You are on page 1of 4

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
Pagba sa at Pagsusu ri ng Iba’t Ibang Teks to Tun go sa Pananaliksi k

Benjito Dominico M. Sutingco


Ika-11 na Baitang
ANG ni Ini go Ed. Regalado

DALAGINDING
PAGLALARAWAN SA TAUHAN
Ang mga tauhan sa storyang ito ay sina Irene at Daniel. Si Irene ay labis na
mailalarawan bilang isang "Tala ng Kabukiran" dahil sa angkin nitong kagandahan,
kabaitan, at kahinhinan. Kinikilala rin siya bilang Ineng na palayaw sakanya ng
nakararami. Siya ay hindi gaanong maganda ngunit sobrang nakaka-aliw, may mga
magagandang mata, kulay kayumanggi, magandang pagkaka-hugis ng mukha, at
bilugang pisngi na may magagarang dimples. Siya ay malambing at kinagigiliwan nang
lubos ng kanyang mga ka-nayon. Tinagurian siyang “Dalaginding” ng mga nakakatanda
dahil sa pagiging magalang, mabait, at masunuring anak. Siya ay kilala rin bilang "Ang
Magsasampagita" dahil nakatira siya sa bukid ng mga sampaguita. Siya ay disiplinado,
mapagmahal, masikap, at mapagkakatiwalaang dalagita. Sumunod ay si Daniel. Siya ay
isang binatang may lihim na pag-hanga kay ineng at pumapakyaw sa paninda nitong
sampaguita. Siya ay isang lalaking mayaman na may pagka-sikat din sa kaniyang pook.
Bilang isang may lihim na pagtingin kay Irene, hindi importante sa kanya kung mahirap
man ang dalaginding sapagkat nahulog ang loob nito sa babae.

BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?


ni Lualhati Bautist
a

PAGLALARAWAN SA EMOSYON
Ang nobelang Bata, Bata, Paano ka Ginawa? ni Lualhati Bautista ay naglalahad ng maraming
emosyon at damdamin. Mailalarawan sa nobelang ito ang katangian ng isang matatag,
mapagmahal, at may integridad na babae. Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng
paglalarawan sa tauhan sapagkat ito ang nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan
ang kanyang ginawa. Si Lea, ang pangunahing tauhan, ang babaeng binibigyang diin ang
nararamdaman, emosyon at karapatan nito sa isang lipunan. Makikita sa nobela ang
matatalinhagang emosyong kanyang pinanghawakan at pinagdaanan. Isa sa emosyong
mailalarawan sa nobelang ito ay ang "katapangan ng isang babae". Katapangan niya sa iba't-
ibang aspeto ng buhay tulad ng paaralan ng kaniyang anak, kaniyang trabaho, at maging sa
lipunan. Bagama't minsan, bilang bida, nakaranas rin ito ngemosyon pagkalungkot at
pagkahina ng loob sapagkat mahirap tanggapin ang mahal niyang may kinakasamang iba.
Siya rin ay nalugmok sa kalungkutan na naghantong sakaniyang labis na pagkakaluha sa
ganoong sitwasyon. Siya ay maituturing na kababaihan sa modernong panahon dahil sa
katangian niyang ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang babae sa lipunan. Masisilayan sa
kaniyang emosyon at damdamin ang pakikipaglaban sa karapatan ng bawat tao sa lipunan,
kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa isang pamilyang iniwan ng ama, o di kaya’y
nakulong o pinatay. Makikita din dito ang emosyong paghanga sakaniya ng kapwa babae dahil
sa angking nitong katapangan at pagiging mapagmahal na ina. Pinakita rin sa nobela kung
paano siya nanatiling matatag na ina sa kaniyang mga anak sa gitna ng mahirap na sitwasyon
nila ng kaniyang dalawang asawa.

Benjito Dominico M. Sutingco Tekstong Deskriptibo Pagbasa at


Pagsusuri
CANAL DELA REINA
ni Liwayway Arce o

PAGLALARAWAN SA TAGPUAN
Ang nag-iisang tagpuan sa nobelang "Canal De La Reina" ni Liwayway Arceo Bautista ay
ang isang totoong pook sa Tondo Maynila na Canal De La Reina. Ito ay isang magandang
ilog ng kasaysayan na binalot ng kadumihan pagkalipas ng panahon. Inilarawan din dito
ang pagiging madumi at mabaho ng ilog na dati’y malinis at tila paraiso ang tanawin.
Makikita ng malinaw ang mga detalye sa tagpuan na madumi, mabaho, at ipinapakita ang
larawan ng kahirapan ng mga iskwater sa pook. Maraming mahihirap na mamamayang
nakatira at nakapalibot sa gilid ng ilog na ito. Ang tagpuan na ito ay kasalukuyang
nakalubog na sa putik at nababalot ng masangsang na amoy. Ang kagandahan nito noong
unang panahon ay hindi maihahalintulad kumpara sa ibang ilog sapagkat ito ay nagsisilbi ng
magagandang tanawin na kinalaunay binago ng di magandang pamamalakad sa
sibilisasyon, globalisasyon at kawalang disiplina ng bawat mamamayan. Ang pook na ito ay
napapalibutan ng mga basurang nagpapasikip at nagpapahirap sa agos ng buhay ng mga
Manileño. Nakilala ito dahil sa ganda at halimuyak ng kapaligiran. Ito ay hindi lamang
lupang sinilangan ng mga ninunong Pilipino, kundi ito rin ay isang representasyon ng
pagkagising at pagbabago ng tungo sa kaunlaran ng lugar.

ANG AKING KRISMAS


ni Ma ry Gra ce del Rosari o

TRI
PAGLALARAWAN SA MAHALAGANG BAGAY
Maraming mahahalagang bagay ang mapupulot sa kwentong' "Ang Aking Kristmas Tri" ni
Mary Grace del Rosario. Isa dito ang kagandahan ng kristmas tri kapag dinekorahan ng
maraming palamuti at iba pang mamahaling bagay. Inilalarawan dito na ang krismas tri
sumisimbolo sa pamilya ng bida at may-akda na si Mary Grace. Ang kuwentong ito ay
nakasentro sa kristmas tri ng isang pamilya. Kristmas Tri na sumasagisag sa paghahanda
ng pagdiriwang sa araw ng pasko. Sa tuwing itatayo ng bida ang krismas tri kapag nalalapit
na ang kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit niyang dinadagdagan ng mga
palamuti ito, at hindi basta-basta palamuti, ‘ yung mamahalin. Mayroon ding mga
mamahaling bola, at sumunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang idinadagdag
niya. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. Dumating ang panahong
hindi na nakapagtatayong muli ng kristmas tri, kasabay ng hindi pagkakumpleto ng kanilang
pamilya. Hinahanap hanap ang kasiyahang naidudulot nito at ng mga palamuting
nakapalibot dito. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi mawari kung ano ang dahilan ng kanyang
pakiramdam na para bang may kulang. Ang mahahalagang bagay dito ay hindi lamang ang
mga bagay na pangdekor sa kristmas tri, kundi pati narin ang pinakamahalagang bagay na
pinupunto ng storya, ang kahalagahan ng pamilya. Ang kahalagahan ng pamilya ang
pinakamahalagang bagay dito dahil ito ang nagbibigay ganda at liwanag sa kristmas. Na
kahit anong ganda, palamuti, at dekorasyon ang inihahanda ng bida sa kaniyang kristmas
tri, ay may pagkukulang padin na nadarama sa kaniyang kalooban.

Benjito Dominico M. Sutingco Pagbasa at


Tekstong Deskriptibo
Pagsusuri

You might also like