Kaya ang pagkakaisa at pananampalataya sa Maykapal ay lalong umigting Pilipino ang ating lahi, likas na kulay ay kayumanggi Sa anumang laban sa buhay ay tunay na hindi tayo magagapi.
Pagmasdan ang kapaligiran binabalot na ng kadiliman,
Napuno ng pagdadalamhati sa kababayang pumanaw na ng tuluyan, Kailan kaya makakawala ang Inang bayan sa tanikala ng kasalukuyan? CoVid-19 kailan ka pa lilisan? Upang amin nang malasap ang inaasam na katas ng kaginhawaan.
Kami’y tila mga ibon na nakakulong sa hawla
Walang kalayaang lumipad at makisalamuha sa kapwa Aming isipa’y nilamon na ng masidhing pangamba Na baka kami ay mahawa at makahawa rin sa iba.
Nais nang mawala ang masamang imahe na sa isip ko ay bumabagabag
Bakit maraming buhay ang kailangan mawala sa kabila ng pagiging matatag? Suliranin sa ating komunidad ay lalo pang nadagdagan Kaya di magsasawang maghintay sa pagsapit ng bukang-liwayway at muling pagsikat ng araw Na siyang naghahatid nang panibagong lakas at pag-asa sa sanlibutan.
Anumang dagok ang sumubok sa ating katatagan
Anumang hilahil ang pumigil sa ating pagkakapit-bisig Mananatili tayong malakas sa pag harap sa anumang hamon At kumapit lang sa magandang plano ng Panginoon. Sa gitna ng isang delubyong kinakaharap Walang tatalo sa bayanihan na patuloy na namamayagpag, Ang mga tala na nagkikislapan sa pisngi ng kadiliman Na nagsisilbing pansamantalang liwanag at gabay sa buhay.
Tayo ay Pilipino, walang sinusukuan na laban
At lalong pinapatatag nang mga hirap na pinagdaanan Kailanman ay hindi nawawalan ng pag-asang makaahon sa pagkalubog At makawala sa pagkagapos ng tanikalang sumusubok sa ating kakayahan, Sapagkat bansang Pilipinas ang sa ating pagkatao ay humubog.