asya kundi maging sa buong

mundo. At sa muling pagbabanyuhay ng Baybayin, kakailanganin ng ilang mga

pag-aaral na maging modernisado ito upang maka-angkop ang panulat na ito sa

Globalisasyon sa bagong milenyo. Isang halimbawa rito ay ang aklat-sanayan na

Baybaying Rizaleo ni Marius Diaz na nailathala noong 1994 at naisakompyuter pa.

Makikita sa ibaba ang naging paliwanag ni Diza:

“Ibinatay po ang abakadang ito sa sinaunang pagsulat ng

ating mga ninuno, at minarapat po naming lakipan ito ng ilang

pagbabago upang ito’y maging ganap na kasangkapan sa ating

kasalukuyang pangangakilangan sa pagsusuri at pag-aaral, hindi

lang ng panitikan, kundi pati na rin ng mga teknikal na kaalaman sa

larangan ng agham at pangkabuhayan.”

Makikita sa aklat-sanayan ang 28 katitikan ng modernisadong Baybayin pati na

ang mga paraan ng pagsulat nito. Mayroon din itong katumbas para sa mga salitang at,

ang, mga at ay.

Baybayin sa Modernong Panahon

Ayon kay Cardenas (2001), transpormatibo ang magiging kabuluhan ng

modernisadong baybayin sa wikang Filipino. Iniwan niya rin ang katagang “babangon

mula sa pinagliningan,” tinutukoy niya rito ang Baybaying wala na at nakalimutan na

ng mga Pilipino.
Iminungkahi ni Cardenas, kung sakaling kilalanin bilang opisyal na pambansang

abakada, maari ito simulant sa pagtuturo sa kolehiyo hanggang sa unti-unting

palaganapin sa antas na mataas na paaralan at elementarya. Maaari ring

makapagpalabas ng aklat-sanayan sa pagsulat at pagbasa ng baybayin.

Ayon pa kay Rudgley (1999), ang panulat ay isa sa mga pangunahing

katangian ng isang lipunan na sibilisado. Kaya naman masasabi nating

nangangailangan na ng pagbabago. Hahayaan ba nating ang paraan ng panulat na

siyang nagbibigay sa atin ng kaunlaran ay hindi naman taal sa atin. Kung ano man ang

ating mga natatamo sa ngayon, ay maaaring mahigitan pa kung Baybayin ang

gagamitin. Sa aspektong kultural ay masasabi nating angkop ang mungkahing

baybayin.

Isa sa maaring pagkuhanan ng saligan sa mabisang pagbanyuhay ng ating

lumang Sistema ng panulat ay ang modelo ni lingwistang si Joshua Fishman (1991).

Binubuo ng hanggang walong antas ang modelong ito sa pagbabanyuhay ng mga

namamatay na wika. Kung susundin ang walong proseso na inilahad, maaari itong

gamitin sa muling pagbanyuhay ng ating lumang panulat kahit na nalikha ito para sa

wika lamang. Subalit kung sisipating mabuti ang pagsulat ay karugtong ng wika,

magkadikit ito ng pusod at hindi maaring paghiwalayin. Magiging matagumpay ang

pagbabanyuhay nito kung ang mga mamamayan kasama na ang gobyerno ay taos na

susuporta sa mga panukala. Magiging katangngap-tanggap lang din ito kung ang mga

taong gagamit nito lalo na ang mga may edad ay magiging responsible sa pagtuturo sa

kanilang mga susunod na salinlahi.


BUOD AT KONKLUSYON

Ang Baybayin ang pinaka unang paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno. Ayon

sa ibang mananaliksik hinango lamang ito sa paraan ng pagsulat ng Saudi Arabia,

ngunit may mga sumalungat naman patungkol dito.Sa pag-aaral ni Gandhi Cardenas

(2001), pinatunayan niyang ang Baybayin ay hindi mula sa ibang bansa, kundi likha

mismo ng ating mga ninuno na namuhay libong taon na ang nakalilipas. Isa pa sa

pagpapatunay na mayroon ng baybayin bago pa dumating ang ang mga kastila ay ang

diskubre ni William Henry Scott na ginagamit daw ng mga pilipino ang baybayin sa

pagdala ng sulat sa karatig bansa umaasa sila na matutulungan sila na mapalayas ang

mga mananakop sa bansa nakasaad din dito ang mga ginagawang masama ng mga

espanyol sa Pilipinas. Maari namang gamitin ang modelo nh lingwistang si Joshua

Fishman (1991). Binubuo ng hanggang walong antas ang modelong ito sa

pagbabanyuhay ng mga namamatay na wika. Kung susundin ang walong proseso na

inilahad, maaari itong gamitin sa muling pagbanyuhay ng ating lumang panulat kahit

na nalikha ito para sa wika lamang. Subalit kung sisipating mabuti ang pagsulat ay

karugtong ng wika, magkadikit ito ng pusod at hindi maaring paghiwalayin.Kaugnay

pa sa muling pagbuhay ng baybayin ay ang mungkahing batas ni 2nd District

Congrassman ni Bataoil o mas kilala natin bilang House Bill No. 5100 o “An Act

declaring Baybayin as the National Writing System of the Philippines and providing
for its promotion, protection, preservation, and conservation”; at No. 4882 “an Act

institutionalizing the use of Bayabayin in all official logos of all government agencies,

departments, and offices.” Na sinuportahan naman ni Senadora Loren Legarda.

Ang baybayin ay sadyang napakahalaga hindi dahil ito ang naging unang paraan

ng pagsulat ng ating mga ninuno kundi parte ito ng ating kultura na siyang isa ring

nagsisilbing pagkakakilanlan nating mga pilipino at kung sakali mang ito’y buhaying

muli ay sadyang makakapagbigay ng kagalakan sa nakakarami sapagkat binibigyan

nila tayo ng pagkakatao na silipin o maranasan kung ano ang pakiramdam ng

paggamit ng sinaunang paraan ng ating mga ninuno, dahil isa ito sa ating

pagkakakilanlan nararapat lamang na ito’y payabungin.


SANGGUNIAN

https://www.academia.edu/23403734/Katanggapan_ng_Baybaying_PUP_Panulat_ng
Unang_Pilipino_sa_mga_Guro_sa_Mataas_na_Pampublikong_Paaralan_sa_Lungsod
ng_Naga_Camarines_Sur_Taong_Panuruan_2015-2016_March_2016.

http://baybayinbuhayin.blogspot.com/p/about-baybayin-buhayin.html

https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/01/22/pagaaral-ng-baybayin/

https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/2016/04/08/ang-kasaysayan-ng-pagga
mit-ng-baybayin-sa-pilipinas/

The Ancient Script of the Philippines by Paul Marrow

You might also like